Never Thought

By JustMe_R_

11.3K 529 129

I am not a fvcking gay. I don't like dumb people. But I Never thought... that I would fall in love with my d... More

Chap 1
Chap 2
Chap 4
Chap 5
Chap 6
Chap 7
Chap 8
Chap 9
Chap 10
Chap 11
Chap 12
Chap 13
Chap 14
Chap 15
Chap 16
Chap 17
Chapter 18
Chapter 19
>3
Chapter 20
Chap 21
Chap 22
Chap 23
Chap 24
Chap 25
Chap 26
Chap 27
Chap 28
Chap 29

Chap 3

429 22 0
By JustMe_R_


Calliopi (PoV)

"Tingnan nyo si calliopi sad gurl na naman. Hahahahah.." binatukan naman ni yangken si reese.

"Nag-eemote nga yung tao eh."

"Huy, ano na naman iniisip mo?" Tanong ni jea sabay upo sa tabi ko.

"Hay nako, ano pa ba, eh di si averi na naman." Sagot naman ni bakla.

"Hindi yun bakla, si ma'am ang dahilan."

Napatingin naman ako kay dev ng nakasimangot.

"Oh bakit naman? At sino naman na prof yang sinasabi mo?"

"Si Prof Vastes." Ako na sumagot sa tanong ni jea.

"Talaga yopi?! Ibig sabihin prof nyo ngayon si Ma'am Vastes? Naks naman oh! Ang swerte!" Napakunot naman ang noo ko sa pinagsasabi nitong reese nato.

"San naman ang swerte don?" Eh kilalang terror nga yun eh!

"Maswerte kaya kapag maganda at sexy yung naging prof mo. Nakaka-motivate pang mag-aral sa araw araw lalo na't makakakita ka lagi ng dyosa at lalo na kapag makakakita ka ng malaking dib-" Binatukan naman ito ni yangken ulit.

"Sobra ka na ah!" Sigaw naman pabalik ni reese.

"Puro kalaswaan kasi yang iniisip mong tomboy ka, daig mo pa lalaki."

"Ano namang malaswa don?! Tsaka, bakit ikaw hindi kaba--"

"Tumigil nga kayo dyan! Para kayong mga bata!" Saway ni jea. "So ano nga yopi? Anong meron kay Prof Vastes? Pinagalitan ka ba?"

Napabuntong hininga ako at napatango.

"Nako, kung ako si yopi, magiging masaya pa ako, crush na crush ko si ma'am kaya ok lang sakin kung-"

"Reese ha, tumigil kana. Kung gusto mo ng babae pwes maghanap ka sa iba wag lang yang si Ms. Vastes o kahit na sinong prof dito."

"Tch. Pakialamera tong beki nato. Btw, ano ba kasing nangyari yopi?"

Bigla ko namang naalala yung scene kahapon.

"Pinagalitan ako eh.." nasabi ko lang.

"At pinagawan pa sya ng sampung page na papel na may nakalagay na 'Sorry, I won't do it again' HAHAHA.. daig nya pa yung mga studyanteng nalate! HAHAHA" Tawa ni dev.

Bigla naman akong napatingin sa kamay ko. Hanggang ngayon ata mukang nangangalay pa yung kamay ko. Pero hanggang ngayon... hindi ko pa nakalimutan yung nakita ko kahapon sa boyfriend ni ma'am at nong isang araw kay sir ruiz.

Grabe si Ma'am..

Pinagsabay nya ba yung boyfriend nya? Grabe na yun ah.

Nong isang araw nakita ko silang dalawa ni Mr. Ruiz na naghahalikan, tapos kahapon naman ibang lalake yung nakita ko.

Adik yata si ma'am sa halik. Siguro bukod kay Mr. Ruiz at don sa lalake kahapon may iba pa syang ibang lalake. Minsan ko na kasing naririnig sa usap usapan dito na paiba iba raw ang naging boyfriend si ma'am tapos minsan pa ay pinagsabay nya. Bali-balita ito dahil yung mga naging boyfriend kasi ni ma'am eh sikat raw kaya naman nalalaman ng iba.

"Huy!" Nabalik naman ako sa wisyo ng sitahin ako ni yangken. "Ang sabi ko anong dahilan at ginawa sayo yun?"

Bigla ko namang naalala yung sinabi ni ma'am nong nakaraan at kahapon. Nong nakaraan pinagbantaan ako, tapos kahapon naulit uli dahil nakita ko na naman syang may ka-anuhang iba. Pagkatapos nong nakita ko kahapon agad nya akong pinatawag at kinausap ako ng pabanta.

Hays, kasalanan ko na naman. Naiwan ko kasi yung panyo ko sa kung saan kaya ayun bumalik ulit ako don para hanapin. Naka-dalawang katok pa ako sa pintuan nya kahapon pero mukang di nila ako narinig kaya naman pumasok na ako at may nasaksihan na naman. Matapos umalis nong lalaki pinagalitan ako at yun na.

Sasagutin ko na sana si yangken nang biglang dumating ang grupo ng mga cheerleaders. Siguro magpa-practice. Hindi naman maiwasan ng mga mata ko ang hanapin ang nag-iisang taong gusto ko ng iwasan at ayun nga sya..

Nakasuot ng cheerleader uniform na bumabagay talaga sa ganda at sex appeal nya.

Nandito kami ngayon sa basketball court. Lunch break namin ngayon kaya pagkatapos naming mag lunch kanina sa cafeteria ay dumeretso kami rito kagaya ng request ni yangken.

"*ehem* so? Tara na?" Saad ni dev nang mapansin nya siguro akong nakatingin sa gawi ni averi.

"Great idea dev, ang boring dito eh, wala naman palang practice mga varsity player ngayon." Bulong ni bakla.

"Mamaya na ano ba kayo." Reklamo ni yangken habang nakatingin sa grupo ng mga cheerledears na ngayong nag wa-warm up excercise na.

"Tch. Kaya naman pala nag request na pumunta rito dahil alam nyang may practice si frit--mhp" tinakpan agad ni yangken ang bibig ni reese.

"Malapit narin mag 1, may next class pa kami ni dev. Mauna na muna kami." Sabi ko at wala sa sariling napatingin sa grupo na naman ng mga cheerleaders at nanlaki naman ang mata ko nang napatingin sa diresyon namin si averi.

"Kami din ni jea mauna na. Ikaw reese samahan mo nalang si yangken dyan kung ayaw pa nyan umalis."

Napaiwas agad ako ng tingin sa sobrang kaba.

"Sige, magtitingin pa muna kami sa mga chix dito." Reese.

"Puro ka nalang talaga chix"

"Eh ikaw bakla akala mo ba di ko alam na inaantay mo yung mga varsity player rito na magpractice?!"

"M-mauna na ako."

Mukang di pa nila napansin ang sinabi ko dahil nakatutok sila sa nag-aasarang sina ryan at reese.

Nauna na akong bumaba sa bleachers para makaalis na kasi hindi talaga ako mapakali sa titig ni averi.

Mabilis akong naglakad palabas rito sa court. Hindi ko nga alam kung nakasunod ba sakin si dev sa sobrang pagmamadali ko pero napahinto ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na tumawag sakin.

"Calli.."

Boses palang nya para ng bomba yung dibdib ko sa sobrang lakas ng kabog.

"Can we.... talk?"

Napalunok ako. Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Please?.."

Face her yopi! Wag kang maging duwag at tanggapin na ang lahat!

Napalunok uli ako.

Dahan dahan akong humarap sa kanya nang nakayuko.

"You have been avoiding me cali.." may bahid na lungkot na saad nito kaya napahawak nalang ako sa dalawang kamay ko habang nilalaro ang nga dalire.

"I..I'm sorry... h-hayaan mo, m-makikipag usap ako.. P-pupunta ako sa inyo mamaya."

"Talaga?!" Parang nae-excite na tanong nito.

"O-oo naman hehe.." saka ako napatingin sa kanya at nagulat ako ng bigla itong yumakap sakin.

"Calli... I miss your presence."

I sighed.

She's giving me a mix signal again. Pero one thing is for sure na alam ko ngayon.. what she means by that is.. she misses my presence because I am her bestfriend. And I'm now aware kung tungkol saan ang pag-uusapan namin mamaya. Kaya hanggat maaari, ihahanda ko na ang sarili kong masaktan.. ulit.

Gabi na nang makapunta ako sa bahay nila averi. Pinagbuksan ako ng guard sa malaking gate ng mga montesorri kaya agad ko ng pinapasok ang scooter bike ko.

Pagkarating ko pinark ko na agad sa malawak na parking space nila ang scooter bike ko. Parang nakakahiyang ipark ito sa mga nagagandahan at mamahaling sasakyan nila rito pero nasanay naman ako.

Noon palang pumupunta na ako rito sa mansion nila ave, heck, bata pa nga lang kami halos dito na ako tumira eh. 

Yung daddy ko at daddy ni averi ay magkaibigan since college kaya nong grumaduate sila, si tito Macario Marcel na daddy ni averi ang pumalit sa pwesto ng mga magulang nya sa pag manage ng pinakamalaking hospital dito sa bansa. Tinulungan naman ni tito si daddy na ipasok sya sa hospital na pagma-may ari nya kaya ayun, sabay pa silang nag asawa at nagka-anak kaya heto, bata pa lang mag-kaibigan na kami ni averi. It's so sad na hanggang doon lang.

Naabutan ko agad si averi sa malaking pintuan nila na nakatayo na mukang inaantay ako kaya nong makita ako ay agad nya akong pinapasok.

Ngayon nandito na kami sa kwarto nya at kasalukuyang nag-uusap.

"I know the reason why you avoid me... ever since merk and I started dating a few days ago, you also started to ignored me. Hindi ka na pumupunta dito sa bahay kahit na birthday ni mom, nandito pa yung mga magulang mo pero ikaw hindi ka umattend. Ilang araw din kitang tinatawagan at tinitext pero di mo naman sinasagot... ilang beses na rin akong nag try na lapitan at kausapin ka sa school pero umiiwas ka lang.." Bumuntong hininga ito at hinawakan ang kamay ko, habang ako naman ay nakayuko parin.

"Calli... alam kong iniisip mo na hindi ko kino-consider ang feelings mo... Alam kong iniisip mo na pinapaasa lang kita. Calli no, it's just that.. hindi ko lang kayang suklian ang nararamdaman mo.. hindi ko alam kung ano ang gagawin ko nang sinabi mong gusto mo'ko not as a friend but more than that.. aaminin kong na-awkward ako calli. Pero calli hindi talaga nagbago yung paningin ko sayo. Ayoko lang saktan ka calli, alam mo naman na bestfriend kita diba? And I'm really sorry to say this but... hanggang don lang yun."

Napapikit ako at paulit ulit na tumango. Tumaas ang tingin ko at nakipag titigan sa kanya.

"I-i know... I'm.. aware of that. I'm sorry if... feeling mo i-iniiwasan kita.. kasi ave... nasasaktan lang ako. Umiiwas lang ako sayo kasi gusto kong mawala na'tong nararamdaman ko.. para sayo. I really need some space ave.. I really need to get rid of this feeling lalo na't wala talagang sasalo nito." saad ko at tuluyan ng tumulo ang mga luha ko.

Napakaiyakin ko talaga.

Averi look at me with sympathy which is ayaw na ayaw kong maramdaman nya.

"I'm sorry if nasasaktan kita.." ave said with full of sincerity.

"No, please ave.. don't blame yourself if nasasaktan ako ng ganito. Wag mo'kong kaawaan dahil lang hindi mo 'ko kayang mahalin pabalik. I can handle myself okey?" Pinunasan ko ang luha nyang kanina pa pinipigilan.

"And wag kang mag-alala.. hindi na kita iiwasan. We will remain as bestfriends kaya wag ka ng matakot na hindi kita papansinin ok? "

Ngumiti naman ito at agad akong niyakap.

"Thankyou... a-akala ko.. iiwasan mo na ako ng tuluyan. A-akala ko talaga iiwan mo na ako. *sob* wag mo na akong iwasan ok? Wag na wag mo'kong iiwan, hindi ko kayang mawala ka bestfriend." Umiiyak na saad nito at natawa nalang na naiiyak din.

"Hinding hindi mangyayari yun." Sabi ko sabay haplos sa buhok nya.

Hindi dapat maapektuhan ang pagkakaibigan namin dahil lang dito sa nararamdaman ko. Hindi dapat ako magpaka-selfish.

Averi and I were bestfriends since the day we born. Ang dami na naming pinagsamahan kaya as far as I can.. pipilitin kong mawala ang kung ano man ang kakaibang feelings na'to para lang hindi masira ang friendship namin.

"I love you.. bestfriend." She said.

Meisi

"Hey mom, what's up?" I ask while eating ice cream.

[I just wanted to tell you that I'll be back this month on 30th in saturday.] Mom said.

"And?" I ask again still focusing my eyes at the movie while eating my delicious ice cream.

[Are you not excited about it?]

I suddenly laugh sarcastictly.

"Mom, it's not that I care enough about it. I'm not the same little girl anymore that get excited whenever you are announcing that you'll coming back at home. I'm use to it now mom. Ngayon pa na matanda na ako."

My mom is always been busy in her company at france. She has the biggest and one of the most popular clothing brand all around the world which called as Va 's Tes. That brand has a lot of branch around the world and it so popular. Mom's wealth is no joke for real.

Mom actually want me to take over her business pagkatapos kong maka graduate noon sa college. But thankfully, I manage to convince her na gusto ko muna talagang i pursue ang pinaka-pangarap kong career. At yun nga ay ang maging isang professor.

"Ugh, nevermind brat, please tell to your brother that I'll be returning at home this saturday and I want us to have a dinner after that, got 'ya?"

"Yeah, yeah, btw mom, is dad coming with you?" I ask but mom scoff.

"Don't ask me about your dad. I'm so pissed at him for not coming with me, he just said that he have to finish first his business in dubai and he will just come home afterwards, argh! I really hate your dad right now." Mom said really pissed.

Maging ako rin naman. Kahit hindi ko sabihin o hindi ipakita, I want me and my family to get along sometimes. Minsan lang kasi talaga iyon nangyayari dahil sa sobrang busy nila lalo na si daddy.

Daddy is also a businessman. A powerful businessman rather. He was literally one of the most prominent business man not just in asia but around the world.

My dad is a french but half filipino. My mom is also a fililino but half american. Lumaki silang dalawa rito mula pagkabata at dito narin nagkakilala and at the end, sabay pa silang naging successful dala narin ng namana nila sa kanilang magulang.

"Btw, muntik ko ng makalimutang pagalitan ka. Why are you hanging out with someone else, valeste? You and Saviel are dating for over 2 years and yet mababalitaan ko na naman na may iba kang kinakalantaryo?!" I huffed and roll my eyes.

"San mo na naman ba nabalitaan yan, mom?" I ask not really interested.

"You are hanging out with James Coren, the most popular basketball player in PBA. So do you think na walang article na lalabas sa inyung dalawa matapos nilang makita na nag de-date kayo sa subic few days ago?"

Damn, napakabilis nya talagang makahanap ng balita tungkol sakin tsk!

"Whatever mom, it's not a big deal. Hiniwalayan ko narin naman sya matapos ang news na yun." Bored na sabi ko at lumunok ulit ng isang kutsarang ice cream.

"But Valeste! You know na malalaman na naman ni saviel na may iba ka na namang kabit! Hindi ka ba nahihiya o naaawa man lang sa kanya dahil dyan sa pinag gagawa mo?"

Ugh, kabit agad?! Hindi pa nga mag- asawa kung ano ano nalang pinagsasabi nitong si mom! Palagi nalang nanenermon!

"I don't care mom, siguro sanay naman rin sya don dahil confident syang sa kanya parin ang bagsak ko kahit na I'm cheating on him. Sya pa nga nagsabi non eh tss."

Yeah, he confidently said that. Nong nalaman nyang may issue ako tungkol sa ibang lalaki, he's just being silent pero nang magtangka naman akong hiwalayan sya, don na sya nagagalit ng sobra at nilalabas pa nya lahat ng selos nya. Nevertheless, he just couldn't let me go so ino-ok nalang nya ang lahat tutal sakanya parin naman daw ang bagsak ko, tss. The audacity of that man na sabihin sakin yun! Tingnan nalang natin.

"I don't know what to do about you anymore, brat! Ewan ko kung san ka nagmana at panay  nalang ang paglalaro mo dyan sa mga lalaki. Tatawanan nalang talaga kita kapag makahanap ka ng katapat mo na maging karma mo sige ka."

"I doubt that. Bye mom!"

"Hey! I'm not yet done--"

I end up the call dahil ayoko ng makarinig pa ng kunga anong kasermonan. Nakakarindi!

Pagkatapos naman ng call ay may natanggap akong text kay Faith.

[We're here nila trinity sa club ni kobi. Get your ass up and let's have some fun!]

Tss..

Magpapahuli ba ako?

It's past 9; 30 pm when I arrive at the Night Club that kobi owns. I get out of my Black Porche car while wearing a Black Sleeveless dress and a black stelletos.

Pagkapasok ko palang sa loob ay tunog ng agad ng nakakabinging music ang narinig ko.

"Hey, beautiful.."

I did not mind the guy who approach me and also didn't mind those creepy guys at the side that keep staring at me while whistling. I just walk passed by them and head towards the VIP room like what faith texted me earlier.

"There she is!" Franco said in unison when I entered here at the VIP room.

"Gorgeous as always sisy!" Faith said.

"Just like you, sisy." I also said and sit beside them.

We started drinking and chating while laughing.

"Hahahah! That was hilarious!" I said while laughing my ass off and didn't mean to look around but then, I spot someone.

I furrow my brows nang mukang familiar ito sakin.

Ang VIP room na ito ay na sa second floor pero hindi naman masyadong mataas at matatanaw mo naman yung mga taong nag-iinuman at nagsasayawan sa baba kaya naman.. parang familiar talaga sya sakin.

The lights are dim and medyo malayo sya banda dito but still, nare-recognize ko parin talaga kung sino ito.

I think yan yung babaeng tanga na studyante ko.

What is she doing here huh? At sya lang talaga mag isa? Hindi ba't bawal rito ang menordi edad? Tch. Whatever--

"Hey, Meisi." napatingin naman ako sa harapan ko. "Sino tinitingnan mo?" Tanong ni gratchell.

"Wala naman, don't mind it." I just said and sip the wine.

"Nako, baka naghahanap na naman yan ng bagong target." Sabi ni trinity sabay tawa.

"Hindi pwede yan sisy ha, you are commited to saviel already kaya itigil mo na yang paglalaro mo sa ibang boys." Faith said.

"Sisy faith is right sis, palagi nalang namin nababalitaan na may issue kang nakikipag hang out sa ibang boys kahit commited ka na kay saviel, i know that alam na ni saviel yung mga issues na yun pero buti nalang ay hindi na sya nagsalita pa." Gratechell said.

"Right, kaya itigil mo na yang hobbies mo gurl dahil may nasasaktan ka ng tao." Franco the gay said.

Napairap naman ako sa kanilang lahat dahil ayan na naman sila sa mga advice nila. Napatingin din ako kay kobi at magsasalita na sana sya.

"Ano, may idadagdag ka?" Mataray na tanong ko rito kaya napakamot nalang ito sa ulo.

"Tss. You know what guys? Just don't mind me. Para kayong si mom and dad eh, nakakainis." Iritang saad ko at uminom uli ng wine.

"Che, concern lang kami sayong gaga ka.  Ayaw lang namin na makarma ka dyan sa pinaggagawa mo. Tsaka, halur, hindi ka na ba naaawa kay papa saviel?" Oa na saad ni franco.

"Oo nga naman meisi, halatang mahal ka nong tao eh, makipag hiwalay ka nalang kung gaganyanin mo lang yung tao." Singit naman ni kobi.

"Alam nyo, ewan ko sa inyo. Wag na nga lang natin pag usapan si saviel rito. We're here to have some fun. Hindi yung hina-hot seat nyo'ko!" Inis na saad ko sa mga ito kaya nag change topic nalang kami habang patuloy sa inuman.

I'm a lil bit tipsy habang sila naman ay mukang lasing na talaga. Hindi ako pwedeng magpakalasing ngayon dahil may pasok pa ako bukas.

Napatingin naman ako sa wrist watch ko at 12 am na pala! Tsk, i still have a class for tomorrow.

"Sorry guys but I have to go, may class pa ako bukas eh."

"Mamaya na meisiii.." lasing na saad ni bakla habang hinihila ang wrist ko paupo.

"No franco, i have to go." Sabi ko sabay pilit na kinukuha ang wrist kong hawak nya. "Kayo guys umuwi narin kayo at magpasundo nalang sa mga driver nyo ha. Byee.." 

Isa isa ko silang hinalikan sa pisngi bago umalis. Pagkalabas ko ng bar ay agad kong tinungo ang sasakyan ko at nag drive na paalis.

Dahan dahan ko namang hininaan ang pagda-drive ko nang may makita akong scooter bike at nakahilatang tao sa daan.

Oh my god!

Mabilis kong hininto ang sasakyan ko sa gilid at tinungo yung taong nakahilata.

"Oh my god, are you ok?" Gulat na tanong ko at napatampal naman ako sa naitanong ko.

What a dumb question is that, meisi?

Damn.

What should I do?!

Nabalisa ako saglit sa kinatayuan ko habang nakatingin sa nakahilatang tao pero kalaunan din ay napagpasyahan kong lumuhod para tingnan kung buhay pa ba. Oh gosh, Hope this person still alive!

"H-hey.."

Nagdadalawang isip pa ako kung hahawakan ko ba sya pero nanlaki ang mata ko nang bigla itong nagising.

G-gising pa sya!

Dahil sa ilaw na nanggagaling sa poste ay naaninag ko ang muka nito. Nakasuot pa ito ngayon ng helmet pero nang dumilat ang mata nito ay na recognize ko kung sino sya.

Oh my...

This is my student! Yung babaeng tanga!

"Nasa langit na ba ako?" She mumble but i can still hear what she said.

Tanga nga!

"H-hey, get up!" Balisang saad ko at tinulungan syang bumangon at napadaing naman ito habang hawak ang kaliwang braso nya.

"I should bring to the hospital, get up!" Papatayuin ko sana ito pero nanatili lang syang nakaupo habang nakayuko.

"Listen, help yourself to get up and I will guide you para maihatid kita sa hospital."

Dahan dahan naman itong tumingin sakin at nanlaki ulit ang mata ko nang makita ko itong nakanguso habang may mga luhang tumutulo sa mga mata nya.

Hindi ko alam ang magiging reaksyon ko pero para syang bata kung umiyak. Cute..

"M-masakit.." napairap nalang ako.

"Kaya nga iihatid kita sa hospital--"

"Masakit dito." Sabay turo sa dibdib nya.

May pinagdadaanan yata tong bata na to. Amoy alak pa sya. Sya pala talaga yung nakita ko sa bar kanina na umiinom nang mag-isa. Sa sobrang lasing siguro nito ay natumba yata sya gamit ang scooter nya.

"Halika na.." nasabi ko nalang at inalalayan ko syang tumayo. Buti naman sumunod sya.

Habang nagda-drive ako ay di ko mapigilang tumingin sa kanya kasi humihikbi parin ito ngayon.

Di ko naman mapigilang maawa.

Gosh, why do i have to witness this kind of situation? At bakit ba ako naaawa? Ugh, ofcourse I am kasi she's one of my student.

"Your my honny bunch sugar punch pump kin pump kin pump kin.. your my sweet sweer pie.."

Bigla naman akong natawa ng mahina nang bigla nalang itong kumanta kahit na humihikbi at mali pa talaga ang lyrics.

"Huy, ikaw." Napatingin naman ako sa gawi nito at tinaasan sya ng kilay.

"Parang kilala kita ah." Namumungay na matang saad nito at kung magsalita halatang lasing na lasing. Di ko nalang ito pinansin at nagfocus lang sa pagda-drive.

Nagitla naman ako nang bigla syang napasinghap.

"Sh*t na malupit! Ikaw si ma'am sexy! Ikaw si ma'am si sexy na adik HAHAHAHHA" kunot noo akong napatingin rito.

"What?!"

"Ikaw yung adik sa kiss! Dalawang beses kaya kitang nakita.." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi nito.

"Gusto mo bang itulak kita palabas?!" Galit na sabi ko pero kakamot kamot lang ito ng ulo. "Pasalamat ka pa dyan tinulungan kita eh. Tch." Inis na saad ko.

Sana iniwan ko nalang tong bata nato doon. Kahit lasing naaalala parin yung nakita nya!

Pagkarating namin sa hospital ay agad ko syang kinonfine don.

"So ayun.."

Inexplain ko sa nurse kung anong nangyari sa batang to kanina.

"Salamat po sa pagtulong sa kanya ma'am, anak po ito ni doc francis, sandali lang po tatawaga--"

"Where is she?!" Bigla namang dumating ang naka-uniporming lalaki na nasa late 50's ang edad. I think heto yung ama ng bata na doctor.

Hinawakan agad nito ang kaliwang pisngi ng natutulog na anak.

"What happened?"

Tanong nito na sinagot naman ng nurse ang kahat ng kinwento ko kanina. He's very thankful for me na ako yung nakakita at tumulong sa anak nya. Ani nito, hindi naman daw mahilig maglasing ang anak at wala itong bisyo doon pero hindi nya alam kung bakit nagkaganito sya ngayon.

"Ano pangalan mo iha?"

"Uhm, valeste nalang po." Magalang na saad ko at nagpasalamat ito ulit. "Sige po, aalis na ako."

Nagpaalam din ako sa nurse at lalabas na sana nang marinig ko ang panghuling sinabi ng studyante ko.

"Gusto ko pa ng beer!"

Continue Reading

You'll Also Like

731K 38.8K 21
๐’๐ก๐ข๐ฏ๐š๐ง๐ฒ๐š ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐ฑ ๐‘๐ฎ๐๐ซ๐š๐ค๐ฌ๐ก ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ๐€๐ง๐ข๐ค๐š ๐‘๐š๐ข ๐ฑ ๐Š๐š๐›๐ข๐ซ ๐‘๐š๐ฃ๐ฉ๐ฎ๐ญ ...
571K 46.9K 22
Indian Chronicles Book III My Husband, My Tyrant. When Peace Becomes Suffocation. Jahnvi Khanna has everything in her life, a supporting family, a hi...
3M 91.2K 27
"Stop trying to act like my fiancรฉe because I don't give a damn about you!" His words echoed through the room breaking my remaining hopes - Alizeh (...
839K 27K 68
"Real lifeแ€™แ€พแ€ฌ แ€…แ€€แ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€™แ€บแ€ธแ€œแ€ฝแ€”แ€บแ€ธแ€แ€ฒแ€ท แ€…แ€”แ€ญแ€ฏแ€€แ€บแ€€แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€บแ€†แ€ญแ€ฏแ€แ€ฌแ€™แ€›แ€พแ€ญแ€˜แ€ฐแ€ธ แ€•แ€ปแ€ฑแ€ฌแ€บแ€แ€„แ€บแ€žแ€ฝแ€ฌแ€ธแ€แ€ฒแ€ทแ€šแ€ฑแ€ฌแ€€แ€ปแ€ฌแ€บแ€ธแ€†แ€ญแ€ฏแ€แ€ฌแ€•แ€ฒแ€›แ€พแ€ญแ€แ€šแ€บ" "แ€แ€ฑแ€ซแ€„แ€บแ€ธแ€œแ€ฑแ€ธแ€•แ€ฒแ€Šแ€ญแ€แ€บแ€•แ€ฑแ€ธ Bae แ€™แ€„แ€บแ€ธแ€„แ€ผแ€ฎแ€ธแ€„แ€ฝแ€ฑแ€ทแ€›แ€œแ€ฑแ€ฌแ€€แ€บแ€กแ€ฑแ€ฌแ€„แ€บแ€กแ€‘แ€ญ แ€„แ€ซแ€แ€ป...