✔Greg Faustino | Seducing Ser...

Da _LoveBiteCookie

792K 10.5K 279

Greg Faustino has been Czaira's schoolmate and ultimate crush since they were in high school. She used to be... Altro

My Fiancè :Greg Faustino
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20 (Last Part)
Author's Note

Chapter 3

40.8K 615 14
Da _LoveBiteCookie

SHE sighed in dissapointment. This is really awkward for both of them.

Hindi niya alam kung kailan at kung paano sila naka-balik sa hapag kasama ng dalawang matanda na panay pa rin ang kuwentuhan mukhang hindi nga mauubusan ng topic ang mga ito daig pa ang mga babae sa kadaldalan.

Hindi na siya magtataka kung bakit close na close ang tatay niya at ang tatay ni Greg marahil magka-sosyo ang mga ito sa negosyo o matagal ng mag-kaibigan.

Kung ganon man bakit hindi niya agad nalaman? Sana noon palang kilala na siya ni Greg. Hindi yung ngayon na biglaan pagkatapos fiancè pa niya ito agad-agad.

Isusumbong talaga niya ang tatay niya sa nanay niya pag nakauwi iyon galing boston. Speaking of babae, alam kaya ng nanay niya ang tagpong ito?

Alam kaya ng nanay niya na may fiancè na siya o baka naman tatay lang niya ang nagplano nito at ang tatay ni Greg? Umikot ang mga mata niya sa isipin na iyon.

Sigurado siyang alam ng nanay niya pero sana naman hindi dahil kung alam din ng nanay niya iisipin niyang pinagtulungan siya ng mga ito para lang na hindi siya pumili ng kung sinu-sino lang na lalaki sa bar.

But thank god, ang gandang lalaki ang napili ng mga magulang niya para sa kanya-and he's my type of guy.

"Hija, anong iniisip mo?" nabalik siya sa katinuan ng marinig ang tinig ng ama.

Sinulyapan niya ito at pilit na nginitian naiiyak na siya kaya ba niyang sabihin dito na nagusap sila ni Greg at ayaw sa kanya ng binata? Sinipat niya ang relong pambisig.

Bahagya siyang nangiti ng makita sa kanyang wrist-watch kung anong oras na, papayagan naman na siguro siya na mag-explore ng tatay niya sanay na ito sa kanya.

"Dad can I go first?" tanong niya sa malumanay na tinig kailangan niyang magbait-baitan para payagan siya.

Tatawagan nalang niya isa sa mga kaibigan niya para sunduin siya at sana makisama sa kanya ang mga ito.

Mga kaibigan lang talaga niya ang makakausap niya sa ngayon kahit pa na minsan ay hindi seryoso kausap ang mga iyon ay may sense naman pag nagbibigay ng payo.

Mabibigyan nga ba siya ng payo ng mga kaibigan niya? Hindi siya maka-iyak sa harap ng dalawang tanders ngayon kahit kay Greg na tahimik lang na nakaupo sa inuupuan nito na muling kumakain.

Nagsisimula pa lamang siyang kiligin kanina ay ngayon ito. Sinaktan agad siya ng binata dahil sa sinabi nito sa kanya.

She tsk-ed and rolled her eyes, paraan lang nito ang kunwaring busy sa pag-nguya.

lecheng paminta!

Sa akto nito ay tila walang nangyari na paguusap sa pagitan nila kanina.

Nakakainis isipin na may inamin sa kanya ito. Hindi niya napaghandaan.

Sana man lang binalaan siya na maghanda kung sakali na may aaminin sa kanya ito. Hindi naman niya inaasahan.

Dapat ba siyang maniwala? This is funny right? This is a joke.

Niloloko lamang siya ni Greg gusto lang nito na matulad siya sa mga naging fiancè nito na mai-dispatsya kagaya niya.

Greg wants her to surrender at yon ang hindi mangyayari kung totoo man na isa itong paminta. Hahanap siya ng sintomas na ganoon nga ang binata

But she will never going to surrender. Hiyas lang niya ang isusuko niya sa lalaking ito. Bastos!

Gagawa siya ng paraan maging lalaki lang ito. Seducing her fiancè was the best ever idea.

Hindi mahirap gawin iyon para sa kanya para saan pa at alam niya ang salitang kaharutan? Babatukan niya ang mga babaeng pa-inosente sa salitang yan. Kahit mahinhin na babae ay may kalandian sa katawan siya pa kaya na party go'er? C'mon!

"Masyado pang maaga." ani naman ng kanyang ama.

Maaga pa ngang talaga ang alasonse ng gabi. Kakailanganin na siya sa bar para mag-saya umikot ang mata niya, kung natatanggal lang ang eyeballs niya kanina pa gumulong iyon sa ilalim ng mesa pinapasakit ng tatay niya ang ulo niya.

"Mauuna na ko Dad. Naboboring na ko dito kakain lang tayo tapos maguusap, give me a-I'm sorry." putol niya sa sasabihin ng maalala na hindi lang silang mag-ama ang nasa harap ng malaking mesa, namayani ang katahimikan.

F-ck!

Hindi talaga siya sanay na maging sensitive lalo na sa mga taong nakapaligid sa kanya. Ganito yata talaga kapag kalog.

Bakit ba kasi nakakahawa ang mga kaibigan niya?

"Czaira, I told you that don't bring you brat attitude here." mariin na wika ng kanyang ama. "Carlos I'm sorry my daughter is really a brat. Hindi siya nakakatagal sa hindi maingay na lugar." dugtong pa ng kanyang ama.

Nag-ngitngit ang loob niya dahil sa sinabi nito parang sinasabi ng tatay niya na wala siyang ginagawa sa pangaraw-araw sa buhay niya kundi ang mag-bar nalang gabi-gabi at asikasuhin ang botique niyang malulugi din daw ayon sa kanyang ama. Lalo lang siyang nainis.

Narinig niya ang ginawang pagtawa ni Carlos Faustino. "Mabuti nga iyon kumpadre at ipinapakita niya ang talagang ugali niya." wika nito na naaliw sa kanya.

Tumaas ang kilay niya. If that so she need to give them a brat side but not for now, she need to go.

Gusto niyang humanap ng lugar kung saan mararanasan niya ang salitang peace of mind at sa bar yon. Sa bar talaga ang peaceful place for her. Sanay siya sa maingay na lugar at isa pa kailangan niya ang lugar na iyon ngayon ng hindi niya maisip si Greg.

Buwiset.

"So can I go now?" aniya na sa kanyang ama.

Her father sighed.

"Go ahead," pagsuko nito.

Napangiti siya. Sabi na nga ba hindi siya matitiis ng tatay niya kahit na minsan hindi sila nagkaka-intindihan.

Makakauwi naman ng mag-isa ito at isa pa sa condo unit siya dederetso ng uwi. Sa sarili niyang bahay kung sakali na malasing siya.

Wala pang isang minuto ay tumayo siya sa kanyang pagkakaupo. Binigyan ng beso sa pisngi ang ama, nagpaalam siya kay Carlos Faustino ngunit hindi sa anak nito na sa pagkain pa rin ang atensyon.

Sinulyapan pa nga niya saglit si Greg naghihintay na angatan siya nito ng tingin at ngumiti man lang sa kanya kahit tipid na hindi nangyari.

Buwiset talaga!

Hindi yata talaga siya type ng loko.

-

"NASAAN ka ba?" naiinis na wika niya sa kabilang linya.

Sa mga oras na iyon gusto niyang batuhin ang cellphone niya kahit masira wala siyang pakielam marami siyang pambili. Narinig niyang tumawa ng mahina si Misha sa kabilang linya.

"Calm down. Kanina niyaya kitang magbar pinatayan mo ko ng cellphone tapos ngayon nangungulit ka katatanong kung nasaan ako gusto mo ng bugbog?" anito.

Umikot ang mata niya sa inis kanina pa siya irap ng irap sana naman hindi mamaga ang mata niya sa pagirap niya naiinis na talaga siya.

Ipinadyak pa niya ang mga paa sa inis wala siyang kasama sa Duke's bar ang paborito niyang bar at tambayan na din. Gusto niya ng kausap ang kambal na si Katherine at Kimberly ay hindi niya ma-contact.

Hindi niya alam kung nasaan ang dalawa at bakit ganoon nalang pag tinatawagan niya hindi sumasagot ang sarap pag-untugin ng kambal hindi mahilig sa pagbabar minsan lang sumama sa kanya.

Si Christine naman ganoon din panay lang ang ring ng phone nito humanda talaga sa kanya ang kaibigan din niyang iyon bukas nakatulog nanaman siguro kaka-titig sa malaking litrato ni Dock Daomino sa kuwarto nito buti nalang siya hindi pa gaanong kabaliw kay Greg at hindi pa naiisipan ang magpalagay ng napakaling larawan ng binata sa kuwarto niya. But yeah, she have pictures of Greg. Hindi nga malaki ay lagpas na siguro ng isang-daan ang bilang ng litrato ng binata sa kuwarto niya.

Wala naman siyang aasahan kay Katrina dahil palagi ang gusto 'non ay matulog nasa mood lang talaga kung gustong sumama. Si Misha naman ay tinataguan siya alam niyang nasa paligid lang ng bar ito.

Ang ingay at ang dilim pa naman sa Duke's bar tanging nagiikutan na ilaw lang ang nasisilayan niya, mga customer sa bar na nagsasayawan sa magaslaw na tugtog at ang ilan din na customer na umiinom kasama ang mga kanya-kanyang kasama.

Makita lang talaga ng mata niya si Misha ay mabibigwasan niya ng malakas para ma-realize nito na hindi siya nagbibiro na naiinis na siya gusto niyang tumili at sabunutan ang sarili.

Ang sakit lang para sa kanya. Hindi niya talaga makalimutan ang sinabi ni Greg kanina sa kanya.

I'm gay. napapikit siya ng tila marinig ang tinig ng binata ng sabihin iyon.

Ano bang problema ng lalaking iyon at sinabi sa kanya na bakla ito?

Anong mapapala niya kay Greg? Paminta naman pala. Ang tagal niyang naging bulag umiibig pala siya sa isang paminta.

"Misha!"

"What?" tumatawang anito sa kabilang linya.

Wala siyang mapapala kung pipilitin niyang lumitaw si Misha ngayong gabi. Hindi niya gustong makasapok ng bansot. Iinom nalang siya ng magisa at di-dibdibin ang sama ng loob na ang dahilan ay ang fiancè niya.

She ended the call.

Lumakad siya papunta sa high chair at umupo siya doon. Hindi naman siya nagsisi sa ginawang pagupo doon dahil nilapitan agad siya ng bartender.

"Hi Miss Czai," nakangiting bati sa kanya ng bartender na si Rey.

Ngumiti siya sa lalaki. Ito ang bartender na palagi niyang gusto na nagsi-serve sa kanya mabait yon nga lang minsan parang wala sa sarili.

"Hello din, anong bagong alak dyan?" tanong niya dito.

Napa-kibit balikat naman ang bartender. "Wala naman po ang may-ari po kasi nitong bar hindi po gaanong nalalagi dito. Hindi po namomonitor teka po at gagawa ako ng alak para sa inyo," nakangiting anito na agad din naman niyang pinigilan sa akma itong magmix ng alak.

"Okay na ko sa beer. Yon na lang," aniya.

Tumawa ang nasabing bartender at maya-maya lang binigyan na siya ng isang baso ng beer. Ano pa nga bang bago? Sanay na ito sa kanya palagi siyang nagtatanong kung ano ang bagong alak sa bar ngunit beer lang ang o-orderin niya at palaging ang sagot din nito hindi minomonitor ng amo ang bar kaya hindi updated sa kabaguhan ng mga ilang bar dinadayo naman ang Duke's bar.

"Nakakalaki ng tyan yang beer." hindi niya sinulyapan ang nagsalita. "Nakakataba, pag nagkataon babalik ka sa dating hugis mo na bilugan pag pinagpatuloy mo ang paginom niyan." dugtong pa ng alam niyang nasa tabi na niya.

Huminga siya ng malalim "I knew it. Nasa paligid ka lang at pinagmamasdan ako," aniya.

Tumawa ito. "I knew it. Pinag-mamasdan kita at nakaka-aliw dahil mukha kang tanga."

Minsan talaga kailangan niya ang ganitong kaibigan. Yung walang pakielam kahit masaktan ka basta sinasabi nito ang talagang nakikita niya sayo.

"Sinabi ko na kanina sa tawag bakla yon, di mo ko pinakinggan. Sabi mo pa Misha Stop! Arte mo, ayan sa paminta ka tuloy napunta."

This time, nilingon na niya si Misha. "I'm broken."

"I know." nakangiting wika nito na umupo din isa sa mga high chair sa tabi niya "Gusto mong pagusapan?" dugtong nito.

Napahinga siya ng malalim, "Ayoko nalilito pa rin ako hanggang ngayon."

Napatango-tango si Misha, itong kaibigan niya feeling genius. Gustong malaman ang lahat sarap tadyakan.

"Lalo kang malilito kung hindi mo gustong pagusapan." wika nito sa kanya. Her friend was right. "Anong nasa isip mo ngayon?"

"Lumandi ng ibang lalaki at kalimutan si Greg Faustino." wala sa loob na nasabi niya.

"Bad," iiling-iling na wika ni Misha.

"Ayoko sa paminta" matabang na aniya.

Kay Greg lang siya head over heals pagka-tapos ay ganon ang malalaman niya?

Sinabi na nga ni Misha kanina. Isang paminta si Greg pero hindi siya naniwala hinintay pa niya na ang binata mismo ang magsabi, ang ikina-lilito niya. Why he said it to her?

Ang isang sikat na tao, hindi basta-basta nagsasabi ng isang sekreto isang sekreto na walang dapat na makaalam dahil panigurado na kakalat.

Ikakalat ba niya?

Hindi. Kailangan niyang siguraduhin na totoo ang sinabi ng binata sa kanya kanina.

"Go ahead, Czai kaibigan kita at handa akong suportahan ka dyan sa panla-lalaki mo, lumandi ka na" udyok pa sa kanya ni Misha.

Napangisi siya ito yata talaga ang totoong kaibigan, susulsulan ka pa sa iniisip mong hindi makatwiran at talagang sinabayan ang trip niya.

Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa. Ganito si Misha boring kasama kaya di niya talaga trip samahan o kasama ang isang 'to.

Kapag walang maisip o masabi ito tumatahimik, tatahimik nalang bigla paunahan kung sino ang mapapanisan ng laway. Si Christine naman kasi ay walang pakisama hindi man lang nito naisip na baka tawagan niya para yayain na magbar sila.

Siya naman ang gagastos ng inumin may pagka ulyanin, napapala ng palaging subsob sa pagtuturo sa mga estudyante nito. Buti pa siya may sariling negosyo. Her botique, masaya siya na nakapagpatayo siya ng sariling negosyo na hindi naman pabor sa tatay niya. But atleast her father allowed her to build her own business.

Kahit pa na akala niya noon e, malulugi lang para saan pa at magaling siyang magbilang ng numero kung hindi niya magagamit sa pagnenegosyo alam niyang kahit hindi sabihin ng tatay niya proud sa kanya ito dahil kahit matigas at brat ang ipinapakita niyang ugali sa ama ay alam naman niya ang salitang disiplina.

May disiplina siya sa sarili niya at may respeto sa ginagawa niya sa araw-araw ma-boka lang talaga siya at dahil na din iyon sa impluwensiya ng mga kaibigan niya. Maganda naman ang naidudulot ng mga kaibigan niya sa kanya lalo na si Christine para sa kanya ang sayang kasama ng isang yon palagi kasing wala sa sarili puro si Dock nalang ang nasa isip.

"Lumandi ka na." si Misha.

Bigla siyang nawala sa mood "Tumigil ka. Badtrip ako baka hindi gumana ang seductive look ko pag pinatulan ko yang utos mo." aniya dito, sabay inom sa beer mug na may laman na alak.

"Hindi kita inuutusan. Ikaw ang unang nagsabi na lalandi ka yan ang hirap pag ako talaga nagsasalita iniisip niyo inuutusan ko kayo," sagot nito. Inagaw sa kanya ang beer mug at ito naman ang uminom doon.

Napailing siya dahil sa sinabi ni Misha totoo iyon kasalanan ba kung naiisip nga nila yon? Sobrang prangka ni Misha na kahit may nasasaktan na nagsasabi pa rin ng opinyon walang pakielam basta masabi lang nito ang gustong sabihin na minsan nakakabuti minsan hindi. Depende kasi yan sa mga taong kayang sakyan ang trip at ugali ng kaibigan nila.

Sila kasi ay sanay na kay Misha.

"Hoy, wala ka bang pambili ng beer ha? Nakakalimutan mo yatang, pinsan mo si Dock Daomino." sita niya kay Misha.

Ibinalik naman nito agad ang beer mug sa kanya, ibang klase talaga itong kaibigan nila lahat nalang libre. Yan kasi ang hirap sa babaeng ayaw maghanap ng trabaho e. Gusto palagi nalang tambay at nangungulit sa kanilang magkakaibigan.

"Marami akong pambili, Rey!" tawag nito sa bartender na ikina-bigla niya.

Agad naman na lumapit dito ang tinawag nitong Rey kilala ni Misha ang bartender? Palagi din ba ang kaibigan niya sa Duke's bar? Ang alam lang niya kasi pasulpot-sulpot lang ito sa nasabing bar.

"M-Ma'am Crade! Nandito po pala kayo..." ani ng bartender na tila bigla nalang nataranta wala talaga sa sarili minsan itong bartender.

Tumikhim si Misha, nginitian ang lalaki. "Limang ugat na alak."

"Coming Ma'am! Paano po pag di niyo naubos?" tanong nito na tila close din sa kaibigan niya kung makipagusap.

"Ibalik mo sa ginto nating refrigirator, magmadali!" sagot naman ni Misha. Hindi niya alam kung biro ba yon o totoo basta ang alam niya na napatulala siya dito na napansin naman din nito. "Problema mo?" tanong nito ng balingan siya.

"Ang yabang mo 'no?" tumawa si Misha sa sinabi niya nagkibit balikat pa ito.

Ilang sandali pa ay dumating na ang order nitong limang root beer. Nailing siya hindi umiinom si Misha ng alak at kapag nagiinuman sila root beer ang para sa kaibigan niya o milk tea.

Binuksan nito iyon nilagok bago muli siyang kausapin.

"Boring ba akong kasama?" huminga ito ng malalim. "Sanay ka naman na sak-look who's coming..." anito hindi natapos ang dapat na sasabihin ng bumaling sa ibang direksyon ang paningin.

Sinundan niya ng tingin ang tinitingnan nito.

"Your gay fiancè is here... Masaya to." muli ay si Misha bigla itong naaliw at lumagok ng root beer.

Malasing naman kaya ito sa root beer? Hindi talaga ito umiinom ng alak kaya noong mga high school sila ay nakikisama sila sa pag-inom nito ng root beer.

Binalingan niyang muli ang natanaw ni Misha.

Si Greg papalapit ito sa kanila at bigla siyang binundol ng kaba

"Misha anong gagawin ko."

"Lumandi." simpleng sagot nito.

Napamura siya ng mahina. Wala itong maitutulong sa kanya kundi kalokohan.

Nawala siya lalo sa mood. Umalis siya ng pagkakaupo sa high chair nang malapit na sa direksyon nila si Greg.

Ano ba kasi ang ginagawa ng lalaki sa lugar kung nasaan siya ngayon? Hindi siya handa.

"Misha what are you doing here?"

Napalunok siya at napako sa kinatatayuan ng marinig ang tinig na iyon na nanggaling kay Greg. Ang lakas ng epekto ng boses ng lalaki sa kanya.

Boses palang nito nakakakilig na paano pa kaya pag hinalikan na siya nito?

Gaga! Hindi ka niya hahalikan dahil paminta siya.

"I'm with my bestfriend. Czaira meet Greg... Greg meet Czaira." si Misha.

Tumingin siya kay Misha sa malayo ang tingin nito hawak ang can of root beer. Magkakilala ang dalawa!

"We know each other while ago. Her father announce that she's my fiancèe and I'm her fiancè," paliwanang ni Greg.

Kung maayos lang ang paguusap nila ng binata kanina baka kiligin siya sa sinabi nito.

"You did'nt tell me that you have a bestfriend, a brat bff." dugtong pa ni Greg na saglit siyang binalingan, nanlaki ang mga mata niya.

Brat? Hell no!

"We're not close Greg. Why bother?" Flatly Misha said tila.

Tumawa ang binata "I know. Only your brother and your four cousins are my close. They're my bestfriends too."

Nasagot ang tanong niya ng marinig ang sinabi ng binata kaya kilala na nito si Misha. Dahil sa mga Daomino and brother? May kapatid ang kaibigan niya. And four cousins? Sa pagkakaalam niya ay si Dock lang ang pinsan nito.

Damang-dama niya na out of place na siya ng dahil sa dalawa.

Hindi na siya napansin ng dalawa. Siguro tama nga ang sinabi ni Misha kanina. Maglandi na lang siya. Tutal busy naman na ang kaibigan niya at ang fiancè niya sa paguusap na hindi naman niya maintindihan.

Ang naintindihan lang niya ang sinabi ng binata na isa siyang brat.

Hindi binanggit ang pangalan niya pero alam niya na siya ang tinutukoy nitong dahil bestfriend siya ni Misha pati itong fiancè niya ay brat na ang tingin sa kanya.

Aalis na sana siya ng magsalita si Misha.

"Selos agad. Saan ka pupunta?" tanong nito.

Out of place siya hindi nagseselos gustong malukot ng mukha niya.

Tumingin siya kay Greg na nakatingin din sa kanya sa madaling salita.

Nakatitig sila sa isa't-isa, gustuhin man niyang mag-iwas ng tingin ay hindi niya magawa masarap sa pakiramdam na matitigan ang binata.

Buong buhay niya pangarap niyang makaharap ang lalaki ngayon na fiancè at kaharap na niya susulitin na niya dahil baka bukas ay taguan na siya ng binata.

"Maghahanap ako ng ibang lalaki." wala sa loob na nai-saad niya.

Akala niya ay magsasalita pa si Misha o maririnig niya ang boses ng kaibigan pero wala. Hindi siya makaiwas ng tingin kay Greg dahil natatakot siya na baka isang lingon lang niya sa kung saan ay baka mawala na sa paningin niya ito o baka maglaho na lang ng basta.

"What did you say?" si Greg iyon.

"Maghahanap ako ng ibang lalaki, sasabihin ko kay Daddy na hindi kita gusto na fiancè dahil bakl-" hindi niya natapos ang dapat niyang sasabihin ng hawakan nito ang braso niya.

Doon lang naputol ang pagtitinginan nila, sinulyapan niya si Misha na nandoon pa rin tahimik na lamang na nakaupo at nakatingin sa kanila.

Huminga ito ng malalim, "You're dead." anito sa kanya. Umalis ito ng pagkakaupo sa high chair, inayos ang suot na black jacket. "Una na ako kitakits nalang ng barkada bukas." huling wika nito bago siya iwan sa mga kamay ni Greg.

"Misha!" tawag niya sa pangalan ng kaibigan ngunit hindi na siya nilingon.

She just waved her right hand.

"Sumama ka sakin," mariin na wika ni Greg.

Hawak pa rin nito ang braso niya hinila siya palabas ng duke's bar.

Nagpupumiglas siya dahil sa hindi na niya makayanan ang higpit ng hawak nito sa kanya. Binitawan lang siya nito ng nasa tabi na sila ng isang nakaparadang kotse, marahil ay sa binata iyon.

"Ano yung sinabi mo kanina?" tanong nito sa kanya, matalim niyang tiningnan ang binata. "Tinatanong kita." lumapit ang mukha nito sa mukha niya.

Napalunok siya at nagiwas ng tingin.

"W-wala akong sinabi..." aniya. Hindi niya alam paano makakaalis.

She's in the bar! Lumalaklak ng beer tapos ngayon nasaan siya? Kasama na si Greg sa labas ng bar at natrap siya.

"Lumayo ka nga sakin!" sigaw niya dito ng iwas pa rin ang tingin.

Kanina ay kaya pa niyang titigan ang binata ng nasa loob sila ng bar ngayon ay hindi niya kaya dahil para siyang matutunaw.

"Look at me."

"No."

"Ulitin mo yung sinabi mo!" He said, she gasped when Greg pulled her closely to her and wrapped his arm around her waist. "Now, baby tell me. Ano yung sinabi mo kanina?" tila naputol ang paghinga niya.

My eandearment agad sa kanya ito? Hihimatayin na ata siya.

Baby shit!

"Halikan mo nalang kaya ako doon din naman papunta yon diba? Dalian mo na! Take advantage." huli na para bawiin niya ang sinabi.

Lumapit lang ang mukha sayo, niyakap ka lang sa bewang iniisip mo ng hahalikan ka? How desperate you are! Calm down. Lalo siyang nahiya sa naisip.

Nanginig siya ng maramdaman nga ang labi ng binata. Hindi sa labi kundi sa leeg niya!

"Sasabihin mo na ba?" he said huskily.

Gustong maputol ng paghinga niya naramdaman din niya ang init ng paghinga nito mula sa kanyang leeg. Doon lang din niya namalayan na nakasandal na siya sa sasakyan nito.

"M-maghahanap ako ng iba... Yung talagang lalaki..." kinakabahan na saad niya.

Hindi niya alam kung bakit pa niya nasabi iyon basta ang concern niya yung leeg niya nilalapa na ng paunti-unti ng binata. Sana paguwi niya may matira pa sa leeg niya.

"G-Greg..." bigla siyang natakot. Hindi siya sana'y maharot siya pero wala pang lalaki ang nakakahalik sa leeg niya.

Pag nasa bar naman siya ay nakiki-pagsabayan lang siyang sumayaw sa mga lalaki/babae na nageenjoy din sa pagsayaw yon ay kung nasa mood siya pero ang ganitong tagpo? Bago sa kanya.

"Pinahintulutan ko bang maghanap ka ng ibang lalaki? Nagsisimula palang tayo Czaira sumusuko ka na?"

Napapikit siya hindi na niya alam kung ano ang iri-react niya si Greg Faustino ang isang businessman at modelo na halos hindi siya kilala ngayon ay nasa harapan na niya at nililingkis siya.

Fiancè na niya ito. Napakabilis ng pangyayari.

"Look at me."

Umiling siya, natatakot siyang salubungin ang mga titig ni Greg.

Natatakot siya na baka mabasa nito na matagal na niyang kilala ang lalaki base sa ningning ng mga mata niya, natatakot siya na baka mahulaan ng lalaki na mahal niya ito.

Dahil ngayon palang sa ayos nila hindi niya gustong kumalas gusto niya ang tagpo nila ngayon dahil matagal na niyang hinintay at inilagay sa isip niya na balang araw magakakalapit sila ni Greg at ito na ang araw na iyon.

Ang paghinga niya ng malalim ay hindi na normal. Kung kanina ay maayos pa ang tumatakbo sa isip niya ngayon hindi na niya alam kung anong mangyayari at kung paano matatapos ito.

"Look at me, pag hindi ka tumingin sakin ako ang maghahanap ng ibang babae." muli ay si Greg dahilan para mapatingin siya dito, ngumiti si Greg sa kanya, "Let's give this a try Czaira wala namang mawawala..." dugtong nito bago pa man siya halikan sa labi.

Shock filled her system. She's not ready for this! He kissed her as if his longing for her, first kiss... first ever kiss that came from him!

"Hot..." narinig niyang bulong ni Greg nang maghiwalay ang mga labi nila.

Muli siyang umiwas dito ng tingin, bigla ang loob niya ay hindi mapakali.

May dugong berde ito pero bakit siya hinalikan? Bakit siya hinalikan ng binata? Dapat ba siyang kiligin?

"I... I have to go," tila nanghihina na wika niya.

Dahan-dahan na kumalas siya sa pagkakayakap sa kanya nito at naglakad ngunit bago pa man siya makalayo ay naramdaman nanaman niya ang paghila ng binata sa braso niya.

Wala na siyang lakas para manlaban nilapastanganan ng lalaking ito ang labi niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat i-react pati ang leeg niya ay may bahid na ng kasarapan. What a word!

Blanko bigla ang isip niya kinakabahan din siya na para bang maiiyak siya sa mga oras na iyon.

"Hindi ko gusto na uuwi ng magisa ang fiancèe ko, ihahatid kita." huling wika ni Greg bago pa man siya nito i-giya sa passenger seat para sumakay.

Nang makasakay siya sa passenger seat ay umikot ang binata pa-driver seat.

Hindi na siya kumibo pa, wala siyang ideya kung bakit bigla siyang natameme ang alam lang niya nahalikan siya ng lalaking ni sa panaginip di na niya inasahan pa na makikita siya sa personal at makakausap.

Pinaandar na nito ang sasakyan. Paalis na sila sa dukes bar nang mapatingin siya sa katabing bintana nakita niya si Misha, nakasandal sa motor bike nito.

May palagay siyang sa kotse kung saan sila sakay ngayon nakatingin ang kaibigan niya. Misha salute at ngumiti na tila ba nakita siya nito.

The window was tinted by the way but what the hell-Then Misha see the kissed?

Nai-hilamos niya ang dalawang palad sa kanyang mukha.

Damn!

Sigurado gisa siya nito bukas.

-----

Continua a leggere

Ti piacerà anche

835K 28.6K 73
[REVISED VERSION: MAY 2024] Coffees and pancakes. Teas and waffles. Two people crossed that created ditto but with dissonance.
452K 1.3K 3
A writer who had the chance to meet his portrayer and fell in love with him. -- Start: March 6, 2022 End: November 30, 2022
Game Over Da beeyotch

Storie d'amore

717K 25.3K 35
(Game Series # 10) Tali coursed through life with ease. Coming from a family full of lawyers, she knew that getting a job would not be a problem. Kai...
188K 3.5K 39
He hurt her without even knowing it he just know that she just left without giving any reasons. She saw something that makes her leave him without k...