Never Thought

By JustMe_R_

11.3K 530 129

I am not a fvcking gay. I don't like dumb people. But I Never thought... that I would fall in love with my d... More

Chap 1
Chap 2
Chap 3
Chap 4
Chap 6
Chap 7
Chap 8
Chap 9
Chap 10
Chap 11
Chap 12
Chap 13
Chap 14
Chap 15
Chap 16
Chap 17
Chapter 18
Chapter 19
>3
Chapter 20
Chap 21
Chap 22
Chap 23
Chap 24
Chap 25
Chap 26
Chap 27
Chap 28
Chap 29

Chap 5

394 21 0
By JustMe_R_

Calliopi (PoV)

"Time is up, pass your papers.."

Pagkasabi ng prof naming si Ma'am Vastes ay agad naman naming pinasa ang mga papers namin sa harapan.

"It's already 10; 59 so let's call it a day and good luck to your exam tomorrow, good bye."

Nagpaalam narin kami kaya nauna ng lumabas si ma'am.

Hayy.. hindi ko sya nakausap. Kailangan ko syang kausapin at magpasalamat. Siguro pupuntahan ko nalang sya sa office nya. Pero... argh, nahihiya parin ako.

"Huy, tara na." Sita sakin ni dev kaya isinukbit ko na ang bag ko sa likod.

Pagkalabas ko. May lumapit ka agad sakin at si averi lang pala.

"Sabay tayo mag lunch sa favorite kainan natin."

Pagkasabi nya non ay napatingin ako sa palibot kung kasama nya ba yung selosong boyfriend nya.

"Asan ba boyfriend mo?" Tanong ko.

"Sinabi ko sa kanya na hindi muna ako sasabay sa kaniya dahil gusto ko kasabay ka ngayon at pumayag naman sya." Nakangiting ani nito.

Napakamot naman ako sa ulo.

Nako, panigurado sakin na naman magagalit yung boyfriend nya. Kahit pumayag yun alam ko kung ano na ang itsura non ngayon hays.

Two weeks narin mula nong lumabas kami sa mall. At sa loob ng two weeks na yun ako na ang umiiwas sa kanila. Palagi kasi akong ina-approach ni ave eh, sa tuwing lalabas sila gusto nya talaga akong isama. Pero dahil naramdaman kong ayaw talaga ng boyfriend nya ang istorbo sa mga date nila. Nagdadahilan nalang ako. Kaya ayun, kung saan saan na sila lumalabas nang wala ako.

"Eh kasama ko sina dev at ibang trops ngayon eh. Alam mo naman palagi kaming sabay ng mga yun."

"Eh di sasama nalang ako sa inyo." Sabay baling nya kay dev. "Ok lang ba dev?" Pinandilatan ko naman si dev pero hindi naman ako nito tiningnan.

"Oo naman." Nakangiti pa ang mokong tch.

"Tara naaaa.." sabay hila sakin.

Nandito na kami ngayon sa favorite kainan namin ni averi at pinasama nya nga ang buong trops ko at treat daw nya kami lahat.

Ewan ko kung ano trip nitong isang to. Pwede naman syang sumama nalang sa boyfriend nya para yung boyfriend nalang nya ang mag te-treat sa kanya. Napagasto tuloy sya samin. Well, mukang balewala naman sa kanya. Rich kid kasi.

"Masarap noh?" Tanong nito matapos akong subuan ng chicken salad.

"Hmm.." tanging nasabi ko.

"May dungis ka rito oh." Sabay kuha niya ng tissue at ipinunas sa gilid ng labi ko.

"Para kang bata." Sabay tawa nito ng mahina.

"Ganyan ba talaga kayo ka sweet?" Nabaling naman ang atensyon namin sa tanong ni jea.

Bigla akong pinamulahan. Sigurado ako aasarin ako ng mga yan mamaya. Hays.

Yumuko ako at sumubo nalang sa pagkaing na sa harapan ko.

"Uh.. yeah, nasanay na nga kaming ganito kapag may time na sabay kaming kumakain. Nagsusubuan o di kaya nag- aasaran." Balewalang sagot naman ni averi.

"Weird." Ryan.

"Kaya naman pala mahal--"

Tinakpan ko kaagad yung bibig ni reese na nasa tabi ko lang. Bibig nya talaga kahit kelan!

Kahit aware na si ave na may feelings ako sa kanya. Nakakahiya parin kung kailangan pang ipaalala yun sa kanya lalo na't hindi naman nya masuklian yung feelings ko pabalik. 

"Ano yun, reese?" Tanong ni ave dito.

Pinandilatan ko ito ng mata para senyasan sya bago tinanggal ang kamay ko sa bibig nya. Subukan nya lang babatukan ko talaga sya! Ayoko na talaga kasing ipaalala yung feelings ko para kay ave eh.

"Ah wala, sabi ko ang mahal ng mga pagkain na inorder namin tapos sinagot mo pa lahat."

Tch. Buti naman.

"Nah, it's ok. Ngayon ko lang rin kasi kayong nakasabay kumain eh. And calli was right, y'll are so nice and cool."

Ngayon lang kasi talaga nakasama si averi sa mga tropa ko. Hindi kasi niya naging kaklase o naging schoolmate yung mga tropa ko mula nong high school at senior. Pero kinikwento ko sa mga friends ko si averi at maging si averi kinwento ko din sa kanya yung mga friends ko, hindi lang nya na-meet. Pero nang mag 1st year college na kami, don na sila nagkakilala lahat. Ang kaso, hindi pa talaga nila nakakasama ito at ngayon lang nangyari.

"Hah, sa wakas at may naisabi ring maganda samin si yopi." Yangken.

"Buti nga di ko sinabing mga demonyo kayo eh." Pabirong saad ko naman at nag react naman silang lahat na ikinatawa ko.

"Hahahah.. mga pikon." Natatawang sabi ko at umiling.

"Pero alam mo averi.. you're so beautiful, sexy at the same time. Balita ko nga model ka raw eh, tapos top notcher ka raw dito sa University. Hindi pa kasama don ang pagiging rich kid mo at pagiging mabait mo. Like.. how to be you gurl? Nasayo na ang lahat. Tapos.. naging bestfriend mo lang tong pasaway na si yopi?"  Sarkastikong turan ni bakla.

"U-uy bakla, anong pasaway ha?! dahan dahan ka sa sinasabi mo dyan ha. Hindi talaga kita irereto sa mga pinsan kong lalake." Nanlaki naman ang mata ni bakla.

"Huy, wala namang ganyanan yopi! Nag promise ka na sakin eh." Inis na saad nito.

"Kung ano ano sinasabi mo kasi."

"Pikon ka din kasi."

Umiling nalang yung mga kasamahan namin sa asaran namin ni bakla.

Patuloy parin kami sa kainan habang nagkwe-kwentuhan at nagtatawanan. Nang matapos kami ay nagsibalik na kami sa school namin. Pero bago yun naisipan ko namang dumaan sa malapit na convinience store dito. May binili lang ako saglit.

Nang malaman namin ni dev na may biglaang meeting daw yung mga teachers ngayon, dali-daling nagpaalam sakin si dev na mauna na raw syang umalis dahil may secret date daw sila ngayon ni mika na kaklase namin at katabi pa nya ng upuan. Sabi nya mamaya daw sanang gabi ang usapan ng date nila. Ini-schedule nalang raw nila ngayon para naman mas maging mahaba yung oras ng pagde-date nila. Hanep si dev! Sanaol! Ako kasi may date nga--friendly date naman with averi.

Naisipan ko nalang pumunta sa office ni ma'am vastes kahit na alam kong wala sya ngayon don dahil may meeting. Hihintayin ko nalang muna.

Nadaanan ko naman si merk at averi sa hallway. Iiwas na sana ako ng tingin nang bigla naman akong napansin ni ave at dali dali pa talagang lumapit sakin.

"Calli.. san punta mo?" Sabay hawak sa braso ko.

Hayy.. ang touchy talaga neto kahit kelan.

"Kay ma'am vastes."

"Ah ganun ba, pwede ka bang pumunta sa bahay--"

"Ano kailangan mo sa ate ko?" Singit naman bigla ni merk para hindi yata matapos ang sasabihin ni averi.

"Kailangan talaga i-mention mo na ate mo sya?" Tss.. proud na proud naman ang isang to.

"Ano naman sayo? Ate ko naman sya kaya malamang tatawagin ko syang ganun."

Blahh blahh blahh..

"Oh sige, pupunta muna ako sa ATE mo. Mauna na ako ave.." sabi ko kay ave at binitiwan ang dalawang kamay nyang na sa braso ko.

"May sasabihin pa ako--"

"Let's go love." Inakbayan ito ni tupakin para makaalis na. Tiningnan pa ako saglit patalikod ni ave pero humarap na ako at nagsimula naring maglakad.

Apaka seloso.

Nakarating na ako sa office ni ma'am at halos isang oras pa akong naghintay dito sa labas bago ko nakita si ma'am na papunta rito sa kinaruruonan ko. Siguro tapos na ang meeting nila.

"May kailangan ka?" Wala sa mood na tanong nito. Palagi naman.

"A-ah.. " kinakabahan talaga ako kapag kausap si ma'am. Pano naman kasi nakakatakot sya.

"Tabi."

"H-huh?" Nakita ko naman itong napaikot ng mata. "Tabi at dadaan ako."

"Ay, sorry po." Mabilis naman akong pumunta sa gilid para makapasok si ma'am sa loob ng office nya. Sumunod naman ako sa kanya papasok na parang aso na sumusunod sa amo nya.

"And who allows you to come here inside?"

Natigilan naman ako ng humarap ito sakin sabay tanong. Napakamot nalang ako ng ulo dahil sa hiya.

"P-pasensya na po.."

"Whatever, what do you need?" Sabay upo sa swivel chair nya at agad na binuksan ang laptop.

"A-ahh.. k-kasi.."

"Can you stop stuttering? It's annoying! Just get straight to the point then leave." May bahid na inis na saad nito.

Ba't ba napaka sungit nya..

Napanguso nalang ako at kinuha ang dala ko sa bag.

"Ahm.. n-nalaman ko po sa daddy ko na ikaw daw po yung nakakita at tumulong sakin papuntang hospital. G-gusto ko lang pong magpasamat." Sabay lapag ko sa chuckie at kisses na chocolates habang nakayuko. Nahihiya ako dahil yan lang ang maibigay kong pasasalamat.

Nalaman ko kahapon na yung babae palang tumulong sakin ay yung prof ko lang pala na si Ma'am Vastes. Pero bakit hindi man lang nagsalita si ma'am vastes tungkol don? Pero yun nga, linggo kahapon at kasalukuyan kaming kumakain ng agahan. Dahil nakagawian na ni mommy at daddy ang magbasa ng diaryo at magazine o di kaya iba pang printed materials kahit sa hapagkainan, napansin ni dad yung hawak ni mommy na magazine. Tiningnan nya yung cover na may family picture ng mga powerful na tao. At don napansin ni dad na isa sa mga taong nandon sa cover ay yung tumulong sakin nong nakaraan. And then yun nga, don ko nalaman na si profesor vastes lang pala yung babaeng sinasabi ni dad.

"It's fine. Besides, it already happen few weeks ago. You should've known sooner kung sino yung tumulong sayo, but because you're so drunk that night, maybe you forgot who you encounter but anyways, it doesn't matter anymore and you don't need to thank me since quits lang tayo dahil may naitulong karin naman sakin. And please, you don't need to gave me this.." sabay tulak nya sa inilapag kong chuckie at kisses na nasa mesa. senyas na kunin ko ito pabalik.

Napanguso naman ako.

"Sayang naman, ma'am. Masarap po 'tong kisses ma'am. Eto po yung fav chocolate ko sa lahat at ang fav drink ko naman ay chuckie. Tikman mo ma'am, masarap to." Nakangiti kong sabi.

"Tch. Para ka namang bata. Pero sige.. maybe ita-try ko nalang kapag trip ko ng kainin."

"Talaga ma'am?!" Parang na excite naman ako. Atleast, in that way.. parang tinanggap narin nya pasasalamat ko. Kakahiya kasi sya yung nag-abalang tumulong sakin.

"Yeah, you can get out--"

"Baka may gusto kayong iutos sakin ma'am, madami pa akong extra time ngayon." Masayang suhistyon ko.

Wala talaga akong gagawin ngayon. Mabo-bore lang ako don sa classroom  kasi wala naman si dev. Pwede na sanang umuwi ngayon kaso masyado pang maaga eh. Mabo-bore lang din ako sa bahay. Tinext ko yung ibang tropa ko kaso si jea at ryan tinapos raw yung project nila sa room. Si yangken naman umatend daw ng meeting kasama ang softball team. Si reese naman ayun, nakipag date rin katulad ni dev. Sanaol.

"No need.."

"Gusto mo po bang linisin ko office nyo ma'am?"

"It's janitor's job so sila ng bahala ron."

"Baka po pagod pa yung janitor ma'am kaya ako nalang hehe.."

"Ugh, ba't ba ang kulit mo? Gusto mo talagang bigyan kita ng trabaho?"

Napatango naman ako. "Wala po talaga kasi akong gagawin ngayon eh. Tsaka isa din po ito sa pasasalamat ko."

"How many times you have to prove yourself to me that you are thankful? And besides, you can go home now since wala ng pasok."

"Masyado pa pong maaga eh. Wala rin naman po akong gagawin don sa bahay."

"Hayy.. fine. Matigas talaga ulo mo ah.."

Nandito ako ngayon sa storage room. Kanina pa nga ako pabalik balik dito eh. Inutos kasi ni ma'am na dalhin lahat yung mga hindi gamit na books, pati narin yung mga projects na tapos ng ichecks pinadala rin dito. Ang dami non, ang bibigat pa. Pati narin yung mga envelops na may lamang files ipinatapon din dito.

Hihingal hingal naman akong bumalik sa office ni ma'am.

"Oh ano? Kaya pa?" Napatingin naman ako kay ma'am.

"Ah, syempre naman ma'am. Hehe.."

"Here, hand this file to Ms. Barbosa." Agad ko namang kinuha yun at sinunod ang utos ni ma'am.

Pagbalik ko naman dito sa office akala ko tapos na. Yun pala may tatlo pa akong teachers na kailangan pasahan ng pinirmahang papel ni ma'am.

"Hoooff.." pagod na paghinga ko habang nakahawak sa dalawang tuhod. Pano naman kasi, lakad takbo ang ginawa ko, tapos tanong pa ako ng tanong sa kahit kaninong studyante para mahanap lang yung mga teachers na pinasabi ni ma'am. Napaisip tuloy ako kung tama ba yung ginawa kung pagpumilit kay ma'am kasi mukang nagsisisi ako eh.

"Do you still want to clean my whole office?" Agad namang nabaling ang tingin ko ngayon kay ma'am vastes na mukang napangisi ng kunti.

"A-ah, diba.. sabi nyo po kanina yung janitor na po bahala? Edi.. sila nilang po hahah." Sabay kamot ko ng ulo.

"Tch. Told ya'. Anyways, come with me." Sabay tayo nito at niligpit ang mga gamit.

"H-ha? Saan po?"

Hindi naman ito nagsalita. Tiningnan ko naman ang relo ko at hala! 5;30 na pala! Mukang kailangan ko ng umuwi.

"A-ah, ma'am, k-kailangan ko--"

"I'll treat you a food. Let's go." Dire-diretso naman itong naglakad palabas dito sa office at kaagad naman akong sumunod.

"Ah.. ma'am.. hindi kasi ako pwedeng sumama--"

"So you're rejecting my offer?" Nagulat naman ako ng humarap ito sakin na nakataas ang kilay. Napalunok ako.

P-paano ko ba sasabihin sa kanya na hindi ako makakasama dahil kailangan ko ng umuwi? Nakakatakot si ma'am. Feeling ko kapag sabihin ko yun magagalit sya.

"Ahm.. h-hindi naman p-po ma'am.."

"Mind to tell you that you're the luckiest person cos you just got invited by me. A lot of people wants to be with me and hang out with me. And now that the great Meisi Valeste Vastes is inviting you.. you're going to reject me for real? Are you even serious?! Kahit kelan..." sabay lapit nito sakin at napaatras naman ako ng kunti. "Wala pang tumanggi sakin.. do you even have an idea 'bout that?" Seryosong tanong nito at napakurap lang ako.

"A-ahh.. s-s-sabi ko nga po s-sasama ako." Wala sa sariling sambit ko dahil sa hiya. Inikotan lang ako ng mata nito at tumalikod na bago nagsimulang maglakad.

Sumunod ako kay ma'am patungong parking lot at bahagya pa akong namahangha sa sasakyan nya. Diba ito yung sasakyan na ang tawag ay buggatti? Wow, nakakamangha naman!

"Get in, muka kang tanga." Sabi nito nang makapasok na sya sa loob habang ako ay nasa gilid parin. Dali dali naman akong pumunta sa kanan para pumasok sa driver seat.

Nasa kalagitnaan na kami ng byahe ng maisipan kong magtanong.

"Ma'am, bakit nyo po 'ko sinama--"

"Don't ask me why cos i don't know either. Maybe.. I just saw how exhausted and hagard you are so I decided na isama nalang kita for dinner. Tsaka, ayaw mo ba talaga? I can drop you here if you're not comfortable with me."

"Hindi naman po sa ganun ma'am, hehe" mabilis na sagot ko.

"Good, now shut up." Napatahimik naman ako agad.

Nandito na kami sa italian restaurant at sa VIP area pa talaga kami pumwesto ni ma'am. Grabe naman.

Matapos kaming mag-order ng mamahaling pagkain ay na-awkward naman ako. Magkaharap kami ngayon ni ma'am. Ewan ko kung san sya nakatingin dahil pinipilit ko lang ilibot ang mga mata ko sa kahit saan basta wag ko lang  syang matingnan. Kakahiya.

Kanina pa talaga ako nahihiya. Lalo na nong sinabihan ako ni ma'am na mag order ng kahit ano. Nag order ako ng dalawang klaseng food na sobra nga namang mahal. Nahihiya pa akong sabihin sa waiter kung ano ang io-order ko dahil don.

"What's your name again?" Napatingin naman ako sa magandang na sa harapan ko.

"Uhm.. *ehem* Calliopi Monverde po, ma'am."

"So calliopi.. Is there anyone beautiful here other than me? Kanina pa panay ang tingin mo sa kahit saan eh."

"Ah.. hahah, sorry po ma'am. N-nahihiya lang po kasi ako.." sabay kamot na naman sa gilid ng ulo ko.

"Ba't ba pag kaharap mo'ko palagi ka nalang nakakamot sa ulo mo? Tingin mo ba sakin kuto?" Nanlaki naman ang mata ko sa tanong ni ma'am.

"Hala hindi po!" Mabilis na sagot ko at napalakas pa kaya naman agad kong tinakpan ang bibig ko.

Bigla namang natawa si ma'am sa naging reaksyon ko na nakapagpalaki ulit ng mata ko. Hala, tumatawa pa pala si ma'am? Ngayon ko lang sya nakitang tumawaaa..

"Your reaction was priceless!" Saad nito habang natatawa ng mahina.

Bigla namang dumating ang waiter at nilapag ang mga order namin. Habang ako ay natatakam na nakatingin sa mga pagkain. Bigla akong nagutom ng sobra!

"You can eat na."

Hindi ko na napansin ang sinabi ni ma'am dahil nakatutok lang ako sa pagkain at agad na sinubo ang italian meatballs na nasa harap ko.

Hmm.. ang sarap pala ng italian food!

"Hungry huh?" Napataas naman ang tingin ko at nakatingin pala ngayon sakin si ma'am habang nakangiti ng kunti.

Namula naman ako sa hiya. Baka tingin nya matakaw ako. Nilunok ko muna at kumuha ng tissue bago nagsalita.

"Sorry po ma'am, nagugutom lang po ako. Ikaw ma'am kain ka ng marami, napapansin ko ang tipid tipid mong kumain eh ang sarap naman ng pagkain."

"Nah, I'm on a diet."

"Hala sya, diet daw eh ang sexy sexy nyo na, tapos ang ganda nyo pa ma'am! kaya po pala madami kayong--" Napatakip uli ako sa bibig ko. Hays, muntik ko pang masabi sa kadaldalan ko.

"Tch. I'm aware of that." Sabay tawa ng mahina.

"Ang ganda nyo po pag tumawa." Mahinang saad ko at yumuko sabay subo ng pagkain.

Kakahiya na maging madaldal sa harap nya. Narinig ko naman syang tumawa ulit ng mahina. Pati pagtawa nya talaga ang ganda pakinggan.

"Really?" Napataas uli ang tingin ko at tumatango-tango ng dahan dahan. "Opo, plus points na po ba grade ko?"

Napatawa naman ulit ito.

"Hahaha.. alam mo ikaw ah, binobola mo lang pala ako kasi gusto mo pala makakuha ng plus points." Natawa naman ako. "Hahahah. Hindi ma'am, biro lang. Pero maganda po talaga kayo ma'am. Nakakatakot lang.."

"Hey, I heard that. Minus ka sakin."

"Luh, wag naman ganun ma'am." Natawa lang ito at umiling.

Nagkwentuhan pa kami ni ma'am hanggang sa matapos kaming kumain. Grabe, masarap din palang kausap si ma'am. Akala ko di sya yung tipong taong mahilig makipag-usap sa hindi nya naman masyadong kilala, akala ko rin di sya marunong ngumiti. Okey lang naman pala kasama si ma'am. Nakikisabay sya sa kung ano man ang kinikwento ko. Tsaka paminsan minsan natatawa sya sa mga sinasabi ko. Akala ko nga hate nya yung mga madadaldal na tao eh. Sa gabing 'to malayo si ma'am sa ugali nyang--alam nyo na, hehe.

"So, where do you live?" Tanong nito pagkalabas namin ng restaurant.

"Sa FN Village po."

"I'll drive you home." Sabay lakad nito patungo sa sasakyan nya.

"Nako, wag na po. Mag ta-taxi nalang po ako. Nakakahiya naman po kasi nilibre nyo na ako ng dinner, tapos ihahat--"

"I won't take no as an answer." Sabay pasok nito sa sasakyan nya. Napa-awang nalang ang bibig ko at kakamot kamot na sumunod nalang sa kanya papasok.

"Pero ma'am, may dadaanan pa kasi ako eh." Nakayukong saad ko habang nilalaro yung mga dalire ko.

May dadaanan pa talaga ako kaya ayoko ng magpahatid dahil nakakahiya naman kung ihahatid nya pa ako tapos baka ihatid din nya ako don sa dadaanan ko na talaga namang nakakaabala.

"Where?"

"Sa may street side po don sa kanto ng **** street."

"Then let's go."

"Hala hindi na po, bababa nalang po talaga ako--"

Natigil lang ako ng inistart na nya ang sasakyan at lumiko na para makaalis.

Hays.. tigas ng ulo ni ma'am.

Continue Reading

You'll Also Like

733K 38.9K 21
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐€๐ง๐ข๐ค๐š ๐‘๐š๐ข ๐ฑ ๐Š๐š๐›๐ข๐ซ ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ...
3M 91.2K 27
"Stop trying to act like my fiancรฉe because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
4.1M 169K 63
The story of Abeer Singh Rathore and Chandni Sharma continue.............. when Destiny bond two strangers in holy bond accidentally โฃ๏ธ Cover credit...
2.7M 155K 49
"You all must have heard that a ray of light is definitely visible in the darkness which takes us towards light. But what if instead of light the dev...