...LANGIT KA, LUPA AKO...by...

By Emmz143

334K 6.8K 181

More

Teaser...
CHAPTER 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43....finale...

Chapter 38

7.6K 168 3
By Emmz143

...LANGIT KA
LUPA AKO...
"ALLEXA & EDISON"
By...emzalbino

Tarantang binuhat ni Edison ang kanyang ina at ng palabas na sa may entrance ay sinulyapan pa niya si Allexa na noon ay napatanga ito habang nakatingin naman sa kanya saka nagmamadaling tinungo ang lift at nakasunod naman si Savinnah na hindi maipinta ang aura ng mukha nito..

Habang nasa daan ay aburido ang isip ni Edison dahil sa mga nagaganap at ngayon ay talagang nasa pagitan na siya ng mga dalawang nag uumpugang malalaking bato dahil kapwa niya mahal ang dalawang babaeng nag iiringan kaya hindi niya alam kung saan niya ilulugar ang kanyang sarili, at higit sa lahat ay inaalala niya ang kalagayan ng kanilang anak na si Allison dahil natatakot siyang baka maapektuhan ito...,,

"Lord please save my mommy"!.....samong dasal ni Edison habang nagmamaneho ito ngunit biglang naalis ang kanyang pagkaaburido at napalitan ng pagkainis ng biglang magsalita si Savinnah..

"Edison please can you explain to me kung paanong nangyari ang lahat ng ito! Kung paano naging mayaman ang bitch na iyon!....bulyaw nito kay Edison habang nagmamaneho kaya mas lalong nairita ito..

"Please Savinnah wag ka ng dumagdag sa mga problema ko!...singhal ni Edison sa dalaga ngunit baliwala lang ito na parang walang narinig sa mga sinabi ni Edison..

"Kung sa palagay ng babaeng iyon na nagtagumpay na siya ay nagkakamali siya dahil ako mismo ang magbabalik sa kanya sa basurang kanyang pinagmulan!...muling turan ni Savinnah kaya naman mas lalo pang nag init ang ulo ni Edison..

"Shut up Savinnah!!!...baling na sigaw ni Edison sa dalaga na waring natakot ito dahil sa lakas ng sigaw sa kanya ni Edison kaya natameme ito sa kanyang upuan...."Ito ang sasabihin ko sayo! Wag na wag kang magkakamaling gawan ng masama ang aking asawa dahil ako ang makakalaban mo at kung anuman mang estado ang kinalalagyan niya ngayon ay hindi mo na iyon problema pa at wag mo nang ipilit ang sarili mo sa isang lugar na hindi naman para sayo dahil masasaktan ka lang!....muling turan ni Edison saka agad na bumaba ng kotse at dali daling kinarga ang inang walang malay ng makarating sa may pinakamalapit ng ospital at nakasunod namang walang imik si Savinnah na panay ang buntong hininga niya ng malalim dahil nasasaktan siya sa mga binitiwang salita ni Edison...
....

Napatulala si Allexa ng makitang karga karga ni Edison ang inang nawalan ng malay tao at parang pakiramdam niya ay may dumagang bato ng makita ang asawa na sobrang nag alala sa kanyang ina lalo pa ng magtama ang paningin nila na para bang may ibig sabihin si Edison sa paraan ng pagkakatitig niya sa kanya kaya naman hindi niya maipaliwanag ang damdaming biglang namahay sa kanyang puso ng mga sandaling iyon at agad na lumabas at nagtungo sa isang tahimik na bahagi ng gusali at nakatanaw sa kawalan at maya maya ay hindi na niya napigilan ang paglandas ng kanyang mga luha...

"Lord ano ba itong nangyayari sa akin? Akala ko ay magiging okay na ang lahat pagkatapos ng nais kong mangyari ngunit bakit ganito? Bakit parang mas lalong bumigat ang aking dibdib ng makita ko ang labis na pag aalala sa mukha ni Edison?....lumuluhang saad ni Allexa sa sarili habang nakatanaw sa kawalan..

Hindi malaman ni Allexa ang gagawin kaya napahagulgol ito ng biglang may kamay na humawak sa kanyang balikat at ng paglingon niya ay ang kanyang papang..

"Papang akala ko ay magiging okay na ako pero bakit ganito ang pakiramdam ko? Bakit parang mas lalo pang"..,,hindi na naituloy ni Allexa ang sasabihin dahil napahagulgol na ito at agad na yumakap sa kanyang ama..

"Anak! Kaya nga sinabi ko sayo na kailangan mong pag aralang mabuti ang ibubunga ng iyong balak dahil maraming pwedeng mangyari dahil sa gagawin mong desisyon dahil hindi lang pangkaraniwang tao ang iyong masasagasaan kundi mismong mga mahal mo sa buhay at alam ko na kahit na hindi mo man aminin sa akin ay naririyan oarin sa iyong puso dahil iyon ang nababasa at nakikita ko sa iyo kaya ngayon ay mas lalo kang nahihirapan dahil nakikita kong nahihirapan siya"....paliwanag ni don Gener kay Allexa..."Sana anak ay maisip mo ang tamang desisyon bago mahuli ang lahat dahil ayaw ko rin na masaktan ka habang buhay pagdating ng araw dahil masasaktan din ako at lalong ayaw kong nakikitang nahihirapan ang aking apo dahil kang sa galit sa iyong puso"....malumanay na wika ni don Gener saka hinagkan nito buhok ng anak at tinapik tapi nito ang likod niya..

"Papang"....tanging wika ni Allexa habang patuloy ang paghikbi nito.

"Anak ang damdamin mo ang sundin mo wag iyang nasa isipan mo para wag kang matulad sa akin noon na ngayon ay labis kong pinagsisihan dahil naduwag ako noon na ipaglaban kayo ng iyong inay kaya humantong kayo sa ganitong sitwasyon, Gawin mo ang nararapat para sa sarili mo at higit sa anak mo dahil siya ang labis na masasaktan sa isang maling desisyon mo"....ani don Gener at luhaang napatingin sa kanya si Allexa...

.....

Halos hindi mapalagay si Edison habang nasa labas siya ng ICU, Agad naman niyang naipaalamsa kanyang kapatid na si Kristine ang nagyari sa kanilang ina at ayon sa dalaga ay hindi pa agad na makakauwi ito dahil biglaan ang pangyayari ngunit nangako naman ito kay Edison na magpapaalam siya sa kanyang amo para makauwi agad at pumayag naman si Edison sa sinabing iyon ng kanyang kapatid dahil alam din niya ang sitwasyon nito..

"Lord sana Po ay malampasan ni mommy ang pagsubok na ito dahil hindi ko mapapatawad ang aking sarili kong may mangyaing masama sa kanya dahil sa paglilihim ko sa tungkol kay Allexa at sa party"....piping dasal ni Edison habang nakatingin sa saradong pintuan ng ICU..

"Edison please maupo ka nga kanina pa ako nahihilo sa iyo eh!...ani Savinnah habang naka de kwatro ng upo sa may upuan...

"Mund your own business at pwede ba Savinnah na umalis ka na nga lang rito para naman kumalma ang utak ko dahil naiirita pa akong lalo sayo eh, isa ka pang problema ko!....turan ni Edison sa dalaga..

"Nagmamalasakit na nga ako ang sakit mo pang magsalita!...pikon na sagot ni Savinnah at nagdadabog na nilisan ang lugar kaya napahinga ng malalim si Edison habang nakamasid sa dalagang papaalis...

......

Ilang oras pa ang ipinaghintay ni Edison bago lumabas ang doktor at nilapitan siya..

"Dok kumusta na po ang mommy ko? Kumusta ang lagay niya?...,sunod sunod na alalang tanong ni Edison sa doktor..

"Okay na ngayon ang sitwasyon ng iyong ina ngunit im sorry to say that dahil sa pagkaka stroked niya ay naapektuhan ang kanyang pananalita kaya medyo utal siyang magsalita at kailangan niyang sumailalim sa therapy para maagapan agad ito habang maaga pa".....pahayag ng doktor na ikinalungkot ni Edison..

"Ga.ganoon po ba?...malungkot na wika ni Edison..

"Yes mr. Del Mundo at may irerecomenda akong doktor para saiyong mommy na mahusay kaya wala kang dapat ipag alala dahil bihasa siyang doktor sa gaya ng sitwasyon ng iyong mommy,he is dr.George Reyes at bukas ay pupunta siya rito para suriin ang lagay ng iyong ina"....muling saad ni dr..Marquez..

"Okay po salamat po ulit at pwede ko na po bang makita ang aking ina?...maya maya ay muling tanong ni Edison..

"Oo mr.Del Mundo pero inaayos lang muna ang kwarto ng iyong mommy and in a few minutes ay ililipat na siya sa kanyang pribadong kwarto at one more thing pala, paka iwasan sa iyong mommy ang pag iyak at sibrang saya dahil makakasama sa kanya and she still under recovery at nakaantabay parin kami sa kanyang puso at blood pressure baka kasi biglang mag iba ang takbo ng mga ito ay delikado sa iyong mommy kaya kailangang laging check up ang kanyang mga vital signs"....salaysay ni Dr.Marquez kay Edison na tatango tango lang ngunit sa kanyang kaloob looban ay sobra siyang nag aalala sa kondisyon ng ina dahil nasa alanganing sitwasyon parin ang donya....

Nang mailipat ang donya sa private room nito ay halos napaiyak si Edison ng makita ang ina nito kaya agad niyang niyakap ang ina na noon ay mahimbing na natutulog...

"Mommy im so sorry sa lahat lahat ng mga nagawa kong kasalanan sayo, mabait naman akong anak sa inyo ni daddy noon but im became a stupid son nang natuto akong umibig sa babaeng tanging kong minamahal kaya nilabag ko ang iyong kagustuhan but God knows how much i love you mommy dahil utang ko sayo ,sa inyo ni daddy ang lahat kung bakit ako ngayon nasa ibabaw ng mundo at hindi ko nakakalimutan iyon ngunit kaya ko kayo sinuway dahil gusto kong ako ang pipili ng babaeng makakasama ko habang buhay na kasama kong bubuo ng pamilyang pangarap ko at noong natupad iyon ay labis kayong nasaktan dahil tinalikuran ko kayo but mommy kahit na umalis ako noon sa poder mo ay nananatili parin ang pagmamahal ko sayo bilang ina ko at ngayon ay inaamin ko na nahihirapan ako sa sitwasyon ko ngayon dahil hindi ko alam kung saan ko ilulugar ang aking sarili dahil sa bangayan ninyo ni Allexa, hindi ko alam kung sino sa inyong dalawa ang uunahin ko but i love you both at ang isa pang ikinakatakot ko ay baka maapektuhan ang aking si Allison at masaktan ang murang isipan nito na iyon ang ayaw na ayaw kong mangyari mommy"......luhaang saad ni Edison sa inang nakatulog ngunit hindi alam ni Edison na may isang taong tahimik na nakikinig sa kanyang mga sinabi....

"Poor man!,....naaawang wika ni George sa isip nito habang nakamasid kay Edison na yakap yakap ang ina na noon ay parang batang umiiyak..

Nang ipaalam ni Dr.Marquez na si George ang siyang doktor na naitalaga para sa donya ay hindi na niya ito ipinagpabukas pa ang pagpunta sa ospital dahil ng makita niya ito kanina sa party na biglang nawalan ng malay ay bigla siyang nag alala...

Tahimik na lumapit si George sa tabi ni Edison at noon lang namalayan ni Edison na may tao pala sa kanyang likuran at nagulat ito ng makita si George..

"Ikaw! Anong ginagawa mo rito?...biglang uminit ang ulo ni Edison ng makita nito si George dahil kanina lang sa party ay lihim na nagtatangis ang kanyang kalooban dahil sa selos na nararamdaman nito nang hawaka nito ang kamay ni Allexa at ang balakang ng asawa ng papunta na sa harap ng entablado...

"I came here for my job and to tell frankly im not you enemy, kung ano man ang problema ninyong mag asawa o ng pamilya mo between Allexa ay wag mo akong idamay dahil hindi ako ang klase ng tao na nakikialam sa gulong hindi ko naman alam ang puno't dulo nito im just stay at the center, at serbisyo ang ipinunta ko rito at hindi ang kung ano pa man"....kalmadong saad ni George kay Edison..

"Then who are you?..,tanong ni Edison na kahit alam niyang George ang narinig niyang pangalan nito na siyang binanggit ni don Gener sa party ay hindi siya sigurado sa pagkatao nito...

"Im George, Dr. George Reyes!....tanging sagot ni George na napatanga si Edison at ng makabawi ay nagbaba ito ng tingin saka naupo sa may couch...

"Im so sorry nadadala lang ako sa mga problema ko, para na kasi akong nakaipit sa dalawang malalaking batong nakapagitan sa akin and i don't know where to put myself now masyado na g nagiging komplikado ang nangyayari!.....paglalahad ni Edison saka napabuntong hininga ng napakalalim..

"Makukuha iyan sa masinsinang pag uusap and don't be give up at gawin mo ang alam mong tama na siyang makakapagpalambot sa puso niyang naging bato, anyway i just dropped by to check your mother dahil nakita ko kanina ang kalagayan niya ng mawalan ito ng malay tao sa party but tomorrow ay babalik ako para sa first therapy niya at sa check up niya"...turan ni George at muli niyang sinuri ang vital signs ni donya Guada at ng masigurong wala namang problema ay saka nagpaalam na ito kay Edison.....

.....

Hindi mapakali si Allexa sa kanyang kwarto paroo't parito siya na hindi malaman ang kanyang gagawin at ng malaman niya mula kay George na ito ang itinalagang doktor para sa donya ay nagkaroon siya ng pag asa na makabalita sa mga nagaganap...

Maya maya ay narinig niya ang ugong ng sasakyan ni George kaya nagmamadali siyang bumaba ng sala para salubungin ang binata..

"George!....sigaw na tawag ni Allexa sa papalapit na binata..

"Why Allexa?....maang na tanong ni George kay Allexa ngunit alam na nito ang pakay...

"How is she? I mean kumusta ang lagay ni donya Guada?...sunod sunod na tanong ni Allexa..

"Sa ngayon ay okay na siya but kailangang bantayan siyang mabuti o imonitor ang kanyang blood pressure at ang kanyang puso dahil naapektuhan ng kanyang pagka stroked ang kanyang pananalita niya at kailangan niyang i therapy para maging maayos ang pag circulate muli ng kanyang mga ugat nito dahil paralyzed ang kalahating katawan niya"....,pagbabalita ni George at natutop ni Allexa ang bibig nito dahila ng akala niya ay simpleng pagkawala ng malay tao ang nangyari sa donya ngunit naging malubha na pala ito...

"George hindi ko hinangad na humantong sa ganitong sitwasyon ang lahat dahil ang tanging nais ko lang ay ipakita sa kanya na ibang iba ang ang Allexa na nilait lait niya noon, iyon lang angntanging gusto kong patunayan ngunit hindi ko hinangad na mangyari ang ganito dahil kahit na anong galit sa kanya ay hindi ko kailan man idinalangin na makasakit ng pisikal sa aking kapwa".....lumuluhang saad ni Allexa kay George...

"At nangyari na Allexa kaya wala na tayong magagawa pa"....malungkot na sagot ni George kaya napahikbi nalang si Allexa..

"Ku..kumusta naman si..si"....hindi masabi sabi ni Allexa ang nais sabihin dahil naaalangan siyang tanungin ito ngunit alam ni George kung sino ang tinutukoy ni Allexa...

"He looks like a poor man that needs someone to comfort him! At narinig ko kanina ang kanyang hinaing sa inang tulog na tulog at inamin niya na hirap na hirap na siya and he wants to give up but he needs to be strong para sa mga taong mahal na mahal niya at naiintindihan ko siya na nahihirapan siya at naiipit siya sa dalawang taong pinakaimportante sa buhay na nagbabangayan kaya hindi niya alam kung saan niya ilulugar ang kanyang sarili"....buntong hiningang saad ni George habang nakatingin kay Allexa na noon ay tuluyan ng humagulgol ito sa iyak....

......itutuloy....

Continue Reading

You'll Also Like

53.8K 1.4K 24
Paano kaya kung paglaruan ka ng tadhana at kusa kang dalhin ng mga paa mo sa taong pilit mong tinatakbuhan? Meet Nikki, ang stokwang anak-mayaman na...
40.3K 1.2K 22
TYCHO'S STORY!!! Is it a sin to fall in love? No! But what if Grace's has fallen in love with her twin sister's fiancé? Photo cover credits to miss_d...
48.1M 1.3M 62
Rosenda crosses path with a hot stranger who's suffering from some sort of mental illness yet seems to understand her pain and longing. She decides t...
325K 7.2K 27
Ang kwentong ito ay pawang mga kathang isip lamang kaya kung sakaling may pagkakatulad ang mga tauhan sa ibang kwento o buhay ng isang tao ay hindi p...