Costiño Series 13: Till the L...

By Alexxtott

47.3K 1.3K 106

Leyandrius Costiño is known for being a good son, a Mama's boy. Isang seafarer, matangkad, gwapo at mabait na... More

TTLE
Alexxtott
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Wakas
Notes

Kabanata 5

1.4K 52 3
By Alexxtott

Kabanata 5

Prediction

Hindi ko alam kung paano sasabihin kay Yandro ang kagustuhan ni Papa na pumunta siya sa bahay. Hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakabuo ng sasabihin dahil natatakot ako sa maaaring gawin ni Papa. Baka kapag pumunta siya, may gawing masama ang ama ko. Ayokong masaktan si Yandro. Ayokong madamay siya sa masamang binabalak ni Papa.

I sighed heavily. Pagod akong naglalakad sa loob ng mall. Hindi na ako sumabay o nagpakita kay Yandro dahil siguradong ihahatid niya ako sa bahay. Hindi pa ako handa. Dadalhin ko siya sa bahay kapag handa na ako. Kapag alam kong hindi gagawa si Papa ng masama laban sa kanya. Tumingin ako sa mga department na nadadaanan ko.

Napahinto ako ng makita ang isang uniform na siguro'y para sa mga seaman. Hindi ko inakala na meron pala no'n dito. Muli akong naglakad at nag-isip ng pwedeng gawin upang masabi kay Yandro ang pagbisita sa bahay. Nanginig ang cellphone ko sa bag dahil sa tawag. Huminto ako at kinuha ang cellphone. Unang kita sa screen, napabuntong-hininga agad ako.

Leyandrius is calling. Siguradong hinahanap ako nito ngayon. Hindi kasi kami nagkita sa campus kanina. Dumaan ako sa shortcut para hindi ko siya makita sa kanilang department. Tapos nung vacant time, nagtago ako upang hindi rin niya makita. Alam ko na kasi ang routine niya kapag hindi ako nakikita. Maghahanap at maghahanap talaga 'yon sa akin. Tapos kapag hindi ako makita, pupunta sa bahay upang magtanong.

I remember what happened last month. I forget to tell him that I need to hurry kaya naiwan ko siya sa campus. He was looking for me the whole time. Tapos nag-text siya sa akin, saying that he will come to my house if he didn't find me. Mabuti nalang at nabasa ko 'yon kaya hindi siya nakita ni Papa. Naalala ko kung paano magalit ang kanyang mukha. He was very furious.

I sighed. First time kong makita kung paano siya magalit. First time kong makita kung paano umigting ang kanyang panga. Nakakatakot. Nakakapanghina ng tuhod. Nakakawala ng lakas. Kaya pagkatapos no'n, hindi ko na ginagawa ang iwan siya o hindi magpaalam. Tuwing aalis ako, sinasabi ko talaga sa kanya. Ngayon ko lang ulit ito ginawa, dahil kailangan kong mag-isip. Kailangan kong ayusin ang lahat.

Kailangan kong masabi sa kanya na gusto siyang kausapin ni Papa. But I don't know where to start. Kaya kailangan kong mag-isip muna. Napahinga ako at napiling lumabas sa mall. Maglalakad-lakad muna ako sa labas, sa park o kahit saan. I didn't answer his call. Nawala ang tawag at napalitan ng kanyang text.

Yandro:

Where the fuck are you? Why don't you answer my call!?

Ramdam na ramdam ko ang gigil niya sa text. Alam kong galit na siya sa mga oras na ito. But I need to do this. He call again, this time I answer it.

"Where are you?"

Bakas sa boses ang lamig at riin. Napalunok ako at bumuntonghininga. Kumalma ka, Doreen. May ugaling ganito talaga siya. Ugaling galit na galit kapag hindi ako nagpapa-alam o iniiwan siya.

"N-nasa labas lang..."

"Saang labas? Bakit hindi mo sinabi sa akin? Sino ang kasama mo?"

I nipped my lower lips again. Gosh, Leyandrius. You are so bossy! Hindi ka talaga tatahimik hangga't hindi nakukuha ang sagot!

"Dito sa mall lang. May binili kasi ako. Tsaka pauwi na rin naman ako."

"Wait me there. Dapat magkasama tayo. I told you about this, Doreen. Kung saan ka, doon rin ako."

"Naku...kahit wag ka nalang pumunta. Pauwi na ako. Dadaan lang muna ako sa simbahan and then I'm going home."

"Dumaan ka sa simbahan tsaka kita susunduin. Kakain muna tayo ng dinner."

I sighed heavily. This is so much, Lord. I want to keep him so much. I want to treasure him. I want to give everything to him. He deserve to be love. He deserve my love.

"Okay. Punta muna ako ng simbahan."

"Alright. I'll be there in five minutes."

Naputol ang tawag pagkatapos niyang sabihin 'yon. Nagmadali akong sumakay ng tricycle papunta sa Sto. Niño Church. Nang makarating, nagbigay ng pamasahe at mabilis akong pumasok sa loob. Umupo ako sa upuan at nagdasal. After my pray, lumabas na ako ngunit sa entrance ng simbahan, may isang matanda na nakaupo sa semento, nakatingin sa akin habang napupuno ng takot ang mga mata.

Unang kita ko palang sa kanya, tumaas na ang mga balahibo ko. May box sa kanyang harap, sigurado akong lalagyan ng pera. Umiwas ako ng tingin kasi creepy ang kanyang expression. I swallowed.

"Hija...nakikinita ko na ang iyong kapalaran." nahihirapang sabi ng matanda.

Napalunok ako at pilit hindi pinapansin ang matanda. Sobrang creepy ng kanyang mga mata. Para bang nakakita ng multo or nasa isang horror.

"Matipunong lalaki, dala ang ugaling minsan lang meron ang mga lalaki. Mahal na mahal ka, at handa kang pakasalan." she stop.

Napatingin ako sa kanya at kunot-noong napahinga. What is she talking about? What about that man? Ano ba siya? Manghuhula?

"Ngunit...mawawala rin siya sayo at hinding-hindi na babalik. Magkakaroon kayo ng anak, kamukhang-kamukha niya, bunga ng pagmamahalan niyo. At ang magiging pangalan ng anak niyo ay pangalan niya." she stop again.

Ngumisi siya kaya labis na tumayo ang balahibo ko sa katawan. Goodness, this is so creepy! The way she said a word, ibang-iba ang impact sa akin. May laman na para bang magkakatotoo.

"Lalamunin siya ng asul na tubig, maging matatag ka, luha mo ang kamatayan niya. At sa huli, matatanggap mo ito, na kayong dalawa ay pinaglaruan ng kapalaran." she smirked.

Nanginig ang puso ko sa kanyang sinabi.

"Pero kung mautak ka at ayaw mong mangyari 'yon, umalis ka at huwag ituloy ang nabubuo niyong relasyon. Parating na siya dito, susunduin ka. Mag-isip ka hija, may panahon ka pa upang ayusin ang magiging mali." her last words that makes me tremble in shock.

Mabilis akong naglakad palayo sa kanya. Saktong pagkalabas ko ng simbahan ay ang pagdating ng sasakyan ni Yandro. Rinig na rinig ko pa ang tawa ng matanda. Mabilis akong lumapit kay Yandro at niyakap siya.

"Hey, are you okay?" he said concernedly.

I swallow. Natakot ako sa sinabi ng matanda. Natakot ako na baka maging totoo 'yon. Na baka mangyari ang sinabi ng matandang 'yon. Hindi ko naman siya kilala, pero nagigimbal ako sa mga sinabi niya.

"I-i'm okay..." mahina kong sagot.

He caressed my back gently.

"Are you sure? You look scared." mahinahon niyang sabi.

I nodded. Humiwalay ako ng yakap sa kanya at mabilis na inayos ang sarili. Sa labas pa talaga kami nagyakapan. Baka sabihin ng mga tao, wala na kaming respeto sa harap ng bahay ng Diyos. Bumuntonghininga ako. Ano kaya ang ibig sabihin ng matandang 'yon? Baka kaya niya sinabi ang mga bagay na 'yon?

She said, nakita niya na ang kapalaran ko. Na mamahalin ako ng isang lalaki, magkakaroon kami ng anak ngunit lalamunin ng asul na tubig ang lalaking iyon. At kami ang resulta na pinaglaruan ng kapalaran. Is she okay? Talaga bang nakita niya ang magiging buhay ko? Talaga bang totoo 'yon? Hindi ba 'yon fraud o tsismis lang?

I have this feeling maybe what she said will happen soon. Hindi ko alam pero 'yon talaga ang nararamdaman ko ngayon. Parang totoo na hindi. Parang gawa-gawa niya lang na hindi. Naguguluhan ako. Hindi ko alam ang gagawin kapag mangyari nga 'yon.

"I'm okay, Yandro. Gutom lang yata ako." mahina kong sabi.

He sighed. Punong-puno ng pag-aalala ang kanyang mga mata. Hinawakan niya ang kamay ko ng mahigpit.

"Let's go. Handa na yung reservation ko sa isang restaurant." aniya sabay pagpasok sa akin sa kanyang sasakyan.

Naging tahimik ako sa loob ng sasakyan. Siya ang nagmamaneho ngayon. Hindi niya kasama ang kanyang driver. Hindi pa rin mawala ang sinabi ng matanda sa akin. Hindi ko pa rin mawala sa isip ang mga salitang binitawan ng matanda. Kung kung bumalik at tanungin siya kung totoo ba talaga 'yon. Natatakot talaga ako.

Napatingin ako kay Yandro. Kumabog ng mabilis ang puso ko habang pinagmamasdan siya. Walang ibang lalaki ang lumapit sa akin mula pa noon. Walang ibang lalaki ang nagkaroon ng lakas ng loob upang kausapin ako at ligawan. Si Leyandrius lang ang lalaking kasama ko. Siya lang ang lalaking nandito sa puso ko. Siya lang ang lalaking mahal ko.

Ngayon, kung ano man ang sinabi ng matanda, si Yandro ang tinutukoy niya sa sinabi niya? Si Yandro ang lalaking tinutukoy sa kapalaran ko? Mas lalong nadagdagan ng kaba ang puso ko. Takot na takot dahil hindi ko yata kayang mangyari 'yon sa kanya. Hindi ko kayang mangyari 'yon kay Yandro. Takot ako at naduduwag. Takot ako at hindi ko kayang mangyari 'yon.

"Gusto ni Papa na pumunta ka sa bahay. He wants to talk to you." mahina kong basag sa katahimikan.

Nakita ko ang pagbaling niya sa akin. Napahinga ako ng malalim at umayos ng upo.

"I'm available tonight." he said huskily.

I look at him. Hindi talaga siya takot na harapin ang Papa ko? Talaga bang handa siya? Paano kung hindi maging maganda ang kalalabasan no'n? Will he accept my father's decision? And about the old lady prediction? Is it real or just fake news?




---

© Alexxtott

Continue Reading

You'll Also Like

8.5M 265K 70
Rogue Saavedra, the arrogant city's young billionaire, becomes stranded on an unknown island. There he meets an illiterate jungle woman, Jane, who is...
96.8K 2.6K 25
Falling in love was very far from Calvino Costiño mind. He doesn't want to love because for him, it's just a waste of time. Falling is the cheap way...
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...