Once in a lifetime

By supersaira

71.6K 1.8K 645

JhoLet Parallel Universe "bakit ba napaka territorial mo?" -Craye "baka mapunta ka sa iba kung hindi ko yun g... More

Characters
PROLOGUE
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XI
Kabanata XII
Kabanata XIII
Kabanata XIV
Kabanata XV
Kabanata XVI
Kabanata XVII
Kabanata XVIII
Kabanata XIX
Kabanata XX
Kabanata XXI
Kabanata XXII
Kabanata XXIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXV
Kabanata XXVI
Kabanata XXVII
Kabanata XXVIII
Kabanata XXIV
Kabanata XXX
Kabanata XXXI
Kabanata XXXII
Kabanata XXXIII
Kabanata XXXIV
Kabanata XXXV
Kabanata XXXVI
Kabanata XXXVII
Kabanata XXXVIII
Kabanata XXXIX
Kabanata XLI
Kabanata XLII
Kabanata XLIII
Kabanata XLIV
Epilogue
Bonus Chapter
New Story

Kabanata XL

1K 34 19
By supersaira

Craye

It's been one week nung umalis sya sa university, walang kahit na anong paramdam galing sa kanya kahit sa GC namin. Madalas gusto ko syang tawagan para kamustahin pero hindi ko na tinutuloy.

"Craye." Tawag sakin ni Kylie, andito ako sa kanila para alagaan sya. 3 days na syang nakalabas ng hospital, tuwing 8pm ako nauwi sa bahay pag magpapahinga na sya. Weekend ngayon kaya medyo matatagalan ako sa kanila tonight.

"May kailangan ka pa?" Tanong ko sa kanya tyaka ko sya nilapitan, nakaupo lang sya ngayon sa sofa.

"Gusto kong pumunta sa pool area." Sagot nya sa akin

Agad ko syang inalalayan para makaupo sa wheelchair para makapunta kami sa pool area.

Pagdating namin doon ay tumingala si Kylie at tiningnan nya ko.

"How lucky I am na kasama kita ngayon, pero kung pagod kana pwede ka nang umuwi. Salamat sa pag aalaga mo, pwede mo na kong iwan dito tatawag na lang ako ng maid pag gusto ko nang pumasok." Sabi nya sa akin habang nakatitig sya sakin pero ngumiti lang ako.

"Sure ka ba na okay kana dito?" Tanong ko sa kanya dahil ayokong pabayaan na lang sya dito sa labas

"Sure ako Craye, wag mo na kong alalahanin. Mag iingat ka sa pag-uwi mo ha." Sabi sakin ni Kylie

Tumango ako bilang sagot tyaka ko sya hinalikan sa noo at bago ako nagpaalam sa kanya.

"Lagi na lang akong may halik Lola galing sayo." Natatawa nyang sabi sakin kaya natawa na din ako.

Umalis na ko sa bahay nila, ayoko pang umuwi. Hindi rin naman ako makakatulog nang maaga, nakapag dinner na din naman ako kina Kylie kanina.

8:38pm habang nag mamaneho ako nang kotse kong dala. Napatingin ako sa passenger seat, sobrang miss ko na yung taong gusto ko laging katabi ko sa kotse ko.

Naisipan kong mag drive thru kahit medyo busog pa, namiss ko kasi yung smoothie at mojos na pinakain sakin before ni Justine habang andito kami sa kotse ko noon.

After ko mag order ay tumigil muna ako sa isang tabi nang kalsada.

Napaka swerte ko nang mga araw na yon, mga araw na hirap na hirap na kong balikan pa sa ngayon.

Nag sip ako ng smoothie, ganon pa din yung lasa. Sobrang sweet pa rin kagaya ni Justine, kumuha din ako nang mojos para kainin ito.

Napatawa ako nang pagak sa isiping dati lang may nagpapaakain pa sa akin nito habang nag ddrive ako.

Itinabi ko muna yung smoothie at mojos then inistart ko na yung engine para mag drive muli. I don't know kung saan ako pupunta pero habang nag ddrive ako nakita ko na lang ang sarili ko na binabaybay ko na ang daan papunta sa bahay nina Justine.

Tumigil ako sa medyo kalayuan pero kita ko pa naman ang bahay nila.

3, 5 hanggang sa umabot ako nang 10 minutes na nakatigil lang doon.

Nakita ko na may kotse na paparating, hindi kotse ni Justine pero hindi din kotse ni Maice.

Tumapat ito sa mismong bahay nina Justine, may bumaba sa driver seat at laking gulat ko nang makilala kung sino yung taong yun. No other than, SSC President Ram pumunta ito sa passenger side para buksan ang pinto. As expected si Justine ang sakay nito pero ang makita ko silang magkasama ang hindi ko ineexpect na mararamdaman ko. Sobrang sakit, na ako yung pinili ni Justine over Ram before pero ngayon sila na yung magkasama.

Kumabog nang malakas yung puso ko sa sobrang takot, naalala ko bigla ang lahat nang sinabi ni Ram sa akin nung nakaraan. Hindi ko mapigilan ang mainggit sa kanya ngayon, napaka swerte nya.

Naramdaman ko na lang na may mga luhang umaagos sa pisngi ko, sobrang sakit pero wala akong magawa kundi panoorinin na lang sila.

Nakita ko na may inabot pang bouquet at paper bag si Ram bago nya tuluyang isara ang pinto nang kotse. Naguusap sila base sa nakikita ko, pero wala na palang mas sasakit pa nang makita kong yinakap ni Ram si Justine at hinalikan ito sa pisngi. Tinapik pa nga ni Justine ang balikat ni Ram habang nakangiti at ganon din ang ngiti ni Ram, ayoko nang makita sila na magkasama. Hindi ko na kaya, pinunasan ko ang mga luha ko at muling pina andar ang kotse, nag U-turn na lang ako para hindi na lang nila ako mapansin.

Kung kailan hirap na hirap ako sa sitwasyon at ngayong panahon na ito sobrang kailangan ko si Justine pero etong panahon din na ito nya ako pinag aaralan na layuan at kalimutan.

Walang tigil ang pagdaloy nang mga luha sa pisngi ko, hindi ko na kinakaya yung sakit na nararamdaman ko.

Everytime na kasama ko si Kylie habang inaalagaan sya si Justine ang nasa isip ko, napaka unfair ko para kay Kylie.

Bahala na pero kailangan ko nang kaibigan kaya hindi ako nagdalawang isip na puntahan si Angel, si Angel yung taong gustong maayos ang sa amin ni Justine.

Dumarecho na ko sa bahay nila, tinext ko sya na pupunta ako kaya bago pa man ako makarating sa bahay nila ay nakaabang na sya sa labas. Itinigil ko na ang kotse ko at nag-ayos ng sarili tyaka ako bumaba.

"Craye." Bungad sakin ni Angel tyaka nya ko yinakap "gabi na bakit napadaan kapa dito?" Tanong nya sakin tyaka sya bumitaw ng yakap sakin at dinala ako sa loob nang bahay nila.

"I need friend na kaya akong intindihin, hindi ko na inabala pa si Mon kasi alam ko may exam sya bukas." Sabi ko kay Angel tyaka ako umupo sa sofa nila

"I see, wait me here okay? Kuha lang ako nang miryenda." Sabi ni Angel tyaka nya ko tinalikuran

After nya kumuha nang dala nyang red velvet cup cake at house blend ice tea ay naupo sya sa tabi ko.

"Alam ko na may problem but why are you here? May favor kaba?" Tanong sakin ni Angel habang nakatingin sya sa akin

"Gusto ko lang nang kausap, alam ko kasi na maiintindihan mo ko." Sagot ko sa kanya

"Craye, pasensya kana kung naiipit ka sa sitwasyong kami namang ang gumawa. Alam mo ba na gusto kong tulungan ka talaga para magkaayos na kayo ni Justine kaso si Maice masyadong sarado ang isip sa bagay na yun. Hindi ko naman sya masisi kasi may point din naman sya." Paghingi nang sorry sakin ni Angel

"No worries, I understand Angel. Nasakin din naman ang dahilan kung bakit umabot sa ganito." Sabi ko sa kanya para hindi na sya maguilty.

"Kumusta ka naman?" Tanong nya sa akin tyaka nya inabot sakin yung isang cup cake at kinuha ko naman ito.

"Doing good, si Kylie ganon pa din naman. Hindi naman sya mahirap alagaan." Pagbahagi ko nang kwento

"Sorry but, sa inyo ni Justine wala na ba talaga?" Pag iiba nya nang topic siguro dahil gusto nya talagang tulungan ako at makaalis na sa sitwasyon ko.

Binaba kong muli yung platito sa table at tyaka ako uminom nang ice tea. Ikukwento ko ba ang mga nakita ko kakina?

I decided na ikwento na para mawala din yung sakit na kinikimkim ko ngayong gabi.

Habang kinukwento ko kay Angel ang lahat nang mga nakita ko ay hindi ko na muling mapigilan ang pag-iyak ko.

"Siguro kaya nangyayari Yan ngayon kasi may purpose si God para sanyong dalawa. Kaya mo yan, Basta andito lang ako palagi para sa yo." Sabi sakin ni Angel tyaka sya ngumiti sa akin. "Gusto mo bang tawagan ko si Justine para malaman mo kung okay na sya, para din marinig mo ang boses nya yun lang kasi yung kaya kong gawin sa ngayon para kahit papano ay malessen yung sakit nang nararamdaman mo. Alam ko naman jan sa puso mo na sobra mo na syang miss." Offer ni Angel sa akin, pumayag naman agad ako. Gusto ko lang marinig ang boses nya bago ako umuwi at matulog.

3x muna nag ring bago nya ito sagutin at niloud speaker pa ito ni Angel para marinig ko.

"Hi Gel, watzup!" Masayang bungad ni Justine sa kabilang linya

Hindi ko maiwasang masaktan dahil pakiramdam ko ay sobrang saya nya ngayong gabi, siguro marahil dahil kay Ram.

"Hi, how's your day Just?" Sagot naman ni Angel kay Justine

"Doing good, masaya naman sa Univ. na bago. Oo nga pala kanina dumaan ako sa school, sayang nga at weekend galing lang akong SSC office kinuha ko yung mga iba ko pang gamit." Pagkukwento ni Justine kay Angel

Tumingin sakin si Angel at biglang ngumiti na may halong pang-aasar. Ano naman kayang balak nito?

"Yieeee! Nagkita kayo ni Ram?" Natatawang tukso ni Angel kay Justine, narinig ko naman na natawa din si Justine sa sinabi ni Angel.

And ouch! Ganon talaga sya kasaya at itong si Angel naman kanina lang kakampi ko ngayon naman bini-build up nya yung Ram na yon kay Justine, wow napaka nya naman.

"Gagi ka Gel, Ram ka jan? Alam mo naman na binusted ko na yun diba? Tyaka- okay wag na nating pag usapan." Sagot ni Justine sa kabilang linya

"How about Craye? Miss mo na ba? Hindi masamang umamin. Yieee! Justine." Natatawa si Angel sa ginagawa nya habang nakatingin ito sakin

"Craye? Wait! May kilala ba kong Craye?"

Nung narinig ko yun, my heart is going to be broken into a million pieces. Big time!

Nakita ko naman na nalungkot ang mata ni Angel sa sinabi ni Justine at ganon na lang ang pag sorry-look nya sa akin.

"Ganon ba? Okay wala kana palang kilalang Craye." Sagot ni Angel

"Ito naman hindi mabiro, I need to build lang kasi nang wall sa kanya para matapos na. Alam mo naman diba? But Craye is still my Craye." Natawa si Justine sa sinabi nya. "Craye is still my baby. Anyway Gel, need to go may gagawin pa kasi ako. I miss you Gel, bye." Sabi ni Justine

Nakangiting Angel ang nakatingin sa akin.

"Bye Bibe, miss you." Sabi ni Angel tyaka nya binaba ang linya.

"So, gaano kasaya ang puso?" Panunukso sakin ni Angel.

Hindi mapigilan nang labi ko ang mapangiti, I felt relieved.

Para akong nasa cloud 9.

"Bye Gel, thank you so much." Sabi ko kay Angel tyaka ko sya yinakap at hinalikan sa noo.

Masaya akong tumayo sa sofa nila at nilisan ang bahay nila Angel.

--------------------

Haist! Marupok talaga si Justine, walang duda.

Vote and Follow. Thanks!









Continue Reading

You'll Also Like

9.6K 285 63
Note: Apologies for wrong grammar and this is the first time na gumawa ako ng Story. Support niyo bai :)
5K 108 12
Masaya kitang ipininta, Nag aral ako kasama ka, Nahulog ako sayo ng hindi mo alam, Nawala ka ng hindi manlang nag papaalam.
6.4K 157 67
THIS IS A MIKAIAH STORY HOPE YOU ALL LIKE IT! this is a fanfiction only!!!!
384K 5.5K 96
Haven Prado's mother sold her for millions in slavery to her business partner, Marco Madrigal. She manages to escape the night Marco attempts to do s...