Places & Souvenirs - BORACAY...

By JasmineEsperanzaPHR

18K 1K 101

In-adjust ni Maia ang sunglass at ipinagpatuloy ang sunbathing niya. She closed her eyes at hinayaan niyang h... More

Random Scene
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 7
Part 8
Part 9
Part 10
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18 - Ending

Part 11

842 51 5
By JasmineEsperanzaPHR

NAGTUNGO si Maia sa Central Boracay upang pasyalan ang mga souvenir shops. She already had a mental list para sa mga taong papasalubungan niya. And of course, a special strand of pearls for herself.

Marami na rin siyang napamiling T-shirts at decorative magnet nang makadama ng pagod. She stopped at Hey Jude Bar. Isang Internet café iyon kaya nagpasya na rin siyang doon mag-check ng email niya.

She also contacted Ella at mabilis naman ang koneksyon kaya nakapag-chat sila ng sekretarya. Napanatag pa ang loob niya sapagkat wala namang malaking problema sa opisina para maligalig ang bakasyon niya. She cut the connection at itinuon ang atensyon sa mainit na kapeng isinilbi sa kanya.

Sa pag-iisa niya ay parang nangati ang lalamunan niyang manigarilyo. Subalit siya na rin ang pumigil sa sarili. It had been years buhat nang tigilan niya ang basyong iyon. Ang totoo, buhat nang tumigil siya ay nakadarama na rin siya ng iritasyon makalanghap pa lamang ng usok.

But her craving for cigarette was a sign. Nangangahulugan iyon na mayroong bumabagabag sa kanya. She remembered her mother. Anyong pipindutin na niya ang call button ng cell phone niya nang i-cancel iyon. Sa halip nagpadala siya ng text message ng pangungumusta. Mas mabuti na iyon kaysa sa talagang hindi niya ito maalala.

She was worried na isisingit ni Estella sa magiging usapan nila ang tungkol kay Art. Hindi pa panahon para pag-usapan nila iyon. Wala pa siyang konkretong desisyon sa bagay na iyon. In fact, hindi pa niya napag-iisipan iyon nang husto. Buhat nang dumating siya sa Boracay, she took every thing lightly.

Kagaya na lang ng pagpapaunlak mo sa bawat imbitasyon ni Drigo? A small voice within her asked.

But vacation was fun and some adventure, parang gusto niyang ikatwiran. At kung si Drigo ang kahulugan ng fun and adventure sa bakasyon niyang iyon, why not? But something within her seemed to believe otherwise. Na parang hindi lamang magtatapos bilang bahagi ng isang bakasyon niya si Drigo.

She sipped her scalding coffee. Nang halos mapaso ang dila niya ay parang nagamot na rin ang pangungulila niya sa sigarilyo.

She smiled to herself. Hindi siya dapat na mabagabag. She was on vacation. Ang dapat ay magsaya siya at mag-relax.

She thought of Drigo. Umiiwas siya sa binata subalit kapag naman ganitong nag-iisa siya ay hinahanap niya ito.

She felt herself looking forward for the evening to come. At isang ideya ang kumudlit sa isip niya. She believed it wouldn't hurt kung siya naman ang mag-aya dito sa isang dinner. After all, palagi na lamang si Drigo ang nagti-treat sa kanya.

Tumindig na siya at nagbayad. Parang nasabik siyang bumalik sa resort nila. She would be looking for Drigo. At parang nakatitiyak naman siyang madali itong makikita. Para naman kasing itinalaga na lamang ni Drigo ang sarili na nasa paligid lang niya.

"I'VE BEEN waiting for you," salubong sa kanya ni Drigo.

Pumapasok pa lamang siya sa resort ay natanaw na niya ito sa terrace ng cottage nito. mabilis itong tumayo upang lumapit sa kanya.

"Para kang linya ng isang kanta," nangingiting tugon niya dito.

"I'm not aware of it," kibit-balikat nito bago palagay ang loob na kinuha nito sa kanya ang mga dala niya. Magkaagapay silang tumungo sa cottage niya. He even got the key from her at ito ang nagbukas ng kanyang pinto. "Ano bang mga ito, pasalubong?"

"Yeah. Wala akong maisip na gawin kanina so I got shopping."

"Yeah," gagad nito. "Shopping. Women's most favorite sport."

"Kaunti lang iyan. Para lang sa mga tao sa opisina saka sa bahay," kaswal na sabi niya.

"Opisina?" para namang gulat na ulit ni Drigo.

Nasa pinakasala na sila ng cottage niya at ibinababa nito iyon sa mesita. Umunat ang likod nito sa pagkakatayo. Napatigil din naman siya. Nasa tapat na siya ng ref sa munting kusina ng cottage.

At nang mapalingon siya dito parang noon lang niya natanto kung gaano siya kapanatag na makasama doon si Drigo. Parang nakalimutan na niya ang sense of privacy niya. Hindi na nga niya naalalang anyayahan itong pumasok. Basta pumasok na lang at hindi rin naman niya iyon napansin.

Parang may kabang bumundol sa dibdib niya. Ibig sabihin ba niyon ay natural na bagay na lang na mapagsolo sila? Oh, Lord, she groaned secretly.

She never knew there would be a hint of intimacy with that.

"You go to office?" untag nito sa kanya.

"Yes," tango niya. Sa tono niya ay parang nadulas lamang ang dila niya sa impormasyong iyon.

Mahina itong napatawa. "Oh, well, wala naman talagang nakakagulat doon." At inaanyayahan na nito ang sarili na maupo sa sulihiyang sofa. "It's just that I don't know that you work. Kunsabagay, hindi naman ako nagtatanong."

Sinulyapan niya ito at itinuloy na ang pagkuha ng inumin sa ref. Nang hindi ito kumibo ay isang konklusyon na ang naisip niya. The subject was closed. He wasn't going to ask about her at dapat lang siguro na ganoon din ang gawin niya.

"I don't have much stock here. Gusto mo ng tubig?" malakas na sabi niya dito.

"Marami din sa cottage ko niyan," sagot nito.

Pabalik siya sa sala ay tumayo naman ito upang lumapit sa kanya. they met halfway.

"Bakit ka nga pala naghihintay sa akin?" she asked.

"Did I miss you?" he asked teasingly.

She rolled her eyes.

"That's true," anitong mababakasan ng kaseryosohan ang tinig. "I missed you."

"Baka pagod lang iyan," pabirong tugon niya. "Mukhang sinusulit mo ang bakasyon mo dito. Jogging, swimming, diving... and you're thinking about parasailing and banana ride. I don't have any idea kung ano pa ang balak mong gawin. But one thing for sure, lahat iyon nakakapagod."

"You missed some things. I also enjoy watching you. I like talking with you. I love being with you, Maia. At alinman doon ang gawin ko maghapon ay sigurado akong hindi ako makadarama ng pagod."

Naumid siya.

"How about banana boat ride?" he asked cheerfully. "Are you on?"

Napailing siya subalit gumuhit naman sa mga labi ang isang ngiti. "You know what? I'm thinking about inviting you to dinner tonight."

Nagpakita ng pagkagulat ang ekspresyon ni Drigo. "You, inviting me?" tanong pa nito.

"Why not?"

He echoed a laugh. "Well, hindi naman ako pakipot. Bakit nga ba hindi? Pero sa isang kondisyon..."

"Akala ko ba'y hindi ka naman pakipot?" natatawang tanong niya.

"Hindi naman ako tumanggi, di ba? I just want us to take that banana ride first."

"All right."

MAHIGPIT NA mahigpit ang yakap ni Maia sa bewang ni Drigo. Kahit na nakasuot naman sila ng lifejacket ay kabang-kaba ang dibdib niya. Lalo at parang lalong bumibilis ang paghila ng jet ski sa higanteng salbabida na hugis saging. Sa totoo lang, hindi niya alam kung salbabida nga ba iyon o bangka. It was bloated with air kaya naisip niyang tila mas tamang sabihing higanteng salbabida.

Hapon na ay kayraming tao sa beach. Tila nagpapaligsahan sa iba't iba water sports. She saw some group parasailing at hindi na siya nagtaka kung bakit interesado si Drigo sa activity na iyon. Tingin niya sa mga taong nasa himpapawid ay higanteng ibon.

But it was a rich man's sport. Kung limitado ang pera mo sa bakasyong iyon ay malamang na magkasya ka na lamang sa panonood sa mga iyon.

Would it mean that Drigo was rich? Sapagkat tila iyon ang tinutumbok ng analogy na naisip niya.

"You want to snorkel?" lingon sa kanya ni Drigo na ikinagitla niya.

Magkatapat na magkatapat ang kanilang mga mukha. Nang magsalita si Drigo ay nasagap na ng buong mukha niya ang mabangong hininga nito. Parang pumalya ang tibok ng puso niya. Sa halip na sumagot ay parang napako na lamang ang mga mata niya sa mga labi nito.

And her heart went overdrive nang tawirin ni Drigo ang distansya ng kanilang mga mukha at kintalan siya ng halik. When she met his eyes, she found laughter in his.

"May gamit doon," kaswal na sabi nito at bahagyang ikiniling ang ulo sa jet ski. "We're here at Angol Point. Igagawi lang nila tayo doon sa Live Coral Beds sa Rocky Beach."

Parang noon lamang niya napansin na tumigil na sa paghila ang jet ski sa banana boat na sinasakyan nila.

"Mukha namang iyon ang nasa agenda mo, eh," nasabi na lang niya,

Tumawa si Drigo at sinenyasan ang nasa jet ski na dalhin sila sa may Rocky Beach."

Hindi naman napahiya si Drigo na dinala siya roon. Napakaganda ng lugar. Walang iniwan si Maia sa isang first-timer sa isla. Namamangha pa rin siya sa mga kahanga-hangang bagay na nadidiskubre niya.

Hindi na halos niya kailangang ilubog ang ulo upang makita ang mga coral reefs. Parang ang mga iyon na ang mismong nag-aahon sa sarili upang batiin siya.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Continue Reading

You'll Also Like

146K 3.4K 10
"No matter how much you hurt me, I don't think I can settle for any other man because I only want you." Balak pikutin ni Cher ang batikang abogadong...
348M 7.1M 80
This work of fiction may include potentially disturbing readings, scenes and discussions around topics such as sexual, self-harm, physical violence...
27.8K 1.1K 16
Nalagay sa Eskandalo ang tahimik na buhay ni Angel ng magkaroon sila ng matinding bangayan ng sikat na baguhang writer at Chickboy na si Craig, ...
270K 1.8K 14
Discover the love story of a single mother who has the beautiful mistake she ever did in her whole life. [1st Novel by Rooarrf] [From October 2015 to...