KABANATA 10

62 3 0
                                    

"Woah!! Nabusog na naman ako." sambit ni Teejay na nag-unat unat pa ng kaniyang braso na isa namang damoves para makaakbay kay Jelai. Napaismid naman ako sa kakornihan niyang iyon.

"Oh ano yang ginagawa mo?"  biglang tanong ni Dion nang makitang sinasamsam ko na ang mga pinagkainan namin. Hindi ko naman siya inimik at nagpatuloy sa pagsalansan ng mga plato.

"Ganyan talaga yan si Greg. Training niya yan kasi nagbabalak pumasok sa crew.",  Biro naman ni Cheng na agad na ikinatawa nilang tatlo. Sinamaan ko lamang sila ng tingin at nagpatuloy sa paghihiwalay ng mga buto kutsara at disposal na baso.  Taka naman akong napatingin kay Dion nang tumayo siya at magsalansan din ng platong pinagkainan namin hanggang sa nagsigayahan na rin silang lahat kaya ayon malinis naminh nilisan ang aming lamesa.

Sabay sabay kaming naglakad papalabas ng kanto hanggang sa mauna sina Jelai at Teejay. Nagsabay naman sina Darren at Cheng at habang ako naman ay walang choice kundi ang makasabay ang lalaking ito.

Hindi kami nag-iimikan hanggang sa malagpasan na namin ang kanto ng Leyte st.  Dumaan naman kami sa kanto ng Taal  St upang doon ay mag-abang ng masasakyang jeep.

Nguni't kamalas malasan namang halos lahat ng dumadaan ay punuan na habang ang iba naman ay hindi na bumibyahe kaya ang ginawa namin ay kaysa mag-abang ay naglakad na lang kami papauwi.

"Ang tahimik mo pala talaga."  bigla ay basag ni Dion sa katahimikang bumabalot sa aming dalawa. Sabay parin kaming naglakad dahil nanguna na ung apat at kami na lang ni Dion ang nandito sa likod.

"Sakto lang naman."  tugon ko at saka nagpatuloy sa paglalakad. Humabol naman siya sa akin kaya nagsabay na kaming dalawa.

"Nga pala, hindi ka ba nagalit kay Teejay or sa grupo namin?"  Tanong niya at napatingin naman ako sa kaniya.

"Wala naman akong dahilan para magalit sa inyo. Wala naman kayong ginawang mali pata kagalitan ki kayo. Pero nabigla lang din ako kasi parang nung nakaraan lang eh stranger pa kayo, sabay lang tayong kumain nang hindi kilala ang isa't-isa pero ngayon ay hindi lang tayo sabay kung kumain, kilala na natin ang isa't-isa at masayang nagsalosalo. "  mahabang sambit ko na ikinatango niya naman.

"I see, eh sakin hindi ka ba nagagalit?"  muli ay tanong niya. Napabuntong hininga naman ako at saka muling humarap sa kaniya.

"Hindi naman ako galit sayo pero nayayabangan ako sayo lalo na nung mga pinagsasabi mo nung nakaraan."  Tugon ko at natigilan naman siya.

"Naaalala at natatandaan mo pa yon? Lakas naman ng utak mo."  Biro niya pero natigil din iyon nang samaan ko siya ng tingin.

"Oo, natatandaan ko lahat yon dahil ang lakas ng self-confidence  mo assuming pa."

"Ouch naman sakit naman non lods. Hindi ba pwedeng binibiro ka lang?"  Kunyaring nasasaktang sambit niya at my pa aktingan pang pahawak hawak sa dibdib niya na animo'y nasasaktan talaga.

"Hindi naman kita kilala that time, hindi rin naman tayo ganon kaclose para biruin mo ko ng ganon.* Muling sambit ko at tahimik naman siyang yumuko.

"Ewan ko rin eh, hindi ko alam kung bakit ko ginawa yon sayo. Abnormal lang siguro ako kaya ko nagawa yon sayo kaya ngayon ay humihingi na ako ng pasensya." Malumanay na sambit niya at ngumiti naman akong tumingin sa kaniya. Nang magtama ang mga mata namin ay gulat siyang napatingin sa kin at iniwas ang tingin.

"Ayos lang nangyari na rin naman eh."

"Nga pala, boyfriend mo ba talaga ung kasama mo kagabi?"  Muling tanong niya kaya taka ko naman siyang tinignan.

It Started in San Andres St.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon