It Started in San Andres St.

By Tamadins

1.6K 91 0

Dahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San... More

Love and Hate in San Andres
Simula
KABANATA 1
KABANATA 2
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30

KABANATA 6

80 3 0
By Tamadins

Inalalayan ako ni George pasakay sa motor niya. Wala akong ideya kung saang lugar niya ako dadalhin pero wala akong pakialam don dahil kahit saan pa kami pumunta ang mahalaga sa akin ay kasama ko siya.

Sa mga oras na ito ngayon ay walang mapaglagyan ang sayang nararamdaman ko. Talagang bumabawi siya sa mga araw na hindi kami magkasama. Nakakatuwa dahil pinaparamdam niya sakin na miss niya ako at mahal niya ako. Isa sa kinabilib ko kay George dahil mas nangunguna ang actions niya kesa sa mga salita niya.

Mahigpit ang yakap ko sakaniya dahil sa sobrang bilis niyang magpatakbo. Mabuti na lamang ay walang nakabantay at masyadong maganda ang daloy sa daan kaya nagagawa niyang paharurutin ang motor niya.

"Huy Gorge nagmamadali ka ba?" takot na sigaw ko dahilan para bagalan niya nang bahagya ang pagpapatakbo niya ng motor. "Grabe hindi ko alam na literal na langit nga ang pupuntahan natin." inis na sambit ko nang lumiko kami sa pamilyar na lugar.

" I love you!" Aniya dahilan upang mapangiti na naman ako.

"Yann!! Yannn jan ka magaling, ang utuin ako, inuuto mo na naman ako akala mo kinikilig ako? Isa pa nga." sigaw ko dahilan upang sabay kaming matawa. Bumaba na ako sa motor niya at saka muling inilibot ang paningin. Agad na nanlumo ako sa nakikita. Nandito kami ngayon sa King Street na kung saan ay kinainan namin nung nakaraan.

"Let's go?" Inilahad ni George ang kamay niya sa akin na agad ko rin namang kinuha. Nagtungo kami sa counter at kumuha ng number. Sakto ring may dalawa raw na bakante sa second floor kaya naman ay nakaakyat na agad kami.

"Masarap servings nila rito babe." Nakangiting pambibida ni George sa akin. Pilit naman akong ngumiti, hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng mood, siguro marahil ay sa nangyari nung nakaraan.

"Yess... Yess... Pumunta na rin kami rito nila Cheng nung nakaraan." walang ganang sambit ko na itinango tango niya pa.

"I see... Edi hindi ko na pala kayang ibida sa iyo lahat ng servings nila rito." Nakangiting aniya habang inililibot ang pangingin. Inilibot ko rin ang paningin ko dahilan upang muli na naman akong mamangha sa kagandahan ng lugar.

Ngayon ay medyo maluwag na ang espasyo hindi katulad noon na medyo may kasikipan. Naglagay na rin sila ng videoke at mini stage na ewan ko kung para saan. Pero hindi ko maitatangging iyon ang unang mapapansin sa lugar na ito. Bukod ay nasa gitnang dulo, center of attraction pa dahil halos lahat kaming nakaupo ngayon dito ay nakaharap doon.

"Matagal ka na bang nakain dito?" tanong ko at tumango naman siya.

"Yup, madalas kong kasama si V-Vin." biglang utal niyang sambit. Hindi ko na iyon pinuna pa at nagpatuloy na lamang ako sa paglilibot hanggang sa maramdaman ko siyang tumayo kaya agad na nabaling ang atensyon ko sa kaniya.

"San ka pupunta?" takang tanong ko pa nang ayusin niya ang damit niya. Nagkibit balikat lamang siya at saka nagpatuloy na naglakad papunta sa harap. Doon ko lang napagtanto na sa videoke siya pupunta kaya naman ay agad ko siyang sinuway na bumalik na rito sa inuupuan namin dahil baka hindi allowed ang gagawin niya. Wala na rin akong nagawa pa nang kunin na niya ang mic at naghanap ng kanta sa songbook. Tumigil siya saglit at siguro nang may makita na ay doon na niya nilagay ang kantang kakantahin. Bumilis ang tibok ng puso ko nang mag-umpisa na ang kanta. Nakangiti siyang tumingin sa akin at nang malapit na ang unang berse ay pumikit siya at huminga nang malalim, dahil malapit ang mic sa bibig niya ay rinig namin iyon.

{ NOW PLAYING: UNANG SAYAW BY NOBITA}

🎶 Tumatalon ang puso
Sa tuwa ay patungong
Langit na ata
Ikaw ang kasama🎶

Pagdilat niya ng mata ay agad iyong napukol sa akin, malamig ang boses niya at medyo nilalilam upang lalong bumagay ang boses niya sa kantang kinakanta. Nagsitayuan naman ang balahibo ko nang biglang maghiyawan ang mga taong nakakakita at nanonood sa kaniya.

🎶Sa titig pa lang, tunaw na
Hawak sa kamay
Wala na akong palag sa
Ay, pag-ibig na ata🎶

Hindi mapaglagyan ang kilig na nararamdaman ko sa mga oras na ito. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Hindi man ito ang unang beses na ginawa niya sa akin ito sa harap ng maraming tao pero nananatiling parang bago parin sa akin ang ginagawa niyang ito.

🎶Sa ilalim ng kalawakan
Pangalan mong isisigaw
Sa ilalim ng buwan ay titigan
At hawakan aking kamay🎶

Nagniningning ang mga matang naglakad siya sa gawi ko dahilan upang lalong kabugin nang husto ang puso ko. Lalo akong nakaramdam ng hiya nang ilahad niya ang kaniyang kamay, agad namang nagsihiyawan ang mga nakakita pero wala lang sa akin iyon dahil sa mga oras na ito ay kaming dalawa lamang ni George ang magkaharap sa isa't-isa.

🎶 Isasayaw ka nang dahan-dahan
Hanggang 'di mo mamalayang
Ako na pala ang 'yong kailangan
At gusto mong pamahalaan🎶

Kinuha ko ang nakalahad niyang kamay, nang maglapat ang aming mga kamay ay hinigit niya ako upang lalong mapalapit sa kaniya. Inilagay niya ang aking kamay sa balikat niya at sabay kaming sumayaw habang parehas na nakatingin sa isa't-isa.

Patuloy siyang kumakanta habang patuloy parin ang aming pagsayaw. Napangiti ako nang magningning muli sa mata ko ang mga mata niya. Isinandal ko ang aking ulo sa dibdib niya at agad niya naman akong yinakap habang patuloy na sumusuroy-suroy sa kanta.

" I love you." Mahinang sambit niya na agad kong ikinangiti. Agad akong tumingin sa kaniya at sinalubong ang kaniyang tingin.

" I love you more " nakangiting tugon ko sa kaniya. Lumamlam ang mata niya at agad na inilapit ang mukha sa akin at saka marahan na dinampian ng halik ang labi ko. Hindi ko alam kung makakatulog pa ba ako mamaya dahil sa sayang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Para akong nasa napakagandang paraiso, nagbibigay ng kapayapaan at saya sa loob ko. Ipinikit ko ang aking mga mata at hiniling na sana ay huwag nang matapos ang gabing ito. Parang gusto ko na lang na huwag matapos ang gabi para makasama ko siya nang matagal dahil alam kong pagkatapos nito ay balik ulit kami sa normal na buhay bilang isang estudyante. Ayokong sirain ang gabing ito kaya iwinaglit ko sa isip ko ang mga negative thoughts na iyon. Hinayaan ko ang sarili ko na enjoyin ang gabing ito na kasama si George.

"Pumopogi ka lalo. " Nakangiting sambit ko na agad niyang ikinangisi.

"In love eh." Mayabang na tugon niya at natawa naman ako.

"At kanino naman?" Pang-aasar na tanong ko, diretso naman siyang tumingin sa aking mga mata at matamis na ngumiti.

"Sa lalaking nasa harap ko ngayon. Sa lalaking kinantahan ko at sa lalaking isinayaw ko." seryosong sambit niya na lalong ikinabog ang dibdib ko sa sobrang kilig.

"Inuuto mo na naman ako, akala mo naman kiniligin ako tsk... Isa pa nga ulit." muli na naman kaming natawa nang ulitin kong muli ang sinabi ko kanina. Nang mapagod ay umupo na kami ni George at ilang minuto lang din ay dumating na ang babaeng kumukuha ng order namin. Ibinigay niya sa amin ang Menu at muli na naman akong tumingin sa mga pagkain na naroon. Muling dumako ang tingin ko sa Sizzling Hungerian, agad akong nanginig nang makita ang laki non. Ang weird non sa mata ko kaya agad ko iyong iniwasan ng tingin.

"Try mo yung Hungerian nila babe, masarap yan." Bigla ay sambit ni George. Napatitig naman ako sa kaniya. Umiling ako at saka muling tumingin sa Menu.

"Ayoko nyan, ang weird sa mata ko."

"Anong klaseng weird?" Takang tanong niya pa

"Basta ayoko nyan, hindi ko gusto ang itsura. Parang ano... Nvm..." agad naman siyang natawa sa sinabi kong iyon. Hindi na niya ako pinilit pa kaya naman ay iyong sizzling tonkatsu na lang ang pinili ko ulit.

"Itong sizzling tonkatsu na lang."

"Ahh sir, hindi parin po available ang tonkatsu dahil wala pa pong deliver samin eh. Pasensya na po." wala na akong nagawa pa kundi ang pumili na lamang ng iba. Ilang minuto lang din ang lumipas ay naiserve na ang inorder namin. Tahimik na kaming kumain siguro marahil ay gawa ng pagod. Hindi na ako umimik pa at ganon din si George, hanggang sa ako na rin ang pumutol sa katahimikan naminh dalawa.

"Alam mo ba na sobrang saya ko before." Nakangiting sambit ko, tinutukoy iyong nalaman kong buntis si mommy. Ngumiti naman sjya at tinignan ako.

"At ano naman iyang dahilan na yan?" Nakataas ang kilay na tanong niya, natawa naman ako sa iniasta niya.

"Mommy is pregnant. Kaya sobrang saya ko nung nakaraan dahil finally! Magkakaron na ng baby sa bahay." Nakangiting kwento ko at ngumiti naman siya.

"Nice, tagal mo ring hiniling yan ah. I'm happy for you. Congrats!"

"Thanks, btw musta studies mo? Hindi pa ha tapos ang immersion niyo?"

" Nakakastress sa sobrang dami ng ginagawa, kaya bihira na lang din tayong mag-usap dahil di ko ma manage ang time ko. Kaya I feel sorry for that." Malungkot na sambit niya. Ramdam ko ang frustration niya kaya naiintindihan ko siya. Hinawakan ko ang kamay niya at marahan iyong pinisil.

"It's ok babe, I understand naman eh. Naiintindihan ko naman at alam kong mas mahalaga parin ang studies natin syempre kaya walang kaso sa akin yon. Actually natutuwa nga ako kasi inuuna mo parin ang acads mo which is tama naman. Kaya bilib din sayo si mom kasi di ka raw tulad ng ibang boys na puro bulakbol lang ang alam." Pagpapagaan loob ko sa kaniya. Ngumiti naman siya at pinisil pisil din ang kamay ko.

Nagpatuloy kami sa pagkain habang masayang nag-uusap. Natutuwa ako dahil talagang bumabawi siya, actually sobra sobrang bawi pa ang ginawa niya kaya hindi ko na kailangan pang magtampo dahil kung ganito naman siya kung bumawi ay mas gugustuhin ko pa siyang laging busy hehe. Pero syempre gusto ko parin siyang makasama, naiintindihan ko lang na busy siya.

Tatayo na sana ako nang bigla akong may nakabangga, agad naman akong napatingin sa nabangga kong iyon at ganon na lamang ang gulat ko nang makita na naman ang lalaking ito sa harapan ko. Hindi na ako nagtanong pa dahil obvious namang kumakain sila rito.

' Nakita niya kaya lahat ng ginawa namin? Tsk... Malamang nandito siya at ang lahat ay nakikinig at nanonood tsk. Tanga naman neto.'

"S-Sorry." Paghingi ko ng sorry at tinunguhan niya naman ako bilang tugon. Tila ay bigla akong nakaramdam ng kakaiba lalo na nang makita ko ang mga mata niya. May awa akong nakikita roon, hindi ko alam kung para kanino ang awa na iyon pero hindi ko na pinansin pa iyon at muli akong humingi ng sorry habang nakatungo. Hindi parin siya umiimik kaya naninibago ako sa iniasta niya. May kung ano sa loob ko na nag-aabang ng kung anong sasabihin niya pero lumipas ang ilang minuto ay wala akong narinig na kahit anong salita mula sa kaniya.

' Eh ano bang pakealam ko sa kaniya? Kung may sabihin man siya o wala, wala na akong pakealam pa ron..' inis na sambit ko sa isip ko. Hindi konna siya pinansin pa at bagsaknang balikat na naupo ako ulit at hinintay si George na makabalik dahil may kinausap lang ito sa phone. Nang matapos na siya ay nakangiti na siyang lumapit sa akin at muling inilahad ang kaniyang kamay upang alalayan akong bumaba. Kinuha ko naman agad iyon at bago pa man ako makababa ay muling nagtama ang paningin namin nung lalaki sa kabilang table. Malamlam ang mata niya, kita ko ang lungkot at awa sa mga mata niya. Hindi ko alam kung bakit ko nakikita iyon sa mga mata niya pero wala na akong pakialam pa ron kaya naman ay nagpatuloy na ako sa pagbaba.


Pagkababa namin ay agad namin naagaw ang atensyon ng tao. May iba na kinikilig pa at maynaririnig kaming tanong na ' SILA YON DI BA?'

May iba na kung makatingin ay paibaba, habang ang iba naman ay punonng mangha ang mga mata. Hindi naman maiiwasan iyon lalo na sa mga katulad kong nagmamahal lang. Hindi mawawala sa mata ng tao ang manghusga dahil taliwas ang mga nakikita nila sa ginagawa namin. Hindi ko rin sila masisisi dahil nandito ako sa Pilipinas na kung saan ay hindi pa ganon ka open sa mata ng tao ang relasyon ng magkapareho ng sex.

Lumakas lalo ang loob ko nang marahang hawakan ni George ang kamay ko kaya naman ay nakaramdam ako ng pagkagaan sa loob ko.

Marahan niyang isinuot sa akin ang helmet at nang pareho na kaming nakahelmet ay sumakay na siya sa motor niya at sumunod naman ako.

Continue Reading

You'll Also Like

36.1K 40 40
R18
3.7M 100K 63
[PROFESSOR SERIES I] Khione Amora Avila is a transferee student at Wesbech University who aimed to have a fresh start. She only had one goal in life...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
1.4M 33.6K 54
Rivalry, a basketball athlete and a culinary student had never seen herself attracted to any men. Despite her friends' persistent attempts to set her...