Beautiful Mistake (Mafia Seri...

By Clovertell

7.9M 203K 127K

She's an ordinary college girl, both of her parents were dead and she's an only child. She lived in her Mothe... More

Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25
Kabanata 26
Kabanata 27
Kabanata 28
Kabanata 29
Kabanata 30
Wakas
Author's note
Epilogue
Special Chapter 1
Please Read!
THAIRON STORY!
Basahin niyoooo
I miss y'all:(

Special Chapter 2

202K 5.5K 11K
By Clovertell

"Ate, ako na maghihiwa" sabi ko at kinuha ang pinamili kong gulay at karne sa lamesa.

"Sige, maghuhugas muna ako ng pinggan. Yung mga anak mo, baka gutom na 'yon?" sabi ni ate Lisa habang naghuhugas ng pinggan.

"Busog pa po sila," sabi ko habang naghihiwa ng karne.

Nakaupo si Eros at Thairon sa sala habang nanonood nang TV. Bumisita kami ngayun sa bahay nina Ate Lisa, matagal ko narin kasi siyang hindi nakita, gusto ko siyang kamustahin kaya nagpasya akong pumunta ngayun sa bahay niya. Nagulat nga siya sa pagbisita namin. Nasa business trip naman si Thaigo kasama si Enzo, 3 days sila dun at bukas ang uwi nila.

Pagkatapos kong hiwain ang mga rekados ay nagprisinta si ate Lisa na siya na daw ang magluluto kaya hinayaan ko na. Nabagot naman ako kaya nagwalis naman ako sa sala.

"Mom, Dad wants to talk to you," Thairon boredly said while typing something on his phone. Eros glanced at him.

"Answer his calls daw sa phone mo," dagdag niya.

Tumango ako at binalik ang walis sa gilid ng ref bago ako umakyat sa kwarto. Doon kasi nilagay ni Ate lisa ang mga gamit namin. Umupo ako sa kama at kinuha ang aking cellphone sa bag. Nagpupunas ako ng pawis habang tinitingnan ang ilang mensahe at missed calls galing kay Thaigo. I was about to call him when his name appeared on my screen. Agad ko iyong sinagot.

"Busy?" wika niya sa kabilang linya.

"uh, nagwalis lang ako. Pasensya na hindi ko narinig, naiwan kasi dito sa kwarto ang cellphone ko." Pagpapaliwanag ko

"okay," he said after a few seconds.

"Anong oras ko kayo susunduin bukas?" he asked while I'm walking downstairs.

"Magpapasundo nalang kami kay Dion o kay Manong Manuel," Dumiretso ako kay ate Lisa na naglalagay ng mga pinggan sa mesa.

"Ako susundo sa inyo" he said with finality. Napabuntong hininga ako at lumapit kay Thairon para bulungan siya na tulungan si ate Lisa sa paghahanda sa tanghalian namin. Agad naman siyang tumayo at tumulong sa kusina habang naiwan si Eros na nanonood parin ng TV.

"okay," sabi ko at tinabihan si Eros. Hinaplos ko ang kaniyang malambot na buhok. Tumingala siya sa akin at ngumiti bago umusog palapit sa akin.

"I miss you" aniya sa mababang boses. Napakagat ako sa aking ibabang labi at napangiti.

"I miss you too," mahina kong sabi. Para akong teenager na kinikilig!

"Is that Daddy?" Singit ni Eros. Tumango ako at agad siyang lumapit sa cellphone ko na sa aking tenga.

"I miss you Daddy!" sabi niya. I heard Thaigo chuckled before I hand my phone over to Eros to talk to his Dad.

Hinayaan ko silang mag-usap sala. Tumulong na ako kina Thairon at ate Lisa sa kusina.

"Si Lily po, wala pa?" tanong ko.

"hay, ewan ko sa batang 'yon! Palaging nasa kapitbahay. Naglalaro 'yon dun. Uuwi lang 'yon tuwing kainan na," wika niya habang nakangiti. Si Lily ay anak ng kaniyang kapatid. Siya na ang nag-alaga rito simula no'ng nawala ang mga magulang nito ayun sa kwento niya sa akin. Isang taon ang agwat nito kay Eros.

"Mauna na kayo sa pagkain Eris, tatawagin ko lang si Lily" sabi niya at maglalakad na sana patungo sa pinto nang makasalubong niya si Lily.

"Oh, mabuti naman at umuwi ka na," nakapamewang na sambit ni ate Lisa pero nasa amin ang atensyon ni Lily. Mukha itong nagtataka.

"Halika nga muna dito, punasan natin yang pawis mo. Hay, ikaw talagang bata ka. Puro ka laro, ang baho baho mo na" pinaupo siya ni ate Lisa sa sala at pinunasan ang kaniyang pawis.

Nakaupo na kaming tatlo. Katabi ko si Eros habang nasa harap naman namin si Thairon. Hinihintay nalang namin sina ate Lisa.

"Mommy, I'm hungry na" reklamo ni Eros sa tabi ko. He's pouting his lips while looking at the foods in front of us.

I was about to speak kaso inunahan ako ni Thairon.

"Let's wait for them, Eros" seryosong sabi ng kaniyang kapatid at inayos ang salaming suot niya.

"Kumain na tayo!" Ate Lisa enthused when she's finally done with Lily. Wala na itong pawis at nakapusod na ang mahaba nitong buhok. Umupo siya sa tabi ni Thairon, kaharap si Eros at sa kaniyang kanan naman si ate Lisa.

Nilagyan ko na nang kanin ang pinggan ni Eros at ang paborito niyang fried chicken. Samantalang 'yong sinigang naman ang pinili ko. Nag take out ako kanina sa malapit na fast food ng fried chicken dahil request iyon ni Eros. Dalawa lang ang binili ko, isa kay Thairon. Pareho talaga sila ng paborito.

"Nga pala, Lily," si ate Lisa.

"Si Eris nga pala, kaibigan ko tsaka mga anak niya," pakilala sa amin ni ate Lisa sa kaniyang pamangkin.

"Hello, Lily. Siya si Thairon," sabay turo ko kay Thairon sa tabi niya. "Eto naman si Eros,"

Tumango si Lily habang kinakausap ko siya at nginitian siya ni Thairon habang abala si Eros sa pagkain. Ni, hindi man lang siya sumulyap rito.

Tumikhim ako habang nakatitig sa kaniya. He looked up to me, confused. Nakakagat pa siya sa kaniyang fried chicken.

"Say hi to Lily," I said. Marahan siyang humarap kay Lily bago binaba ang kagat kagat na manok.

"Hi," mabilis nitong sabi at nagpatuloy sa pagkain. Napa iling nalang ako. Narinig ko ang mahinang pagtawa ni ate Lisa habang matalim na tinitigan naman siya ng kaniyang kuya.

"Pahingi,"

Sabay kaming napabaling kay Lily na nakatitig kay Eros. Mamula mula ang pisngi nito dahil siguro nanggaling siya sa labas kanina. Ang kaniyang labi ay natural na mapula. Singkit ang mata nito at lumalabas ang dimple pag nagsasalita. Maganda siyang bata.

Eros looked at her while furrowing his eyebrows. Tila ba hindi niya ito narinig.

"Pahingi," ulit ni Lily habang nakatitig sa ulam ni Eros.

"Lily, sa kanya iyan. Eto nalang sa'yo-"

"Gusto po 'yon, Nay" sabay turo niya sa ulam ni Eros.

Dalawa lang kasi ang binili ko. Hindi ko naman alam na nandito na pala nakatira si Lily.

"No! This is mine!" galit na wika ni Eros at tinaas pa ang kamay nitong may hawak na fried chicken.

Huminga ako ng malalim at binaba ang kaniyang kamay. Medyo malaki pa naman ang ulam niya at hindi pa niya nakakagatan ang kabilang parte.

"Anak, hindi tama yan. Bigyan mo si Lily, sige na. Malaki pa naman yan. Yan oh, yung sa kabilang side, bigay mo sa kanya," mabilis siyang umiling habang magkasalubong ang mga kilay nito. He was glaring at Lily.

This kid.

"Hayaan mo na, Eris" Si ate Lisa.

"Me-" napatigil ako sa pagsasalita nang ilagay ni Thairon ang kaniyang ulam na fried chicken sa pinggan ni Lily. Buo pa iyon. Napatingin ako sa pinggan niya at nakita kong may sabaw iyon at konting karne galing sa sinigang na baboy.

Kumislap ang mga mata ni Lily at nakangiting binalingan si Thairon.

"Salamat po!" maligaya nitong wika.

"You're welcome," Thairon beamed.

"kumain ka na," wika ulit ni Thairon nang mapansin na nakatitig parin si Lily sa kaniya. Tumango si Lily at agad na kumain. Agad namang yumuko si Eros nang sulyapan siya ng kaniyang kuya. He looked guilty. Bumagal ang pagkain niya kumpara kanina at paminsan minsang sumusulyap kay Lily at sa kuya niya.

Pagkatapos naming kumain ay nanood ulit ng TV ang mga bata, kasama na si Lily. Hindi sila nagpapansinan ni Eros, tanging si Thairon lang ang kumakausap kay Lily.

"Kayo na po pala ang tatayong Ina at Ama ni Lily?" I said.

She nodded."kawawa nga ang batang iyan. Namatay ang Ina, nasa kulungan naman ang Ama, wala nang ibang mag-aalaga sa kaniya, kundi ako"

"Nag-iisang anak lang po siya?"

"Oo"

"Kapag may kelangan po kayo, tumawag lang po kayo sa akin, tutulu-"

"Ay, naku, huwag na Eris. Huwag mo na kaming isipin. Maghahanap ako ng iba pang trabaho para lumaki ang ipon ko at may panggastos ako sa pag-aaral niya," she smiled to assure me. Ang konting kulubot ay lumitaw sa gilid nang kaniyang mata.

She never changed. Siya yung pinakamatagal kong naging kaibigan. Marami siyang naitulong sa akin noon. Noong nag-aaral pa ako, siya palagi ang nagpapahiram sa akin ng pera kapag walang wala ako, siya rin yung takbuhan ko sa tuwing may problema ako. Tinuring ko na talaga siyang parang ate ko.

Humaba pa ang aming kwentuhan. Ilang taon din kaming hindi nagkita kaya marami kaming napag-usapan. Lahat kinwento ko sa kaniya, pati yung ginawa sa akin ni Axel at ang nangyare kay Thaigo, no'ng na coma siya. Gulat na gulat siya sa mga kinwento ko. Hindi siya makapaniwala sa mga nangyare sa akin.

Natulog ako at kinahapunan ay nagising ako dahil sa ingay ng mga motor at trycicle sa labas. Bumangon ako at bumaba sa kama. Mahimbing parin ang tulog ni Eros. Si Thairon ay nasa baba siguro. Lumapit ako sa bintana at napangiti nang maalala ang nakagisnan kong buhay noon. Simpleng bahay na yari sa kahoy, maingay na kapitbahay. Nagigising minsan dahil sa ingay ng mga tao na nasa kalsada o hindi naman kaya ay ingay galing sa mga sasakyan.

This is the life I used to live before.

Kinuha ko ang aking cellphone sa ibabaw ng mesa nang makita kong umilaw ito.

May mensahe galing sa gc ng 'FIVE EGGNOGS', hindi ko alam kung sino ang nakaisip sa pangalang ng GC nila. Si Dion ang gumawa ng group chat na 'to. Ginawa niya to pagkatapos naming magbakasyon noon, limang buwan na ang nakakalipas. Si Thaigo, Dion, Enzo, Sam, Peter at ako ang member ng gc na ito. Hindi ko rin alam ba't sinali nila ako dito.

Binuksan ko ang mensahe ni Dion sa gc.

Dion: Totoo ba?

Sinong kausap nito?

I mentally said. Hinayaan ko nalang iyon nang makita ko na nag seen si Sam.

*Dion is typing*

Umupo ako sa dulo ng kama at hinintay ang mensahe niya.

Dion: Totoo ba? @Sam

Sam: Yung alin?

Dion: Na may iba ka nang mahal?

Kumunot ang noo ko. Ano'ng pinagsasabi nito?

Sam: Gago

Nakita kong nag seen sina Enzo at Peter. Aba, active sila ngayun, a.

Dion: AMININ MO! AMININ MO!

Sam: Guard, may baliw dito!

Nag 'haha' react naman si Enzo sa message ni Sam. Nakita kong nag-t-typing na si Enzo.

*Enzo replied to Dion*

Enzo: kaka tiktok mo yan

*Dion replied to Enzo*

Dion: Panira ka naman!

Nag 'haha' react lang si Enzo sa reply niya. 'Seeners' lang kami ni Peter! Haha

Enzo: Hi po sa mga nag-s-seen jan. Isang hi naman po😆

Napangiti ako dahil ako at si Peter ang tinutukoy niya.

Nagtipa ako ng mensahe.

Ako: Hello☺️

Agad silang nag react sa mensahe ko. Heart react kay Enzo at Sam samantalang shocked naman kay Dion.

Enzo: luh, @Dion, papansin. Gulat na gulat?

Dion: pakealam mo? Sinira mo prank ko kanina.

Enzo: Ay, prank pala yun🥴

Medyo nagulat ako nang makita ko na nag-t-typing si Thaigo!

*Thaigo replied to you*

Thaigo: Hello, wife❤️

Sabay sabay na nag seen ang apat.

Sam: Tara guys, leave na tayo🤣

Dion: Oo nga, mukhang lalanggamin tayo dito.

Nag heart react ako sa message ni Thaigo bago ako nagtipa ng bagong mensahe.

Eris: huy, huwag kayong umalis😆

Nag si 'haha' react sila sa message ko. Except kay Thaigo at Peter.

Sam: just kidding

*Enzo sent a photo*

Napatuwid ako ng upo nang makita ang picture na sinend ni Enzo. Pinindot ko iyon at zi-noom.

It was a candid shot of Thaigo. Nakaupo siya at topless! May towel sa balikat niya at mukha itong pagod. Puno siya ng pawis at may bottled water sa gilid ng paa niya. Nasa gym sila.

Nagreply si Sam sa picture ni Thaigo na sinend ni Enzo. Nag shock react ulit si Dion.

Sam: damn, those muscles, man

Enzo: Eris, ang hot ng asawa mo🥵

Sam: Thaigo, yanigin mo buhay ko🤣

Sunod naman ay si Dion. Nag reply din siya sa picture ni Thaigo.

Dion: Jojowain, Mamahalin,Pagsisilbihan, iiyakan, Ano pang gusto mo? Paghugas ng plato, paglaba gagawin ko lahat for youuu, for youuu

Tumawa ako dahil sa nireply ni Dion. Puro 'haha' react naman sila. Nakita kong kaka seen lang ni Thaigo.

Enzo: tangina mo, Dion

Thaigo: Remove that Enzo

Thaigo, referring to his picture that Enzo sent. Pero hindi iyon pinansin ni Enzo.

*Dion replied to Thaigo*

Dion: No, Daddy pleaseee. Ang hawt mo kaya jan, uwu.

Napatakip ako sa aking bibig, pinipigilan ang sarili na matawa ng malakas at baka magising si Eros. Baliw talaga 'tong si Dion!

Sam: puta ka 🤣

Reply ni Sam kay Dion.

*Thaigo replied to Dion*

Thaigo: Lagot ka talaga sa akin pag uwi
ko jan bukas.

Dion: Omg, what's my punishment, Daddy 😋

Humagalpak ako nang tawa. Siguro natatawa narin ang tatlo na 'yon tas na iimagine ko ang magkasalubong na kilay ni Thaigo habang nagmumura sa harap ng kaniyang cellphone.

Thaigo: Hahampasin kita!

Dion: Oohh... I like that! Spank me Daddy🥵

Enzo: Yawa ka, Dion HAHHAHAHA

*Thaigo replied to Dion*

Thaigo: Hahampasin kita ng baril sa ulo!

Agad akong nag 'haha' react sa reply ni Thaigo.

*Dion replied to Thaigo*

Dion: You're so violent daddy, huh😏

Sam: Ang sakit ng tiyan ko katatawa sa'yo Dion. Hayup ka😂😂😂 Magkano ka sa fiesta?

Dion: Invite mo 'ko sa fiesta niyo? Mag i-intermission number ba ako?

Sam: Ay, hindi. Gagawin kitang lechon. Bobo to.

Thaigo: Tawang tawa @Eris?

Napawi ang ngiti ko nang makita ko ang bagong mensahe ni Thaigo. Yung tinutukoy niya siguro ay yung pag 'haha' react ko sa
message niya kanina kay Dion.

Luh, galit talaga siya? Binibiro lang siya ni Dion, e. Ang bilis naman magalit nito.

Nagtipa ako ng reply sa kaniya.

Ako: Bakit? Dapat ba akong umiyak?

Thaigo: So, you really find it funny, huh?

Ako: Oo. Joke lang naman yun, masyado ka lang pikon.

Enzo: 👁️👄👁️

Sam: nangangamoy away. Popcorn kayo jan🍿🍿🍿

Dion: 🏃🏃🏃

Ako: HAHAHAHAHAHAHHA

*Thaigo is typing*

Thaigo: Y'all are so annoying.

Sam: luh, ka Eris, kasama ka. 'Y'all' daw, oh

I chuckled.

Ako: Mas annoying siya.

*Enzo replied to you*

Enzo: Boooommmm!!!

*Thaigo replied to you*

Thaigo: Humanda ka sa'kin bukas.

Natulala ko sa screen ng aking cellphone. Hindi ko alam kung kakabahan ba ako o...

*Dion replied to Thaigo*

Dion: Papunta palang tayo sa exciting part.

*Enzo replied to Thaigo*

Enzo: Bakit? Hahampasin mo rin siya?😂

Thaigo: No

*Dion replied to Enzo*

Dion: Oo, kaso ibang klaseng hampas daw 🤭

Sam: Lagyan mo kasi nang emoji sa dulo para mag ka idea si Eris.

Thaigo: what emoji?

Sam: 😋💦

Uminit ang pisngi ko. Alam ko naman kung anong ibigsabihin nun! Nakakahiya lang kasi yan yung pinag-uusapan namin!

Sam: Ulitin mo.

*Thaigo is typing*

Luh, uto-uto din ang isang 'to! Susundin nga niya sinabi ni Sam.

Thaigo: Humanda ka sa'kin bukas, Eris😋💦

Nag si 'haha' react sila sa message ni Thaigo habang binaon ko naman ang mukha ko sa unan! Bwesit!

Sam: Yun, oh

Thaigo: That's so embarrassing

Thaigo: @Eris. I'm just kidding, wife.

Enzo: Ang kalat

Dion: Thairis momints

Inangat ko ang ulo ko mula sa unan at tiningnan ko ang mga mensahe nila. May bagong mensahe si Thaigo.

Thaigo: I'm just kidding.

Pagtripan ko kaya 'to.Nag angry react ako sa message niya.

Sam: hala ka, Thaigo ginalit mo asawa mo.

Enzo: maybe she's not comfortable with our topic.

Gusto kong i-'haha' ang mga message ni Sam at Enzo pero hindi ko ginawa. Kunwari kasi galit ako lol.

Thaigo: I'm sorry...

Dion: Suyo pa more

Sam: 🍿🍿🍿

Thaigo: hey, baby.... @Eris

I bit my lower lip before typing my reply.

Ako: I hate you.

Nakita kong lima sila na sabay nag ta-type. Kasama na si Peter.

Bago pa sila maka reply ay naunahan sila ni Peter.

*Peter replied to Thaigo* (Humanda ka sa'kin bukas, Eris😋💦)

Peter: Ano to? Bold?

Tumawa ako sa reply niya. Nag back read pa ang isang to. Hindi ko na hinintay ang mga messages nila kasi nakita kong gumalaw si Eros. Gising na siya.

"Mommy, I have to pee" he said. His eyes were partly open at medyo magulo ang buhok.

Lalapag ko na sana ang cellphone ko sa mesa nang makita kong nag text si Thaigo.

Thaigo: Can I call?

"Mom! Naiihi na ako," napabaling ako sa anak ko na nakatayo na pala sa likod ko at pumapadyak padyak pa.

Mabilis akong nagtipa ng reply.

Ako: Later

Hindi ko na hinintay ang reply niya at agad ko nang hinila si Eros palabas ng kwarto.

Kinabukasan ay maaga kaming sinundo ni Thaigo. Medyo late na nga ako natulog kagabe kasi nag kwentuhan ulit kami ni ate Lisa. Nagpasalamat ako at nag-iwan din ako ng pera sa kanya at para kay Lily, ayaw niya pa sana itong tanggapin kaso pinilit ko siya. Iniwan ko sa mesa kaya wala na siyang nagawa. Sinabi ko rin na bibisita ulit kami sa kanila sa susunod.

"Tired?" Thaigo asked while driving. Nasa likod ang dalawa. Abala sa kani-kanilang mga gadgets.

Umiling lang ako.

Huminga siya ng malalim. "You didn't answer my calls and text last night,"

Nakalimutan ko siyang tawagan kahapon at hindi ko na charge ang phone ko kagabe kasi mahaba ang naging kwentuhan namin ni ate Lisa at natulog agad ako pagkatapos naming mag-usap dahil sa antok. Ngayung umaga ko lang nakita ang mga text at tawag niya bago niya kami sinundo. Nagpapanggap pala akong galit kahapon.

"You still mad?" He calmly said at huminto dahil nag red light.

I was about to tell him 'no' when his phone rang. Umiwas nalang ako ng tingin at kunware ay nanonood ng mga tao at sasakyan sa labas.

"Hello, Janine?"

Mabilis akong lumingon sa kanya dahil sa narinig. He look at me too.

"Yes, why?... right now?"

At sino naman ang Janine na 'yan?

Kinurot kurot ko ang mga daliri ko habang nakatingin sa labas.

"Ok...no, it's alright," sabi niya habang nakangiti.

Happy yan?

"I'll be there, Ja" then he ended the call.

Tas 'Ja' pa ang tawag? May pa tawag tawag pa sa nickname ng Janine na 'yon! Close sila??

Nahagip ng mata ko ang isang lalake na nagtitinda ng taho. Mabilis akong lumabas ng sasakyan. Hindi na ako nagpaalam kay Thaigo. Magsama sila ng Ja niya!

"Isa nga po" sabi ko sa likod ng tindero habang naglalakad ito. Napahinto siya at binalingan ako. Mukha itong gulat sa biglaang pagtawag ko.

"Isa lang po?" Nakangiti nitong sambit at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Medyo kakaiba ang pagtitig niya sa akin.

Naku, kuya huwag ka ng dumagdag! Hindi maganda araw ko ngayun.

Kumuha agad ako ng bayad sa purse ko. Napatigil ako saglit dahil nakarinig ako ng yapak mula sa aking likod. Alam ko naman kung sino 'yon.

"Eto po" sabi ko sabay abot ng bayad.

Nakangiti parin siya habang kinukuha ang bayad ko. May kasama pang paghaplos sa kamay ko! Napaatras ako ng kaonti. Ramdam ko ang presensya ni Thaigo sa aking likod.

"Eto na po, Ma'am"

Mabilis kong kinuha ang taho. Nilahad ko ang aking kamay para sa suki nang maramdaman kong may humawak sa aking bewang. Nabitin sa ere ang kamay ng tindero ng taho at dumapo ang mga mata nito kay Thaigo at sa kamay nito na nasa bewang ko.

"Isang hawak pa sa kamay ng asawa ko, tatamaan ka na talaga sa 'kin,"

Namutla ang lalake at tumingin sa akin at kay Thaigo ulit. Nagyun niya palang siguro napagtanto kung ano ang relasyon namin ni Thaigo.

Binaba ni Thaigo ang kamay ko at muling hinarap ang lalake.

"Keep the change," he coldly said and pulled me away from the taho vendor. Nakita kong tumango ito bago binalik ang pera sa kaniyang belt bag.

Narinig kong nagpasalamat siya pero hindi ko na siya nilingon imbes ay, kay Thaigo ako tumingin na seryoso ang mukha. Pinagbuksan niya ako ng pinto at agad akong pumasok, umikot naman siya sa kabila.

Pagkapasok namin ay nakita kong natutulog na sa back seat sina Thairon at Eros. Nagsimula na ulit mag drive si Thaigo habang kumakain naman ako ng taho.

"After lunch, pupunta ako sa kumpanya," wika niya sabay baling sa akin. Tumango lang ako.

"Janine is my secretary,"

I rolled my eyes.

"Tumawag siya sa 'kin about my schedule-"

"I didn't ask," I coldly said habang hinahalo ko ang aking taho. I heard him sighed.

"Matagal ko na siyang secretary. I call her Ja sometimes. It's her nickname. The employees call her by her nickname too"

" e, ba't ngiting ngiti ka habang kausap mo siya kanina?" hindi ko na napigilan ang aking sarili.

I look at him and I saw a ghost of smile in his lips.

"Are you jealous?"

"No!" Mabilis kong sagot

He sighed. "Then what do you want me to do? Pretend that I'm angry and raise my voice on her?"

Humarap ulit ako labas nang magsalita siya.

"Hindi ba pwedeng, masaya lang ako kasi kasama na kita,"

Hindi ako lumingon sa kanya at mas lalo ko lamang nilapit ang aking mukha sa bintana.
Palibahasa! alam na alam mo kung paano ako kunin!

"I haven't seen you for 3 days," he cleared his throat.

"I miss-"

"Matutulog muna ako," I cut him off at nilagay ang plastic cup na wala nang laman sa kanyang dash board at sinandal ang aking ulo. Agad rin akong pumikit at pinipigilan ang sarili na mapangiti.

Narinig ko ang marahas niyang paghinga.

"Galit ka sa 'kin mula pa kahapon,"

Gusto kong matawa. Akala niya talaga nagalit ako kahapon dun sa may gc! Dagdag pa na hindi ko sinagot ang mga tawag niya kagabe.

"What can I do to make you forgive me? Do you want to buy some clothes? Jewelries? New shoes? Do you want to have a vacation in Paris?"

Napamulat ako dahil sa mga sinabi niya. Agad na nagtama ang mga mata namin.

"A gucci bag?" he asked.

Umiling ako at sumandal ulit.

"What brand do you prefer?" Hindi ako sumagot.

"Chanel?"

"No," I said

"Louis Vuitton?"

"No,"

"Balenciaga?"

"Hindi ako bibili ng bag,"

"A Mall then? car? new house?. Name it,"

Grabe na talaga ang lalakeng 'to!

"Wala akong gustong bilhin, okay?" sabi ko at muling pinikit ang aking mata. Nakita kong may sasabihin pa sana siya kaso talikuran ko na siya.

Sige lang, Eris. Pag tripan mo lang ang asawa mo.

Pagkadating namin sa Mansyon ay nagtanghalian kami. Naligo at natulog ako pagkatapos habang dumiretso naman si Thaigo sa kaniyang kumpanya.

Thaigo's POV

Damn, that woman. Miss na miss ko na nga siya tas galit pa sa 'kin pag-uwi ko. She was avoiding me the whole time. Nung umalis ako kanina para magpunta sa kumpanya, naliligo siya, pagka uwi ko kaninang mga ala sais, nasa kwarto siya ni Eros, nakikipaglaro sa anak namin.

Pagod na nga ako sa byahe at trabaho, ayaw niya pa akong pansinin!

"Hindi parin kayo bati?" Sam asked.

Umiling ako at nilapag ang aking baso sa mesa.

"It's Dion's fault, he started it all, " Enzo smirked at Dion who's sitting beside me. I think, he's already drunk.

"Oh, ba't ako lang?! Ba't ako sinisisi niyo?? Ba't parang ako pa ang may kasalanan, ha?" Dion said while pointing at himself.

"Lasing na ang isang 'to," Sam shook his head before he lit up his cigarette.

Nasa labas kami ngayun, sa garden. Peter is not with us. He's kinda busy.

Tumingala ako sa pangalawang palapag ng Mansyon. I look at the window of our room.

Is she still awake? Should I talk to her? O bukas na?

Yumuko ako at inubos ang natirang laman nang bote ng alak. Kung ayaw niya parin akong kausapin, at least, makakatulog ako naman ako ng mabilis kung sakali. Dahil kung hindi ako iinom ngayun ay baka hindi ako makakatulog kakaisip kung kelan niya ako kakausapin.

"Pre.... yung mga batch mate natin, pre..." biglang nagsalita si Dion at tinulak ang balikat ni Sam.

Inis siyang binalingan ni Sam.

"Ano, na naman?"

"May mga anak na," si Dion

"Ulol, hindi tayo mag batch mate, mas matanda ka sa 'kin!"

" Yung iba nga, kinakasal na..." Pagpapatuloy ni Dion. Namumula na ang kaniyang pisngi.

"Pakealam ko," sabat ni Sam. "Sa tiktok na naman ba 'yan?

Muling lumapit si Dion sa kaniya at hinampas ang balikat niya.

"Aray!" reklamo ni Sam.

"Pero tayo pre...Humihinga lang hanggang mamatay, Rostaaar!" Tumayo ito at tinaas ang isa niyang kamay, showing a devil horns hand gesture.

Napailing nalang ako bago tumayo.

"Malala ka na," Sam said and Dion just laugh.

"Matutulog na ako," paalam ko sa kanila. "Dito ka na matulog, Sam" agad naman siyang tumango.

"Ikaw na bahala sa isang 'yan," I smirked and look at wasted Dion who's smiling like an idiot.

Hindi pa naman ako lasing pero medyo nahihilo lang ako. Pagkapasok ko sa kwarto ay nakita kong natutulog na si Eris. Dumiretso ako sa banyo para makaligo.

Pagkatapos kong maligo ay humiga ako sa tabi ng aking asawa. Hinaplos ko ang kaniyang buhok at pisngi. I leaned closer face for a kiss when she suddenly opened her eyes and pushed me.

I smirked. Nagpapanggap lang ata siyang tulog, e.

I was about to hold her hand but she instantly covered it with blanket. Pinikit niya muli ang kaniyang mga mata.

"Galit ka na naman," I said, gently.

Tinalikuran niya ako. Umusog ako palapit sa kanya at niyakap siya mula sa kaniyang likod. She didn't prostest, tho.

"What's wrong with my baby?..." I whispered to her ear.

"Mood swings?" I added while caressing her baby bump.

She didn't say anything.

Mas lalo ko lang hinigpitan ang yakap ko sa kaniya at hinalikan ko ang kaniyang buhok. Damn, she smells so good.

"Why is my preggy wifey so mad at me, hmm?"

Umikot siya at hinarap ko.

"Matulog ka na. You're drunk," she said.

"I'm not,"

"You are,"

"I said, I'm not,"

Damn, this woman.

"Lasing k-"

I cut her off using my lips. Ayaw mong tumigil, a.

"Hindi nga ako lasing," I said against her lips. She looked shocked. I can tell that she's blushing because of my kiss!

"o-okay," she said. She was trying to push me but I didn't move.

"Sabihin mo sa 'kin ngayun kung anong dapat kong gawin para kausapin mo ako,"

Umiling lang siya.

What?

"Wala? tas ano? Hindi mo na naman ako papansinin?," Lumayo ako sa kanya. I close my eyes and place my right hand on my forehead.

Minsan, nakakapagod na intindihin ang mga bababe o... mga buntis?

"Seryoso ako Victoria. I want to know!" Binalingan ko siya. Nakatitig na pala siya sa 'kin.

"Anong gusto mo?" Seryoso kong tanong.

"Ikaw,"

Tangina!

"Are you serious with that answer?"

She nodded her head like a kid.

"Hindi naman ako galit sa 'yo. Kahapon at kagabe. Pinag tripan lang kita although, kanina dun sa secretary mo,uhm... medyo nagselos ako pero hindi talaga ako galit sa 'yo..." She was suppressing a smile while I'm frowning.

"Sinadya kong hindi ka pansinin, Pinag-tripan ki-"

"fuck, don't do that again!" I pulled her into a tight hug.

"I'm sorry," mahina niyang sabi sa aking dibdib.

Ano ba 'yan! Isang sorry niya lang nawala na agad galit ko sa kaniya. This is so unfair.

"Damn, I want to be mad at you Victoria. I was so hella tired from work tas ayaw mo akong pansinin pag ka uwi ko dito? Ni hindi kita mayakap o mahalikan mula kaninang umaga kasi akala ko galit ka sa 'kin..."

She look at me with teary eyes then I felt her hand on my right cheek, wiping my tears.

Holy shit, I'm crying! Epekto ba 'to ng alak o ano.

"Tangina naman, e " I buried my face on her neck as she caressed my back.

"I was deprived of your presence for three days tas pag-ti-tripan mo lang ako,"

I probably sound so stupid right now but I don't care. Baka nga lasing na talaga ako. Hell, Gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko.

"Sorry na... hindi ko na uulitin," malambing niyang wika.

Thank God, at hindi na nagpatuloy ang mga luha ko. I continue to hug her tightly. I just miss her so much.

"Thaigo," she was trying to get my arms away from her. " Thaigo ang init tsaka baka naiipit na si Lia," masyado na atang mahigpit ang pagkakayakap ko sa kaniya.

Wait, who?

"What did you say?" Tanong ko nang lumayo na ako sa kaniya.

"Ang higpit kasi ng yakap mo sa 'kin. Baka maipit si Lia,"

"Lia?"

"Baby natin,"

Wait, how did she- what, how?...

"You already gave our child a name? We still didn't know the gender,"

Unless she... Pero ang usapan namin ay sasama ako kung mag papa ultrasound siya.

"Don't tell me..." I narrowed my eyes on her while she's just smiling at me.

"Hindi ba ang usapan natin, sasama ako-"

"Surprise! It's a girl!" Bumangon siya at may pinakita sa aking papel. Bumangon narin ako at kinuha ang papel na hawak niya.

I look at the ultrasound and read the gender of our baby.

It's a girl! Finally!

"Sinadya kong huwag sabihin sa 'yo para surprise!"

Agad akong lumapit sa kaniya at hinalikan ang kaniyang tiyan.

"Hello there, my little princess," bulong ko sa tiyan na.

"I already have a name for her,"

I look up to her. "Lia, right?" I said.

"Nickname niya lang 'yon. Yung complete name niya is Thalia Ellise!"

"Thalia Ellise, short for Lia, hmm..." nag-isip ako.

"What? Panget ba?" She asked.

Umiling ako. "Maganda,"

Agad siyang ngumiti.

"Pero mas maganda ka," I said and planted a kiss on her lips.

______

THANK YOU FOR THE 1 MILLION READS!!

Please support Thairon story! BEHIND HIS BLACK MASK (Mafia series #2) already published!

I will edit some of the scenes po pala. Magbabawas at magdadagdag po ako sa ibang chapters:)
Yung name pala ng baby girl nila is from @__prxtty ^^

Salamat sa pagsubaybay sa storya ni Thaigo at Eris. Bawat comment, reads at vote po ay sobrang na-a-appreciate ko. Hindi ko po inaasahan na madami po ang magbabasa nito. Mahal na mahal ko po kayo! Sana suportahan niyo din po ang iba ko pang stories^^

Started: March 14,2022
Finished: May 3,2022

Social media accs:

Fb: Real Clovertell
Twitter: Clovertell
Tiktok: real_clovertell

Continue Reading

You'll Also Like

37.2K 511 55
Title : IM SECRETLY INLOVE W/ MY STEPMOM ( GXG ) Published : October 29, 2022 ( Ongoing ) Author : Secretdreamer_9 " Alam kong mali ang mahalin ka Gi...
228K 4.1K 87
Apat na taon ng kasal si Shu sa isang lalaking ni minsan ay hindi pa niya nakikita o narinig manlang ang boses. Palibhasa ay hindi naman siya dapat a...
180K 3.2K 29
Started: May 2, 2022 Ended: May 10, 2022 Old title: The Gloomy Sunset And The Wolf -UNEDITED
87.4K 1.5K 66
Zoey Amanda Carpio was determined to keep a low profile until graduation but then.. maybe fate has other plans for her and her friends and it has som...