Kiss and Don't Tell

By CloudMeadows

5.6K 360 90

Getaway Girls Series #1 After a night filled with the triadic hues of red, blue, and yellow, Celeste knew tha... More

Kiss and Don't Tell
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4

Prologue

1K 62 4
By CloudMeadows

Kiss and tell
/ˌkɪs.ənˈtel/

Definition: Disclosing private or confidential information, especially in a firsthand account.

****


TW: Abuse

PAYAPA. Isang salitang natatamasa ko lang sa tuwing nakatitig sa langit na kulay abo na pinapaligiran ng puting mga ulap na tila ba naaawang nakadungaw sa akin mula sa itaas. Tila nakikita nila ang sikretong itinatago ko.

Unti-unti nang nagsisilabasan ang mga bituin kasabay nang pagtatago ng kulay kahel na araw, hudyat ng pagtatapos ng araw na ito. 

"Bebe ko!" May gumulo sa aking buhok mula sa likod. Mukhang alam ko na kung sino. Isang hinayupak lang naman ang tumatawag sa akin niyan.

"Tarantado ka, Cohen!" sigaw ko.

Tumawa siya habang inaayos ko ang buhok kong parang binagyo.

Tiningnan ko siya at napansing nakasuot siya ng dobok, 'yung uniporme na isinusuot nila sa taekwondo. Tumingala ako para tingnan ang buhok niyang pawisan kaya kinuha ko ang panyo ko saka ko 'to ibinato sa kanyang mukha. Wala akong pake kung black belter siya.

"Grabe ang sweet naman ng bebe ko," pang-aasar niya.

"Bakit 'di ka man lang nag shower? Kadiri ka!" 

"E, nag-text ka kasi na pauwi ka na kaya nagmadali ako papunta rito! Anong oras na, oh!"

"Bakit parang kasalanan ko pa? Alas-sais pa lang naman!"

"Ano ngayon? Kung uuwi ka, dapat kasama mo ako," seryoso niyang saad at parang manghahamon ng away kapag tumanggi ako.

Napabuntong hininga ako. Ewan ko sa lalaking 'to. Hindi na lang ako nakipag-away pa at baka i-front kick pa ako ng damuhong 'to. "So, tapos na training niyo?"

"Oo. Nga pala, ba't nandito ka sa hospital? May balita na ba kay Noah?" nag-aalala niyang tanong.

Umiling ako at sinubukan kong 'wag ipasilip sa kanya ang malungkot kong mukha bago siya pumunta rito. Sinubukan ko ring ayusin ang tono ng boses ko para hindi halatang umiyak ako kanina. "Wala. Binisita ko lang siya saglit." 

"Lest, alam mo naman na pwede kang humingi ng tulong sa 'kin, 'di ba? Papahiraman naman kita—"

Mabilis akong umiling. Ilang beses na siyang nag prisinta na tumulong pero hindi naman niya kailangan gawin. Responsibilidad ko 'to dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit nakaratay ngayon si Noah sa hospital. 

"Tara na?" pag-aalok ko upang maiba na ang usapan. 

Pumunta kami sa sakayan ng jeep at saktong dalawa ang kulang kaya naman pagkaupo namin ay umandar na ito. Bago ko pa madukot ang coin purse ko ay inabot na ni Cohen ang bayad para sa dalawang tao bago niya ako nilingon. 

"Ayos ka lang ba?" nag-aalala niyang tanong.

"Ha? Oo naman!" 

"Weh? Ang putla mo, para kang white lady. Gusto mo idala kita sa albularyo?"

Umirap ako at siniko siya nang malakas sa sikmura. Napadaing naman siya at kalaunan ay tumawa. Ewan ko ba kung paano ko 'to naging kaibigan. Napaka siraulo.

Napaigtad ako sa gulat at sakit nang hindi sinasadyang nadaganan ng ale sa aking tabi ang pasa sa aking braso nang biglang huminto ang jeep.

"Manong naman! Dahan-dahan naman po!" naiinis na wika ni Cohen at hinawakan ang kabilang braso ko para hindi ako sumubsob sa sahig.

Humingi ng pasensya ang driver at nagpatuloy sa pagmamaneho.

Itinago ko agad ang sakit sa aking mukha nang lingunin ako ni Cohen. 

"Ayos ka lang ba, bebe?"

Tumango ako. Nasanay na ako na tinatawag niya akong ganyan kahit na noong una ay napaka jejemon ng pagkakasabi niya. Minsan napagkakamalan kaming mag jowa pero hindi namin pinapansin. At wala ring nangangahas na guluhin ako dahil ayaw nilang mabugbog ni Cohen. 

Half-korean si Cohen at lumaki siya sa Seoul ng sampung taon bago lumipat ang kanilang pamilya rito. Isa siyang black belter sa taekwondo at kakatanggap niya lang ang kanyang fourth degree certificate sa black belt ngayong 18 na siya. Simula bata pa lang ay ito na ang kanyang sport kaya naman ang ganda ng pangangatawan niya.

Siya rin ang representative ng aming school sa mga national and international events. Pero ang talagang nagpapakilig sa mga admirers niya ay ang mabibilis niyang reflex. Para kasi siyang hangin sa sobrang bilis niyang gumalaw. Magaan din siya sa kanyang paa kaya para siyang lumilipad kapag sumisipa.

Maputi ang kanyang balat na tila ba gatas ito, matangos, matangkad at mukhang aso.

Ibig kong sabihin, mukha siyang maamo, parang golden retriever. 

Pero pwede na ring asong kalye. 

Kidding aside. Cute din kaya ang mga asong kalye! Wala dapat diskriminasyon pati sa aso! Lahat sila cute. Depende lang sa pangangalaga. 

"Manong, para po!" wika ko at sabay kaming bumaba ni Cohen. Medyo magkalapit ang bahay namin ngunit nakikibaba pa rin siya upang ihatid ako bago maglakad papunta sa kanila.

Habang naglalakad kami papalapit sa bahay ay nagsisimulang balutin ng takot ang aking katawan. 

"Dito na ako. Salamat sa paghahatid."

Tumango siya. "Mag-ingat ka papasok sa bahay niyo, ha? Baka madapa ka na naman at madadagdagan ang pasa mo. Tanga lang?"

Inismiran ko siya. "Gege, lods."

"Bye, bebe." Tinapik niya ako sa likod saka naglakad paalis. 

Buti na lang napapaniwala ko siya sa mga kwento-kwento ko kung saan ko natatamo 'tong mga pasa sa katawan ko. Sinigurado kong wala na siya bago tuluyang napawi ang aking ngiti. Pinapatagal ko lang ang aking oras dito sa labas bago ako pumasok sa gate.

They say the magic thing about home is that it feels good to leave, and it feels even better to come back.

I agree except for the latter part. It feels good to leave, and it feels worst to come back.

Kung dati ay naaamoy ko ang luto ni Mama tuwing pagkagaling ko sa school, ngayon naman ay ang matapang na amoy ng alak at yosi ang bumabati sa akin. Nasa bungad pa lang ako ng pinto ay napatakip agad ako ng ilong. Pagkapasok ko sa bahay ay nanlumo ako sa mga nagkalat na bote ng alak sa sahig. Napupuno na naman 'yung mga hugasin sa lababo. May mga bagong plato at baso na naman ang nabasag. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses akong umuwi na ganito ang tanawing sumasalubong sa akin.

Napahinga ako nang malalim at nag-umpisang ayusin ang mga nagkalat na bote ng alak na sa sahig. Umaasa pa naman ako na sana wala ngayon si Papa ngunit mas lalo akong nanlumo dahil naririnig ko siya sa sala. May naapakan akong balat ng chichirya sa sahig at naglikha ito ng ingay. Napapikit ako at saka mapait na napalunok. Alam ko na kung anong mangyayari.

"Celeste!" Dumagundong ang boses ni Papa nang matunugan niyang nakauwi na ako. 

Napahinto ako. Namuo ang takot sa aking sistema. Sa tuwing naririnig ko ang kanyang boses ay nangangatnog ang aking tuhod.

"Pa?" I said in a trembling and small voice.

"Halika rito!"

Nakita ko siyang nakaupo sa couch sa at may hawak siya ngayong papel na naka-roll at sa harapan niya ay may apat na puting pulbo na naka linya. Sa tabi niya ay may kasama siyang babaeng lasing at suot-suot niya ang t-shirt ni Papa. Parehong namumungay at namumula ang kanilang mga mata.

Nakatingin ako sa kamay nito na mahalay na nakahawak sa dibdib ni Papa at sumunod ang tingin ko sa daliri ni Papa kung saan prenteng nakasuot doon ang wedding ring nila ni Mama.

"B-Bakit po?"

Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan at sabay tanggal sa suot niyang sinturon. 

Mabilis akong umiling. Nagmamakaawa ang aking titig. Hindi pa naghihilom ang mga sugat ko sa likod na natamo ko dahil sa malakas niyang pagkakatulak sa akin noong isang araw. Pati 'yung mga pasa ko sa braso dahil sa pagkakabugbog niya sa akin kahapon.

"Lumapit ka, Anak," mapanuya niyang sabi habang nakangiti.

Kung hindi ako lalapit, ihahampas niya 'yan sa akin. Kung lalapit ako, may tiyansang magbago pa ang kanyang isip. Gustong gusto niya kapag nagiging masunurin ako at walang reklamo. 

Kaya 'yon ang ginawa ko, dahan-dahan akong lumapit. 

"Kamusta na ang kuya mo?" tanong niya habang pinapaikot niya ang dulo ng sinturon sa kanyang palad. Napatitig ako rito at napalunok. Alam kong masamang balita ang lalabas sa bibig ko at alam ko rin kung anong mangyayari sa akin dahil paniguradong hindi niya magugustuhan ang aking sasabihin.

"Kagagaling ko lang po sa hospital at . . . at mas bumaba raw ang survival rate ni Noah ayon sa Doctor." Mahina ang ang pagkakabigkas ko sa dulo.

"Hmm." Humigpit ang hawak niya sa sinturon. Nanginginig ang kanyang kamay. "Ang nanay mo?"

"Papa," nanlulumo kong sabi. Ganito siya palagi kapag nalululong siya sa siya sa alak at droga, palagi niyang tinatanong si Mama. "Iniwan niya po tayo . . . matagal na."

Limang taon na ang nakakaraan nang magsimula ang unti-unting pagkawatak ng aming pamilya dahil sa kasalanang nagawa ko.

At araw-araw 'yon na pinapamukha ni Papa.

Unti-unting nawala ang ngiti sa kanyang labi. Matalim na siyang nakatingin sa akin habang lutang na nakatingin sa amin ang babaeng kasama niya. "Anong sinabi mo?!"

Humakbang siya papalapit sa akin at hinatak ang buhok ko. Kung mahal ni Papa si Noah, mas mahal naman niya si Mama. Masakit para sa kanilang dalawa ang nangyari sa kapatid ko ngunit nang umalis si Mama ay para siyang nabaliw. Nalulong siya sa alak at droga at nagsimula siyang magdala ng mga babae rito upang maibsan ang ibang pangangailangan niya.

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

Hindi ako makatinging sa kanyang mata. 

"Bawiin mo!" Marahas niyang binitawan ang buhok ko saka malakas akong itinulak sa sahig kaya napadapa ako. Walang pag-aalinlangan niyang ihinampas ang sinturon sa likod ko nang tanging hikbi ang naisagot ko.

Napasigaw ako sa sakit lalo na't ginamit niya ang dulong parte kung saan naroroon ang bakal. Tumama ito sa buto ko sa likuran. 

"I'm sorry . . ." Para akong sirang plaka at paulit-ulit na humingi ng tawad. Nanginginig ang aking ibabang labi sa tinding sakit.

Inulit niya ito na parang sa akin niya ibinubuhos ang galit. Tumawa na parang baliw ang babaeng kasama niya na tila may nakakatawa sa nangyayari ngayon.

Nanginginig ang aking katawan. Umawang ang labi ko para pakawalan ang naipon na mabibigat kong hininga.

"'Wag kang umiyak punyeta! 'Di naman malakas pagkakahampas ko, e!" 

Pumikit ako nang mariin at tumango. Nanginginig kong tinakpan ang aking bibig para pigilan ang aking mga luha dahil baka mas lalo siyang magalit. Pati pag-iyak ay natatakot na akong gawin. Hindi ko alam kung paano ko na ibubuhos 'tong emosyon na 'to kaya pilit ko na lang ito ibinaon sa aking dibdib at umaasang huhupa ito balang araw.

Ngunit alam kong napupuno na ito dahil ilang taon ko na itong kinikimkim. Ang bigat sa dibdib. Ang sakit. 

"Sana ikaw na lang ang namatay noong gabing 'yon! Sana nandito pa si Gianna at wala sa hospital ang kapatid mo!"

Bawat salita ay parang kutsilyo na tumagos sa aking dibdib at parang mas niliyaban pa ito ng apoy dahil sa tatay ko pa mismo nanggaling.

"I'm sorry, Pa," otomatiko kong sagot. I deserve this. It was all my fault.

"Kung hindi dahil sa'yo, sana hindi nagkawatak-watak ang ating pamilya!"

Sa paglapat muli ng kanyang sinturon sa aking likod ay nakagat ko ang aking labi. Sa sobrang riin nito ay nalalasahan ko kaunti ang aking dugo.

"Umalis ka sa harapan ko!" 

Tumigil din siya sa wakas dahil tumayo 'yung babae at niyakap siya mula sa likod, inaanyayahang ipagpatuloy ang naudlot nilang ginagawa kanina.

Mabilis akong umalis bago pa kung anong mangyari. Nagkulong ako sa aking kwarto at doon na bumuhos ang aking luha. 

Sinusubukan kong sanayin ang sarili ko sa sakit. Sinusubukan kong kumbinsihin ang sarili ko na hindi naman kasing sakit ang ginawa niya kumpara noon. Sinusubukan kong maging maayos.

I always put on a facade where I appear brave and happy all the time but the moment I enter my room, I can see the cracks. Tila ba natanggalan ako ng maskara at ang tanging nakakakilala lang sa totoong ako ay ang taong nakatitig pabalik sa akin sa salamin.

Tinitigan ko ang aking hitsura sa salamin. Sabog ang mahaba at itim kong buhok na natanggal sa pagkakatali. Namumula ang aking ilong at pisngi. Basang basa ang aking pilik-mata. My freckles looks more prominent because of how pale I am. Wala akong tulog dahil pinagsasabay ko ang pag-aaral at trabaho. Tapos kapag uuwi ay maglilinis ako at maaga akong gigising para magluto ng umagahan. God, I look like a mess.

Marahas kong pinunasan ang aking mga luha at nagpalit. Ininda ko ang sakit sa aking likod na ngayon ay mainit at mahapdi at ramdam ko ito sa batok hanggang sa bewang. 

Naiwan ako sa aking bra at sa muli kong pagsilay sa salamin ay kitang-kita ko ang mga iba't iba kong sugat. May mga naghihilom pa lang, may matagal na at nag-iwan ng marka at may mga bago. May mangilan-ngilan ding pasa.

Nagsimula akong magdamit para itago ang katawan ko na nakakaasiwang tingnan. Siguro balang araw masasanay din ako sa sakit sa puntong tatawanan ko lang ito.

Hindi ko kayang sisihin si Mama kung pinili niyang iwan kami dahil pagkatapos ng insidente noong gabing 'yon ay naging alcoholic si Papa at lagi na silang nag-aaway ni Mama. Kung maaari lang na ibalik ang nakaraan, matagal ko na itong ginawa.

Ang dating tahanan na puno ng pagmamahalan ay napuno ng sigawan.

Ang dating tahanan na puno ng kasiyahan ay napalitan ng iyakan at sisihan.

Niyakap ko ang teddy bear na ibinigay sa akin ni Noah, ang aking kapatid, noong nanalo siya sa isang palaruan sa peryahan. Kahit hindi yumakap ang manika pabalik, sapat na ito upang tumigil ako sa kakaiyak. 

Minsan napapaisip rin ako kung mararanasan ko rin ba balang araw na may yayakap sa akin pabalik at bubulong sa akin na magiging maayos din ang lahat. Na malalagpasan ko rin ang mga problemang hinaharap ko. Na sasabihin sa akin na hindi masamang mapagod, magpahinga ka lang at kapag pakiramdam mo ay ayos ka muli saka ka magpatuloy sa laban.

Balang araw . . . Sana . . .

Tumunog bigla ang aking phone na ikinabigla ko. Tiningnan ko ang caller at napapikit bago 'to sinagot. Mukhang alam ko na kung anong sasabihin ng taong nasa kabilang linya kaya tumayo na ako at nagsimula ulit maghubad.

"Hello?"

"Lest! Avail ka ba ngayon?" kinakabahan sabi ni Ma'am Aurora or Ora for short. Ang boss ko. "May emergency kasi sa bahay tapos saktong nakatanggap ako ng client at walang mag co-cover dahil saktong naka leave si Hannah at Esther. Baka pwedeng ikaw muna kung hindi ka busy?"

Hindi nalalayo ang agwat namin sa edad ni Ma'am Ora. She started a sole business at the age of 21 at medyo lumalago naman ito. Ayun nga lang ay kulang kami ng kasamahan dahil hindi pa gaano kaya ng budget niyang magdagdag dahil nagkakaroon siya minsan ng emergency sa bahay nila.

Nagpalit ako ng sweatshirt at jeans. Simple lang dahil madudumihan lang din naman mamaya. Umubo ako upang ayusin ang garalgal kong boses.

 "Ayos lang, ano ka ba! Tutal wala rin naman akong gagawin ngayon."

Ang totoo niyan, gusto ko lang umalis dito sa bahay at isa pa, medyo maaga pa naman. Alas-otso pa lang ng gabi. Hindi rin ako makakatulog sa sobrang sakit ng aking katawan.

"Oh my god! Thank you! 'Wag kang mag-aalala dadagdagan ko ang sahod mo. Hulog ka talaga ng langit, Lest!" 

Natawa ako. "Nahulog o hinulog?"

Tumawa siya sa kabilang linya at sinabi niya sa akin ang lokasyon ng bagong kliyente. Kinuha ko ang aking sumbrero bago lumabas. Mabuti na lang at wala na sila Papa at nang mapadaan ako sa kanyang kwarto ay naririnig ko ang mga malalaswang pinaggagawa nila.

I sighed. 

Umalis na ako at pumunta sa paradahan ng jeep upang pumunta sa office ni Ora kung nasaan ang mga cleaning supplies. Pagkalipas ng ilang minutong sakay ay nakarating ako roon. Chineck ko ulit 'yung sinend na impormasyon ni Ora upang alamin kung anong kailangan kong dalhin.

To summarize, kailangan ko lang linisin ang condo ng kliyente. Kinuha ko na ang mga kakailangan kong panlinis at nilagay sa bag. Mabuti na lang at 'di ko kailangang gumastos ng pera pang transportasyon dahil sagot na rin 'yon ng kliyente, sa kanya lahat icha-charge ang expenses pati ang mga nagamit na panglinis.

"Knox Hugo Vallejo?" pagbabasa ko sa pangalan ng kliyente. It sounds familiar.

Pumara na ako ng taxi at ibinigay ang address papunta sa kanyang condo. Pagkarating ko roon ay nag log-in lang ako sa reception area  saka pumasok sa elevator. Mas ibinaba ko ang sumbrero upang takpan ang aking namumulang mukha.

Pagkalabas ko ay may nakabungguhan ako na isang babae. 

"We're over—Ouch!" 

Matangkad siya, parang modelo, at kagaya ko ay nakasuot din siya ng sumbrero kaya 'di ko masilayan ang kanyang mukha.

Medyo natigilan ako dahil pamilyar ang kanyang boses.

Imposible. . .

"I'm sorry." Yumuko ako.

She scoffed and muttered, "Bitch."

Nagtaas ang kilay ko ngunit bago niya ito makita ay umalis na siya at pumasok sa elevator na sinakyan ko kanina. 

"Bless you," I whispered.

Nasa top floor ako at sa wakas ay nahanap ko na rin ang unit ng aking kliyente. Pinindot ko ang buzzer sa tabi ng kanyang pinto. Naka-connect ito sa intercom sa loob ng kanyang condo. Hindi ko maiwasang mamangha, nakikita ko lang ito sa K-Drama, e. 

"Cleaning service," sabi ko roon sa speaker. 

Lumipas ang ilang segundo ngunit 'di bumukas ang pinto. Napakunot-noo ako at medyo kinakabahan. 'Wag niyong sabihin na troll client 'to? Prank ba 'to? Isa pa, mas lalong kumunot ang noo ko dahil medyo may naamoy akong singaw ng alak mula sa loob.

Ayokong manghusga pero pinangunahan ng takot ang aking utak. Naalala ko muli ang aking ama na lagi akong sinasaktan sa tuwing lasing siya. Paano kung gano'n din gawin sa akin ng kliyenteng 'to?

Napahakbang ako paatras ngunit kasabay no'n ang pagbukas ng pinto.

"Tate," a low and husky voice greeted me. 

Mas lalong tumama sa mukha ko ang amoy ng alak pagkabukas niya ng pinto kaya napaubo ako.

"Sinong Tate? Hindi ako si—"

It happened too fast. Hindi ko pa naaaninag nang husto ang mukha ng lalaking nasa harapan ko nang bigla niya akong hilain at sinalubong ng mainit na yakap. Kinulong niya ako sa bisig niya na para bang takot akong mawala.

Napatulala ako. 

"Tate . . ." he murmured against my neck. His lips left scorching trails on my skin.

Doon lang ako natauhan at malakas siyang itinulak papalayo ngunit para siyang bato, hindi man lang siya natinag. His chest was hard against my touch as if he's working out constantly. Inalis ko agad ang kamay ko roon nang makaramdam ako ng pag-iinit sa pisngi.

"T-Teka lang! Nagkakamali ka! Ako si Cele—"

"Please come back," he whispered in the softest tone I heard and squeezed my waist gently.

"Ang kulit mo naman! Hindi nga ako—"

"'Wag kang umalis. Dito ka lang, please?" Isinuksok niya ang kanyang ulo sa aking leeg at mas lalong humigpit ang kanyang pagkakayakap. I can feel his hot breath beneath my ear, invading my sensitive spot.

Medyo napangiwi ako dahil nasasagi niya 'yung pasa sa likuran ko. 

"Sino ba si Tate?" I tap his shoulder. Somehow, even though I'm in pain, his warmth eases the ache in my chest. Because I've been needing this for a long time. A hug.

He didn't answer my question. He just blabbered something nonsense. Halatang lasing na lasing.

Hindi ako makahinga. His behavior surprised me. Halatang nakainom siya at inaasahan kong sasaktan niya ako gaya ng ginagawa ng aking ama ngunit taliwas ito sa nangyari. 

He held me as if I were a priceless treasure he was not willing to share with anyone. He held me selfishly as if the world will take me away from him. He held me so tight that our bodies become one.

But I know this comfort hug is not for me. It's meant for someone else. It belongs to a woman whose name is Tate. Not Celeste.

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 60.2K 27
COMPLETED | UNEDITED Ian Andrada was 7 years in a relationship with Avalyn 'Lyn' Manahan. He loved Lyn more than anyone. For him, she was the only o...
319K 9K 36
Anthea Louise Vergara is a well-known prodigy who obtained a bachelor's degree in Accountancy at Oxford University. She is also The Most Outstanding...
1.8M 72.6K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
802K 38.3K 26
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...