It Started in San Andres St.

By Tamadins

1.6K 91 0

Dahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San... More

Love and Hate in San Andres
Simula
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30

KABANATA 9

72 3 0
By Tamadins

Hindi na ako muling tumingin pa sa gawi niya dahil lalo lang akong nakoconcious sa tuwing magtatama ang aming mga mata.

"Nga pala kayo yung kagabi hindi ba?" agad akong napatingin sa lalaking katabi ni Jelai. "Ayy hehe, Teejay nga pala." Nakangiti niyang inilahad ang kaniyang kamay, tinignan ko pa muna ito bago ako nagsalita.

"Gregory, Greg for short." Tugon ko at nagshake hands naman kami.

"Nice to meet you Greg. And btw, this man after me..." Turo niya sa lalaking katabi niya na nakasalamin, iyon ung kaharap ni Cheng. "Siya nga pala si Darren and yung katabi niya naman..." ibinaling ko naman ang tingin ko sa lalaking itinuro niya. Nakangiti na iyong nakatingin sa akin dahilan upang samaan ko siya ng tingin. "Siya naman si Dion." pakilala pa nito na tinunguhan ko naman. Nagulat pa ako nang ilahad nito ang kamay niya sa akin kaya taka ko naman iyong tinignan.

"Dion nga pala." Nakangiting paglalahad niya kaya wala akong choice kundi ang kunin iyon at magpakilala rin.

"Greg." Maikling sambit ko at ngumiti naman siya.

"Nice to meet you Greg. Ngayon pwede mo na akong bayaran sa utang mo last time " agad na umikot ang mata ko sa sinabi niyang iyon. Talagang hindi niya pa nakakalimutan ang nangyari nung nakaraan. Tsk...

"Utang? Anong utang?" Taka namang tanong ni Teejay at tinignan lang naman siya ni Dion.

"Basta samin na lang yon. Ano ikaw magbabayad ng pagkain ko ah." Nakangiting sambit pa nito. Medyo naaalibadbaran na ako dahil panay ang ngiti niya. Mukha siyang nakangiting angry birds kaya hindi ako natutuwa sa mga ngiti niyang iyon. "Nga pala hindi mo man lang ba ipapakilala ang mga kasama mo?" Muling baling niya sa akin na ang tinutukoy ay sina Cheng at Jelai. Bumuntong hininga pa ako at walang ganang tumingin sa kaniya.

"Hindi kasi ako na inform na kailangan pala." walang ganang sambit ko, oo alam ki na medyo nakakabastos iyon pero hindi ko lang trip ang lalaking nasa harapan ki ngayon.

"Sungit naman neto." Rinig kong bulong niya pero hindi ko na iyon pinansin pa dahil ayoko nang humaba pa ang conversation namin dahil nauurat talaga ako sa kaniya.

"Hindi ko na ipapakilala itong babaeng ito dahil mukhang kilala niyo na rin naman sya. Pero sige iintroduce ko na lang. Siya si Angelica, Jelai for short. And eto namang katabi ko ay si Chrizahne, Cheng for short." mahabang pagpapakilala ko pa at mukha naman siyang tangang tumango tango.

' Adik talaga '

"Hey, I'm Darren." Agad akong napalingon nang ilahad ni Darren ang kamay niya kay Cheng. Taka ko namang tinignan si Cheng na parang kinikilig pang kinuha ang kamay na iyon nung Darren.

"Cheng, nice to meet you." Kinikilig pang tugon nito dahilan upang tapikin ko siya nang bahagya.

"Huy gago may jowa kana." Bulong ko sa kaniya pero hindi niya naman ako pinansin.

"Nga pala, hindi ko alam na magkaclose na pala kayo nyan. Parang nung nakaraan ah stranger pa kayo pero ngayon eto na kayo." Biglang sambit ko. Natinag naman ang tatlo at napapahiyang umiwas ng tingin. "Don't get me wrong po, kasi as I've remembrance, halos magkasabay lang tayong kumain nung nakaraan pero ngayon ay magkasabay na tayo but still look strange parin kasi sa akin." hindi ko alam kung bakit nakukuha kong mag-english, di ko tuloy alam kung tama ba ang mga pinagsasabi ko.

"A-Ahh yeah hehe. That time na nakita kasi namin kayo parang may kung ano kasi samin na gusto namin kayong samahan. Don't get me wrong pero yun talaga iyon. Di ko rin alam kung nakakabastos iyon pero nung nakita naming bumaba silang dalawa ay bumaba rin kami at naglakas ng loob na kunin ang fb ni Jelai. And after non ay nag-start na kaming mag-usap. Actually silang dalawa kilala na namin. I-Ikaw lang talaga ang hindi. Pasensya na." kwento niya pa at napabuntong hininga naman ako. Nagmukha tuloy akong sawsaw suka rito. Nakaramdam din ako ng hiya dahil sa inasal kong hindi tama.

"A-Ahh it's ok lang naman." napapahiyang sambit ko pa hanggang sa mangibabaw naman ang katahimikan sa aming tatlo nabasag lang iyon nang biglang sumenyas si Teejay at doon ay kinuha na ang orders namin.

"Order na kayo, my treat." nakangiting sambit naman ni Teejay. Na excite naman ang dalawang babae dahil sa libre habang ako naman ay nahihiya dahil hindi ako sanay sa nililibre ako.

"Masyado ka namang nagpapalakas nyan tsk... Baka mamaya niyan sagutin agad kita." Rinig kong biro ni Jelai kaya agad na napukaw sa kaniya ang atensyon ko.

"N-Nililigawan ka niya?" di makapaniwalang tanong ko na ikinatungo niya naman. Nasapo ko tuloy ang aking noo dahil sa kakaibang babaeng ito.

Hindi na ako muling nag-usisa pa kaya naman ay nanahimik na lamang ako sa gilid at nakinig na lang sa usapan nila.

"Can I have a seet?" Nabigla ako nang biglang tumayo si Darren at nakangiting gumitna sa pagitan namin ni Cheng. Taka ko naman siyang tinignan at nilakihan naman ako ng mata ni Cheng kaya wala na akong nagawa pa kundi ang umusod dahilan upang makatabi ko si Dion na napakalawak na ng pagkakangiti.

"So sa susunod kana niyan makakabawi sa akin dahil libre tayo ni Teejay ngayon." Nakangising sambit nito, tinaasan ko naman siya ng kilay at iritang tinignan siya.

Kumuha ako ng 200 sa wallet ko at inilahad iyon sa kaniyan. Taka niya naman iyong tinignan dahilan upang lalong mangunot ang noo ko.

"Nuyan?" tanong niya pa, napapikit naman ako sa inis.

"Pera " nauubusang pasensya na tugon ko. Nangunot naman ang noo niya at muli akong tinigna sa mata.

"Ayoko nyan." Tanggi niya dahilan upang makaramdam ulit ako ng inis. Hindi na ako nagsalita pa, inilagay ko na lang ulit ang 200 ko sa loob ng wallet ko. Kinuha ko ang phone ko at tinignan kung may message ba si George. Nang wala akong makitang message mula sa kaniya ay kinuha ko na lang ang earphones ko at saka nagplay ng music. Agad ko ring nailayo ang earphones sa tenga ko nang biglang mag play ang PARALUMAN. Mariin akong pumikit at iginala na Lang muli ang aking paningin.

"Ano sainyo?" Tanong ni Teejay at nagsisalita naman ang mga kasama namin hanggang sa dalawa na lang kami ni Dion ang hindi pa nakaka order. Bumuntong hininga ako at saka tumingin sa kumukuha ng order namin.

"Sizzling Tonkatsu po." muling bumagsak ang balikat ko nang makita ang reaksyon nito. Ito na yung pangatlong beses ako na oorder non pero wala parin hanggang ngayon.

"Sorry sir hindi parin po available ang sizzling Tonkatsu eh. Pasensya na po."

"Try mo yung Hungerian nila, masarap yon." Napatingin naman ako kay Dion nang issuggest niya iyon. Kunot noo naman akong umiling dahilan upang matawa sina Jelai at Cheng.

"Ayaw niya ng Hungerian weird daw Kasi g itsura kaya ayaw niya." Napatingin naman ang tatlong lalaki nang sabihin iyon ni Jelai na ngayon ay nanahimik dahil sinamaan ko ng tingin.

"Paanong Weird ba? Tsaka tatlong beses ko nang naririnig na inoorder mo ung tonkatsu ah. Hindi ka pa nakakatikim non?" sabat naman ni Dion upang lingunin din siya ng lahat.

"Nakatikim na, eh yun ang gusto ko eh. Tsk... Sige pi gaya na lang po ng dati ate." Sambit ko at umalis naman na ang babae. Matapos non ay nagkaroon na ulit ng kaniya-kaniyang mundo ang apat habang kami naman ni Dion ay hindi na nag-iimikan pa.

"Pero grabe ah, hindi ko maiwasang hindi kiligin nung narinig kong kumanta si Dion. Ang ganda pala ng boses mo. Hindi lang halata hahaha." Sambit ni Jelai at natawa naman silang lima habang ako naman ay nakikinig lang sa pag-uusap nila.

"Kaya ko rin naman yon eh. Maganda rin naman boses ko." Pagbibida naman ni Teejay sa sarili niya dahilan upang matawa naman ang dalawang lalaki. Tila kinilig naman si Jelai sa sinabing iyon ni Teejay.

"Sige nga sampolan mo ako."

"Sige basta kapag katapos ko oo na ang sagot mo ah... Hehe biro lang." Tumayo si Teejay at saka kinuha ang songbook at naghanap ng kakantahin. Nang may makita na siya ay inilagay niya na iyon sa videoke at naglaglag ng coins at ilang sandali pa ay nag-umpisa nang tumugtog ang kantang napili niya.

{ NOW PLAYING: IKAW LANG BY NOBITA}

🎶Oh, kay gandang pagmasdan
Ang iyong mga mata
Kumikinang-kinang
'Di ko maintindihan🎶

Panimula niya at nakangiti naman siyang tumingin kay Jelai na hindi pa man ganon katagal na kumanta ay kinikilig na. Napabuntong hininga naman ko sa kalandian ng babaeng ito. Kahit kailan tsk...

🎶Ang iyong mga tingin
Labis ang mga ningning
Langit ay bumaba
Bumababa pala ang tala🎶

Feel ni feel niya ang pagkanta, maganda rin ang boses niya pero hindi kasing ganda nung kai George at kay Dion.

Hindi ko alam kung bakit bigla na lamang akong napatingin sa gawi ni Dion. Nagtama ang mga mata namin at doon ay muli na naman akong namangha sa mga mata niya nang bigla itong kumislap. Ganon na lamang din ang gulat ko nang bigla niyang sabayan sa pagkanta si Teejay habang ang mga mata ay nasa akin.

🎶Tumingin ka sa 'king mga mata
At hindi mo na kailangan pang
Magtanong nang paulit-ulit
Ikaw lang ang iniibig🎶

Pagsabay niya pa, hindi ko alam kung bakit mas nangingibabaw ang tinig niya kesa sa boses ni Teejay. Kahit mahina iyon ay rinig na rinig ko naman. Sakto lang na kaming dalawa ang nakakarinig. Bumibilis din ang tibok ng puso ko sa tuwing magtatama ang aming mga mata.

Kaya agad kong iniwas ang mga mata ko dahil mali itong nararamdaman ko. Kailangan kong pigilan ito dahil maling mali ito.

Natapos kumanta si Teejay at nagpalakpakan naman ang mga nanonood. Nang lumapit si Teejay kay Jelai ay para itong tangang kinikilig. Napapikit pa ako dahil sa kabaduyan niya. Hindi ko alam na may ganyan pala siyang side. Mukha siyang tanga.

Nag-umpisa na naman silang mag-usap at nakinig na lang ulit ako sa kanila hanggang sa maging ako ang naging topic nila dahil inopen up ni Teejay ang nangyari kagabi.

"So boyfriend mo pala yon?" Tanong niya at napapahiya naman akong tumango. Agad namang nangunot ang noo niya at ewan ko, gaya nung nakita ko sa mata ni Dion noong nakataan ay may nakita akong awa sa mga mata nito. Hindi ko maintindihan kung bakit ganon na lamang ang mga mata nila sa paningin ko. Dahil don ay napatingin naman ako kay Dion na nakikipaglabanan ng tingin kay Teejay. Tila nag-uusap sila gamit ang kanilang mga mata. Hindi ko na iyon pinansin pa at nakinig na lang ulit sa pag-uusap nila.

"Alam mo bang sobrang sweet nila kagabi. Kahit ako nga na lalaki ay kinilig eh hehehe." Sambit ni Teejay na animo'y kinikilig nga. Mukha siyang tanga ron kaya hindi ko naiwasang hindi matawa sa itsura niya.

"Pangit mo pakyu!" Sigaw naman sa kaniya ni Dion dahilan upang mangibabaw ang tawanan sa aming anim.

"Kiss mo muna ako. Dali na." Pangungulit ni Teejay kay Dion na kumukurap kurap pa na tila nagpapacute. Natawa ulit kami dahil sa itsura nito. Hindi bagay sa kaniya kasi mukha siyang adik.

Nagtuloy tuloy pa ang asaran nila hanggang sa kusa na silang tumigil nang dumating na ang inorder namin.

Isa-isa nang inilapag sa mesa ang lahat ng pagkain namin at agad kong iniwas ang paningin ko nang dumako iyon sa plato ni Dion na may nakahaing hungerian. Agad na nagsitayuan ang balahibo ko nang makita iyon. Mas wirdo pa pala iyon sa personal kesa sa pictures.  Itinuon ko na lamang ang atensyon ko sa plato ko at marahang ginulo ang nakaayos na kanin.

Nakakatuwa lang na kahit na kagagaling ko lang dito kagabi ay hindi ko man lang nakuhang magsawa.  Nag-umpisa na kaming kumain pero nang makita ko ang halo-halong gulay na tulad ng Greenpeace, carrots, mais at iba pa ay dahan-dahan ko iyong itinabi. Balak kong ibigay kay Jelai iyon dahil kumakain naman siya non.  Kaya nung Ibibigay ko na sana ang mga pinaghalong green peace, mais carrots at iba pa kay Jelai ay  napatigil ako nang pandilatan niya ako ng mata at pabebe na ibinigay ang gulay niya kay Teejay. Bumaling naman ako kay Cheng na ngayon ay ibinibigay na rin ang gulay niya kay Darren. Nangunot ang noo ko dahil sa kapabebehan ng dalawang ito. Sa aming tatlo ay ako lang ang hindi kumakain non kaya alam kong nag-iinarte lang sila.

Napabuntong hininga naman ako at gulat na napatingin kay Dion nang makita ang nakangiting mukha nito. Pinipilit ko ring tapunan ng tingin ang plato niya dahil ayokong makita ang hungerian na naroon sa plato niya. Mas weird na kasi siya sa personal kesa sa pictures.

"Kumakain ka niyan?" Turo niya sa gulay ko at nahihiya naman akong umiling. "Akin na lang, mukhang ayaw rin naman ng mga kaibigan mo." Dagdag niya pa at inilapit ko naman ang plato ko sa plato niya at inilagay sa plato niya ang gulay na nasa plato ko. Sinimot ko ang gulay na nasa plato ko at inilagay yon sa kaniya. Nang matapos ay nakangiti na naman siyang tumingin sa akin. "salamat." Tungo na lamang ang sinagot ko at saka nagpatuloy na sa pagkain.

Maging sa pagkain ay naging maingay kami. Parang ang grupo nga lang namin ang maingay dito dahil halos lahat ng nandito ay tahimik maliban sa grupo namin.

Napuno ng tawanan ang aming pagkain. Hindi ko alam na ganito pala kakalog ang mga ito lalo na kapag nag-uumpisa nang mag-asaran sina Teejay at Dion. Si Darren naman ay mukhang seryoso pero may minsan namang nakikitawa sa amin.  Nakikisakay rin sina Jelai at Cheng sa pang-aasar habang ako naman ay tahimik lang na kumakain at nakikitawa sa kanila.

Habang seryosong kumakain ay hindi ko maiwasang hindi matuwa dahil mayroon kaming bagong kaibigan na talaga namang nakakasundo namin. Hindi sila yung tipong feeling close dahil ikaw mismo ay magkukusang kaibiganin sila kapag nakilala mo na ang isa sa kanila.

Hindi sila mahirap pakisamahan  kahit ako na hindi ganoon kagaling na makipag socialize sa iba ay nakukuha kong makipagsabayan sa kanila.

Kaya natutuwa ako at nagpapasalamat dito dahil kung hindi dahil sa stall na ito ay hindi namin makikilala ang mga ito ngayon.

Continue Reading

You'll Also Like

2M 25.2K 48
Soon to be Published Solana's mother works as a maid for Yleo's family, but in an unexpected event her mother passes away. Before it disappeared fro...
2.6M 103K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
3.8M 101K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
419K 22K 33
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.