Guilty Pleasure 01: Pain Afte...

By dimples_eyebrow

174K 2.7K 260

Ero-romance | R-18 "A night with the bottle of vodka is where it all started." Inside the peaceful province o... More

Disclaimer
Prologue
Pleasure 01
Pleasure 2
Pleasure 3
Pleasure 4
Pleasure 5
Pleasure 6
Pleasure 7
Pleasure 8
Pleasure 9
Pleasure 10
Pleasure 11
Pleasure 12
Pleasure 13
Pleasure 14
Pleasure 15
Pleasure 16
Pleasure 17
Pleasure 18
Pleasure 19
Pleasure 20
Pleasure 22
Pleasure 23
Pleasure 24
Pleasure 25
Pleasure 26
Pleasure 27
Pleasure 28
Pleasure 29
Pleasure 30
Pleasure 31
Pleasure 32
Pleasure 33
Pleasure 34
Pleasure 35
Pleasure 36
Pleasure 37
Pleasure 38
Pleasure 39
Pleasure 40
Pleasure 41
Pleasure 42

Pleasure 21

3.3K 68 14
By dimples_eyebrow

Matagal kong tinitigan ang aking cellphone habang nakabalandra sa aking screen ang text ni Arthuro.

Unknown Number:

'This is Arthuro, let's meet I need cash. Since you said you will pay for the clothes.'

Inayos ko muna ang aking sarili; I took a long bath and freshen up myself before I faced my cellphone again.

Napabuga ako ng malalim na hininga habang nakatitig doon, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Inayos ko ang takas ng aking buhok bago magtipa ng aking isasagot.

'Sige, paano ko ipapadala sa'yo?'

Sagot ko sa kanyang text.

Ilang segundo rin ako nag hintay ng kanyang reply, siguro ay nasa trabaho siya o may ginagawang kung ano.

Nataranta na lamang ako nang marinig na nag ring ang aking cellphone.

Tumatawag siya.

Napakurap-kurap ako habang nakanganga. I stared at my screen for a while before I decided to take the call.

I cleared my throat.

"Paano ko ipapadala ang pera sa'yo?" nag-aalangan kong tanong.

"I said let's meet, huwag mong ipadala," maawtoridad ang malalim niyang boses kahit pa tawag lang. Nakakakiliti sa tenga ang gaspang nang kanyang boses ngunit hindi ko maiwasang mamangha kahit pa may kung anong nararamdaman ako doon.

Matapos nang nangyari sa amin, hindi ko alam kung kumportable pa ba akong makaharap siya.

Ngunit alam ko, alam ko na parehas naming gusting makita ang isa't isa o baka ako lang.

I hate to admit but I felt the comfort with him, comfort na nakakakaba sa tuwing magkakatinginan kami o kahit na magkadikit lamang ang balat namin sa isa't isa.

"Hey?" muling bumalik ang aking huwisto nang nagsalita ulit siya.

"Magkano ba 'yun? Hindi ba puwedeng ipasa nalang? Ipasa ni Mika sa'yo 'yung pera."

"Mika? Why Mika if you can do it yourself?" tanong niya.

I don't have a money transfer account.

"Wala akong pang-transfer," nahihiya kong tugon habang nagkakamot sa batok.

"Kaya nga magkikia tayo 'di ba? Kasi wala kang pang-transfer,"

"Puwede bang next time nalang?"

Narinig ko ang daing niya sa kabilang linya.

"Iniiwasan mo ba ako, Andra?" tanong niya bigla sa akin.

"H-hindi ah,"

"I-send ko nalang ang location kung saan tayo magkikita," dagdag ko para hindi na tumagal ang usapan naming.

"Nasa building ako ng hotel mo, I'm here in the basement."

Napanganga ako, hindi makapaniwala sa kanyang sinabi.

Sa basement? Kanina pa siya doon?

"Anong ginagawa mo jan?"

"I'm waiting for the cash," masungit nitong saad.

Pinatay ko na kaagad ang usapan naming at kaagad na kumuha ng pera, hindi ko naman alam kung magkano ang babayaran ko kaya kinuha ko na lamang ang medyo karamihan na budget ko.

Lalabas na sana ako ng aking hotel room nang mahagilap ko ang aking sarili sa salamin, para akong losyang at magulo ang buhok.

Napabalik ako at mabilis nang mas maayos na damit. At doon ko naalala na kailangan ko pala mag grocery para hindi puro order ang aking kinakain, para makatipid nadin dahil masyadong magastos dito sa hotel, baka maghanap nalang ako ng apartment na matutuluyan.

Mabilis akong bumaba dahil sa tingin ko ay kanina pa siya naghihintay sa basement, hindi niya naman kasi sinabi na naroon siya para hindi ko na tinitigan pa ang text niya sa cellphone ko.

Deretso akong basement, habang tinatawagan ang kanyang cellphone para mas madali siyang mahanap.

Naghahabol ako ng hininga habang nagtitipa ng kanyang numero.

"Kanina ka pa dito?" tanong ko nang makita siya sa labas ng kanyang sasakyan habang nakasandal ito doon sa pintuan.

"Not really," habang pinagmamasdan niya ang aking mata, nasundan ko iyon hanggang sa napasulyap siya sa aking kasuotan.

"Magkano pala ang babayaran ko?" tanong ko.

Nag-iwas muna ito ng tingin at nakita ko ang paggalaw ng kanyang adams apple.

Muling humarap ito gamit ang kanyang matalim na tingin.

"Saan ka pupunta?"

Bakit kasi?

"W-wala," nag-iwas ako ng tingin dahil mapang-asar ang kanyang mga mata.

"You'll meet my friend? Juakin or Jacob?" may iritasyon ang kanyang boses, marahas ding gumalaw ang panga nito kaya nabahala ako pati nadin sa bintang niya sa akin.

"Hindi ah,"

"Defensive," hindi siya sumangayon sa sagot ko.

"Grocery lang ako,"

Ngumuso ito na parang nagwagi dahil nalaman ang lakad ko.

Nakasuot siya ng lagi niyang suot. White long sleeves and gray khaki pants. Nakatubi hanggang siko ang manggas ng kanyang damit pang-itaas.

Lantad rin ang matigas at may buhok nitong dibdib dahil hindi nakabutones ang unang tatlong butones nito.

"Ilan ang babayaran ko?" muli kong tanong para umalis na sa harap niya.

"Get in my car," mapang-utos niyang mandato sa akin kaya napakunot ako ng noo at mariing napalunok.

Mas lalo akong kinabahan dahil inaaya niya ako sa loob ng kanyang sasakyan.

Alam kong may nangyari na sa amin at kahit alam kong magaling siya hindi naman ako handa na sa sasakyan niya ako gagalawin.

Nagsimulang lumabas ang butil ng pawis sa aking noo dahil sa iniisip, hindi ako handa.

Mabuti nalang at naligo ako.

"I know what you're thinking, sasamahan lang kitang mag-grocery,"

Para akong mamamatay sa kahihiyan dahil sa iniisip. Dumugo na rin yata ang aking labi dahil sa pagkagat ko dahil labis ang kahihiyan.

"Ang bastos ng iniisip mo," baliktad ko sa kanya para hindi mas lalong mapahiya.

He chuckled. Mas lalo lang akong nainis pero hindi ko pinahalata.

"Get in my car, then."

"Kaya ko na mag-isa,"

"May tinatago ka sa akin?" naningkit ang mapaglaro niyang mga mata. Inilapit niyang kaunting ang kanyang mukha.

"W-wala," kumurap-kurap ang aking mga mata habang hinihabol ng patago ang aking hininga.

"Come with me." lumapit na ito sa kanyang sasakyan at binuksan shotgun seat ng kanyang kotse.

Parang wala naman na akong choice at baka ihahatid lang naman niya ako, mabuti nadin para makatipid sa gas.

O baka naman singilin pa niya 'to.

Bahala siya.

Marahan niyang sinarado ang pintuan, umikot na ito at umupo na sa driver's seat at nagsimulang nagmaneho.

Hindi ko naman kabisado rito.

Nakatingin ako sa labas, madaming tao, mainit sa labas dahil maaga pa naman. Abala ang mga tao, may kanya kanyang ginagawa.

Magkakaibang tao ang mga nasa paligid, kung huhusgahan ay may mga nakakaangat at merong hindi. Ang iba pa ay may mga nagkalat na mga batang may kung anong inaamoy.

Kaliwa at kanan din ang mga nanlilimos.

Kung mapapatigil sa traffic ay may mga batang kumakatok at lahat ng iyon ay binibigyan ni Arthuro. Siguro nagpapakitang gilas lang sa akin at kunyare mabait dahil may kasama.

"Hindi mo ba sasagutin 'yan?" tanong ko sa kanya dahil kanina pa nagriring ang kanyang cellphone, ako tuloy ang nababahala.

"Baka kasi trabaho mo 'yan, hinatid mo pa kasi ako."

Humarap ito sa akin habang nakangisi. Hawak-hawak niya ang manebela.

"Ang sungit mo naman, miss." Mapang-asar na saad nito kaya masungit kong iniwas ang tingin ko sa kanya habang nakikipaglaban ang aking kaluluwa para hindi ngumiti sa sinabi niya.

"Hello, Love," napabaling ako nang sinagot niya ang tawag.

Naka-earpiece na ito kaya hindi ko rinig ang kausap niya.

Pinilit ko ang aking sarili na huwag tumingin sa kanya, nakinig na lamang ako dahil nahabag sa kanyang sinabi.

Love?

May girlfriend siya? Eh bakit kasama niya ako ngayon? Baka isipin ng kanyang girlfriend na nagloloko ito sa kanya.

At may nangyari sa amin ni Arthuro, ibig sabihin...niloloko niya ang girlfriend niya?

Ang kapal naman ng mukha niyang pakipagtalik sa iba habang may girlfriend siya! Hindi pala asshole ah. Sinungaling.

I suddenly felt a lethal pain in my heart thinking that... he is cheating on his girlfriend. Na ginamit niya ako habang may iba siya.

"Okay, pupunta ako." Wika niya.

"Andra, puwede bang dumaan muna tayo sa office?" tanong niya.

"Ibaba mo na lang ako dito. Kaya ko na mag-isa."

"I'll go with you, five minutes lang."

Bakit? Hinahanap na ba siya ng "Love" niya?

"Hindi na. Magalit pa girlfriend mo sa'kin."

"Ibaba mo na ako." Dagdag ko.

"What did you say?" malisyoso niyang tanong kahit alam kong narinig niya.

Marahang humalakhak ito nang tila may napagtanto. Siguro napagtanto niyang mali ang nakikipag kita sa iba kung may girlfriend na.

"Mali ang iniisip mo," natatawa niyang sinabi.

"Hindi ako naniniwala sa'yo. Ibaba mo na ako."

Humagalpak ito sa tawa kaya mas lalo akong napikon sa kanya.

"Wala akong girlfriend, okay?" gusto kong matawa.

May pa love love ka pang nalalaman ha.

"Sumama ka sa akin, I'll explain it to you."

"Paano mo nagagawang magloko? Nakipag-sex ka sa'kin habang may girlfriend ka?"

"Ibaba mo na ako." Dagdag ko.

Hindi niya ako binaba. Pumunta kami sa kanyang opisina. Hindi na kami lumabas dahil may aleng naghihintay sa labas ng building kung saan tumigil ang sasakyan ni Arthuro.

"Sir, pirmahan niyo lang po, kailangan na po kasing ipasa mamaya." Ang aleng edad 40 o higit.

"Who is your boss again?" tanong ni Arthuro sa ale.

Hindi ko maiwasang hindi making.

"Po?"

"Who's your boss?"

"Ikaw po."

"Then, who are you?"

"Secretary mo po." Puno ng pagtataka ang boses ng ale. Ano ang pinag-uusapa nila.

"What's your name?"

"Sir naman, ako po si Love, kanina tinawag mo lang ako sa pangalan ko." Humalakhak ang ale.

Siya ang girlfriend niya? Pati matanda pinapatulan. Mukhang may asawa o apo na 'yan eh.

"Narinig mo?" natauhan ako nang muli akong binalingan ni Arthuro habang gamit ang mapangasar na tingin sa akin.

"Pambihira ka pala eh!"

Napatigil ito at halata sa kanyag mukha ang pagkalito.

"What do you mean?"

"Pinapatulan mo 'yon? Mukhang may asawa na 'yun at mukhang may apo na. Hindi naman ako na-inform na mas gusto mo ang matanda," natatawa kong saad.

"What the fuck?" mariin niyang mura habang nandidilim ang marahas nitong mga mata. Kaagad akong ginapangan ng kaba.

"She's my fucking secretary for God's sake! Her name is Love that's why I had to call her that way."

"I don't have a girlfriend, okay?" dagdag nito habang minamasahe ang kanyang sintido.

"Eh bakit ka nag-eexplain?"

Laglag ang panga nitong hindi makapaniwala sa narinig sa akin. ngumisi lamang ako tanda ng pagkawagi.

"Because I don't like you thinking that my girlfriend is my secretary, I don't even have one."

"Nag-eexplain ka na naman," ulit ko.

Masungit na umiling ito sa akin kaya mas lalo akong ngumisi.

"You're just pushing me to my limit. Don't do that again or else." Malademonyong ngumiti ito habang bumublweta.

"Or else what?" hamon ko.

Muling humarap ito sa akin at inilapit niya ang kanyang mukha. Naririnig ko ang malakas na kutog ng aking puso.

"Do you remember that night? You moaned my name so heavenly. I wanna hear that anytime soon." Then he winked at me.

Nanahimik na lamang ako habang muling nanunumbalik ang naramdaman ko noong gabing iyon.

I don't have visuals to remember in my mind but all the feelings, touches, moans, kisses, and seduction we shared were still in me.

And I want to feel that again, anytime soon.

Pumunta na kami sa malapit na department store para mag-grocery. Hindi ko naman siya pinilit na samahann ako, kusa siyang sumunod sa akin kaya wala na akong magagawa.

Kaso lang naiirita ako sa mga matang dumadaan sa kanya, para kasi siyang artista kung tingnan ng mga tao.

Hindi ko din naman maitatanggi dahil sa tangkad niya at laki ng kanyang katawan ay talagang madali siyang mapansin. Idagdag mo pa ang mukhang tila sa TV lang makikita.

Naka-suot pa siya ng long sleeves white dress. Ang formal ng dating niya, hindi bagay sa lugar.

"Hindi ka ba naiilang?" tanong ko sa kanya habang inaabot ang isang dosenang tissue.

"Naiilang saan?" kuryuso niyang tanong.

"Sa mga matang nakatingin sa'yo, para kang artista kung tignan ng mga tao, kulang nalang lumuhod sila sa harap mo."

Tinulak na niya ang cart paabante.

"I don't mind. Ikaw lang naman ang luluhod sa harap ko."

Napatigil ako at hinarap siya. Tiningnan ko siya ng masama dahil may mga tao sa aming paligid.

"Ang bastos mo!" mariin kong bulong sa kanya at tinampal ang kanyang bisig.

Humalakhak ito.

"Mas bastos ang isip mo. But I like that." Sabay bulong din nito sa akin ngunit tumindig lang ang balahibo ko.

Hindi ko na siya pinansin pa, nag-focus na lamang ako sa pagkuha ng mga kailangan ko para makatipid.

Nagpaalam siya na may kukunin lang sa mga pasta si Arthuro kaya kinuha niya ang cart.

Nagulat na lamang ako nang muli siyang bumalik dahil sa nakitang laman ng cart.

Puro pasta 'yon, iba-iba. May pang spaghetti, pang pansit, sopas.

"Ano 'yan magpapa-party ka?" tanong ko dahil sa sobrang dami ng kanyang kinuha. May iilan ding mga sauce doon kaya mas lalo akong nagtaka.

"Kinda?" hindi siya sigurado.

"Para saan ang mga 'yan, may binubuhay ka bang barangay?"

"Parang ganoon na nga,"

"Huh?"

"Binibigay ko 'to sa bahay ampunan. Laking ampunan ako, gusto ko lang bumawi sa kanila."

"Tara na? May bibilhin ka pa?" dagdag nito at iniba ang usapan.

"Bakit pasta? Hindi puwedeng kanin nalang at ulam?"

Ngumisi ito at tila may nagpahinto sa kanya. Napatingin ito sa kawalan ngunit kaagad din niyang nabawi.

"Pasta is close to my heart. Noong bata ako tuwing nakakita ako ng pasta lagi kong naiisip na may okasyon." Tumawa ito ngunit hindi ko maiwasang mapaisip.

Totoong lumaki siya sa bahay ampunan.

"Wala ka ng bibilhin?"

"Wala na." sagot ko.

Hindi ako pumayag na siya ang magbayad sa pinamili ko, pero siya ang bumili ng mga pasta kaya binayaran niya.

Nailagay na namin mga pasta at sa passenger seat ang aming mga pinamili.

"Saan mo gusto kumain?" tanong niya. Hindi ko namalayan na tanghali na.

"Kahit na anong fast food."

"Fast food?"

"Oo, bakit?"

"Wala."

Dumaan kami sa malapit na fast food, I ordered I meal ngunit namangha ako nang biglang dumating muli ang sandamakmak na pagkain. Apat na crew ang may bitbit na pagkain palapit sa amin.

"Pakilagay nalang sa likuran. Salamat."

"May dadaanan lang tayo saglit. Okay lang?" tanong nito sa akin habang gulong-gulo ang aking isip.

"Kakainin mo ang lahat nang 'yun?"

"Of course not, I'll give it to asylum and to some street kids."

Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, I feel so proud and happy.

May mga lalaki pa palang ganito. May puso pa pala siya at marunong tumanaw ng utang na loob.

I shook my head when I remember a lot of people.

Hininto ni Arthuro ang kanyang sasakyan sa isang parke kung saan nagkalat ang mga batang kalye, nagtawag si Arthuro kaya sunod-sunod na nagsidatingan ang mga bata.

"Gusto niyo ng spaghetti? Fried chicken? Meron ako." Paganyaya niya sa mga mata.

Tahimik lamang akong pinagmamasdan siya. Masaya ang kanyang mukha, minsan ang tumatawa.

"Bakit ang bait mo kuya? Birthday mo?" tanong nang isang batang babae.

"Oo, birthday ko." Ngumiti si Arthuro.

Napatigil naman ako at nag-isip kung totoo ba.

"Kantahan natin si kuya!" masayang anyaya ng mga bata sa mga kasamahan pa nitong mga bata.

"Happy birthday kuya, happy birthday happy birthday, happy birthday, kuya!" masasayang nagkantahan ang mga bata kahit na hindi sabay sabay ang kanilang pagkanta.

"Salamat. Aalis na si kuya, may pupuntahan pa. Kumain nang mabuti. Ingat!" masaya siyang nagpaalam.

Tumikhim ako nang bumalik ito sa driver's seat.

Hindi parin nawawala ang ngiti niya nang makasakay ito.

Pinaandar na niya ang sasakyan at bumwelta na.

"B-birthday mo?" nag-aalangan kong saad.

"Yes, it's my birthday." Habang nagmamaneho.

"Bakit 'di mo sinabi?" I suddenly felt guilty.

Hindi ko man lang siya nabati at wala pang regalo.

"Hindi na kailangan 'yun."

"Hindi kailangan? Bakit naman?"

"Ang daldal mo." Tumawa ito. Ayaw niyang sagutin.

Bumaba siya sa isang bahay ampunan at binigay ang mga pinamili.

Malapit lang ang hotel ko kaya mabilis lang din ako nakauwi.

Inimbita ko na din siya sa para ipagluto bilang pasasalamat sa pagsama at regalo ko na din sa kanya.

I was going spaghetti and pinoy sopas when I felt his presence at my back.

Kaagad na naghalo ang init ng aming katawan hanngang sa minaleobra niya ang akig katawan upang humarap sa kanya.

Tumambad sa akin ang namumungay niyang kamay. Ang kanyang kamay ay derektang nakatingin sa akin hanggang sa nalaglag hanggang sa aking labi.

Marahan kong pinikit ang aking mga mata nang naramdaman ko ang malambot niyang labi.

Nakakalasing ito at habang tumatakbo ang oras ay palalim na palalim ang halik niya hanggang hindi ko namalayan na sinusuklian ko na ang maiinit niyang mga halik.

Thank you guys for commenting and voting sa chapter 20

I want to read your comments and receive your votes again, please?

Special mention to:

MariaCathlyn6

Crunchychen

ErmaDaroy3

Caleena_x_xxx

RainMendoza16

IRENEJOYMALCONTENTO

Langga0614

Calixta143

Continue Reading

You'll Also Like

40.7M 1.1M 42
When Arianna marries billionaire Zach Price to save her family, she doesn't expect to fall in love with a man who'd always consider her a second choi...