Chapter 36

6.9K 166 3
                                    

....LANGIT KA
LUPA AKO....
"ALLEXA & EDISON"
By...emzalbino

Parang napunan ang lungkot na nadarama noon ni Edison ngayong nakita na niya si Allexa kaya ipinangako niya sa sarili na hindi siya susuko hangga't hindi niya muling napapaamo ang asawa at mabalik muli ang dating pagsuyo nito..

Maya maya ay naramdaman ni Edison ang muling paghilab ng kanyang tiyan kaya nilapitan niya ang kanyang mag ina..

"Let's go and eat!....yaya ni Edison sa dalawa habang nakatingin kay Allexa na medyo iniiwas nito ang tingin sa asawa..

"Yes daddy thank you!..sunggab agad ni Allison sa sinabi ng ama.."Actually im starving kasi hindi ako nakakain kanina because i cried and cried daddy".....lahad muli ni Allison sa ama..

"But why you cried?....tanong ni Edison sa anak saka yumukod ito at hinawakan ang balikat ni Allison..

"Because i miss you daddy at ang tagal nang hindi kita nakikita kaya i asked mommy to bring me here"....muling turan ni Allison sa ama kaya natatawang ginulo ni Edison ang buhok ng anak.."I miss you too my baby"......wika ni Edison saka binalingan niya si Allexa na noon ay tahimik na nakikinig sa usapan ng mag ama...."I miss you more".....maya maya ay pasimpleng bulong ni Edison kay Allexa na siyang dahilan ng paglingon nito sa asawa at parang biglang kumawala ang kanyang puso ng sumilay ang matamis na ngiti ni Edison kaya biglang namula ang kanyang mukha...

Hindi malaman ni Allexa kung papaano niya kulontrolin ang kanyang sarili dahil parang nahihirapan na siyang lalo ngayong nakita na niya g muli ng harapan si Edison at nayakap pa niya't nahalikan...Sinasabi ng kanyang isip na magalit siya sa asawa ngunit ang kanyang puso ay nagsusumigaw ng pananabik at parang kinikilig siya na hindi niya mawari sa mga matatamis na salitang nanggagaling sa asawa lalo na ang mga titig niyang parang tumatagos sa kanyang puso kaya laging iwas ang ginagawa niya dahil sa pagkalito nito sa kanyang nararamdaman...

"Lord ano Po ba ang dapat kong gawin?....piping samo ni Allexa sa sarili at dahil sa kakulitan ng anak nito ay wala siyang nagawa kundi sumunod ito sa mag ama dahil ayaw naman niyang iwan ang anak baka muling kunin ni Edison ito sa kanya..

....

Nagulat si Allexa dahil ang akala niya ay sa isang restaurant sila dadalhin ni Edison ngunit dinala sila ni Edison sa isang karinderya kung saan kompleto ang mga tindang ulam at malinis naman ang paligid...

"Ako na ang mag oorder ng pagkain, umupo nalang kayo ni Allison"..,,malambing na wika ni Edison saka ginagap nito ang kamay ni Allexa bago pumunta sa may counter para mag order ng kanilang makakain..

"Anak okay lang ba kung dito tayo dinala ng daddy mo?...ani Allexa sa anak nito na tahimik na nakaupo lang ngunit palinga linga sa paligid..

"Yes mommy!....agad na sagot ni Allison sa ina nito.."Im happy po mommy kasi first time ko na magkakasama tayong kumain nila daddy kaya kahit saan po tayo kumain ay okay lang po sa akin basta ang mahalaga po ay magkakasama po tayo nila daddy at alam mo mommy ngayon ko lang po nakita si daddy na nag smile ng very sweet na gaya kanina"!....pahayag ni Allison kay Allexa na ikinabuntong hininga nito..

"Thank you anak for being such a good girl"...maluha luhang saad ni Allexa sa anak nito dahil sa kaligayahang nakikita nito sa kanyang anak...

"Because my daddy told me that i should be a good girl so people would like me to be their friends"....muling saad ni Allison kaya naman napatayo si Allexa at niyakap nito ang anak na siya namang pagdating ni Edison na bitbit ang kanilang pagkain at nakasunod naman ang iba pa nilang pagkain nadala ng isa sa katulong sa karinderya..

Isa isang inilapag ni Edison ang mga inorder nanpagkain nila, puro mga paborito niyang lutuin ang lahat ng binili ni Edison at halos mapatanga siya ng matuon ang kanyang paningin sa kare kare na paborito ng asawa ngunit ng mapansing nakatingin ang asawa niya sa kanya ay ibinaling niya sa ibang direksiyon ang paningin at lalagyan saka ikinuha niya ng pagkain at nilagyan ng ulam ang pinggan ng kanilang anak at hindi naman mapili sa pagkain si Allison at gustong gusto niya ito ng gulay kaya natutuwa si Allexa sa nakikita niya sa kanyang anak...

...LANGIT KA, LUPA AKO...by,..emzalbino..(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon