After the Sorrow 2 ✓

By ChenlyYen

2.1K 65 5

Book 2 of Tears of Sorrow Dalawang tao na pinaglalaruan ng tadhana. Ang matinding pagsubok ay nalagpasan dahi... More

IMPORTANT NOTICE
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25 - The Wedding Day (Part 1)
Kabanata 26 - The Wedding Day (Part 2)
Kabanata 27 - Reception
Kabanata 28 - Honeymooners
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35 - Warning
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
ATS

Wakas

114 2 3
By ChenlyYen

Jett's Point of View

I WAS about to call my wife when the door suddenly opens. Pumasok doon si Janey.

Ibinaba ko ang cellphone sa mesa at nginitian siya. "Hi. Kasama mo ba ang asawa ko?" Sinilip ko ang kaniyang likuran at hinanap si Gaily.

"Ako lang, Sir. Napadaan lang. Aalis din ako kaagad."

Tumango ako. "Anong kailangan mo?" Kinuha ko ang pen at nagpatuloy sa pagpirma ng papeles.

"Inihatid ko lang itong coffee."

I looked at the cup of coffee she placed on my table. Ang masamyong amoy ng kape ay kaagad nanunuot sa aking ilong. That smell. Si Gaily lang ang makakagawa ng gano'n kabangong kape.

"Ang asawa ko ba ang gumawa nito?" tanong ko.

"O-Opo."

Napangiti ako. Kaagad akong uminom sa kape. Alam talaga ng asawa ko kung paano pawalain ang aking pagod.

Habang umiinom ako ay nakaramdam ako ng pagkahilo. Tila unti-unti akong kinakain ng antok. Hanggang sa magising na lang ako na nandito na ako sa kuwarto, nakahubad, at narito na si Gaily. Si Janey ay nandito rin. Ano ang nangyari?

My wife got angry with me and I don't know why. Until I found out that she accused me for sleeping with Janey, which is wrong. I don't exactly know what happened, but I could feel it that there's nothing happened between Janey and I.

Nagalit ang asawa ko. Kung mabuntis daw si Janey ay ipapakulong niya kaming dalawa. I... I don't know. I don't know what's going on.

I keep on asking her forgiveness. I kneeled down and begged just for her to forgive me. Alam ko sa aking sarili na malinis ako, pero bakit nararamdaman kong tila ang laki ng kasalanan na aking nagawa.

My father and I went to Davao. Later that night, Gaily called me. I was delighted that she calls. Hindi maganda ang takbo ng relasyon namin pag-alis ko kaya nang tumawag siya ay halos maglumpasay ako sa saya.

Buong pagmamahal ko siyang pinanood sa cellphone na natutulog. Kahit malayo siya ngayon sa akin, pero kung marinig ko lang ang kaniyang boses at makita ang larawan niya ay masaya na ako. Kumpleto na ako. Buo na ang araw ko. Nawawala kaagad ang pagod ko.

But suddenly, I received a text from Janey. She said that she is pregnant and she already set an appointment tomorrow for check-up. Kung hindi ako pupunta sa clinic na itinext niya ay sasabihin niya kay Gaily ang lahat.

I don't know what to do. Ayos na kami ni Gaily. Ayokong mag-away na naman kami. I never thought that Janey had come this far. Ganito pala ang tunay niyang ugali. Akala ko ay mabait siya pero siya rin pala ang sisira sa aming mag-asawa.

I don't have knowledge about pregnancy, pero kung totoong may nangyari sa amin ay mabubuntis pala kaagad ang isang babae kahit hindi pa umabot ng isang linggo na nangyari iyon?

I lied to her. Sobrang hirap magsinungaling kay Gaily. Hindi ko alam kung paano sabihin sa kaniya ang katotohanan. I was afraid. I am coward. Hindi ko alam kung bakit napunta ako sa ganitong sitwasyon.

Sa pagpasok ko sa clinic ay naroon na siya kasama ang matandang babae. Janey smiled at me, but I don't smiled back. I don't like her, to be honest. She cornered me and I don't know her reasons. Hindi ako lumapit sa kanila. Nasa bukana lamang ako ng pintuan nitong clinic.

"Samahan mo itong si Janey sa pagpasok sa opisina ng doktor, Iho." saad no'ng matanda.

Hindi ko sinunod ang kaniyang sinabi. Nakatingin lamang ako sa nakangiting mukha ng Gaily ko na aking wallpaper sa cellphone. Paulit-ulit nila akong tinawag upang samahan si Janey sa pagharap sa doktor ay hindi ko ginawa. Asa. Even if I really impregnated her, I won't be happy. Never. Susustentuhan ko ang bata pero hindi ko kailanman pakisamahan ng maayos ang babaeng iyon.

I don't like her and I hate her for putting me on this situation.

"Positive. I am pregnant." Janey said happily after the check-up.

I released my breath exasperatedly. Halos mabaliw ako kakaisip kung paano ko nabuntis ang babaeng ito. Once the baby will born, I would immediately run for DNA test.

Walang salita-salita na tinalikuran ko siya. Inis akong lumabas sa clinic na iyon. Hindi ko alam kung paano ko ito sabihin kay Gaily. Nakabuntis ako at hindi ko man lang alam kung paano ko siya nabuntis.

"Jett, hindi ka ba masaya?" tanong niya.

Walang emosyon ko siyang nilingon. "Hindi. Kahit anak ko pa iyan ay hinding-hindi ako magiging masaya. Hindi ko pinangarap na maging ina ka sa anak ko. Kahit sa panaginip, Janey, ay hindi."

"H-Hindi ba ito ang gusto mo? Ang magkaroon ng baby?"

"Oo pero hindi ko gusto na ikaw ang magiging ina. Si Gaily lang, ang asawa ko lang, ang paulit-ulit kong pinangarap na maging ina sa mga anak ko. Wala ng iba."

Biglang nangilid ang kaniyang mga luha.

"Janey, nagsisisi na ako kung bakit pinakitaan kita ng kabutihan. Kung alam ko lang na ito pala ang mangyayari ay dapat sa una pa lang ay iniiwasan na kita. O, hindi na kita pinapasok bilang trabahante sa shop namin. Maninira ka." prangka kong sabi.

She cried. "M-Mahal lang naman kita." mahina niyang wika.

"Ano?"

"Mahal kita. Noon pa at alam ito ni Ma'am."

Nameywang ako. Hindi makapaniwala sa kaniyang sinabi. I got it. Ginawa niya ang lahat ng ito dahil mahal niya ako.

"Salamat sa pagmamahal mo, pero sobrang mahal ko ang aking asawa."

"S-Sir Jett."

"Hindi ko aangkinin ang batang iyan. Hindi ko iyan anak, Janey. Wala akong anak sa iyo. Kung manganak ka ay ipa-DNA test ko kaagad upang malaman natin kung ako ba ang totoong ama. Kung positive ay roon lang kita bibigyan ng sustento. Sa ngayon ay lumayo-layo ka sa akin." Tinalikuran ko siya.

Kung sana ay noon ko pa sinabi sa kaniya na layo-layuan niya ako edi sana ay hindi magiging ganito ang lahat.

"Sinabi ko na sa asawa mo ang tungkol dito na buntis ako at ikaw ang ama."

Napahinto ako sa aking narinig. Naalala ko kaninang nagkausap kami ni Gaily sa cellphone. Ang sabi niya ay kung hindi ako uuwi ay pagsisisihan ko. Could it be that she saw me here?

Dali-dali akong pumasok sa kotse at pinasibad. Mahigpit kong hinawakan ang manibela. Sinabi na ni Janey. May posibilidad na nagmamanman siya. Hinampas ko ang manibela. I lied to her. Marahil galit na galit na siya sa akin ngayon. What have I done?

Pagkarating ko ay patakbo akong pumasok sa loob ng bahay. Sa mesa rito sa sala ay may strawberry cake. Lumapit ako roon. Tumulo kaagad ang mga luha ko nang makita ang nakasulat sa cake.

I'm done.

Dalawa lang ang salita pero ang sakit. It feels like I am struck with a huge and hard object.

"When I said I'm done, Jetty, it's really done."

Pumikit ako nang marinig ko ang kaniyang sinabi noon. She's done, could it mean that she's done with me? Tumakbo ako papunta sa aming kuwarto. She's not here. Binuksan ko ang kabinet pero nandito pa rin ang mga damit niya.

Where is she? Her clothes are still here. Hindi niya ako iniwan, 'di ba? Tinawagan ko ang kaniyang cellphone number. Napatingin ako sa kama nang makarinig ako ng tunog. Dahan-dahan akong lumapit at nakita roon ang kaniyang cellphone, mga cards ko na ibinigay ko sa kaniya. What does it mean? Where is my Gaily?

I called her parents, pero wala raw sa kanila. Bumaba akong muli at sumakay sa kotse. Hindi ko alam kung nasaan siya ngayon. Naroon pa naman ang mga damit niya at cellphone kaya uuwi pa naman siguro siya, 'di ba.

Pumunta ako sa shop namin at nagbabasakaling naroon siya ngunit wala. Ang naroon lang ay ang dalawang lalaki na tinatanggal ang pangalan ng shop.

"Anong ginagawa niyo?" tanong ko.

Napalingon sila sa akin.

"Inutusan po kaming palitan ito, Sir." sagot no'ng isa.

"Ano ang ipapalit?"

"J&J Hellhome po. Iyon ang utos."

J&J Hellhome?

"Sino ang nag-utos?"

"Babae po, Sir."

"Nasaan na ang nag-utos sa inyo? Puwedeng paki-describe?"

"Pandak na chubby po."

Hindi si Gaily ang nag-utos sa kanila. So sino ang babaeng iyon?

"Huwag niyong palitan. Ako ang may-ari ng shop na ito."

Sumakay akong muli sa kotse. Our shop will always be our abode. Ang tahanan naming dalawa at kahit anong mangyari ay hinding-hindi ako papayag na mapapalitan ang pangalan ng shop na ito.

Pumunta ako sa tambayan namin ngunit wala siya roon. Lahat ng lugar na puwede niyang puntahan ay wala siya. Umuwi rin ako sa probinsya nila pero wala siya roon. Bumalik ako sa bahay pero wala siya.

Si Audrey at iba pang mga kaibigan namin ay tinawagan ko. Ngunit wala silang kaalam-alam. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin. Ayokong mawala siya. Hindi ko kaya. Mahal na mahal ko ang asawa ko. She's my life. My everything. I can't lose her.

Habang binabagtas ko ang madilim na kalsada ay walang tigil sa pag-agos ang aking mga luha. Nasaan ka na ba, Gaily ko? Please come home. I love you so much. I want you forever.

Kaagad kong inihinto ang sasakyan nang may makasalubong ako.

"Watch your way, stupid!" galit na singhal ng drayber.

I rested my forehead on the steering wheel. I am really stupid. Palagi ko na lang siyang sinasaktan kaya ngayon ay mukhang iniwan na niya ako. Pagod na siya sa akin. Paulit-ulit kong inuntog ang aking noo sa manibela. I can't lose her. Mahal na mahal ko siya.

Pinaandar kong muli ang sasakyan at tinungo ang pinakahuling lugar na maaari niyang panatilihan. Ang lugar kung saan unang nagkaisa ang aming mga katawan.

Malayo ang lugar na iyon kaya sobrang gabi na akong nakarating. Mabilis akong lumabas ng kotse at lumapit sa gate. Naka-locked ito kaya hindi ako makapasok. Sobrang dilim ng paligid. Ginawa kong ilaw ang flashlight sa cellphone at inilawan ang loob. No trace that she went here.

Sumakay akong muli sa kotse at umuwi ng bahay. Puno ng pag-asa ang puso ko na umuwi na siya. But still... No Gaily around. Kapag lumipas ang 24 oras tapos wala pa rin siya ay sasabihin ko sa mga magulang niya ang nangyari. Bahala na kung pagalitan nila ako. Ipapaalam ko rin sa mga pulis upang may tutulong sa amin sa paghahanap sa kaniya.

Sobrang lalim na ng gabi. Nasaan na siya ngayon? Nakakain na ba siya? Nasa ligtas ba siyang lugar?

Umupo ako sa sahig dito sa sala at sumandal sa sofa. Kinuha ko ang cellphone at tiningnan ang nakangiti niyang mukha. Hilam na hilam ang mga mata ko ng luha pero kitang-kita ko pa rin ang matamis niyang ngiti na nagpapakumpleto palagi sa araw ko. Ang mga ngiti na nagpapawala ng pagod ko. Tumungo ako at tahimik na umiyak. My Gaily, please come home. I love you so much.

Hanggang sa lumiwanag ay walang Gaily na umuwi. Hindi ako natulog. Hinihintay ko siya habang umiiyak na nakatitig sa mukha niya sa cellphone.

Pinaalam ko sa mga magulang niya ang nangyari. Lahat-lahat. Wala akong inilihim sa kanila. Karapatan nilang malaman ang lahat dahil anak nila ang nawala. Mommy Chessy remained calm, on the contrary, Dad gave me a hard blow. Deserve. Sobrang deserve ko.

"Akala ko matino kang lalaki! Putang-ina ka! Kapag may mangyaring masama sa anak ko ay talagang katapusan mo na!" asik niya sa pagmumukha ko at sinuntok akong muli.

"Hahapin natin siya. Hindi tayo hihinto hangga't hindi natin siya mahanap. Magpapatulong tayo sa lahat ng mga kakilala natin. Hindi sagot ang away sa sitwasyon ngayon upang mahanap ang anak natin." mahinahong saad ni Mommy Chessy.

"Opo. Patawad po sa nangyari."

Tumalikod silang dalawa. Sinabi ko rin sa mga magulang ko ang lahat-lahat. I received three punches from my Dad and my Mom gave me a mag-asawang sampal.

"Hindi kita pinalaking ganito, Jett! Bakit naging ganito ka? Bakit mo sinaktan ang babaeng minahal ka ng totoo?!" umiiyak na sigaw ni Mom.

Yumuko ako. Galit ang lahat sa akin dahil sa ginawa ko. Kasalanan ko ang lahat kaya umalis si Gaily.

"You know what, kung ang babae na ang susuko ay suko na talaga sila. Kahit anong gawin mo ay wala ka ng magagawa pa." ani Mom.

Napaluha ako sa kaniyang sinabi.

"If ever mahanap man natin siya ay hindi ko alam kung tatanggapin ka pa niyang muli. Alam ko ang mga kauri kong babae, anak. Sobra kaming magmahal at sobra naming loyal. Pero kung paulit-ulit niyong iparamdam sa amin ang sakit, at hindi kami mahalaga ay tapos na, suko na. You can't experience the same great love again given to you when the girl is tired of loving you." dagdag niya.

"Mom..."

Niyakap niya ako. "Find her. Grabe ang pagdudusa na natamo ng asawa mo noon pero hindi siya sumuko kahit hindi mo pa siya naalala. Pero ngayon ay sumuko na siya. Ibig lang sabihin ay sobrang sakit na. Nasasaktan na siya ng sobra. Hindi na niya kaya kaya naisipan niyang iwan ka."

Bumuhos ang mga luha ko. Sumuko na ang Gaily ko. Nang dahil sa akin ay umalis siya. Lahat kami ay walang idea kung nasaan na siya ngayon.

After days of finding her, we discovered that she bought a ticket to Israel. Malayo siya pero bumiyahe kami papunta roon. Isang buwan kaming naghahanap sa kaniya sa Israel pero hindi namin siya nakita. Nagtanong-tanong kami sa mga tao roon habang may ipinapakitang larawan ni Gaily pero hindi raw nila nakita.

Puno ang mga mata ko ng luha na tiningnan ang buong paligid. Siguro ang laki nitong Israel kasi kahit anong hanap ko sa kaniya ay hindi ko siya makita.

Araw-gabi akong naghahanap. Sa loob ng isang buwan ay walang tigil ko siyang hinanap. Walang segundo akong pinalampas at sinayang. Umulan man o uminit ay patuloy ko siyang hinahanap. Wala akong ibang iniisip kun'di siya lang. Kung nasaan na siya ngayon. Kumusta na siya. Ayos lang ba siya.

Nasaan ka na, Gaily ko. Umuwi ka na please. I missed you so much. Everyone finds you. Please come home. Please come back to me.

Umuwi akong Pilipinas na bagsak ang mga balikat. Hindi ako mawawalan ng pag-asa. Hahanapin kita. Hindi ako titigil.

Biglang bumukas ang pinto ng bahay. Pumasok si Mommy Chessy na sobrang dilim ng awra.

"Mom---"

Sinampal niya ako bigla nang sobrang lakas. Sinampal niya akong muli sa kabila.

"Mom..."

"Kung ako ang unang makakita sa anak ko, it's the end between you two." seryoso niyang sambit at tumalikod.

Tinitigan ko ang likod niyang papalabas. Unang pagkakataon na makita kong ganito si Mommy Chessy at kinakabahan ako. Kinakabahan ako sa mga binitawan niyang salita.

Why do I feel that after the sorrow is another sorrow?

Where and when is the end of this sorrow?

Continue Reading

You'll Also Like

3.7K 266 39
This story will tell the story between two rival school. A war between the 2 school President will they keep their pride when they fall in love with...
237K 1K 8
Kapag 3 times ka na daw na boom-boom dun palang mawawala ang virginity mo. Sino nagsabi? Sabi ang Character ko. Tara at tignan natin kung anong story...
4.5K 134 55
Evren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasal...