Villaverde Brothers Series 1:...

By adihiraya

1.1M 16.7K 1.6K

Milgrace Avery Delos Santos left the Philippines for six years, and after reaching the dream she had been des... More

VBS#1: Taming the Ruthless
Prologue
Chapter One
Chapter Two
Chapter Three
Chapter Four
Chapter Five
Chapter Six
Chapter Seven
Chapter Eight
Chapter Nine
Chapter Ten
Chapter Eleven
Chapter Twelve
Chapter Thirteen
Chapter Fourteen
Chapter Fifteen
Chapter Sixteen
Chapter Seventeen
Chapter Eighteen
Chapter Nineteen
Chapter Twenty
Chapter Twenty-one
Chapter Twenty-two
Chapter Twenty-three
Chapter Twenty-four
Chapter Twenty-five
Chapter Twenty-six
Chapter Twenty-seven
Chapter Twenty-nine
Chapter Thirty
Chapter Thirty-one
Chapter Thirty-two
Chapter Thirty-three
Chapter Thirty-four
Chapter Thirty-five
Chapter Thirty-six
Chapter Thirty-seven
Chapter Thirty-eight
Chapter Thirty-nine
Chapter Forty
Epilogue
Author's Note

Chapter Twenty-eight

20.1K 266 8
By adihiraya

It's been almost three months since we came back from Palawan. He became busy because of a big client who wants to pull out her contract. Ayaw niyang mawala kaya sinusuyo niya hanggang ngayon. 

I heard it's a girl. Baka mamaya may gusto pala sa kaniya tapos gumagawa lang ng paraan para magkita't magkasama sila. Tsk!

Kay Cai may tiwala ako pero sa mga babae sa paligid niya wala.

Si Tita Meryll at ang mga kaibigan lang naming babae ang may tiwala akong lumapit sa kaniya.

Hindi naman sa pagiging possessive pero alam ko kasing kayang-kaya ni Cai kuhanin ang atensyon ng bawat babaeng madaraanan niya kahit sa simpleng lakad niya lang.

The way he gaits like he owns the floor, the crowd will surely turn to him and watch him pass by.

His proud demeanor indicates authority.

Even if he looks cold and ruthless, girls will still like him because of his looks, fame, and money.

Mga bagay na hindi ko naging rason kung bakit ko siya minahal. I didn't realize, at first, that I loved him until I wanted to know him more deeply than anyone could. I want to know his different sides, 'yong ako lang makakaalam.

The first time I laid my eyes on him, I knew to myself that he's the one I want in my future.

"What's bothering you?" Kylei asked.

We're currently here in a foot spa. Napansin niya yatang hindi ako mapakali dahil kanina ko pa chine-check ang phone ko saka bubuntonghininga kapag walang nakitang message notification.

"Wala," sagot ko saka pinikit ang mata habang ini-scrub ang paa ko.

Kasama rin namin si Raya na mukhang tulog. Puyat siya dahil may pinuntahang party kagabi, pinilit lang namin siyang sumama ngayon dahil mukha siyang stress. Buti pa nga si Kylei, blooming.

"Cai's busy?" she asked. "'Yong client pa rin bang babae na gustong mag-pull out ng contract sa kaniya?"

"Hmm," I murmured.

"Do you know her name? Let's stalk her on Facebook. Let's see if there's something you should be bothered with," she said, which made me open my eyes and look at her eagerly.

"Hindi ko naisip 'yan, ah?" sabi ko. "Pero I only know her name. I already forgot her surname."

She rolled her eyes at me. "You know what? Wala ka namang dapat ikabahala. Even if the girl is young and pretty. Kung may tiwala ka kay Cai, alam mong wala siyang gagawing masama."

"May tiwala ako sa kaniya, sa mga babaeng umaaligid sa kaniya wala. Lalo na roon sa former secretary niya. Nakwento ko na siya sa 'yo, 'di ba? Tsk! What if ganoon din 'yong client niya ngayon? Masyadong papansin."

"I bet Cai wouldn't give at least a little attention to girls who want him." She chuckled. "He's not interested. If you don't notice, he only looks at you and gives his full attention to you. Kaya don't be bothered. One more thing, baka work lang talaga ang intention no'ng babae. Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano."

I sighed and shrugged my shoulders. "You're right."

Raya moved a bit which made me look at her. She slowly opened her eyes.

"Sakit sa ulo magmahal ng Villaverde," aniya, mahina pero sapat para marinig namin ni Kylei.

Nagkatinginan kami ni Kylei, marahil ay iisa lang ang iniisip namin ngayon. Bumalik ang tingin namin sa kaniya at napansin niya naman 'yon.

"What?" she asked.

"In love ka na kay Zai?" tanong ni Kylei sa kaniya.

She raised her eyebrows. "Hindi ba halata?"

I winced while shaking my head. "You're good at hiding."

"Now you know," she replied.

Kinuha niya ang phone niya saka pumindot nang pumindot doon. Nagkatinginan na lang ulit kami ni Kylei at nagkibit na lang ng balikat.

Perhaps Cai is right, they really lack communication. Their relationship—if ever they have—will be really chaotic. Kung itutuloy ang kasal nila, baka masayang lang ang gagastusin.

On the other hand, Kylei is happy with her unlabeled relationship with Jairus. As long as she is happy with it, I'm happy for her, too. Besides, she really deserves it.

I want my friends to be happy with their lives.

We just spend our time doing makeovers. I decided to color my hair, too. From jett black to ash gray. Ayoko ng matingkad na kulay. I want dark colors.

Both Kylei and Raya trimmed their hair because it was too long and the ends of their hairs aren't healthy anymore.

Matapos naming magpaganda, kumain muna kami sa isang Japanese restaurant bago napagdesisyonang umuwi na dahil dumidilim na sa labas.

I opened our room, silence welcomed me as usual. Walang bakas o anino ni Cai. I immediately went to the bathroom to take a half bath and went straight to the bed after wearing my sleepwear.

I sighed. Baka hindi na rin ako bumaba mamaya upang kumain ng hapunan dahil kumain na kami sa labas kanina.

Cai will probably be home when I'm already asleep. Nitong nakaraan ay ganoon. Darating siya ay tulog na ako at magigising ulit ako kinabukasan na wala rin siya sa tabi ko. Nararamdaman ko lang tuwing gabi ang paghalik niya sa noo ko, but I don't feel him laying next to me. Sa umaga'y makikita kong walang gusot man lang sa tabi ko kaya alam kong hindi siya tumabi sa akin sa pagtulog.

I'm worried that he's spending his night to his work. Wala siyang pahinga o tulog o kung meron man ay hindi sapat. It might affect his health which I don't want to happen.

Kinuha ko ang cellphone ko para tawagan siya ngunit hindi siya sumasagot. Tatlong beses kong sinubukan hanggang sa naisipan kong mag-iwan na lang ng message sa kaniya na mag-iingat siya sa pag-uwi at kung maaari ay magpahinga siya pagkarating.

Hindi ko alam kung ilang beses akong bumuntonghininga bago ako dalawin ng antok at nakatulog.

Kinaumagahan, nagising na naman akong walang katabi. Nang tingnan ko ang gilid ko ay maayos pa rin iyon, walang bakas ng kahit anong gusot.

Sa office niya na naman siguro siya nagpalipas ng gabi. Napapahikab pa ako nang pumasok sa banyo upang maligo. Palagi akong pumupunta sa office niya tuwing umaga para i-check siya, nagbabaka sakaling makikita ko siya roon pero lagi rin akong bigo.

Nang matapos akong maligo, nag-ayos na rin ako saka bumaba. Hindi ko na inabala ang sarili kong sumilip sa office dahil alam kong hindi ko rin siya makikita roon. Pupunta na lang siguro ako sa kaniya mamayang lunch. Araw-araw kong gustong pumunta sa kaniya, ang kaso nga lang ay abala rin ako sa sarili kong trabaho.

May paparating na ball ang mga artista ng isang sikat na channel. May mga artistang kinuha ako bilang designer nila kaya abala rin talaga ako.

Si Jairus na lang ang naabutan kong kumakain ng umagahan sa baba, marahil ay kanina pa umalis ang mga kasama namin sa bahay dahil medyo late na rin ako nagising.

"What's up, sister-in-law?" Jairus greeted me as I sit beside him. "Ganda ng bagong kulay ng buhok mo."

"Thanks." I smiled at him.

Mabilis akong kumain, hinihintay naman ako ni Jai matapos. Dahil nga maagang umaalis si Cairus at mukhang nakalimutan niya na kinuha niya sa akin ang susi ng kotseng ipinahiram niya sa akin noon, wala nang naghahatid at sumusundo sa akin sa office ko.

Nag-commute ako noong unang araw na maaga siyang umalis. Naalala naman ni Jai na wala akong kotse kaya nagpresinta siyang siya na lang muna ang maghahatid sa akin pansamantala tutal hindi rin naman daw siya masyadong abala. Si Kylei lang ang hawak niyang client ngayon.

Tuwing pauwi, isinasabay ako ni Jil dahil nadadaanan niya naman ang subdivision tapos maglalakad na lang ako papasok dahil malapit lang din naman sa main gate.

Sobrang na-mi-miss ko na si Cai, parang sobrang tagal ko na siyang hindi nakikita. Para na akong mababaliw kapag hindi ko siya katabi.

Nakakabaliw talaga magmahal!

"Tara na," aya ko kay Jai matapos kong kumain at uminom ng tubig.

He nodded and stood up. He's on his phone while we're heading out of their house. Nang sumakay kami sa kotse niya at inilagay niya na sa itaas ng dashboard ang phone niya.

"Cai didn't go home last night. Sa office niya 'yon nagpalipas ng gabi," aniya habang minamanobra niya ang manibela.

Nangunot ang noo ko. Nakalimutan ko palang i-check ang phone ko kanina kaya kinuha ko iyon mula sa bag ko at tiningnan kung may message ba ang boyfriend ko.

Doon ko lang nakita ang sandamakmak niyang missed calls at messages. Napakamot na lang ako sa kilay habang binabasa ang mga message niya.

My love:

I'm sorry, I won't be able to come home tonight, love. I still have a lot of paperwork to do. Once this is all done, babawi ako sa 'yo.

Make sure you're taking care of yourself.

I love you!

Those were his three last messages since last night. I didn't receive any messages today. I typed a message for him saying that I'll visit him at lunch time.

Itinigil ni Jai ang kotse nang makarating na kami sa La Grâce. I uttered thanks to him and bid goodbye. Pinagmasdan ko ang kotse niya hanggang tuluyang makalayo bago ako pumasok sa loob ng office.

The guard greeted me. Maliban sa kaniya, wala na akong ibang makitang tao sa labas kaya alam kong busy rin ang mga kasama ko sa trabaho nila.

Pumasok ako sa office ko at ang una kong nakita ay ang bungkos ng pink daisies sa ibabaw ng mesa ko. Agad akong napangiti.

Cai always sends me pink daisies every morning. Iyon ang una kong nakikita palagi pagpasok ko sa loob. That servers as his morning greeting to me.

I went to my chair and held the bouquet of daisies which is my favorite flower. Palagi ring may note doon na lagi akong pinaaalalahanan na huwag kong pababayaan ang sarili ko at huwag kong masyadong pagurin ang sarili ko sa trabaho.

I miss him so much!

Parang hindi ko na yata mahihintay ang lunch at gusto ko na agad siyang puntahan pero alam ko ring may mga kailan akong gawin dito.

Inabala ko na lang ang sarili ko hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras. Naramdaman ko na lang na kumakalam ang sikmura ko habang nag-i-sketch ako ng pangatlong design para sa isang sikat na artista. Tiningnan ko ang wall clock at nakitang mag-aalas dose na.

I sighed heavily while fixing my things. Nag-text ako kay Cai na papunta na ako sa kaniya saka ako nagpaalam sa mga kasama ko sa trabaho. Nag-aayos na rin sila at mukhang kakain na rin ng lunch.

Agad din akong nakasakay ng taxi. Saglit lang din ang naging biyahe at nakarating agad ako sa company nila.

"Good afternoon, ma'am," bati sa akin ng guard habang nakangiti.

"Good afternoon po," magalang ko ring bati saka nagtuloy sa pagpasok.

Some of the employees are greeting me. Alam naman na nila kung ano o sino ang sadya ko. Nagtungo agad ako sa elevator, may iilan akong nakasabay na bumaba rin sa floor nila. Mag-isa na lang ako nang nasa 7th floor na ako, pero nang nasa 8th na ay muling bumukas iyon.

Salubong ang kilay kong tiningnan si Lheen habang papasok siya ng elevator. Bumagsak ang tingin ko sa yakap-yakap niyang bulaklak.

Pink daisies . . .

She noticed that I'm looking at the flower, she eventually smiled which made me bore my eyes to her again.

"Naiinggit ka ba?" tanong niya.

Natawa agad ako sa sinabi niya. "Bakit naman ako maiinggit? Araw-araw akong nakakatanggap ng bulaklak. Nagtataka lang ako kung sino magbibigay sa 'yo ng bulaklak dahil mukhang wala siyang taste," sabi ko saka umismid.

Suminghap siya, nag-uumpisa nang mamula ang mukha niya sa inis. Sa loob-loob ko ay natatawa ako sa reaksyon niya pero baka lalo siyang mamula sa galit.

"Paano kung si Cai nagbigay nito?" tanong niya. "Does that mean that he doesn't have a taste?"

"As if he'll gave you one. Kung siya nagbigay, edi wala nga siyang taste," tugon ko. "But I know he didn't give you that. Sa sobrang taas ng standards niya sa babae, hindi ka man lang umabot kahit kalahati. Wala kang delicadeza."

Kahit parehas kami ng bulaklak na natanggap, alam kong magkaibang lalaki naman ang nagbigay.

"Papunta ako sa kaniya ngayon. Gusto mo bang patunayan ko na siya nagbigay nito?"

Umismid ulit ako saka pinagkrus ang mga braso.

"You're fully aware that I am his girlfriend. Are you saying that you're proud of being the second one? Kawawa ka naman, pangkabit ka lang. Never kang magiging original."

She was about to slap me but I stopped her hand mid-air. "Don't ever try to lay your filthy hand on my face. Alam mo, dapat nga magpasalamat ka pa sa akin, e. Cai wants to fire you but I didn't agree. Kung hindi dahil sa akin, wala ka na sanang trabaho. Wala ka na sana rito ngayon," inis kong sabi saka marahas na binitawan ang kamay niya.

Bumukas na ang elevator sa huling floor. Lumabas na ako at iniwan na siya roon saka mabilis na naglakad. Hindi siya lumabas hanggang sa magsara ulit ang elevator.

That only means she was not supposed to go here. Gusto niya lang talaga ako inisin. Tsk!

Salubong ang kilay ko nang pumasok sa loob ng office ni Cai nang hindi kumakatok. Naabutan ko siyang nagbabasa ng papeles. Umangat agad ang kaniyang tingin sa akin saka niya inalis ang suot niyang salamin.

Kahit ang guwapo niya sa tuwing may suot na reading glasses, hindi no'n naalis ang galit ko.

"What's the problem, my love?" he asked and stood up to approach me.

He held my elbow and guided me to sit down. Lumuhod siya upang titigan ako nang mabuti. Masama pa rin ang itsura ko habang siya'y nagtataka.

"What happened?" he tried to ask again.

"Nakasabay ko si Lheen sa elevator!" inis kong sabi, parang batang nagsusumbong dahil inagawan ng lollipop.

Mahina siyang natawa saka piningot ang ilong ko. "And then?"

"I saw her holding a bouquet of pink daisies. The same as the one you're always giving to me!"

"Hmm?" There's still an amused smile on his lips.

"Sabi niya bigay mo raw 'yon!" singhal ko.

He shook his head slowly. "Why would I give her flowers? She is not my girlfriend. Naniwala ka ba?"

"S'yempre hindi! Naiinis lang ako kasi alam niya namang girlfriend mo ako tapos kung ano-anong sinasabi niya. She doesn't have any respect. Parang willing pa maging kabit, mainis lang ako."

He held my cheek and caressed it slowly. "Don't believe her. She's just pissing you off. There's no way I'll replace my gem with a stone." He kissed the side of my lips. "I will only love one and it will always be you, okay? Ikaw lang sa rami ng babae riyan ang palagi kong pipiliin."

Lumamyos ang mukha ko saka mabagal na tumango. Niyakap ko siya ang mahigpit. "I love you . . ."

"Did you already eat lunch?" he asked.

Kumalam ang sikmura ko at naramdaman niya iyon kaya natawa siya. Sapat na siguro 'yong sagot sa tanong niya. Kumalas na siya sa yakap at tumayo mula sa pagkakaluhod nang hindi binibitiwan ang kamay ko.

"I'll order food," he uttered after laughing. "What do you want?"

"P'wede bang ikaw na lang?" biro ko.

He pinched my nose again. "Bawal. We're here in the office."

Tinawanan ko siya. "Mali. What I mean is, puwede bang ikaw na lang pumili ng kakainin."

He looked at me deadly because he knows that I'm making fun of him. Tumayo ako at pinisil ang mga pisngi niya saka muli siyang niyakap sa baywang.

"I miss you so much . . ." malambing kong sabi.

"I miss you, too. So damn much." He heaved a deep sigh and hugged me back. He combed my hair. "I like the new color of your hair."

I freed from the hug. "What if magkulay ka rin ng buhok?"

He nodded. "When I'm already free, let's go to the salon and color my hair, the same color as yours."

I smiled and planted a soft kiss on his lips. Excited na akong makita siyang iba ang kulay ng buhok. He had never colored his hair. It's natural black and I want to see him color it.

"But for now let's order some food because I'm already hungry." He chuckled. "I haven't eaten yet since last night."

I hit his arms. "Bakit hindi ka kumain kagabi? You're always reminding me not to skip my breakfast, lunch, and dinner tapos ikaw naman pala 'tong hindi kumakain."

"I suddenly fell asleep last night after messaging you," he reasoned out.

I sighed heavily. "Kawawa naman ang lablab ko," paglalambing ko.

"Lablab? Too corny, babe."

"Arte mo!" singhal ko saka siya hinampas sa braso. "But please, huwag mong pababayaan ang sarili mo. I'm worried about your health."

"I will, my love."

"Promise 'yan, ha? Don't overwork yourself."

"Hmm," he murmured while nodding his head.

Nag-order na siya ng pagkain. Naglampungan lang kami habang hinihintay dumating 'yong pagkain hanggang sa may kumatok na nga.

I planned to stay until 2:00 pm and he insisted on riding me off to my office. Ayaw ko nga sana dahil alam ko namang marami siyang kailangang gawin at kaya ko namang mag-commute para hindi na hassle para sa kaniya pero nagpupumilit talaga siya kaya pumayag na lang ako.

Inubos namin ang oras namin sa pag-uusap. Sabi niya malapit na rin namang maayos 'yong problema kaya makakabawi na rin siya sa akin.

"Can't you just stay here?" he asked while hugging me from my back.

Kasalukuyan akong nakaupo sa mga hita niya. "I can't, marami rin akong kailangang gawin. Kahit gusto ko mag-stay, hindi namah puwede."

"I just miss you so much," he whispered to my ear that tickled me.

"Parehas lang tayo, love. Miss na miss din naman kita nang sobra. Hindi na tayo masyadong nagkikita pero naiintindihan ko namang masyado tayong abala. Makakabawi rin tayo kapag nagkaroon tayo ng libreng oras."

Hindi na siya nagsalita. Nakapikit lang siya habang ang ulo niya ay nasa balikat ko. Kitang-kita ko ang pagod sa mukha niya. Pinatakan ko siya ng isang halik sa pisngi saka bumaba ang tingin ko sa magkasalikop naming mga kamay.

Whenever I'm wrapped through his arms, I feel safe.

Naramdaman ko na lang ang malamyos niyang haplos sa akin, and then something magical happened after that.

Continue Reading

You'll Also Like

4M 88K 58
Evangeline Yu went back to the Philippines only to find out that her house was sold, her sister had ran away with her money and her mother was in com...
2.4K 219 17
[Epistolary] Punong-puno na si Alexa sa boss niyang walang ibang ginawa kung hindi mag-utos at magreklamo. Kaya nang may maka-chat siya tungkol sa mg...
7.4M 202K 42
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
763K 37.6K 23
At age seven, Nina was adopted by a mysterious man she called 'daddy'. Surprisingly, 'daddy' is young billionaire Lion Foresteir, who adopted her at...