Darcy, The Breaker of Chains:...

By piedraijada

1.1K 175 5

TIS #2 TRIGGER WARNING : Obsessive-Compulsive. Psychotic Thriller. Have you ever experienced incarceration... More

DONT SKIP!
HEY.
SNEAK PEEK
PHASE 01
PHASE 02
PHASE 03
PHASE 04
PHASE 05
PHASE 06
PHASE 08
PHASE 09
PHASE 10
PHASE 11
PHASE 12
PHASE 13
PHASE 14
PHASE 15
PHASE 16
PHASE 17
PHASE 18
PHASE 19
PHASE 20
PHASE 21
PHASE 22
PHASE 23
PHASE 24
PHASE 25
PHASE 26
PHASE 27

PHASE 07

27 8 0
By piedraijada


"Hay! Isang umagang kay pagod mga, sis!" pasalampak na umupo si Mickey sa tapat namin habang ako, abala sa pagre-review habang kanina ko pa rin kasama at kakwentuhan din si Becca dito sa laging tambayan namin.

Dahil madalas, kami naman talaga dalawa ang mas maagang pumapasok. Kumpara sa isa d'yan...

Breaktime namin. Mas nauna talaga ako though, tapos na ako mag-exam sa isang minor subject namin na umabot ng isang oras. Ganito talaga ang exam namin minsan, kung sino prof mo sa subject na iyon ay sila rin ang magiging proctor mo. Then yung dalawa, si Mickey and Becca, 9 am naman talaga ang pasok nila tuwing Monday dahil yun nga ang schedule nila kumpara sa'kin na 7:30 am lagi ang first period.

Trip lang talaga nila pumasok ng mas medyo maaga para sulit ang tambay nila.

"Umagang-umaga, Tintina!" nakangiwing sambit nang mataan ako ni Mickey sa aking ginagawa.

"Midterms natin ngayon! Kailangan kong mag-review!" sabi ko.

"Ay, midterms niyo pala talaga ngayon? Good luck!" aniya'y parang walang kamalay-malay na si Mickey.

"Hayaan mo na siya, 'te. Consistent dean's list yata 'yang friend natin." proud pa na sabi ni Becca. "Pati ako naii-stress na rin kasi bukas midterms na rin namin,"

"Ay ako din! Sabay pala tayo?" nakipag-apiran pa ito, parang 'di man lang kinabahan.

Hindi ko na nakitaan si Mickey mag-review. Nagre-review ba ito?

"Ay, weh?"

Ayan na ang mga OA kong kaibigan. Palibhasa 'di mahilig mag-advance review. Lagi silang ganito. Kaya ayan, nagiging aligaga na sa pag-aasikaso kung kailan maha-hassle sila. Pero tiwala naman ako kay Becca kasi puspusan rin yan kung mag-review, kahit last minute na, ay nagagawa pa rin naman makapasa kahit papa'no.

Ewan ko na lang talaga kay Mickey, ipagdarasal ko na lang talaga siya sa mga ginagawa niya. Pero panatag pa rin naman ako na hindi namin nababalitaan sa kanya na bumabagsak siya.

At as usual, mas nahuli na naman ang babaeng 'to pumasok. Sabi na, 'e. Sa una lang talaga magaling ang babaeng 'to. Pero pagdating naman sa tsimisan, palaging number one. Kailan ko kaya ito makikitaan ng pagbabago? Lagi na lang s'yang late kung pumasok.

I sighed. Ang kaibigan kong itong talaga... tsk.

"Teka, maiba tayo. So, kamusta naman femfem natin d'yan?" ang pag-iiba agad ng usapan ni Becca.

Umagang kay kalat naman ng dalawang 'to.

"Ayon..."

Hindi naman agad nakatakas sa pandinig ko ang agarang pagbungisngis ni Mickey habang abala ang mata at utak ko sa ibang bagay.

Sumulyap ako saglit. Kita ko ang mabilis na pagkagat ng labi ni Mickey at ngumisi habang nakatulala, mukhang may biglang malalim na iniisip at parang may nakakakilig at masaya itong naalala.

"Mukhang galing tayong sa labanan, ah? Pagodang-pagoda sis?" nakisingit ako habang abala na agad sa chikahan ang dalawa.

Parehas kasi silang nawala ni Mickey at Becca so... ayoko na lang mag-talk at get's ko na.

"True!" natatawang sang-ayon ni Becca. Kita ko ang agarang pag-irap ni Mickey sa'min habang 'di pa rin mapuknat ang kanyang labi sa pagkakangiti. "Kaya pala hindi na sumama pauwi kasi magkasama silang dalawa ni birthday boy! Ano, sis? Musta kiki mo?"

"Tanga!" natatawang sambit niya. Ay, sus. "Baka ikaw ang kamusta? Saan na naman kayo nagtago ng syota mong kalbo?"

"Sus! Wag mo iniiba ang usapan! Mas malantod ka pa rin sa'ting dalawa! Hahaha!"

"Halata nga sa ngiti... ano? Galing ba siya magdilig?"

"Hoy, mga gagi kayo! Walang gano'n, oy!" sabi na lang niya habang tuluy-tuloy ang mga malilisyosa nilang pinag-uusapan.

At sa unang pagkakataon ay nakitaan namin siya na dagling pamumula sa pisngi. Hindi ko maapuhap kung iyon ba ay dahil sa hiya o kilig. Hindi naman siya ganito mag-react pagdating sa ibang lalaki. Mukhang delikado na talaga 'tong babaeng 'to sa lalaking 'yon, ah?

"Ay anong ganap?"

"Hmm... ano... wala. Pasyal-pasyal lang gano'n,"

Napakunot pa kami habang nakikinig sa kanya.

"Joyride!" untag niya para maliwanagan kami sa sinasabi niya.

"Ah," napatango na lang kahit na nagdududa na lang ako sa sinabi niya.

"Joyride, 'te? Ang taray! Baka may iba pa kayong ni-ride, ha!?" natawa na lang ako sa pinagsasabi ni Becca.

"Ano ka ba naman, sis? Syempre gusto ko rin mga pang-romantic movies ang peg na magiging ganap namin ni Baby D ko! Nakakasawa rin naman kung puro toot-toot na lang." aniya'y sabay irap.

"Aba't—wala naman akong ibang sinasabi—"

"Ay sus! Alam na alam ko na yang mga tingin mo!" singhal sa kanya ni Mickey. "T'saka, joyride lang talaga mga, 'te! Maniwala kayo! Joyride, pasyal-pasyal, kain ng burger, coffee-coffee—ganorn. Then hinatid niya talaga ako sa bahay. How gentleman, right?" aniya at parang kinilig pa.

Napataas ang kilay ko sa kwento niya. Malayo sa inaasahan ko.

"Ay, napapagod ka rin naman pala sa toot-toot?" pang-asar pa na wika ni Becca, hindi ko na siya masabayan. "Sis, sa tanda mo nang 'yan, parang ngayon ka lang nagdadalaga."

"Punyeta ka!" natatawang napapakunot na hinampas ni Mickey si Becca sa braso dahil sa pagiging malisyosa nito.

At tuluyan na nga nagtalo ang dalawa.

Napabuntonghininga ako ng malalim habang unti-unting hindi ko na sila naririnig nang mag-focus na lang ako sa pagbabasa ko at patuloy na naging abala na yung dalawa sa pagkukwentuhan. Hindi na ako nakasingit dahil mas may inuuna at inaabala sa importanteng bagay ang utak ko.

Dahil midterms na nga namin ngayon! Kailangan hindi ako bumagsak!

Kailangan mataas ang grades ko dahil dun na lang ako madalas nakakabawi sa magulang ko, at palihim na peace offering na rin sa tuwing nagsisinungaling at nagiging pasaway ako sa mga ginagawa ko na hindi lingid sa kaalaman ng magulang ko.

Saglit kong hinilot ang sentido ko habang umiinom ng kape na binili ko. Hindi naman ako nahihilo o nasusuka, pero medyo nangingirot lang ang sentido ko. Kailangan na magising ang diwa ko kasi minsan, inaabot ako ng antok sa kalagitnaan ng exam namin kaya may ibang items ako nakakaligtaan o nagiging lutang ang sagot ko.

Masakit ang ulo ko, ngunit kahit papaano ay naging sapat at maayos naman ang pakiramdam ko, at na may naaalala pa rin naman ako sa mga ni-review ko... Masasabi ko naman na panatag akong hindi ako babagsak dahil nga nag-aral ako. Halos nga hindi na rin kasi ako nakatulog ng maayos sa nangyari kagabi... pakiramdam ko ang daming nangyari ng gabing 'yon.

Na kahit madami akong nainom, hindi man lang ako natablan ng lasing. Kaya nga hanga na lang ako sa sarili dahil umuwi akong nasa wisyo. Nabuhay ang diwa at natulala, kakaisip sa nangyari... at dun sa lalaking tumulong sa akin na hindi ko man lang nakilala.

I heavily sighed at that thought. I'm still wondering, sino kaya siya?

Ano kaya ang itsura niya?

"Ikaw, Tintina? Bakit ang tagal mong nakabalik nung gabi? Bigla ka raw nawala sa taas! Saan ka nagpunta at sinong kasama mo?" usisa ni Mickey dahilan na maputol saglit ang paglilipad ng iniisip ko at naiwala ko ang tingin ko sa notebook ko.

Napakibit ako ng balikat sa tanong niya.

"Ah, ano..." hindi alam agad ang sasabihin.

Hindi ko naman alam na magtatanong si Mickey ng ganito. Akala ko naman kasi makakalimutan niya—nila. Abala siya kay Daniel nung gabing 'yon. Si Becca, abala rin siya sa jowa niya. At hindi ko naman alam na kahit mas nag-enjoy at may sariling mundo sila ay mapapansin pa rin pala nila ang saglit na pagkawala ko. Eh, nung gabing 'yon halos hindi na nga nila ako mapansin at makausap ng matagal, 'e. Ni hindi ko rin sila ma-contact.

Saka lang sila tumawag at nagtext kung kailan na pauwi na rin kami.

At hanggang ngayon, hindi ko pa nakukwento sa kanila ang nangyari. Ni hindi ko nga alam kung bakit may kung anong pumipigil sa sarili ko... bukod sa kahihiyan, ewan ko! At hindi ko rin alam kung paano ko ibi-bring up sa kanila ang tungkol dito. Na baka pagtawanan lang nila ako, na baka masabihan lang akong OA, at baka wala lang sa kanila dahil para sa kanila ang halik...

Ay hindi na big deal sa kanila, dahil mas may experience na silang dalawa kumpara sa'kin. As for them, especially Mickey, they used to be able to kiss someone they didn't know very well—well, I was different. Hindi ko talaga tipo ang mga ganung gawain.

I don't do make outs and anything flirty, whatnot.

At masasabi kong pagdating talaga sa usapang love life... waley! At hindi naman sa nakikiuso o paligsahan ako, pero masasabi ko rin na napag-iiwanan nga talaga ako.

And I admit ... that I don't have a sex life yet. Pakiramdam ko kasi masyado pang maaga pagdating sa gano'ng bagay kahit na si Becca at Mickey... meron na, lalo kapag madalas nila akong kinukwentuhan sa mga gano'ng bagay. May idea naman ako sa gano'ng bagay pero kung sakaling mararanasan ko 'yon, syempre dun na sa sigurado sa'kin, na mahal ako at alam kong mahal ko rin. Na handa na ako. Na for lifetime at asawa ko na. Gano'n.

Tho I'm not really virginal na mag-isip, kahit paano ay may ideya ako. Sadyang hindi ko lang talaga gawain. Siguro ganito talaga... kapag nasanay ako't lumaking sobrang strict at konserbatibo ang magulang ko. Na kahit may mga nagagawa akong ibang bagay na hindi lingid sa kaalaman nila... na kahit na madalas ay nagiging pasaway ako... ito lang talaga ang isang bagay na isipin ko mang subukan, hindi ko pa rin talaga kayang gawin.

Dahil masyadong sagrado sa'kin ang bagay na 'yon. Hindi ko rin maisip na maaari akong bumigay basta na lang sa gano'ng bagay. Kaya kahit pakikipag halikan lang sa kung sino, o pumasok sa isang open relationship—ni hindi ko sinubukan kailanman.

So those are the reasons why I'm still hesitant, even though the weekend has passed without telling my friends what happened. Usually naman kapag may mga gimik kami, kahit na sabay-sabay at magkakasama naman kaming pumunta, pinag-uusapan pa rin namin ito sa huli kapag umuuwi kami sa sari-sarili naming bahay.

Gano'n ang ganap. Hindi agad makamove-on. Maliban na lang nung sa nangyari last week... Well, wala naman silang ma-e-expect sa'kin dahil madalas, taga pakinig lang ako sa kwentuhan nila. O kaya... pag napapansin lang nilang may ibang lalaking lumalapit sa'kin at ipu-push nila 'ko don.

Pero sa ngayon... parang wala pa rin talaga silang ideya. Hindi ko alam kung ipagpapasalamat ko pa rin ba 'yon o ano.

"At ang sabi rin ni Becca, sinasama ka raw nila sumayaw nung time na 'yon pero ayaw mo. Ang lala mo talaga, sis! Dun ka pa dumayo ng review! Pero kausap mo raw yung David? Ikaw ha!" malisyosang tingin pa niya sa'kin.

Hindi ko inaasahan may ganung pa silang tsimis na mahuhuta. Kanino naman kaya nila nalaman? Napansin ba nila? Nakita?

Napabuntonghininga ako ng malalim at napairap sa kanilang dalawa.

Itong dalawang 'to, sa tuwing may lalaki talagang napapadikit sa akin, issue agad. Na kahit na saglit ka lang kinausap, nakabanggaan, nakasalubong, nakatinginan, hiniraman ng ballpen, nakatabi lang sa pag-upo, at paglalakad, gagawan na kaagad ng issue!

Oo! Issue talaga 'yang dalawang 'yan! Kaya nga madalas, sila pa nagbibigay ng reto sa'kin dahil gusto nila magka-jowa na rin ako tulad nila. Sila pa yung mas atat kaysa sa'kin.

Pero para sa'kin hindi na no, ayoko ng dagdagan ko pa ang lihim sa Papa ko. I can't afford to take a risk when it comes to that kind of thing. Ayokong tuluyan silang mabigo. Sapat na iyong pagsisinungaling ko kapag may gusto akong puntahan na lugar at umiinom ako.

"So, ano nga nangyari, sis? Chika mo na sa'min!" usisa pa nila sa akin.

Umagang kay tsismis naman 'tong dalawang 'to.

Napalunok ako habang nakatingin silang dalawa sa akin, naghihintay sa sasabihin ko. Para tuloy gusto kong magsulat o mag-review ulit, kaso baka mahalata naman nila na iniiwasan ko ang tanong nila gayong totoo naman.

Lalong ko kasing naalala. At kapag naaalala ko, lalong sumasakit ulo ko at pumapangit ang umaga ko!

"Wala." tanging sambit ko na lang. Wala naman akong balak ilihim 'to pero... hindi pa tamang oras na sabihin 'ko.

Napangiwi sila.

"Wag ako! Kitang-kita ko kayo kung paano kayo magdikit at magbulungan nung David na 'yon!" si Becca. "Kulang na ng lang ay magtukaan kayo sa lagkit ng tingin niya sa'yo kapag kinakausap ka!"

"Ay, weh, sis?" hindi naman makapaniwala nang lingunan ni Mickey si Becca, tumango naman ito sa kanya. "So, may tukaan na palang nagaganap?"

Ano ba naman 'tong dalawang 'to!

"Ano tingin mo sa'min, sabong?" pabalang kong sagot.

Lalo akong naba-badtrip sa malisyosang tingin nila. Hindi ko rin nagugustuhan ang tono ng pang-aasar nila.

"Haynako, sis! Malakas talaga ang babaeng 'yan! Tatlo-talo nga, e! May dalawa pa ngang lalaki ang kumausap sa kanya, kaso si Ate mo ignore-ignore ang peg at talagang pinandigan lang ang pagre-review habang nag-iinom!" kuwento pa niya.

Mga Marites talaga ng taon 'tong dalawang 'to.

"Uy, gagi! Ang pogi kaya ni David, pero mas pogi ang Daniel ko." kinikilig na bumungisngis pa ni Mickey.

Hinayaan ko na lang sila kaysa lumaki pa at kung saan mapunta ang usapan na wala namang kasaysay-saysay.

"T'saka magkaklase sila. Ayaw mo 'don? Type ka naman yata! Dapat i-type mo na rin! Mindset ba Celestina, mindset!" pagpapatuloy niya pa habang sinasang-ayunan ni Becca.

Bakit ba pakiramdam ko pinagkakanulo ako ng mga kaibigan ko sa gagong 'yun? Hindi ba nila alam na usap-usapan na babaero rin ang lalaking 'yon?

"Come to think of it, madaming advantages kapag naging kayo nung David. Unang-una, magkaklase sila ni Daniel at parehas pa Engineering, dun pa lang ay pwedeng-pwede tayo mag-double date kung sakaling—"

Double date?

"No thanks!" tanggi ko agad. Para bang sine-sales talk pa nila ako gayong hindi nila ako madadala ro'n.

Inirapan niya ako.

"Bukod d'yan, magkasama pa sila sa basketball team. Parehas pang famous. Pwede ring magsabay tayong taga-cheer at punas ng pawis every practice nila-"

Napangiwi ako. "Hah! Di bale na no! Mas gugustuhin ko na lang magpunas ng kambing kaysa punasan ang lalaking 'yon!"

"Paano nasama ang kambing dito?" kumunot ang noo niya. Dinig ko ang buntonghininga siya. "Napakaarte at sama ng ugali mo! Kaya hanggang ngayon wala ka pa ring jowa kasi sobrang taas ng standards mo!" namemersonal ba siya?

Hindi naman masakit dahil totoo naman.

"Okay lang! Masaya ako kahit wala akong jowa!" buwelta ko rin sa kan'ya. "Tigilan niyo na nga 'ko!"

At bakit hindi? Hindi naman masama kung tumaas ang standards ko sa lalaki. Mas nakakatulong pa nga ang mindset na 'yon para makaiwas sa mga gago at walang ibang magawa kundi trauma lang ang ibibigay nila.

Dismayadong napabuntonghininga siya sa'kin. "Ano ba kasing hindi mo magustuhan sa lalaking 'yon? Gwapo naman siya, may kotse rin, rich din like Daniel, magaling din magbasketball, may abs din, mabango, macho, tapos mabait..."

Parang gusto kong masuka. Mabait?

Nung una nga lang.

"Tapos mayabang at babaero." at bastos. Hindi ko na lang nagawang madugtungan.

"Hindi naman siguro, sis. T'saka wag ka masyadong maghanap ng sobrang ideal. Mahihirapan ka n'yan kasi wala ng masyadong nag-e-exist na ganyan sa mundo. Hindi ko naman sinasabing asawahin mo siya, kahit boyfriend lang, for experience lang para medyo magluwag ka, ganern. Pakiramdam ko kasi ang sikip-skip mo na," saka siya bumalanghit ng tawa na sinabayan naman ni Becca.

"Oo nga, sis. Baka mamaya tuluyang magsara na 'yang lagusan mo. Paluwag ka rin minsan para maging flexible ka," sabay bagsak ng tingin ni Becca saglit sa gitna ng hita ko habang nakatawa sa'kin.

Sinamaan ko sila ng tingin ngunit 'di na yata magiging talab iyon. Magagaling at malalakas talagang mang-asar.

"Buwisit naman! Laugh trip sa'yo!" natatawang sambit ni Mickey, saglit niya pa ako nilingon. Agad naman siya nakabawi sa reaksyon, umayos, kahit na natatawa pa rin ito. "Concerned lang kami sayo at baka ine-El Nino na."

Napaka bulgar talaga ng mga babaitang 'to!

"Ayoko, baka ma-trauma lang rin ako sa huli."

"Ang nega mo naman masyado, e ni hindi mo pa nga sinusubukan! At kung masaktan ka man, okay lang 'yan! Worth it naman din siya iyakan kasi pogi din. Kaysa naman pumatol ka sa pangit tapos niloko ka pa? Aba ay putang ina naman 'pag gano'n!"

Napasimangot ako at parehas naman nag-peace sign yung dalawa.

"Ano na? Magkwento ka kasi, ano ba kasi nangyari nung wala kami? Nung tumaas kami, parehas kayo ni David nawala. Magkasama ba kayo?" si Becca.

Magkasama? Baka sinundan niya ako!

Ikukwento ko sana sa kanila ang nangyari nang may magpapansin sa amin.

"Hi, girls!"

Speaking of the assholes.

I gritted my teeth. Hindi pa man ako nakakalingon ay pamilyar na ako sa mga boses na papalapit sa pwesto namin. May anim na lalaking pumalibot sa amin. Nangunguna si Daniel at pumapangalawa naman si David. At kahit na nakabagsak na ang tingin ko sa papel ko ay naririnig ko pa rin ang mahinang halakhak ni David sa likod ko habang kausap ang kaibigan niya.

Ano ba naman 'yan...

"Hi, Mickey." bati agad ni Daniel.

"Hey, Daniel..." ang pagganti naman ng kaibigan ko.

"How are you feeling?"

"Better than I deserved." sabay kagat ng labi ng kaibigan ko habang nakangiti dahil sa pagpipigil na makilig.

"Last night was a blast. Nag-enjoy rin ba kayo kagabi?"

Panay na sila kwentuhan tungkol kagabi. Parang 'di kami magkakasama kagabi, ah? Bakit nga ba kailangan paulit-ulit pag-usapan pa ang nangyari na kahit na naging magkakasama naman kami?

Mema lang talaga 'e, 'no?

Hindi na ako nakisali sa kwentuhan nila. Kahit na madalas naman na naririnig ko ay si Daniel at Mickey, paminsan-minsan ay sumesegunda rin si Becca.

Gusto ko na sana matahimik nang bigla kong marinig magsalita si David.

"Celestina,"

I still bent over. I was trying to focus on reviewing, but when I heard him mention my name, I automatically gritted my teeth. Iignorahin ko na sana siya at magkunwaring hindi siya narinig kahit na nararamdaman ko ang presensya niya sa may gilid ko kung hindi lang ako biglang kinulbit ni Becca at malakas na tinawag ni Mickey.

Napabuntonghininga ako ng malalim.

Kung pwede nga lang maging The Flash para masubunutan ko ng saglit si Mickey at Becca ay ginawa ko na. Nakakunot akong saglit kong nilingon ang kaibigan ko nang makita kong malisyosa na naman silang nakamasid sa akin habang nakatingin si David sa gawi ko nang tingilain ko siya.

Lalong kumurba ang kaniyang labi sa pagkangiti nang tuluyan ko siyang tiningnan.

"May gagawin ka ba mamaya?" bungad niya sa akin.

I frowned a bit as my lips parted. Hindi agad ako nakasagot.

"Tara gimik tayo, my treat." aniya'y tinanguan ako kasabay ng pag-ayos ng sukbit ng kanyang bag sa isa niyang braso.

He's tilting his head and it was as if in the way of its gaze, he was already amused to see me.

Ano? Maang-maangan na parang walang ginawang kasalanan sa'kin?

I gulped a bit. "S-Saan?" sinubukan kong umakto ng normal kahit na sa loob-loob ay nagngingitngit akong nakatingin sa mukha niya na parang wala siyang ginawang kasalanan sa akin kagabi.

Tumungo siya sa'kin saglit. "In my place or... " he smirked. "...if you want, let's just check in at the hotel? " aniya pa niya, na parang kaming dalawa lang nakakarinig kahit na kita ko ang pasimpleng ngisi at sulsol sa kanya ng mga kaibigan niya.

Malalim akong humugot ng hininga nang maalalang sila rin yung nakasaksi at nakasulsol kay David para halikan at pagpustahan pa ako.

Mga wala talagang kwenta at magawa sa buhay.

Saglit ko naman sinulyapan ang mga kaibigan ko na abala na sa kuwentuhan nila Daniel.

Sarkastiko akong ngumisi sa harap ko at sa mga sulsulerong kaibigan niya. Hindi naman ako tanga kung ano ang pinupunto niya para pa magkunwari ako at magmaang-maangan sa sinabi niya, at sa paraan pa lang ng tingin nito habang malanding nakatingin at nakakagat ang pang-ibabang labi, alam na alam ko na...

Pasimple kong nilapag ang aking reviewer at tumayo para pantayan siya.

"Ano? Sama ka?" aniya pa. Kita ko ang pagsunod ng mata niya sa bawat galaw ko.

I automatically moved my hand. I slapped him hard.

"Tantanan mo 'ko!"

Napaharap ang mukha niya sa ibang direksyon. At hindi ako nakuntento sa isa lang. Hindi pa siya nakakaahon sa una ko, I found the courage to slap him twice.

"Putang ina mo, David,"

Hindi nakatakas sa pandinig ko ang singhap ng mga kaibigan ko at reaksyon ng iilan sa ginawa ko. His eyes widened as he looked at me. I feel hurt a bit. I have the impression that I am being beaten by someone who cannot afford to do this to me.

"Okay guys, what is happening?" dinig kong natataranta at naguguluhang tanong ni Mickey.

He licked his lower lip and can't seem to believe of what I did. Hindi pa rin ba siya makapaniwala na makakaya ko pa rin siyang sampalin kahit na parehas kaming nasa wisyong dalawa? Kung nagawa ko siyang sampalin ng wala sa wisyo, kaya ko rin siyang sampalin na nasa wisyo para matauhan siya sa pinaggagawa niya.

Sa totoo lang ay ang dami na niyang atraso sa'kin.

Kita ko ang pasimpleng himas niya sa pisngi niyang medyo namula.

"Ano bang inaarte mo? Ang problema sayo, masyado kang pakipot! Akala mo naman kung sinong virgin!" mayabang at parang sigurado siya sa sinabi niya na sinabayan naman ng suway kahit na may naririnig akong piit na halakhak sa mga kaibigan niya.

"Ano ba pare, tama na,"

Mga gago talaga!

Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni David. Masyadong malakas ang boses niya para mahiya at magulat na lang rin ako sa mga paratang niyang wala namang katotohanan. Bubweltahan ko sana siya ngunit hindi ko naman inaasahan na uunahan ako ni Becca.

"Hoy! Excuse me!? Virgin pa 'tong si Celestina!" singhal sa kanya ng kaibigan ko.

The fuck, seriously?

His brow rose, as if unconvinced by what my friend had told him. I felt betrayed but at one point, I blamed myself. Why would I expect something from someone I don't know very well?

"Virgin?" he rolled his eyes a bit, dahilan na lalong nagpaasar sa akin. "I doubt that. She's a partygoer. Hindi na rin malabo kung maraming lalaking naka—"

"Sayang ang gwapo mo, David. Pero medyo assumming at tanga ka. Yes, mahilig ako sa party pero hindi ako katulad ng ibang babaeng iniisip mo. At hindi rin ako pokpok para yayain mo at paratangin pa ako na hindi naman totoo!"

Dinig ko ulit ang agarang reaksyon na halos mga kalalakihan. Naririnig ko rin ang pagtawag sa'kin ni Mickey dahil hindi ko nga kayang makapagtimpi lalo na kapag alam kong binabastos ako sa paraang hindi ko gusto—na kahit kailan ay hindi ko magugustuhan. Sinusubukan ko na ngang kalimutan ang nangyari, pero bakit ang lakas ng apog ng David na ito lumapit kahit siya naman ang may kasalanan? Hindi niya ako matantanan!

Hindi pa rin talaga ako makapaniwala. Ibang-iba si David na nakausap ko noong una kumpara ngayon. I laughed along with the shedding of my tears at what he said offensively and humiliated me.

"Screw you, David! Not in a million chances that I will be interested in you—ever! Hindi lang talaga ko interesado sa'yong bobo ka!"

And somehow, I feel satisfied when I see the embarrassment that lingers on his face.

P I E D R A I J A D A 

Continue Reading

You'll Also Like

21.5M 700K 46
Ingrid is being stalked by a mysterious stranger. She thinks he's a psycho and is deeply afraid of him. However, her curiosity got the better of her...
991K 28.3K 44
It was one fine morning at Konsehal Casimiro Zaragoza's office-nang may dumating na isang babae at ipinapaako sa kaniya ang anak nito. Pero paano ni...
1.4M 48.1K 43
(Game Series # 9) Mauro Eugenio dela Rama's life revolved around school and work. At times, he felt like drowning pero hindi siya pwedeng magreklamo...
29.2M 1M 53
It's hard to prove yourself when everyone thinks that everything's being given to you on a silver platter. And in Siobhan Margarette's case, she'll d...