KABANATA 19

28 3 0
                                    

Kasalukuyan ako ngayong naghahanap ng masusuot. Gaya ng sinabi ni Nay Nelia kagabi ay pupunta kami ngayon sa bahay nina Tito Nic. Sa paghahanap ay bigla kong nakita ang sweater na kulay gray. Walang ano-anong kinuha ko iyon. Ilang araw na rin pala ang lumipas nang hindi na sumasagi sa isip ko si George. Natutuwa ako dahil sa kadahilanang kapag naririnig ko o nababanggit ko ang pangalan niya ngayon ay wala na sa akin. Ngayon ay masasabi ko nang nakapagmove on na ako kahit papaano. Ewan ko na lang kung ano ang mararamdaman ko kapag nakita ko na siya.

Pero sa katotohanang iyon ay hindi ko naiwasang hindi mag-isip. Ilang taon din kami ni George pero bakit ganito na lang kabilis ang pagmomove on ko? Wala pa nga atang dalawang buwan magmula nung naghiwalay kami eh.

' Hindi imposible pero kataka-taka'

Hindi ko na iyon inisip pa dahil dapat kong ikatuwa iyon dahil finally! nakapag step forward na ako. Kataka-taka man pero anong magagawa ko? Ganon kabilis nawala ang sakit na binigay niya.

"Are you done na ba baby?" Rinig kong tanong ni mommy sa pinto kaya pinagbuksan ko naman siya ng pinto.

"Yes po, pero pwede naman pong mauna na lang kayo ron. Medyo sumakit po ang tiyan ko mom." Sambit ko at agad naman siyang nag-alala. Totoo rin iyon, bigla na lang akong nakaramdam ng sakit ng tiyan. Isa lang din ang dahilan non, tinatawag ako ng inang kalikasan.

"Are you ok baby?" Nag-aalalang tanong ni mommy at tumango naman ako bilang tugon.

"Yes po mom. Medyo nakaramdam lang ako ng tawag ng kalikasan hehe. Mauna na lang po kayo ron, susunod na lang po ako. Baka kasi hinihintay na kayo ni Tito ron. Mag share location na lang po kayo."

"Are you sure baby?" Paniniguro niya at muli na naman akong tumango. "Ok sige, take care ok? Sumunod ka." Muling sambit niya pa at muli naman akong tumango. Pagkalabas ni mommy ay agad akong pumasok ng banyo at doon naglabas ng hinanaing sa mundo.

Nang matapos ay naghugas ako ng kamay at lumabas. Kinuha ko naman ang phone ko at tinignan ang message ni mommy. Narecieve ko naman ang shinared location ni mommy kaya pagkalabas ko ay agad kong tinungo ang daan papunta sa bahay nina Tito Nic. Wala pang limang minuto ay narating ko na ang bahay nila. Hindi naman ganoon kalayo, medyo tanda ko rin naman dahil madalas ko na rin naman iyong nakikita, hindi ko lang alam na matagal na pala itong nabili nila Tito Nic.

Nang marating ang gate ay nagdoorbell na ako. Ilang beses ko iyong pinindot hanggang sa may taong nagbukas ng gate s akin. Ganon na lamang din ng gulat ko nang makita si Dion ang nagbukas ng pinto. Gulat din itong napatingin sa akin, hindi kami nag-imikan, parehong hindi inaasahang makita ang isa't-isa.

"A-Anong ginagawa mo rito?" Gulat na tanong ko sa kaniya, tinignan niya lang ako sa mata bago magsalita.

"I-Ikaw anong ginagawa mo rito?" balik na tanong niya sa akin. Agad ko namang nairolyo ang aking mata sa tanong niyang iyon.

"Hindi masasagot ang tanong ko ng isang katanungan Dion. Ako ang unang nagtanong kaya nararapat lang na sagutin mo muna ang tanong ko bago mo ako tanungin. Tsk... Engot!" Singhal ko naman sa kaniya at napangiwi naman siya.

"Hindi ba obvious? Dito ako nakatira. Engot!" Agad na nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niyang iyon. Hindi ko inaasahan ang pangyayaring ito.

"Ngayon, ikaw naman ang sumagot sa tanong ko." Natinag ako nang muli siyang nagsalita. Napatitig naman ako sa kaniya at agad na sumilay ang ngisi sa labi niya. May naramdaman akong kakaibang pintig sa dibdib ko. Hindi ko maipaliwanag ang kabang nararamdaman ko sa mga oras na ito nang makita ko ang paraan ng pagkakangisi niya. "Dinadalaw mo ba ako? Tsk... Magkasama palang tayo kagabi miss mo na agad ako?" Agad na bumusangot ang mukha ko sa sinabi niyang iyon.

It Started in San Andres St.Where stories live. Discover now