A Vidente

By Whroxie

345K 18.8K 2.1K

Beatrix is a seer, a descendant of Genoveva-The most powerful witch of Elysian. Her capacity to glimpse into... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chpater 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 12

6.7K 401 19
By Whroxie

"Hi, Javiah!" Tumili ang bata nang makita si Beatrix. Nagpumilit itong lumapit sa kanya habang karga ng yaya. 

"Come to Ninang." Bago pa man makuha ni Beatrix ang bata ay lumapit na si Fhergus na agad kinuha si Javiah. 

"Papakainin ko lang," ani Fhergus na pilit ngumiti sa kanya bago inilayo ang bata. Nawala ang ngiti sa labi ni Beatrix. It's not rocket science to understand that Fhergus is stopping her to come close to Javiah, at dahil iyon sa mga nangyayari sa kanya this past few days. It hurts her. Nakita iyon ni Luna na kakalabas lang mula sa kusina. Agad nitong sinundan si Fhergus na nagtungo sa likod lang dingding ng sala, sa play area ni Javiah. 

"What's that, Fhergus?" Narinig niyang ang nangangastigo ni Luna sa asawa. 

"I'm sorry. I'm just protecting our child." Kontrolado ang boses ni Fhergus, iniiwasan na marinig niya, but still she heard it.

"Protecting from whom? From Beatrix? Hindi niya sasaktan si Javiah. Fhergus, it's Beatrix."

"I know, Luna. Pero may problema sa kanya ngayon. Alam rin natin na hindi niya kayang saktan si Romulus pero nasasaktan niya." Napahugot nang malalim si Beatrix. Tama naman si Fhergus. She won't argue with that. 

"Please, Mon Chou. Huwag nating pagtalunan 'to. I can't risk Javiah." Beatrix took a step back before turning and heading for the main door. He grabbed the jamb of the door. It saddened her that this had to happen. Javiah, her favorite baby, must keep a safe distance from her due to the danger she poses. Hanggang kailan ito ganito? Paano kung mas lumala pa? Kung bakit ba kasi hindi gumagana ang abilidad niya sa pagkita sa hinaharap sa sarili niya. Kung makikita man niyang magiging banta nga siya sa mga mahal niya, siya na mismo ang lalayo. Sa isipang iyon ay naninikip ang kanyang dibdib. Napupuno ng kalungkutan ang puso niya. Ipinikit niya ang mga mata kasabay ng pagdaloy ng luha sa kanyang pisngi. 

"Beatrix." Agad niyang pinahid ang luha nang marinig si Luna mula sa kanyang likuran. Sa pagbaling niya ay malungkot na mukha ni Luna ang bumungad sa kanya. 

"I'm sorry." Bigla na lang siya nitong niyakap. 

"It's okay. I understand. Fhergus was right. Tingin ko dapat ko munang layuan si Javiah." Bumitaw siya mula sa pagkakayakap kay Luna. 

"Mahirap na. Baka nga mawala na naman ako sa sarili manganib si Javiah." She's not offended by Fhergus decision. Ganoon din tiyak ang gagawin niya sa sarili niyang anak. Nalulungkot lang talaga siya sa mga nangyayaring ito.

***
BAHAGYANG gumalaw ang mata ni Beatrix mula sa pagkakataon sa iPad patungo sa estudyanteng lumapit sa mesang kinauupuan nila ni Luna at Missy sa library. Isa ito sa mga estudyante na nakasaksi sa pangyayari kahapon. Sinigurado ni Faro na walang naaalala ang mga nakasaksi patunay iyon kaninang pagpasok niya na wala namang naging issue. Kahit si Missy ay mukhang walang maalala. Kahit pa si Baltazar na pilit niyang iniiwasan dahil baka magkagulo na naman. Wala rin itong maalala. Pero hindi pa rin niya magawang maging kampante. Kinakabahan pa rin siya. 

Nahigit niya ang kanyang paghinga nang bumaling ang babae sa kanya. Ngumiti ito nang makitang nakatingin siya. Umalis din agad ito nang lumapit na ang kasama. Nakahinga siya nang maluwag sa relibo dahil doon. Everything seems normal. Ang kanyang nararamdaman na lang ang hindi normal.

"Ahhhh!" Yawning, Missy stretched her arms upward, calming her stress muscles. 

"I'm hungry," anito na ibinaba ang kamay sa tiyan at hinaplos iyon. 

"Halika. Bumili tayo ng pagkain," pagyaya ni Beatrix. Bumaling siya kay Luna. "Dito ka muna."

"Okay," nakangiti nitong tugon.

"Ano sa 'yo?"

"Anything." 

Agad na tumayo si Missy, kinuna ang wallet mula sa bag. "I'm so hungry na talaga." Umikot siya sa mesa patungo sa kay Missy at inakbayan ito saka hinila patungo sa exit. Madilim na. 6:30 na. Alas siyete ang sunod nilang klase. Ang panget talaga kapag irregular ang sched. Dami vacant time na nasasayang pero mabuti na lang dahil tuwing Wednesday lang ganoon. 

Nagtungo sila sa cafe na nasa loob mismo ng campus. They bought hot chocolate and some pastries and headed back to the library again. Sa library na sila nagpalipas ng oras para gawin na rin ang research papers nila. 

"Susunduin ka ni Faro ngayon?" tanong ni Missy. 

"Yeah…saan pala kayo galing ni Faro kahapon?" Nanunukso siyang ngumiti. Bumungisngis ito at sa bungisngis palang nito ay mukhang may something ng nangyayari sa dalawa. 

"Kayo na ba?" segunda niyang tanong. 

"Hindi pa."

"Hmm. Hindi pa? So may chance?" Marahan niya itong pinasayaran ng braso.

"If he'll ask me."

"He's such a good man." Tumunog ang phone ni Missy kaya napahinto ito sa paglalakad. Sumimangot si Missy na mukhang hindi gustong makausap ang tumatawag. Pinatay nito ang  tawag. 

"My bitch sister," anito. Noon niya napansin na hindi niya dala ang phone niya. 

"Oh, wait! My phone. Naiwan yata sa cafe. I'll be back." Tumakbo siya pabalik sa cafe bitbit ang dalawang hot chocolate. Agad niyang ibinaling ang tingin sa mesa na kanilang inupuan kanina. Agad naman niyang nakita ang phone niyang naroon. Agad niya iyong nilapitan at kinuha. Mabuti na lang walang ibang taong naupo. Isiniksik niya iyon sa crossbody bag saka muling lumabas. 

Nahinto sa paghakbang si Beatrix nang biglang may babaeng humarang sa kanya. Namaywang ito sa kanyang harapan. Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya gusto ang awra nito. Parang punong-puno ng negatibo.

"Where's my sister?" 

"Hmm?" Dalawang kilay na ngayon ang nakataas. Hanapan ba siya ng nawawalang kapatid? 

"My sister, Missy." Oh! Naalala na niya. She didn't meet her personally but she saw her when Missy asked her to foresee her future with her cheating boyfriend. 

"Missy's bitch sister." Iyon lang ang sinabi niya ag nilagpasana na ito. 

"Hey, where's Missy." Sumunod ito sa kanya. Hindi niya ito sinagot dahil ngayon ay abala siya sa paglinga sa paligid para hanapin si Missy na wala na sa kung saan niya ito iniwan. Biglang napahinto si Beatrix mula sa paghakbang kasabay nang pagkabog ng dibdib nang makita ang bitbit ni Missy na pastries at hot chocolate sa damo. 

"Hey! Why are you so bastos? I'm talking to you!" Missy's sister yelled at Beatrix but she ignored her. Alerto niyang sinuyod ng tingin ang paligid at tumakbo. 

"Missy!" tawag niya. Lakad-takbo ang ginawa niya. 

"Hey, what's wrong?" 

"Si Missy. Something happened to Mis–" Natigil si Beatrix sa pagpapaliwanag nang makita si Missy na kinakaladkad ng isang lalaki patungo sa mapunong bahagi ng eskwelahan. Nagpupumiglas si Missy. Agad naman  niyang  namukhan ang lalaki. Ang walang hiyang ex-boyfriend ni Missy. Hinarap niya ang babae. Ibinigay rito ang dala. Wala naman itong nagawa kundi ang hawakan iyon. 

Mabilis siyang tumakbo para saklolohon si Missy. Ang kapatid  naman ni Missy ay sumunod kay Beatrix na kahit hirap na hirap sa suot  nitong high heels ay nagawang pagpalakad-takbo.

"Missy!" tawag  niya rito habang tumatakbo. Wala ng tao sa paligid. Sinakop ng dilim buong campus at tanging ilaw sa mga poste na lang ang nagbibigay liwanag sa paligid. Kinakaladkad ni Clyde si Missy patungo sa lugar kung saan hindi na masyadong dinadaan ng tao. 

"Beatrix, help!" takot na tili ni Missy. 

"Clyde, let her go!" Nang makalapit ay pilit na hinablot ni Beatrix si Missy mula kay Clyde. Agad niyang nasamyo ang amoy alak nitong hininga. Nanlilisik ang namumulang mga mata. Hindi normal. Parang sa isang adik. 

"Huwag kang mangialam rito!" bulyaw sa kanya ng lalaki. 

"Mag-uusap lang tayo, Missy. Sumama ka sa akin." Muli nitong kinaladkad si Missy pero agad din niyang inawat. Sa iritasyon ni Clyde sa pangingialam niya ay siya ang binalingan ng galit nito. Isang malakas na sampal ang pinadapo nito sa kanyang pisngi. Sa lakas niyon ay nahilo siya. 

"Napakawalanghiya mo talaga, Clyde!" Muling tili ni Missy at pinagsusuntok ang lalaki. Pero mukhang hindi man lang ito nasasaktan. Higit lang itong nanggalit. Sa pagtaas palang nito ng kamay alam niyang sasaktan din nito si Missy kaya naging mabilis si Beatrix. Kasabay ng pag-igkas ng kamay nito ay mabilis naman ang kamay ni Beatrix na nahawakan ang braso nito. 

"Don't hurt her!" Pagbanta niya rito. Hinablot nito ang kamay mula sa kanyang pagkakahawak at siya ang tinulak. Sa lakas ng pagkakatulak nito ay malayo ang kinatumbahan ni Beatrix. 

"Kahit kailan pakialamera kang babae ka! Ikaw ang dahilan ng pagkasira namin ni Missy. I told you that you will pay for that. And it's time!" Dahan-dahan ang ginawang paghakbang ng lalaki palapit sa kanya. Nagtagis ang mga ngipin ni Beatrix habang nakatitig sa bawat pagbagsak ng paa nito sa damong sahig. While Clyde approaches  her, molten anger starts rolling through her and she's afraid what might happen next. This kind of emotion is dangerous. She doesn't like it. 

"Ikaw na babae ka pakialamera ka talaga!" 

"Clyde stop it!" Hinawakan ito ni Missy sa braso pero itinulak lang ni Clyde si Missy. Natumba ito. Nang makita ni Beatrix ang nasaktang kaibigan ay tuluyan siyang binalot ng galit. Sa pagbaling ni Clyde sa kanya ay bigla na lang siya nitong hinablot sa pagkabilang braso at itinayo.

"Let. Me. Go!" may diin niyang bigkas sa bawat salita. Ang nakakapang-uyam nitong ngisi ang tuluyang tumulak sa limitasyon ni Beatrix higit pa nang dumiin ang hawak nito sa kanya. 

Dahan-dahang itinaas ni Beatrix ang kamay. Nanglaki ang mata ng lalaki nang tila mag-apoy ang mata ni Beatrix kasabay ng paglabas ng kuryente sa dulo ng mga daliri nito. 

"Kill him! Kill him!" The commanding voice Beatrix had heard pushed her to discharge large amounts of electricity, shocking Clyde. 

"Beatrix!" Huli na ang pagdating at pagpigil ni Faro. Tinamaan na niyon ang lalaki at bumulagta sa malayo. Hinawakan ni Faro ang kamay ni Beatrix pero hindi nagpa-awat si Beatrix na tuluyan ng kinuntrol ng sariling kapangyarihan. Asul na kuryente ang bumabalot sa mga mata nito habang ang dalawang kamay ay naglalabas ng malalaking boltahe ng kuryente. Kung saan-saan iyon tumama dahil sa ginawang pag-awat ni Faro. May mga punong bumagsak nang tamaan niyon. Si Missy ay sumigaw nang sumigaw nang muntik itong tamaan ng kuryente pati na rin ang kapatid nito. Magkayakap ang dalawa habang nakasalampak sa damuhan. Hintakot.

"Beatrix, calm down! Calm down! Wala ng kaaway. Wala ng panganib." Naging epektibo ang panunuyong iyon ni Faro. Nawala ang kuryente sa mga mata ni Beatrix at unti-unting hinigop ng mga daliri ang kuryente. 

"Calm down!" Kinabig ni Faro si Beatrix at mahigpit na niyakap. 

"It's okay. It's okay. Calm down!" Paulit-ulit na hinaplos ni Faro ang  likod ni Beatrix hanggang sa bumalik sa katiuan ang kanyang diwa. Mga sigaw ni Missy at kapatid nito ang nagpabitaw kay Beatrix mula sa pagkakayakap ni Faro. Nang lingunin niya ang magkapatid ay lalo itong nahintakutan sa kanya. 

"Monster!" Tili ng kapatid ni Missy. Si Zanaya na kasama ni Faro ay mabilis na nilapitan ang dalawa. Gamit ang mental manipulation ability nito ay gumawa ito ng hindi totoong pangyayari sa utak ng dalawa. 

"Pinatumba ng malakas na kidlat ang mga puno pati na rin ang lalaking iyon," ani Zanaya. 

Tumayo ang dalawa mula sa pagkakasalampak sa baba at tinakbo si Clyde na nakabulagta. Lumuhod ang mga ito sa magkabilang gilid ni Clyde. Sinuri ang lalaki. 

"Oh, my god! He's not breathing. He's dead." Sa narinig ay pinanghina ang mga tuhod ni Beatrix. Napaluhod siya sa damuhan. Mabilis naman siyang niyakap ni Faro. 

"I killed him. I killed him. Oh, no!" Napabulalas ng iyak si Beatrix.  Hindi siya makapaniwala na aabot siyang may mapapatay na tao. Paano na 'to? Hindi na niya ito gusto. 

***

ROMULUS nothing to do but stare at Beatrix who's sleeping on the bed. Iyak ito nang iyak kagabi dahil sa nangyari. Hindi nito matanggap na may napatay dahil sa hindi makontrol nitong kapangyarihan. Wala siyang magawa para payapain ito kagabi. Tanging pagyakap ang kaya niyang maibigay na hindi niya alam kung nakatulong ba. Magbubukang-liwayway na nang makatulog si Beatrix. Kriminal ang tawag nito sa sarili. Hindi nito mapatawad ang sarili.

Mula sa pagkakasandal sa frame ng   nakabukas na sliding door ng veranda ng silid ay naglakad si Romulus palapit sa kama. Umupo siya sa espasyo sa gilid ni Beatrix. Nananaginip ito. Umuungol habang nagsimulang bumiling ang ulo. Nagsimulang maglabas ng pawis ang pores nito sa noo. Mukhang nagkakaroon ito ng masamang panaginip. 

Inabot niya ang pisngi ni Beatrix at marahang hinaplos. "Beatrix, baby,"  masuyo niyang tawag sa pangalan nito habang masuyong hinahaplos ang pisngi ni Beatrix. Sa ikatlong pagtawag niya sa pangalan nito ay noon nagmulat si Beatrix. She looks shocked. It was as if she saw something terrible. 

"Beatrix." Ang nakatulalang titig nito sa kisame ay gumalaw hanggang sa magtagpo ang kanilang mga mata. 

"Ikaw?" usal nito. 

"Yes, baby. You are dreaming." Mabilis na bumangon si Beatrix. Gumapang ito patungo sa kabilang bahagi ng kama na para ba siyang kaaway na iniwasan nito. Tumayo si Romulus, nagtatakang nakatingin kay Beatrix habang nakatitig din ito sa kanya. May gulat sa mukha. 

Umikot si Romulus sa kama para lapitan si Beatrix pero agad siya nitong pinigil. "Huwag kang lumapit. Lumabas ka Romulus."

"Beatrix, ano ang problema? Halika rito, pag-usapan natin." 

"No! Get out!" He ground to a standstill when she yelled at him.

"Beatrix?"

"Please, I'm begging…I need to be alone. Please, Romulus. Please!" Ang boses nito ay punong-puno ng pakiusap habang yakap ang sarili. 

"Please!" Romulus simply nodded. He had no choice but to comply with Beatrix's wishes, even if it was against his will. He wanted to hug Beatrix and comfort her, reassuring her that she wasn't alone, but seemed like she didn't need it. Being alone is what she needs right now and he has to respect it. 

Lumabas si Romulus. Nagluto na lang siya ng almusal. Para kapag gusto na ni Beatrix lumabas at may pagkain ng nakahanda. Nilibang niya muna ang sarili niya niya. Nag-gym siya. Nag-gardening at ng alas diyes ay hindi pa lumabas si Beatrix ay nagluto na siya ng pananghalian. Itinabi na niya ang nilutong almusal. Gustong-gusto na niyang pumasok pero tiniis niya. He needs to respect what she wants; what she needs. 

Inabot niya ang phone na nakapatong sa counter. Sinagot ang tawag ni Fhergus at ipinatong muli sa counter. Sa earbuds na niya ito pinakinggan.

"I'm cooking beef pares for lunch. Kagabi kasi nabangggit ni Luna na gusto niya 'yon." 

"Hindi siya pumasok?"

"Hindi. Hindi makatulog sa pag-alala kay Beatrix. Nasa kuwarto pa. Kausap si Faro kanina sa telepono."

"I'm cooking beef pares, too…anyway ilang taon ka na nga?" tanong ni kay Fhergus.

"One hundred fifty three." 

"Tapos kahit beef pares hindi ka marunong?"

"Kung ayaw mo akong tulungan magsabi ka lang. Sa lahat ng inaanak ikaw talaga ang bastos." Malakas na humalakhak si Romulus. Sa bandang huli ay tinuruan na niya ito. 

"Kapag 'yan hindi pa masarap ewan ko na lang talaga sa 'yo, ninong." He thoroughly explained each step of the procedure to him. Kapag hindi pa naging magkalasa niluto nila ewan na lang niya talaga. 

Matapos magluto ay nagpasya siyang maligo. He used the half-bathroom near the kitchen. Pero dahil nasa silid ang kanyang damit ay kinailangan niyang katukin si Beatrix. Hindi ito tumugon kaya binuksan na lang niya ang pinto. Wala si Beatrix sa kama. Ang naroon ay kulay rosas na hand carry luggage at ang paborito nitong gamitin kapag bumabayahe sila– ang OnTheGo Louis Vuitton. Balak siguro mag-travel. That would be good. She needs to relax. Baka sakaling makatulong. Ibigay niya muna sa papa niya ang obligasyon pansamantala sa kumpanya para masamahan si Beatrix. 

Marahang isinara ni Romulus ang pinto. Nakita niyang nasa veranda si Beatrix. Nakahawak ito sa balustre habang malayo ang tingin. Tinungo niya ang walk-in closet. Mabilis siyang nagbihis. Isang itim na active shorts at T-shirt na puti. Paglabas niya ng walk-in closet ay nasa loob na si Beatrix, kasalukuyan ibinababs ang maleta na nasa ibabaw ng kama.

"Aalis ba tayo? Saan mo gustong mag-travel?" Pinunasan niya ng puting tuwalya ang basang buhok. Hindi tumugon si Beatrix. Nanatili itong nakatayo, nakatalikod sa kanya habang mahigpit ang hawak sa handle ng luggage. 

"Sa Montenegro kaya tayo ngayon? Maraming magagandang tourist attractions doon. There are lots of instagramable places." Hindi pa rin ito tumugon.

"Baby." Humakbang si Romulus patungo kay Beatrix na nakatayo sa paanan ng kama. Itinapon niya ang tuwalya sa kama at ipinaikot ang mga bisig sa katawan nito. He nuzzled his nose against her neck. 

"Which country do you want to go to?" he whispered, sniffing her delicate scent. Habang tumatagal ay parang lalo niyang kinaadikan ang amoy ni Beatrix. 

"Punta muna ako sa bahay. Doon muna ako sa magulang ko." 

"Okay. Magpapalit lang ako ng pantalon. Kumain muna tayo bago magpunta–" 

"No!" agaw ni Beatrix sa sinasabi ni Romulus. Kinalas nito ang pagkakapulupot ng kanyang mga braso sa katawan nito. Humarap sa kanya.

"Ako lang, Romulus. I want to stay with mom and dad. Iyong kami lang." 

"Okay sige. Bibisita na lang ako katulad ng dati. Bukas."

"No!" Beatrix groaned in disgruntlement. Hinaplos nito ang noo kasabay ng pagtalikod sa kanya. 

"No visitation. No phone calls." 

"Baby?" Hindi makapaniwalang bulalas ni Romulus. Humarap muli sa kanya si Beatrix.

"I just need space. I need to solve my own problem." 

"We can solve your problem together. That's why I'm here, Beatrix. You don't need to cut me out of your life." 

"I don't, Romulus. I just need time with my parents. I need them this time. You can't help me on this. Believe me, Romulus. Wala kang maitutulong. Mapapahamak ka lang kapag kasama ako."

"Beatrix." 

"Romulus, please! Nakapagdesisyon na ako. I need this. Please, do understand." 

He can't believe this. May tawag sa ganito, eh. Ano nga ba? When someone asks for space and time in a relationship without communication with their partner for an undetermined period. 

"Cool off," usal ni Romulus. "That's fucking cool off. Temporary break-up, right?"

Kumot ang noo ni Beatrix na tila na naguluhan din. She should have realized what she's asking. 

"Why do we need to cool off?" he asked impatiently, running his both hands through his face. 

"Kung iyon ang tingin mo sa ganoon. Then yes. I'm asking  for a temporary break-up." Napaawang nang malaki ang bibig ni Romulus. Hindi makapaniwala sa narinig. 

"Baby–"

"Romulus, please! Pagbigyan mo na ako. Kailangan ko lang mag-isip. Kailangan ko lang munang–" She paused, unsure of what she was going to say next. Uncertain about her plan. Nang wala na talagang masabi ay napabuntonghininga na lang ito. Nasa anyo ang matinding kalitutan at prustasyon. Ay hindi niya gustong nakikitang nagkakaganito si Beatrix.

Humakbang si Romulus palapit kay Beatrix at kinabig ito payakap. "Okay na. Pumapayag na ako. Stop stressing yourself. I'm sorry." 

Ipinaikot ni Beatrix ang mga braso sa kanyang baywang. Isinubsob  nito ang mukha sa kanyang dibdib. "Thank you!" Pagkasabi niyon ay higit pang humigpit ang yakap  nito sa kanya. 

"Saglit lang 'to, ah? Hindi ako aalis dito. Hihintayin kita rito." 

"You have work. Mag-focus ka muna sa kumpanya niyo." 

"Hindi ko magagawa hanggat nakikita kitang ganito. At lalo na ngayon na lalayo ka pa." 

"We are used to this." 

"Araw-araw tayong nag-uusap kahit nasa Manila ako. Calls. Video calls…kahit iyon ba hindi puwede?"

Beatrix groaned against his chest. "Please, Romulus." 

Wala siyang nagawa kundi ang bumuntonghininga na lang.  "Okay. If that's what you want…pero isasama mo Sixto para maging bodyguard niyo and don't argue with that, baby." 

Pumayag naman si Beatrix sa nais niyang isama si Sixto. Si Faro ang naghatid kay Beatrix patungong Baguio. Tinawagan na ito  ni Beatrix matapos magdesisyon kanina pa. Naayos naman ni Faro ang naging problema sa eskwelahan. Aksidente ang lumabas sa imbestigasyon ng mga awtoridad. Si Missy at ang kapatid nito ang nagpatunay niyon katulad ng siyang itinanim ni Zanaya sa isipan ng mga ito. May mga estudyante rin na nakasaksi ng mga kidlat na tumama nga sa puno nang mawalan ng kontrol si Beatrix. Pinaniwalaan ng mga ito na malalakas na kidlat nga iyon na mas higit pang nagpatibay sa testemonya ni Missy at kapatid nito. 

Wala na sana siyang balak mananghalian pa dahil hindi rin naman nananghalian pa si Beatrix pero dumating si Luna at Fhergus kasama si Javiah. Makikikain daw dahil hindi daw masarap ang niluto ni Fhergus na beef pares. Noong mag-isa ito sa bahay at walang choice kundi magluto ng sariling pagkain ay steak lang ang niluluto nito. Iyon kasi ang pinakamadali at hindi kumplikado sa laglalagay ng ingredients. You just need to season the steaks generously on both sides with kosher salt and freshly black pepper and add few springs fresh thyme leaves. Pero magaling si Fhergus mag-bake. The best ang cookies niyan. Recipe ng yumaong ina nito. 

"The best beef pares I've ever tasted! The best ka talaga Romulus." Ikinangiti naman ni Romulus ang pagpuri ni Luna sa kanya. 

"Grabe! Talagang hindi masarap ang luto ko 'no?" Si Fhergus na katabi ni Luna, napapagitnaan ng dalawa si Javiah. 

Bumingisngis si Luna. "I love your steak…specially your oatmeal cookies." Parang batang nauto naman si Fhergus dahil malawak itong napangiti. Dumukwang ito kay Luna at hinalikan sa labi ang asawa. 

Itinuon ni Fhergus ang atensiyon kay Romulus. "So. Temporary break kayo ni Beatrix. Minsan diyan 'yan nagsisimula. Cool off hanggang sa tuluyan nang tapusin dahil doon na-realize ng isa na wala na talagang pagmamahal." 

"It won't happen!" mabilis na tugon ni Romulus.

"Paano kung oo…hindi pa naman kayo mate. Tapos balita ko…parang sabay na nabuhay sa panahon ngayon si Beatrix at ang lover niya sa past life." 

"Shut up! I love her." 

"Love ka niya?" Nagtagis ang mga ngipin ni Romulus. Gusto niya biglang magbagong anyo at sakmalin si Fhergus. 

Malakas na tumawa si Fhergus dahil sa nakikitang pagkapikon ni Romulus. "Biro lang, ito naman. Hindi pa kayo niyan mate pero nagkakaganyan ka na. Ulol ka na kay Beatrix." 

"Do you think it's funny? Seriously, you are making fun of my situation. You bastard!" 

"Hey! More than one century ang tanda ko sa 'yo tapos ganyan ka magsalita. Idagdag pa na inaanak kita mamu-po ka." 

"Exactly! Ang tanda mo na pero hindi mo kayang ipagluto ang asawa mo." Nagpatuloy sa pagkain si Romulus at si Luna na walang pakialam sa bangayan nila. Sarap na sarap ito sa kinakain.

"Hey, Javiah…alam mo may kuwento si Ninong sa 'yo…alam mo ba na ex ko ang mami mo." Gotcha!  Nawala ang pagkakangisi  ni Fhergus. 

"Ninong Romulus and Mama Luna were kissing before. 

"Shut up!" kontroladong asik ni Fhergus kay Romulus but Javiah giggled. 

"Twice pa 'yon. Kinikilig ka Javiah?" Higit pang bumungisngis si Javiah.

"Romulus! Sumusubra ka na, ah! Binibiro ka lang masyado kang pikon. Namemersonal ka!" Dinuro ni Fhergus si Romulus na ngayon ay ngingisi-ngisi.

"Ssshhh! Goodness! Mag-away talaga kayo sa harapan ng pagkain? Nakakawalang gana naman!" Padabog na binitawan ni Luna ang kubyertos. 

"Sorry!" sabat ni Fhergus at Romulus na parang mga batang nakagalitan.

"And you, Romulus, could you please stop using that issue to pick on Fhergus." 

Parang batang napanguso si Romulus. "Diyan lang kasi siya napipikon, eh," pangangatwiran ni Romulus. 

"God! Para kayong mga bata!" 




Continue Reading

You'll Also Like

3.9M 8.4K 6
He calls her princess since time she can no longer remember. She almost believed she was his Princess. Pero nakababatang kapatid lang pala ang turing...
2.6M 109K 50
After meeting in the most unexpected way, David Rivas falls for Joy Llego, the jolly and naïve island girl from Siargao. But when circumstances seem...
295 51 21
ERICKA VILLAS was left in the streets by his own father. Her family was a wreck at that time. Her Aunt took her in, but then sold her to a high end c...
328K 10.8K 26
Pakiramdam ni Eliana Azarel ay siya na ang pinakamalas na tao sa buong mundo. Sunod-sunod ba naman kasi ang kinakaharap niyang problema. Kaya nga nan...