It Started in San Andres St.

By Tamadins

1.6K 91 0

Dahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San... More

Love and Hate in San Andres
Simula
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30

KABANATA 11

37 3 0
By Tamadins

Hindi ko alam kung paano ako nakarating sa bahay nang hindi ko namamalayan. Masyadong lutang ang isip ko kaya maging ang pagkilos ko ay hindi ko na alam. Masyadong mabigat ang dibdib ko kahit na pinipilit kong pagaanin iyon ay hindi parin naiibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Masyadong masakit sa akin ang mga nalaman ko kanina. Ayoko mang mag-overthink dahil hindi ko pa nalalaman ang rason niya kung bakit hindi siya nagrereply sa mga messages ko. Ayokong masamain iyon dahil baka nagpapahinga lang siya, ang kaso hindi eh. Dati kasi kahit gaano siya ka-busy nakukuha niya pang magchat at tumawag sa akin. Minsan nga nagpapaalam pa siya sa akin na baka hindi kami makapag-usap ng araw na iyon dahil busy siya o di kaya ay ipapahinga niya muna ang isip niya. Ang kaso iba ang ngayon eh. Hindi na niya ginagawa ang dati niyang ginagawa sa akin noon.

May parte sa puso ko ang nagsasabing baka nga busy lang talaga siya pero may parte sa isip ko na nagsasabing nagsinungaling na siya. Pero kahit ganon ay hindi ko iyon lubos na maisip dahil kilala ko naman si George.

' Bigyan mo lang ako ng sapat na dahilan Babe, mawawala na tong sakit na nararamdaman ko. Magpaliwanag ka lang sa akin ay ayos na ako. Magiging panatag na ako.'

Nilunod ko ang utak ko sa kakaisip sa mga bagay-bagay na maaaring magpabawas sa pag-iisip at sakit na nararamdaman ko ngayon. Sa hindi inaasahan ay biglang lumitaw sa paningin ko ang mukha ni Dion noong nakaraang araw. Muli kong narinig sa isip ko ang paraan niya ng pagkanta. Tila muli ay nasa tabi ko siya ngayon dahil sobrang lakas non sa isip ko na kung aakalain ko ay nasa tabi ko lang siya. Sa hindi mapaliwanag na dahilan ay biglang gumaan ang pakiramdam ko. Ewan ko kung paano nangyari iyon pero ayos na rin para kahit papaano ay naibsan ang sakit na nararamdaman ko.

Nang magmulat ako ng aking mga mata ay sakto namang tumama sa aking kalendaryo. Nanlalaki ang mga matang tumayo ako at muling pinakatitigan ang kalendaryo na iyon. Sa Ika-25 ng Mayo ngayong buwan at bukas na rin iyon, ay ang nalalapit na anniversary namin ni George.

Sa katotohanang iyon ay lumakas ang loob ko. Nagkaroon ng pag-asa ang puso ko. Nanumbalik ang saya, ngiti at kilig sa puso ko. Muling nanumbalik sa isip ko ang hindi pagmessage at pagtawag sa akin ni George pero hindi na lungkot at sakit ang nararamdaman ko ngayon dahil tuwa at kilig na.

Biglang nabuhayan ang puso ko nang isiping baka ginawa iyon ni George para surpresahin ako bukas.

Sa isiping iyon ay hindi ko maiwasang hindi mapangisi at mapaindak sa kilig. Iisipin ko palang na makakasama ko siya bukas sa anniversary namin ay wala nang paglagyan ang tuwa at kilig sa puso ko.

' Kaya pala hindi ka nagparamdam nang buong linggo ay dahil babawi kana naman. Tsk... Pinag-alala mo ako nang husto George.'

Kinuha ko ang phone ko at pinindot ang icon niya, nagchat ako sa kaniya at muli siyang kinamusta. Hindi ako nakaramdam ng galit kahit nakita kong tadtad ko na ng chats ang messenger niya.

Nakaramdam ako ng antok kaya muli akong humiga at pagod na pumikit. Hinayaan kong lamunin ng antok ang diwa ko hanggang sa tuluyan na akong nakatulog.

MAY 25

Nagmulat ako ng mata nang maramdaman ang pag-uga sa aking paahan. Nakita ko si mommy na nakangiti na sa akin. Tumayo ako sa agad na humalik sa kaniya. Naghilamos ako at nang makita muli ang kalendaryo ay agad na kumalat ang kilig sa buong katawan ko. Kinuha ko ang phone konat tinignan ang message niya na wala paring laman bukod sa mga messages ko, pero hindi ko parin maiwasang hindi kiligin sa tuwing iisipin kong baka isa ito sa parte nh sorpresa niya. Wala pa mang nangyayaring maganda ay para na akong nakalutang sa alapaap dahil sa isiping mayroong surpresa si George sa akin ngayong anniversary namin. Sobrang saya ko rin ngayon dahil hindi ko akalain na aabot kami ng ganito katagal.

Muli akong napangiti nang biglang sumagi sa isip ko kung gaano ako kamahal ni George. Masyado nga talaga akong swerte, hindi man ako perpekto pero pakiramdam ko ay nasa akin na ang lahat.

Mayroong mabait at mapagmahal na mommy at daddy. Mababait na kaibigan, hindi kami sulot sa pera, nakukuha ko ng lahat ng bagay na gustuhin ko man o hindi. At higit aa lahat, NASA AKIN ANG PAGMAMAHAL NI GEORGE.

Nang makababa ay naabutan ko sila mommy and daddy na sabay na kumakain. Lumapit ako sa kanila at ginawaran sila ng halik sa kanilang pisngi. Nakangiti naman akong naupo at si daddy ng naglagay ng pagkain sa plato ko.

"Maghapon kang natulog kagabi baby. Ginigising kita kagabi para kumain pero hindi ka gumigising. Sobrabg himbing ng tulog mo kaya hindi na kita pinilit pang gisingin." bungad ni mommy, hindi ko rin alam kung bakit buong maghapon akong natulog kaya ngayon ay nag-aalburuto na ang aking tiyan dahil sa gutom.

"Napagod ka ba son?" napatingin naman ako kay daddy nang tanungin niya iyon. Nag-isip naman ako kung saan ako napagod pero wala naman akong ibang ginawa kahapon. Siguro dahil naubos ang lakas ko kahapon dahil sa sakit na nararamdaman ko.

"Hindi naman po dad, pero siguro po napagod lang po ata ako." Tugon ko sa tanong nu daddy, ayoko namang sabihin sa kanila yung about sa amin ni George, hindi ko kayang sabihin sa kanila na nasasaktan ako dahil isang linggo kaming hindi nag-uusap. Ayoko namang mag-alala sila sa akin kaya mas minabuti ko na lang na ilihim kesa sabihin.

"Kamusta naman mga school works mo?" Muling tanong ni daddy, ngumuya pa muna ako at uminom ng tubig bago nagsalita.

"Tapos ko na po lahat dad nung nakaraan pa, hinihintay na lang po namin mag end ang finals then after na po non ay distribution na po ng grades. Siguro po kahapon ko naibuhos ang pagod ko nung nakaraan kasi tinapos ko na rin lahat ng pinagawa sa amin dahil iyon na raw po ang finals namin." Kwento ko at tumango tango naman siya habang sumusubo ng pagkain.

"Baby baka masyado mo nang pinapagod ang sarili mo sa study mo. Natutuwa kami na you're doing your best sa pag-aaral mo, sobrang saya namin dahil nakikita ka naming nag-aaral talaga. But, ireremind lang namin sa iyo na hindi ka namin pinepressure baby. Mas mahalaga parin sa amin ng dad mo iyang health mo. Kaya huwag mong pagurin iyang katawan mo lalo na iyang isip mo. Kapag feel mong mag breakdown sa mg acads mo we're here lang ng dad mo. We will help you basta magsabi ka lang ok?" hinaplos ang puso ko sa sinabing iyon ni mommy. Totoo ang sinasabi niya, parati nila akong tinatanong about sa acads ko at lagi nilang sinasabi na huwag kong ipressure ang sarili ko sa acads, mas mahalaga parin daw ang kalusugan ng katawan ko maging ng isip ko dahil mas mapapanatag daw sila kapag maganda ang kalagayan ko. Totoo rin na never kong naramdaman na pinepressure nila ako sa pag-aaral ko. Dahil simula nung nag-umpisa akong mag-aral ay hindi nila ako minamanduhan na dapat ganito ang gawin ko, na dapat ganito ang marka ko, na dapat ay lagi akong number 1 sa klase. Hindi ko naramdaman at narinig mula sa kanila iyon kaya mas naeenjoy ko ang pag-aaral ko dahil suportado nila ako.

"Hindi naman po mom, wala rin naman po akong ginagawa lately kaya naisipan ko pong tapusin na lahat ng Activities ko para hindi na rin po ako mahirapan sa paggawa ng ibang Activities kung meron pa." paliwanag ko at tumango tango naman silang dalawa ni daddy. Nagpatuloy na kami sa pagkain at silang dalawa na lang ni daddy ang nag-uusap habang ako naman ay tahimik na nakikinig sa kanila at tahimik na nag-iisip.

"By next week hahanap na tayo ng yaya." napatingin naman ako kay daddy nang sabihin niya iyon.

"Bakit po dad? I mean kaya pa naman po natin eh."

"Kaya nga natin pero iba parin kapag meron tayong yaya. Hindi rin kasi natin kaya minsan ang simpleng paglilinis ng bahay maging ang paglalaba. Hindi na pwedeng ang mommy mo ang siyang gagawa ng lahat ng gawain dito sa bahay. Nag-usap narin kami ng mommy mo about dito. Si Tito Nic mo naman ang tutulong sa atin sa paghahanap. May kilala raw siya eh iyong dating nag-alaga sa anak niya and baka by next week papupuntahin ko na siya rito sa bahay para maiguide." tango na lamang ang isinagot ko kay daddy at saka muling nagpatuloy sa pagkain. Nang matapos na kami ay nagpresinta ako na ang maghuhugas ng plato at maglilinis ng kusina. Nang matapos ay umakyat na ako ng kwarto ko para maligo. Nang matapos ay kinuha ko ang phone ko at sunod-sunod naman ang pagtunog non. Bigla akong kinilig nang sumagi sa isip ko na si George ang unang babati sa aming dalawa. Nguni't nalungkot ako nang wala man lang akong natanggap na reply, message o kahit simpleng pagbati mula sa kaniya ay wala.

Tinignan ko naman ang ibang messages ko, 2 gc lamang ang maingay ngayon sa messenger ko. Una ang gc naming tatlo nila Cheng at Jelai, pangalawa ay itong bagong gc namin na ginawa ni Jelai noong nakaraan kasama ang tatlong lalaki na sina Dion, Teejay, At Darren. Kahit wala pang isang linggo ang gc namin na iyon ay sobrang ingay na. Bihira lamang akong lumapag don at panay seen lang naman ang ginagawa ko. May minsan pang napupuna ako ni Teejay pero sinesandan ko lang ito ng nakangiting emoji.

Binuksan ko ang message ng FOODTRIPPERS, iyan ang pangalan ng gc namin, kakornihan ni Jelai yan. Pagkabukas ko ay nalula ako sa 500 unread messages doon kaya ang pinaka recent na message ni Jelai na lang ang binasa ko. May sinend siyang place na nakakaakit sa mata. Isa iyong stall na puro sweet ang servings. Sa pictures pa lang ay nakakatakam na ang pagkain ano na lang kaya kapag nakikita na namin sa personal?

{@TJ.... BABE G BA KAYO MAMAYA? PUNTAHAN NATIN TO, JAN LANG YAN SA PASIG LINE DALI NA.}
-JELAI

Nangunot ang noo ko nang mabasa ang message na iyon ni Jelai. BABE huh?

{ANO YANG BABE NA YAN? KAYO NA BA?}
- ME

Takang reply ko sa chat ni Jelai pero sineen naman nila. Halos lahat sila ay sineen iyon pero bigla akong nacurious nang makita ko ang icon ni Dion. Pumunta ako sa info ng gc namin at tinignan ang members doon. Mula nang iadd ako rito ay ngayon ko lamang iyon titignan kaya nung makita ko na ay agad kong hinanap ang pangalan ni Dion na hindi naman ganon kahirap hanapin. Naka one name lang ito at tanging ang pangalan niya lang talaga ang nakalagay. Nang pindutin ko ang icon niya ay hindi ko sinasadyang mapindot ang video call kaya naman ay natataranta kong inend iyon, nag-aalala ako na sana hindi magnotif iyon sa kaniya. Pero ganon na lamang ang kaba ko nang biglang nangibabaw ang icon niya sa notification bar ko. Ang bilis ng tibok ng puso ko at kasabay non ay ang panlalamig ng buong katawan ko. Binalik ko na sa messenger at bumungad sa akin ang chat ni Dion. Nanginginig ko iyong pinindot at binasa pero ganon na lamang ang inis na naramdaman ko nang maramdaman ko na naman ang kayabangan nito.

{ INI-STALK MO NA AKO NOH? TSK... HINDI KA NA TALAGA MAKATIIS KAYA TINAWAGAN MO AKO. NAPUTOL TULOY ANG PAGTULOG KO. PERO AYOS LANG NAMAN, IKAW NAMAN ANG TUMAWAG.}
-DION

Napapikit pa ako nang mabasa ko ang message niyang iyon. Naghalo ang kaba, pagkapahiya, at inis sa dibdib ko. Iyon pa lamang ang sinabi niya pero iba na agad ang tibok ng puso ko. Hindi yon ibang klaseng tibok dahil tibok iyon ng pagkainis.

Nag-usap usap sila sa gc at nagset na pupunta roon sa Sinend ni Jelai na stall. Kinausap rin nila ako kung sasama raw ba ako pero humindi ako dahil baka mag-aya o pumunta dito si George mamaya. Sinabi ko rin sakanila na anniversary namin ngayon kaya hindi na sila nangulit pa at binati na lamang nila ako.

Lumipas ang maghapon nang hindi parin ako nakakatanggap ng message mula kay George. Binati ko na rin siya kanina pa pero simula nung naghiwalay kami, yung mga messages ko mula noon hanggang ngayong araw ay hindi niya parin nasiseen iyon. May parte sa puso ko ang nalulungkot at nasasaktan pero pinipilit kong pinalalakasan ang loob ko dahil baka nga isa iyon sa surprise ni George sa akin.

Kasalukuyan ako ngayong naglalakad sa loob ng Robinson. Naghahanap ng maaaring ibigay na regalo kay George. Sa paghahanap ay hindi ko maiwasang hindi kabahan dahil hindi ko alam ang bibilhin ko.  Lumipas ang oras nang hindi parin ako nakakapili hanggang sa ang nabili ko na lang ay simpleng necklace na panglalaki. Natuwa ako dahil ang ganda non, silver siya at may crescent moon na pendant. Couple necklace iyon, ang isa naman ay may sun na pendant at kapag inilapit mo iyon ay kusa silang magdidikit at iilaw. Kapag nakahiwalay naman ay liliwanag kapag nasa dilim. Simple lang iyon pero maganda.  Napangiti pa ako nang pagmasdan iyon. Tiyak na magugustuhan iyon ni George.

Alas sais na ng gab nang makauwi ako. Madilim dilim narin. Umakyat na ako ng kwarto at itinabi ang regalo na ibibigay ko kay George. Kinuha ko ang phone ko at muli akong nakaramdam ng lungkot nang wala parin akong natatanggap na replay or messages mula kay George.

Aamin ako, nalulungkot ako at nasasaktan ngayon. Ayoko mang isipin pero pakiramdam ko ay nakalimutan na iyon ni George. Nakalimutan na ni George ang araw na meron ngayon. Hindi ko na kayang patatagin pa ang loob ko dahil hindi ko na kayang magsinungaling sa sarili ko.

Pumatak ang luha sa pisngi ko at ninamnam ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko na kayang magkunwaring malakas gayong noong nakaraang araw ay hinang hina na ako. Gusto ko siyang puntahan sa kanila pero ayokong magkaron ng eksena sa kanila kaya nagtitiis na lang ako pero ngayon ay hindi ko na kaya kaya bumulwak ang sakit na nararamdaman ko. Hindi naman ako tanga para isipin na busy'ng busy siya gayong tapos na rin naman ang ginagawa nila ayon kay Zion. Ayokong mag-isip  nang mag-isip pero hindi ko rin kayang patatagin pa ang loob ko.

Sa katotohanang nagdududa ako ay parang dinudurog non ang puso ko.

Ayokong lunurin sa sakit ang nararamdaman ko ngayon kaya naman ay kinuha ko ang phone ko at nagmessage kay Jelai na sasama na lang ako sa kanila. Nagtaka naman siya pero hindi ko na lang sinabi dahil ayokong pati sila ay mag-alala.

Ayokong maglugmok dito dahil baka hindi ko kayanin ang mag-isip. Mabuti na lang din ay hindi pa sila nakakaalis dahil hinihintay pa raw nila si Dion. Nag-ayos na ako at tinignan ang sarili sa salamin. Mabuti na lang din ay nawala ang bakas ng pamumugto ng mata ko kaya confident akong lumabas.

Nagpaalam ako kina mommy at pumayag naman sila. Naghabilin na huwag na akong magpapagabi. Paglabas ko sa kanto ng Renaissance pasalubong sa Felix ay napatigil ako nang makita si Dion na nakakunot ang noo'ng nakatingin sa akin. Lumapit siya at tinignan ako sa mata.

"Umiyak ka?" biglang tanong niya dahilan para matigilan ako. Umiling naman ako at nagpatuloy sa paglalakad. Sumabay naman siya sa akin at muli akong natigilan nang bigla siyang magsalita muli. "Maloloko ako ng salita at pag-iling mo pero hindi ako maloloko niyang mga mata mo." Gulat ko siyang tinignan nang sabihin niya iyon.  Hindi ko alam kung paano niya napansing umiyak ako gayong bago ako umalis ay inayos ko muna ang sarili ko. Hindi ko na pinansin pa iyon at sumunod na lang ako sa kaniya hanggang sa marating na namin ang Ministop. Doon ay nakita namin ang apat na naghihintay. Taka naman nila kaming tinignan.

"Nagkita kayo?"  Tanong ni Jelai nang mapansing magkasabay kami.

"Hindi."  Tipid na tugon ko. Ayokong umusap nang umusap dahil baka mamaya ay biglang mag crack ang boses ko malaman pa nila.

"Eh bat sabay kayo?" Muling tanong ni Jelai at sabay naman kaming napabuntong hininga ni Dion. Binalot kami ng katahimikan nang ilang segundo hanggang sa si Teejay na ng kusang bumasag non.

"So complete na tayo tara na?"  Yaya pa nito at tumango naman kaming lima. Agad naman silang nagkanya kanya na sila ng lakad, nauna sina Teejay at Jelai, magkasabay naman sina Cheng at Darren kaya naiwan kaming dalawa ni Dion dito sa likod.

Tahimik kaming naglalakad, ni isa sa aming dalawa ay walang nagsasalita hanggang sa marating na namin ang lugar na iyon. Pinagmasdan ko ang signboard nito. BREAD 'N BREW ang pangalan ng shop.

Napakaganda ng labas, makaluma ang disensyo pero nakakaakit tignan lalo na kapag nakita mo ang dim light na nakapaligid sa bawat haligi ng shop.

Nauna na silang pumasok habang ako naman ay pinag-aaralan pa ang paligid. Sa paglilibot ko ay bigla akong natigilan nang marinig ko ang pamilyar na boses. Hinanap iyon ng mata ko at ganon na lamang ang gulat ko nang makita ito.

Ang kirot sa dibdib ko ay binalot ang buong katawan ko dahilan para mamanhid ang katawan ko at hindi makakilos. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Hindi ako makapaniwalang nakikita ko siya ngayon dito.

Nanginginig ang katawan ko nang muli ko silang makita. Suot suot niya pa ang sweater na binigay ko sa kaniya noong nakaraan.

Muling binalot ng sakit ang puso ko at hindi ko alam ng gagawin ko. Nasasaktan ako s nakikita ko ngayon. Masayang nag-uusap sina George at Venice habang nakaakbay si George sa kaniya.

Sa hindi inaasahan ay biglang bumagsak ang mundo ko, tumigil ang paligid ko, silang dalawa na lang ang nakikita ko sa mga oras na ito. Ang luha kong pinipigilan kong tumulo kanina ay nagkusa na. Para iyong gripo, walang katapusan sa pagtulo.

Marahang inilapit ni George ang mukha niya kay Venice at nakapikit namang sinalubong ni Venice ang halik ni George. 

Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapaliwanag ang pakiramdam na ito ngayon dahil ngayon ko lang ito naramdaman.

Hindi ko alam ang gagawin, kung tatakbo ba ako papalayo o magdederetso papunta sa gawi nila.

Patuloy ang pagpatak ng luha ko at hindi ko alam kung paano iyon patitilain. Wala nang paglagyan ang sakit sa puso ko. Sa hindi inaasahan ay may bisig na bumalot sa katawan ko at payakap na iniharap sa kaniya. Nakita ko ang lungkot sa mga mata niya.

"Huwag mo nang tignan kung alam mong nasasaktan ka na." Marahang sambit niya habang nakayakap sa akin. "Ilabas mo sa akin iyang sakit na nararamdaman mo, nandito lang ako sa tabi mo. Tahan na." parang automatiko ang luha ko nang sunod-sunod iyong umagos pababa sa pisngi ko nang marinig ang sinabi niyang iyon. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng payapa sa puso ko.

' Salamat Dion.'

Continue Reading

You'll Also Like

373M 9M 100
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
177K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...