It Started in San Andres St.

By Tamadins

1.6K 91 0

Dahil sa paghahanap ng makakainan ay napunta sina Gregory at ang kaniyang dalawang kaibigan sa street ng San... More

Love and Hate in San Andres
Simula
KABANATA 1
KABANATA 3
KABANATA 4
KABANATA 5
KABANATA 6
KABANATA 7
KABANATA 8
KABANATA 9
KABANATA 10
KABANATA 11
KABANATA 12
KABANATA 13
KABANATA 14
KABANATA 15
KABANATA 16
KABANATA 17
KABANATA 18
KABANATA 19
KABANATA 20
KABANATA 21
KABANATA 22
KABANATA 23
KABANATA 24
KABANATA 25
KABANATA 26
KABANATA 27
KABANATA 28
KABANATA 29
KABANATA 30

KABANATA 2

95 3 0
By Tamadins

Iminulat ko ang aking mga mata nang maramdaman ang kamay ni mommy sa balikat ko. Tumayo ako at agad siyang yinakap.

"Baby wake up na. It's already 6 pm na."

"Yes mom, thank you! I love you!"  Tumayo na ako at agad na nagtungo sa banyo upang maligo. Nang matapos ay agad na akong bumaba at nakita ko naman sila mommy and daddy na naghahanda na ng mga foods. 

"Ginabi ka ata son."  Baling ni daddy sa akin habang nilalagyan ako ng pagkain sa plates ko.

"Nabusog po ako kanina eh, kaya bigla po akong inantok. Thanks dad, masyado niyo naman po ata akong binebaby hehe."

"Syempre naman, hanggat wala pang ibang baby rito sa bahay, ikaw parin ang baby namin."  Nakangiting sambit nito at hinaplos naman nito ang puso ko.

"Awshuu... awshuu... Stop it dad hahaha. Bat may balak pa ba kayong dagdagan ako?"  Biro ko at lumawak naman ang pagkakangiti niya. Napatingin naman ako kay mommy na sobrang laki na rin ng pagkakangiti.

"Oo naman yess, hon sabihin na ba natin?"  Tugon na baling ni dad kay mommy. Nangunot naman ang noo ko sa sinabing iyon ni daddy.

"Sure hon! Hihi want mo ba na ako na magsabi?"  Nakangiting tugon naman ni mommy. Nagpapalit-palit naman ang tingin ko sa kanilang dalawa. May nahihinuha na ako sa isip ko pero gusto kong sakanila mismo manggaling iyon. Nahihinuha ko na maaaring  buntis si mommy, at kung mangyari yon ay sobrang saya ko dahil finally magkakaroon na ako ng kapatid.

"Sure hon."  Nakangiting tugon naman ni daddy na lumapit pa kay mommy at saka nakangiti siyang inakbayan.

"Mommy is pregnant baby."  Masayang sambit ni mommy at natutop ko naman ang aking bibig habang nanlalaki ang mga matang tumitig sa kanilang dalawa.

"I knew it!!! Wowwwww congrats mommm and dadddd!! Finally!!!!"  Galak na sigaw ko, tumayo ako at agad na lumapit kay mommy. Agad naman akong humarap sa tyan ni mommy at saka kinausap ang baby sa loob non. Hehe

"See, I told you na magugustuhan niya."  Rinig kong bulong ni daddy kay mommy na humalukipkip naman. Hindi ko sila inintindi dahil nakatutok ang mata ko sa tyan ni mommy na maliit pa lang.

"Hello baby!!! Masaya ako at sobrang excited si kuya na makita ka! Gagala tayo sa kung saan nang magkasama."  Masayang sambit ko. Hindi ko maipaliwanag ang saya na nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil sobrang sabik ako sa mga bata lalo na sa magiging kapatid ko. Dati nga ay ako pa ang nagrerequest kila mommy and daddy na bumuo na ulit sila eh hehehe.

"Anong gusto mo baby? Boy or girl?" Nakangiting tanong ni mommy, nakangiti naman akong bumaling sa kaniya at saka muling tumitig sa tyan niya.

"Kahit ano po, depende po sa kaniya hehe."  Turo ko sa baby na nasa loob ng tyan ni mommy.  "Kahit ano pong gender niya ang mahalaga po sakin is may bago na tayong baby at meron na akong kapatid." Dagdag ko pa at ngumiti naman silang dalawa.

Masaya naming ipinagpatuloy ang pagkain hanggang sa masaya kaming natapos kumain. Ako na rin ang naghugas ng plato kahit na nagpupumilit si mommy na siya na lang dahil konti lang naman daw yon pero hindi ko siya pinahintulutan. Nang matapos akong maghugas at maglinis ng kusina ay umakyat na ako ng kwarto ko at saka muling naligo. Nang matapos ay inihiga ko ang sarili sa malambot kong kama at tumama naman sa akin ang kisame ko na puno ng mga glow in the dark na mga bagay bagay.

Napabalikwas ako nang tayo nang marinig na tumunog ang phone ko kaya naman ay agad ko iyong kinuha at saka tinignan ang nagmessage.  Lumawak ang pagkakangiti ko nang makita ang pangalan ni George sa screen kaya naman ay agad ko iyong binuksan.

From: ♥️BABE♥️

SARAP HAHA. GUSTOHIN MAN KITANG MAKASAMA NGAYON PERO WALA AKONG MAGAWA. TSK... DAMI KASING GAWAIN EH. HAYAAN MO KAPAG NATAPOS AKO SA LAHAT, BABAWI AKO. HINDI LANG AKO MAKABAWI NGAYON KASI ANG DAMI KO PANG INAASIKASO EH. BY THIS WEEKEND NAMAN MAY LAST IMMERSION KAMI KAYA BAKA HINDI TAYO MAKAKAPAGKITA. MALAPIT NA FINALS BABE KONTING TIIS NA LANG OK? I LOVE YOU!

Seen.

Agad na napawi ang ngiti sa labi ko nang mabasa ang message na iyon ni George. Hindi naman sa nag-aano ako pero naiintindihan ko naman siya eh. Alam ko ring marami siyang ginagawa kaya naiintindihan ko siya. Hindi ko lang din talaga maiwasang hindi malungkot minsan kasi bihira na lang kami magkita, bihira na rin kaming mag usap thru phone. Huminga ako nang malalim at nagreply sa kaniya.

To: ♥️BABE♥️

IT'S OK BABE, NAIINTINDIHAN KO NAMAN EH. TSAKA AYOS LANG NOH! MAY IBANG ARAW PA NAMAN EH. NAMIMISS LANG TALAGA KITA HEHE. ASAHAN KO YANG PAGBAWI MO AH. HIHINTAYIN KO YAN. I LOVE YOU MORE!

Message sent.

Matapos kong nagreply ay agad kong inilagay ang phone ko sa dibdib ko at buryong pinakatitigan ang kisame. Muling inalala ang mga panahong kasama ko si George. Hindi ko tuloy maiwasang hindi alalahanin ang nangyaring panliligaw niya sa akin at ang araw na sinagot ko siya.

FLASHBACK...

MAY 25, 2019

Kasalukuyan ako ngayong nakatayo rito sa labas ng room. Late na kasi kaya hindi na ako pinapasok ng teacher namin sa Philosophy. Nang maburyo ay bumaba ako papunta sa canteen at bumili ng snacks. Nang makabili na ay agad akong nagtungo sa  library at doon ay nagbasa-basa ako ng kung ano-ano hanggang sa marinig ko ang ring ng bell kaya inayos ko na ang gamit ko at inilagay ang mga librong kinuha ko sa shelves. Binilisan ko na ang paglalakad dahil baka hindi na naman ako makaabot sa klase ay baka mapalabas na naman ako. Nang marating ang klase ay bigla akong kinabahan dahil wala akong nakitang tao o mga kaklase ko. Nakasara ang mga bintana at nakapatay ang mga ilaw ng room. Binuksan ko ang pinto at ganon na lamang ang gulat ko nang biglang bumukas ang ilaw at may nagpasabog ng confetti. Nangunot ang noo ko nang makita sina Jelai at Cheng na sobrang lawak ng pagkakangiti. Nakita ko rin ang ilan sa mga kaklase kong kitang kita ang pagkamangha. Nalilito ko silang tinignan at muli na naman akong nakaramdam ng gulat nang biglang may nagstring ng gitara at mula sa cr ay lumabas si George kasama si  Vincent. Si Vincent ang naggigitara habang si George naman ang kakanta. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito. Nalilito ako sa ginagawang pagkanta ni George sa harap ko. Pero ayokong mag-assume kaya luminga linga pa ako dahil baka hindi ako ang kinakantahan niya pero wala akong makitang ibang tao sa gawi ko kundi ako lang. Nakita ko si Venice sa dulo ng upuan. Agad kong iniwas sa kaniya ang paningin ko dahil ayokong tignan ang mga mata niya. Si Venice ay isa sa It girl ng campus maging ng classroom na ito. Kaya nung nakita ko si Venice ron ay nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko akalain na gagawin ito ni George sa mismong harap niya. Nahihiya ako dahil sa mismong harap ni Venice ginawa ito ni George. Ayokong mag-isip ng kung ano-ano dahil alam naman naming lahat na mag-ex silang dalawa. 

[ NOW PLAYING: ANGEL BABY BY TROYE SIVAN]

🎶 I need a lover to keep me sane
Pull me from hell, bring me back again
Play me the classics, something romantic
Give him my all when I don't even have it🎶

Panimulang kanta ni George, muli na namang kinabog ang dibdib ko. Napakaganda ng kanta sinabayan pa ng malamig na boses niya.

🎶You came out the blue on a rainy night, no lie
I'll tell you how I almost died
While you're bringing me back to life🎶

Lalong bumibilis ang tibok ng puso ko sa bawat buka ng bibig niya.  Hindi ko alam kung ano ang ginagawa niya kung bakit ganito na lamang katindi ang tibok ng puso ko. Sabayan pa ng napakasarap sa tenga ang marinig na kumakanta siya.

🎶I just wanna live in this moment forever
'Cause I'm afraid that living couldn't get any better
Started giving up on the word "forever"
Until you gave up heaven so we could be together 🎶

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko sa mga oraa na ito. Hindi ko man nakikita ang mukha ko sa salamin pero ramdam ko naman ang pagiging pula ng mukha ko maging ang tenga ko dahil sa sobrang init nito.

🎶You're my angel
Angel baby, angel
You're my angel, baby
Baby, you're my angel
Angel baby🎶

Nakangiti siyang lumapit sa akin at hinawakan ang magkabilang kamay ko at marahan niya akong yinakap. Ramdam ko ang bilis ng tibok ng puso niya. Kitang kita ko rin sa mga mata niya mula pa kanina ang sinseridad sa ginagawa niya. Halos hindi ako makahinga sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Ang ginawa niya ngayon ay may matinding epekto sa loob ko. Hindi pa ako nakakatanggap ng ganito ngayon lang. Ngayon lang din naman kasi may nagtangkang gumawa nito.

"Magmula nang makita kita, may parte sa loob ko na gustuhin kitang makita. Dati ay ayoko sa nararamdaman kong iyon dahil hindi tugma dahil parehas tayong lalaki. Umiwas ako pero sa pag-iwas kong iyon ay lalo kang hinahanap ng mga mata ko."  Sambit niya at saka huminga nang malalim. Bahagya niyang inilayo ang katawan naming magkadikit, tinignan niya ako sa aking mga mata nang hindi ko makayanan ang titig niya ay iniwas ko ang tingin ko nguni't hinawakan niya naman ng aking panga at iniharap ulit s kaniya. "Huwag mong itago sa akin iyang magaganda mong mata dahil yan ang unang nagustuhan ko sa iyo."  Nakangiting sambit niya, lalo na naman akong naramdaman ng hiya lalo na't hindi lang kami ang nasa loob ng classroom na ito.

"Pwede ko bang hingiin yang mga mata mo at utusang sa akin lang ibaling ang paningin nito?"  Muling sambit niya at puro impit na kilig naman ang nangibabaw sa classroom mula sa mga kaklase kong kinikilig din.  Muli niyang hinawakan ang baba ko at bahagyang iniangat iyon sa kaniya. Masyado siyang matangkad kaya kailangan pang iangat ang tingin ko para magtama ang mga mata namin. "Can I ask you a question?"  Malalim at seryosont tanong niya. Muli na namang kinabog ang dibdib ko dahilan upang maiiwas ko muli ang mga mata ko nguni't agad niya rin iyong pinigilan. "Sinabi nang huwag ilayo yang mga matang yan eh. Look I'm sad na."  Natawa naman ako sa sinabi niyang iyon kaya naman ay muling lumawak ang pagkakangiti niya dahilan upang lumabas na naman ang dimples niya sa magkabila niyang pisngi.

  "Yung tanong ko."

"A-Ano yon?"  Utal na tugon ko at nginitian niya na naman ko. Para akong malulusaw sa ganda ng ngiti niyang iyon.

"Pwede ka bang maging akin?"  Tanong niya at muling nagtilian ang mga kaklase ko. Napalunok pa ako dahil sa sobrang seryoso ng pagkakatanong niyang iyon. Hindi ko alam ang sasabihin ko kaya naman ay kahit kinakabahan ay tango na lamang ang  isinagot ko. "T- Talaga??"  Hindi makapaniwalang paninigurado niya at saka nakangiti naman akong timango.

"Y-Yes George."  Nakangiting tugon ko at muli niya na naman akong yinakap at saka siya nagtatalon talon na parang batang binigyan ng kendi habang sumisigaw sigaw pa ng 'YES!!!*

END OF FLASHBACK...

Para tuloy akong tangang nakangiting nakatingin sa harap ng kisame. Talaga nga namang napakaswerte ko, bihira lamang ang mga kagaya ko na magustuhan ng lalaking gusto niya.  Kung ako ang tanungin ay hindi ko alam kung ano ang nagawa kong mabuti para matamasa ang ganitong uri ng buhay.

Natinag ako sa pag-iisip nang magvibrate ang phone ko. Kinuha ko iyon at agad na tinignan kung sino ang nagmessage.

From: VIN.

OYY GREG!  PUNTA KA SA BIRTHDAY KO THIS THURSDAY AH. ASAHAN KITA!! BYE BYEE SEE YOU SA THURSDAY!!

seen.

Napangiti naman ako nang mabasa ang message na iyon ni Vince. Bigla ay nakaramdam ako ng tuwa nang maisip na baka makasama ko ron si George. Hindi imposible na mawala sa birthday ni Vince yon eh bestfriend sila non.

Natuwa ako sa sarili kong isipin, kaya naman ay nakaramdam agad ako ng excitement. Excitement hindi dahil sa birthday ni Vince, excitement dahil makikita at makakasama ko si George sa Thursday.  Wala pa man ay parang gusto ko na lang na pabalisin ang oras para lumipas agad ang dalawang araw at upang maging Thursday na.

Continue Reading

You'll Also Like

67.1K 2.3K 55
A love letter, a confession, and a blossoming heart. I got nothing to lose, only my heart to break.
177K 3.4K 48
What if your escape turns into a reason why you need to escape? Hera Ivory Levine, an academic achiever crossing paths with Eros Vergara whose academ...
2.6M 103K 61
It all started with a facial hit by the outside spiker Roen Alejo to the rookie libero Kai Reyes.
3.3M 300K 52
Living alone with her sister, Rizaline Chavez has always found Sarah to be loving, caring, and kind. She is her polar opposite. But that's before she...