Kabanata XXIV

1.3K 34 20
                                    

Justine

Ang ipahiya si Craye sa harap ni Mon ang pinaka worst na ginawa ko sa kanya so far.

Hindi ko gusto yung ginawa ko pero kailangan, kailangan na maramdaman nya na nag-iba na ko. May guilt pero okay lang, ang mahalaga kahit masakit para sakin nakakausad ako.

Hindi ako nakastock sa kung asan lang ako, sa kung saan si Craye na yung ginawa kong Mundo ko.

Hindi ko naman intensyon na gantihan sya pero kasi yung pagka assumera nya kanina ang ikinainis ko. Para bang sa lahat nang mga weird na nangyayari sa kanya or tutulong sa kanya ay kagagawan ko? Ganon ko ba talaga sya sinanay o nagassume lang talaga sya na ako yung nagpapabigay? But then at least alam nya na hindi na sa kanya lang umiikot ang mundo ko.

"Justine." Tawag sakin ni Maice

Andito ako ngayon sa bahay nila, hindi na kasi sya nakasunod sa mall kanina, otw na sya kaya lang may emergency na need nya puntahan kaya dinala ko na lang yung sneakers na para sa kanya.

"Hummm?" Sagot ko na lang, nasa salas kasi nila ako at nanonood nang TV, wala yung mom & dad nya always tapos solong anak lang sya. Well may mga maid naman sila kaya may kasama sya pero mas malimit akong andito kasi nga mag-isa sya.

"What's this?" Tanong nya sakin kaya nilingon ko sya, nakita ko na may hawak sya white plain paper. I mean yung nakuha kong papel sa wiper ng car ko.

"Basahin mo kaya no? Itatanong mo pa sakin yan." Reklamo ko

"Bakit ang sungit mo?" Sagot nya tyaka nya binuksan yung papel

Hi Lods

Roses are red
Violets are blue
Why do you laugh?
Am I A joke to you?

-igop

"Wth! Justine ano to? Bakit ganito?" Tuwang tuwang sabi ni Maice

"Hahaha. Kahit ako ay tuwang tuwa din nung nabasa ko yan." Sagot ko sa kanya

"Bakit feeling ko hindi to gwapo pero lakas ng sense of humor nya ha." -Maice

Kinuha ko ulit yung papel at binasa ko. Napangiti ako and nakalagay talaga sya sa isang bond paper pero ganon lang yung nakasulat. Sana sa sticky note na lang diba?

"Natawa ako dun sa binaliktad nya pa yung word na pogi." Natatawa ko ding komento

"Hanapin natin to?" Suggestion ni Maice

"At paano? Nakita ko lang yan sa wiper ko." -Me

"Abangan natin, ang cute nya ohhh. But at least kahit papano napapatawa ka nyang igop na yan." -Maice

"Sira! Kahit naman sino tatawa jan no. Ikaw nga napatawa din." -Me

At natawa na nga din po ulit si Maice.

Tinago ko na lang ulit yung bigay ni igop, iipunin ko na lang.

"Wait, kamusta ka naman ha? Kayo ni Craye? May pagbabago ka bang ibabalita sakin?" Out of nowhere na tanong ni Maice

"Ohh bakit ngayon interesado kana? Nung nakaraan lang badtrip na badtrip ka sa kanya." Reklamong tanong ko

"Kung nasasapak kaya kita? Natural na mabadtrip ako dun dahil best friend kita." -Maice

"Wala, iniiwasan ko na nga diba sabi mo wag na kong parang Tanga?" -Me

"Anung parang? Tanga kana talaga, kung hindi kapa makikinig sakin ay tuloy tuloy kapa din. Nadatnan ko pa talaga kayong dalawa sa rest house nyo na magkapato-" pinigilan ko na yung bibig ni Maice pero natawa sya

"Hoy! Magkatabi kami iba yung sinasabi mo. Bwiset ka." Reklamo ko

"Iba ang magkatabi sa kung paano ko kayo nakita, magkaibang magkaiba talaga. Nakahiga ka sa ilalim tapos si Craye nakadapa sa-"

Once in a lifetimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon