Never Thought

By JustMe_R_

11.3K 529 129

I am not a fvcking gay. I don't like dumb people. But I Never thought... that I would fall in love with my d... More

Chap 1
Chap 2
Chap 3
Chap 5
Chap 6
Chap 7
Chap 8
Chap 9
Chap 10
Chap 11
Chap 12
Chap 13
Chap 14
Chap 15
Chap 16
Chap 17
Chapter 18
Chapter 19
>3
Chapter 20
Chap 21
Chap 22
Chap 23
Chap 24
Chap 25
Chap 26
Chap 27
Chap 28
Chap 29

Chap 4

379 20 2
By JustMe_R_


Calliopi (PoV)

It's been a week nong naaksidente ako gamit ang scooter bike ko. And hanggang ngayon hindi ko pa alam kung sino yung tumulong sakin. Hindi ko kasi matandaan kung sino yung na-encounter ko nong gabi na yun sa sobrang kalasingan eh. But dad said na valeste daw pangalan nya, buti nalang may tumulong pa sakin nong gabi na yun at nagpapasalamat talaga ako sa kung sino man yung taong nag-abalang tumulong sakin.

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni averi, hindi pa ako naka get over. Syempre masakit parin sakin na ipamukha na hanggang magkaibigan lang kami. Ikaw kaya ma friend zone ng ganun? Masakit talaga yun noh.

Naisipan ko naman na pumunta sa malapit na bar para atleast kahit papaano mawala yung sakit na naramdaman ko at mawala narin sa isip ko yung mga sinabi nya.

Pagkalabas ko naman ng bar na lasing na lasing, nag drive parin ako sa scooter ko at namalayan ko nalang na natumba na pala ako. Buti na nga lang di masyadong malakas yung pagkaka drive ko. Dahil kung hindi, hindi lang injured ang aabutin ko. Ngayon ok naman na yung na injured ko na braso. Tsaka medyo nawawala na din yung sugat ko sa tuhod.

Habang kami naman ni averi ngayon.. gaya ng sinabi ko. Hindi ko na nga sya iniiwasan at pinipilit ko nalang sa sarili ko na tanggapin nalang ang lahat saamin. Tinanong nya ako kung ano ang nangyari sakin nong nakaraan kung bakit umabsent ako at kung bakit may  band aid ako sa braso, sabi ko nalang may emergency kaming pinuntahan ni dad sa province at may nangyari saking maliit na aksidente. Hindi nya pa talaga alam kung ano nangyari sakin maging sila dev. 

Nakatingin lang ako sa nagpa-practice na mga cheerleaders ngayon kasama si averi. Ang galing talaga nya!

"Calli!" Kinawayan nya ako at ganun din ako sa kanya.

Pinapunta nya ako sa practice nya ngayon kaya heto, nanunuod lang. Sabi nya namimiss daw nya akong nakatingin sa practice nila kaya pinayagan ko ang sarili kong manuod sa kanya ngayon.

Nangunot naman ang noo ko nang lumapit ito sakin. Ah, baka kailangan lang nya ng tubig.

Kinuha ko ang tubig sa bag ko at ibinigay ko ito sa kanya nang makalapit sya na kaagad nya namang kinuha at ininom.

"May sasabihin ako.." nakangiting ani nito at umupo sa tabi ko.

"Ano yun?"

"May date kami ni merk mamaya, sama ka please.." sabay lingkis ng braso nito sakin.

"Ave, ano ka ba.. date nyu yon. Hindi ako pwede sumama." Ngumuso naman ito.

"Ayus lang naman yun eh, sige na naman calli.. I miss hanging out with you."

"Eh di.. ibahin natin yung atin. Iba yung date nyo as a jowa, iba naman yung atin as a bestfriend."

I can't bear to see their sweetness. Alam naman nyang nagmo-move on pa ako papasamahin pa ako tch.

"Eh calli, alam mo naman na first time ko lang lumabas with boyfriend. Need ko ng chaperone."

"Ayun naman pala.. alam mo, magpasama ka nalang sa ibang friends mo--"

"No! Ayoko! Gusto ko ikaw."

"Pero--"

"Mamaya at 6 pm ok? I'll treat you mamaya." Sabay kindat nito sakin at umalis sa harap ko.

Napabuntong hininga nalang ako.

Meisi (PoV)

I was checking my student's paper when  I suddenly notice the witten paper of Ms. Calliopi Monverde.

Her written is somewhat familiar. Tch. Nevermind.

I heard the door knock.

"Come in." I said while focusing on checking my student's paper.

"Hey, love.. for you."

Napatingin naman ako sa dalang inililapag nya sa harap ko na ikinakunot ng noo ko.

A pack of chuckies.

"How's my love?" He said and about to kiss my left cheeck but I quickly gesture my hand to stop.

Such a disturbance!

"Tsk. Kiss lang eh." Hindi ko nalang sya pinansin.

"I bought you bunch of chuckies. I know you will like it--"

"Do you see me as a kid?" Matalim ko namang tiningnan ito pero tumawa lang sya. "No, but you're my baby--"

"Quit that sh*t saviel, what the hell are those chuckies?! What am I gonna do with that?" Mataray na tanong ko.

"What? Ofcourse to drink it--"

"I know but why are you giving me that sh*ts?!"

Ginagago yata ako nito eh!

"Cuz I thought you would like it! The last time that someone gave you--I mean..."

"Oh, so you're not the one who gave it? Hah, I knew it, wag mo'kong gawing tanga saviel dahil hindi ako kagaya mo." Seryosong saad ko.

Una palang duda na ako don sa sinabi nya eh. Apaka sinungaling talaga.

He scoffed before he answered me. "Fine it's not me! But it's not a big deal tho. Let's not talk about it--"

"No, get out. I don't want any disturbance right now." Balewalang saad ko at sinimulan muli ang pagche-checking.

"Pwede bang paupuin mo muna ako?!"

"Get out saviel! Bring that bunch of chuckies with you and drink that all. I don't like that!"

I heard him sulking.

"Kainis naman oh! Bahala ka na nga dyan! Ikaw na uminom nyan, ikaw na nga binibigyan eh." Tiningnan ko naman ito ng nakakamatay na tingin kaya natakot ito.

"F-fine, aalis na'ko! Tch. Sungit." Pahabol na saad nito bago tumalikod. "Bye love, see you!" at sa wakas ay tuluyan narin itong lumabas.

Mga ilang minuto pa ay may kumatok na naman.

"Gusto mo bang mamatay?!" Galit na saad ko pero pagbukas ng pinto ay hindi pala si saviel ang pumasok.

"A-ah.. m-ma'am... p-pasensya na.. a-aalis nalang--"

"No, I'm sorry, come here." I said at tinawag naman nito yung kasama nya.

"Halika na!"

Nagpatuloy nalang uli ako sa pagche- checking.

"Ano kaba para ka namang ulol dyan eh."

"Ikaw na lang kasi.."

"Bala ka dyan, project mo 'to eh nandadamay ka pa."

Napaikot naman ang mata ko at tiningnan yung student kong nandito sa loob habang hila-hila nya ang kaklase nyang na sa labas pa na mukang natatakot talaga na pumasok rito.

"Dali na kasiiii.."

"Sino ba yang kasama mo?" Nakataas kilay na tanong ko.

"Si Monverde po ma'am, ayaw pumasok ma'am eh." Napahilot ako ng sintido.

Ano na naman ba kailangan ng batang yan?

"Sabihin mo nga dyan na sinasayang nya ang oras ko."

"Rinig mo yun? Halina kasi..."

Sa wakas ay nakapasok narin ito habang halatang kinakabahan at hawak pa ang project nya.

Napataas ang kilay ko.

"Labas ang walang kailangan." Sita ko sa kasama ni tanga na sumunod naman.

Haish, muka talaga syang tanga kung tingnan ngayon.

Nakatungo lang ito na mukang hindi alam ang gagawin.

"What now? Ako pa lalapit sayo?" Mataray na tanong ko kaya unti unti naman itong lumapit sakin.

"Alam mo naman sa rules ko na bawal ang late submission ng project diba?" Tumatango-tango ito.

"P-pasensya na po ma'am.. m-may nangyari kasi sakin nong isang araw eh. Tatlong araw akong pinag-stay ng papa ko sa hospital dahil hindi ko maigalaw ang braso at tuhod ko. Kaya nong mga nakaraang araw pa ay kinapos na po ako sa oras para gawin ang malaking project na to ma'am." Nakayukong saad nito.

I suddenly remember how vulnerable she is nong ma-aksidente sya at kung pano sya umiyak sa harap ko.


Wait, hindi nya ba matandaan ang tumulong sa kanya? Hah, how idiot.

Ugh. Pasalamat talaga sya't masyado ring valid ang reason nya dahil kung hindi, hindi ko talaga sya bibigyan ng chance.

May isang salita kasi talaga ako. Kapag late submission na. Hindi ko na talaga tatanggapin kahit ano pa ang reason mo. Pero dahil nasaksihan ko talaga ang nangyari sa kanya... aish, mukang mabe-break pa talaga yung isang rules ko. Kaya pasalamat talaga sya!

"Ok, put that at the back."

Nagliwanag naman ang muka nito.

"T-tinatanggap nyo na po ma'am?!"

"Hindi, I decided na itapon mo nalang."

"P-pero ma'am, bakit po? Pinaghirapan ko po 'to kahit na masakit pa yung katawan ko."

Napairap ako.

Haist, kakainis talaga yung ganito ka tanga at kabobo.

"Can you just follow me?!"

Napayuko naman ito at napatango bago tumalikod.

"Hey! Where are you going?"

"I-itatapon po ma'am kagaya ng sinabi nyo."

"Oh gosh." Napatampal ako ng noo.

Sasakit ang ulo ko sa tanga na to.

"At the back. Put that at the back. Now." Giit na saad ko na sinunod naman nito kaagad.

Finally!

"T-thankyou po ma'am--"

"Save it and get out." I just said at sinimulan ulit ang naudlot ko na naman na trabaho.

"Ok po ma'am, hehe."

Napatingin naman ako sa chuckie na na sa harap ko at may biglang naalala.

"Ms. Monverde."

Natigil naman ito sa pagtatangkang pagbukas ng pintuan.

"Bakit po ma'am?"

"Come here." Lumapit naman agad ito sakin.

"Your jacket.. yung pinahiram mong jacket, nawala ko."

Inalala nya naman yung pangyayaring paghiram nya sakin ng jacket.

Nakalimutan kong isauli agad sa kanya yun kaya hindi ko na alam kung san ko yun nalagay. Nakalimutan ko nga rin mag thank you dahil kung hindi, baka madami ng nakapansin nong red blood--wait, si calliopi lang ba talaga ang nakapansin non? Hmm.. siguro sya lang talaga. Kasi pagkatapos nong class, parang don ko na naramdaman na may tumagos at biglang sumakit pa ang puson ko. 

Now that tinulungan ko sya nong nakaraang gabi, hindi ko narin kailangan magpasalamat sa kanya kasi quits na kami.

"Ay, oo nga po pala, ayus lang po. Madami pa naman ako non, meron pa nga akong ibat ibang designs na jacket eh. Yung iba nga.."

"Are we seriously talking about your stuffs?"

"Ah, pasensya na po sa kadaldalan ko." Napakamot pa ito sa ulo. "Pero yun nga, ayus lang po kung nawala nyo hehe."

Tch.

"Here, take this." I push the pack of chuckies signaling her to get those.

Nagliwanag ulit ang muka nito habang nakatingin sa chuckies.

Now I suddenly have an idea kung sino yung nagbigay sakin ng sandwitch, chuckie, water at gamot. Kung hindi si saviel yun. Malamang sya yun kasi sya lang yung naalala kong pumasok rito. Tsaka yung written nya talaga same lang don sa written nong na sa sticky notes.

"Talaga ma'am? Sakin na to?" Excited na tanong nito at tumango lang ako. "Woow.. favorite ko to. Thank you po ma'am." Masayang ani nito at kinuha na ang pack ng chuckies sa harap ko.

Para naman akong natuwa sa reaksyon nito. Maybe she loves chuckies. Tss. Parang bata.

"Thank you po ma'am, mauna na po ako. ^_^" saad nito at lumabas na rin.

Why did I find her cute?

Calliopi (PoV)

"Eto, diba gusto mo to? Ah, eto pa favorite mo. Eto pa oh."

Panay ang lagay ni ave sa plate ko ng kung anong pagkain. Naiilang tuloy ako kasi mukang ang sama ng tingin sakin ng boyfriend nyang si merk.

Nandito kami ngayon sa favorite restaurant ni averi. Kumakain muna kami ngayon bago manuod ng sine.

"May gusto kang dessert?" Tanong pa nito.

"Ah wala na, ok na 'to. Ang dami dami mo na ngang nilagay sa plate ko eh, balak mo ba akong patabain?" Natatawang tanong ko at tumawa lang rin ito.

"Bakit hindi? Mas lalo kang magiging cute kung tataba ka." Sabay pisil sa pisngi ko.

"Ano ba, ave.." sabi ko sabay layo sa muka ko.

Ganito talaga kami ka-sweet. Kaya nga nahulog ako sa kanya ng hindi sadya eh. Hayy..

Natigilan naman kami nang tumikhim si merk.

"Uhm, babe.. you want this?" Sabi ni merk at sinubuan si ave na kaagad din namang sinubo nito.

"Masarap yung order ko noh?"

"Mmm.. sobra."

"Hahaha.. eto pa oh."

Tahimik nalang akong tumingin sa plate ko at tinapos ang pagkain.

Pagkatapos naming kumain ay nag sine nga kami.

Nagmumuka akong third wheel sa dalawa ngayon busit.

Naghaharutan lang naman yung dalawa  habang nanunuod ng horror movie. Habang ako kumakain nalang ng pop corn habang naka focus sa pinapanuod.

"Stop scaring me merk." dinig kong mahinang saway ni averi rito pero tumawa lang si merk.

"Hahahah, sorry baby, i love you."

Tss..


Hindi ko nalang sila pinansin at mas nag focus pa sa movie.

"Bestfriend." Biglang bulong ni ave sa may bandang tenga ko dahilan para mapalingon ako rito at nanlaki pa ang mata ko nang malapit pang maglapat yung nga labi namin sa sobrang lapit nya sakin.

Napansin kong napatingin ito sa mga labi ko o namamalikmata lang ako kasi di naman masyadong maaninag yung muka namin. Tanging ilaw lang na nanggagaling sa malaking screen ang nagsisilbing ilaw ngayon.

Napakurap ako at agad na lumayo.

"B-bakit ba?" Bulong ko at itinuon nalang ulit ang tingin ko sa panunuod.

"A-ah.. i just.. want to ask kung may gusto ka pa bang bibilhin mamaya pagkatapos nito kasi treat ko naman ngayon."

"Wala naman. Tsaka.." napatingin ako rito at nilapit pa ang muka ko sa kanya para marinig nya yung bulong ko. "Dito ka talaga magtatanong eh bawal tayong magchikahan dito." Saway ko rito at tumawa ng mahina bago umayos ng upo.

Hindi na ito nagsalita pero naramdaman ko namang napatitig ito sakin.

"Bakit?" Sabi ko sabay tingin rito.

"Ah, wala. Nakakatakot kasi yung movie eh, kaya hindi ako makatingin sa screen." Sabay iwas nito sakin.

"Tss.. matakutin talaga." Natatawang ani ko at umiling.

Matapos ang movie ay nag arcade naman kami. Or should ay say... sila.

Ako lang tuloy ang mag isang nagbabarilan ngayon sa mga zombies. Sila kasing dalawa ay nag basketball don sa kabila habang nagtatawanan.

Pagkatapos naman ng time ko rito ay don naman ako sa toy machine. Naglaglag ako ng 2 coins at nagsimulang maglaro.

"Haist, tanga naman ng machine na to." Naibulong ko at nakarinig naman ako ng tawa sa likod.

"Hahahah. Di ka pala marunong eh. Ako na nga dyan." Sabi nito at tumagilid nalang ako.

Kakatry ko lang eh, di na marunong agad? Sarap iuntog ulo nya dyan.

Nagsimula na syang maglaro habang kinukuha yung malaking teddy bear sa unahan.

"Pfft.." pagpipigil ko ng tawa nang hindi rin naman sya nakakuha.

"Tss. Preview palang yun, ok? Kaya wag ka munang tumawa dyan." Sabi nito at inismiran pa ako.

Blehh!

For sure naman hindi parin sya makakakuha.

"Haist, bwesit naman." Inis na saad nito nang hindi parin sya nakakakuha.

"Haish, nakakapikon!"

"Sh*t this crap!"

"Damn it!"

Hindi nga ako nagkamali. Hindi nga sya nakakuha.

"Hahahahah!" Di ko mapigilang pagtawanan sya.

"Among tinatawa mo dyan ha?!" Asik nito sakin.

"Hello, nagalit ba ako ng pinagtawanan mo 'ko kanina?" Inismiran lang ako nito at tinawag yung staff dito sa arcade.

"May sira yung machine nyo. Gusto kong kunin yung teddy bear na nasa loob ng machine. Akin na bilis."

Kumunot naman ang noo ng staff sa kanya at maging ako rin.

Nababaliw ba to?

"Argh, fine." May hinugot ito sa bulsa nya at parang may pinakita na picture rito.

"Anak ako ni Fred Usio Vastes. Ang may- ari ng mall na to. Ngayon, pwede ko na bang makuha--"

"Ah- pasensya na po miss, ako na po bahala rito." Sabay hila sa boypren ni ave na mukang baliw.

"Ano ka ba?!" Inis na saad nito sabay inis na kinuha ang braso nyang hawak ko.

"Don't shout at her, merk!" Saway naman bigla ni ave.

"Panong hindi eh bigla ba naman akong hilahin kitang may kinakausap."

"Eh ikaw naman kasi! Nakakahiya yung ginawa mo. Bakit mo kailangang ipakuha yung teddy bear dyan sa machine eh hindi naman pwede?! Paalala lang ha, arcade to. 'Palaruan' hindi yung kung ano anong sinasabi mo."

"Huy, kung makapag salita ka ha. Paalala din na hindi kita close, kaya magdahan dahan ka sa inaakto mo sakin. Tsaka, daddy ko naman talaga may ari nitong--"

"Haist, tabi na nga lang." Sabi ko at tinulak sya ng mahina para ako na yung pumalit sa kanyang maglaro.

"Abat talaga namang--"

"Babe, hayaan mo nalang." Mahinhing sabi ni ave kaya si ugok tumahik nalang.

Tch. Ewan ko nalang sa topak nyang boyfriend nya. Hindi ko sya boto. Iboboto ko nalang sarili ko--psh, hindi din pwede! Aish.

Nakaisang laro palang ako rito pero agad akong nakakuha ng teddy bear.

Napasigaw naman ako sa tuwa.

"Yeeyy!!" Masayang sigaw ko.

"Wow, calli! Ang galing mo!" Tatalon talon na sabi ni ave sa tuwa din.

"Tss.. parang yan lang eh." Rinig kong bulong nong isa.

Nang makuha ko na yung teddy bear ay inabot ko nalang ito sa lalaking kanina pa nagmumukmok.

"Oh."

"Hah, seriously?!" Sarkastik na tanong nito.

"Ah, ayaw mo?" Inismiran lang ako nito.

"Bahala na nga kayo dyan." Inis na turan nito at biglang umalis.

"May saltik yang boypren mo, ave. Sayo na to oh." Sabay bigay ko sa kanya ng teddy bear.

"Talaga?"

"Oum. Tara na." Hinawakan ko ang kamay nito at sabay na umalis patungong parking lot.

Naabutan nalang namin yung merk na papasok sa sasakyan nya.

"Magta-taxi nalang ako ave. Nagalit yata yung saltik mong boyfriend sakin eh."

"Nope, hindi. Sasabay ka." Sabi lang nito at ako naman ang hinila nya patungo sa sasakyan nong isa.

Hanep, gara talaga ng sasakyan.

Pinapasok ako nito sa back seat at ganun din sya.

"Ano ako driver nyo?!" Inis naman na tanong nong isa nang mapansing nandito kaming dalawa sa back seat.

"Bakit ba ang sungit mo dyan?! Hindi ba pwedeng magsalita ka ng mahinahon?!" Tanong naman ni ave na ngayon lang nainis sa inakto ng biyfriend nya.

"I'm sorry babe, it's just--"

"Lalabas nalang kami." Hinawakan ako ni ave sa wrist at akmang bubuksan na nya ulit ang pinto pero pinigilan ko nalang sya.

"Sige na ave.. palit ka nalang don sa driver's seat."

"Eh alam mo namang gusto kitang--" natigilan ito bigla at walang sabi sabing umupo nalang sa driver seat na mukang wala sa mood.

Hayy.. sabi ko na hindi magandang idea na sumama ako sa dalawang nagde-date eh.

Continue Reading

You'll Also Like

1.5M 111K 42
"Why the fuck you let him touch you!!!"he growled while punching the wall behind me 'I am so scared right now what if he hit me like my father did to...
917K 54.7K 49
𝐈𝐧 𝐭𝐡𝐞 𝐓𝐚𝐧𝐠𝐥𝐞𝐝 𝐰𝐞𝐛𝐬 𝐨𝐟 𝐇𝐞𝐚𝐫𝐭𝐬, 𝐚𝐧𝐝 𝐩𝐮𝐫𝐬𝐮𝐢𝐭 𝐨𝐟 𝐓𝐫𝐮𝐭𝐡𝐬, 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐰𝐞𝐚𝐯𝐞𝐬 𝐢𝐭𝐬 𝐦𝐞𝐬𝐦𝐞𝐫𝐢𝐳𝐢𝐧𝐠 �...
1.4M 129K 45
✫ 𝐁𝐨𝐨𝐤 𝐎𝐧𝐞 𝐈𝐧 𝐑𝐚𝐭𝐡𝐨𝐫𝐞 𝐆𝐞𝐧'𝐬 𝐋𝐨𝐯𝐞 𝐒𝐚𝐠𝐚 𝐒𝐞𝐫𝐢𝐞𝐬 ⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎⁎ She is shy He is outspoken She is clumsy He is graceful...
1.4M 34.3K 46
When young Diovanna is framed for something she didn't do and is sent off to a "boarding school" she feels abandoned and betrayed. But one thing was...