Hanggang Sa Maaari (PKK: Book...

By nishiyan

2M 29.1K 4.5K

More

Hanggang Sa Maaari (Paano Kaya Kung: Book 2)
CHAPTER 1: Lights On (Cut 1)
CHAPTER 2: Lights On (Cut 2)
CHAPTER 3: Lights On (Cut 3)
CHAPTER 4: A Wife, A Mother
CHAPTER 5: Her True Calling
CHAPTER 6: Baby's Day Out
CHAPTER 7: A Hard Bargain
CHAPTER 8: Here Comes The Blog...
CHAPTER 9: It Ain't Over Yet
CHAPTER 10: Helter Skelter
CHAPTER 11: One on One
CHAPTER 12: HullaBalloos
CHAPTER 13: Impending Dilemma
CHAPTER 14: The Other Man
CHAPTER 15: Firsts
CHAPTER 16: Questions. Answers.
CHAPTER 17: More Questions
CHAPTER 18: The Answer
CHAPTER 19: Hearsay
CHAPTER 20: A Day in the Life
CHAPTER 21: A Shift of Emotions
CHAPTER 22: Celebrations
CHAPTER 23: What Really Happened
CHAPTER 24: What Happens Next
CHAPTER 25: What They've Done
CHAPTER 26: Tatay
CHAPTER 27: Lullaby
CHAPTER 28: Best Nanay Ever
CHAPTER 29: 'Pinaka' Best Tatay Ever
CHAPTER 30: The Great Pretender
CHAPTER 31: What Hurts The Most
Chapter 32: Frustrations And Promises
CHAPTER 33: Back To Square One
CHAPTER 34: Quality Time
CHAPTER 35: Best Birthday Gift Ever
CHAPTER 36: Papa's Girl
CHAPTER 37: C K
CHAPTER 38: Uneasy
CHAPTER 39: 20th
CHAPTER 40: Surprise! Surprise!
CHAPTER 41: Points To Ponder
CHAPTER 42: The Start of Something New
CHAPTER 43: Starting To Walk In His Shoes
CHAPTER 44: Home Service
CHAPTER 45: Leather And Lace
CHAPTER 46: Late Night Dinner
CHAPTER 47: It's A Metaphor
CHAPTER 48: Dilemma
CHAPTER 49: A Sister. A Wife. A Confrontation
CHAPTER 50: The King's Queen
CHAPTER 52: Mga Banta
CHAPTER 53: A Bravely Fought Battle
CHAPTER 54: Fighters
CHAPTER 55: The Perfect Fan

CHAPTER 51: Tamang Hinala

24.1K 544 135
By nishiyan

*******

ANNYAREEEEE?!?!?!?

Trulili kaya ang mga chikang nakalap natin from some reliable sources na hindi na matutuloy ang tambalang Gabby Araneta at Daniel Padilla? Ayon sa ating RSSSSS (Reliable Sources), the reason of the no 'To Be Continued' ng tambalang GabNiel is because of the overjealousy of Daniel's wife na si kagandahang Kathryn Bernardo- Ford.

Paanoooo?!?!?

Sayang naman diba? The cameras already started rolling for the movie and I believe they've been shooting for nearly a month already. Aba! Hindi na biro biro ang gastos ng Star Cinema at hirap ng crew tapos just because of some childish tantrums of a pregnant woman ay hindi na ito itutuloy. It's absurdity to the highest level!

Pero ayon pa rin naman sa ating RSSSSS, wa naman ding ma-say na nega ang Production sa hindi pagkakatuloy ng proyekto so it means na okay lang din sa kanila na i-spoil every whims of beauteous Mrs. Ford.

Hmmm...

So Andres ba si Daniel? If so, first Padilla sya na nagpapa-alipin sa babae.

**********

'Ako na naman ang bad.' Pagbubuntong hininga ng sama ng loob ni Kathryn matapos mabasa lahat ng tabloids na may write ups sa hindi pagkatuloy ng pelikula ng asawa.

Walang dinaanang hassle ang mag-asawang Ford nang ipagtapat ni Daniel sa management kung bakit hindi na niya kayang ituloy pa ang proyekto. They offered an alternative na palitan na lamang si Gabby pero napagdesisyunan na din ni DJ na mas nakabubuting magbakasyon na lang din sya para masamahan ang kanyang mag-iina. Plano na rin nyang tapusin muna ang kanyang nabinbing pag-aaral para naman makuha na nya ang kanyang high school diploma. Natatakot din naman syang maunahan sya ni Danilo.

Isa pa, hindi pa rin sya tuluyang napapatawad ni Kath. Kahit araw araw syang manligaw muli sa asawa ay gagawin nya mapatawad lamang sya nito.

Malungkot ang tinging iginawad ni Daniel sa asawa matapos makita ang tila hinanakit sa lahat ng nangyayari. Na tila ba siya ang sinisisi sa hindi natuloy na tambalan nya with another actress.

'Sino ba yang mga hinayupak na yan?' Naka-rehistro ang galit sa boses ni DJ habang tila binabalasa sa ibabaw ng coffee table sa garden ang mga tabloids na binabasa nila kanina pa. 'O, eto na naman 'tong sinaunang baboy na 'to! Konti na lang, sasampahan ko na ng kaso 'to!' Patungkol nito sa nagsulat ng artikulong huling binasa ni Kathryn. 'Konti na lang talaga. Naku! Ipapatuhog ko 'to sa mga kakosa nya gamit yung mga rehas sa kulungan nya.'

'J.' Suway ni Kath sa asawa. Malungkot ang boses nito. 'Your language please.' Sabi nito habang hinihimas himas ang tyan. 'Baka marinig ka ni baby.'

Napabuntong hininga na lamang si DJ bago hinawakan ang kamay ng asawa. Hindi na sya nagulat nang binawi naman ito agad ni Kath. Nasanay na sya sa malamig na pakikitungo ni Kathryn. Kung dati ay halos laging nakadikit sa katawan nya ang katawan ni Kath habang magkatabi sila sa kama, ngayon ay tila kasya pa ang kanyang Mama Carla sa gitna nila. Sinusubukan rin naman nyang isara ang espasyong iyon ngunit bigo sya dahil sa tuwing gagawin nya iyon ay inilalayo lamang ni Kath ang sarili. Wala itong pakialam kahit isang kembot na lang ay mahuhulog na ito mula sa kanilang higaan. Batid ni DJ na ang tanging magagawa na lamang nya ay humingi ng tawad kay Kath kahit paulit ulit pa.

'Akyat lang ako.' Paalam nito. 'Baka kasi gising na si Danilo.' Tumayo ito mula sa kinauupuan.

Akmang tatayo na rin si DJ upang samahan si Kathryn ngunit natigilan sya.

'Huwag mo akong susundan. Dyan ka lang.'

Tila asong turuan si Daniel na bumalik sa pagkakaupo.

'Hindi ko na alam e.' Iling nya habang pinipigil ang luha. 'Hindi ko na talaga alam Snow.'

Tanging tingin at mumunting kahol lamang ang narinig nyang tugon mula sa kanyang kasama sa hardin.

**********

Dahan dahang naupo si Kathryn sa kanilang kama bago unti unting inilapat ang kanyang likod dito. Kinapa kapa nya ang bedsheet until her fingertips brushed onto something which was under DJ's pillow. She reached for it and it continued vibrating until it suddenly stopped.

The screen registered a number. May kung anong sundot syang naramdaman sa dibdib nya matapos makita iyon.

'Why. Are. You. Calling.' She mouthed as she typed on the message bar of DJ's phone. As she gripped on DJ's phone for dear life, bigla naman itong nag-vibrate muli.

'I'm having lunch at Casa Soledad. Join me?' Came the reply.

Walang sabi- sabing tinungo ni Kath ang kanilang banyo matapos nyang ibalik ang cellphone ng asawa sa pinagkuhanan nya nito.

********

'Mama Min, alam mo ba saan pumunta si Kath?' Tanong ni DJ sa biyenan habang karga karga si Danilo.

'Hindi ba nagpaalam sa'yo?' Tanong ni Min.

Kaiba kay Kathryn, hindi malamig ang pakikitungo ni Min kay Daniel. Inakala pa nya na mas maaapektuhan ang biyenan ngunit nagkamali sya. Batid naman daw kasi nitong walang kasalanan si DJ sa nangyari kundi ang hindi agad pagsasabi nito. Tinutulungan pa nga nito si DJ para makausap ng masinsinan si Kathryn. Ngunit kahit ang sarili nitong ina ay walang nagawa. Hindi pa rin nito nabago ang pakikitungo ni Kath kay DJ.

'Hindi ho.' Iling ni DJ. 'Nung umakyat kasi ako na umiiyak si Danilo, nakabihis na sya at kakalabas pa lamang mula sa aming closet.'

'Makikipagkita daw sya kay Julia. Lunch lang daw.'

Tumango tango na lamang si DJ kahit na nagtatampo ito at hindi sya sinabihan ng asawa.

**********

Iginala ni Kathryn ang paningin sa paligid ng restaurant. May mangilan ngilang parokyano at sa bawat lingon nya, ay nakikita nya ang mga itong kung hindi pa-simple syang itinuturo ay nagbubulungan naman. Nilapitan sya ng isang waiter upang tulungan sya.

'I'm with someone.' Simple nyang sabi. 'I believe she reserved a seat.'

Tumango naman ang waiter.

'Have you seen Gabby Araneta? Sya yung naghihintay sa akin.' And Kath faked a smile.

'Ah, yes Ms. Bernardo.'

'Mrs. Ford.' She corrected the waiter.

Tumango muli ang kausap.

'This way, Mrs. Ford.'

*********

Palakad lakad si Daniel sa living room ng mga Bernardo habang nakasalampak naman sa sahig si Danilo at naglalaro ng kanyang Mega Bloks. Kasama ng magda-dalawang taong gulang na bata ang asong si Snow na abala naman sa pagkagat kagat sa rubber ball nito.

Hindi sya mapakali at hindi nya malaman kung bakit.

'Wait lang baby ha?' Paalam nya sa anak bago tumungo sa dirty kitchen upang magtanong tanong sa ilang kasambahay.

'Manang...'

Nakita na lamang ni DJ ang mga kasambahay na tutok na tutok sa telebisyon, nanonood ng showtime habang kumakain ng kanilang pananghalian.

'Live ba yan?' Tanong ni DJ habang nakasandal sa may pintuan.

'Opo sir. Diba, live naman lagi ang showtime?' Takang tanong din ng kasambahay.

'Ayan, yung bestfriend ni Ma'am Kath o, Sir DeeJe.' Turo nito kay Julia Montes na guest co-host nila.

Lalo lamang kinabahan si DJ. Agad nyang tinakbo ang kanilang kwarto.

'Putang ina mo, Gabby!' Bulalas niya habang tinitingnan ang naganap na palitan ng mensahe kina Kathryn at Gabby.

*********

***AUTHOR'S NOTE***

Sige po, isumpa nyo na si Gabby.

😅😁

Continue Reading

You'll Also Like

134K 4.7K 97
Two opposite worlds come together. How will they establish harmony after their initial encounter was unfavorable? Would you be open to befriending so...
8.6K 541 17
Yndrah Alaianth Xanther- a respected professor and successful doctor in medicine. Known for her sharp mind and distant manner. Her cold demeanor echo...
107M 2.3M 100
Now published under Pop Fiction, an imprint of Summit Books. P195, Taglish Part 1 Theirs is a story that started all wrong. Naglayas si Gail sa bahay...
12.1K 1.7K 45
true love is just around the bend but lovers find it hard to get one...