CHAPTER 1

18.3K 241 3
                                    

....LANGIT KA

LUPA AKO.....

"ALLEXA &EDISON"

BY..EMMZ

CHAPTER 1...

"Allexa anak gising na!..bangon ka na riyan at ng makapasok na tayo sa masyon marami pa naman tayong trabaho ngayon!" yugyog ni aling Susan kay Allexa...

"Anong oras na po?" pupungas pungas na tanong ni Allexa sa kanyang inay at agad na tinungo ang kusina at deritso ng lababo para mag mumog...

"Alas sais y media na kaya dalian mo na diyan at nakahanda na ang almusal" muling wika ni aling Susan at saka tinanaw nito ang mansiyon na katabi ng kanilang munting bahay na nasasakupan ng lupain ng mga Del Mundo ang isa sa pinakamayamang pamilya sa kamaynilaan at kilala sa lipunan....

"Sige po inay kakain lang po tayo ng agahan saka lilipat sa mansiyon para naman may laman ang ating sikmura"...saad ni Allexa saka kiniha nito ang pan at palaman na peanut butter saka nilagyan niya ng palaman ang mga tinapay at nagtimpla ng kape at ng matapos ay tinawag nito ang kanyang inay na noon ay inaayos nito ang higaan nilang mag ina dahil dalagang ina si aling Susan dahil ang lalaking nakabuntis sa kanyang ina ay may pamilya na pala at huli lang niya ito g nalaman ng nagdadalang tao na siya ngunit ganoon pa man ay pinalaki pa rin niya si Allexa ayon sa kanyang kakayahan at napagtapos rin niya ito ng high school ngunit dahil sa walang sapat na pera ay hindi na natunton ni Allexa ang kolihiyo....

"Inay bakit para yatang may okasyong magaganap sa mansiyon kasi po kahapon ay narinig kong nag uusap si manang Cita at mam Guada at sinabihan ni mam Guada na kailangang maging malinis ang dalawang bakanteng kwarto dahil kakailanganin nila sa susinod na linggo at narinig ko rin na agad na tumalima si manang Cita...

"Ay yun ba anak? hmm kasi ay darating si Edison at si Kristine mula sa New York at magbabakasyon yata sila dito ng tatlong buwan dahil summer vacation nila"...pahayag ni aling Susan sa anak nitong si Allexa...

"Ah ganoon po ba!" turan ni Allexa..

"Si Kristine ay nag aaral palang ngunit si Edison ay tapos na siya ng kolihiyo at ayon sa oagkakadinig ko ay siya ang mamamahala ng negosyo ng mga Del Mundo dahil sumakabilang buhay na si don Nicanor ang daddy nila Edison at Kristine" kwento ni aling Susan sa anak nito habang nag aalmusal sila...

"Ganoon po ba inay!...hmm huling nakita ko po si senyorito Edison ay noong third year high school ako eh ngayon ay biente tres na ako malamang na hindi na ako noon natatandaan" walang prenong turan ni Allexa sabay subo ng tinapay...

"Bakit may nagbago ba sayo kung bakit hindi ka niya makikilala eh ikaw parin naman si Allexa na anak ni Susan na isang katulong ah?" ani aling Susan saka hinarap nito si Allexa...

"Alam ko naman po inay na mahirap lang tayo pero wag naman ninyong masyadong ibaba ang ating sarili dahil tao parin naman tayo diba" turan ni Allexa sa inay saka tumayo ito at naghugas ng kamay...

"Yun na nga anak eh!...mahirap lang tayo kaya dapat alam mong ilugar ang iyong sarili wag na wag kang magpapadala sa mga matatamis na dila ng mga kalalakihan para hindi ka matulad sa akin" paalala ni Susan sa anak nitong si Allexa dahil hindi lingid kay Susan na noon pa mang high school si Allexa ay may gusto na ito sa anak ng kanilang amo.... 

Sa sinabi ni aling Susan kay Allexa ay kay bigat sa dibdib nito dahil hindi niya dapat sundin ang kanyang puso dahil simula ng nasa high school siya may gusto na siya kay Edison at tanging ang kanyang inay lang ang nakakaalam ng kanyang damdamin sa anak ng kanilang amo...

"Bakit masama bang magmahal sa isang lalaki kahit sa pangarap man lang?" tanong ni Allexa sa isip nito saka deritso ng banyo para maligo at ng ilang sandali pa ay papunta na sila sa mansiyon ng mga Del Mundo...

Pagdating ng mag ina sa mansiyon ay nabungaran nila si manang Cita na aligaga sa loob ng bahay kaya agad na tumulong ang dalaga at ang inay naman nito ay deritso sa paglalaba ng mga damit at pati mga kurtina at bed sheet na kapapalit lang kaya naman tambak ang labahin ni aling Susan at buti nalang at washing machine ang gamit nito pero sa pamamamalantsa naging kawawa si aling Susan dahil pati kurtina at kubre kama ay plantsado pa...

"Manang Cita ano po ba ang okasyon dito sa mansiyon at napakaabala ninyo at  halos lahat po ng mga tao sa mansiyon ay natataranta?" hindi nakatiis na tanong ni Allexa habang pinupunasan nito ang mga alikabok sa mga tokador at mga bintana...

"Kasi Allexa darating na bukas ng tanghali ang mga anak ni donya Guada na sina Kristine at Edison kaya naman dapat na malinis ang buong mansiyon kaya bilisan mo diyan at baka makita ka ni donya Guada na nakikipagdakdakan ay malalagot ka sa kanya" ani manang Cita saka itinuon ang mga mata sa kanyang ginagawa..

"Opo manang Cita, pagkatapos kong maglinis dito ay sa may kusina ako para tulungan ko si ate Adel sa paghahanda ng pagkaing lulutuin"...wika ni Allexa at tumango lang ang matanda kaya ng matapos ni Allexa ang kanyang ginagawa ay agad siyang tumungo ng kusina at nadatnan niyang naghahanda na ng lulutuin si Adel ang pamangkin ni manang Cita na mas matanda ng limang taon kay Allexa...

"Hi ate Adel! tutulungan na kitang maghanda ng mga lulutuin para agad mong matapos ang pagluluto" presinta ni Allexa saka naupo at hinarap nito ang mga gulay na nasa ibabaw ng mesa...

"Salamat Allexa!" masayang wika ni Adel saka pinagtulungan nilang hinimay ang mga gulay ngunit habang nagtatrabaho sila ay kasabay narin ng kanilang pagkukwentuhan...

"Ay ate Adel, totoo bang darating bukas sina senyorito Edison at senyorita Kristine?" pabulong na tanong ni Allexa saka tumingin sa paligid para tiyaking walang taong makakarinig ng kanyang sasabihin.

"Oo nga Allexa at ayon sa narinig ko kahapon ay dito na yata mamimirmihan si senyorito Edison pero si senyorita Kristine ay babalik ng New York pagkatapos ng tatlong buwan" sagot ni Adel kay Allexa sabay baling ng tingin nito sa kausap at nakita nito ang pagsilay ng ngiti ng dalaga kaya naman napailing ito..

"Alam mo Allexa para na kitang kapatid kaya ayaw kong masaktan ka kaya pinaaalalahanan kita dahil ayaw kong iiyak ka sa bandang huli"

"Ate Adel!" nakayukong tanging saad ni Allexa...

"Hindi mahirap at bawal ang magmahal ngunit bago ang lahat ay dapat alamin mo muna ang magiging dulot ng lahat para hindi ka maging luhaan sa bandang huli!" turan ni manang Cita...

"Ate Adel wala naman akong sinasabi na may gusto ako kay senyorito Edison eh" kaila na wika ni Allexa.

"Hmm, ay naku Allexa ikaila mo man ng sampong beses ay kita naman sa kislap ng iyong mga mata sa tuwing binabanggit mo ang kanyang pangalan kaya Allexa mag iingat ka huh" ani Adel saka tinitigang mabuti si Allexa kaya't napayuko ang dalaga...

"Bakit po ganoon?...bakit po unfair ang pag ibig?. bakit hindi pwedeng magmahal ang isang tulad ko sa isang tulad ni senyorito Edison?" mga katanungan sa isip ni Allexa habang nakatulala sa mga gulay na kanilang hinihimay ni Adel...

ITUTULOY!....

...LANGIT KA, LUPA AKO...by,..emzalbino..(completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon