AMADEO'S PROPERTY (IMPERO TIG...

By DeamSolis18

73.9K 2K 187

|| ONGOING || BOOK 2 || Amadeo Callahan Ricci, a half Italian Business Tycoon. Kasalungat ng kanyang pangalan... More

Disclaimer
Simula
Property 1
Property 2
Property 3
Property 4
Property 5
Property 7
Property 8
Property 9
Property 10
Property 11
Property 12
Bb. Araw Notes♚
Property 13
Property 14
Property 15
Property 16
Property 17
Property 18
Property 19
Property 20
Property 21
Deam
Property 22
Property 23

Property 6

2.7K 89 3
By DeamSolis18


Grammatical Errors and Typos a head!
______________________________________

PROPERTY 6: ATTEMPT.

MAUREEN QUINN

Isang linggo na ang dumaan mula noong dukutin ako. Isang linggo na akong nakabilanggo sa malaking bahay na ito. Mula noong gabing iyon ay hindi ko na nakita pa si Amadeo nagising ako nang wala ito sa tabi ko. At nagpapasalamat naman ako na hindi ko ito nakikita. Hindi ko maintindihan ang pakiramdam ko sa tuwing malapit siya sakin. At naiinis ako dahil hindi ko magawang makaalis sa lugar na ito masyadong mahigpit.

" Pinya.." mabilis kong tawag dito nang mapadaan ito sa harap ko.


" Ma'am?" huminto ito at lumingon sakin.


" Ah..may selpon ka ba? Pwede bang makigamit? Hindi naman ako magtatagal.." mahinang pakiusap ko dito. Sana ay magpapahiram ito.


" Ah M-ma'am kasi baka ay mapagalitan ako ni Sir—"


" Hindi naman niya malalaman... promise tayong dalawa lang. Kailangang kailangan ko kasing matawagan ang pamilya ko please Pinya," I pleaded at humawak sa kamay nito. Pero hindi ito nadala, mukhang loyal talaga ito sa Sir nila.


Nagtungo na lang ako sa likod ng mansyon na ito. May napansin kasi akong pinto sa may kusina kanina. Wala si Pinya at Manang Apple sa kusina kaya naman ay madali lang akong nakadaan.


Bumungad sakin ang kataasang sementadong haligi at mga tanim dito sa likod. Malawak naman ang spasyo dito at wala rin naman akong nakitang bantay. Nabuhayan ang loob ko nang makakita ako ng ladder at saktong naka pwesto iyon malapit sa haligi. Dali dali akong kumilos at tumakbo papunta doon. Napalinga linga pa ako sinisiguradong walang makakahuli sakin.


Ito na ang pagkakataon upang makatakas ako!


Dahan dahan akong umakyat sa ladder. Muntik pa akong madulas, buti na lang ay walang nakarinig sa pagtunog ng ladder dahil metal ito kaya gumagawa ng ingay. Nang makarating ako sa dulo ay mga damo ang natanaw ko sa ibaba. Hindi naman gaano kalalim, hindi rin naman siguro ako mapipilayan nito. Napapikit ako at naghanda sa paglundag.


"Huy Miss!"


Nanlaki ang mata ko nang makita ang dalawang nakaitim na lalaki na tumatakbo papunta sa direksyon ko. Dahil sa gulat at pagka bigla ay nawalan ako ng balanse dahilan upang mahulog ako.

"Ahh!" napasigaw ako sa sakit ng bumagsak ang katawan ko. May mga damo nga pero masakit yung pagkakabagsak ko.


"Aray jusko!" nahihirapan akong igalaw ang kanang paa ko dahil tumama ito sa bato. Tumagaktak ang pawis ko sa noo t mabilis din ang pintig ng dibdib ko. Paano kung mahuli nila ako? No.

Kailangan kung makalayo!


" Miss okay ka lang?" dumungaw ang dalawang lalaki sakin na siguradong mga bantay sa mansyon. Mabilis akong tumayo at paikaikang naglakad palayo.


" Miss hanggang diyan ka lang!" rinig kong sigaw ng Isa. Pero hindi ako nakinig. At nalilito na rin ako kung saan ako dadaan. Puro kahoy at mga iba't ibang halaman ang nakikita ko.


Nang marinig ko ang mga yabag nila palapit ay hindi na ako nagdalawang isip na sumuong sa mas maraming Puno at mga damo. At doon ako nagtago.


" What the fvck! Nasaan na babae? Patay tayo nito!"

" Tanga ka kasi bakit mo naman iniwan ang ladder sa ganung pwesto!"


" Tumahimik kayo! Kailangan nating makita ang babae bago dumating si Boss!"

" Tangina mag hiwalay hiwalay tayo!"

" Sige, doon kayo sa kabila!"


Napa sign of the cross ako at nagpapasalamat dahil hindi nila ako nakita. Nawala din ang mga yabag at boses nila. Nakahinga ako ng maluwag pero kasabay nun ay ang pagkirot ng paa ko. Gad! Namumula na ito. Kahit gusto ko ng umatungal sa sakit ay pinigilan ko. Kahit igalaw ko lang ng konti ay sumasakit ito. Nabalian ata ako!


Wala naman akong mahingan ng tulong dahil walang ibang taong dumadaan dito. Nasa kalagitnaan ata ako ng gubat. Tungo ng langgam at kulisap lang ang naririnig ko. Nakaramdam din ako ng kati sa katawan ko dahil sa mga damo. Sobrang sensitive ng balat.



Ilang oras ang dumaan ganun parin ang pwesto ko. Umabot ng hapon at malapit na ring lumubog ang araw. Kitang kita ko ang kalangitan kahit natatabunan ito ng mga dahon ng naglalakihang punong kahoy.


Naisipan kong tumayo at lumipat ng pwesto dahil ramdam ko ang pagdami ng lamok sa paligid. Inis akong napapikit dahil sa paa ko. Tignan ko muna ang bawat sulok ng paligid kung may mga tauhan ba niya. Pero wala akong nakitang bulto.


Marahan akong naglakad at minsan ay napapahinto pa. Feeling ko ay sumuong ako sa Isang digmaan. Hindi ko na alam kong ano ang hitsura ko.


" What the fvck are you doing!"


Napatda ako at biglang dumaloy ang takot sa katawan ko. Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa malamig nitong sigaw.


Nandito na siya.


Huling huli na ako.


Isang malamig na titig ang sumalubong sa akin pag harap ko. Nakaigting ang panga at puno ng galit ang hitsura nito, kuyom din ang kanyang kamao.


Papatayin ba niya ako dahil sa pagtakas ko?


Hindi ako makagalaw sa kinatatayuan at ni walang salita ang lumabas sa bibig. Mabilis ang pangyayari...nakita ko na lang ang sarili kong umiiyak s takot habang mahigpit nitong hawak ang kamay ko at kinaladkad ako palabas sa magubat na lugar na iyon.


" P-please b-bitawan mo ako.." pagmamakaawa ko dito dahil nasasaktan ako sa ginagawa nito. Ang sugatan kong paa ay naiapak ko pa sa lupa. Hindi siya nakikinig.


Nang malapit na kami sa pwesto ng kanyang mga tauhan ay bigla nalang akong nawalan ng balanse at bumuwal ako sa lupa.


Sobrang sakit na ng paa. Mas Lalo akong napaiyak ng makitang nag kulay byoleta.


Napahinto naman siya at napatingin sakin. Pati ang mga tauhan niya ay napatingin sa direksyon ko.


" Boss.."


" Damn it!" napaiwas ako ng tingin nang magmura ito. Kita ko pa ang  paglambot ng ekspresyon ng kanyang mukha. Hilam parin sa luha ang mata ko.


" Where did you get this?" matigas nitong wika bago pumatay sakin. Napaigik naman ako ng hawakan nito iyon. Napalunok ako nang tumitig ito sakin pagkatapos ay binalingan niya ng tingin ang mga tauhan na nakatayo lang sa gilid. Tuwid silang tumayo at nagsi iwas ng tingin.


" You fvckers need to explain! Didn't I tell you to guard her! Damn it!" He angrily shouted.


" Boss—"


" Shut the fvck up! "


Napahinto na lang ako sa pagiyak dahil sa sunod-sunod nitong pagmumura. At kulang na lang ay pagbabarilin niya na ang mga ito. May baril pa naman siyang nakasukbit sa kanyang gilid.


" Sir, kailangan na pong magamot ni Ma'am, mukhang malala ang nangyari sa paa niya," biglang sulpot ng isang lalaki na ikinalingon ng lahat sa kanya. Pamilyar sa akin ang mukha nito.


Napahawak ako saking noo nang makaramdam ako nang pagkahilo. Parang biglang umiikot ang paningin ko.


" Fvck, are you okay Mia Signora? Damnit! "


Hindi ko na natugunan pa ang tanong nito nang bumigay ang katawan ko at sinakop ng kadiliman dahil sa sakit at pagod na naramdaman.

___


Umaga na ng magising ako. Magisa lang ako sa silid. At may cast naring nakalagay sa paa ko. Masakit ang ulo siguro ay dulot ito kahapon, medyo mabigat din ang pakiramdam ko. Nakipag marathon ba naman ako kahapon.


Akala ko ay makakatakas na talaga ako ng tuluyan...



Napatigil ako sa pagmumuni at mabilis na napasandal ako sa uluhan ng higaan nang gumalaw ang doorknob. Mula doon ay pumasok ang lalaking kanina lang ay nasa isip ko. Hindi mawaglit sa isipan ko ang hitsura niya kahapon. Sobrang nakakatakot.


" Don't just stare at me, you need to eat to get back your strength. And you will drink this medicines after to ease your fever," matigas niyang bigkas pagkatapos ay inilapag nito sa higaan ang tray na puno ng pagkain.



Itinuon ko sa pagkain ang tingin dahil hindi ko maatimang salubungin ang kanyang mga mata. Ramdam kong galit parin ito sa ginawa ko kahapon.


" Eat.."


Wala akong nagawa kundi ang hawakan ang kunyertos upang magsimulang kumain. Hindi naman siguro niya ako lalasunin.


Naiilang ako sa mga titig nito. Nakaupo ito sa gilid sa Isang single sofa. At nahihirapan akong kumain dahil dito. Humugot ako ng lakas at binalewala ang presensya nito. Ngunit nabitin ang pagkagat ko sa hotdog ng magsalita ito.

" You can't attempt to escape again Mia Signora, I will secure you to not get out here from now on. Your made me no choice."



Bagsak balikat akong napalingon dito. He smirked. And I don't know what he is planning to do.










to be continued...

Sorry for the long wait -_-

Continue Reading

You'll Also Like

1.8M 54.3K 34
Broke and unemployed Jade Chimera hits the jackpot when she finds out her dead uncle left his mansion to her. One problem: her uncle's stepson, Kenji...