Places & Souvenirs - BORACAY...

By JasmineEsperanzaPHR

18K 1K 101

In-adjust ni Maia ang sunglass at ipinagpatuloy ang sunbathing niya. She closed her eyes at hinayaan niyang h... More

Random Scene
Part 1
Part 2
Part 3
Part 4
Part 5
Part 6
Part 8
Part 9
Part 10
Part 11
Part 12
Part 13
Part 14
Part 15
Part 16
Part 17
Part 18 - Ending

Part 7

844 57 10
By JasmineEsperanzaPHR

KALALABAS lang ni Maia sa shower. Ilang sandali na nasisiyahan siyang pinagmasdan ang sarili sa harap ng malaking salamin. Nagustuhan niya ang pagtingkad ng kutis niya. At bagaman mahahalata ang mga linyang iniwan ng strings ng bikini niya ay maninipis lang naman iyon. Maitatago na ng damit niya maliban na lamang kung magpapakita ng maraming balat ang outfit niya. Binalot muna niya ng roba ang sarili.

Pinatutuyo niya ang buhok nang maulinigan ang pagtunog ng door bell. Napakunot ang noo niya. Wala siyang inaasahan. Ni hindi pa nga siya nakakapagpasya kung magpapa-room service ng pagkain o lalabas siya. Pero naalala niya si Miss Bennet. Baka titingnan uli nito kung okay lang siya doon.

She smiled. Pinatutunayan ni Miss Bennet ang personalized service at hindi naman niya nararamdamang nakaka-invade itong kanyang privacy. Tumindig na siya at tinungo ang pintuan.

"Oh, my," usal niya nang pagbukas ng pinto ay hindi ang inaasahan niya ang makakaharap niya.

"Hi!"

His greeting came with a smile. It even hinted a certain intimacy lalo at parang nanunuot ang titig nito sa kanya. Sa ilang sandali ay hindi siya agad nakahuma. Kung may taglay na mahika ang kaharap niya, iisipin niyang hinihipnotismo siya nito. Isang mabilis na paghinga ang ginawa niya bago pormal ang ekspresyon na tinugon ito.

"What can I do for you, Mr. Valderama?"

Deep inside her ay nais niyang batiin ang sarili. Kahit na bagong kakilala ay hindi niya pinagkakalooban ng ganoon katabang na tinig. But she managed to do that. Sa isang dahilan na gumagawa na siya ng isang uri ng depensa sa isang palatandaang hindi pa niya matukoy kung ano subalit ramdam na niya sa sarili na umaamba sa kanya.

Attraction, anang isang bahagi ng utak niya. Attraction in its very strong form.

"Yes," agad namang sabi nito na tila lalo pang pinatamis ang ngiti. "Manghihingi sana ako ng kaunting kape."

Awtomatiko ang naging pagkunot ng kanyang noo. "Kape?" she repeated in controlled surprise. At sa sarili at parang nais niyang mapahiya. Malayong-malayo ang narinig niya sa inaasahang sasabihin ni Drigo.

She could tell the signs of unspoken attraction. At kung marahil sinabi ni Drigo na iniimbita siya nito upang kumain sa labas, much more ang maligo sa dagat ay malamang na hindi na niya ikagulat.

"Yes," kumpirma nito at itinaas pa ang kamay na may hawak na tasa.

Noon lamang niya iyon napansin. Kunsabagay, bakit ba niya mapapansin ang maliit na bagay na iyon kung sa pagngiti pa lamang nito ay parang nawala na ang pansin niya sa ibang bagay? At hindi lamang iyon. Bagong paligo rin ito at preskong-presko ang anyo sa ternong shorts at sando in Hawaiian print.

"Naubusan ako ng kape sa cottage ko," kaswal na sabi nito at bahagyang ikiniling ang ulo sa cottage na katapat lang ng inookupa niya. "I guess, we could be borrowing neighbors." At ikinibit nito ang balikat.

"Dito ka rin sa resort na ito?" sa halip ay tanong niya kahit na nga ba ganoon na ang mismong pag-intindi niya sa tinuran nito.

"Yes. I occupy that cottage." At muli ay ngumiti na naman.

Tumango lang siya at napahawak sa hamba ng pinto. "I'm sorry, Mr. Valderama. Pero wala akong napansing kape sa cupboard. And I don't drink coffee kaya hindi ko inisip kung kakulangan man iyon sa provision ng cottage."

Hindi nagbago ang ngiti nito. At sa ngiting iyon ay naisip niyang baka iyon lamang ang kunwaring dahilan nito upang makalapit sa cottage niya.

"Please call me Drigo," anito pagkuwa. "Kinapalan ko na ang mukha kong kumatok sa iyo dito upang manghingi ng kape. And I think we've introduced each other enough para naman tanggalin na natin ang pormalidad sa pangalan. I would like to call you Maia. You have a nice name. Parang pangalan ng ibon yet it sounded very feminine. Why Maia? From Margarita?"

"No. It's Maria Natalia."

"Natalia," ulit nito sa banayad na paraan. He made her name sounded like Natali-ya. "It's like a strong confident woman. Your name suits you."

Napangiti na lang siya. "No one calls me Natalia except my mother when she wanted to emphasize what she was saying."

"Then I'll call you Maia," anitong tila tumalon sa isang konklusyon. "Hindi mo rin naman ako mapipilit na tawagin kang Miss Monteclaro. Imagine people addressing each other in formal manner when we are here in a place where everything fun happens," pabiro pang dagdag nito. "Call me Drigo, Maia."

"Drigo," talima naman niya.

"I didn't think my name would sound good from your lips," tila nanunudyong sabi nito at pagkatapos ay iginalaw nito ang ulo upang silipin ang loob ng cottage niya. Ni hindi nito tinangkang itago sa kanya ang ginawa nito. "Are you alone?" he asked.

"Bakit?" ganting-tanong naman niya.

"Since you don't have a coffee, I would like to invite you to somewhere where I can have my coffee and you can sip you juice or iced tea, maybe."

Napatawa siya nang mahina. "Hindi pa nga ako nag-aalmusal." Nasabi na niya iyon bago niya napag-isipan kung dapat nga ba niya iyong sabihin o hindi. At naisip niyang hindi nga yata niya dapat na sinabi iyon. nakita niya si Drigo na kumislap ang mga mata.

"Perfect timing," may siglang sabi nito. "It's already past ten. Why don't we have brunch somewhere? Tutal ay parang hindi rin naman ako makapaghihintay ng oras ng tanghalian? Come on," insistent na aya nito na para bang matagal na silang magkakilala.

"Hindi mo pa nga alam kung may kasama nga ako o wala," amused na sabi niya.

Saglit na kumudlit ang pangamba sa mga mata nito. Ngunit mas mabilis namang bumalik doon ang masayang kislap.

"Are you with your husband?" direktang tanong nito.

"Fishing for information?" nangingiting sagot niya. Maia, you're flirting!

"How about a boyfriend?" he asked again then sighed. "Are you married or single? Or single and available?"

"I didn't expect someone in this island would ask me that in a very military way." Hindi na niya itinago ang pagngiti. "Why it seemed important to you to know?"

"Because I'm inviting you out," he answered boyishly.

Sa palagay niya ay may mina ng karisma ang lalaki. Dahil kung wala, baka kanina pa niya ito pinatikim ng katarayan niyang for seldom occasion lang kung ilabas niya. And for finale, no matter how stereotypical, she would close the door right in his face.

Pero hindi niya ginawa. Sa halip, pinagkrus niya ang dibdib at tinitigan ito. "How about you? Are you alone? Are you married or single? Or single and available?" gagad niya sa mga tanong nito sa kanya kanina.

He flashed another charming smile. "Yes, my dear. I'm alone and very much single and available." He made the last three words with emphasis.

"Madaling sabihin iyan," wika niya.

"But of course. In my case, I always give that information in sincerity especially now that I'm inviting you."

"Bakit?"

"I'm interested in you," prangkang sagot nito.

Sumandal siya sa hamba ng pinto. "Pang-ilan na ako sa mga babaeng naging interes mo mula nang magbakasyon ka rito?"

"I've been here for four days. Marami na rin akong napasyalang bar at halos masunog na rin sa kapapaligo sa dagat. Every morning, I find jogging along the shore great. But when it comes to woman, ikaw lang ang pinag-ukulan ko ng interes."

You're also interesting. Pero hindi niya iyon isinatinig. "You know how to answer."

"Would that mean you accept now my invitation?"

"Well, I guess hindi naman iyon masamang pagbigyan," nakangiting sabi niya. "Kaya lang baka magsisi ka. Malakas akong kumain."

Napatawa ito. "Hindi halata, Maia. I remember all your curves. No word could describe them precisely but perfect." His gaze lingered on her face before it slowly moved down to her neck. Bumaba pa iyon at hindi niya tiyak kung nanatili lamang ang tingin sa bahagi ng katawan niyang hindi na nagawang sakupin ng roba.

Magkakrus pa rin ang mga braso niya at dahil doon ay parang lumalim pa ang cleavage niya. There was nothing beneath her robe. And she felt her twin peaks slowly reacting to his gaze.

"I can't invite you in," mabilis na sabi niya. "But you may wait here." At tumalikod na siya.

--- itutuloy ---

Maraming salamat sa pagbabasa.

Facebook Page : JasmineEsperanzaAuthor

Booklat | Dreame : Jasmine Esperanza

Instagram | Twitter | Tumblr : jasmineeauthor

My Shopee Shop : MicaMixOnlineDeals

Continue Reading

You'll Also Like

30K 905 21
This is the unedited copy.
221K 4K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
22.3K 857 50
"Tuwing makikita kita, kinakabahan ako pero ang saya-saya ko." Matagal nang inililihim ni Cassie ang damdamin niya sa kanyang boss sa Roxy City na si...
14.4K 844 16
"Palagi na lang ba tayong ganito? Na pagkatapos ng ilang araw na pagsasama ay magkakahiwalay uli ng landas? Kailan tayo uli magkikita? After another...