10 Steps To Be A Lady

By Khira1112

11.7M 232K 32.6K

First Installment of Steps Series Si Rhea Louisse Marval ay isang babaeng hindi marunong magpakababae. Boyish... More

10 STEPS TO BE A LADY
CHAPTER 1 : BET
CHAPTER 2 : HER PUNISHMENT
CHAPTER 3 : THE STEPS
CHAPTER 4 : THE BLACKMAILER
CHAPTER 5 : TRIAL AND ERROR
CHAPTER 6 : DINNER WITH OLD FRIENDS
CHAPTER 7 : THE BEHOLDER
CHAPTER 8 : PIQUE
CHAPTER 9 : CEASEFIRE
CHAPTER 10 : PAST, PRESENT & FUTURE
CHAPTER 11 : THE GENTLEMAN
CHAPTER 12 : THE IMPOSSIBLE SIDE
CHAPTER 13 : STARTING POINT
CHAPTER 14 : ADMISSION AND CONFUSION
CHAPTER 15 : SOURCE OF IRRITATION
CHAPTER 16 : RETURNING BUDDIES
CHAPTER 17 : KILL
CHAPTER 18 : NOT SO GOOD
CHAPTER 19 : NIGHT AND DAY DIFFERENCE
CHAPTER 20 : TONS OF REMINDERS
CHAPTER 21 : NOTES AND LISTS
CHAPTER 22 : WITH HIM
CHAPTER 23 : PILLOW VS PUNCHING BAG
CHAPTER 24 : ENEMIES TO PERFECTION
CHAPTER 25 : THE UNBEATABLE
CHAPTER 26 : MATURITY
CHAPTER 27 : NOT A GOOD JOKE
CHAPTER 28 : WHEN NO ONE IS AROUND
CHAPTER 29 : ASSURE YOU
CHAPTER 30 : TWO IN ONE
CHAPTER 31 : BLACK AND WHITE
CHAPTER 32 : READ BETWEEN THE LINES
CHAPTER 33 : GETTING SERIOUS
CHAPTER 34 : MISMATCH
CHAPTER 35 : THE KISSING MONSTER
CHAPTER 36 : NAUGHTY SIDES
CHAPTER 37 : SECOND TEST
CHAPTER 38 : LAST QUESTION
CHAPTER 39 : RESULT
CHAPTER 40 : LEVEL UP
CHAPTER 41 : WELCOME AND GOODBYE
CHAPTER 42 : STYLE
CHAPTER 43 : WEIRD
CHAPTER 44 : DATE
CHAPTER 45 : THEMESONGS AND UNRECIEVED GIFTS
CHAPTER 46 : HOW TO BE SWEET
CHAPTER 47 : EXTRA LESSON
CHAPTER 48: KEEP YOU AWAY
CHAPTER 49 : COLD TREATMENT
CHAPTER 50 : NOODLES
CHAPTER 51 : FAIR FIGHT AND ELEVEN GIFTS
CHAPTER 52 : THE JUDGES AND THE AUDIENCE
CHAPTER 53 : JUST TELL
CHAPTER 54 : A MINUTE OF BEAUTY , CONFIDENCE AND ELEGANCE
CHAPTER 55 : STEP FOUR
CHAPTER 56 : REST DAY
CHAPTER 57 : DO THIS
CHAPTER 58 : FIND ANOTHER WAY
CHAPTER 59 : FIFTEEN
CHAPTER 60 : SORRY NOT SORRY
CHAPTER 61 : LET ME KNOW YOU
CHAPTER 62 : FORGOT
CHAPTER 63 : CONTINUE THE STEPS
CHAPTER 64 : MOON
CHAPTER 65 : INITIATE
CHAPTER 66 : DONE NOTHING
CHAPTER 67 : KISS MARK
CHAPTER 68 : BITTER
CHAPTER 69 : WAIT
CHAPTER 70 : HEADLIGHTS
CHAPTER 71 : MORE THAN MOST
CHAPTER 72 : RINGTONE
CHAPTER 73 : BARBIE
CHAPTER 74 : HELL IN MY HANDS
CHAPTER 75 : HORROR-ROMANCE
CHAPTER 76 : STEP 6
CHAPTER 77 : LET IT OUT
CHAPTER 78 : INVITATION
CHAPTER 79 : PROCESS OF GETTING BETTER
CHAPTER 80 : TWO MONTHS REMAINING
CHAPTER 81 : BREAK
CHAPTER 82 : STEP 7 AND 8
CHAPTER 83 : FIRST TIME WITH YOU
CHAPTER 84 : CHAT
CHAPTER 85 : FINISHED
CHAPTER 86 : PART-TIME JOB
CHAPTER 87 : WORKMATES
CHAPTER 88 : HOW I WISH
CHAPTER 89 : TREASURE AND PRECIOUS
CHAPTER 90 : GIRL OR LADY
EPILOGUE
NOTE

LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL

89.9K 2.3K 625
By Khira1112

If you reached this far without skipping a single chapter, I owe you a heart-warming 'thank you.' I hope you enjoyed reading 10STBAL. Epilogue na lang po.



LAST CHAPTER : WITNESSED IT ALL


REN POV


It all started when I turned 8.


"Ren, be a good boy. Huwag ka magpapasaway sa yaya mo."


Iyan ang kadalasang naririnig ko kapag aalis si Papa at iiwan ako sa bahay kasama ang mga katulong. Wala naman akong pakialam kung only child ako pero madali akong mabagot. Ayoko na nai-istuck sa isang lugar ng ako lang. I have toys pero madali ko ring pinagsasawaan. I'd rather have real playmates kaya lagi ako nagpapapunta kay Yaya sa park.


"Gusto ko po sa park." Sabi ko sa medyo matanda kong yaya habang hinihila ang damit niya.


"Mainit man sa labas, dong!"


"Sige na po. Hindi ako magkukulit. I just wanna play."


Siguro ay narindi sa akin ang yaya ko kaya napapagbigyan ako pumunta sa park. Hindi ko kasi siya titigilan sa pangungulit hangga't hindi nasusunod ang gusto ko,


Pagdating namin sa park, maraming batang kasing edad ko at mas bata sa akin. Masayang naglalaro sa playground. Tatakbo ako papunta ro'n para makisali. Nagsisisigaw na naman si Yaya na baka raw sumubsob ako. Hindi ko siya pinapakinggan kasi naiinis ako pag maingay siya.


"Punta tayo sa bahay. May doll house ako."


Napalingon ako sa mga batang babae na nagkukumpulan sa damuhan. They all have their. . .err. . .dolls. Pero yung isa ro'n ay bear ang hawak. Nakangiti siya mga kalaro niya. Kahit medyo madungis siya dahil nadumihan ang suot niya kakaupo sa damuhan, she's cute but she doesn't get along with boys. Puro babae ang kalaro. Lagi niyang kasama yung mahinhin na katulad din niyang laging naka-dress. Pati yung kapatid ng bestfriend ko ay friend din niya.


Kilala ko si Rhea. Pero hindi niya ako kilala. Ewan ko kung kilala niya ako at hindi lang talaga siya namamansin. Minsan nga nakakapunta pa ako sa bahay nila. I also know her three brothers and they are all nice, not to mention, they are fond of playing with me. Minsan nga, sabi ni Kuya Ryan, sana raw lalaki ang bunso nila.


Hindi ako pinapansin nung Rhea pag nasa bahay nila ako. She's nice to others but she's a snob to me. Nakakainis siya.


Kaya kahit bestfriends ang Daddy ko at Papa niya at kahit friends ko rin ang ilan sa mga friends niya, hindi kami close at mas lalo lang akong naiinis sa kanya dahil do'n.


Di bale. Mas marami naman akong kaibigan kaysa sa kanya. Hindi ko siya kailangang maka-close.


"Ren." Tinapik ako ni Coby bago mag-umpisa ang laban. Parehas kaming nakajersey at sabay na nag-training para makapasok sa midget division basketball league sa school na pag-aari nila. He was my bestfriend. Marami akong kaibigan pero siya ang pinaka-close ko. He's nice and good in sports kaya nagkakasundo kami.


Tinuro ni Coby ang isang player na kalalabas lang ng court. Katatapos lang maglabang ng Junior division at nag-announce sila ng Best Player. Si Kuya Ryan 'yon.


"Hey, you two." Ngumiti siya nang lumapit sa amin ni Coby. Ginulo niya ang buhok naming dalawa. "Galingan niyo mamaya."


"Opo." Sagot ni Coby. Ngumisi lang ako kay Kuya Ryan at nakipag-bump ng fist. Sa tatlong magkakapatid na lalaki, siya ang pinakakasundo ko. Binibilhan pa nga niya ako ng toy cars at. . .


"Kuya!" Lumingon si Kuya Ryan sa tumawag sa kanya. Tumatakbo si Rhea papunta sa amin pero bago pa siya makalapit ay iniwan na kami ni Kuya Ryan. Yumakap yung Rhea sa katawan ng Kuya niya. "Ang galing mo kanina!"


"Rhea! Ba't ka nandito? Sino kasama mo? Pinayagan ka ba ni Papa?"


Hindi ko na narinig ang pinag-uusapan nila dahil inakay na ni Kuya Ryan ang kapatid niya palayo.


"Sino 'yon?" Tanong ni Coby.


"Hindi ko alam." Kibit-balikat kong sagot. I lied. Hindi ko alam kung bakit pa ako nagsinungaling. Kasabay no'n ay pagbangon ng inis. "Bakit?"


"She's cute. Nakikita ko siya sa park pero-"


"Cute? Tss. Panget naman no'n!" Tinalikuran ko na si Coby. Ewan ko kung ba't ako nainis bigla sa bestfriend ko. "Saka, di namamansin ng lalaki 'yon. Snob 'yon."


Hindi sumagot si Coby pero lumingon pa rin siya sa likod.


The next days went fine. Laging may kaso na inaayos si Papa kaya parati rin ako iniiwan kina Yaya. At dahil ayoko sa bahay, nagpapahatid na lang ako kina Tito Robi. Nando'n lahat ng mga anak nitong lalaki at nag-aagawan sa x-box.


"Ako naman dyan, Roy! Kanina ka pa nananalo!" Sabi ni Kuya Rex sa kapatid niyang bunsong lalaki. Hindi siya pinansin ni Kuya Roy kaya binatukan niya. Tumalim ang tingin nung Roy at binato ang joystick sa mukha ng kuya niya. Magsusuntukan na dapat ang dalawa pero pumagitna si Kuya Ryan.


"Tama na 'yan!" Pinaglayo niya ang ulo ng dalawa. Nakatikim ang dalawa ng sermon sa nakatatandang kapatid. "May bata pa tayong kasama, oh. Bad example talaga kayo, eh. Ren, tara rito. Tayong dalawa maglaro. Hayaan mo 'tong dalawang kulugo na 'to."


Kagaya ng sinabi ni Kuya Ryan, kaming dalawa lang ang naglaro habang nakasimangot yung dalawa niyang kapatid sa gilid namin. Pero paglipas ng isang oras, parang nakalimutan na nila agad 'yon dahil puro trashtalk na lang ang nangyari.


Habang nag-eenjoy kami  at nagtatawanan, napalingon ako saglit sa pintuan dahil nakaawang 'yon. Nakasilip ro'n ang bunso nila.


Hindi ko na mabilang kung ilang beses nangyari 'yon. Na sa tuwing kasama ko ang mga kuya niya, nakikita ko siyang nakasilip sa pinto o kaya naman ay nakatanaw sa amin kahit malayo. May lungkot sa mga mata. Hindi lumalapit.


Ba't hindi siya lumalapit? Kasi nandito ako? Tss.


Isang beses, nakita ko siyang pinapakialamam ang x-box. Nagulat siya nang pumasok ako.


"Anong ginagawa mo?"


"W-wala." Agad niyang binitawan ang joystick at yumuko.


"Hindi ka naman marunong niyan, ba't mo pinakikialaman?"


Umiling siya at parang maiiyak.


Maiiyak? What? Wala naman akong ginawa, ah! Tinignan ko siya ng matagal pagtapos ay bigla siyang tumakbo palabas. Crazy brat.


Pag nadadatnan ko siya sa park, hindi niya talaga ako pinapansin. Ni hindi man lang ako tinitignan! Habang patagal ng patagal, mas nagiging invisible ako sa kanya. Tumindi ang inis ko hanggang sa hindi ko na mapigilang inisin rin siya.


Palihim kong nilagay ang patay na ipis sa bear niya at nagtago ako sa ilalim ng mesa. Napangisi ako nang marinig ko ang matinis niyang sigaw hanggang sa umiyak na siya.


Lumabas ako sa pinagtataguan ko at palihim na pumunta sa bandang likuran niya. Nagtama ang paningin namin at nginisihan ko siya. Nanlaki ang mata niya.


"You did that to Sasha! I'll tell this to Kuya!"


"Subukan mo magsumbong, sasapakin kita!"


Parang natakot siya sa sinabi ko. Lumipas ang araw na 'yon na hindi ako napagalitan. Hindi nga talaga siya nagsumbong.


Simula nung araw na 'yon, lagi na kaming nagkakatinginan at ngingisihan ko lang siya ng mapang-asar. Siya ang unang magbabawi ng tingin at lalayo sa akin. Napansin niya nga ako pero lumalayo siya. Wala akong pakialam. Ang gusto ko ay inisin siya ng inisin ng inisin at inisin pa lalo. Pag umiiyak na siya, natutuwa ako. Ilang beses ko na siya napaiyak pero hindi  talaga siya nagsusumbong. Natural, tinatakot ko.


One time, dinumihan ko ng sauce ang puting damit niya. Nanlaki ang mata niya at alam kong aware siya na sinadya ko 'yon.


"W-why did you do that? Gift 'to sa akin ni Mama ko!" Mukhang nagalit siya.


"Pakialam ko? Pangit ka pa rin naman! Saka, wala ka ng mama! Wala na ring kwenta 'yan."


Nanlaki ang mata niya at may luhang nag-aambang bumagsak ro'n. "A-ang sama mo. Isusumbong na talaga kita-"


Hinampas ko siya sa braso. "Ouch! Sumusobra ka na, Ren!"


"Matapang ka na ngayon? Magsusumbong ka? Eh, di gawin mo! Bukas, pupunitin ko 'yang dress mo!"


But that was not the worst. Napakarami ko pang ginawa. Ilang beses ko pa siyang napaiyak. Walang alam ang lahat kundi kaming dalawa lang.


Isang araw, aksidente niyang nasira ang laruan ko. Galit na galit ako sa kanya kaya sinira ko rin ang bear na regalo rin sa kanya ng mama niya at tinapon ko sa malayo.


"No. . ." Bulong niya habang umiiyak.


"Now, we're quits."


"Isusumbong kita kina Kuya!" Pananakot niya na tinawanan ko lang. Balewala na 'yon sa akin. Ilang beses na ba niyang sinabi 'yan? Nakakasawa na. Hindi naman niya tinutuloy.


Simula nung sinira ko ang bear niya, lagi na siya nag-iisa. Wala ng lumalapit sa kanya. Paano? Dinadala pa rin kasi niya ang sira-sira niyang bear at natatakot ang mga kalaro niya. Lagi na lang siyang nasa swing at tinutulak siya ng kanyang Yaya. Habang dumadami naman ang mga lumalapit sa akin.


Kaya pagtapos ko maglaro kasama ang ibang bata, pupuntahan ko si Rhea at aasarin. Madalas ay pinapatid ko siya. Ang lampa kasi. Naging araw-araw na routine. Eventually, naging hobby.


Hanggang sa nakikisali na rin ang ibang bata sa pambubully ko sa kanya. Pinagbabato namin siya ng papel. Umiyak siya nung unang beses pero mukhang nasasanay na siya at hinahayaan niya na lang kami. Wala tuloy thrill pag hindi na siya ngumangawa.


Kaya nakaisip ako ng bagong pakulo.


"Ren, kanino 'yan?" Tanong ni Coby.


"Wala." Hinagis  ko ang bear ni Rhea sa puno at sumabit 'yon sa sanga. Palihim kong kinuha 'yon nang hindi nakatingin si Rhea.


"Ba't mo tinapon?" dagdag pa nitong tanong.


"Hayaan mo 'yan. Masaya 'to." Tatawa-tawa kong sagot.


Ilang sandali pa ay lumabas na si Rhea na naghahanap ng pinakamamahal niyang bear. Ano bang meron sa bear na 'yon at mahal na mahal niya?


Pinagtulungan ulit namin siya pero si Coby hindi nakikisali. Kunot-noo lang siya habang nakatunghay kay Rhea na maiiyak na naman. Ngumisi ako. Ito. Ito ang gusto ko. Yung nagkakaro'n siya ng reaksyon sa mga bagay na ginagawa ko.


"Nasan na si Sasha?" Tanong niya sa aming lahat.


"Hanapin mo!"


"Wala sa amin!"


"Hindi mo na 'yon makikita!"


Pero ilang sandali ay biglang umakyat si Coby sa puno. Nakita ni Rhea kung ano ang hinahanap niya. Nakuha ng bestfriend ko ang bear pero hindi siya nakababa ng maayos. Nahulog siya sa puno! Wala na siyang malay nang bumagsak siya sa lupa.


Sinisi ko kay Rhea ang nangyari. Sinumbong ko siya kay Tito Robi  at syempre, pinagtakpan ko ang sarili ko at ang mga kakampi ko. Pinagalitan si Rhea at na-grounded siya.


Nang makalabas ng ospital ang bestfriend ko, nakakalabas na rin si Rhea. Sa gulat ko, close na silang dalawa.


Tuwing walang kasama si Rhea, tatakbo si Coby sa kanya. Pakiramdam ko nawalan ako ng kaibigan at iyon ang mas nagtrigger sa akin na kawawain siya lalo. Pero sa tuwing ginagawa ko 'yon, iiyak si Rhea kay Coby. Si Coby ang nilalapitan niya. Mas lalo akong nagngingitngit.


Kinausap pa nga ako ni Coby tungkol ro'n.


"Masama mambully, Ren. Rhea is a girl. Hindi ka naman niya inaano."


"Bakit? Nagsumbong sayo? Lagi mo na lang pinagtatanggol yung 'weak' na 'yon."


"Hindi siya nagsusumbong, Ren. Nakikita ko."


That time, parehas ko na silang kinaiinisan. Kaya nung umalis sina Coby at tumira sa Korea. Mas tinindihan ko ang pambubully kay Rhea.


"Ren, labas mo ako rito!"


Tumawa ako. "Ayoko!"


"Ren, sige na! Hindi naman kita sinusumbong." Nangingiyak na siya sa loob. "It's so dark! Buksan mo na!"


Mas lalo lang ako natawa. "May multo dyan sa loob. Kakainin ka." 


"Coby!"


"Wala na si Coby! Nasa Korea na! Hindi naman aabot sa Korea ang sigaw mo kaya hindi siya darating! Walang tutulong sayo!"


Mas lalo lumakas ang iyak niya pero hindi na siya sumisigaw. Tinatawag naman niya ang Mama at Papa niya hanggang sa wala na akong narinig sa loob. Saka ko lang binuksan ang pinto. Nakayupyop siya sa kanyang tuhod at nanginginig habang umuusal.


"I hate you, Ren. I hate you. I hate you. I hate you. I hate you." Paulit-ulit at walang katapusan.


Si Kuya Ryan ang nakakita sa amin na gano'n. Tinatahan niya si Rhea.


"Ren, what happened?" For the first time, naramdaman ko yung inis niya. Matalim ang tingin niya sa akin at hindi ako nakapagsalita.


Ilang linggo kong hindi nakita si Rhea pagtapos no'n. Hindi na rin ako pinayagan pumunta sa kanila kaya lagi akong nasa park kasama ang ibang bata.


Wala sa isip ko magsorry. Ba't ako magsosorry?


Paglipas ng hindi mabilang na araw, nakita ko ulit siya. Pumupunta na ulit siya sa park. Nakailang sulyap ako sa kanya pero siya, hindi na tumitingin sa akin. Hindi na siya tumitingin.


Kinabahan ako pero pilit kong binalewala. Ano naman ngayon? Marami pa rin naman akong kalaro at mas madali mambully ng iba.


Pero hindi ko talaga natiis ang gano'ng sitwasyon kaya nang makahanap ako ng tyempo, kinuha ko ulit ang bear niyang sirang-sira na pero pinagtyatyagaan pa rin.


"Sunugin natin!" Sabi ng isa kong kalaro.


"Oo nga! Tara! Pangit naman na 'yan. Nakakatakot pa."


Ayoko sana. Gusto ko, itago lang tulad nung una.


"Teka-" Bago pa ako makahuma ay tinapon na nila 'yon sa tabi ng mga sinisigaang dahon. Unti-unting nilamon ng apoy ang stuffed toy.


Dumating si Rhea. Napatulala siya sa bear niyang nasunog na. Tawa ng tawa ang mga kasama ko kasabay ng pang-aasar sa kanya. Pinagmamasdan ko lang ang mukha niya. Sinubsob niya 'yon sa kanyang palad umiyak. Napalunok ako. Dati ko pa naman 'to ginagawa pero ba't sobra akong kinakabahan ngayon.


Nang tumingin siya sa akin, galit siya. Tumakbo siya palayo. Hindi ko alam kung ba't tumakbo rin ako para sundan siya. Lumayo kami sa park. Maaabutan ko na siya pero bigla siyang nadapa.


"Rhea!" Sumigaw ako.


Mabilis ko siyang dinaluhan pero nagulat ako nang sapakin niya ako. Nanlaki ang mata ko sa ginawa niya.


For the first time, lumaban siya sa akin.


Humihikbi  siyang humarap. Matalim ang kanyang tingin. Galit na galit siya sa akin.


"Makakabawi rin ako sayo. Magiging lalaki rin ako."


Natulala ako pagtapos niyang sabihin 'yon. Tumatak sa akin ang bawat salita. Babawi raw siya at. . .magiging lalaki? What?


Hindi na siya lumabas pagtapos no'n. Matagal-tagal rin nung muli ko siya nakita. Umabot pa nga ng taon. 


Akala ko nagbibiro lang. Akala ko hindi seryoso. Akala ko nadala lang siya ng damdamin niya. Pero hindi. . .


Nung magkita ulit kami, hindi na siya nakasuot ng dress. Nakasuot na siya ng. . .jersey. Jersey ng basketball. Kasali siya sa midget division! Hindi ko alam kung paano nangyari 'yon gayong babae siya.


 Wala ng ang mahaba niyang buhok. Ang gupit niya ay hindi nalalayo sa gupit ko. Nawala na ang batang babae na hindi lumalaban at madalas kong kawawain. Napalitan nang ngising mayabang ang palakaibigan niyang ngiti. Ang galaw ay hindi na mahinhin kundi napalitan ng angas. Kung hindi ko kabisado ang mukha niya, hindi ko siya makikilala. Wala na ang ddting Rhea Louisse.


Hindi ko alam kung paano siya natutong magbasketball. Hindi siya ang nakalaban ng team ko pero natalo nila ang kanilang nakalaban at marami siyang puntos.


Hindi siya si Rhea. Hindi siya si Rhea. Sabi ko sa sarili ko. Hindi maaaring maging si Rhea 'yan!


I witness it all. Yung pagbabago niya. Pagbabago sa itsura, kilos, pananalita at pag-uugali. Nakita ko 'yon lahat. Kung hindi ko nakikita, lumilipad naman sa akin ang balita,


Unang taon namin sa high school nang kumalat ang balitang nailampaso niya ang captain ng junior basketball team. Na-dethrone niya ang senior hall of famer ng ABD para i-represent ang AAA sa interschool swimming competition kahit freshman lang siya, not to mention, isa siyang babae. Sa taong din 'yon, sunod-sunod na panalo ang nakuha ng AGD at natabunan ang dominance ng department namin.


Hindi lang 'yon, nakarating rin sa akin ang balita na na-forfeit ang rights niya bilang representative ng team dahil sa malaking offense. At ang offense na 'yon ay pambubully.


Hindi talaga ako makapaniwala nung una. Si Rhea? Mambubully? Hindi nga lumalaban sa akin 'yon.


Hanggang sa magkita ulit kami. Natigilan ako. Boyish na siya. Nando'n na siya sa bingit ng pagiging tomboy.


"Ohh, tignan mo nga naman kung sinong bisita ko? Ren the bully! Long time no see." Punung-puno ng sarcasm ang pagkakasabi niya. "Wow! Ayos, ah? Kapal talaga natin, ah!"


"What happened to you?" Bulong ko.


Natawa siya ng malakas. "Thanks to you! You know what. . ." Tinaas niya ang middle finger niya. Umawang ang bibig ko. "Fuck you! Ayoko na ulit makita ang pagmumukha mo!" Pagtapos ay tinalikuran niya akong windang na windang sa ginawa niya.


May tumapik sa balikat ko at napalingon ako sa likod. Nakita kong si Kuya Ryan 'yon at nakapamulsa.


"Kuya."


"Long time no see, Ren. Nagulat ka ba?"


Napalunok ako. Hindi malaman kung ano ang sasabihin. Nilagay ni Kuya Ryan ang kanyang sa bulsa ng pantalon niya,


"She changed."


Nanatili akong walang imik.


"After all the bullying you've done."


Napaangat ako ng tingin kay Kuya Ryan. He. . .knew.


"She told me. I forced her to tell me everything, so she confessed. Normal lang  sa bata yung nakakaranas ng difficulty sa paglaki pero hindi kasama ro'n ang mabully at mambully." Tumiim ang bagang niya. "Kung hindi ka lang kasing edaran ng kapatid ko, papatulan kita. You never said a single sorry to my sister."


Namutla ako at hindi ko nagawang depensahan ang sarili ko.


"She wants to be a boy like us. Like you. Kasi sabi niya, gusto niya maging malakas. Gusto niya magustuhan namin siya dahil pakiramdam niya, hindi namin siya gusto kasi naging babae siya." Nanunuot sa balat ko ang tingin nito at hindi ako makatingin pabalik. "Ang tingin niya, kapag nagbago siya, makakabawi siya sayo at hindi na siya magmumukhang mahina."


Napalunok ako at sandaling pumikit.


"Hinayaan ko siya. Kinausap ko si Papa tungkol dito at napagdesisyunan namin na hayaan siya kung 'yon talaga ang makakapagpalubag sa loob niya. She's having a psychologic problem, Ren, at ayokong magbreak down ang kapatid ko pag pinigilan namin siya and worst, she might rebel against us. The doctor advised us to support her for now. Hahayaan namin siya. Susuportahan kahit labag sa loob namin. Ayaw rin ni Papa na isipin ni Rhea na hindi namin siya mahal."


Hindi ako makahuma. Huli na para sisihin ang sarili ko. Huli na para humingi ng tawad. Pakiramdam ko, habambuhay ko dadalhin 'to. Na dahil sa akin, may isang babae na nagbago ang pananaw at ginusto maging lalaki dahil sa kagaguhan ko.


"Ang akala ko, naprotektahan namin siya. Hindi ko gustong mahawa siya sa kapilyuhan naming tatlo kaya as much as possible, hindi namin siya sinasama sa mga lakad namin. We are all boys. She's our only girl. She's kind and very fragile. Was."


"Hindi kita sisihin, Ren, kasi bata ka pa. Bata pa kayo. Someday, sana maintindihan mo at maging matalino ka. Pero may isang pabor ako sayo at ipangako mo na gagawin mo 'to hanggang sa makakaya mo."


Muling nag-angat ang aking tingin. Seryoso pa rin ang kanyang titig ngunit nakikiusap na 'yon ngayon.


"Kalabanin mo ang bagong siya. Huwag ka magpapatalo sa kanya. At kung kaya mo," Huminga siya ng malalim. "Ibalik mo siya sa pagiging babae. Sa lahat ng tao, ikaw ang dapat gumawa no'n dahil ikaw ang nambully sa kanya. Pag nagawa mo 'yon, kakalimutan namin ang lahat ng 'to."


Hindi magawang i-digest ng utak ko ang mga sinabi ni Kuya Ryan. Kalabanin? B-baguhin? Si Rhea?


"Aalis kaming magkakapatid. pupuntang ibang bansa para do'n mag-aral at magtrabaho. Matatagalan kami ro'n. Ewan ko. Parang hindi ko rin kasi kayang makita siyang ganyan. Kaya sana. . . sana, pagbalik naming lahat, maayos na siya. Maasahan ba kita, Ren?"


Hindi ko alam kung kaya ko nga ba. Anong gagawin ko? Hindi ko alam! Wala akong kaide-ideya pero natagpuan ko ang aking sarili na tumatango. Sumang-ayon ako kahit gulong-gulo ako.


Totoo ang sinabi ni Kuya Ryan. Umalis nga silang magkakapatid. Naiwan si Rhea rito kasama si Tito Robi. Tinotoo ko rin ang sinabi ko. Kinalaban ko ang bagong Rhea. Hindi pwedeng manalo siya sa akin. Kahit isang beses ay hindi pwede.


"Madaya ka!" Binato niya sa akin ang goggles niya. Katatapos lang naming maglaban sa pool ng academy. Swimming.


Nginisihan ko siya. "Paanong madaya? Nagdive tayo ng sabay. Sadyang naunahan talaga kita."


"Hayop. Tangina. Bwiset!" Sunud sunod ang pagmumura niya.


"Tanggapin mo na lang na hindi mo ako mauungusan." At hindi kita papalanunin ni isa hanggang sa ma-realize mo na babae ka at hindi panlalaki ang lakas mo.


Ang pinaka-technique ko sa bawat laban namin ay ang pang-aasar ko. Gusto ko munang i-frustrate siya ng todo dahil pag nagtagumpay akong i-distract siya. Talo na agad siya.


Pero umabot ng taon ang labanan namin. Walang pagbabago at mas lalo lang siya lumalala. Naisip kong magbago ng strategy.


"Any progress?" Tanong sa akin ni Kuya Ryan nang tumawag siya bago magpasukan. Overseas call. 4th year na pero wala pa rin. Mapapamura na lang din ako dahil nakakafrustrate talaga! Ilang taon na pero wala pa ring nangyayari.


"Wala." Sumandal ako sa kama at tumitig sa kisame. "Wala pa. Magbabago na siguro ako ng strategy. Pinag-iisipan ko lumipat sa Regular Department. Susundan ko siya ro'n."


"Talaga? Ang tyaga mo, ah?"


Huminga ako ng malalim. Alam ko naman kasi kung ano ang kasalanan ko. Habang lumilipas ang taon at nakikita kong palala siya ng palala, parang binabaon sa kailaliman ng lupa ang konsensya ko.


"You know what, masmaganda siguro kung ma-inlove na lang ang kapatid ko."


"Ano?" Nagulat ako. Ma-inlove? Si Rhea? Kanino? Shit.


"Ma-inlove? Magkaro'n ng boyfriend. Baka sakaling-"


"Hindi pwede!" Napasigaw ako.


"Ba't naman?" Natawa si Kuya Ryan. "Maganda nga 'yon, di ba? Pinaka-'the best' na idea."


Napanganga ako. What the hell? "Hindi maganda 'yon. May masmaganda akong ideya kaysa dyan!"


"Teka, teka. Ba't ayaw mo?" Humalakhak siya. "Don't tell me, gusto mo na ang sisiga-siga kong kapatid."


Napatay ko kaagad ang tawag. Gusto kong ibato ang cellphone ko. Wala na. Naloko na. Napahawak ako sa aking ulo at napabulong.


"Magpapatuloy ba ako kung hindi ko mahal?"


Kinabukasan, nakatanggap ako ng message galing kay Kuya Ryan.


Ryan Glenn Marval : Uuwi na ako next year. Rex and Roy will be home this year. Yung usapan natin, ah? Give me your e-mail. May ipapadala ako sayo.


I sent him my e-mail. A week later, nakatanggap ako ng file na may subject na '10 Steps To Be A Lady'


"Ano 'to?"


Binasa ko ang buong file. Merong sampung steps para maging babae sa baba no'n ay ang message ni Kuya Ryan.


'Dagdagan mo kung gusto mo or add a clause. Gawa 'to ng bestfriend ko. Try mo kung effective. Ayaw mo kasing ibigay sa iba, eh. Aminin mo na mahal mo na ang tomboy namin. Eh di ikaw rin naghirap sa huli. *laughing to death*'


Eh, ano kung mahal ko? Adik rin 'tong kapatid ni Rhea.


Pinaprint ko yung file. Binasa ko ng paulit-ulit at napapangiwi ako. Hindi 'to kaya ni Rhea. Hindi niya makakaya 'to. Sigurado ako.


Kaya gumawa ako ng clauses na ang bagsak niya ay sa akin pa rin. Makakawala lang siya pag natapos niya pero sigurado akong hindi niya 'to magagawa. May pag-asa sa una pero pagdating ng next steps? Asa pa.


Tinext ko si Rhea.


Me : Basketball? Pustahan ulit? Bago magpasukan.


Rhea Marval : Sige ba. Ang bobo mo talaga. Bibigyan mo pa ako ng pagkakataon na matalo ka bago magpasukan? Pakyu.


Ngumisi ako. "Hindi ka naman talaga mananalo."


Pero mali ako. Sa araw ng laban, hinayaan ko siya lumamang sa una. Lagi namang gano'n. Lagi akong nagbibigay ng partida. Lamang ako ng isa. Siya ang huling titira. Basta niya na lang binato ang bola dahil babagsak na siya.


Bago pa siya bumagsak ay pinangsalo ko na ang katawan ko para hindi siya masaktan pero ang mata ko ay nanatiling nasa bola.


Na-shoot 'yon.


Nanalo si Rhea,


Napatingin ako kay Rhea na nanlalaki ang mata at do'n ko lang na-realize na magkalapat ang labi namin.


Nanalo siya. Natalo ako. Hindi niya alam pero nakita ko.


>>next update


Continue Reading

You'll Also Like

8.9M 183K 42
si Aga ay isa sa mga sikat na ramp model. happy-go-lucky girl. she is every man's dream na takot pumasok sa isang seryosong relasyon dahil ayaw nyang...
67.9K 1.7K 11
Novella || He loves you. You don't. He gave up. Now you want him back! || All rights reserved 2013. @Thyriza
2K 186 89
Claveria National University Series collaboration an epistolary | complete 30 days still moving on unread emails 30 days still him Antenna & Zedrack
9.9M 122K 117
Magaling humalik. Magaling sa kama. Hindi torpe. Gwapo. Lahat ng iyan, wala kay Kendrick. Lahat ng iyan, naging dahilan para iwan...