Chapter Eleven

23.2K 380 23
                                    

"How's your relationship with Cairus?" Mom asked while we were eating lunch.

Uminom ako ng tubig bago sumagot. "Okay naman, Ma. May 5% namang progress."

Natawa siya. "Masyadong mababa."

"Slow progress is still progress, Ma."

She shrugged. "If you say so."

Dahil weekend, naisipan kong dalawin sila rito sa condo nila. Totoo nga ang sinabi nila. I can't be here. Masyadong maliit ang space though good for five people naman ang condo nila. Naliliitan pa rin ako.

Tingin ko sa mga ganitong space ay nakakasakal kaya hindi ko matatagalan. Dahil na rin siguro nasanay ako sa malaki naming bahay. Hindi naman sa pagiging maarte pero ganoon talaga ang nararamdaman ko.

"Just let your daughter for a while," Daddy interfered. "After all, she doesn't have enough time to add Cairus to her priorities. Who knows if she will get tired waiting for that kid?"

"They aren't kids anymore, Milandro." Mommy chuckled a bit and looked at Dad. "They're old enough."

"But Milgrace will always be my baby," Daddy answered.

I cleared my throat and faked a laugh. "Why are you talking like I am getting married?" tanong ko. "Boyfriend nga wala, mapapangasawa pa kaya?"

"Until when you will try to pursue Cairus, Milgrace?" Mommy asked.

I fell silent for a while and thought of it before answering. "If he will clear to me that I don't really have a chance, I'll stop. I've been loving him for a very long time now. Kaunti pa, Ma. Mapapagod din ako."

She held my hand and smiled at me. "Even if he doesn't love you back, always remember that you're worthy enough. Marami pa ang lalaki na handang mahalin at alagaan ka dahil deserve mo 'yon."

Napangiti ako dahil doon. Alam ko naman ang halaga ko, hindi ko naman nakakalimutan 'yon. Masyado lang akong nagpapakatanga kahahabol kay Cai kahit na sobrang labo naman ng pag-asa.

Hindi ko rin naman makita ang sarili ko na nagmamahal ng ibang lalaki. Kung hindi talaga kami ang para sa isa't isa, kaya ko namang mag-isa.

I spent my weekend with my parents. I've decided na sa kanila ako tuwing Sabado at Linggo. Next week, inaya ko silang bisitihin ang bahay namin na ni-re-renovate. Pumupunta rin naman daw sila roon para tingnan kung ano ang nangyayari sa bahay.

Mas naging busy ako sa trabaho dahil malapit na ang debut ko. I also needed my Mom's help para sa mga kilala niyang business partners na may hilig din sa fashion para sa invitation na manood. I asked Kylei to invite her friends na TV personalities, ganoon din si Raya.

I'm very hands on because everything should be perfectly done. I always make sure that I'm doing the best that I can so I won't have any regrets. I stay up late at night trying to fix everything. Every single detail matters.

Napahikab ako habang nagche-check ng emails. Nang tingnan ko ang oras ay mag-a-alas dose na pala ng hatinggabi. Bigla kong naisipan magkape kaya tumayo ako at lumabas ng kwarto.

Nag-inat ako habang pababa ng hagdan. Pagdating sa kusina ay hindi ko inaasahan kung sino ang makikita ko roon, si Cai na kasalukuyang nagtitimpla tin ng kape.

Napatingin siya sa akin saka napataas ang kilay. "It's already late. Bakit gising ka pa?" tanong niya.

Kumuha ako ng isang mug saka kutsara bago siya sinagot. "I'm checking emails. Ikaw? Bakit gising ka pa rin?"

"Likewise."

I laughed. Hindi na ako nagsalita pa at nagtimpla na rin ng kape, matapos no'n ay sumunod ako sa kaniya sa sala saka naupo sa sofa.

Villaverde Brothers Series 1: Taming the Ruthless✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon