Sea Without Waves (Rebel Seri...

By Ineryss

2.5M 70.2K 20K

hhss More

Sea Without Waves
Prologue
Chapter 1
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Epilogue

Chapter 2

68.3K 1.7K 624
By Ineryss

Sea Without Waves

Judgements

"Balita ko siya ang nagpapaaral sa kapatid niya ah?" kuwento ni Abrielle habang marahan pa rin ang lakad ng aming mga kabayo.

They're wellknown for being goodlooking. Iyon din ang rason kaya maraming may alam sa buhay nila. These girls are invested to know what's happening with their life. Ang rason kaya kahit sa aming angkan ay nakakaabot ang mga lumilipad na balitang iyon.

Hindi ako masyadong nagbigay ng interes. Mukhang pansin ko rin na wala si Draven doon. Baka totoo ngang si Drystan ang kumakayod sa kanila.

Walang interesado sa magkapatid sa aming apat. Bukod sa malabo ring pumasok kami sa seryosong relasyon, sapat na ang itinuro ng panahon sa amin na ang mga lalaki ay walang magandang naidudulot minsan sa puso ng mga babae.

"How about their parents?" Ayeselle asked.

Nagkibit si Abrielle, ako naman ay umiling lalo na't walang ideya. Sumulyap ako kay Arkaine ngunit pinatakbo niya na agad ng mabilis na itim na kabayong sinasakyan.

Humabol agad ako. Isang sipa sa gilid ng katawan ng kabayo at hila sa hinahawakang tali ay bumilis agad ang kanyang pagtakbo. Sumabog ang aking buhok sa hampas ng hangin.

Pumasok kami sa kakahuyan ng malawak na Falcata Trees. Matatayog ang mga puno at parang patak ng ulan ang pagpasok ng sinag ng araw.

"Let's have a race. Ang maunang makarating sa mansyon ang panalo!" Abrielle suddenly announced.

Naging mabilis agad ang pagpapatakbo nila. I cursed and joined them. Nahabol ko si Ayeselle na natatawang lumebel sa akin. Her mermaid curls danced untamably while the light of the sun kissed her face revealing her freckles.

My sister won. Tumalon ako pababa sa kabayo at humawak sa kanyang braso. Lumebel si Ayeselle at nakihawak din sa kabilang braso ng aking kapatid habang si Abrielle naman ay nagmamadaling ikinawit sa aking baywang ang kanyang kamay.

Sabay kaming ipinatapong apat sa lugar ni Lola para madisiplina lalo na't hindi na kami kaya ng aming mga parents. Our last issue was scandalous. Pinagtulungan naming apat ang babae ng Dad nila Ayeselle na teacher sa school ng pinapasukan namin.

Na kicked-out kami at dahil din sa galit nila Dad sa ginawa namin ay ito na ang parusang ibinigay.

Our first day in Lola's mansion was horrifying. Para kaming robots na kontrolado ang ginagawa at limitado pa ang kilos! We are trained to act demure inside the mansion. To dress well. To eat veggies! To act like a good girl infront of our wicked grandma.

Ngunit medyo nasanay rin naman. Lola is strict but we like her sometimes.

Isang hila sa aking baywang ay napunta agad ako sa sulok ng isang classroom na walang tao. I looked at Cassius coldly.

"Did you talk to him?" he whispered, as if he's making sure no one would hear us.

I nodded boredly. "He's less interested with your life so get over it."

He sighed frustratingly, his nose touching the side of my head and his hand wrapped around my small waist.

"How did you convince him?" he asked.

Nagkibit ako habang nakahalukipkip. Tiningnan niya ako ng maigi.

"May kapalit ba 'yon, Asthraia? You're wellknown for being a playgirl in this school. Humingi ba siya ng kapalit sa'yo?" parang may pinapahiwatig ang sinasabi niya.

I snorted. "What? Like fuck buddy?"

Bumaba ang tingin niya sa aking labi, pagkatapos ay tumingin sa aking mga mata. I know this expression so much and I am not in the mood to kiss right now. I slightly pushed him away. Bumitiw siya at bahagyang umatras para may espasyong mamagitan sa aming dalawa.

"I don't know. Palaban ka pa naman—"

Ang nang-iinsulto kong tawa ang nagpatikom ng bibig niya.

"Cassius you are so full of yourself. I won't sell my body just to save your ass. And Draven isn't my type. Hindi ako ganoon ka uhaw sa kanya para hayaan siyang tikman ako para lang manatili siyang tahimik sa nangyari. If he wants to spread our kissing scene then that's fine with me. I don't care."

"Easy for you to say because your grandma is powerful! Wala lang ito sa'yo, Ashtraia! Sa akin, malaking problema ito!"

Kuryoso kong tiningnan ang hugis ng aking kuko habang tumatagas na sa kabuuan ni Cassius ang kanyang galit. Ayokong mawalan ng pasensya dahil baka masasapak ko siya. At mismong President ng Student Council? No. I need to hold back.

"Sanay na sanay ka sa gulo lalo na't hindi naman ito ang unang beses na nasasangkot ka!"

I looked at him. "I didn't tell you to tolerate my shit, Cassius. That's your choice."

"Dahil inakit mo ako!"

What? I chuckled lazily and shook my head.

"At naakit ka naman?"

Mariing pumikit si Cassius. He licked his lowerlip. Bumuntonghininga siya at minasahe ang sentido.

"I'm sorry I'm just... stress. Inaalala ko ang nangyari. Ayokong madumihan ang pangalan ko."

Umangat ang aking kilay. Well obviously. These students are scared to be with me because of their names. Pakiramdam nila ay masisira sila pag nadawit ang pangalan sa amin.

I smiled flatly. Umawang ang kanyang bibig ngunit nagpasya na akong lumabas pa. Problemado pa ako sa grades ko, dadagdagan niya pa ngayon!

Ang plano kong magpatulong sa kanya sa maliit kong problema ay hindi ko na lamang itinuloy pa. What he said was a bit off. Hindi naman sa na-offend ako lalo na't totoo din naman na mantsa ako sa pangalan niya ngunit parang ayoko na ring dagdagan.

Cassius is smart academically but also an asshole. He likes the idea of our physical moments ngunit kung pangalan ang pag-uusapan, kayang kaya niya akong itapon sa impyerno mailigtas lamang ang kanyang sarili.

And I would do the same thing too. I'd throw him in hell or I'll even use him as my ladder just to get away with my own troubles. Kwits lang. We're both bad.

Nasa hallway na ako nang may masilip sa isang classroom. Bukas ang pinto at mag-isa siya roon. May mga librong inaatupag at mukhang abala sa kung ano.

Tahimik akong pumasok at isinara ang pinto. I even locked it. Nagtungo ako sa kanyang kinaroroonan.

Draven didn't flinch but I know he's aware with someone's presence. Tumigil ako sa malapad niyang likod at yumuko para silipin ang kanyang ginagawa.

"Quadratic Equations..." basa ko sa title ng kanyang sino-solve.

Draven didn't flinch. Nagpatuloy siya sa pagsusulat. Para akong hangin na nararamdaman niya ngunit hindi nakikita kaya hindi man lang ako magawang tingnan.

I watched him write. He has a clean penmanship. Hindi rin nakakalito intindihin ang kanyang sulat na habang pinapanood ko iyon ay parang nasusundan ko ang formula.

He's a genius. Deri-deritso at parang wala siyang oras tumigil para man lang mag-isip. I know this nerdy is smart but I'm impressed he's really smart!

"You're good," sabi ko at nilingon siya.

Simula noong nakita ko ang Kuya niya noong Sabado sa bayan, at ngayon ay nakikita ko siya, talagang ang layo niya sa kanyang kapatid. He's not soft but the menacing aura of his brother made him looked less superior as a man. Kahit masungit siya tingnan, parang mas kaya mong isipin na mabait siya kumpara kay Drystan.

I noticed the mole on the side of his right eye. Humahalik sa kanyang makapal na kilay ang iilang hibla ng buhok niyang nagrerebelde.

"What do you want?" tanong niya, marahil ay naasiwa na sa presensya ko.

"Cassius is worried..."

He sighed. "Wala akong balak—"

"May girlfriend ba ang Kuya mo?" bigla kong tanong na ikinatigil niya.

Dahan dahan niya akong nilingon.

"I don't know."

I smirked. "You're like his soft version..."

He looked at me blankly. Umikot ako at nagtungo sa kanyang desk. Isinara ko ang notebook niya at itinabi rin ang iilang libro para makaupo roon.

Tumingala si Draven ng kaonti para tingnan ako sa mga mata. Ipinatong ko ang isang hita sa isa pa at humalukipkip.

"Ikaw. May girlfriend ka ba?"

He shook his head slowly.

"For what reason?"

He looked confused. Tiningnan niya ang mga librong nasa gilid ko. Mukhang gusto niyang ibalik ang atensyon doon ngunit nangdidisturbo ako.

"Hey. Eyes on me. I'm talking to you," kuha ko sa kanyang atensyon.

Ibinalik niya ang mga mata sa akin. He licked his lowerlip and started talking.

"Sagabal," he answered flatly.

Sagabal ang girlfriend. I nodded.

"Totoo naman. Fling?"

He shook his head again.

"Sagabal din."

Umangat ang aking kilay. "So you're..."

Nagkasalubong ang kanyang kilay, mukhang gets ang aking tanong ngunit naaasiwa.

"I don't have time for girls," aniya sa seryosong tinig.

Tumango ako. The rumors about him is true. He's less interested with girls around him. Tutok lang sa pag-aaral. Walang bisyo. Clean records.

"You're also not interested in sex?" deritso kong tanong.

He looked at me with so much judgements in his eyes. I'm openminded! Sa daming lalakeng nakakalandian ko, hindi na iisipin ng lahat ng nakapaligid sa akin na puro pa ang aking isip at mas lalong hindi ako inosente.

Binasa niya ang labi at nag-iwas ng tingin.

"That's not my priority right now," aniya.

Pang matalinong sagot pa rin! Kung iba ito, handa sigurong pumatol sa mga bastos kong topic.

Kinuha ko ang kanyang notebook at binuksan iyon. I scanned each pages curiously. Ang linis linis. Parang hindi ko maalalang naranasan ito ng mga notebook ko lalo na't lagi akong may erasures. Laging may dinodrawing sa gilid dahil sa boredom minsan. Sa kanya, wala. Importante ang lahat ng nandoon at may petsa pa sa gilid. Meron ding title.

Binuksan ko ang likod. It's empty. He doesn't scribble nonsense things! Parang lahat ata ng gagawin niya ay importanteng bagay lang.

"You're... Cassius' girlfriend?" he asked meaningfully.

Inalis ko ang notebook sa aking tingin nang makita ang mukha ni Draven dahil sa kanyang tanong. Nakahalukipkip siya, malamig pa rin ang ekspresyon at deritso ang tingin sa akin.

Oh? He's interested.

"Bakit mo natanong?"

"You care less with your troubles. Ngayong si Cassius ang sangkot... parang may pakialam ka bigla."

Ngumuso ako. Iniwas niya ang tingin at medyo ipinagsalubong ang kilay.

Kung hindi ko lang alam na kalat naman talaga sa school ang bagay na ito, iisipin kong may malisya ang kanyang sinabi. Ngunit hindi. Sa nakita niya, at ngayon sa pagkukusa kong kausapin siya para lang makasiguradong hindi siya magsasalita ay talagang makakabuo ng ideya sa kanya na baka nga may relasyon kami ni Cassius.

"I'm not into relationships, Draven," I smiled.

Napatingin niya sa ngiti ko. Ilang sigundo niya iyong tiningnan ngunit binawi rin at tumango.

"I only play," dagdag ko.

He nodded again, like he knows all of it.

"Then why are you obeying him? I know this is his idea. He's afraid this issue will taint his name as a President of the Student Council. Hindi niya ako malapitan kaya ikaw ang inuutusan niya."

This nerdy is really a genius. Biruin mo 'yon tumama siya sa lahat? At dumaldal ata! Maraming nasabi.

Napatingin ako saglit sa kandungan niya. Nakaparte ang hita niya. Nakabutones ng maigi ang kanyang malinis na unipormeng damit at ang pormal niyang tingnan.

"You got a point but you're still wrong. I am not doing this to help Cassius out. I'm doing this to save my own ass," paliwanag ko at dahan dahang dinala ang tingin sa kanyang mukha.

His face calmed down.

"You're not doing this to help him out?" paninigurado niya.

Umiling ako.

He nodded and stood. Tahimik ko siyang pinagmasdang kinukuha na ang kanyang mga gamit sa aking gilid. Tumalikod siya sa akin at ipinasok iyon sa kanyang bag.

Humarap siyang muli sa akin at hinawakan ang notebook na hawak ko. He took it on my hand carefully, sinisiguradong walang pwersa ang pagkakakuha sa akin.

"Why did you ask? Do you want an experience with me?" I taunted.

Naging mabagal ang kanyang kilos. He slowly glanced at me.

"I said I am not interested with your lips," there's an authority dripping in his voice.

I stuck my tongue out and licked the side of my lips. Iniisip ko tuloy kung... papayag ba ito sa naiisip ko. Lola's stressing me out with her condition. And Cassius can't help me right now.

He's about to turn his back when I pulled him. Napayuko siya at mabilis na naitukod ang bawat kamay sa aking gilid para hindi ako madaganan at hindi magbanggaan ang mukha namin.

"I want your help..." naninimbang ko siyang tiningnan.

"Help with what?" he asked hoarsely.

"With my assignments," I sighed.

"Of all your boys... wala bang matalino? Puro ba... bobo?"

Oh this asshole! Para na ring sinabi niyang mga bobo ang tipo ko ah?!

I chuckled. He looked at my lips for awhile and then his eyes went back to my eyes.

"I'm not comfortable with them," sabi ko.

"And you're comfortable with me? I am not one of your boys, Ashtraia," he reminded.

Kumurba ang aking labi at sumilay ang ngiti roon dahil sa pagkakabanggit niya sa aking pangalan.

"I'll drop all of my boys and I will focus on you..." I smirked naughtily.

He snorted and shook his head. I arched my brow while wearing my smile.

"Impossible..."

I pulled him more, his nose touching my nose. I smiled more and tilted my head while caressing his cheek using the tip of my nose.

"I can do that..." I whispered tauntingly.

His jaw clenched. Umiling siya at lumayo, gusto nang tumayo ng tuwid ngunit hindi lamang magawa dahil hawak ko pa rin ang kanyang kwelyo.

"Stop seducing me. I know what you're up to. Hindi mo ako magagamit."

Nangingiti ko siyang dinungaw. Sa kakatingin ko sa kanya, hindi ko alam kung anong meron sa mukha niya at masarap siyang titigan sa malapitan. I'm not really crushing on him. Hindi ko rin siya naa-appreciate. I don't even know if I find him attractive, or kung guwapo ba, o ano pa. Ang alam ko lang, hindi ko siya tipo.

"Ano bang plano ko?" namamaos kong tawa.

"You're planning to seduce me. To make me fall inlove with you. At pag nahulog ako sa'yo, magagamit mo na ako sa mga assignments mo. You will use me to survive on your subjects."

Humalakhak ako. How come he's calm while telling all of this shit? And he's so sure huh. He knows well that his calculations are accurate about me.

"Bakit, maiinlove ka ba sa'kin? That's on you! Magpapatulong lang ako sa assignments ko. Wala akong sinabing lalandiin kita," ngiti ko.

"But you offered if I want an experience—"

"Offer. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo. Boring mag-aral kung hindi tayo maghahalikan. At kuryoso ako kung may experience ka ba. Pero hindi ko ipipilit ang sarili ko sa'yo kung ayaw mo sa mga halik ko," giit ko.

His face calmed down. His parted lips closed. Nagtagal ang paninitig niya.

O baka naman...

"Are you one of them? Do you hate me because I am a Ferrarin?" I asked.

His shoulder loosened. Iniwas niya ang tingin at tumuwid ng tayo. Pinakawalan ko siya. Kinuha niya ang kanyang bag at tumalikod.

"Bring your assignments tomorrow."

Problem solved. Ganado ako sa araw na 'yon. Kaya noong nagyaya si Conrad, isa sa soccer team ay ganado akong pumayag.

"Akala ko talaga totoo na 'yung kumakalat sa inyo ni Draven," aniya pagkatapos ng aming halikan.

I licked my lowerlip. Tiningnan ko ang bintana at tumatagos na ang dilim. It's almost six! May bumukas pa ng pinto at dumungaw ang ulo ng guard, mukhang chini-check na ang bawat classroom.

"Ano pang ginagawa niyo rito? At ikaw na naman, Ashtraia?" ang guard nang tingnan ako.

He only caught me twice! Parang sa tono niya ay lagpas sampong beses na ito!

Inakbayan ako ni Conrad at sabay kaming lumabas. We just kissed. As if we did something horrible.

"Ah... bitin ako. I want to kiss you again," bulong ni Conrad habang naglalakad kami.

Nahagip ko ng tingin si Draven na kakalabas lang din sa isang classroom. Nakita niya kami. Nahagip ng kanyang mga mata ang aking mga mata. Nagkatinginan kami.

I couldn't read his dark brooding eyes. Hindi ko rin mabasa ang ekspresyon. He always looked calm and less interested with the things around him.

Isang sulyap sa kamay ni Conrad ay iniwas niya rin ang tingin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Nagtagal ang tingin ko sa kanyang likod. He told me he will help me with my assignments. Wala naman siyang ibang sinabi. Kaya hindi ako dapat ma-guilty kung makita niya man akong may kasamang lalake.

At ano bang dapat kong ika-guilty? This nerdy is feeding funny ideas in my head. He agreed with my condition. Wala naman siyang hininging kapalit! Alam niya ring playgirl ako ah? No need to act saint.

Shut up, Ashtraia. It's just your thoughts because of the judgements in his cold gaze. He's less interested. And he's not your type.

Continue Reading

You'll Also Like

3.8M 108K 53
Shanaia Ciel, the "coldest" Fortalejo, doesn't like trouble. She always craves peace and calmness. An introvert who rarely smiles and who always appe...
1.9M 132K 47
As far as she remembers, she's the obsessed one. Laila does some crazy things while secretly fangirling over the campus semi-cal cutie, Asher James P...
6.4M 174K 61
Elliana Brielle Delafuente, "the innocent girl" of the Delafuente clan with a plastic attitude will do anything just to fit in with the standard of b...
400K 5.3K 53
Dream or Love? Playing relationship is difficult. You or Him? Paano isang umaga gigising ka na lang nasa loob kana ng bilanggoan? All accusations are...