ZEY'S POV
"Wooohhhh!!! Ang galing natin!" sigaw ni Pier pagkabalik namin sa music room.
Kakatapos lang kasi ng 2nd round ng Battle of the Bands at isa kami sa tatlong maglalaban-laban mamaya para sa final round.
"Siyempre naman makakapasok talaga tayo. Ang ganda ba naman ng boses ni Deil." nakangising sabi ni Carl
"Oo tama ka! Ang galing mo Deil ha parang wala na lang sayo magperform sa harap ng maraming tao kanina." sabi naman ni Pier, nahihiyang ngumiti lang si Deil at yumuko
Magkasunod naman na pumasok si Liam at Henz sa loob ng music room kaya napatingin kami sa kanilang dalawa dahil sila ang kinausap ng head organizer ng event kung pano ang mangyayari mamaya.
"5 minutes we will go back at the auditorium for preparation. Make sure that y'all are ready because this will be the final round. I hope you'll do your very best para sa atin pa din mapunta ang titulo." seryosong sabi ni Henz tsaka naglakad papunta sa tabi ni Deil.
Kanina ko pa napapansin tong dalawa ha. Sumbong ko kaya kay Diel toh.
"Oh!"
Napatingin ako sa tubig na inabot ni Liam bago siya bigyan ng nagtatakang tingin.
"Ano yan?" tanong ko
"Tubig, ano mangmang lang?" sagot niya at umirap pa. Ay bakla!
Inirapan ko din siya
"Oo nga. What I mean is, for what? Bakit sakin mo binibigay? Bakit hindi kay Pier? Kay Carl, kay Henz o Deil. Ba't sakin?" sunod-sunod na tanong ko sa kanya
Naiinis na hinawakan niya ang kamay ko at nilagay dun ang tubig.
"Wag ka na maraming tanong!" bulyaw niya tsaka naglakad paalis
Problema nun? Nagtatanong lang naman ako, masama ba? Tsk.
-----
"Okay. So this is the time, let's do our best to become a champion again. Hopefully ma-deliver nating lahat toh nang matagumpay." nakangiting sabi ni Henz bago kami umakyat sa stage nang tawagin na kami ng emcee.
Pumwesto na sa may kanang bahagi ng stage si Pier kung asan ang drums at sa gilid naman niya ay si Carl para sa Piano, si Liam naman ay nasa left side ko kung saan nakaupo siya sa maliit na box na sakto lang para ma-upuan at inaayos na ang gitara, ako naman ay nakatayo lang dahil electric guitar ang hawak ko hehe...
"Ehem.Before we begin, I'd like to request that everyone remain silent and turn on their flashlights for the song that we'll sing for you." sabi ni Henz bago pa man kami magsimula
Ay concert mo beh?
Nagsimula na kaming tumugtog. Bigla naman namatay ang ilaw sa auditorium at tanging led lights lang sa stage ang nagsisilbing ilaw samin, pati na rin mga flashlights sa phone nung mga audience dahil masunurin sila kay Henz. Tsk.
Wakin' up every morning
Seeing same things and wonderin'
What went wrong?
How do I stay strong?
Darkness hinders the wonder
Where I should be discovering the greatness of life
And no, I'll overcome this feeling
This incomplete feeling~
Mahina kong sinasabayan ang pagkanta ni Deil dahil kahit ako ay nagagandahan talaga sa kantang sinulat ni Henz. Yes, original song kasi ang last theme ng final round and wala pa naman daw ideya si Deil sa pagsulat ng kanta kaya si Henz na ang gumawa.
I wanna seize life outside
Be free with you in my life
And breathe, just breathe
Breathe out all fears in mind
Breathe in the love and kind
And breathe, just breathe
And embrace the sunset with me~
Napatingin ulit ako sa harapan, wala akong maaninag na kung sino dahil puro flashlight nga lang ang nakikita pero kita ko naman si Henz at Deil na grabe magtitigan sa isa't isa. Hmm... May something siguro tong dalawa. Malansa masyado. Napailing na lang ako dahil hindi naman na dapat akong makialam sa kanila.
Life's like climbing a mountain
With big rocks and mosses
That slips me down, sometimes
It's so hard to go alone
Can heavy baggages be left behind
And not look back again?~
'Dali Mamon! Gusto ko pa marinig yung kanta na yun!'
Napapikit ako ng may biglang lumitaw na senaryo sa isip ko. Ano yun? Parte ba nang nakaraan ko yun? Parte ba siya ng nawala kong ala-ala? Sino si Mamon?
I wanna seize life outside
Be free with you in my life
And breathe, just breathe
Breathe out all fears in mind
Breathe in the love and kind
And breathe, just breathe
And embrace the sunset with me~
Umiling na lang ako dahil bahagyang sumakit na naman ang ulo ko. Naramdaman ko naman ang pagtingin ni Liam sa gilid ko.
'Turuan na lang kita mag-gitara para matutog mo din yun'
Napapikit ako ng mariin dahil sumakit na naman ang ulo ko. Sh*t! Bakit ngayon pa! Kung kelan patapos na!
'Cause every time the sun rises again
Don't be afraid
Don't be afraid
Take this feeling away from me~
'Maganda yung boses mo! Kaya masarap pakinggan pag ikaw kumanta.'
-----
LIAM'S POV
Nakakunot ang noo ko habang nakatingin kay Zey dahil parang may mali sa kanya
I wanna seize life outside
Be free with you in my life
And breathe, just breathe
Breathe out all fears in mind
Breathe in the love and kind
And breathe, just breathe
And embrace the sunset with me~
What's with her? Balisang-balisa siya. Is there something that's bothering her?
Napatingin ako sa harapan kung saan kumakanta si Henz at Deil dahil patapos na ang kanta at sobrang dilim din sa auditorium tanging flashlights sa mga cellphone ng audience at ang led lights na nasa stage. Bumalik ang tingin ko kay Zey at gaya kanina ay para pa rin siyang balisa at papikit pikit ang mata.
Don't be afraid
Embrace the sunset with me~
Malakas na palakpakan mula sa tao ang narinig ko matapos ang pagkanta ni Henz at Deil. Tumayo na ko at nilapag sa gilid ang gitara bago humarap sa audience kasabay ng pagbukas ng mga ilaw.
Well that was a good performance though. It felt like we're having a concert.
I'll admit it. Kahit papaano gumaan ang pakiramdam ko nang makatugtog ulit ako. Right after mamatay ni Hazel, I don't want to do anything that relates to music anymore. Lahat nung pag-aaya nila noon ay tinatanggihan ko because I don't want to do it anymore. I don't have any reasons to do it. Hindi ko alam kung bakit napilit ko yung sarili kong tumugtog ngayon. Maybe because I really want to tease Zey and para mapahiya din siya dahil alam ko sa sarili ko na she doesn't know how to play it but I'm wrong. She's talented with music. Psh.
Naglapitan na kaming apat kung san naroon si Henz at Deil upang mag bow.
"Zey, are you alright?" rinig kong bulong ni Deil kay Zey dahil katabi ko lang silang dalawa kaya bahagya ko silang nilingon just to see her pale face. What happened? Hindi naman siya ganyan kaputla kanina. Humarap ako sa kanya at siguro ay naramdaman niya ang presensya ko kaya marahan din siyang humarap sakin.
"You almost ruin the performance earlier. If there is something bothering you sana inisip mo na lanv after performance." seryosong sabi ko sa kanya
Umiling lang siya nang may ibulong ulit si Deil sa kanya
"I-i'm ok...ay." mahinang sabi niya
Nanlaki ang mata ko nang biglang may lumabas na dugo sa ilong niya.
"Oh my gosh! Zey!" sigaw ni Deil kaya napunta ang atensyon ng lahat sa kanila
"O-okay lang...ako." sabi ni Zey at pinunasan ang tumatagas na dugo sa ilong gamit ang likod ng kamay at naglakad na paalis sa stage. Pero bago pa niya makalahati ang stage ay mabilis siyang bumagsak at nawalan ng malay.
"Zey!!!" sigaw naming lahat at agad na tumakbo papunta kay Zey. Mabilis ko itong binuhat at dinala sa clinic.
Why do I feel like I've seen this scene before...
-----
A/N: Okay. Sa mga nakakaalam nung song, isipin niyo na lang na own composition siya ni Henz kahit hindi naman talaga HAHAHAHAHA
PS. HI! IF EVER NA MAY NAGBASA NA NUNG STORY KO NA "MY FAMOUS BOYFRIEND". I JUST WANT TO SAY NA I UNPUBLISHED IT, KASI BALAK KONG PALITAN YUNG TITLE AND THE GENRE OF THE STORY. SO SA MGA PREVIOUS CHAPS DITO SA WH, I SAID NA IT'S A TEEN FICTION BUT I'M GOING TO CHANGE IT TO A ROMANCE OR G.F. STORY, IDK. I'LL THINK ABOUT IT PA. SO IF EVER YOU'RE INTERESTED, FREE NIYO SIYANG MABABASA HEHE! YUN LANG. Ang eksena ko masyado! Thankyou!