Hart with Lav and Valentine

By pandan05

1.1K 87 94

Hart and Lav with Valentine. These guys are perfect if your goal is to ruin your life like how their lives ar... More

Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chapter 5
Chapter 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31

Chapter 24

17 2 0
By pandan05

ELEVATOR

Yuto's POV

"I'll changed my clothes first and get back to you." sabi ko kay Lia saka nagmadaling lumabas ng sasakyan. Hindi ko na hinintay na magsalita pa sya. Hahaba lang ang bangayan namin at lalong male-late lang kami nito.

Agad kong kinuha sa likod ang malaking paper bag na syang suit ko yung laman.

I looked at my smart watch while almost running. Damn. It's already 11:45.

Nagmadali akong pumasok sa elevator at pinindot ang 10th floor. Kung bakit ba kasi napakalayo ng dressing room namin sa parking lot. Hindi din naman kami basta basta pwedeng makapagbihis kahit saan dahil kapag nakita kami ng mga reporters, pagkakaguluhan na kami agad.

Hindi dahil interesado sa amin, kundi dahil sa problema ng pamilyang ito.

Agad akong tumakbo sa dressing room para makapagbihis. Pagbukas ko ng pinto, isang lalaki ang bumungad sa akin na syang mejo ikinagulat ko.

Nagtagpo ang tingin namin.

Nagsmirk sya sa akin. "Not nice to see you again, Hart."

Hindi ko sya pinansin at pumasok nalang sa loob at dumiretso sa isang cubicle para makapagbihis.

Ayokong makita ang pagmumukha ni Pain dito.

Alam kaya ng dalawa ito?

At anong ginagawa nya dito? I thought he's in Germany?

"I thought you're dead." rinig kong sabi nya mula sa labas. "I thought Valentine already killed you?"

Lumabas ako ng dressing room at nakita syang nakasandal sa malaking vanity mirror katabi ng pintuan habang nakaharap sa akin. "Such a pity. Hangal parin sya para hindi ka nya tuluyan. He's just giving me a privilege to kill you."

Ayoko munang patulan ka, dahil kapag na-late kami hindi ikaw ang makakapatay sa akin kundi si Jiji.

Bago pa ako makalapit sa pintuan ay naunahan na nya ako. Inilagay nya ang kanyang paa sa door knob. "I said, it's been a long time."

Umatras ako ng konti para maapakan din yung paa nyang nasa pintuan saka humarap sa kanya. "If I'm late, you can't kill me." stern kong sabi bago inalis yung paa nya gamit yung paa ko.

Binuksan ko ang pintuan. "If only Valen listened to me, he'll know that you're Satan's favorite son." saka ako tumingin sa kanya. "And maybe, just maybe. His mom is still with him until now."

Bakas sa mukha nya ang pagkainis dahil sa mga sinabi ko. Kaya bago pa sya maka-react ay tuluyan na akong lumabas at malakas na isinara ang pintuan. Bakas ang malakas na echo nito sa buong hallway ng 10th floor.

Pain will always be pain in the ass.

Kailangang malaman ni Lav na nandito na sya.

And again, I need to run.

Muli akong tumakbo pabalik sa elevator. I need to get Lia. Muli akong tumingin sa smart watch ko habang patuloy pa rin sa pagtakbo at paliko na sa hallway. It's 11: 5---

Chikuso (Son of a b*tch)

"Miss you oka---"

"Yuto?"

Maicey...

Tumayo ito na mejo nahirapan pa dahil sa gown nya. Pupulutin pa sana nya ang napakalaking bouquet nyang dala pero ako na ang kumuha at ibinigay sa kanya. "Thank you. Pasensya ka na hindi ako nakatingin sa---"

"Sorry, but I'm in a hurry." sabi ko saka pinindot ang elevator dahilan para bumukas ito. Agad akong pumasok, at bago ko pa maisara ang pintuan ay pumasok naman ito na syang ipinagtaka ko.

Hindi nalang ako umimik at pinindot nalang ang B2.

"Which floor?" tanong ko sa kanya dahil hindi naman sya pumindot.

"Basement 2 din. Iche-check ko lang si Valen. Wala pa ka---"

"I didn't ask."

Muli syang ngumiti sa akin. "Okay ka lang ba? anong nangyari sa mukha mo? bakit may mga pasa?

"Don't ask"

Natahimik naman sya. Sana naman hindi na sya umiyak. I don't want to be fooled again.

Ganun lang kami sa loob ng elevator. Nararamdaman ko ang pasulyap sulyap nya sa akin minsan pero hindi ko nalang ito pinansin. I don't want to be affected again.

Wait? anong ginagawa nya dito? and he's not with Thyme?

Nah. Nevermind.

Kuso (Damn it). It's already 12: 06 and I need to pick up Lia. I took my phone out para sana tawagan sya pero muli ko nalang itong ibinalik sa bulsa ng maalalang wala pala akong number nya. Di ko nga rin alam kung gumagana pa iyong cell phone nyang iyon.

At sa wakas Basement 2 na. Huminga ako ng malalim para makapaghanda sa pagtakbo ng bumukas ang pintuan at bumungad sa akin si Lia kasama si Valen.

Wow, talagang nakalingkis pa sya sa braso nito.


Third Person's POV

"Yuto!" automatic na sabi ni Lia ng makita ang mga nasa loob ng elevator. Tatakbo na sana sya pero agad na hinawakan ni Valen ang kamay nyang nakahawak sa kanyang braso dahilan para mapatigil ito.

"Mag-ingat ka nga. Di mo ba inisip na kapag nadapa ka, madadapa din ako? Tsk. Jjajeungna."

Nabalik naman si Lia sa reyalidad kaya muli nalang itong napakapit kay Valen.

Maingat silang dalawa na pumasok sa elevator. Umusog si Yuto sa gilid kaya napausog na rin si Maicey sa sulok.

Pinindot ni Valen ang 18th floor saka tumingin sa dalawa. "Anong floor kayo?" pero wala namang sumagot sa tanong nya kaya si Lia na ang humarap sa kanya.

"Ano bang klaseng tanong yan? natural dun din sa party. Ano ka ba?"

"Akala ko kasi sa ibang floor sila pupunta. Alam mo na" saka ito napa-smirk.

"Hindi ko alam. Bakit? ano nga ba?"

"Ikaw talaga ang slow mo."

"Ga.. I mean oppa, gago ka ba?"

Nainis naman si Yuto dahil sa huling narinig nya kaya sumabat na ito bago pa muling makapagsalita si Valen. "I told you to wait, bakit hindi mo ginawa?"

This time, tumingala si Lia sa kanya. "Ine-expect mo talagang hihintayin kita? eh iniwanan mo akong mag-isa dun. Abnormal ka ba?"

"Sabi ko babalik ako. Babalikan kita." firm na sabi nito

"Pero hindi mo ginawa. Buti na nga lang nakita ko itong si.. oppa. Kasi kung hindi---"

"I said I'll get you!" mejo pasigaw na sabi nito na syang ikinagulat nila Lia at Maicey.

Napasmirk naman si Valen. "Puro ka kasi salita. That's what you get when you're a douchebag."

Pagkatapos ng kanyang sinabi ay natahimik ang paligid. Wala ng nagsalita. Kaya naman gri-nab na ni Maicey ang opportunity. "Lia right?" sabay bend nito ng ulo para mangitian si Lia dahil nakaharang si Yuto sa kanila.

"Don't talk to her." sabay na sabi ng magpinsan

Kumunot ang noo ni Lia sabay tingala sa dalawa. "Problema nyo sa buhay?" tanong nya bago muling tumingin sa babaeng katabi ni Yuto. Tumango ito at ngumiti din. "Nice to meet you again..." saka ito nag isip.

"Maicey.. I'm Maicey."

"Ah oo nga pala! hehe pasensya ka na makakalimutin kasi ako."

Muli na sanang magsasalita si Maicey ng biglang umalog ng malakas ang elevator dahilan para ma-out balance silang apat at magkapalit ng mga pwesto. Mabubunggo sana si Maicey sa mga button ng elevator. Hindi kasi ito makahawak sa mga railings dahil sa hawak nyang malaking bouquet buti nalang at mabilis syang nahawakan ni Lia kaya nabitawan nito ang kanyang bulaklak at napakapit sa kanya. Yun nga lang naapakan naman nito ang kanyang damit dahilan para silang dalawa ay matumba.

Pagtama nila sa sahig ay doon naman tumigil ang pag-alog ng elevator.

"Aray ko." sabay himas ni Lia sa kanyang braso. "Ang sakit." Tatayo na sana sya ng makita nya ang dalawang kamay na nakalahad sa harap nya. Tumingala sya at nakita sila Yuto at Valen na nakayuko sa harap nya.

Naging awkward tuloy ang elevator. Ilang sandaling ganun silang tatlo. Si Maicey naman ay nasa tabi ni Lia na syang hindi malaman ang nararamdaman.

Minabuti nalang ni Yuto na tumayo ng tuwid at naglakad papunta sa mga button ng elevator at hinanap nya ang call button para matawagan yung staff ng hotel. Tinulungan naman ni Valen si Lia na tumayo. At si Maicey na tumayong mag-isa.

"Anong nangyari jan sa siko mo?" tanong ni Valen kay Lia. Nakita kasi nito ang kanyang sugat dahil malapit dito ang nabunggong braso ni Lia na syang tinitingnan nya ngayon.

"Nasugatan nung umakyat ako sa gate kahapon" sagot naman nya kaya napatingin din si Yuto sa kanila.

"Mwo? (what in Korean)" react ni Valen sa kanya

Hindi ito pinansin ni Lia at lumapit kay Maicey. "Okay ka lang?"

Tumango sya at ngumiti. "I'm fine. Ikaw?"

Pilit namang pinulot ni Lia yung napakalaking bouquet at inabot sa kanyang katabi. "Ang ganda naman ng bulaklak mo. Nakakainggit tuloy hehe"

Kinuha nito ang bulaklak mula sa kanya. "Ang ganda din ng gown mo. Nakakainggit din. Tapos magkasing kulay kayo ni Yuto. Pa.. parang pang-couple lang." awkward nitong sabi bago nagpilit ng ngiti. "Pwede bang magtanong? ka.. kayo---"

Hindi naman nito natapos ang kanyang sinasabi ng biglang sumabat si Yuto. "Wala ka na dun."

Inirapan sya ni Lia bago humarap kay Maicey. "Wag mo nalang syang pansinin. Abnormal talaga yan." sabi pa nito pero agad din itong nagtaka. "Kilala mo ata sila? himala."

Ngumiti naman ito. Sasagot na sana sya ng hilahin ni Valen si Lia papunta sa kanyang tabi kaya hindi nito natuloy ang kanyang dapat na isasagot.

"Andami mong tanong. Pumirme ka nga!" singhal ni Valen sa katabi nito.

"Eh tanong din naman sya ng tanong sa akin eh!" sagot ni Lia saka humarap kay Yuto. Napailing nalang ito. "Hay nako. Magkakasama na nga tayo palagi, hanggang dito ba naman sa elevator, magkakasama pa rin tayong tatlo? napakamalas ko naman ata." saka ito napabuntong hininga. "Akala ko sa mga drama at wattpad lang iyang mga sira sa elevator. Pati pa rin pala sa totoong buhay. Ang pangit sa pakiramdam sa totoo lang. Naiihi pa naman ako"

Muling natahimik ang paligid kaya muling naging awkward. Pwera nalang kay Lia na wala pa ring alam sa kung ano man ang meron sa tatlo.

Panay check naman si Yuto sa kanyang cell phone kung nagkaroon na ba ng signal pero ganun pa din. Wala pa ring signal kaya muli na naman syang tumawag sa staff. Pinindot nya ang red button at naghintay na may sumagot dito.

"A few moment Sir, we're still fixing the cables. So---"

"I don't give a damn. Just get us out of here."


Lav's POV

Takte anong oras na, wala pa rin silang tatlo dito. Saan ba sila nagpunta? tinanan na ba ni kuya Yuto si ate Lia? eh si kuya Valen kaya? nagkita na kaya sila ni ate Maicey?

Huhu. Nandito nga pala ako sa back stage at nagtatago kela Mr. Wu at Grandpa shark. Mahirap ng makita ako, panigurado ako ang pagbubutungan nila ng galit nito. 12:33 na at hindi pa rin nag-uumpisa ang program dahil wala pa silang tatlo.

Nakakainis talaga! sana naman nakapagmukbang live ako kanina! Tsk. Nangako na ako dun sa mga viewers ko eh! Arai wah! (What the Hell in thai?)

"Ano? hindi pa rin ba sumasagot si Valen?" mula sa pagtatago sa isang malaking carton ay dumungaw ako para makarap si kuya Thyme.

"Hindi nga macontact kuya. Pati na rin si kuya Valen." mangiyak ngiyak kong sabi

Napakamot na din sya ng ulo dahil sa inis. "Hindi din sumasagot si Maicey. Ano kaya ang nangyari? "

Buti nga lang nandito si kuya Thyme, kahit papano may kasama ako. Hindi din naman kasi pwede si Axel dahil sabay silang magsisimba ni kuya Hiro. Papano kasi may nagawang kasalanan kaya ayun, pinakumpisal ng wala sa oras. Mamaya pa ata sila darating. At si kuya Leon naman ay may family dinner kasama yung family ni ate Sab.

"Bakit ba kasi ininsist talaga ni ate Maicey na hintayin si kuya Valen sa parking lot? manghihingi pa ba sya ng chance o ano?" diretsahan kong tanong kay kuya.

Agad naman nyang pinasok ang ulo ko sa loob ng malaking carton. "Wag ka nang makichismis jan. Wala ka na dun."

Pero muli naman akong dumungaw sa kanya. "Bakit ba kasi sinama mo pa si ate Maicey dito? eh aware na aware ka naman sa kabalastugang ginawa nya diba?"

"Wala tayong alam sa mga totoong nangyari" sabat naman nito sa akin saka muling tumingin sa pintuan dahil mukhang may paparating kaya ibinaba ko na naman ang ulo ko at sumilip nalang sa pumasok.

Papanong walang alam sa mga nangyare eh nagkagulo yung bahay nun dahil sa dalawa kong pinsan. Tapos sya din yung naging palaging kasama ni ate Maicey. Imposibleng wala syang alam. Ngo (stupid in Thai).

This time pumasok na talaga ako sa loob ng carton at napatakip ng bibig ng makita ang mga papasok sa loob.

Si Grandpa Shark at Mr. Wu.

Naku eto na nga bang sinasabi ko. Patay ako nito.

Continue Reading

You'll Also Like

13.1M 435K 41
When Desmond Mellow transfers to an elite all-boys high school, he immediately gets a bad impression of his new deskmate, Ivan Moonrich. Gorgeous, my...
1.1M 60.2K 39
Millie Ripley has only ever known one player next door. Luke Dawson. But with only a couple months left before he graduates and a blackmailer on th...
65.1K 1.5K 78
Harry Potter x female reader °。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。°。 Cedric Diggory has a younger sister named Y/n and she's starting her fourth year at Hogwarts. H...
14.4K 349 16
𝚃𝚑𝚎𝚢 𝚜𝚊𝚢 𝚒𝚝'𝚜 𝚏𝚊𝚟𝚘𝚛𝚒𝚝𝚒𝚜𝚖 , 𝚗𝚊𝚑 𝚝𝚑𝚎𝚜𝚎 𝚝𝚑𝚎 𝚘𝚗𝚎𝚜 𝚒 𝚕𝚘𝚟𝚎 𝚝𝚑𝚎 𝚖𝚘𝚜𝚝 .. ꨄ