NERD SPARKS

By haztowrites

26K 921 49

Lovely Martha Celestine Martinez a high schooler who is known for her typical boyish aspect, dark personality... More

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Nerd Sparks Sequel

Chapter 18

411 23 1
By haztowrites

Naglalakad na ako ngayon papunta sa malaking hall, sinunod ko lang kung saan ko maririnig ang ingay na sinabi niya at hindi naman nagtagal ay nahanap ko rin ito. Katulad ng kanina ay masayang naguusap ang mga tao dito ganon din ang mga batang naghahabulan. Dahan-dahan ko namang linibot ang paningin ko para makita ko siya pero...

"Binibini... nandito ka lang pala? kanina pa kita hinahanap... natapos na ang harana nakita mo—"

"Hindi ko nakita si Martha"sabi ko kay Franco.

"Nanonood sila sa akin kanina ni binibining shielah"

"Talaga? eh...." nasa loob lang pala kanina pa si Martha? tch "mabuti, kamusta?"

"Katulad ng sinabi mo po binibini, nasa gitna siya nung kumanta kami kaya hindi ako nahirapang hanapin siya..."

"Kinikilig ba siya habang naghaharana ka?"

"Hindi ko po alam binibini pero narinig ko pong tinutukso siya ni binibining Shielah sa akin"

"Very good..."

"thank you so ano binibini? bukas po ah? Huwag mong kalimutan"

tch

Oo nga pala!

Ningitian ko lang siya. Tumalikod na ako at tsaka hinanap si Martha. Hindi pwedeng magkagusto sa akin si Franco, malilintikan ako kay Martha. Sa hindi kalayuan at nakita ko siya kaya agad ko siyang tinawag.

"MARTHA!" gulat naman ang iba na napatingin sakin. Tch bahala kayo.

Pagkadating ko kay Martha ay nagulat din siya sa akin.

"Lovely? anong nangyari bakit ka hinihingal?"

"Ok lang ako... pwede ba kitang makausap?"

"tungkol saan?"

"Mabilis lang may sasabihin lang" ani ko at napatingin ako kay Shielah. " hi!" Bati ko sa kanya.

"Hi din Lovely, sige aalis muna ako tinatawag ako ni mom eh" saad niya kaya agad kong dinala si Martha sa labas ng bahay.

"Bakit lovely ma problema ba?" Agad naman akong napatango. "Ano?"

"Si Franco yung type mo diba?"

Hindi agad siya nakapagsalita.

"a-ahh..."

"Siya nga... gusto niyang makipagdate sayo bukas kung ok lang sayo?"

"h-haa? t-talaga? si Franco nagsabi nun sayo?" dahan dahan naman akong napatango sa kanya. "anong oras daw?"

"di niya kasi sinabi pero bukas sabi niya"sabi ko.

"sigurado ka bang ako ang idadate niya lovely? baka ibang babae pala sinabi niya sayo ha?"

Tch parang ganon na nga.

"Oo, diba hinarahan ka nga niya kanina diba? tch kinilig ka diba?" nakangising sabi ko.

"Ahh hindi ahh" pagdedeny niya pa, kitang kita naman na kanina pa siya nagiging kamatis dahil sa mga pinagsasabi ko.

"Basta bukas daw kaya maghanda ka ng sasabihin mo"

"Bakit?"

"Basta nga lang"

Marahan naman siyang napatango sa sinabi ko. Kunwari pa siyang malungkot pero kinikilig naman.tch.Bumalik din kami sa loob pagkatapos naming mag-usap.

Nasaan na kaya siya?

Nakatayo ako kanina pa para makita ko siya agad pero hindi ko naman siya makita. Siguro kanina pa nagtataka si Martha kung bakit kanina pa ako linga-linga dito. Nandito din si Shielah at yung kapatid niyang lalaki na si Shero. Tinatamad na kasing makipaglaro kaya nadito siya sa ate niya.

Alas diyes na ng gabi pero hindi ko ininda ang puyat. Nakakapagtaka lang dahil hindi man lang ako napuyat simula pa kanina na linga-linga lang para mahanap siya.

Siguro kasama niya si Celestine.
Ano ba ang iniisip ko? na siya si Dust? May nililigawan ang tao kaya wag kang umepal sa lola mo! manliligaw ni Celestine yun kaya wala akong karapatan, sadyang magkamukha lang sila ni Dust.

"hali kayo, marami ng mga matanda dito"aniya Shielah kaya napatingin ako sa kanya. "baka malasing din tayo sa mga amoy ng alak nila, Shero pumunta ka sa mga kaibigan mo ok?" Tumango naman ang kapatid niya sa kanya at walang pasabing hinila ako ni Martha, hinihila din pala siya ni Shielah.

Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero parang pamilyar sakin ang lugar.Pumasok kami sa isang kwarto at hindi ako nagkakamali na ito din yung kwartong pinasukan ko kanina. Kwarto kaya to ni Shielah?

"Nandito pala si bogart?"

Tumahol naman si Bogart nang marinig niyang tinawag ang pangalan niya at tsaka siya pumunta sa akin at didilaan sana ako pero kinuha na agad siya ni Shielah.

"Bad dog! huwag mong dilaan si Lovely ok?" napayuko naman ang aso dahil sa sinabi ni Shielah.

Cute.

"Dito muna tayo ahh?" aniya Shielah sa amin ni Martha. Mabilis naman akong tumango. Gusto kong humiga. "Humiga ka lang Lovely, kung gusto mo may kama pa ako sa kabila, pumasok ka doon ohh!" turo niya sa isa pang pintuan.

"Oo lovely, pwede kang matulog doon kung inaantok kana, gigisingin kanalang namin kung uuwi na tayo" si Martha.

Medyo nagtaka pa ako sa mga sinabi nila pero dahil gusto ko na ding humiga ay pumasok ako. Pwede naman kasi kaming umuwi na pero bakit hanggang alas tres pa? ng umaga? Tch. Dito nalang ako matutulog.

Nilapag ko agad sa kama ang katawan ko. Kahit gawa sa kahoy ang kama ay napakalambot naman ng bedsheet nila kaya ang sarap higaan. Nakatingin ako sa ceiling nang bigla nalang akong may narinig na "pssst"

Nilibot ko ang paningin ko sa buong kwarto pero ako lang naman mag-isa dito. Napabuntong hininga akong napabangon at tiningnan ko naman ang isa pang pintuan.

May tao kaya doon?

Kinakabahan ako habang nakatingin doon sa isang pinto.

"Psssst!"

Dahan dahan akong tumayo at naghanap ng matalim na bagay sa loob ng kwarto pero tanging gasera lang ang meron ako dito. Yun nalang ang kinuha ko habang lumalapit sa pinto.

"Psssst!"

Positive ngang may tao dito.

Kaharap ko na ang pinto at isang katerbang kaba ang nararamdaman ko ngayon. Mahigpit kong hinahawakan ang gasera para sa kung mabuksan ko na ang pinto ay agad ko itong ihahampas sa kung sino man ang nandito. Napalunok ako habang binubuksan ko na ng dahan dahan ang doorknob nito. Do or die?

Tch.

Both?

Naipikit ko pa ang mga mata ko habang nakapwesto ng ihahampas ko na sana yung gasera. Minulat ko ang mga mata ko at tsaka gulat akong makita ang lalaking kaharap ko. Magsasalita sana ako nang bigla siyang mag hand sign ng 'shhhhhss' kaya nakatitig ako ngayon sa kanya ng diretsyo.

"Hindi mo ako hinanap kanina kaya pinuntahan kita...I'm sorry pero dito ko sisimulan, hali ka may ipapakita ako sayo"

Dahan-dahan namang kumunot ang noo ko sa mga pinagsasabi niya. Ano daw?

Marahan niyang kinuha sa kamay ko ang gaserang hawak ko at tsaka tinabi ito gilid. Napatingin ako sa kanya nang dahan dahan niya akong hinigit, hindi ko alam pero kusa naman akong sumunod sa kanya. Sunod-sunod ang paglunok ko habang nakatingin kami sa isat-isa, parang kakaiba ang mga titig niya na para bang nakita ko na din ito dati. Napansin kong napangisi siya sa akin kaya agad akong napayuko.

Hindi pwede.
Hindi si Dust ang kaharap ko. Nasa ibang panahon ako kaya wag akong umasa na siya ito.
Malayong siya ito, sadyang magkamukha lang silang dalawa! Pero bakit nandito siya? dapat nandoon siya kay Celestine diba?

Madilim dito. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero hindi naman ako nangangamba. Huminto kami sa paglalakad, binitawan niya ang kamay ko at tsaka ko naramdaman na sinindihan niya ang ilaw dito.

"Wag kang lalayo sa akin" napatingin siya sa akin kaya tumango naman ako.

Saan niya ba ako daldalhin?

Lumabas kami sa kwartong iyon at pagkalabas namin ay na gulat ako na dinala kami sa hallway. Wala masyadong tao rito. Naglalakad kami pareho, hindi niya naman sinabi kung saan kami pupunta kaya sinunod ko nalang siya. Marami naman akong mga larawan na nakita at hindi na pamilyar sa akin ang mga tao na nandito sa kada picture frame na madadaanan namin.

Napakatahimik naming naglalakad kung saan man kaming dalawa papunta ngayon. Napansin kong napahinto siya kaya ganon din ang ginawa ko. Binaling niya ako ng tingin at tsaka napunta ang mga titig niya sa kamay ko. Nagtaka naman ako dahil napangisi siya.

"Kinuha mo?" aniya.

Hindi ko nakuha ang sinabi niya kaya walang ganang tiningnan ko siya.

"Never mind" bumalik ulit kami sa paglalakad.

Anong problema niya?

Tch.

Sa totoo lang gusto ko na talagang bumalik sa panahon ko dahil hindi ko alam kung bakit ako nandidito sa panahong ito at hindi ko naman maintindihan ang mga tao dito!

"Alam mo ba kung bakit ka nandito?"

"Kasi kaarawan ng kapatid mong lalaki? ni Shero?" sabi ko "sinama kasi ako nila Martha at ni Celestine yung nililigawan mo no?"

"kasi sinama ka ng nililigawan ko? haha ok. Tama naman pero hindi yan ang sagot sa tanong ko"

Eh?

"Nandito ka dahil..."

"Sinama ako ng mga kaibigan ko" pagtatapos ko ng sasabihin niya.

"Nope"

"Eh ano?"

Binaling niya ako ng tingin at tsaka ako nilapitan. "Because of that..." hawak niya ngayon ang kamay ko.

what?

"dahil sa kamay ko? kaya ako nandito?"

"Hindi, I mean you take off the ring" turo niya ulit sa daliri ko. Sa ring finger ko.

ha?

Tatanungin ko sana siya kung anong ring ang pinagsasabi niya nang maalala ko yung singsing na gawa sa kahoy! Yung singsing na binigay sa akin ni Dust!

"Paano mo nalaman?" nagtatakang tanong ko.

"Tss... do you need to ask?" tiningnan niya ulit ang daliri ko at tsaka ulit ako tiningnan.

ok. no need na pala.

Sandali!

"Paano mo nalaman na kinuha ko ang singsing?" Oo nga paano niya nalaman? eh nasa panahon pa ako nung kinuha ko yung singsing eh. "Alam mo bang taga ibang panahon ako?" agad naman siyang napahinto sa paglalakad.

"Really?"

Shit!

Sana hindi ko nalang sinabi. May masama kayang mangyayari dahil sinabi ko?

"Joke lang hehe" kunwari na tawa ako sa sinabi ko. As if na si Dust ang kausap ko ngayon. Tch

"Ikaw naman hindi ka mabiro..."

Napangisi siya sa akin. "Mabuti at marunong kanang magjoke"

Wtf?

Kanina pa siya ah! hindi ko siya maintindihan!

Hindi ko nalang siya pinansin. Napunta naman ang mga tingin ko sa mga gamit na madadaanan namin. Kanina pa kami naglalakad pero hindi niya man lang sinabi kung saan kami pupunta.

"Kung nagtataka kung bakit ka nandito..." hinawakan niya ang kamay ko. "Huwag kang matakot tanungin ako"

"Bakit naman ako matatakot? eh kaarawan lang naman ng kapatid mo kaya ako nandito—"

"Hindi yun"

"Kaya nga sabihin mo!"

Napabuntong hininga siya. Agad ko ding naramdaman ang isa-isang pagpintig ng puso ko habang nakatingin sa kanya. Lumapit siya ng marahan sakin at tsaka may binulong sa tenga ko.


"Alam kong taga ibang panahon ka, at ganon din naman ako sa panahon mo, hindi ko alam kung paano ko sisimulan pero katulad ng sinabi ko sayo ay ngayon ko sisimulang manligaw sayo... Hindi ka nagkakamali na yung taong kaharap mo ngayon ay siya ding manliligaw mo... It's me... Dust..."

Continue Reading

You'll Also Like

2M 98.9K 37
Presenting the story of ISHIKA MEHRA Whose innocence made the king bow down to her AND ABHIRAJ SINGH RATHORE Whose presence is enough to make the per...
7.7K 297 38
There was a girl named Crystal who's a secret agent and had a secret mission on one of her enemy. Ayaw niya sanang tanggapin iyon ngunit wala naman s...
1.9K 124 9
Maraming kababalaghan ang nangyayari sa loob ng Mansyon ng pamilya Morgan. Maraming elemento at kahindik - hindik na pangyayari ang bumabalot dito. G...
11.5K 512 71
(UNDER REVISION) [THIS BOOK WAS NOT YET EDITED. MARAMING LOOPHOLES AT MARAMING KAJEJEHAN, BECAUSE THIS STORY WAS WROTE ABOUT TWO YEARS AGO. SO IF EV...