Craye
Gamit namin ni Justine yung kotse ko, well hindi ako yung pinag drive nya kasi nakainom daw kasi ako tyaka baka need ko daw ng rest.
Quarter to 11pm na pero hindi ko talaga sure kung san kami pupunta ni Justine.
Dumaan muna kami sa gas station at convenience store for food.
"Justine." Tinawag ko sya kasi gusto kong itanong kung saan kami pupunta pero hindi nya ko nilingon at nakatutok lang sya sa daan
"Justine." Inulit ko ulit yung tawag kasi baka hindi nya narinig
"Say the magic word, Craye." Yun lang ang sinabi nya pero hindi pa din sya lumingon sakin
Pero sabi nya, say the magic word daw.
"Magic word." Sabi ko na lang para tapos na diba? And exactly, tumingin sya pero may inis akong nakita sa mukha nya
"Craye naman ehhh, yung magic word nga. Niliteral mo naman ehhh." Naiinis na sabi nya
Magic word, ano bang magic word? Pinahihirapan pa ko kasi.
"Sorry, ano ba kasing magic word?" Tanong ko na
"Babe, diba? Tinawag mo kong babe kanina." Naiinis pa ring sabi ni Justine
Napangiti ako ng wala sa oras, Babe pala ang magic word.
"Babe pala ang magic word. Okay, Babe saan ba tayo pupunta?" Maayos na tanong ko
"Ang panget ng deliver tyaka bakit parang ang sarcastic, lagyan mo naman ng lambing." Naiinis na sabi ni Justine
"Sabi ni Mon kasi wag daw kitang tawaging Babe, Baby, Mahal. Sabi nya Justine lang daw." Explain ko
"Okay, Sige wag nga. Hindi nga pala ako pwede mag demand." Nagtatampong pahayag ni Justine
"Grabe din talaga yung mood swings no?" Mahinang pagkakasabi ko
"Kaya nga wag na, okay na." Sagot nya sakin, tssss narinig nya pala
Namayani ang katahimikan at hindi ko na din kinaya yung antok habang nagbibiyahe.
"Craye, Craye andito na tayo." Gising sakin ni Justine
Napansin kong halatang pagod at puyat sya dahil sa biyahe, nakita ko din sa dash board yung mga kinain nyang junk food at cookies, kahit yung bottled water na papaubos na
Medyo naguilty ako sa part na yon, medyo tampo na nga sya bago ako nakatulog, pagod pa sya sa biyahe, hindi ko sya nasamahan sa road trip dahil nakatulog ako tapos eto habang nagddrive kumakain syang mag-isa. Hindi naman ganito yung ginawa nya sakin nung nag drive thru kami before.
Craye, think! Gumawa ka naman ng move, wag mong sanayin na sya lagi ang mag aalaga sayo. Alagaan mo din naman sya. Sabi ko sa sarili ko.
"Babe." Tawag ko sa kanya and yes, isang tawag lang ay lumingon sya.
"Tara na, andito na tayo. Nasa Ayala Greenfield Estates tayo." Sabi nya sakin tyaka sya bumaba ng sasakyan
Pagtingin ko sa relo ko ay 2:07am na, 3 hours din syang nag drive.
Agad akong bumaba, nakita ko na nakasandal sya sa kotse at hinihimas himas nya ang nape and shoulder nya.
Lumapit ako sa kanya at hinawakan ko yung mga kamay nya.
"Babe, anung masakit?" Tanong ko, imamassage ko na lang sya later sa loob dahil alam kong masakit din ang likod nya.
"Gusto mo ba ng totoong sagot?" Balik tanong nya sakin "lagi namang ito yung masakit but it's okay." Tinuro nya yung puso nya pero ngumiti sya sakin
BINABASA MO ANG
Once in a lifetime
FanfictionJhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun gagawin."- Justine