Hart with Lav and Valentine

By pandan05

1.1K 87 94

Hart and Lav with Valentine. These guys are perfect if your goal is to ruin your life like how their lives ar... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 25

19 2 0
By pandan05

PAINTING

Lia's POV

Mejo malayo pa kami sa backstage ng makarinig kami ng sigaw dahilan para mapahinto sa pagtakbo itong mga kasama ko kaya napahinto na rin ako.

"Damn we're super late." rinig kong sabi ni Yuto

"And we're definitely dead." dugtong naman ni gagong oppa

"Dalian nalang natin." at sa pagsabing iyon ni Maicey ay muli silang tumakbo kaya sumunod na rin ako sa kanila.

20 minutes ata kaming nastranded dun sa loob ng elevator na mukhang isinusumpa nila gagong oppa. Idagdag mo pa ang pagiging awkward namin minsan. Hindi naman sana ako kasali kaya lang mukhang may kakaiba talaga sa kanilang tatlo eh.

Yun bang parang may nangyaring hindi maganda noon kaya ganun nalang nila kung tratuhin si Maicey. Naawa na nga ako sa kanya kaya kinakausap ko nalang.

Mukha naman syang mabait.

Etong dalawa lang talaga ang may topak.

Naabutan namin sila Mr. Mariano at Mr. Wu sa loob kaharap nila ang isang lalaki. Ito ata yung nakita ko sa Flower Shop nung sinundo ko si Yuto.

Napasinghap nalang ako ng sampalin ito ni Mr. Wu. "Kahit kelan wala ka talagang kwenta. Simpleng bagay na ngalang, hindi mo pa magawa."

Huminga ng malalim si Mr. Mariano at aalis na sana pero napahinto ito ng makita kaming apat na nasa pintuan kaya pati sila Mr. Wu ay napatingin din sa amin.

Hindi naman nagsalita si Mr. Mariano at naglakad papunta sa amin. Agad akong hinigit ni Yuto palapit sa kanya na syang ipinagtaka ko. Yun pala ay dadaan si Mr. Mariano palabas ng backstage.

"Nandito na pala kayo?" bati sa amin nung lalaki na parang walang nangyari.

"You okay?" tanong ni gagong oppa sa kanya saka ito pumasok sa loob at nagsisunod naman kami sa kanya. "Ano na naman ba ang ginawa mong kasalanan at nasampal ka na naman ng tatay mo?"

Biglang bumukas ang ibabaw ng malaking kahon at lumabas si Lav na syang ikinagulat naming apat. "Kayo ang may kasalanan kung bakit napagdiskitahan itong si kuya Thyme." sabi nito saka nagulat sa kanyang nakita. "At aba! magkasama pala kayong apat? anong nangyari?"

Sasabat pa sana si Yuto ng makarinig kami ng nagsasalita sa labas.

"Mag-uumpisa na ata ang program." sabi naman ni Maicey.

"At ikaw bakit ka naman nagtatago jan?" tanong ko kay Lav kaya lahat ay napatingin sa kanya.

"Syempre ako sana yung nasampal! tsk." sabat naman nito

Alam nyo sa totoo lang, mejo hindi ko gets ang mga nangyayari dito.

Ngumiti sa akin yung lalaking nasampal. "We already met pero hindi pa pala ako nakakapagpakilala sayo." saka nya inilahad ang kanyang kamay sa harapan ko. "I'm Thyme. Hilaw na kapatid ng mga tarantadong to."

Inabot ko naman ang kamay nya. "Lia nga pala." saka ko din sya nginitian.

Matapos ng pakikipagkamayan namin ay muli syang nagsalita. "Bawal kasi ang late sa pamilyang 'to. Kaya ayun.." wika pa nya bago nagkibit balikat. "Nasampal ako ng tatay ko hehe. Pero buti na yun kesa si Mr. Mariano ang magalit."

Grabe ang brutal ata ng mga tao dito. Nakakatakot.

Hindi pa man ako nakakareact ng may babaeng staff na pumasok. Mukha syang staff ng hotel. "Pinapatawag na ho kayo para sa Picture Taking at cutting of Ribbon."

Wala ng nagsalita pa sa amin at basta basta nalang sumunod sa babae.

Bumungad sa amin ang napakaraming tao sa event area. Dumiretso naman kami nila Maicey at Thyme sa isang table kung saan kami inihatid nung staff. Yung tatlong magpipinsan naman ay umakyat sa stage at tumabi kay Mr. Mariano.

Matapos ang ilang greetings at kung ano pang mga sinabi ng emcee ay pinalakpakan nila si Mr. Mariano. Hindi naman ako nakikinig kaya hindi ko alam kung bakit. Pero nakipalakpak pa rin ako.

Ilang minuto pa ang nakalipas at nagsibabaan na sila at yung ibang mga bisita naman ay nagsialisan na rin.

"Saan sila pupunta?" tanong ko kay Maicey. Pero hindi nya ata ako narinig. Hindi sumagot eh.

"Punta tayong exhibit room. May cutting of ribbon dun." sabat ni Thyme sa akin kaya tumayo na lamang ako at sumunod na din sa kanila.

Matapos ang limang minutong paglalakad, actually malapit lang naman yung Exhibit Room kaso lang napakaraming tao kayo mejo siksikan ang nangyari, ay nakarating din kami sa wakas.

Napwesto naman kaming tatlo sa pinakasulok ng room pero sa pinakaunahan.

"Grabe ang gaganda ng mga paintings!" wala sa sarili kong sabi. Wala akong hilig sa mga paintings. Hindi ko nga ito pinapansin eh. Pero napakaganda ng mga paintings na nandito at hindi pwedeng balewalain.

"Iilan lang yan sa mga ginawa ni Mr. Mariano. Mas mamamangha kapa kapag nakita mo ang iba."

"Ginawa to lahat ni Mr. Mariano!?" gulat kong tanong kay Thyme kaya napatingin sa akin yung iba dahil sa mejo napalakas ang boses ko.

"He's really a great painter. Hindi lang sya kilala dito sa Pilipinas pero pati na din sa foreign countries. May mga Art Gallery at Museums rin sya doon."

Napatango tango nalang ako sa kanya. Grabe parang hindi ako makapaniwala.

"At dahil may katandaan na si Mr. Mariano, hindi na ganun karami ang mga nagagawa nya. Pero hindi iyon hadlang dahil kahit minsan na lang sya gumawa ay pinag-aagawan pa rin ang kanyang mga paintings kahit sobrang napakamahal ng mga ito."

Muli akong napatango dahil sa sinabi ni Thyme pero napatigil ako ng makaagaw pansin sa akin ang isang painting na nakasabit sa dingding. Mag-isa lamang ito at walang mga katabi. Mukhang sinadyang gawing special.

Pero in fairness, maganda naman ito.

Painting ito ng dalawang ibon na magkasamang nakadapo sa isang sanga habang nakatingin sa napakalaki at napakaliwanag na buwan. Yun bang nagde-date sila sa ilalim ng buwan. Ang sweet nga eh.

"Yan yung unang painting ni Valen na ibinigay sa'kin" agad akong napatingin kay Maicey.

Totoo?

"Ma.. marunong si Valen?" tanong ko sa kanya. Pero wait?

Bakit naman sya bibigyan ni gagong oppa ng painting? ibig bang sabihin nito may malalim silang pinagsamahan? kasi hindi ka naman basta basta magbibigay ng isang painting sa taong hindi mahalaga sayo, diba?

"Anong nangyari?" dugtong ko pa

"Dalawa ata ang ginawa nya. Tag-isa sila. Pero nung nagkagulo, tinapon iyan ni Valen at mukhang nakita ni Mr. Maria---" agad na napahinto si Thyme sa kanyang sinasabi ng marealize ang mga ito. "I.. I mean, matagal na kasing nanghihingi si Mr. Mariano ng painting ni Valen pero ayaw naman nitong pagbigyan. At nung makita nya ito ay walang pasabing kinuha nya kaagad. Kaya tingnan mo ang mukha ni Valen, mukhang manununtok ng tao haha." gaya ng sinabi nya ay tumingin ako kay gagong oppa at tama nga sya. Bakas ang galit sa mukha nito.

"Ex ko si Valen at first love naman ako ni Yuto." this time dalawa na kami ni Thyme ang napatingin kay Maicey.

Hindi ko alam ang ire-react ko sa sinabi nya. Pero isa lang ang masasabi ko.

Nagulat ako sa pasabog nya.

Out of the blue, ayun yung sinabi nya. Parang ang hirap ata intindihin.

Ah.. kaya pala. Kaya pala ganun ang atmosphere kanina. Kaya pala bakas ang mix emotion na makikita mo kay Yuto. Sabagay, first love nga naman ang pinag-uusapan dito. Ganun din kay gagong oppa, hindi man kita sa mukha at kilos nyang ayaw nya kay Maiccey pero ramdam ko ang pag-iwas nito.

Matapos ang cutting of ribbon ay muling nagsipalakpakan ang lahat. Nag-umpisa na ring magbigay ng mga bulaklak ang mga bisita kay Mr. Mariano at hindi ko naman inaasahang makalipas ang ilang sandali ay hihilahin ako ni Thyme papunta sa kanila kaya sumunod nalang din ako.

Sakto namang pagdating namin ay may kausap si Mr. Mariano na isang Amerikano at kakabigay lang nito ng kanyang bulaklak. Ilang sandali pa ay napatingin ito kela gagong oppa kaya bahagya silang nagbow sa kanya.

"You're Mr. Seinfields grandsons, right?" tanong nito sa kanila. Pero walang sumagot at sadyang nakatitig lang sa kanya. "By the way, I'm David Mcknightly. Mcknightly's Trading Corp. President." sabay lahad ng kamay nito kay gagong oppa

Kinamayan nya naman ito. "Lem Valentine Seinfeld."

Ngumiti ito at inilahad din ang kamay sa harap ni Yuto. "Yuto, and nice to meet you, Mr. Mcknightly." saka din ito nakipagkamayan sa kanya

Tumango ang lalaki at lumapit kay Lav. "I'm Lav without letter U."

Kumunot ang noo nung Amerikano. "But I guess there's no U in Love?"

"That's what I said." nakangiting sabat ni Lav na syang ipinagtaka ng kausap nya.

Buti nalang at may tumawag sa Amerikano kaya naman agad itong nag-excuse sa kanila.

Yun nga lang hindi pa pala tapos si Lav dahil lumapit ito kay Mr. Mariano saka ito inakbayan na parang tropa lang. Ngumiti ito at inilabas ang cauliflower mula sa kanyang likod. "Congrats nga pala sa pa-exhibit kahit kain lang naman ang habol ng mga tao dito." sabay taas baba ng kilay nito. Mula sa pagkaka-akbay ay umayos ito ng tayo saka ipinahawak kay Mr. Mariano ang cauliflower. "Sabi kasi ni kuya Valen bilhan ka ng bulaklak kaya ayan. Nawala nga ako sa palengke kanina nung binili ko iyan. Kadiri pala dun no?" saka naman ito mukhang nandiri.

Bakas sa mukha ni Mr. Mariano ang inis at dismaya. Kaya bago pa man sya makapagreact ay agad na syang hinila ng dalawa nyang pinsan para mapunta sa likod at agad na lumapit si Maicey sa kanya sabay kuha ng cauliflower. "Pasensya na ho kayo, eto ho talaga ang bulaklak na ipinabibigay nilang tatlo." sabay abot nito sa hawak nyang napakalaking bulaklak. Ibibigay pala nya ang bulaklak kay Mr. Mariano, akala ko talaga si Yuto ang nagbigay nun sa kanya. Naweirduhan tuloy ako sa sarili ko ng sumaya ako kaya tumingin nalang ako sa paligid at nakita ang mga bisitang nagchi-chismisan dahil ata sa ginawa ni Lav.

May mga repoters pa namang naka-abang mula sa likod. Grabe hindi biro ang media dito sa event na ito.

"Lia, iha." muli akong napatingin sa harap ko at nakita si Mr. Mariano na nakangiti sa akin.

"Po? co.. congrats po sa inyo" awkward kong bati. Naaalala ko na naman kasi yung nangyari sa back stage kanina.

"Pasensya kana kanina ah, kalimutan mo nalang iyon. Mag-enjoy ka nalang dito."

Papano ko makakalimutan yun? eh napakasakit nung sampal na yun?

"Sa.. salamat po" nasabi ko nalang saka muling awkward na ngumiti

"Mr. Seinfeld!" agad kaming napalingon sa tumawag sa kanya. Isang amerikano na naman. Kasunod nya ang isang sexying babae. Hula ko asawa nya to.

"Puntahan ko lang." paalam nya sa akin. "Don't worry and just enjoy today." pahabol pa nito bago tuluyan ng umalis. "Mr. Schwarzenegger!" rinig pa naming bati nya dun sa lalaki.

Pero ano daw sabi? Shshshwawager lang yung naintindihan ko.

Naku ito na ata ang chance ko. Napahawak ako sa braso ni Maicey. "Teka, alis muna ako. Maghahanap lang ako ng banyo." hindi ko na hinintay ang sasabihin nya at agad na binuhat ang mahaba at makating gown na to saka nagmadaling umalis.

Jusko. Ihing ihi na ako.

Mag-isa kong tinahak ang napakalaki at napakalawak na 18th floor. Wala ng tao sa hallway at lahat ata ay nasa event area. Ilang minuto ata ang naubos ko sa paglalakad bago nahanap ang banyo.

Nagmadali akong pumasok sa pinakamalapit na cubicle at doon na nga ibinuhos ang kanina ko pang pinipigilang tubig sa katawan. Nasa boutique palang kami kanina naiihi na ako. Pero dahil sa nakailang beses akong palit ng makakating gown ay nawala na ito sa isip ko. Muli ko itong naramdaman nung nasa elevator na kami.

Para akong nakuhaan ng masamang enerhiya sa katawan.

Lumabas ako ng cubicle at naghugas ng kamay. Nakita ko sa salamin ang buong mukha ko. "Ako ba to?" Grabe.

Grabe yung pag-evolve ng mukha ko.

Naglakad ako papunta sa napakalawak na body size mirror. Pinagmasdan ko ang buong suot ko. Wala sa sarili akong napangiti. Hindi pa ako nakuntento at umikot ikot pa. Muli akong humarap sa sarili ko at ngumiti.

Pero agad din akong napasingkit mata. "Takte ang bigat nitong gown. Ang kati!" reklamo ko sa sarili ko. Argh! ayoko ng ganitong ayos. Hindi ako makagalaw ng maigi. Idagdag mo pa ang sapatos na suot ko. Masyadong mataas kaya hirap akong maglakad. Sobrang sakit na nga ng paa ko. Sinisigurado ko pagkatapos nitong party na to, isasaksak ko to sa baga ni Yuto.

Langyang anime na yun. Tsk.

Huminga ako ng malalim bago muling hinawakan ang mahabang gown ko at lumabas na ng banyo. Kailangan ko ng bumalik sa kanila.

Habang naglalakad ako ay napatingin ako sa kamay kong nakahawak sa gown ko. Kung titingnan, pareho kami ng design at kulay ng damit ni Yuto. Bakit kaya?

Pero kung ako ang tatanungin, mas bagay kay gagong oppa yung color sky blue nyang suit. Mas lalo syang pumuti.

Maganda naman tingnan si Maicey sa mint green nyang gown. Bagay din sa kanya.

Teka nga lang.. napabagal ako sa paglalakad ng maalala yung sinabi nya.

Ex nya si gagong oppa at first love naman nya si Yuto.

Ay grabe. Ang tindi.

Nagulat talaga a---

"Ikaw ba si Lia?"

"AY NAGULAT TALAGA AKO!" gulat na sabi ko saka napatingin sa lalaking kaharap ko.

Nakasuot sya ng red suit at matangkad din kagaya nila gagong oppa. Singkit ang kanyang mga mata kagaya nung kay Lav. Matangos ang kanyang ilong at kita ang nunal sa gilid at mejo ilalim ng kanyang kaliwang mata. At higit sa lahat ay gwapo. Mukhang maraming babae ang magkakagusto nito sa kanya.

Pero ewan ko ba, pakiramdam ko may hindi tama sa kanya.

Continue Reading

You'll Also Like

231K 6.8K 49
we young & turnt ho.
199K 9.9K 56
ငယ်ငယ်ကတည်းက ရင့်ကျက်ပြီး အတန်းခေါင်းဆောင်အမြဲလုပ်ရတဲ့ ကောင်လေး ကျော်နေမင်း ခြူခြာလွန်းလို့ ကျော်နေမင်းက ပိုးဟပ်ဖြူလို့ နာမည်ပေးခံရတဲ့ ကောင်မလေး နေခြ...
3.6M 84.4K 141
Soon to be Published under GSM Darlene isn't a typical high school student. She always gets in trouble in her previous School in her grandmother's pr...
93.6K 2.3K 40
Isabella Ekaterina is the only daughter of the two most powerful mafia families in the world: the Di Luca Italian mafia and the Vasiliev Russian mafi...