Sea Without Waves (Rebel Seri...

By Ineryss

2.4M 68.3K 19.7K

hhss More

Sea Without Waves
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 6

52.4K 1.7K 584
By Ineryss

Sea Without Waves

Pissed

Draven, the nerd, wants to entertain me? Anong kabaliwan 'yon? He's wellknown for being smart. Hindi mahilig sa babae at hindi naggi-girlfriend.

Tapos sinusubok ang playgirl na kagaya ko? For what reason? Is it because of my surname? Dahil ba sa kalupitan ni Lola sa pamilya nila at naiisip niyang... gumanti sa pamamagitan ko?

Wala naman siyang interes sa akin ah? He's really up to something. Lalo na't sa nangyari sa kanilang pamilya, sa naiisip kong rason kaya siya ganito, hindi malabong ang rason nito ay dahil doon.

Ngunit kung ano man 'yon, hindi rin ako natatakot. But I won't go easy on him.

"Okay," I smiled.

Ibinalik niya ang atensyon sa libro, seryoso na ulit. Kinagat ko ang labi at nangingiting nagsulat.

"Reject Cassius," he reminded.

"No need..."

Ramdam ko ang pagiging kuryoso niya sa sagot ko ngunit tumango na lamang at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

"And Conrad?" parang may listahan pa ata sa mga lalake ko at kabisado niya?

"You kissed him. Reject him too."

"Hindi naman 'yon nanliligaw," I clarified.

"And you're letting all these boys kiss you?" parang may insulto sa tinig niya.

"Yes. Because I'm single. And I gave them my consent. What's wrong with that, primitive boy?"

Nahagip ng aking mga mata ang paggalaw ng kanyang panga. Inalis ko ang tingin sa notebook at muling dinungaw ang kanyang ekspresyon.

"'Yung kapatid mo mukhang—"

"Do you like my brother?" medyo matigas ang tinig niya ngunit hindi tunog galit.

"Hindi. Wala akong nagugustuhan," I chuckled.

Hindi siya umimik ngunit magkasalubong na ang kilay sa binabasa. Binalikan ko ng atensyon ang aking assignment. Isang tanong pa lang ang nasasagutan ko.

Kinagat ko ang dulo ng aking ballpen habang nag-iisip. Ipinatong ko ang isa kong hita sa isa at ginalaw galaw ang aking paa habang binabasa ng paulit ulit ang tanong.

Draven glanced at me. Tiningnan niya ang notebook ko. Akma siyang magsasalita nang pinigilan ko siya.

"Stop helping me out. Baka ang sunod na kapalit mo nito maging girlfriend mo ako. Hindi ko na 'yon maibibigay," I said playfully.

Huminga siya at hinila ng kaonti ang aking notebook para mapalapit sa kanya. Binasa niya iyon habang inilalahad sa akin ang kanyang palad.

"Give me your ballpen."

Ibinigay ko iyon sa kanya.

"Ako na sa iba," I said. "Baka isipin mo..."

Hindi siya nakinig at nagsulat na. I curiously looked at his answers. His chosen words are precise and they're not flowery. Maiintindihan mo agad at on point pa. Parang sakto lang kahit hindi mahaba.

Damn he's good! Ngayon lang ako nainggit sa utak ng isang tao. Ako na nga itong bobo at hindi pa nag-aaral ng maayos!

Binawi ko ulit ang aking notebook at ganadong sinagutan ang naiwang questions. Hindi ko namalayan na may ibang estudyante na palang tumitingin sa amin, nakukuryoso at ang iba ay parang nawe-weirduhan.

Naghiwalay din naman kami ni Draven noong matapos na ang break. Sabay kaming lumabas ng library.

Pumasok ako sa iilan kong subjects para magsubmit ng assignment at project s'yempre. I need a good grade lalo na't may hihingin ako kay Lola.

"Kawawa si Draven. Ang lupit talaga nila. Baka kaya niya rin nilalapit lapitan at nilalandi dahil gusto niyang sirain ito. Baka hindi nakontento sa nangyari sa pamilya nila."

"Ferrarin eh. Mga wala silang puso lalo na sa mga hindi nila kauri at mahirap lang."

Geez what's with these rumors? I have no intention on hurting Draven! At baka ang isang iyon may pinaplano! Ngunit ako... sa nalaman ko ay hindi ko na masisikmurang makadagdag pa. Ni ayoko ng problema kaya hindi ako nagboboyfriend tapos gagawan nila ako?

I didn't answer any of it. If it ain't worth your time then why invest on it? Bahala sila sa kung ano ang iisipin nila. Ain't my problem.

Lumabas ako pagkatapos lamang mag-announce ng deadline para sa pasahan ng projects. Next week pa naman! Gagawin ko naman pero hindi pa deadline kaya huwag na muna. Diyan na ako magpapanic kung deadline na para inspired akong gawin.

Balak kong magtungo sa field lalo na't alam ko, tuwing Biyernes bago ang uwian ay naroon ang mga players. He's probably there too? I'll watch.

Natatanaw ko na ang field at mga players na naglalaro nang may tumawag sa akin. Tumigil ako at kunot noong lumingon sa isang lalake na kaklase ko.

"Tungkol nga pala sa group project..." nahihiya niyang ngiti nang huminto sa aking harapan.

"Hmm? What about it?"

Lumunok siya at namula. Nagkamot siya ng batok.

"Uh... Gawin nalang natin ngayong weekend. By partner 'yon at kung gusto mo, para madali nating matapos ay pagtulungan nating dalawa. Baka kasi kung ikaw ang gagawa... madamay ako kung sakaling... hindi mo gagawin," he smiled apologetically.

My brow arched. May plano nga akong gawin at solohin iyon.

"Imposibleng magawa natin sa bahay niyo kaya... sa amin nalang. Nandoon naman ang mama ko. Gawin natin ngayong Sabado..."

What's his name again? Kuryoso kong kinuha ang kanyang suot na ID. Medyo nagulat siya ngunit hinayaan akong basahin ang kanyang pangalan.

Trison Wallace Alcaraz.

Alcaraz? Oh our top student in the class. Kaya naman pala takot noong ako ang naging partner. He doesn't want me to drag his grades down.

I took my phone out so I could take a photo of his address. Magpapahatid nalang siguro ako sa driver.

Binitiwan ko iyon at deritso na ang lakad sa field. Natanaw ko ang mga players. One of them is Draven who's already sweaty. Humalukipkip ako at sumandal sa gilid at tamad na nanood.

Why does he looked so snob? He doesn't smile. Naghahalakhakan na ang team at nag-aapir ngunit siya, madilim pa rin ang ekspresyon.

I looked at Conrad. He looked so fun while kicking the ball this time. Isang sipa ng malakas ay pumasok iyon sa goal. I smirked.

Draven glanced at me. Nakapamaywang siya, hinahabol pa ng kaonti ang paghinga at malamig akong tiningnan. I waved my hand. The snob didn't wave back. Mukha pang galit.

What's his problem again? Sa tuwing nandito ako sa field, talagang may problema siya. Hindi ko alam kung irita ba siya sa akin na tinitingnan ko siya o ano.

Draven said something to his teammates and started jogging away. Naghiyawan pa ang mga lalake nang mapansing lumalapit na ito sa akin.

I curiously looked at him. Dumaan lang ako para manood saglit. Hindi ko inaasahang lalapit siya.

"May isang game pa kami. Uuwi kana?" he asked.

Kumurap ako. Hindi ako sanay na uh... ganito. But he told me to drop all of my boys because he will entertain me this time.

"Naku! May nilalandi 'yang girlfriend mo, Draven! Si Trison!" halakhak ng ibang grupo ng boys nang mapadaan.

Kita ko ang pagkakasalubong ng kilay ni Draven.

"Lapit ka nga dito nang masuntok kita," ngisi ko sa lalakeng nagsabi noon kaya napawi ang ngiti.

"B-Biro lang naman!"

I glared at him. "Spread fake rumors and I'll fucking order someone to beat the shit out of you."

Siniko siya ng mga kaibigan niya at mabilis silang naglakad paalis. Draven sighed and calmed down.

"What's with Trison?"

I glared at him too.

"I'm asking. Explain and stop getting mad at me," he said calmly.

"Project. We're partners," I said while frowning.

Tumango si Draven at parang sapat na ang paliwanag ko para wala siyang maisip na iba. At bakit naman? Ano naman ngayon 'di ba? Sila ang lumalapit sa akin. Lahat ng mga estudyante rito, lalagyan lagi ng malisya sa tuwing kakausapin ako ng boys.

Can you blame them, Ashtraia? You're wellknown for being a playgirl. Ngayon ka lang nagtitino dahil ano. At anong nagtitino? At bakit ko ba inaaway ang sarili ko sa bagay na ito?

"Nasa labas na ang sundo mo?" he asked.

Umiling ako at tiningnan ang suot kong relo.

"May thirty minutes pa."

"Wait..."

Nagjog siya patungo sa kanyang mga team mates. May kung ano siyang sinabi. Some of them looked disappointed. Tiningnan pa ako ni Conrad at nagkasalubong ang kilay.

Ilang sandali lang ay kinuha na ni Draven ang kanyang mga gamit. Isinabit sa kanyang balikat ang isang strap ng kanyang bag, isinabit sa kaliwang balikat ang uniporme, at ang isang kamay ay dala dala ang mineral water niya habang pinupunasan niya ang pawis sa noo.

"Delikado kana, Draven! Kawawa ka kay Ashtraia! Paiiyakin ka niyan!" kantiyaw pa ng mga boys sa kanya.

I showed my middle finger. The boys shouted and laughed. Nag-apiran sila at kumindat pa ang ilan sa akin.

"Let's go," ani Draven nang tuluyang makalapit.

"Akala ko ba may isang game pa?" tanong ko.

"Practice lang naman. At hindi gano'n ka seryoso," aniya.

Hindi gano'n ka seryoso? Dahil mas seryoso siya sa akin? That's so corny. But I don't want to step on his ego and crush it.

Hindi ako romantic na tao ngunit hindi naman ako gano'n ka manhid na itong ginagawa ni Draven ay hindi kabilang doon. He's trying to be romantic. Or maybe he's being gentleman?

Sumabay ako sa kanya sa paglalakad. Amoy ko ang pawis niya na nahahaluan ng sarili niyang pabango. Binuksan niya ang mineral water at tumingala ng bahagya para inumin ang kalahati. His adam apple moved multiple times as he gulped the water down.

"Totoo pala?" some of the students were whispering things when they saw us.

"Akala ko pa naman iba si Draven sa lahat ng lalake. Kaso parang pati siya nagpaakit lang din."

"Halata namang ginagamit lang. Sabi noong kaibigan ko na classmate niya, nakakapagpasa na raw ng mga projects. Halata kung sino ang gumagawa..."

"Ginagamit niya si Draven."

Nilingon ko ang grupo ng mga babae na mukhang Grade Ten pa ata. Ang mga batang 'to. Ang iingay eh ang liliit naman. Mga nasa four foot eleven lang ata. Hanggang dibdib ko lang lalo na't five foot six ako. Kawawa ang mga 'to pag pinatulan ko.

"Minors," iling ko sa aking sarili.

Mukhang narinig iyon ni Draven kaya tiningnan niya ako.

"You're seventeen. Minor ka rin," he said.

"I'm turning eighteen next month," I bragged confidently.

Nakaabot na kami sa waiting shed.

"Still a kid," aniya na ikinatingin ko sa kanya.

Umupo kami sa waiting shed. He glanced from the side to check the area. Humalukipkip naman ako sa kanyang harapan.

"What do you mean?"

"You love to play..."

"Noon 'yon. Wala na akong ibang lalake ngayon."

Tumango agad siya at parang nakumbinsi. Ang bilis naman nitong kausap! Parang ako pa itong kaya siyang utuin sa aming dalawa. Baka kahit sabihin kong mahal ko siya maniniwala agad ang isang 'to.

Hinubad niya ang strap ng kanyang bag at muling isinuot sa katawan ang puting uniporme. Inayos niya ang pagkakasuot ng kanyang ID at ipinasok iyon sa kwelyo ng kanyang suot.

I crouched a bit so I could look at his ID clearly. Tiningnan ko iyon.

"Draven Allister Blancaver..." I read his name carefully.

Itinukod ni Draven ang kanyang magkabilang siko sa nakaparteng hita, tahimik lamang akong pinanood sa ginagawa ko.

"Hmm. So you're older than me," sabi ko nang tingnan ang taon ng kanyang birthday.

He nodded.

"Kuya mo ilang taon na siya?" I asked.

"Why do you keep on asking about him?" may iritasyon agad sa mukha niya.

"Bakit? Bawal ba? College student na ba siya?"

"Ask him personally," bawi niya ng tingin sa akin at kahit ang kanyang ID na hawak ko, gustong bawiin kaso ayaw niyang hilain paalis sa aking kamay.

Hindi na siya nagsalita pagkatapos noon. Nanahimik na lamang din ako lalo na't ilang minutong makalipas, dumating na ang sundo ko.

Ni hindi na ako nagpaalam sa kanya. Deritso na ang tayo ko at lumapit sa van.

Draven doesn't know how to entertain me. Hindi siya marunong sa babae. Ang misteryoso niya pa. He doesn't know how flirting works. He doesn't know how to please a girl. At baka nga kahit kiss, hindi alam! A headache. He's a headache for me.

Bakit nga ba ako papayag sa kasunduan? What would I get in return? Iyon ang laman ng isip ko habang nasa loob na ng kotse pagkatapos sunduin.

Ramdam kong wala siyang gusto sa akin. Hindi naman siya mukhang torpe. Alam ko kung paano kumilos ang mga torpe, at si Draven, hindi purket mala nerd sa aking paningin dahil matalino, misteryoso, snob at tahimik ay torpe na. He's clearly not.

Pinagpaalam ko kay Lola ang group project namin ni Trison sa gabing iyon habang nagdidinner. Pumayag siya.

"Show me your project once its done," ang kondisyon ni Lola.

I nodded since may maipapakita rin naman talaga ako sa kanya. Kaya kinabukasan ay iyon ang inatupag ko.

Kumunot ang aking noo nang makitang pamilyar ang pinasukan naming lugar.

Bumaba ako sa kotse at tinanaw ang bahay nila Trison. Ang gilid ng kanilang bahay ay walang iba kundi ang bahay nila Draven na hindi ko pa nakakalimutan.

Lumabas si Trison sa kanilang gate at medyo gulat nang makita ako. Isang sulyap sa bahay nila Draven ay nagtungo na ako papalapit kay Draven na lumalapit na rin sa akin.

"Maaga ka..." he pointed out, may tuwalya pa na nakasabit sa balikat at nakapangbahay habang buhaghag ang buhok na inaayos niya.

Nagkibit ako. Nahihiya niya akong iginiya papasok sa kanilang bahay.

"Ma... nandito na ang kaklase ko," he said when he opened the door for me.

Their house looked clean and simple. Ang size ng loob ay parang kuwarto ni Abrielle na spacious.

"Upo ka muna rito," itinuro niya ang sofa.

Umiling ako. "Sa terasa nalang, Trison. I'll smoke..."

Nagulat siya ngunit kalaunan ay tumango.

"Take a bath first," sabi ko at naglakad ulit palabas.

"Sige... Magpapahatid ako ng meryenda sa'yo sa terasa kay Mama. Ano bang gusto mo? Uh... anong juice? May binili akong leche flan kagabi lalo na't alam nilang pupunta ka rito. Naghanda si mama," he smiled.

"I'm fine with anything. Thanks," sabi ko.

Tumango siya habang sinisenyas ko na sa terasa na lamang ako. Naglakad ako palabas habang dinudukot sa bulsa ng aking denim jeans at sinindihan iyon.

Humithit ako at sumandal sa gilid. May napansin akong lumabas sa pinto nila Draven. It's Drystan. Topless ito at nagsusuot na ng puting t-shirt habang magulo pa ng kaonti ang buhok.

Napalingon si Drystan sa aking kinaroroonan. Our eyes met. Nagkasalubong ang kanyang kilay at nagtatanong ang mga mata nang makita ako.

Binawi niya ang tingin at namaywang sa harapan ng pinto, nakatanaw sa loob.

"Draven!" Drystan shouted like he's in a hurry.

Ilang sandali lang ay lumabas si Draven. Naka plain black tshirt at inaabot sa kanya ang isang susi. He punched his stomach lightly and said something which I didn't hear.

Ilang sigundo lang ay lumingon na si Draven sa akin. At katulad ng reaksyon ni Drsytan kanina, ganoon din siya. He looked at me with curious eyes and knitted brows.

Binuga ko ang usok lalo na't nakatingin na sa akin ang magkapatid. Matangkad ng isang dangkal si Drystan. Mas malaki rin ang katawan ng kaonti. Sa mukha naman, mahahalata mong may anggulo silang magkakatulad ngunit mas marahas at madilim ang kay Drystan, samantalang si Draven ay sakto lamang. He's just cold, snob and serious.

"Good mornin'," I greeted with an accent.

"Mornin'," Drystan greeted back.

Nanatiling tahimik si Draven ngunit itinulak na ng bahagya ang balikat ng kapatid.

"Akala ko ba nagmamadali ka?" he said coldly.

Drystan arched his brow. He looked at me and gestured something. Lumabas ako sa terasa at nagtungo sa gate nila Trison. Noong makalabas doon, nakita ko si Drystan na kakalabas lang din.

"Come here," he ordered while smirking.

Nangingiti akong lumapit at inilahad sa kanya ang sinenyas niya sa akin kanina. Tinanggap niya ang pakete ng sigarilyo at kumuha ng isa roon. Inilagay niya iyon sa pagitan ng kanyang labi saka siya yumuko at inilapit ang dulo nito sa dulo ng sigarilyong hinihithit ko.

I smelled his strong scent. Noong humiwalay at mas tiningnan ang bawat anggulo niya, mas lalo akong namangha. Mukha nga itong expert...

"Kuya," Draven called firmly.

Kapwa namin siya nalingon si Drystan. Nasa may pinto, nakahilig doon sa gilid at nakahalukipkip.

Ibinalik ko ang tingin kay Drystan. Hinithit niya ang sigarilyo at kinuha ang helmet sa motor na nakaparada sa gilid para isuot na sa ulo.

"Girlfriend ka ni Trison?" tanong ni Drystan habang umaangkas na sa motor.

"I don't do boyfriends..." ngiti ko.

I heard his chuckle. "Good girl."

Sumandal ako sa harapan ng kanyang motor at nawiwiling makipag-usap sa kanya.

"One of your flings?" tanong niyang muli habang ipinapasok na ang susi sa gilid.

"No... Wala bang nabanggit sa'yo ang kapatid mo? I'm his..."

Drsytan chuckled again.

"Kuya!" Draven's impatient voice thundered.

"The fuck are you shouting, Draven?" Drystan glanced at him.

Nilingon ko rin si Draven. Ngayon ay nakalabas na sa pinto, medyo malapit na ng kaonti sa amin habang nagkakasalubong ang kanyang kilay at irita. He looked pissed.

"Umalis kana," aniya sa matigas na tinig, tila bata na itinaboy ang kapatid.

Continue Reading

You'll Also Like

5.9M 178K 60
The "unbothered" model from the famous family of actresses will use a Delafuente to cover up her issue. Keyla is a wellknown bratty model for having...
850K 32.4K 49
Sa edad na 22 years old ay nbsb pa rin si Ava. Wala rin syang experience sa dating. Zero ang love life nya. Never been kissed never been touched. Paa...
5.9M 152K 60
Zera Damonisse Delafuente, "the bratty girl" of the Delafuente clan who has an alluring and goddess beauty will do anything just to lure her crush to...
492K 18.8K 28
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...