After the Sorrow 2 ✓

By ChenlyYen

1.7K 65 5

Book 2 of Tears of Sorrow Dalawang tao na pinaglalaruan ng tadhana. Ang matinding pagsubok ay nalagpasan dahi... More

IMPORTANT NOTICE
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25 - The Wedding Day (Part 1)
Kabanata 26 - The Wedding Day (Part 2)
Kabanata 27 - Reception
Kabanata 28 - Honeymooners
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35 - Warning
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 40
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
ATS

Kabanata 43

31 2 0
By ChenlyYen

Jett's Point of View

NAMAMANGHA kong pinanood ang buong bahay ni Lola Tazya. Kung anong estilo no'ng huling pumunta kami rito ay gano'n pa rin hanggang ngayon. Walang pinagbago. Makaluma pa rin.

Magkahawak kamay kaming pumasok ni Gaily sa loob ng bahay. Gano'n din ang disenyo rito. Lahat makaluma.

Yumakap si Gaily sa aking braso. "Nakabalik din tayo rito after a long years." bulong niya.

"Yeah. Pero gano'n pa rin lahat dito. Wala pinagbago."

"Lola ko na iyan eh."

"Gail!"

Matinis at malditang sigaw ni Lola ang siyang nagpaigtad sa asawa ko.

"Bakit po, Lola?"

"Anong sinabi ko sa iyo noon pa? Huwag kang yumakap sa isang lalaki dahil hindi magandang tingnan!"

"My ever conservative Lola." Lumapit si Gaily kay Lola at nanlalambing na yumakap. "Asawa ko na po iyan, 'La. Nakalimutan mo na ba? Ang sabi ni Mommy nga noon na umiyak ka pa raw sa kasal namin." malambing nitong saad.

Ang tanda na ni Lola tingnan. Naging kuba na siya. Her physical changed, but the Lola Tazya I knew hasn't change.

Lumapit ako sa kanila. "Magandang tanghali po, Lola." Dahan-dahan kong kinuha ang kaniyang kamay at nagmano.

"Gano'n ba?!"

Hinalikan ni Gaily ang pisngi ni Lola nang paulit-ulit. "Opo. Asawa ko na iyan. Huwag ka ng magalit diyan. Sinunod ko ang lahat ng pangaral niyo ni Mommy. Walang pagtatalik na mangyayari kung hindi pa kasal."

"Mabuti kung gano'n! Kumusta ang buhay mag-asawa?"

"Maganda. Magkakaroon ka na ng apo sa tuhod."

Tumalikod sila at pumasok sa pinto. Sa naalala ko ay kusina iyon.

Umupo ako sa upuan na yari sa kahoy. Ang tahimik pa rin ng bahay. Hindi ko alam kung may multo na bang naninirahan dito. Sa tagal ba naman ng bahay na ito. Biglang may batang babae na humahangos ang pumasok. Ngumiti siya nang mapatingin siya sa puwesto ko. I smiled back.

"Hi po." Lumapit siya sa akin. "Mano po ako, Kuya Jett."

Nakangiti ko siyang pinamano. "Kilala mo ako?"

Ngumiti siya ng malapad. I saw her teeth in the upper front that has 1 missing. "Ako po ito, Kuya. Si Amelia. Naalala niyo po?"

Kumunot ang noo ko. Amelia? Familiar.

"Nagkita po tayo sa kasal niyo ni Ate. Tapos ako iyong bata na--"

"Ah oo! Naalala ko na. Ikaw ang baby na binantayan namin ng Ate mo noon." ginulo ko ang kaniyang buhok. "Ang laki mo na."

Bumungingis siya.

"Ilang taon ka na? Nag-aaral ka pa ba?"

"10 na po. Grade 3 po ako."

She's 10 years old now. She was 1 year the last time I went here. 9 years na pa lang hindi ako nakabalik dito. Ang tagal na.

"Mag-aral kang mabuti."

"Opo."

"Kain na tayo, Jet--- oh, Amelia?"

Lumingon kaming dalawa sa may pintuan ng kusina.

"Ate Gail!" Tumakbo si Amelia papunta kay Gaily at yumakap ito.

Nakangiti akong lumapit sa kanila.

"Ang laki-laki mo na. Nasaan ang Mama mo?"

"Naroon po sa baranggay hall."

Pumasok kami sa kusina. Naroon na ang mga magulang ni Gaily. Umupo kami.

"Anong ginagawa ng Mama mo roon?"

"Piyesta po kasi ngayon. Ang baranggay hall ay may gym. May palabas kasi mamayang gabi. At si Mama ay tumulong sa pag-disenyo. Hello po, Tiyo at Tiya." baling niya kay Mommy Chessy at Dad.

"Hi. Kanino ka nga pa lang anak, iha?" Mom asked.

Gaily put a lot of foods on my plate. Nilagyan niya rin ang plato ni Amelia.

"Nimfa po."

"Ah si Nimfa. Ang pamangkin ko. Kumain ka ng marami."

"Opo."

We eat silently. That's the first rule of Lola Tazya in the dining.

Pagkatapos naming kumain ay naglakad-lakad kami sa labas. Iba pala magkaroon ng piyesta ang probinsya. Ang daming malalaking kawali na nilulutuan ng iba't ibang ulam. May nadaanan pa kaming baboy na tinuhog sa malaki at mataas na kawayan at inikot-ikot sa may baga. Ang sabi ay lechon daw iyon. Gano'n pala lulutuin ang lechon? I felt sorry to all the lechon I ate. Torture pala sa mga biik ang masarap na lechon na kinakain natin.

Tapos habang nagluluto sila ay may inuman din. Pati ako ay napapainom din dahil tinatagayan nila ako at hindi ko alam kung anong alak iyong nainom ko. Ang ilan ay kulay pula at ang anghang sa bibig, lalamunan at tiyan inumin. Ang sabi ni Amelia ay Kulafu raw iyon. Tapos no'ng napadaan kami sa may manggahan ay may mga matandang lalaki na nag-iinuman din. Tinagayan nila ako ng kulay orange. Matamis siya na medyo may pait. According to Gaily, it was coconut wine.

Iba magkaroon ng piyesta ang lugar na ito. Ngayon ko lang nainom ang ganoong mga alak. Ngayon ko lang din nakita na ang mga lalaki ang nagluluto sa mga ulam. I also saw women facing each other while weaving something through the use of coconut leaves and then they also put rice in it. What was that?

And what's more interesting, we ate in every houses. Everyone invited us. People here are very hospitable. They entertain us, as if we are VIP. Busog na busog ako. Sa dami ba namang bahay na kinainan namin ay talagang hindi ka na makakatayo sa sobrang pagkabusog.

"Namumula na iyang mukha at leeg mo. Lasing ka na ba?" pinunasan niya ang noo ko gamit ang kaniyang kamay.

At sa lahat ng nag-iinuman na nadaanan namin kanina ay tinatagayan ako.

"Hindi pa naman. Nahihilo lang ng kaunti. Ganito pala kapag may piyesta rito, Gaily. All in all, it was fun."

She smiled. "Yeah. Ganito sila rito kung may piyesta." Umupo siya.

We just got home after roaming and eating in every houses.

"Ang tahimik ng bahay. Nasaan kaya sina Lola at ang mga magulang natin?" tanong ko. Umupo ako sa kabilang upuan.

"Ewan---oh nandito lang pala sila."

Tumingin ako kay Lola at Mommy Chessy na bumaba ng hagdan. Nakaalalay si Mommy Cheesy kay Lola sa pagbaba.

"Saan ang punta niyo? Ba't bihis na bihis kayo?" tanong kaagad ni Gaily.

"Sa gym, 'nak. Alas-sais na at maya-maya ay magsisimula na ang palabas." sagot ni Mom.

"Anong palabas?"

"Mr.&Ms SantaCruzan, Gail."

"Sama po ako." Tumayo si Gaily.

"Hindi maaari. Buntis ka tapos pagabi na at tiyak na gabi rin kaming makakauwi. May mga aswang. Makakadaan tayo ng dalawang manggahan. Delikado." sambit ni Lola.

"Sige na po. Ngayon lang naman. Kasama ko rin naman kayo." pagpupumilit niya.

"Hindi nga puwede. Dito ka lang. Kayo ng asawa mo." saad ni Mommy.

"Please?"

Bumuntong hininga si Lola. Panigurado ay papayag na ito.

"Sige. Saglit lang tayo roon. Magsuot ka ng itim. Magsuot ka rin ng dyaket."

Ngumiti ako. Pumayag si Lola. Hindi nakatiis sa kaniyang apo. Biglang tumakbo si Gaily papunta sa hagdan.

"Careful!" nag-alala kong sambit.

Sinundan ko siya ng tingin na umakyat sa hagdan. When she's excited, most of the time, she become clumsy.

"Babaeng ito." bulong ni Mom.

Ngumiti ako. Naalala ko ang nakaraan. Palaging pinapasakit ni Gaily ang ulo ni Mommy Chessy noong mga bata pa kami. At mukhang hanggang ngayon ay gano'n pa rin.

Bumaba siya na naka-T-shirt at jacket ng itim. Ang pajama lang niya ang tanging kulay abo. Ang boses ng Emcee ay maririnig sa bahay at any moment daw ay magsisimula na raw ang palabas. Humayo na kami.

Si Mommy Chessy ay nakaalalay kay Lola. Nakauna silang naglakad. Si Gaily ay nasa gitna. Nasa likod niya ako habang hawak-hawak ang kaniyang kamay. Hindi ako naniniwala sa mga aswang-aswang pero marami akong naririnig na gusto raw nila ang mga buntis at sanggol. Totoo man o hindi ay mas mabuti ng nag-iingat.

Pagkarating namin sa gym ay marami ng mga tao. We sat on the second row seats. Pinagigitnaan ni Mom at Gaily si Lola. Nasa gilid ako ng aking asawa nakaupo.

I moved my head closer to Gaily. "Ang dami pa lang tao rito. Akala ko konti lang kasi wala akong nakikitang maraming bahay." bulong ko.

"Malayo-layo kasi ang mga bahay rito." tugon niya.

She opened her phone and took a photo of us

"Is this also your first time, Jetty, to attend this kind of celebration?"

"Yeah."

"I see." Sumandal siya sa balikat ni Lola.

The show started. I took my phone out in my chino short pocket and scroll my social media. I saw a photos of baby girl's clothes. It's cute. Hinawakan ko ang hita ni Gaily.

"Bakit?"

"Look at this, Gaily. Tinda ang mga damit na ito. Ang ganda. Should we buy these clothes?"

"Hindi pa nga natin alam ang gender. Pambabae iyan. Baka mamaya ay lalaki pala ang anak natin."

"Hopefully it's a girl."

Sumandal siya sa balikat ko. "Do you like baby girl?"

I off my phone. "Yeah. Girls are sweet as they say." Inakbayan ko siya at inayos ang pagkakasandal ng kaniyang ulo sa dibdib ko.

"What if it's a boy? Do you still accept our baby?"

Hinaplos ko ang kaniyang braso. "Oo naman. Gender doesn't matter. Anak ko iyan. Tatanggapin siyempre."

"In my 5 months of pregnancy, let's visit my doctor for ultrasound." aniya.

"Sure."

Gusto kong magkaroon ng anak na babae. The reason is not just because they are sweet. I want to take care a little girl in our family. I want to have a princess that I will treasure forever, just like how I love and treasure her Mother, which is my Queen.

Kung lalaki naman ay ayos na ayos din kasi may tutulong na sa akin na alagaan si Gaily kung wala ako. I have my own man who will take care and look after his Mom when I am not around.

Kahit anong ibibigay ng Diyos ay tatanggapin ko ng buong puso at mamahalin ng buong-buo.

Kahit hindi pa tapos ang palabas ay umuwi na kami.

"Dong Jett, tagay muna!" biglang sigaw ng tiyuhin ng asawa ko.

Tumango ako. Hinarap ko si Gaily. "Makipag-inuman lang ako sa kanila. Nando'n naman si Dad."

Tumango siya. "Sige. Huwag magpapaumaga ha."

I smiled. "Opo, Misis. Matulog ka na. Huwag mo na lang akong hintayin." Hinalikan ko ang kaniyang noo. "Get inside."

I watched her went inside the house. Pumunta ako sa mga kamag-anak ni Gaily na nag-iinuman. Kakaupo ko pa lang ay tinagayan kaagad nila ako.

Buti na lang beer ang kanilang iniinum ngayon. Ang anghang kasi ng vino kulafu. Hindi ako sanay.

"Ang asawa ko? Ayun! Matagal ng panahon na walang away na nangyayari sa kama kasi palaging tumabi sa kaniya ang bunso naming anak." saad no'ng isang lalaki na mukhang kaedad lang ni Dad.

Napangisi ako. Saklap. Ang tigang na siguro nito.

"Wala ka sa akin, pre! Hindi na magpapagalaw kasi takot ng mabuntis ulit."

"Oh? Mas masaklap sa iyo. Paano mo naiibsan iyang libog mo?"

Tumawa ito. Lasing na lasing na. "Matalino tayong lalaki. Hindi man makakapasok itong si junjun sa pekpek niya ay may dila at mga daliri naman tayo. Pagkatapos ay sariling-sikap na naman."

Nagtawanan sila. Tinanggap ko ang basong inabot sa akin at ininom.

"Ikaw, bai Michael? Kumusta ang sex life?"

Tiningnan ko si Dad.

Ngumisi siya. "Aktibo palagi. Tuwing gabi pag-uwi ko ay bakbakan kaagad. Araw-gabi." sagot ni Dad.

They laughed.

"Malusog. Malusog."

Mukhang ako na lang ang hindi pa lasing sa mga ito.

"Dito naman tayo sa manugang mo. Mabuti ito dahil baguhan pa lamang sa buhay may asawa. Kumusta ang sex life, iho?"

Sumandal ako sa kawayang sandalan. "Maayos naman po. Aktibo rin." nakangiti kong sagot.

"Balita ko ay buntis ang asawa mo?"

Tumango ako.

"May teknik ako kung gusto niyong magkaroon ng anak."

"Ano po iyon?"

"Araw-arawin! Dapat sa loob palagi ang putok. Walang dapat masayang."

I always do that. Tanging tango ang isinagot ko.

They continue talking. Medyo hindi ako makasabay kasi iba ang pinag-uusapan nila.

Nang may dalawang knockdown na ay umalis ako. Pumasok ako sa kuwartong tutulugan namin. Wala rito ang asawa ko.

Kinatok ko ang katabing pinto, which is kuwarto ni Lola. Hindi pa naman siguro siya tulog dahil may narinig akong mahinang nag-uusap sa loob.

"Pasok!" maldita niyang sigaw.

Kung hindi ko lang kilala si Lola ay iisipin kong galit ito.

Binuksan ko ang pinto at ipinasok ang aking ulo. "Nandito po ba ang asawa ko, Lola?"

Naroon si Gaily sa tabi ni Lola. Nakapikit ito habang nakayakap kay Lola. Si Mommy Chessy ay nakahiga rin sa tabi ni Lola at nakayakap din.

Biglang tinampal ni Lola ang hita ni Gaily. "Babae, gising! Nandito ang asawa mo!"

Pumasok ako. "Huwag mo na lang pong gisingin, 'La." Tumayo ako sa tabi ni Gaily. "Kakargahin ko na lang po." I carry her with full care. "Goodnight, Lola, Mom." I went outside.

Pumasok kami sa kuwarto at dahan-dahan siyang inihiga sa kama. Kumuha ako ng damit pampalit sa suot ko ngayon. Mula sa bahay namin sa Maynila hanggang ngayong gabi ay hindi ako nakapagbihis. Kung hindi pa ako palaging pinupunasan ng pawis ni Gaily ay tiyak na matutuyuan ako ng pawis. Tanging boxer at puting tank top ang isinuot ko.

"Jetty?"

Lumingon ako sa kaniya. "Why? You sleep again." Umupo ako sa kaniyang tabi.

"Ikaw ba ang nagkarga sa akin papunta rito?"

"Oo. Nagising ba kita?"

"No. You smell alcohol. Mag-mouthwash ka."

Ngumiti ako. "Opo." Kinuha ko ang mouthwash sa bag at nagmumog.

"Tapos na kayong mag-inuman?"

Iniluwa ko ang mouthwash sa bintana. "Tapos na ang kainuman ko. Ayun. Tulog." Bumalik ako sa kama.

"How about Dad?"

Humiga ako sa kaniyang tabi. "Nando'n din. Hindi tulog pero lasing. Hindi na matinong kumausap." Pinaunan ko siya sa aking braso.

"Pupuntahan iyon ni Mommy." Yumakap siya sa akin.

Humawak ako sa kaniyang tiyan. "How's our little one?"

"Fine. I could see changes in my tummy. Impis ang tiyan ko pero ngayon ay lumaki ng konti."

Napangiti ako. "Our baby is growing. Kailan ba siya lalaki? Should we feed our little one more foods?"

"Hindi rin ganiyan. Our baby will naturally grow. 9 months pa ang hihintayin natin bago natin siya mahawakan."

Niyakap ko siya at idinantay ang aking hita sa kaniyang balakang.

"Huwag mo akong pisain. Ang tiyan ko."

I kissed her head. "I know." I closed my eyes. "May pangalan ka na bang naisip? If our baby is a girl, what would you name her?"

"Hmm... Kailangan ba e-combine ang pangalan nating dalawa?"

"Hindi naman necessary na e-combine talaga. Ayos lang kung malayo sa pangalan natin."

"Two names o isang pangalan lang kagaya ng name mo, Jetty?"

I smiled. My name has only four letters. So small.

"Two names. What about Genevieve Julieta? First letter is G and yours is G as well. First letter of our baby's second name is J, just like mine." I suggested.

"Nah. Mataas. Mahihirapan ang anak natin sa pagsulat sa kaniyang pangalan. Isipin mo. Genevieve Julieta Santillan. Kakasya pa kaya ang pangalan niya sa papel?"

"Oo nga 'no. So what name?"

"Bliss Shanaiah. What do you think?"

I smiled sweetly. "Bliss Shanaiah. Our baby girl is truly a Bliss, because she's our extreme happiness. Bliss Shanaiah B. Santillan. Beautiful and perfect name."

"Iyon ang ipangalan natin kung babae. What about kung lalaki, Jetty? What name?"

"Amulet Kinsley. Is it a handsome name?"

"It's nice. Pero ba't Amulet? Anong akala mo sa anak natin? Anting-anting?"

"Amulet Kinsley is our amulet. Kung siya ang panganay natin tapos magkaroon siya ng mga kapatid ay siya ang magpoprotekta sa kanila kung wala ako. He will be my amulet. Our baby boy will be my amulet, wherein he can help me to protect our little family. To protect you and his little siblings. And to help me look after our family if I am not around. He will be my little version. My little Amulet Kinsley. Our human amulet in this lifetime." nakangiti kong ani.

"I love it. Very unique name. Very beautiful. Bliss Shanaiah B. Santillan and Amulet Kinsley B. Santillan. Very beautiful names. Sana magkaroon tayo ng dalawang anak. Iyong babae at lalaki. Our Bliss and our Amulet, forever." sambit ni Gaily.

I can't wait to see our baby. I wish I have the power to control the time, so that we can jump on the month where our baby is born.

Continue Reading

You'll Also Like

3K 133 55
Evren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasal...
49.6K 773 34
"Love is like a flame. It will burn you down until there's nothing left for yourself." -Iria Delcena Book 1 of 3 of Pleasure Trilogy WARNING! MATURED...
9.5K 409 33
Became wild like her name for he was hurt by the love of her life. Gone the Aloof yet sweet Hyacinth Andres. Sa muling pagtatagpo ng landas nilang d...
340K 18.1K 30
It all started when rookie setter Seb Angeles misset the ball causing injury to their team's opposite hitter, Nico Almojer.