NERD SPARKS

haztowrites द्वारा

26.9K 963 49

Lovely Martha Celestine Martinez a high schooler who is known for her typical boyish aspect, dark personality... अधिक

PROLOGUE
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Epilogue
Nerd Sparks Sequel

Chapter 11

557 29 0
haztowrites द्वारा

Naglalakad ako ngayon sa loob ng library. Walang masyadong tao dito dahil lunch break ngayon. Umupo ako sa pagitan ng nakahilerang book shelves dahil ayaw kong umupo na kaharap ang librarian. Pagkaupo ko sa sahig ay agad kong nilabas ang maliit na garapon ng stick-o.

Ito nalang ang kakainin ko ngayon kasi ayaw kong lumabas para bumili ng pagkain. Marami pa kasing tao sa canteen at nagugutom na ako.

Dahan-dahang umangat ang ulo ko dahil narinig kong may bumukas ng pintuan. Walang ganang binalik ko nalang ang atensyon ko sa kinakain ko.

Nausisa akong napatingin ulit sa paligid dahil biglang nalang pinalibutan ng katahimikan ang buong library.

Lumabas siguro ang librarian?

Kanina pa napako ang paningin ko sa binabasa ko pero ni isang salita na binabasa ko ay hindi ko maintindihan kung ano ito. Sinarado ko nalang ang librong binabasa ko.

Kakatapos ko lang ubusin ang stick-o pero parang nagugutom parin ako. Napagisipan kong lumabas nalang ng library sana pero nagulat ako nang may biglang humila sakin pabalik sa loob.

Nakangising nakatingin siya sa akin.

"Hi"

Kunot-noong tiningnan ko siya.

"Ahh yeah, I'm fully recovered, hows my look? nagustuhan mo ba?"

Ha?

bakit niya tinatanong sakin?

Pakialam ko

Hindi ko siya sinagot. Napangisi siya nang makita niyang nagtataka ako sa kanya.

"Ricco, remember? baka nalimutan mo..."natatawang aniya.

Tch

Alam ko

"I bet hindi kapa nakakain ng lunch? sabay na tayo?"

"Ok lang, mauna kanalang..."

"Minsan lang naman ito eh at sigena libre ko naman... ayaw mo ba sa libre?"

"Tara"

"Really? Papayag ka?"

Tch

Mapilit ka eh anong magagawa ko?

"Oo"

"Great saan gusto mo? sa labas o sa canteen nalang?"

"Sa canteen nalang"sabi ko.

Sabay naming tinutungo ang canteen. Kahit na sanay na ako sa mga tingin ng iba sa akin ay naiilang parin ako kahit papaano. Umupo lang ako sa palagi kong inuupuan at nag-order lang siya ng kakainin namin pareho. Pagkadating niya ay nilapag niya isa-isa ang pinamili sa lamesa at ngumisi sa akin.

"Kain na Love"

Tch

Marahan akong napatango sa kanya.

"Thanks"

Nagsimula na akong kumain, hindi ko naman maiwasang mapatingin sa paligid dahil alam kong nandito ang mga schoolmates ko at iba kong kaklase nakatingin sa amin. Mabilis ko namang inubos ang kinakain ko at tsaka tumayo na.

"Thank you dito"

"Tapos kana?"

Napatingin ulit ako kay Ricco.

"ahh...Oo sige una na ako"

Walang lingonang naglakad na ako papalayo. Nakita ko si Dust. Hindi ko alam kung saan siya pumunta pagkatapos niya akong makita na kumakain kasama si Ricco.

Parang kinakabahan ako habang hinahanap siya, ang lakas din ng pagkabog ng dibdib ko. Parang nangangamba ako na kung ano man. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko ngayon. Nakakapagduda lang dahil bakit ako nagkakaganito. Hindi naman ako ganito dati pero bakit...

Binuksan ko ang classroom namin at si Dust ang bumungad sakin. Seryoso lang siyang nakatingin sakin at diretsyo nakatingin sa mata ko. Sunod-sunod kong naramdaman ang paglunok ko habang nakatingin din sa kanya.

Ano ba ang sasabihin ko?

"A-aah—"

"Kumain kana?"

"O-oo, ikaw?"

"Tapos na kanina pa"

Napatingin naman ako sa sapatos ko at tsaka napatango ng marahan. Hindi ko alam pero kinakabahan talaga ako.

"Bakit hindi ka tumitingin?"

Marahan kong naramdaman ang dahan-dahan niyang pag-angat ng baba ko pataas, at nilevel niya ito sa kanya. Napakabilis na talaga ng pagtibok ng puso ko. Ano ba ang nangyayari sakin?

"Don't forget what I said to you yesterday...I really mean it"

Nagulat ako nang bigla niya akong hilahin papalapit sa kanya at sa sandaling ito ay pinikit ko ang mga mata ko dahil sa kakaibang klaseng kaba ang nararamdaman ko. I slowly felt his breath through my neck. Naging sunod-sunod ang paglunok ko.

"I like you..."

Katulad ng kahapon ay naging ganito din kalakas ang pagkabog ng dibdib ko matapos niyang sabihin sakin na gusto niya ako at ngayon ay naulit na naman.

"Hindi ko gusto na hindi kita nakikita..."

Naramdaman kong kinuha niya ang kamay ko kung nasaan niya nilagay kahapon ang singsing na gawa sa kahoy.

"Don't you ever take it off"

"Bakit?"

"Because..."

Tiningnan niya naman ako ng maige at laking gulat kong halikan niya ang mga kamay ko.

"I'm courting you starting tomorrow"

Mas nagulat pa ako lalo sa sinabi niya. Seryoso ba siya sa mga sinasabi niya?

"I'm serious... and I really like you..."

Pagkatapos niyang sabihin yun ay sabay na naming tinungo ang upuan namin pareho. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam kapag may gusto sayo ang isang tao no?

P-parang napakasaya ko lang. Hindi ko alam kung gusto ko din siya pero nasisiyahan ako kapag kasama siya.

Hanggang sa tumuntong ang hapon at uwian na ay hindi ako nakapag-isip ng diretsyo. Sumabay naman siya sa akin at hinatid ako sa village namin.

"I'll start tomorrow morning...see you Love" sabi niya pa habang hindi na mapawi sa mukha niya ang kanina pang mga ngiti.

Hindi ako nakapagsalita at diretsyo lang tinungo ang kwarto at doon minukmok ang sarili sa kama at nakatingin lang sa kisame.

Bakit ang bilis naman yata?
Gusto niya na talaga ako? pero bakit? Tapos bukas? Anong gagawin niya dito?

Tch

Hindi ko nga alam kung papayagan ako nila mama at papa na may manligaw sa akin eh at wala si Nanay Ester para tanungin ko kung ok lang. Bumuntong hininga ako sa iniisip ko.

"Anong sasabihin ko sa kanya bukas?"

Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero... Hindi lang talaga ako makapaniwala na may nag kagusto sakin at siya pa...si Dust pa?

Napabangon ako ng higa at tsaka napadungaw sa bintana.

Tch

Ayaw kong magpaligaw sa kanya.

Ayaw kong dumating ang oras na baka masaktan ko lang siya. Hindi ko gustong masaktan siya dahil sa akin. He deserves better than me.

Napatingin ako sa singsing na binigay niya at tsaka marahan itong kinuha sa daliri ko. Kasabay ng hangin na pumapasok sa kwarto ko ay napatingin ako sa itaas kung saan nakatingin sakin ang buwan.

"I don't want to hurt you Dust"

***

Maaga akong nagising dahil kanina pa ako hindi na makatulog. Nakaluto na din ako ng almusal ko pero bago ako kumain ay itatapon ko muna ang basura si likod ng bahay. Madilim pa pero hindi ko na ininda yun. Agad napunta ang atensyon ko sa umiilaw sa itaas ng bahay sa mismong kwarto nila mama at papa.

Naramdaman kong kumunot ng kaunti ang noo dahil sa nakita ko. Pero ang mas ikinagulat ko pa ay may isang anino ng babae at lalaki ang sumasayaw doon.

Agad nagsitaas ang dalawang balahibo ko at nagmamadaling pumasok sa loob at tinungo ang kwarto sa itaas kung saan ko yun nakita.

Alam kong nakapatay lahat ng ilaw sa itaas pero bakit nakasindi ang isang ilaw sa loob ng kwartong iyun?

Nasa-itaas na ako. Isa isa kong nilakad ang papunta sa kwartong iyun. Kada may nakikita akong switch ay agad ko itong pinipindot para umilaw ang dinadaan ko. Matagal na kasi akong hindi na nakapunta pa rito sa Itaas. Nasa second floor kasi ng bahay ang kwarto ko kaya hindi ko talaga mapupuntahan ang third floor.

Nasa dulo ito, pero ang pagkabog ng dibdib ko habang humahakbang ako papalapit ay hindi ko mapipigilan. Papunta palang ako dito pero may kakaibang presensiya na akong nararamdaman. Naka bukas naman ang mga ilaw pero parang may kakaiba sa oras na ito.

Napatingin pa ako sa railings sa loob ng bahay kung saan ako nakahawak ngayon. Kaharap ko na ang kwarto nila mama at papa kung saan ko nakita mula sa ibaba ang sumasayaw na babae at lalaki dito sa loob ng kwarto nila kanina.Napakabilis ng tibok ng puso ko sabayan pa ng kaba at panginginig ng kamay ko habang hinahawakan na ang doorknob nito.

Dahan dahan kong binubuksan ito at laking gulat kong makita na nakapatay naman ang ilaw dito sa loob ng kwarto nila mama at papa. Napabuntong hininga ako at tsaka sinuyod ng tingin ang kabuuan nito. Hindi ko na sinubukan pailawin pa ang buong kwarto.

Isasara ko na sana ang pinto nang bigla kong marinig ang isang tunog na parang nahulog na gamit, dahan dahan akong napatingin pababa papunta ng paa ko dahil naramdaman kong diretsyong napunta sa akin ito. Hindi ko ito makita kaya napagdesisyunan kong pindutin ang switch para umilaw. Nang mahanap ko na ang switch ay hindi naman ako nagdalawang isip na pindutin ito.

Ginala ko ang paningin sa buong kwarto ko at ngayon ko lang nalaman na hindi pala kwarto nila mama at papa ang pinuntahan ko. Isa-isang nagsitaas ang balahibo ko na malaman na ito ang naging kwarto ni lola yung mama ni papa. Hindi ko na naabutan o nakita man lang si lola dahil namatay daw siya dahil sa bangungot.

Napabuntong hininga akong napayuko. Hindi ko naman sinasadya pero nawala sa isipan ko ang kwarto nila mama at papa. Pero alam kong dito ko nakita ang umiilaw. Hindi kasi gusto nila mama at papa na pumapasok ako rito kahit ng bata pa ako. Pero basta ang alam ko ay bawal ang kahit na sino ang pumasok sa kwarto ni lola dahil dito daw siya mismo binawian ng buhay.

Napahinga ako at tsaka nilibot ang buong kwarto. Ngayon ko lang nalaman na mahilig pala sa pink si lola dahil halos lahat na nandito ay pink.Napatingin ako sa sahig kung saan may isang pamilyar na alahas akong nakita. Ito siguro yung narinig kong nahulog papuntang paa ko.

Marahan kong pinulot ito at dahan dahang kumunot ang noo ko na makita ang buong disenyo ng singsing na hawak ko. Nagsitaas lahat ng balahibo ko sa pangatlong pagkakataon dahil alam kong hindi ako nakakamali na parehong pareho ang disenyo ng hawak kong singsing at yung singsing na binigay sakin ni Dust. Gawa sa kahoy ang binigay niya pero gawa naman sa tanso ang hawak ko ngayon.

Naguguluhan ako at kinakabahan habang nakatingin ako dito. Sa isang iglap at tilamsik ng ilaw ay bigla kong nabitawan ang singsing na yun, at napalitan ng isang eksena ang buong paningin ko kung saan nakita ko ang mukha ng isang pamilyar at kakilalang tao na nakatingin sa akin. Hindi ito naging matagal at bumalik din sa ordinaryo ang paningin ko sa paligid. Nakatulala ako habang nakatingin sa singsing na gawa sa tanso na nasa sahig.

Sa oras na ito ay hindi ko naigalaw ang katawan ko pero alam kong siya na naman ang nakita ko tuwing mauulit na mangyayari sakin ito.

Sino kaba talaga at bakit kita nakikita kapag nauulit na mangyari sakin yun?

Dust?

पढ़ना जारी रखें

आपको ये भी पसंदे आएँगी

9.5K 249 10
Read My Story Tagalog with english Vote Enjoy reading my story
1.6M 109K 25
#Book-2 in Lost Royalty series ( CAN BE READ STANDALONE ) Ekaksh Singh Ranawat The callous heartless , sole heir of Ranawat empire, which is spread...
265K 13K 61
My name is Alex Cruz, I'm a omega, so I'm just a punching bag to my pack. But Emma, Queen of werewolves Sam, queen of dragons Winter, queen of vampi...
*CRAZY GIRL* Khin XD द्वारा

किशोर उपन्यास

2.5K 66 23
SI GIRL OK NAMAN SYA PERO SA KASAMAANG PALAD SYA AY TINAWAG NA "CRAZY GIRL" SA DI MALAMANG DAHILAN AT IYON NGA ITO AKO NGAYON NAG MUMUKMUK CHARGOATT...