The Keepers [TKS#1]

By iamrurumonster

5.8M 199K 17.1K

"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifte... More

Author's Note
Prologue
1. Gate of Test
2. The Purging
3. Unsafe Route
4. Unforeseen Raid
5. The Lucky Three
The Keepers Cast
6. The Elimination
7. The House Selection
8. Undefined Keeper
9. Ardens Aftermath
10. Super Physics
11. The Clues
12. Wing Bearer
13. Between Light and Dark
14. The Power of Five
15. Lara's Feat
16. The Birth of Hwy
17. Raising Ruru
18. A Gentleman's Cop-Out
19. Tale of Arang
20. Three on Three
21. Chasing Arang
22. Tenebris- The Wicked
23. The Great Escape
24. Amber and the Festive
25. The Grand Parade
26. Musa de Cairos
27. Endgame
28. Keepers Olympics
29. The A-Team
30. Manipulated
31. Queen Amry Versus Lara
32. Keeper of Six
33. The Summons of Laurent Hale
35. Tattooed
The Video Teaser
36. The Race to Gemini
37. The Tenth
38. H2H
39. Conquered
40. The Second Strike
41. Rage at the Academy
42. The Sacrificial Lamb
43. Fake
44. The Traitor
45. Escaping the Evil Queen
46. Spells Magic and Hatred
47. Dark as Ebony
48. Clash of Black and White
49. Preempt
50. Untamed Darkness
51. The King's Order
52. Ruru
53. A Keeper's Throe
54. Us Against the Darkness
55. The Perfect Duo
More Stories Coming!
56. A-Team Reunited
57. Unbroken Circle
58. The Pentagram
59. The Rescue
60. Good Versus Evil
61. Concede
62. Inevitable
63. The End of All Beginnings
64. Hearthopia
Epilogue
The Keepers Published Book
10 Things U Should Know About The Keepers
Book II -The Seekers
The Keepers Under Psicom Publishing

34. A Hale in the Past

73.3K 2.6K 393
By iamrurumonster

Napaatras ako sa biglang pag-alulong ng sabay-sabay ng tatlong ulo ng Kerberus. Kasabay ng pag-atras ko ay ang pagbabalik ng memoryang matagal ko nang ibinaon sa limot ilang taon na ang lumipas.

Sampong taon ako nang sinugod ang Ykolos, ang pinakasentrong siyudad ng Northunia at isa sa pinakamaunlad na siyudad sa buong Cairos. Isang Halimaw na kung tawagin ay Kerberus ang sumunog sa buong Ykolos at ang mga karatig bayan nito. Noon pa man ay ulila na akong lubos. Namatay ang aking ina dalawang araw matapos ipanganak ang kapatid kong babae. Lumaki ako sa pangangalaga ng aking mga abuelo kasama ang nakababata kong kapatid. Bata pa lang ay napaghandaan ko na ang mga ganoong pangyayari kaya bago pa masunog ang aming bahay ng isang higanteng halimaw ay karga ko na ang isang taong gulang kong kapatid habang nakasukbit sa aking likuran ang isang bag na mas mabigat at mas malaki saakin. Naiwan sa nasusunog na tahanan ang aking mga abuelo sa kagustuhang doon nila gustong mamatay at masyado na silang mahina para tumakas. Pikit mata akong napatakbo palayo.

Mabilis kong itinakas si Miranda. Palabas na kami ng siyudad ng Ykolos nang harangin kami ng mga bloke ng yelong galing sa bunganga ng Kerberus. Nanginginig ako't sunod-sunod na nagsihulugan ang mga pawis mula sa aking noo nang lingunin ko ang halimaw na may tatlong ulo. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa aking kapatid habang hinihintay ang pagsugod ng higanteng halimaw.

Sa mga oras na 'yon ay pinaghandaan ko na ang aming katapusan. Napapikit ako habang dinadama ang mainit na paghinga ng tulog na sanggol sa aking pisngi. Nagpakawala ng isang malakas na alulong ang halimaw na nangangahulugang aatake na ito ilang saglit lang. Napamulat ako sa di malamang dahilan. Nagpakawala ng sabay-sabay mula sa mga bunganga nito ang tatlong ulo ng Kerberus. Isang higanteng apoy, isang nagyeyelong bola at isang malaking hibla ng kidlat ang pinakawalan nito patungo sa kinaroroonan namin. Nakakasilaw ang liwanag na dulot n'on habang nilalakbay ang distansya sa pagitan ko at ng malaking halimaw. Ilang metro bago tumama ang pinagsama-samang pwersa ng tatlong ulo ng Kerberus ay biglang humarang ang isang matangkad at matipunong anino sa aming harapan. Sinangga nito ang pag-atake ng Kerberus gamit ang pinaghalo niyang apoy at hangin. Nakabuo pa ito ng isang pentagram o magic circle bilang harang sa pag-atake ng halimaw. Naglaban ang dalawang malakas na pwersa at bumuo 'yon ng isang malakas na ipu-ipo. Nilipad ang mga buhangin at ang mga nasirang bagay mula sa pagkakasunod.

Hindi ako nakagalaw agad. Mukhang pamilyar kasi ang likod at bulto ng lalaking nagligtas saamin. Nang lumingon ito ay napagtanto kong si ama ang nakikipaglaban sa halimaw. Nagulat ako dahil akala ko'y patay na siya.

"Lau! Tumakas na kayo! Itakbo mo si Miranda sa ligtas na lugar!" Sigaw nito saakin habang nahihirapan nang sanggain ang pwersa ng Kerberus. Nakita kong nagdudugo na ang ilong nito.

"Ama..." tanging sagot ko habang hindi mapagtanto kung ano ang gagawin.

"Lau! Bilis na! Takbo!" Sigaw nito.

Agad akong tumalima. Bago pa ako makahakbang palayo ay narinig ko siyang muli. "Anak, sabihin mo kay Miranda paglaki niya na mahal na mahal ko kayo. Mahal na mahal kita anak."

Napahigpit ang yakap ko kay Miranda. Tuluyang dumaloy ang mga luha sa aking mga mata at gumapang ito pababa sa gilid ng aking mga labi

"Ama..." 'yon lang amg aking nasambit bago mabilis na kumaripas ng takbo patungo sa kagubatan. Ilang metro pa ang natakbo ko nang marinig ko ang pagsabog. Nakita ko pa ang usok at apoy na dulot ng pagsabog na 'yon at sigurado akong doon 'yon sa kinatatayuan ng aking ama. Wala na siya. Patay na si ama.

Hikbi at iyak ang tanging lumabas saakin habang tinatakas ko ang aking kapatid. Sa napakaiksing hakbang ko noon, hindi ko alam kung papaano ko narating ang masukal na kagubatan ng Typraz.

Sa Typraz nagsimula ang lahat kung bakit ako narito ngayon. Doon kami lumaki ni Miranda at doon nabuo ang planong ngayo'y pinagsisisihan ko na.

"ILAG!" Malakas na pagkakasabi ni Tanya na siyang nagbalik saakin sa kasalukuyan. I ducked down and rolled to the ground para makaiwas sa umaapoy na buga ng higanteng Kerberus.

Tanya sprinted around and jumped unnoticed. Nakatuntong ito sa likod ng halimaw. Mabilis nitong isinaksak ang hawak na espada. Nang masiguro nitong sagad na ang pagkakasaksak n'on ay naghalumbitin ito pababa. She slid and pulled the cut down using her weight. Isang metro lang ang hiwang nakaya nito dahil sa sobrang kunat ng balat ng halimaw.

The Kerberus wriggled and did not stop until Tanya fell to the ground. It stood up on hind legs mightily and slams the ground with front paw causing me to knock back. That movement was followed by an enormous storm of dark lightning around it. Tinamaan ang nakahandusay na si Tanya.

"Tanya!" Sigaw ako as I tried to leap fast to her direction but it was too late dahil hindi ko na nalapitan pa ang babae. Naging sunod-sunod ang pagtawag ng Kerberus ng mga kidlat na tila ulan sa dami.

Tanya rolled laboriously and tried to get away from the teritorial circle of the monster. It took a while for her to escape. Nahalata ko ring malala ang naging epekto ng atakeng iyon sa kanya, napilayan ito at hindi na nakagalaw ng mabilis.

Umalulong uli ang mga ulo ng halimaw. Ibig sabihin ay aatake na naman ito at sosorpresahin kami ng wala sa oras.

Napaatras ako ng ilang hakbang para mapaghandaan ang susunod na atake ng halimaw.

Kerberus summoned an enormous hail of ice shards. The shards float in the air as if waiting for the perfect timing to hit us. The ice shards rain in the direction of Tanya. Katapusan na niya! Kabado kong sambit. Sunod-sunod at hindi magkumayaw na dinurog ng mga matutulis na yelong 'yon ang walang laban na si Tanya. Ice shards persist on the ground for a moment. It caused frost, which reduced the action and movement of Tanya.

Shit! Nasambit ko bago pwersahang tinawag ang natutulog na dispeller na si Saru.

"Ano ba? Isang taon pa lang ang tulog ko ah!" Bungad saakin ni Saru na nakadamit pantulog pa. Isa itong kalahating nymph at kalahating elf na mahilig matulog at matulog lang.

"Melt the ice!" Mabilis kong utos bilang pag-iwas ko sa pagtatalo namin.

"Why should I? Who's that weak girl?" Maarte nitong sinabi habang nakapameywang at nakausli ang nguso kasabay ng pag-ikot ikot ng mga mata nitong kulay asul.

"Just do it! Now!" Makapangyarihan kong utos as I threw a warning stare using my dark eyes.

Wala na akong narinig na reklamo nito. Agad itong tumakbo ng mabilis paikot na nagyeyelong si tanya at nagkalat ng blue beam of lights sa paligid para matunaw ang yelo. Umikot-ikot pa ito sa kinatatayuan ko bago ako kinausap. "Tapos na po kamahalan. May maipaglilingkod pa ba ako?" Tanong nito na pupungas-pungas na naman ng mata gamit ang kaliwang palad.

"Matulog ka na." Utos ko at mabilis naman itong naglahong parang usok lang na bumalik sa aking braso bilang tattoo.

Nilapitan ko si Tanya. Nanghihina ito at hindi na makakilos. Sugat sugat ang buong katawan nito at naliligo sa sariling dugo. Tinulungan ko itong makalayo mula sa halimaw ngunit hindi na tumagal ang lakas nito at naglaho din parang bula. She's out!

Ako na lang! Ako na lang ang pwedeng tumalo sa halimaw na 'to. Kapag nakuha ko ang puntos na 'to ay maari pa kaming makapasok sa last round. Naisip ko habang umiilag sa mga atake ng higanteng halimaw.

Nagsummon uli ng malalaking ice shards ang halimaw. Nasa ere ang higit sa isandaang matutulis na yelo at nakatutok ang dulo ng mga ito sa direksyon ko. As the monster roared deeply, the ice shards travelled like arrows towards me. Fast. Deadly.

Mabilis kong pinaikot ang enerhiya sa aking katawan at tinawag and spirit shield kong si Parma. Isa itong espiritong walang anyo ngunit kayang maging isang malakas na baluti o pangangga.

The shards broke as the touched the surface of the shield created by Parma. Naulit pa ang pag-atake ngunit hindi na nagyeyelong mga patalim ang sumunod kundi mga panang apoy naman. Parma was tough and strong. Isa ito sa nga summons na naging bahagi ng aking buhay.

Kailangan ko nang tapusin 'to! Kailangan na kitang harapin! Sigaw ng isip ko. I gritted my teeth as if they were about to surrender from collision.
"Epee, master of the blades!" Tawag ko sa isa pang espirito mula sa aking braso. Lumabas itong parang isang tali ng nakakasilaw na enerhiya mula sa aking braso at nagpaikot-ikot pa bago naging isang giant katana. The Blood Sword! Isang malaking katana na tanging si Epee lamang ang nakakagamit bago ito namatay sa harapan ko at nakipagkasundong sasamahan ako sa aking paglalakbay.

Minasdan ko ang higanteng katana, ang blood sword. The blood sword has a tip which is approximately six to seven feet long with a single-edged large blade approximately one foot wide. The edge of the blade has a lighter color. The handguard were bolted into place with three holes in it. The handle is wielded with iron and silver. Hindi mabigat sa pakiramdam ang malaking espada dahil kontrolado ko ito gamit ang aking enerhiya.

"Parma, give me a strong armor!" Utos ko sa isa pa na awtomatiko namang lumibot sa buo kong katawan upang bigyan ako ng isang baluti. I was wearing an all black and silver combination of a heavy breastplate, ironfist gauntlets, stalwart leggings and sturdy metallic boots. Parma covered me a battered suit of armor embedded with a mystic gem that flows with magical strength that is linked to my keeps -fire and darkness.

I gestured ready as a held my shield and sword. Mahigpit ang pagkakahawak ko sa blood sword at sa panangga ni Parma. Kerberus screamed and released another huge fire ball. Mabilis akong tumalon ng pataas. I slashed the giant fire ball and passed through it. Hindi namalayan ng isang ulo ng kerberus ang pagsalubong ng matalim na espada. Malakas kong inihampas ang talim ng blood sword sa isang leeg na may ulong aso. Dark blood spit through the cut bago ko tuluyang naputol ang isang ulo ng halimaw.

"AWWWRRRRRRR!"

The monster screamed in pain, then summoned a three stationary ball of dark lightning. Habang umaalulong ito ay parang nauutusan ang mga higanteng halimaw na higupin ang lahat ng bagay na malapit dito. Trees were uprooted even huge stones were hauled towards the giant ball.

Gravity! Parang hinihila ako ng mga bolang 'yon at hinihigop ang buo kong katawan.

Nanlaban ako pero sadyang napakalakas ng hila ng higanteng bola. Dahil sa sobrang lakas ng paghila ng mga bola ay napilitan akong pabalikin saaking braso ang aking mga summon.

"Parma... Epee... unlink!" Sa isang bigkas ko ay mabilis na bumalik sa aking braso ang dalawa kong malapit na kaibigan. Ayokong masira sila ng outside force. Kapag kasi nasa labas sila ng aking braso ay maari silang madurog at maglaho ng tuluyan. Alam kong tutol ang dalawa sa ginawa ko pero 'yon lang ang tanging paraan para maprotektahan ko din sila.

Habang nanlalaban ako sa pagkakahila ng higanteng bolang binabalot ng kidlat ay bumalik na naman ang aking alaala sa nakaraan. Kung paano ko nakilala sina Epee at Parma sa masukal na kagubatan ng Typraz. Naalala ko ang samahan namin bilang mga matalik na magkakaibigan. Sa mundong kinalakhan namin, tila imposibleng magkaroon ng tunay na kaibigan pero nahanap ko iyon sa kanilang katauhan. Pare-parehas kaming mga ulila at nakatakas mula sa hagupit ng Kerberus at doon nanirahan kasama ang mga taong inakala namin ay magbibigay saamin ng kalinga. Naging sandalan namin ang isa't isa. Naging pangalawa kong ina si Parma na nasa edad bente noon at naging tatay-tatayan ko naman si Epee na may lihim na pagtingin kay Parma. Silang dalawa ang kumalinga saamin ni Miranda habang kami ay nasa Typraz.

Sa pagbabalik tanaw kong 'yon ay naramdaman ko ang sakit sa aking dibdib nang mawala ang dalawa kong kaibigan dahil saakin. Ako ang naging dahilan kung bakit sila pinaslang dahil sa pagtulong nila saakin para tumakas kasama si Miranda. Sariwa pa sa aking alaala kung pa'ano sila nawalan ng buhay sa aking harapan habang nangangakong ipagtatanggol kaming magkapatid habambuhay. Akala ko ay nagbibiro lang ang mga ito pero nagulat ako nang isuko nila ang kanilang mga kaluluwa sa isinumpa kong kamay. Simula noon, naging kasa-kasama ko na sila sa aking paglalakbay.
"Parma... Epee..." paulit-ulit kong sinasambit habang hinihila ang ng higanteng bola. Ilang beses ko pang masambit ang pangalan ng mga yumao kong kaibigan bago ako tuluyang nahigop ng ball of lightning.

Agad na kumagat sa aking balat ang kuryenteng nakabalot sa bilang 'yon. Ramdam ko ang sakit sa aking kalamnan. Damn! Shit! Pinigil kong sumigaw. Nilabanan ko ang sakit na nananalaytay sa buo kong katawan pero mas lalong lumakas ang kuryenteng nagtatangkang durugin ako ng buo. Pakiramdam ko'y binabalatan ako ng unti-unti. Pakiramdam ko'y nakalutang ako sa isang dagat ng asido.

"Ahhhhhhhhh!" Isang malakas na sigaw ang kumawala saaking bibig. Lagot na! Maririnig 'yon ni Parma at Epee at ng isa sa kinatatakutan kong halimaw sa loob ng aking katawan. Pinigil ko pa ang nagbabadyang sigaw dahil kapag naulit 'yon at narinig ng tatlong espirito na nasa panganib ako ay baka magsilabasan na naman ito. Baka hindi ko na makontrol ang sarili ko.

Isang napakalakas na hampas ng nag-aapoy na kuryente sa aking dibdib ang naging dahilan para mapasigaw ako ng ubod ng lakas. Naging manhid ang katawan ko at naramdaman ko ang pagbagal ng tibok ng aking puso. Mabilis akong binalot ng baluti ni Parma at agad namang lumitaw sa aking palad ang handle ng blood sword. Kinabahan ako lalo nang marinig ko ang boses ng kinatatakutan kong halimaw.

"Palabasin mo ako! Hayaan mo nang ako ang kumontrol sa mahina mong katawan at dudurugin ko ang Kerberus na yan!" Anang isang nakakatakot na boses demonyo. Hindi ko alam kung papaano ko ito noon natalo gamit sina Parma at Epee gayong sobrang lakas ng pwersa nito na hindi ko makontrol. "Laurent. Palabasin mo na ako!" Galit pang sigaw nito sa ulo ko!

"Ahhhhhhhh!" Malakas ko uling sigaw nang maramdaman kong parang may matutulis na kukong pumisil sa puso ko! Sinubukan ko pang habulin ang aking paghinga pero naubusan na ako ng lakas. Bago ako mawalan ng malay, nagawa kong i-unlink sina Parma at Epee.

Tumigil ang tibok ng puso ko. Naramdaman kong parang may bumara sa bawat daluyan nito kasunod ng pagbigat ng mga kamay ko. Naramdaman kong bahagyang humaba ang kanan kong kamay at parang nagkaroon ito ng karagdagang lakas. Naging mas malinaw ang aking paningin, mas malakas ang aking pandinig at pandama. Muling tumibok ang puso ko pero hindi ko na maramdamang pagmamay-ari ko ang kalahati nito.

"A-anong ginagawa mo!" Sigaw ko sa kanang bahagi ng aking katawan na naging anyong halimaw na si Paruga, ang isa sa mga malakas na halimaw na nasa braso ko at ang pinakaagresibo sa lahat.

Bumulong ito sa utak ko. Hindi ko nagustuhan ang sumunod nitong sinabi. "Tumahimik ka mahinang uri! Panahon na para tapusin mo ang halimaw na yan! Ipakita mo sa kanya ang bagsik mo bilang isang tenebris!"

###

Continue Reading

You'll Also Like

2.2M 122K 71
GIFTED SERIES #2 Hide. Hide yourself. Hold your breath and don't make a sound. Look at your surroundings and watch your step. The hunters are here. G...
HIDDEN FILES 2 By avy

Mystery / Thriller

11.1K 509 33
[02/03] complete | unedited Jade Cesaire and Bryce Valeron journey continues unravelling the mysteries surrounds their lives and hidden secrets of th...
1.5K 550 43
Jonalise Esceva had a almost perfect life in her mind, in her heart and for herself but the word 'perfect' is shattered into pieces. God from above c...
172K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...