Undercover Queen

Av sunnyzaideup

2.4M 52.4K 2.9K

[Book 2 of Undercover Chic] The Undercover Chic is a secretary no more. It won't be pen and gun anymore. Get... Mer

Undercover Queen
Prologue
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Pre-survey
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
The Winners
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Own Me
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38
Chapter 39
Chapter 40
Chapter 41
Chapter 42
Chapter 43
Chapter 44
Chapter 45
Chapter 46
Chapter 47
Chapter 49
Chapter 50
Chapter 51
Chapter 52
Chapter 53
Chapter 54
Chapter 55
Chapter 56
Chapter 57
Chapter 58
Chapter 59
Chapter 60
Chapter 61
Chapter 62
Chapter 63
Epilogue
Para sa mga umabot hanggang huli,

Chapter 48

27.2K 694 19
Av sunnyzaideup

Nasa harap namin ngayon ni Trevor si Tito June na walang humpay sa pagkwento patungkol sa lovelife nila ni Tita Mary. Nakaupo kaming tatlo sa gitna ng mini bar nila kung saan overlooking sa malaking floor to ceiling window ang infinity pool dito sa second floor. Sa dulo ng infinity pool ay matatanaw mo ang garden nila.

Kausap ko kanina sa phone si Chai pagkalabas ng kwarto ni MJ. Sinabi kong may nadiskubre ako pero sa personal ko na ikukwento. Nabanggit niyang nagkausap kanina si Charles at Sung Ryeong sa may lobby ng hotel. Ngunit saglit lang. Buong araw lang daw nasa hotel si Charles. Si Sung-Ryeong naman ay nanggaling lang sa training ng mga kandidata.

Muling tumawa si Tito June. Namumula na siya dahil sa alak at mapungay na din ang mata. Napakamot lang ng batok si Trevor ng lumagok si Tito ng scotch mula sa baso niya. Muling niyakap ni Tito 'yung urn ni Tita na nakapatong sa tapat niya. "And then for fourteen years of our relationship as boyfriend and girlfriend, I finally had the guts to ask her to marry me," matawa tawa niyang kwento. Actually, pangatlong beses na niyang nakukwento 'yan ngayong gabi.

Inabot ni Trevor 'yung baso ni Tito June at nilayo sakanya. "Dad, I think we should go get some rest now. It's already 12 midnight."

"But I'm not yet done having a chitchat with my soon to be daughter-in-law, son," Tito June said. "Eh, what are we talking about again?" tanong niya sa akin ng nakangiti. "Ah! About my kids! Yes, my four precious kids. You know, Summer, Charles and Trevor are completely different. Trevor is like his mother. He got her mother's artistic and musical inclination. And of course her mother's big heart. What he only got from me is his skills in business. While Charles is... more like-" nangalumbaba si Tito June at napasinok, "me... I see myself on my second son. He's more competitive and determined. Just like me. The only thing he got from his mother is her skills in cooking. Damn, they both cook superb dishes. I want him to be trained well and be well-rounded. But of course to be that successful, he needs to start from the bottom. That's why I want Trevor to train him well; to be his mentor. I want Trevor to teach Charles the things I taught him."

He sighed and scratched his nose. "But I didn't know where did I go wrong," malungkot niyang sabi. "Mary and I both question ourselves, have we failed being parents?" Tahimik lang kami ni Trevor at pinanood si Tito habang nakatitig siya sa kawalan. Pinatong niya ang baba niya sa urn at pumikit. "I miss you so much, honey."

"Sa tingin ko kailangan na natin siyang dalhin sa kwarto niya," bulong ko sa katabi ko.

Tumango naman si Trevor at tumayo na. Kinuha niya ang braso ni Tito at nilagay sa balikat niya. Kinuha ko naman 'yung urn ni Tita.

Inalalayan ni Trevor si Tito paakyat sa kwarto nito habang buong ingat kong bitbit ang urn. Inihiga ni Trevor ang tatay niya samantalang nilagay ko sa dulo ng bedside table, malayo sa kama, 'yung urn.

Napatambay kami ni Trevor sa tapat ng pinto ni Tito June pagkalabas ng kwarto. Parehas naming tinignan ang isa't-isa.

He looks tired. I am tired. Good God, we are soulmate. I smiled at my random crazy thought. Then he smiled too. Oh di ba, soulmate nga kami.

"Do you want a fries dipped in sundae on the middle of the midnight?" he asked.

Mas lalo lang lumawak 'yung ngiti ko. Tumango tango ako na parang asong nakadisplay sa dashboard ng kotse. Kinuha niya 'yung kamay ko saka kami bumaba at lumabas na ng bahay.

But instead of driving off to McDonalds by a car, napagkasunduan namin ni Trevor na gamitin 'yung bike ni Chris at MJ ng parehas kaming mapatingin dito pagpunta ng parking lot nila. Katabi kasi ng pinagparadahan ni Trevor 'yung bike racks.

We ride the bike under the moonlight in the middle of the night. Bukod sa wala ng gaanong sasakyan at tao, ang presko pa ng hangin. Imbis na ginagaya namin 'yung mga pa-sweet moments sa movies habang naka-bike, nag-racing na lang kami.

"Ano na? Ganyan ka ba ka-weak?" pang-asar niya habang nasa likod niya ako.

"Tse! Pasalamat ka naka-dress at heels ako. Mapunit sana pantalon mo," asar ko sabay dila.

Tinawanan lang ako ng loko.

Ilang kilometro din ang binike namin papunta sa may McDonald Avenue. Sabi ko kasi gusto kong tumambay sa may Cityhood Park. Sa drive thru kami dumaan para umorder kahit pa naka-bike lang naman kami. Try daw namin sabi ni Trevor. Pinigilan ko pa nung una dahil alam ko bawal 'yun sa ibang bansa. Pero dahil ang pogi ng boyfriend ko at walang dudang nabighani niya ang binibining nag-seserve, agad na kinuha ang order ni Trevor. "This is crazy... and weird," bulong ko sakanya habang hinihintay 'yung order namin.

Nilingon niya ako at binigyan ng malawak na ngiti. "I love being crazy and doing weird stuff with you."

Anong sinabi ng pinaka-magandang babae sa balat ng lupa? Pinagpawisan 'yung kilikili ko sa kilig.

Nilagay niya 'yung paper bag ng inorder namin sa basket nung bike na sinasakyan ko saka kami pumunta sa Cityhood Park sa kabilang kanto.

We stopped in front of the Spanish church-inspired gigantic façade just near the fountain. Nasa tuktok ng façade ang malaking orasan na nagsasabing alas dos na. Binaba namin 'yung stand ng bike at umupo sa may fountain. Pinatong ko sa gitna namin 'yung paper bag. Binuksan ko ito at kinuha 'yung sundae namin at inabutan si Trevor. Dumekwatro siya at humarap sa akin.

"Have you already packed your things?" tanong niya pagkasubo ng sundae.

"Bakit? Anong meron?" nagtataka kong tanong.

"Binibining Filipina Sportsfest. I sponsored the event," paliwanag niya.

Inalala ko 'yung sinabi ni Chai kanina habang kausap ko siya sa phone. May nabanggit nga siyang pupuntahan mamayang umaga sa may Talisay, Batangas. "Ah Sportsfest ba 'yun."

"Mhm. Two days. At Talisay. Doesn't Chai tell you?"

"Nabanggit niya sa akin kanina," sagot ko sabay kuha ng fries sa loob ng paperbag. "I need Charles' answer," pagbabago ko sa usapan. "Sabi ni Chai buong araw lang daw nasa hotel si Charles. Lumabas lang daw nung hapon sa kusina para mag-yosi. Umasa pa naman akong makikita ko siya sa mass at makakausap after."

Binaba niya 'yung coke float na kakahigop pa lang niya. "Maybe he still needs time to decide."

"I already gave him one day."

"One day, commander. Only one day."

"Mga ilang araw ba gusto niya?" sarkastiko kong tanong. "Ilang linggo na lang mag-cocoronation night na. Matatapos na pagmamatiyag ko kay Sung Ryeong."

"He's the pageant's chef and dietitian, right? For sure kasama siya mamaya sa Sportsfest. You'll have time para kausapin siya," pampalubag loob niya sa akin.

Bumuntong hininga ako at sumubo na lang ng sundae. "By the way, I discovered something earlier. Thanks to MJ's seatwork."

Natigil siya sa pagnguya. "MJ's seatwork?"

Napaayos ako ng upo at readyng ready ng simulan 'yung kwento ko. "Ganito kasi 'yun..." sinimulan ko ang pagkwento mula sa tawag ni Chief sa akin nung natutulog ako. Hanggang sa pinilit ko na ang sarili kong bumangon para maligo at bumaba sa coffee shop para mag-almusal. Pati na din 'yung traffic papuntang NBI. Tsaka 'yung paghihintay ko kay Agent Briones at lahat lahat ng nalaman ko patungkol sa preliminary investigation sa Cruise Fifty 48. Tapos 'yung perfect score ni MJ sa seatwork niya kay Ms. Haps na HAPS ang sagot. At ang magkatabing number one at three na sagot ni MJ kaya ko nadiskubre ang representation ng P at H sa decimal at hex form.

"So sa tingin mo parehas lang ng kababalaghan ang ginagawa ng Cruise Fifty 48 at Hotel 8072?" tanong niya.

Tumango ako sabay higop ng float. One thing I remember habang nagmumuni muni at matapos madiskubre ang ibig sabihin ng Cruise at Hotel ng PH's Finest eh, "'Yung mga rich man na nawawala bigla bigla dati. Tapos matatagpuan na lang 'yung mga sasakyan nila sa iba't-ibang bahagi ng Luzon. Naaalala mo pa ba 'yung news na 'yun? Dati parating nasa headline 'yun."

"Naalala ko 'yung napag-usapan ng mga kuya mo nung kasal nila Anne at Avel last month. Si Mr. Abella. Lumabas siya sa headline ilang araw makalipas."

"Nung minamatyagan namin si Sung Ryeong, may nakita ako sa cctv na ininstall namin na lalaking tulad ng nasa headline na nawawala. Ang pagkakatanda ko studyante siya ng ADMU. Malaki ang kutob ko may kinalaman ang PH's Finest sa mga nawawalang rich men. Both Cruise Fifty 48 and Hotel 8072 serve high-profile people and both businesses have no working cctvs," kwento ko. "That's why I need Charles' answer now. Napakadami kong tanong na alam kong siya lang ang makakasagot."

Binaba na ni Trevor 'yung lalagyan niya ng sundae. "Then you should go get some sleep now. 9am ang departure ng bus niyo papunta sa Talisay. I'll pick you up. Sa akin ka sumabay."

Nilagay ko na sa paperbag 'yung mga kalat namin. "Okay po. If I you insist, how can I resist," pa-cute ko sabay nganga smile.

Natawa naman siya sa akin.

Nag-bike kami pabalik sa subdivision nila. Maagang exercise. Pagdating sa Del Julio residence, binalik lang namin 'yung mga bike sa rack at sumakay na din ng sasakyan para ihatid ako sa hotel.

He gave me a goodbye and goodnight kiss at pinaalalang maghanda muna ako ng mga gamit bago matulog at susunduin niya ako ng 8:30.

So I did what he ordered.

***

Lumabas ako papunta sa balkon ng bungaloo kung saan ako gumamit ng restroom saglit. Pinunasan ko 'yung pawis kong batok at pinanood 'yung red at blue team na naguunahan sa paghuli ng baboy sa putikan. Wala akong ibang marinig kundi tilian at "eeeew."

Sportsfest ito with a twist. Ewan ko kung anong pumasok sa isip ng mga organizers. Nahati kaming kandidata sa apat na team. Red team, blue team, white team, at ang aking team na yellow team. Tig-sampu sa isang koponan. Unang laro kanina ay patintero. Tapos basketball. At sinundan naman ngayon ng hulihan ng baboy. Ang nangungunang team? Syempre yellow team.

Sinubukan kong sumilip kaninang tanghalian sa kusina para hanapin si Charles. Kaso nakita ako ng isang organizer, pinabalik ako sa upuan. Akala mo elementary eh. Nasermunan pa nga pala ako nung inabutan ako ng shirt pagdating dito sa club. Ilang araw na daw ako hindi umaattend ng training. Buti na lang dumating si Trevor at tinabihan ako, edi tumigil siya kakasermon sa ak- "Ay anak ng tipaklong!" Napagitla ako sa nabasag na paso mula sa gilid ko. Kasama nito ang isang stainless alcohol flask na bumasag ata sa paso. Agad akong lumingon sa likod ko.

A lady in white shirt. Mukha siyang Haggardo Versoza. Kalat ang maskara sa palibot ng mata niya. Masama ang tingin sa akin and she's making Ines Veneracion out of me. Priscilla.

Hinarap ko siya at humalukipkip. "Anong kailangan mo sakin?"

Tumawa siya ng malakas. 'Yung tawang nakakairita.

"Tinatanong kita anong kailangan mo sa akin. Tawa isasagot mo?"

Tumigil siya sa pagtawa at muli akong tinignan ng masama. "Babaeng haliparot!" tawag niya sa akin.

Aba, matindi. Tinuro ko 'yung sarili ko na parang nagtatanong pa kung ako nga ba talaga kausap niya.

Lumapit siya sa akin at tinulak ako sa braso. Amoy alak siya at mukhang wala talaga sa sarili. "Kung hindi mapapasakin si Trevor, hindi din siya mapapasayo!"

Tinaasan ko lang siya ng isang kilay. "Wala ka bang ibang original na sasabihin? Eh narinig ko na 'yan sa mga teleserye eh. Pero tamang tama, pang-kabit mga linyahan mo eh."

Muli niya akong tinulak sa braso. "Go back to hell, biatch!"

Nag-aaksaya lang ako ng oras sa babaeng 'to. Inirapan ko na lang siya at tinalikuran na.

Kaso nakakailang lakad pa lang ako, bigla niyang hinatak ang buhok ko. "Aaah!"

"I'm not yet done talking to you, you rude biatch!" sigaw niya mula sa likod ko.

Hinarap ko siya at malakas na tinulak. Ngunit ayaw niya talagang bitawan ang buhok ko. Kaya naman siniko ko na siya sa sikmura. Edi napabitaw siya sa sakit.

"Ano bang ginawa ko sayo, ha!?" Tinulak ko siya sa magkabilang braso. "Pwede ba matuto kang tumanggap ng katotohanan! Matagal ng wala kayo ni Trevor! At malabo na ding magkabalikan pa kayo! Ako ang kasalukuyan niya at ako din ang hinaharap niya! Isa ka na lang multo ng nakaraan!"

"I should have killed you already!" she yelled furiously. "I should have let you drowned in that pool! I should have let you suffocate to death in that elevator!"

My jaw dropped hearing what she said. Teka nga. Ano? "I-Ikaw?"

Mabigat at mabilis ang paghinga niya. Tuloy tuloy na din ang tulo ng luha niya. Mayamaya pa ay mabilis na bumagsak ang mata niya at ang katawan naman niya papunta sa akin.

"Ay!" Sinalo at inalalayan ko siya sa may balikat. Sakto namang tumunog ang cellphone ko. Pinulupot ko ang braso niya sa kaliwang balikat ko. Gamit ang kanang kamay, kinuha ko ang phone sa shorts ko. Tumatawag si Detective Suarez. Agad ko itong sinagot."Fat!"

"Officer Yeo, may kilala ka bang Priscilla Mendez Menezes?" tanong niya sa akin. "I got access on Fuente's phone, she's been exchanging messages with an unknown number. We traced it and got a person named Priscilla."

What the actual fck is happening!? "Yes, Detective. Kilala ko siya."

Fortsätt läs

Du kommer också att gilla

46.6K 1.5K 44
Book 2 of Ms.Snob meets Mr.Casanova. Akiri Rei Gonzales xx Dylan Fortalejo.
18.4K 650 34
❝ and like the moon, she has a side of her. so dark, that even the stars couldn't shine on it; she has a side of her. so cold, that even the sun coul...
419K 7.1K 42
Naghiwalay noon sina AVA at ANJO dahil sa kagustuhan ni Ava na makapagtapos sa pag-aaral. At sa paglipas ng maraming taon ay muli silang nagtagpo. Ng...
1.1K 197 35
"Isang araw nagising na lamang ako na wala kana sa aking tabi at ang liham ng iyong pamamaalam ang aking nasaksihan na aking kakampi" Isang huwarang...