Our Yesterday's Escape (Unive...

By 4reuminct

42.9M 1.5M 4.2M

UNIVERSITY SERIES #6 Past experiences. Broken hearts. Present tragedy. Those are the things Kierra Ynares fro... More

PROLOGUE
01
02
03
04
05
06
07
08
09
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32
33
34
35
37
38
39
40
41
42
43
44
45
EPILOGUE
Last Author's Note

36

521K 22.4K 39.1K
By 4reuminct


"Welcome to Vegas, baby!"


Tumalon-talon si Ida sa tuwa pagka-land namin sa Las Vegas. Kaunting araw lang kami rito dahil lahat kami ay kailangan pang bumalik sa trabaho. Nauubos na yata ang mga leave ko dahil sunod-sunod na ang mga kasal at celebration ng mga kaibigan ko. 


"How many times have you been here?" tanong sa akin ni Eli. 


"First time," sagot ko at ngumiti. 


Ako lang yata ang first time makapunta rito. Hindi ko lang sure kay Via dahil marami rin siyang mga pinupuntahang bansa. Si Luna naman ay sigurado akong nakarating na rito kahit noong bata pa siya o kaya para sa mga conference. 


Kami ang nauna dahil ibang flight ang kinuha noong mga lalaki. Wala kaming balak uminom nang uminom ng girls dahil nga delikado sa mga buntis. Lahat ng plano namin ay sikreto kay Elyse para raw may surprise effect, according kay Ida. 


Pagkarating namin sa hotel ay may nagpaputok ng party poppers para i-welcome ang bride-to-be at may mga design na rin sa room. May banner ng 'Happy bachelorette!' at mga balloons. May cake pa. 


"Oh my gosh, thank you!" Sinuot ni Elyse ang crown at ang sash para magpa-picture roon sa banner. We cheered each other and took more pictures and videos with her. 


We didn't plan to stay too long in the hotel. Mahaba pa ang gabi namin. May mga jetlag pa kaya natulog muna kami saglit at gumising na lang para sa dinner. We ate at a five-star steakhouse wearing formal dresses. Nakasuot ako ng dark red satin dress na backless at nakatali sa leeg. I kept my hair down. I just ironed it earlier. 


"You're so gorgeous, love!" sabi sa akin ni Sam nang magkasabay kami sa elevator. 


Sila ang magkasama ni Yanna sa hotel, si Ida ay kasama si Elyse. I insisted to be alone kaya si Via at Luna ang magkasama. Wala, gusto ko lang mag-isa dahil hindi maayos ang tulog ko. Baka magising pa ang kasama ko kapag tayo ako nang tayo.


"How are you holding up?" tanong niya at sumandal sa may elevator. 


"I'm doing better, Sam. Thank you." Sinandal ko ang ulo ko sa balikat niya habang hinihintay naming bumaba ang elevator. She smiled and held the side of my face with her other hand, brushing her thumb lightly on my skin. 


"That's good. No dates?" she asked again dahil mahilig akong makipag-date noon.


"Wala muna." Tumawa ako. "Nakakapagod din pala 'yong maraming dine-date pero ayaw mo naman mag-commit." 


"That's true." Tumawa rin siya. "But someday, you'll find the love that you deserve and have been hoping for." 


All of them knew I was still hoping for that kind of genuine love. Parang nakasubaybay rin sila kung kailan ko mararamdaman 'yon... pero wait lang, ha. Ang tagal kasi dumating, eh. Hindi na muna ako magmamadali kahit medyo nakaka-pressure dahil nga lahat sila ay kinakasal na. I was not getting any younger too. 


We met with the others at the lobby and then sumakay kami sa limousine na service namin for our whole stay. We took more pictures inside dahil ang luwag at ang daming accessories. 


"Ito, i-profile mo 'to, beh." Hinampas ni Luna ang binti ni Yanna, excited sa picture na nasa phone niya. "Ang ganda, oh. Saan ba galing 'tong dress mo?"


"Hindi ko alam. Regalo lang 'yan ng asawa ko." Hinampas din siya ni Yanna para makaganti. Alam kong mauuwi na 'yan sa hampasan kaya lumayo na ako sa kanila. 


"Oh my gosh, ano'ng feeling ng may asawa?!" Hinawakan ni Elyse ang mukha niya gamit ang dalawang kamay, kinakabahan na ulit. 


"Hmm, wala naman masyadong pagbabago. Aside from the title, the rights, and the vows, ganoon pa rin naman kami," sabi naman ni Via. "Parang iba lang 'yong feeling na may asawa ka talaga." 


Siguro normal talaga ang kabahan kapag malapit na ang kasal, ano? Ganoon rin kasi si Luna bago siya kinasal. Kabadong-kabado na baka may mangyaring mali sa kasal dahil matagal nang pinagpaplanuhan. Napangiti na lang ako sa sarili ko habang pinapanood silang mag-advice sa isa't isa. 


The steakhouse was great and super expensive pero worth it naman sa lasa ng pagkain. We had wine, too, pero tubig lang para sa mga buntis. It was such a fulfilling night. We talked about a lot of stuff like some funny dating experiences, the exes or boys they hated, and a lot more. I was having so much fun spending time with them. I loved my friends. They were always next to my family. Ang laki ng tulong nila sa akin... sa growth ko at sa healing ko. 


"Curious lang ako. Ano'ng nagustuhan mo kay Sevi?" tanong ni Yanna sabay inom sa wine. 


"Omg, yes! Like, what made you think na this is the guy you'd want to marry in the future?" sumunod si Sam. 


I was closely listening to what she was about to say because I was interested in knowing too. I was that kind of hopeless romantic. I liked hearing how in love people were. I loved knowing what was going on in their minds... and why they would make those big decisions in love. 


"I don't know how to explain it. Sevi is just... Sevi, you know." Elyse couldn't help but smile. "He's just everything! He treats me well, he knows what I want and what I don't, we respect each other, he makes me laugh all the time, the list could go on... But most importantly, aside from our love for each other, he has plans for our future, and I never felt like we were going nowhere. I feel secure with him." 


"Wow, ganoon pala si Sevi..." sabi ni Via at ngumiti. "Ang cute n'yo naman."


"Hindi, pero, bigay na natin kay Sevi 'yon! Kahit lagi nating dino-dog show ang siraulong 'yon, marunong talaga siyang magmahal at alam na alam namin kung gaano ka niya kamahal. As in!" Tumango-tango pa si Luna. 


"Because of that, cheers tayo!" Tumayo si Ida at tinaas ang baso niya. "Cheers to a healthy marriage!" 


"Cheers!" Tinaas din namin ang mga baso namin. 


May jazz band ding tumutugtog habang kumakain kami. Pagkatapos noon ay bumalik na kami sa hotel room. We showered, changed into pajamas, and then we gathered in Ely's hotel room. Nakaupo lang kami sa may carpet, ang iba ay nasa sofa. Lahat kami ay nasa living room para magkwentuhan. 


"I'm curious lang since I don't have a partner... How did you know that you were already in love?" tanong ni Ida. 


"Ikaw ba, Ke? Hindi ka sumasagot, eh." Siniko ako ni Luna.


"Ako pa, huh? I'm not in love at the moment!" pagtatanggol ko sa sarili ko.


"No, but... the last time you were, if it's okay lang, ha. It might be awkward because I'm here." Elyse laughed a little. 


"Okay lang naman." Ngumiti ako. Kahit naman masama ang naging ending ng relasyon namin... I felt it. The love that I gave to him. "I just honestly can't explain it. I knew I was already in love for a long time but I could not address the feelings because of fear. I knew because I felt safe and free in his presence, and I liked having him around. I liked the dumb talks, the funny sarcastic jokes, and the little things that could make my heart beat so fast. The flowers, the touches, the light kisses. Everything felt nice and light." 


"Ah, from that guy who always told me that he could never see himself loving someone." Elyse shook her head and smiled. 


"It was good while it lasted." Tumango na lang ako para hindi halatang masakit pa rin sa akin kapag naaalala ko kung paano kami naghiwalay. Hindi ko alam kung may idea si Elyse doon. Ayaw ko na lang pag-usapan pa sa harapan niya. 


I had such good conversations with the girls. We talked about deeper topics such as their experiences when they were young that affected how they were now. And then some more love topics because almost all of them were in love. I liked listening to their stories. Ang dami kong natututuhan, and it was so nice to see different perspectives on love. 


"If you didn't end up with your current partner, do you guys think you'll end up with another man?" tanong ko sa kanila. 


Nagkatinginan sila at napaisip bigla. "Honestly, for me, I'd rather stay single," sabi ni Sam. 


"Super hard pantayan ng five-year relationship namin ni Sev and even after years, in love pa rin ako sa kaniya so I don't think I could end up with another man other than him," sagot din ni Elyse.


"Hindi rin sa 'kin. Exception ko lang si Arkin. Magiging single na lang ako habangbuhay," sambit ni Via. 


"Kami na lang ni Avi forever," sabi rin ni Yanna. "Mas priority ko ang anak ko kaysa maghanap ng iba."


"Believe me, sinubukan kong maghanap ng iba pero parang for me, okay rin naman kasi 'yong buhay ko kahit wala akong jowa. May career naman ako tapos interesting pa buhay ng mga kaibigan ko so walang problema sa 'kin ang maging single lang din kaysa ma-stress sa iba." Luna shrugged. "Napapaisip ako ng what if's, siyempre, pero okay rin naman ako kahit wala..." 


Naka-relate ako roon, ah. Magpinsan nga kami! Ganoon din ang iniisip ko para sa akin. 


"Wow, all of you are so in love," amazed na sabi ni Ida. "It's not for me but I'm really hoping for the best for all of you." 


"Ito! May question ako!" Tinaas ni Luna ang kamay niya. "What's a job you'd want to pursue kung hindi ka naging kung ano ka ngayon? Like aside from the job you have now, sa alternate universe, anong trabaho ang bet n'yo?" 


Flight attendant? Bagay kaya sa akin 'yon? I liked travelling... pero biglang may pumasok na ibang bagay sa isipan ko. 


"Painter," sagot ko. I wanted to be a painter. I liked painting. 


"Hmm... Fashion designer," sagot ni Elyse. 


"I might be a broadcaster!" tuwang-tuwa si Sam nang sabihin 'yon. "I talk a lot!" 


"Kindergarten teacher." Bagay rin kay Via iyong sinagot niya. Ang alam ko gusto rin niya 'yon. 


"Ako, magiging vlogger siguro ako! Bagay naman sa 'kin, 'no?!" sabi ni Luna. Tama siya roon dahil ang daldal niya. "Las Vegas haul! What we did in Las Vegas... What Happens in Vegas, Stays in Vegas." 


"Nurse?" patanong din ang sagot ni Ida. "Iyon lang pumasok sa utak ko!"


"Ako... Wala. Flight attendant talaga. Wala nang iba," sagot ni Yanna. 


They had interesting ways to answer different questions. Nagkwentuhan lang kami hanggang sa dinalaw na ng pagod at antok dahil sa flight kanina. Mabuti nga 'yon para mag-adjust na ang body clock namin.


Natulog ako sa hotel room pero nagising din nang madaling-araw dahil siguro akala ng katawan ko ay nagna-nap lang ako. Pinilit ko pa ring matulog ulit. Noong kinaumagahan, nagsuot lang kami ng matchy floral dresses at nag-breakfast sa hotel. Pagkatapos, nag-start na ang tour namin. 


We rode a helicopter along Grand Canyon. We had champagne and snacks, except sa mga buntis, and took pictures before our ride back. 


"'Yon, oh! Get it! Pak, ang ganda naman ng pinsan ko!" Nahihiya na akong manguha ng litrato dahil sa mga side comments ni Luna habang hawak ang phone ko. "Ayan, sige, woo! Ang ganda mo, pucha! Kumikinang ina ang kagandahan mo!" 


"Tama na nga 'yan." Napailing ako at agad kinuha ang phone ko pagkatapos manguha ng pictures. Nakakahiya na! Hindi lang naman kami ang tao! 


"Pare-parehas na tayo ng background sa Instagram post natin," sabi ni Luna habang nagii-scroll. Ang bibilis nila mag-post.


Pagkatapos ay nagpunta kami sa isang museum bago kami nag-shopping sa Venetian Resort. Nag-spa rin kami pagkatapos. I didn't buy much. One pair of shoes lang tsaka isang designer bag na matagal ko nang gusto. 


"Ano na kayang ginagawa nina Hiro?" tanong bigla ni Yanna habang kumakain kami ng dinner. Bago na naman ang outfit namin. 


"They're staying in Caesars Palace. Baka nagka-casino na," Elyse answered. 


Magkakasama ang boys para sa bachelor party ni Sevi na plinano ni Arkin pero nag-ambagan pa raw sila roon para mas maraming magawa... o baka mainom. Sila-sila lang at hindi na sumama ang ibang tropa dahil kailangan pang mag-asikaso ng VISA. 'Yong mga may VISA na lang ang sumama. 


"Ang pusta ko, nag-iinuman ang mga 'yon," sabi naman ni Luna. Agree ako roon. Sila pa ba? Sana lang ay hindi sila gumawa ng kalokohan dito! 


Kinabukasan ay flight na rin namin pabalik sa Pilipinas. Maikli lang talaga dahil nga may mga trabaho kaya sinulit na talaga namin ang party. Gabi pa naman iyong flight kaya noong umaga, nagkaroon kami ng photoshoot sa hotel room. Lahat kami ay naka-pink robe. Si Elyse ang naka-white at may crown. 


"Thank you so much for going to my party. I don't have that many friends and I'm really glad that I met all of you..." sabi ni Elyse sa amin pagkatapos ng shoot.


"Aww, group hug!" sigaw ni Ida. Nagtakbuhan kami at sumali sa yakap na 'yon hanggang sa mahulog kami sa kama. Tumawa lang ulit kami at tinulungan ang isa't isa na tumayo. 


Nakasabay namin sa airport 'yong boys kaya nagkaniya-kaniyang punta sila sa partners nila na para bang ang tagal nilang hindi nagkasama. Miss na miss kaagad nila ang isa't isa. Mukhang may mga hangover pa nga sila. 


Umupo na lang ako sa waiting area ng gate habang naghihintay sa boarding namin. Umalis si Ida para bumili ng snacks kaya naiwan ako roon. Nagulat ako nang umupo sa tabi ko si Shan at sumandal sa upuan, nakatakip ang mukha gamit ang kamay at mukhang masakit pa ang ulo dahil sa kakainom nila. 


"Who said the streak was a good idea?" nanisi pa siya at tinuro si Hiro. 


"Wala 'yon sa itinerary ko, ah!" pagtatanggol ni Arkin sa sarili niya. "Kayo kaya 'yong may gusto uminom!"


"Tangina, sakit ng ulo ko," reklamo rin ni Sevi.


Si Kalix ay nakatulala na lang din at si Cy ay minamasahe rin ang sentido niya. Parang lahat sila ay pinagbagsakan ng langit at lupa habang kami ay mga glowing dahil masaya kami sa mga nangyari. 


"Let's not do this again," sabi ni Kalix.


"I think I'll be a patient instead," sabi rin ni Clyden. 


Worried na worried tuloy ang mga jowa at asawa nila sa kanila. Buti pa ako ay walang iniintindi at nagse-cellphone na lang, sumasagot sa mga emails. Sinusubukan kong bawasan muna ang gagawin ko para hindi ako ma-overwhelm pagbalik ko sa trabaho. Ang hirap talagang mawala sa trabaho kahit isang araw lang! Binabaha na ako ng gawain. 


Nagsuot ako ng earphones habang naghihintay at nakinig na lang ng music. "What are you listening to?" My volume was not high enough to not hear what Shan said. Sumasabay pa siya kay Taylor Swift.


"Nothing," sagot ko at tinaasan ang volume. I saw him shrug it off and never talked to me again. Mabuti naman.  


Tinanggal ko lang ang earphones ko noong boarding na kami. Pagkasakay ng eroplano, doon ko lang na-realize na hindi ko katabi si Luna. Napakunot ang noo ko nang makitang nakaupo si Shan sa katabi ng seat ko. 


Nagkatinginan kaming dalawa at mukhang na-realize ang set-up. "Fuck you, Hiro," rinig kong bulong niya at umiwas ng tingin.


Umupo na lang ako sa tabi niya. Nakatingin lang ako sa harapan, hindi alam kung paano ang gagawin ngayon. Ang tagal pa naman ng byahe! Hindi ko pa kilala iyong isa ko pang katabi. 


"Are you not sick anymore?" tanong niya sa akin. 


"Halata naman, ano..." sagot ko. Mukha ba akong may sakit pa kung nakakapag-Vegas pa ako? Hindi ko na rin ma-gets ang mga tanong niya minsan. Maiisip ko na lang na gusto niya akong kausapin kaya siya nagtatanong pero manigas siya! No way. Hindi kami close. 


Nang mag-take off na ang eroplano ay nakatulog na rin ako. Hindi ko alam kung gaano ako katagal na tulog. Nagising na lang ako noong namimigay na ng pagkain ang flight attendants. Nakasandal pala ako sa balikat ni Shan.


"Sorry," sabi ko kaagad sa kaniya. Nahiya kaagad ako at pinagsisihan 'yon sa loob-loob ko! Ano ba 'yan! Hindi na nga ako matutulog! "Sana tinulak mo na lang ako palayo." 


Napatitig siya sa akin saglit bago umiwas ng tingin. "It's alright." He said he didn't mind but I did! 


Ilang beses pang nangyari 'yon sa buong byahe. Hindi ako nakakatulog nang maayos kapag walang sinasandalan. Kunwari na lang ay parang walang nangyari kapag nagigising ako. 


Noong nakarating na kami sa airport, nagkaniya-kaniya na kaming alis pagkatapos magpaalam sa isa't isa. Halos sabay lang kaming nakarating ni Shan sa condo dahil nagkasabay pa kami sa elevator. Hindi ko siya kinausap at dumeretso na lang sa tapat ng unit ko. 


Habang hinahalungkat ko ang bag ko, na-realize kong hindi ko nadala ang susi ko! Sinubukan kong i-enter ang code sa keypad pero sira yata at nage-error. Nakatingin lang sa akin si Shan, pinapanood ako. 


"You can call the lobby using the telephone in my unit," alok niya sa akin. Directly connected kasi sa lobby ang telephone sa bawat unit. 


Wala akong choice kung hindi pumasok sa unit niya na dala-dala pa rin ang mga gamit ko. Dumeretso ako sa may telephone at dinial ang number ng lobby. 


"Hello? I think sira 'yong lock ng unit ko," reklamo ko sa kanila. "Naiwan ko 'yong key sa loob kaya hindi ko rin mabuksan..."


Ang sabi nila ay magpapadala sila ng gagawa pero hindi alam kung gaano katagal. Standby raw muna ako. Inis ako nang binaba ko ang telepono. Doon ko lang naikot ang paningin ko sa condo ni Shan.


Ka-size lang iyon noong sa akin pero mas maluwag tingnan ang sa kaniya dahil wala siyang masyadong gamit. Puno ng boxes at papeles ang isang table doon na mukhang hindi pa niya tapos basahin. 


"What did they say?" tanong niya nang lumabas ng kwarto. Hinuhubad niya na ang relo niya. 


"Standby raw muna ako," sabi ko sa kaniya. 


"Okay, you can wait here." 


Antok na antok na ako dahil sa jetlag at pagod kaya umupo muna ako sa sofa at sinandal ang likod ko. Nakapag-shower na siya ay hindi pa rin ako tinatawagan ulit. Hindi ako lumilingon pero alam kong abala si Shan sa mga tawag na nare-receive niya.


"Attorney, yes... I don't think I'm allowed to say... but I'm looking into it. No, no, don't worry about it..." Tumawa siya. Pagkatapos noon ay may isa pa siyang tawag na natanggap. "Yes, Sir... Of course. I just got back from a short break. I'll be right on it." At may isa pang tawag. "Nalakad mo na? Can you file it as urgent, please? We already need it for our hearing next week... Thank you."


Hindi na siya naubusan ng kausap. Nang lingunin ko siya ay nagbabasa na siya ng mga papeles doon habang ang phone ay nakaipit sa tainga at balikat. Basa pa ang buhok niya dahil kagagaling sa ligo. 


"No hope for Villaflor?" Nagtama ang tingin namin nang mabanggit niya ang pangalang 'yon. "Yes... I also don't think the court will recognize that... I'll try to find something. Just anything." 


Tumayo siya at naglakad papunta sa kwarto para hindi ko marinig ang usapan nila. Pagkabalik niya ay tumunog ulit ang phone niya at sinagot iyon. 


"My dad? What about him?" Pinanood ko ulit siyang makipag-usap. His dad... Oo nga pala. Naka-hospital arrest pa rin ang tatay niya. "Why would he want to see me after all these years?" Natawa siya nang sarkastiko. "Tell him forgiveness is not for everyone to give." Binaba niya ang tawag at napamasahe sa sentido niya. 


"How is he?" tanong ko sa kaniya.


"Still sick," maikling sagot niya sa akin, alam na kaagad kung sino ang tinutukoy ko. "He's trying to redeem himself on his death bed when he should have done that years ago. Ngayon lang ba siya magsisisi sa mga ginawa niya? That still won't make him a good person."


Tumango lang ako. I understood where he was coming from. He looked like his mood was ruined. He became more serious while reading the papers. 


"Your dad..." panimula ko. "Do you have plans on facing him again?" curious na tanong ko. 


Napatingin siya sa akin at tinigil ang pagbabasa. "I would face him again if that time comes... but for now, I don't think it's necessary for me to face him after everything he did to Sevi, his mom, me, my mom, my sister, and her mom... He already damaged a lot of people. I don't want him to get the peace of mind he didn't give to the people he hurt before they died."


That made me think if I could also have the courage to face Miguel. All I had inside me was fear and anger. Parang hindi ko kaya 'yon. Hindi ko na siya kailangan harapin. Kung haharapin ko man siya, hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Ang daming tanong na tumatakbo sa utak ko. Paano mo nagawa sa akin 'yon? Nakonsensya ka ba sa ginawa mo? May pinagsisisihan ka ba? Minsan ba, naiisip mong 'ah, masama nga pala akong tao' o wala lang talaga sa 'yo lahat?


Pero madali lang magsinungaling para magmukhang mabait. Madali lang magsinungaling para marinig ko ang mga sagot na gusto kong marinig. Madaling magsinungaling para ma-redeem ang sarili. 


I wanted honesty... but no one could ever give it to me without hurting my feelings. They all thought I was not strong enough to handle the truth. Kaya ko naman ang sarili ko. Hindi ako biglang bibiyak na lang dahil sinaktan mo ako. 


Tumayo ako at pumunta sa kusina para tingnan iyong coffee area niya. Ang daming kung ano-anong machine doon. "Wala ka nang balak gumawa ng kape?" tanong ko at tumingin sa kaniya. 


"Hobby na lang 'yan," paliwanag niya. "This is my job now." Tinaas niya ang papeles na binabasa niya. 


"Sayang naman..." If I was being honest, I would tell him that I missed his drinks. Magaling talaga siyang gumawa ng kape, shake, at iba pang drinks. Magaling din siyang mag-bake at gumawa ng desserts. 


"I can make you a drink." Tumayo siya bago pa ako makatanggi sa kaniya. Binuksan niya ang ref at nag-prepare kaagad ng mga kailangan niya. 


Wala na akong choice kung hindi umupo na lang sa may high chair. Nilapag niya ang papeles na binabasa niya roon sa mataas na table kaya sumilip ako para basahin din pero wala akong naintindihan. Isa siyang kaso na nangyari noon, tapos may mga highlights siya at may mga notes sa gilid. 


"How do you like your job, Ke?" tanong niya habang nakatalikod sa akin at gumagawa ng drink. Para naman akong nasa job interview sa tanong niya. 


"I like architecture," matinong sagot ko. "Ginusto ko 'to... pero minsan, overwhelming sa dami ng ginagawa. Siguro, part of adulting na rin 'yon. Draining minsan pero hindi naman araw-araw. There are good days." 


"Would you want to own a coffee shop?" tanong niya ulit.


"Hmm, kung marunong akong gumawa ng kape, magandang investment din 'yan." My mom owned a lot of things. I aspired to be like her. "Pero hindi ako marunong. Hindi ko alam kung may talent ako sa ganiyan." 


"It's something you can learn." 


Naglakad siya palapit sa akin at nilapag ang sakura drink sa harapan ko. Lumiwanag ang mga mata ko at uminom kaagad ako roon. I missed the taste. Ganoon pa rin. Masarap pa rin.


Umupo siya sa tabi ko at pinanood akong uminom noon. "What are tourist spots that you would want to visit if you had all the time and money in the world?" 


"Ang random ng tanong mo," sambit ko. Pero palagi ko 'yong iniisip. Kung may oras lang ako, marami akong gustong puntahan. I wanted to be like my parents. May oras na sila ngayon kaya kung saan-saan na sila pumupunta.


But my mom told me that it would be difficult to travel at their age kaya mag-travel na raw ako sa edad ko ngayon... pero hindi ko naman pwedeng gawin 'yon. May trabaho ako. Nakakapag-travel lang ako kapag may event ang mga kaibigan ko, kaya nga masaya ako kapag sa ibang bansa nila sine-celebrate dahil may mga napupuntahan akong bago. 


Kumuha ako ng tissue sa gilid at ang ballpen na nilapag niya kasama 'yong papeles. Binigay ko 'yon sa kaniya. 


"Ikaw muna. Ilista mo," suggest ko sa kaniya. 


Napaisip din siya sa sarili niyang tanong pero sinimulan na niya ang paglilista ng mga gusto niyang puntahan. Habang nagsusulat siya at abala akong inuubos ang drink na ginawa niya, tumunog ang telephone. 


"Ah, okay na? Thank you!" sagot ko nang sinabi nilang ayos na raw ang lock ng unit ko. Sa wakas. Nagpadagdag na nga rin ako ng lock para double safety. 


Bumalik ako sa table at inubos na ang drink. Hindi ko na nga natingnan ang sinulat niya dahil nagpaalam na kaagad ako at bumalik sa unit ko. That was enough conversation for today. 


Hindi na naman maayos ang body clock ko. Hindi ako makatulog kahit anong pilit ko. Sinubukan ko ulit mag-jogging sa labas hanggang sa mapagod. Pag-akyat ko sa unit ay palabas pa lang si Shan, mukhang may pupuntahan. 


Napahinto kaming dalawa at napatingin sa isa't isa, hinihintay kung sino ang unang magsasalita. Nang masyadong tumagal ay umiwas na ako ng tingin at nilagpasan na siya para pumasok sa unit ko. Bago ko pa mabuksan ang pinto ay nagsalita na siya. 


"Do you want to get some snacks?" 


Napaisip ako nang matagal. Hindi rin naman ako makatulog... pero bakit ako sasama sa kaniya? Pero... bibili lang naman ako ng pagkain tapos uuwi na. 


"Uuwi rin ako kaagad pagkabili," malamig na sabi ko. 


Sumunod lang ako sa likuran niya hanggang sa makababa kami ng elevator dahil ayaw kong magsabay kami sa paglalakad. Napapalingon pa siya sa akin para lang makasiguradong sumusunod pa rin ako sa kaniya. He suddenly stopped walking to wait for me so I could walk beside him. Ano ba 'yan, nagsabay na tuloy kami. 


"Can't sleep?" tanong niya sa akin habang naglalakad kami papuntang convenience store. Hindi ako makatingin sa kaniya, naiilang pa rin. 


"Jetlag," maikling sagot ko sa kaniya. Naintindihan na niya 'yon. 


Pagkapasok namin sa convenience store, dumeretso ako sa may mga juice at sumunod naman siya sa akin. May dalawang lalaki roon na nagtitingin ng alak. Nang makita si Shan ay napahinto 'yong isa. 


"Lopez?" tanong noong lalaki.


Napalingon kaming dalawa. Shan immediately stepped forward para mapunta ako sa likuran niya. Hindi ko naman kilala 'yon kahit tiningnan ko na ang mga mukha nila. 


"Shit, it's you! Wow, you're doing so well! I thought you'd be in jail after what happened!" Tumawa iyong lalaki at napatakip sa bibig. 


"What's your problem? Just go," Shan hissed. 


"Don't be so mad, bro. Chill! I'm just amazed like, wow, paano mo natakasan 'yon? Knowing Miguel's family..." Tumawa ulit siya. "Tell me. How did you get away after almost killing him with your bare hands?" He nudged Shan. 

________________________________________________________________________________

:)

Continue Reading

You'll Also Like

150M 3.5M 38
University Series #1 In a family of doctors, Kalix decided to take a different path and found himself studying Legal Management in Ateneo De Manila U...
1.8M 54.2K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...
505K 19K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
118M 2.7M 34
University Series #2 Hiro, a student pilot from DLSU, was very clear with his number one goal in life. It was to study in the best flying school in F...