Once in a lifetime

By supersaira

47.1K 1.4K 552

JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun g... More

Characters
PROLOGUE
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XL
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Epilogue
Bonus Chapter
New Story

Kabanata XLI

784 30 19
By supersaira

Craye

It's been two months, sa loob nang dalawang buwan na yon ay hindi na din nagparamdam si Justine. Ang huling balita ko sa kanya ay sobrang busy nya ngayon dahil ilang araw na lang ay mage-end na ang school year. Actually busy naman lahat, katatapos ko lang kumuha nang final exam sa major subj.

Andito kami ngayon sa rest area nang school, iniintay namin sina Angel dahil balak ata nila na kumain sa labas dahil tapos na ang finals.

"Kumusta naman ang exam?" Tanong ni Gianne sa amin, ang andito pa lang kasi ay ako, si Sally at si Mon. Sina Angel at Sandy ay hindi pa tapos mag exam.

May familiar akong tao na nakita na nakatambay lang din dito sa rest area, iniisip ko kung sino ito ngunit hindi ko marecognize. Alam ko ay nakausap ko na sya, hindi ko inalis ang tingin ko sa kanya ng sa gayon ay maalala ko kung saan ko ba sya naka-encounter.

Napansin nya siguro na may nakatingin sa kanya kaya agad itong tumingin sa akin, pero nagulat ako nang bigla syang ngumiti.

And finally, sya yung girl sa CR na nag bigay sakin nang panyo na may Dane. Tumayo na ko para lapitan sya, gusto ko lang sanang ibalik sa kanya yung pinahiram nya sa akin.

Nagpaalam muna ako kina Sally na may kakausapin lang ako.

Paglapit ko ay nag Hi sya sa akin at kumaway pa. Kinuha ko naman sa bag ko yung panyo na matagal nang nakatago, baka nga kailangan ko nang isauli na.

Inabot ko sa kanya yung panyo pero nagtataka sya.

"Here, sa iyo to diba? Ibabalik ko lang sana, matagal na rin itong nasa akin. Salamat nga pala dito." Sabi ko tyaka ko inabot sa kanya yung panyo nya, kinuha nya naman ito sa akin.

"Mukang nakamove on kana ahh, sinasauli mo na yung panyo ko." Biro sakin ni Dane, and tama she's Dane dahil nakita ko sa name plate na nakasabit sa gala uniform nya.

"Hindi pa pero ayoko nang umiyak. Salamat sa panyo mo and nice to meet you again Dane." Sabi ko sa kanya

"And you are?" Tanong nya sakin tyaka nya nilahad ang kamay nya sa akin

"Craye, Craye Vergara." Sabi ko tyaka ko inabot ang kamay ko "bye, take care." Dagdag ko tyaka ako umalis para balikan sina Mon.

Nakita ko naman na andun na sina Angel at Sandy kaya kumpleto na kaming anim, yes! 6 na lang kami dahil lumipat na nga sina Maice at hindi na muling nagparamdam simula nang lumipas ang 2 buwan kahit sa GC ay hindi na din sila nagparamdam pa.

"Niyaya ko nga pala si Maice kaso hindi daw sila makakasama kasi sobrang busy nila and meron daw silang inaasikaso ni Justine." Balita samin ni Angel pagbalik ko

"Hi girls." Bati ni Kylie sa aming anim, we're goods na naman kahit ganon ang nangyari sa amin. Ang kagandahan kay Kylie ay madali syang nagpapatawad.

Nung una sobrang galit talaga sya pero nung nalipas ang mga araw ay naging okay na din, nag sorry na din naman yung 5 sa kanya dahil sa mga ginawa sa kanya before. Ganon sya umunawa nang tao na nakasakit sa kanya, hanggat kaya nyang patawarin ay gagawin nya. Nabalitaan nya din yung paglipat nina Justine at Maice ng school, hindi na din namin pinaguusapan yung patungkol sa amin ni Justine siguro ay ayaw nya na lang balikan ang lahat nang nangyayari nung nakaraan.

Okay na din sya at nakakalakad na, nakaget over na sya sa aksidente na sya mismo ang gumawa. Mabuti na lang daw at nabuhay pa sya dahil after nya mabangga ay may narealize sya nang gabi na iyon. Hindi nya sinasabi kung ano yon pero I'm beyond thankful dahil doon kasi kung hindi malaking problema din namin syang anim, kasi niloko namin sya.

"Hi, gusto mo bang sumama sa lunch?" Tanong ni Sandy sa kanya

"Sure! Tapos na din naman ang exam ko." Sagot nya at ngiting ngiti

"Ohhh sya tara na!" Sabi naman ni Gianne

Ang usapan ay kakain lang kami sa resto today, sa ted's ang napili namin dahil masarap naman ang food doon.

Si Gianne na ang pumili nang kakainin namin, si Gianne kasi ang expert pagdating sa ganong bagay.

Katabi ko si Mon sa right side ko at si Kylie naman sa left, sa kabilang side nang table ay sina Angel, Sally at Sandy then si Gianne sa gitna.

               Mon-Ako-Kylie
Gianne
               Angel-Sally-Sandy

So ayan, ganan yung arrangement namin.

Nag wait lang kami nang konting minuto ay dumating na yung order namin.

Habang kumakain ay hindi ko maiwasang asikasuhin si Kylie, ilang buwan ko din kasing ginagawa yun sa kanya at nakasanayan ko na. Nasanay na ako na inaalagaan sya kahit pa okay na sya.

"Why you're so sweet, Craye?" Nakangiting tanong sakin ni Sally

"Ganito naman na ko before pa diba?" Sagot ko sa kanya tyaka ko nilagyan nang water yung baso ni Kylie

"Sakin nga hindi ka sweet ehh." Tampong sabat naman ni Mon.

"Grabe ka naman, nakasanayan ko na din kasing gawin ito kay Kylie kaya hanggang ngayon ginagawa ko pa din." Dipensa ko naman

Malapit na kaming matapos kumain nang biglang may pumasok sa resto na kinakainan namin.

Isang grupo nang magkakaibigan at ganon na lang kabilis ang pag kabog ng puso ko.

It's Justine.

Napansin ko na bagong gupit sya nang buhok, still pretty.

Napatingin sya sa gawi namin, nakita nya agad ako pero agad ding lumipat ang paningin nya sa katabi ko, oo hindi kay Mon pero kay Kylie. Wala syang emosyon na ibinigay, basta nakatingin lamang sya.

"Hi Justine, long time no see. Grabe! Sobrang pretty mo sa new hairstyle mo." Bati ni Angel kay Justine, tumayo pa si Angel para i-hug si Justine tyaka nya inalalayan si Justine na lumapit sa table namin, nag paalam naman si Angel sa mga kasama ni Justine at ganon din si Justine sa mga kasama nito.

Sana kaya ko pang mayakap si Justine kagaya nang pagyakap ni Angel, nag yakap din ang lahat ngunit kami ni Kylie ay nanatiling nakaupo.

Sana alam nya kung gaano ko na sya sobrang kamiss.

Kausap nya sina Sally ngunit hindi na sya nag abala pang tumingin sa akin.

Naguusap usap sila pero hindi ko na marinig, wala na kong maintindihan. Nakatingin na lang ako sa kanya, kung dati sya pa ang nag sabi sa akin na ako lang ang pwedeng humawak sa kanya pero ngayon hindi ko na sya mahawakan.

"Gusto mo syang lapitan? Sige na. Ayan na sya sa harap mo ohh." Napatingin ako kay Kylie dahil sa sinabi nya

"Hindi na din siguro, malayong malayo na sya sa dating sya." Sabi ko kay Kylie

Itinuloy ko na lang yung pagkain ko habang kausap pa nila si Justine.

"Craye, Kylie is it okay kung maiwan muna namin kayo jan ipapakilala daw kasi kami ni Justine sa bago nyang friends." Tanong naman samin Mon

Alam kong sinadya yun ni Justine pero tumango na lang ako bilang sagot.

Wala naman akong magagawa sa gusto nya, kung dati meron ngayon wala na. Wala na kong karapatan pa.

"Sorry Craye ha." Sabi ni Kylie sa akin

"It's okay, ganito na naman talaga kami." Sabi ko kay Kylie

"Kahit manlang pagkakaibigan ay wala na kayo." Sagot naman nya at nahalata ko na malungkot sya

"Simula noon ay naging a loop na din naman sya sa akin."

Hindi na sumagot si Kylie sa sinabi ko, tumingin ako kung saan sila. Pinakikilala ni Justine yung mga bago nyang kaibigan kina Sandy.

Nakakainggit lang na hindi na ko kasama sa buhay nya, wala na akong puwang pa. Ang sama nang loob ko, hindi lang masama kundi nasasaktan ako.

Two months lang ang nakalipas ay parang wala na akong halaga sa kanya.

Mas madali palang mag panggap na mahal mo ang isang tao kesa mag panggap na hindi mo na mahal ito, na wala kanang pakialam sa kanya.

Mas masakit pala.

Napansin ko na pabalik na dito sina Sally, umupo na din ulit sila sa dati nilang pwesto.

"Kaya pala sobrang busy nila ni Maice no? Nag apply pala sila nang scholarship abroad." Sabi ni Sandy pagkaupo pa lang.

"Anu bang aasahan mo sa dalawang yun, sila naman talaga sating walo ang achiever at dean's lister." Sagot ni Mon

Nagulat ako sa nalaman kong balita, mag aaral sila abroad? Seryoso ba?

"One year na lang graduate na tayo nag apply pa sila pero sabagay tama nga naman si Justine baka may magandang opportunity doon para sa kanya after graduation." -Angel

"Craye, is it okay for you? I mean aalis na sya." Tanong sakin ni Gianne

Ngumiti ako nang may halong lungkot kay Gianne. Ayokong sumagot nang straight to the point dahil katabi ko lang si Kylie, ako na naman yung mag aadjust para sa kanila.

Minsan talaga napaka insensitive nang mga kaibigan ko.

"Kung yun yung ikagaganda nang future nya, why not diba?" Sagot ko na lang tyaka ako uminom ng tubig

Ang sakit na hindi na ako parte nang future nya samantalang ako hanggang ngayon kasama ko pa sya sa mga pangarap ko.

"Alam nyo, ituloy na lang natin tong kinakain natin." Pagiiba ni Mon nang topic tyaka sya kumuha nang rice para ilagay sa plate nya

"Yes! Muka pa namang masasarap tong order ni Gianne." Singit naman ni Kylie

"Haist! True. Sakit nang braincells ko kanina." Sabat ni Sandy at humawak pa ito sa sintido nya.

Natawa na lang ang lahat tyaka namin itinuloy ang pagkain.

Ngunit bago ako kumain muli ay nilingon ko pang muli si Justine.

She's genuinely happy habang kasama yung mga bago nyang friends.

Sana dumating na din yung araw na ganon na din ako kasaya katulad nung sa kanya.




So near yet so far. 🥺🥺🥺
-----------------

Haist! Konti na lang tapos na. 🤧🤧

Vote and Follow. Ciao!














Continue Reading

You'll Also Like

235K 4.7K 53
"Here, Under the Stars... What if our paths crossed again?" Four years after her heart got broken, successful music producer and CEO, Magui Feola, we...
89.4K 3.2K 38
ayon sa iba, Ang GREATEST LOVE raw ang hinding-hindi mo makakalimutan sa lahat. Ang GREATEST LOVE raw ang nagturo sayo kung paano totoong magmahal...
817K 30.4K 54
Status: UNDER REVISION Tahimik. Payapa. Walang gulo. Ganiyan maituturing ang buhay ni Niana Jillian "Naji" Alcayde; bantering with her older brother...
19.4K 1K 23
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...