After the Sorrow 2 ✓

By ChenlyYen

1.7K 65 5

Book 2 of Tears of Sorrow Dalawang tao na pinaglalaruan ng tadhana. Ang matinding pagsubok ay nalagpasan dahi... More

IMPORTANT NOTICE
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25 - The Wedding Day (Part 1)
Kabanata 26 - The Wedding Day (Part 2)
Kabanata 27 - Reception
Kabanata 28 - Honeymooners
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35 - Warning
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 51
Wakas
ATS

Kabanata 50

46 1 0
By ChenlyYen

Gail's Point of View

HINAPLOS ko nang ilang ulit ang lapida ng aking anak.

How are you, anak? Sorry kasi malungkot na naman si Mommy, little one. Sana nandito ka dahil kahit mag-aaway si Mommy at Daddy ay masaya pa rin si Mommy kasi kasama kita.

“Gaily...”

Pinunasan ko kaagad ang aking mga luha. Umisod ako palayo sa kaniya nang umupo siya sa aking tabi. What I saw in his office are still fresh in my mind. Until now ay wala pa rin siyang ebidensiya na ipinapakita na nagpapatunay na walang nangyari sa kanila at totoo ang lahat niyang sinabi.

“Want to go out with me?”

“Wala ako sa mood. Ikaw na lang.” walang gana kong tugon.

“Movie marathon tayo?”

Pinitas ko ang isang damo. “Masakit ang mata ko.”

“Swimming?”

“Masakit ang katawan ko.”

I heard him sighed. “Gusto mo bang turuan kita sa paggawa ng coffee?”

“Pagod ako.” I trace my point finger on the sides of tombstone.

“Can I hug you?”

Hindi ako sumagot. Wala akong gana makipag-usap sa kaniya. It's been 4 days since it happened. We slept in separate rooms. I mean, ako ang hindi gustong matulog sa iisang kuwarto na kasama siya kasi palagi kong maalala ang nakita ko sa kaniyang opisina. Kumikirot ang puso ko kung maisip ko iyon.

He suddenly hugged me and that made me froze. I missed his arms encircled on my body. I missed his warmth embrace. Inaamin kong sa loob ng apat na araw na hindi maganda ang pakikitungo ko sa kaniya ay tila may pirasong nawala.

I am disappointed on myself. Bakit ako ganito? Why do I have a soft heart? Ba't ang dali lang mawala ng galit ko pagdating kay Jetty? Ba't ang dali ko lang madala sa kaniya? Sinasaktan na nga ako pero heto pa rin at nangungulila sa kaniyang mga yakap at halik.

“I love you, Gaily. I love you so much.” he said and kissed my head.

Hindi ako umimik.

“Noong naabutan mo kami ni Janey sa kuwarto ng opisina, I don't exactly know what happened. Pero alam ko sa aking sarili na walang nangyari. Alam kong malinis ako, Gaily. Hindi ko maatim na makipagtalik sa ibang babae bukod sa iyo.” aniya.

Pumikit ako at hinawakan ang dalawa kong mata. May namumuo na namang mga luha at ayokong tumulo iyon. Ayokong isipin niya na naaapektuhan ako.

“Ikaw lang naman ang gusto ko, ang mahal ko at ang kailangan ko habangbuhay. Wala ng iba.” dagdag niya.

“Jetty---”

His phone suddenly rang.

“Ano iyon?” tanong niya sa akin.

“Answer the call.” utos ko.

“Mamaya na iyan. May sasabihin ka ba?”

“Wala. Answer the call. Baka importante iyan.”

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin. Tumingin ako sa ibang direksyon at palihim na pinunasan ang isang butil ng luha na tumulo.

Naniniwala ako. I believe in him. I trust him. Alam kong hindi niya ginagawa iyon. Hindi niya gagawin. Hindi niya magawang lokohin ako kasi mahal niya ako. Hindi niya ako sasaktan.

Walang kasalanan si Jetty kun'di kasalanan ito lahat ni Janey. Dahil sa pagmamahal niya sa asawa ko kaya ipinasok niya sa frame si Jetty. He's innocent.

“Hello, Dad?”

“Nasaan ka na? Nandito na kami sa airport. In a minutes ay departure na natin. Nakalimutan mo na bang may out of town tayo for 2 days?” rinig kong wika ni Dad Ricardo.

“Hindi ako tutuloy.”

Napatingin ako sa kaniya. Lumingon siya sa akin at nginitian ako.

“Be professional, Jett! You can't just say no! This is work! Pumunta ka rito ngayon din!” sigaw ni Dad sa kabilang linya.

“You go.” sambit ko.

“Ayoko. Hindi ako sasama kung ganito tayo. I can't leave you here for 2 days.” he shook his head.

Ngumiti ako ng tipid. “Umalis ka na bago pa magalit ng husto si Dad. I'm good here.”

“Gaily...”

“I‘m good. You go. Don't worry.”

Tumitig siya sa akin ng matagal. Pinapanatili kong nakangiti ang aking labi. Why do I love this man so much, to the point na kahit saktan man niya ako ng paulit-ulit ay ayos lang. Mahal ko pa rin siya. Pinapatawad ko pa rin siya.

Pumikit ako ng siilin niya ako ng halik. Ang init niyang halik na mararamdaman mo talaga ang pagmamahal.

Our lips parted.

“I love you. Tatawagan kita mamaya pagkarating namin. Eat your meal on time. Bibilhan kita ng pasalubong. Mag gusto ka pang ipabili?” malumanay niyang saad.

“Wala. Just go home after 2 days.”

“Opo, Gaily.”

Dinampian niya ng halik ang aking labi at patakbong pumunta sa garahe. Pinapatawad ko na ang Jetty na ito. Naisip ko na mas lamang pa rin ang pinagsamahan namin, ang masasaya naming memorya, ang pagmamahal namin sa isa't-isa, kung paano niya ako napasaya. Ayokong ipagpalit ang mga iyon para lang sa bagay na ginawa ni Janey.

Ayos na rin na nangyari iyon kasi nakita ko kung sino ang totoong mabait at nang-aahas sa akin. Nalaman ko na ang babaeng pinatrabaho ko sa shop, tinulungan ko sa abot ng aking makakaya na walang hininging kapalit, at ang babaeng itinuring kong kaibigan ay isa pa lang ahas.

Tinitira ako ng patalikod ni Janey. Ngayon ko napagtanto na kaplastikan lang pala ang lahat ng ipinakita niya sa akin. That smiley Janey is fake, because the truth is, she's a traitor. A woman who cover her true identity to fool people who do nothing to her but kindness.

Biglang tumunog ang doorbell. Tumayo at pumunta sa gate. Pagbukas ko ng pinto ay hindi ko inaasahan ang taong bumungad sa harapan ko ngayon.

“Talagang ang kapal ng mukha mong magpakita rito, ‘no?” taas ang isang kilay kong tanong.

“Nandiyan ba si Jett?”

Tumawa ako nang sarkastiko. “Asawa mo ang kaharap, Janey. Ang kaswal lang natin kung magtanong sa asawa ah? Hindi ko alam kung matatawag ka bang kabit o ano.”

“May gusto akong sabihin sa kaniya. Nasaan siya?” matapang niyang tanong habang pilit na sinisilip ang loob.

“Sige. Kabit na lang ang itatawag ko sa iyo. Ang tapang-tapang ng mga kabit ngayon. Ang kapal kapal ng mukha. Puwedeng pasampal? Gusto ko lang malaman kung gaano kakapal ang pagmumukha mong ahas ka.”

Before she could even say a word, I immediately slapped her so hard, to the point na halos bumaling ang kaniyang mukha sa likuran.

Hinawakan niya ang pisnging nasampal ko at nanlilisik ang mga mata na tumingin sa akin.

“Wala kang hiya!” sigaw niya at akmang sasampalin ako.

“Mas wala kang hiya! Ang bait-bait ko sa iyo! Tinulungan kitang babae ka! Itinuring kitang tunay na kaibigan tapos ito lang ang isusukli mo?! Huh?! Sinulot mo ang lalaking may asawa na!” sigaw ko sa kaniya.

Napahinto ang kaniyang kamay sa ere.

“Anong ginawa ko sa iyo at sinuklian mo ang lahat ng ginawa kong kabutihan ng ganito?! May nagawa ba akong mali upang sirain mo kami ng asawa ko?! Lahat ng mga problema mo sa pinansiyal ay sinasagot ko! It's not my attitude to calculate everything I did to people, but since you push me to do this, then I'll do it para makita ko kung ano ang mali na ginawa ko sa iyo para ganituhin mo ako ng husto!”

Nakita ko ang mga kapitbahay namin dito sa division na lumabas sa kanilang gate.

“I was the one who paid everything for your mother's operation. The medicine and everything. Now, on that first part, may nagawa ba akong mali?” mahinahon kong sambit.

Unti-unti ng namumula ang kaniyang mga mata. Hindi ko alam kung nakonsesya ba siya, nahiya, nagsisisi sa ginawa niya, galit, o baka adik ito.

“I was the one who paid your house noong kukunin na ito ng may-ari sa inyo dahil hindi kayo nakabayad. May mali ba akong nagawa, huh?”

Nakita ko kung paano magngalit ang kaniyang bagang. Galit ba siya sa ginawa kong pagkalkula sa lahat ng naitulong ko? Ginawa ko ito, hindi para ipahiya siya kun'di upang malaman ko kung saan ako nagkamali at sinuklian niya ako ng ganito. At upang matauhan din siya.

“I was the one who paid your sister's tuition for 2 years. May mali ba akong nagawa?” pagpapatuloy ko.

There's one tear escape from her eye. She's hurting for what I did right now? So am I. I trusted her. Pero ito lang ang ginawa niya. Makatarungan ba ito? Makatarungan ba ang ginawa niya? Siya pa ang pumunta rito at kaswal na itinanong sa akin kung nasaan ang asawa ko na tila hindi ang asawa nito ang hinahanapan niya. Gaano kakapal ang mukha ng babaeng ito?

“Janey, gusto mo pa bang ipagpapatuloy ko ang lahat, huh? Para saan ang luha na iyan? Para paawa? Hindi na iyan uubra sa akin. Ngayon, tatanungin kitang muli, bakit mo ito ginawa sa akin?”

Umiwas siya ng tingin at pinunasan ang kaniyang pisngi. Narinig ko ang mga bulungan ng kapitbahay.

“Bakit mo ito ginawa sa akin?!” bulyaw ko.

Tumingin siya sa akin. “Because he doesn't deserve you!” sigaw niya na siyang nagpahinto sa akin.

“A-Ano?”

“Jett doesn't deserve you, Ma'am! Nakita ko kung paano magdusa at masaktan si Sir sa mga kamay mo!”

Nagdudusa at nasasaktan si Jetty sa mga kamay ko? Paano? Bakit? Bakit ngayon ko lang nalaman?

“And do you think, I deserves all of this? Alam mo rin ba ang sakit at pagdudusa ko, Janey?” tanong ko.

Umiling siya. “Ma‘am, oo. Deserved mo ang lahat. Palagi akong nakamasid sa inyo. Palagi kang iniintindi ni Sir kahit hindi niya naman kasalanan.” she added.

“Natural asawa ko siya, Janey. Kung may pag-aaway kami o may hindi pagkakaintindihan ay labas ka na roon. Trabahante ka lang namin. Binabayaran ka sa serbisyo mo. Hindi kita kaano-ano. Walang kang karapatan na manghimasok o ano."

“Sorry pero hindi ko kayang panoorin si Sir na gano'n ang trato mo.”

Tumango ako. “Iyon ang dahilan kaya pumunta ka sa opisina niya? Naaawa ka sa asawa ko kaya ako ang sinaktan mo? Gano'n ba?” Tumawa ako nang mahina. “Iba ka rin, ‘no? Grabe, Janey. Wala pang isang buwan na nawala ang anak namin. Tapos ang timing ng ginawa mo. Ang talino mong tao. Nakita mong mahina pa ang tao kaya iyang demonyo mong plano ay ipinasok mo. Ginawa mo ito para mamatay ako sa sakit?”

Ngumiti siya. Isang ngiti na ayokong makita. Nakakairita. Nakakapang-init ng ulo. Ako ang asawa, pero itong babae pa ang matapang sa amin ngayon. Just wow!

“You have a clever tricked, but you think sa ganoong paraan ay mapapatay mo ako? Kahit siguro maghiwalay kami ng asawa ko, Janey, ay kahit kailan, hindi papatol si Jett,” tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. “sa iyo.”

Ngumiti ako. Ayokong malaman ng babaeng ito na apektado ako sa ginagawa niya dahil baka isipin niya ay naging successful ang kaniyang mga plano. I will never give her the satisfaction of winning.

“Siguro kung papatol siya sa iyo ay mukhang ikaw na lang ang nag-iisang babae sa mundo."

I inhaled and exhaled loudly. “Sinasabi ko na sa iyo noon na ihinto mo na iyang nararamdaman mo sa asawa ko. Pero sad to say ay hindi ka nakinig. Kung akala mo, Janey, na isa akong martyr na asawa ay nagkakamali ka.”

Tumingin ako sa semento. “Because at this moment, I am not afraid to lose a man and I am not scared to sue someone who ruin our marriage.” ibinalik ko ang aking paningin sa kaniyang mukha. “Janey, ayos ka na sana eh. We clicked immediately. Kaso... Minahal mo ang taong may asawa na. Minahal mo ang asawa ko.”

Ngumisi siya. Grabe. Sige, kabit na ang itatawag natin sa kaniya. I mean nakikabit lang. Ang taas ng fighting spirit ng babaeng ito. Tumba ako. Ang sarap ingudngod ang mukha ng babaeng ito sa semento.

“You‘re not afraid to lose a man? Akala mo hindi ko alam ang nangyari sa inyong dalawa noon? Paano ka magmakaawa. Paano ka umiyak. Paano ka lumuhod. Paano ka halos mabaliw ng sobra. Ang sarap mo sigurong panoorin ng panahon na iyon, Ma'am. Iyong panahon na hindi ka pa naalala ni Sir.” nakangisi niyang sabi habang binibigyan ng diin ang itinawag niya sa akin.

“Ang tapang mo naman. Nakikabit ka lang, remember? Huwag mong kalimutan kung sino ka at kung sino ang binangga mo ngayon. Kabit ka habang ako ay legal na asawa.” nakangiti ngunit seryoso kong ani.

“Alam mo, Ma'am, hindi ko alam kung ano ang nakita ni Sir sa iyo.”

“Simple, maganda ako. Maganda ka ba?” pang-aasar ko.

Tumawa siya. Gusto ko ng bigyan siya ng reward. Bilib na bilib ako sa kaniya. Is it okay to hurt this woman physically? Kanina pa ako nagtitimpi.

“Just laugh and laugh, Janey, because it will never change the fact na isa kang sulutera, traydor, ahas at mang-aagaw. Ang malandi ay mananatiling malandi. Ang traydor ay mananatiling traydor. Ang ahas ay mananatiling ahas. Ang kabit ay mananatiling kabit." Nagkibit-balikat ako. “At ang pangit ay mananatiling pangit, unless gusto mong magpa-plastic surgery. Gusto mo ako pa ang magbayad? Gusto ko kasing pakunan ng kapal iyang makapal mong mukha.”

“And it will also never change the fact that you killed your child.” she said while smiling devilishly.

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi. Kinuyom ko ang aking mga kamay nang mahigpit. Kumurot ang puso ko sa kaniyang sinabi kasi alam kong totoo iyon.

“Wala kang hiyang ina. Kung mabuti kang ina ay inaalagaan mo ang iyong anak. Kaso hindi. Pabaya ka. Pinabayaan mo. Mamamatay-tao ka. Ito ang isa rin sa dahilan kung bakit naaawa na ako kay Sir. Obvious naman na gusto na niyang magkaroon ng anak pero dahil may asawa siyang pabaya ay ayun wala. Baka nga ay naging baog ka na, Gail?”

That's it. She provoked me. She brought up the past that almost killed me. Hindi ko na napigilan. Tumulo ng sunod-sunod ang mga luha ko.  Masakit ang mga ibinato niyang salita kasi sobrang totoo. Pinatay ko ang sarili kong anak. At hindi ko nabigyan ng anak si Jetty.

“Baog ka---”

Hinawakan ko ang kaniyang buhok at sinabunutan siya. Pinalaki ako ng maayos ng mga magulang ko. Pinalaking dapat may respeto ka. Pero hindi ako papatalo kapag ganito na. Sumulong siya rito sa bahay ko at kahit anong gawin ko sa kaniya ngayon ay bahala na siya.

Ako ang asawa tapos ako pa ang matatakot sa kaniya? Ako ang inahas tapos siya pa ang magtapang-tapangan ngayon?

Sa totoo lang ay hindi ko inaasahan na sasabihin ni Janey iyon. I never saw it coming. Ang sakit sa puso kapag sa ibang tao mo na marinig na pinatay ko si little one at hindi mabigyan ng anak si Jetty.

Pinilit ko naman. Pero siguro nga talaga ay pabaya ako. Kaya siguro karma ko na itong lahat.

Napahiga siya sa semento. Patuloy ko siyang sinabunutan habang siya ay pilit na sinasangga ang mga sabunot ko. Nagsabunutan kami rito sa tapat ng gate namin. Noong nakaraang araw ko pa naisipan na patawarin na lang siya kasi it was just one mistake. Puwede pang magbago siya. Subalit sa ginawa niya ngayon ay hindi ako makahanap ng rason upang patawarin siya.

“B-Bitawan mo ako! Huminto ka na! Maawa ka!” umiiyak niyang sigaw.

Walang hinto na mangyayari kung hindi kita makalbo, Janey. At walang awa akong mararamdaman kasi ikaw mismo ay hindi naaawa sa akin. Sinugatan mong muli ang mga sugat ko na hindi pa naghilom.

“Buntis ako! Maawa ka!"

Ang sigaw na iyon ang nakapagpahinto sa akin. Napatulala ako sa kawalan. Nanginginig ang mga kamay ko. Naalala ko kung paano ko itulak si Audrey noong ipinagbuntis niya si Manman tapos dinudugo siya at nagalit si Jetty sa akin. Magagalit din kaya siya kung malaman niya ang ginawa ko kay Janey ngayon? Tapos ang nangyari sa akin. Makunan din kaya siya kagaya ko?

Umupo siya habang patuloy pa rin sa pag-iyak. Ako ang naging masama sa narinig kong bulungan ng mga kapitbahay ngayon.

“Buntis ako, Ma'am. Huwag mo akong saktan.”

“S-Sino ang ama?” nanginginig ang boses kong tanong.

“Si Sir."

Nabingi ako sa kaniyang sagot. Jetty got her pregnant. Wala na bang mas ikakasakit pa rito? Nakabuntis ang asawa ko sa ibang babae.

“A-Alam na ba niya?”

Tumango siya. Pumikit ako. Alam na ni Jetty pero hindi niya sinabi sa akin. Wala siyang sinabi.

“Hinanap ko siya ngayon upang sabihin kung sasama ba siya sa akin sa check-up pero mukhang nakaalis na siya.”

“Alam mo rin na aalis siya ngayon?”

“Oo. Sinabi niya sa akin noong nakaraang araw. Hindi ba sinabi ni Sir sa iyo?”

Napahilamos ako. My God. Ano ito? Naglilihim si Jetty sa akin. Ngayon ko lang nalaman na may out of town pala siya. Kung hindi ko pa siya katabi kanina ay mukhang hindi ko pa malalaman. Tapos si Janey ay alam niya at noong nakaraang araw pa. Hanggang kailan ba ako gawing bulag ni Jetty? Hanggang kailan ba hihinto ang pananakit niya sa akin?

Biglang may matandang babae ang tumakbo sa kinaroroonan namin. Lumapit ito kay Janey.

“Jusko. Ayos ka lang ba?” nag-aalala nitong tanong.

“O-Opo, Ma'am." humihikbing sagot ni Janey.

Galit na bumaling sa akin ang matandang babae. “Ano ang ginawa mo rito, huh?! Narinig ko ang usapan ng mga kapitbahay natin! Kasalanan iyan ng asawa mo kaya naging ganito.”

“Paano naging kasalanan ng asawa ko, Ma'am? Oh, ilagay na lang natin na kasalanan niya pero paano naman iyang si Janey? I think she was the one who initiated before kasi naabutan ko siya sa opisina ng asawa ko. Ang babaeng mismong iyan ang lumapit at pumunta sa asawa ko kasi may gusto siya roon.” kahit hilam ang mga mata ko sa luha ay nagawa ko pa ring sumagot sa matandang ito.

“Hindi totoo iyan! He texted me! Gusto niyang magkaroon ng anak dahil hindi mo iyon maibigay! Dahil naaawa ako sa kaniya kaya bumigay ako!” Janey reasoned out.

Napamaang ako sa kaniyang sinabi. Hindi ko na alam kung sino ang paniniwalaan. Nagdadrama naman ba itong si Janey ngayon upang kaawaan ng lahat?

“Asawa mo iyan kaya pagsabihan mo! Kung matino ba naman iyang asawa mo edi sa iyo na dapat magpakasaya at hindi iyong mangongontak pa ng iba!” sigaw muli ng matanda.

“Alam na po ng asawa mo, Ma'am. Siguro sa pag-uwi niya ay dederetso na sa hospital dahil siya naman po ang nag-set ng appointment para ma-check-up ako." mahinang sabi ni Janey, ang boses nito ay nagpapaawa.

Tumalikod sila.

Napatawa ako nang mahina. Sa lagay ko ngayon ay mukhang ako pa ang kawawa. Lahat ng tao na nandito ay mukhang ayaw sa akin. Partida, ako pa ang asawa, tapos ako pa ang sinulong at pinagsabihan ng mga masasakit na salita sa isang kabit o nakikabit lang.

Yumuko ako. Ang mga luha ko ay tumutulo sa sahig.

Ang sakit ng taon na ito. Nagkasakitan at nagkasumbatan kami ni Jetty noon. Namatay ang Lola ko. Nakunan ako. Nakita ang asawa ko at si Janey sa isang kuwarto. Nabuntis daw ni Jetty ang babaeng iyon.

Ang sakit sa puso. Hindi pa naghilom ang mga sugat na natamo ko pero heto na naman. Ibang sugat na naman. Mas malalim. Mas malaki at mas masakit.

Magkaiba ang sinabi ni Jetty at Janey sa akin.

Sino sa kanilang dalawa ang nagsinungaling?

Sino sa kanila ang paniniwalaan ko?

Continue Reading

You'll Also Like

7.8K 546 35
Follow your heart but always take your brain with you. Kaya ko pa bang magmahal pagkatapus akong lokohin. Kaya ko pa bang magtiwala muli. Kaya ko p...
19.4K 1.5K 48
One mistake is enough. This is the line that Audrey keep on remembering after she got pregnant by her boyfriend at the age of 19 and was abandoned by...
3.6K 136 69
BILLIONAIRE SERIES #1 ✔️ Judd Harrison is a well known multi-billionaire, all of the good personality that women would dream of. He has a girlfriend...
16.3K 509 49
This is the story of a girl name Shannon that is really persevered to get Johann, her dream guy. She can do everything just for her to get the attent...