The Keepers [TKS#1]

By iamrurumonster

5.8M 199K 17.1K

"Trust the power within you..." An unexpected abduction A gathering of demon slayers, archangels, shapeshifte... More

Author's Note
Prologue
1. Gate of Test
2. The Purging
3. Unsafe Route
4. Unforeseen Raid
5. The Lucky Three
The Keepers Cast
6. The Elimination
7. The House Selection
8. Undefined Keeper
9. Ardens Aftermath
10. Super Physics
11. The Clues
12. Wing Bearer
13. Between Light and Dark
14. The Power of Five
15. Lara's Feat
16. The Birth of Hwy
17. Raising Ruru
18. A Gentleman's Cop-Out
19. Tale of Arang
20. Three on Three
21. Chasing Arang
22. Tenebris- The Wicked
23. The Great Escape
24. Amber and the Festive
25. The Grand Parade
26. Musa de Cairos
27. Endgame
28. Keepers Olympics
29. The A-Team
30. Manipulated
31. Queen Amry Versus Lara
32. Keeper of Six
34. A Hale in the Past
35. Tattooed
The Video Teaser
36. The Race to Gemini
37. The Tenth
38. H2H
39. Conquered
40. The Second Strike
41. Rage at the Academy
42. The Sacrificial Lamb
43. Fake
44. The Traitor
45. Escaping the Evil Queen
46. Spells Magic and Hatred
47. Dark as Ebony
48. Clash of Black and White
49. Preempt
50. Untamed Darkness
51. The King's Order
52. Ruru
53. A Keeper's Throe
54. Us Against the Darkness
55. The Perfect Duo
More Stories Coming!
56. A-Team Reunited
57. Unbroken Circle
58. The Pentagram
59. The Rescue
60. Good Versus Evil
61. Concede
62. Inevitable
63. The End of All Beginnings
64. Hearthopia
Epilogue
The Keepers Published Book
10 Things U Should Know About The Keepers
Book II -The Seekers
The Keepers Under Psicom Publishing

33. The Summons of Laurent Hale

76.7K 2.5K 115
By iamrurumonster

LAURENT

Damn! Nakailang ulit na akong lihim napapasuntok sa hangin habang pinapanood ang tulog na si Lara sa loob ng human container. I clenched my teeth twice harder when I saw the other four contenders came out of the human test tube one by one. Ilang minuto na ang nakakalipas at nakalabas na sa container ang apat na kalahok pero parang hindi pa natatapos si Lara.

"Lara..." narinig ko mula kay Amber na marahil ay nag-aalala na rin sa kaibigan matapos mapanood sa monitor nito ang pakikipaglaban ni Lara sa isang higanteng uwak.

"Ruuuh... ruuuh!"

Nahihirapan na rin akong pigilan ang sarili ko. Kanina pa si Lara at halos lahat ng mga tao ay nainip na rin. Napansin kong tila nahihirapang huminga kanina ang reyna kaya agad itong inilayo sa mga tao at dinala sa isang pribadong lugar.

"Laurent!" Narinig kong sabi ni Alvis. Alam kong sinasabihan ako nitong titigan ang kinalalagyan ni Lara.

Blood. All we saw was blood coming from Lara's hands. Kumalat ang likidong iyon sa loob ng container at halos hindi na maaninag si Lara. The crowd was shocked as well nang mapansin ang pagkalat ng dugo. Nang makita ko ang pagpupumiglas ni Lara sa loob ng container, mabilis akong tumakbo palapit dito. Naunahan ako ni Alvis na marahil ay boluntaryo na ring sumaklolo. Alvis tried to break the glass container using both of his fist but it seemed that the glass was too durable.

I held a force on my right grip. Kung hindi kakayanin ng ordinaryong suntok ang mga salamin na 'yon, kailangan kong magtawag ng kasangga. I'm going to summon demon Ferrum. Siya ang pinakamabilis tawagin sa lahat ng espirito sa kamay ko. Siya rin ang may kakayahanh wasakin ang matigas na salamin.

Bago ko pa maisuntok ang kanang kamao ko sa glass container ay naramdaman ko na ang pagsapi ni Ferrum sa buo kong braso. Bahagyang bumigat ang kanang braso ko. Ferrum took over. Parang nagkaroon ng sariling buhay ang aking kanang braso at malakas na dinurog ang matigas na salamin kung saan nakakulong si Lara.

I broke the glass container at automatikong nasalo si Lara. Kasabay ng pagtalsik ng mga tubig mula sa loob ng nabasag na container. Naramdaman ko ang unti-unting paggaan ng aking kanang braso hanggang sa maging normal na ang galaw nito. Ferrum left without sa word again. Sa lahat ng aking summon, siya ang pinakamabilis tawagan at pinakamabilis ding umalis.

"Lara!" Tumatakbong sambit ni Amber habang may dinudukot ito sa kanyang universal bag.

"She passed out!" I shrieked as I carry her safely back to our cube. Narinig ko pa ang anunsyo na tapos na ang round five ng Olympics habang buhat-buhat ang walang malay na si Lara. I puffed a generous amount of air. Nahirapan akong tignan siya sa ganoong kundisyon kaya nang maibaba ko ito sa lupa at agad siyang inalalayan nina Amber at Alvis ay saka ako tumalikod habang hinahabol ang paghinga. I can't. I can't see her like that. Hindi ko kaya!

"Laurent, are you okay?" Tanong saakin ni Silex mula sa aking likuran. Marahil ay napansin nito ang biglaang pagbabago ng aking reaksyon.

"Yes. Just focused on Lara. The queen will pay for this. They will all pay for all of these." Wala sa sariling nasambit ko. Naramdaman ko na namang parang may mga naghahabulang leon sa braso ko. The usual way. Laging nangyayari 'yon kapag nagagalit ako at pinipigil kong kumawala ang galit mula sa aking dibdib.

Ilang saglit pa, habang hinihintay ko ang ikalimang pagsubok ay naramdaman ko ang paglapat ng isang palad mula sa aking likod.

"She's fine now. Nakatulog lang daw siya." Mahinahong bulong ni Amber.

Hindi ko na ito nagawang lingunin pa. Dahil pagkasabi ni Amber na nasa maayos nang kalagayan si Lara ay narinig ko nang tinawag ang mga kalahok sa ikalamang stage ng palaro.

"Round five! Participants, to the center please!" Tawag ng taga-anunsyo ng olympics.

Ipinaliwanag nito ang mechanics ng laro habang kami ay naglalakad patungo sa pinakasentro ng field kung saan nakalagay ang dimensional projector.

Nasa isang terrestrial plane ang setting ng ikalimang yugto ng olympics kung saan haharap kami sa isang libong mga halimaw na bahagi parin ng projector. Padamihan kami ng mapapaslang na halimaw. Ang pinakamaraming kill ay siyang makakakuha ng five points. May limang wave ang mga halimaw na haharapin. Ang unang wave ay may isang puntos bawat halimaw. Five points naman ang katumbas ng bawat isang halimaw sa pangalawang wave, two points sa pangatlong wave at twenty points sa pang-apat. Ang panglima ang may pinakamalaking puntos. Higit na malaki kaysa sa pinagsama-samang puntos ng mga halimaw mula wave one hanggang wave four. Iisang halimaw lang ang kailangamg pagtulungang patayin ng mga kalahok sa final wave. Ibig sabihin, ang makakapatay sa panglimang halimaw ang siyang makakakuha ng pinakamalaking puntos sa round five.

Nakuyom ko uli ang aking mga palad sa di mabilang na pagkakataon. Oras na para bumawi. Inilang hakbang ko pa ang sentro ng arena kung saan nandoon ang apat pang kalahok na pawang mga initiates na. Ibig sabihin ay mataas na ang antas ng karanasan ng mga ito bilang estudyante ng Cairos Academy. Ako ang nag-iisang novice sa limang kalahok. Apat kaming lalaki at may nag-iisang babae. Pagkakatanda ko'y Tanya ang pangalan nito na galing sa house of draco. Siya ang isa sa mga kinikilabutang initiate sa buong akademya dahil angkin nitong bilis at lakas. Ang tatlo pang kalahok ay pawang hindi rin magpapahuli. Hindi ko na sila inintindi. Ang mahalaga para saakin ay ang pang-huling halimaw, hindi lang dahil sa puntos na makukuha kapag natalo ko siya kundi sa mas malalim pang dahilan.

"Dimensional projector on! Setting terrestrial land of the wild Easteros. Deploying wave one monsters." Inagaw ng boses na 'yon ang malalim kong pag-mumunimuni. Biglang may kung anong laser lights sa apat na sulok ng cube kung saan kaming lima ay nakapaloob. Transparent lights raised up until we realized we're already inside a huge box. Nawala ang arena pati ang mga tao. Nang unti-unting bumaba ang frame ng huge box ay unti-unti rin naming nakita ang lugar. Nasa gitna kami ng isang open field na pinapalibutan ng malalaking puno.

"Shikkkh!" Naglabas ng isang malaking samurai si Tanya.

Ang iba'y may hawak nang ax, daggers, at espada. I was the only one empty handed. All of them are in the fighting gesture samantalang ako ay tahimik na nagmamasid sa buong paligid. I can just summon my blade master spirit Epee. Anytime.

"Gargoyles!" Sigaw ng lalaki sa aking kanan habang nakatingala sa langit.

"Holly shit!" Napamura ang isa pa nang mamasdan ang higit sa isandaang piraso ng flying gargoyles.

Grotesque flying monsters with a face of a montrous beast and a pair of wings like those of the giant bats. Mga mataas na uri ng gargoyle na mahirap puksain dahil sa oras na musagatan ito ay automatikong nagiging bato para magregenerate at kusang maghilom ng mga sugat. Nasanay na ako sa mga gan'tong uri ng halimaw and I already know how to kill them. Hindi na ako nagulat pa.

The five of us weren't a disappointment. Easily, the gargoyles were swept like a field of corn in just a single blaze of fire. Tanya had the most kill. Siya ang pinakaagresibo saamin.

The next waves were easy enough. We defeated lizardmen and trolls. Napansin kong medyo hinihingal na ang tatlong lalaki nang matapos namin ang third set of monsters. I had the least kill. Masyado kong iniisip kung anong makapangyarihang halimaw ang panglima.

Bago pa ako nakahinga ng malalim, isang malakas na dagundong ang maramdaman namin sa lupa. Naulit iyon at habang tumatagal ay lumalakas. Right at that moment, I knew we were facing huge creatures. Giant footsteps causing the ground to shake came everywhere. Napagtanto kong maraming higante ang paparating.

I let my knees fold a bit. Kailangan ko nang maging alerto dahil kapag hindi ko ginawa ay baka hindi ko na maharap ang ikalimang halimaw. As I held my fists tight, five giant manticores were surrounding us. They have a body of a red lion, the face and ears of a blue eyes beast, a tail ending in a sting like that of a scorpion and a pair of black powerful horns. Their mouth contains three rows of teeth and poisoned spines along the tail could be shot, like arrows in any direction.

"Grrroarsh!" A voice that was the mixture of pipes and a trumpet. Hindi lang pala itsura nito ang nakakatakot kundi pati boses. I have heard a lot of stories about manticores but it's my first time seeing a giant manticore face-to-face. The beast is very swift and makes very powerful leaps. The manticore is reputed to roam in the hidden jungles of East Cairos, and is known to have an appetite for humans. May hawig ito sa Sphinx pero malayong mas mapanganib ang mga manticores.

"Huaah!" Sigaw ni tanya bago tumalin ng napakataas para sugurin ang pinakamalapit na halimaw. Hindi na nito ginamit hawak na samurai bagkus ay naglabas ito ng isang electrocuting water ball at mabilis na inihampas sa mukha ng higante. She blinded the manticore in just a shot.

Kanya-kanyang pwesto naman ang tatlo pa na sinugod ang tatlong halimaw gamit ang kani-kanilang property. Nakita ko pang umikot ng mabilis ang isang manticore at inihampas ang makamandag nitong buntot sa isang kalahok. Tila isang maliit na batong tumilapon sa malayo ang lalaking hinampas ng higante.

"Shit!" Nasambit ko nang biglang umikot ang katapat kong manticore. Napatalon ako ng ilang metro pataas nang mapansin kong naglabas ito ng malalaking karayom na halos isang metro mula sa buntot nito.

"Mag-ingat ka sa mga malalaking karayom na yan. They're poisonous." Dinig kong sambit ni Tanya mula sa aking likuran. She leaped high and dived back graciously to the ground. She landed with her left fist on the ground then spinned up like a tornado as she hit the manticores face with her huge water ball. Halatang sanay na ito sa makikipagbakbakan.

Mukhang natapos na nito ang kalabang manticore at gusto akong agawan ng puntos by killing mine. I watched her take down the manticore which is supposed to be my kill and my score.

Tanya took another jump with a pair of water ball on both hands. The monster stood on its hind legs and slams down on its front legs creating 3 waves of shockwave. It caused Tanya a knock back. Marahil ay nagulat iyon sa pag-atake ng halimaw kaya hindi nakapaghanda sa susunod na gagawin. Tumilapon ito sa lupa.

I took charge. Hindi pwedeng nakatunganga na lang ako at nanonood. Though I was saving my strength into something more deserving, I needed to kill my manticore. I ran around the manticore safe enough to summon Duratus. Ang pinakamaliit na halimaw sa aking braso, a spirit monster just a centimeter in size which can paralyze anything it touches.

"Duratus! Ngayon na!" Malakas kong sigaw bago pinakawalan mula sa aking braso ang isang maliit na liwanag habang tumatakbo paikot sa halimaw. Mabilis na naglakbay si Duratos patungo sa likuran ng manticore. Pagkatapos nitong mahawakan ang malaking halimaw ay agad din itong nagvaporize, kusang bumalik sa aking braso at naging tattoo ng maliit na insekto.

"Bingo! Humanda ka ngayon!" Sigaw ko nang masigurong paralisado na ang buong katawan ng halimaw. I gathered my hands together at mabilis kong pinadaloy ang enerhiya ng apoy at dilim patungo sa magkabila kong palad. I formed a huge dark fire ball enough to crush the giant. Nang mapagtanto kong buo na ang dark fire ball ay agad akong tumalon sa tapat ng nakabukang bibig ng paralisadong halimaw. Hinayaan ko pang lumutang ang dark fire ball at saka bumwelo. I turned around putting a strong force on my right foot. Without a blink I kicked the dark fire ball solid as it hit the throat of the manticore.

Isang malakas na pagsabog ang marinig bago ako makababa sa lupa. I killed my manticore and gained one hundred points. Wave four is over. Finally, my target is ascending.

Nag-ipon ako ng maraming hangin saaking baga as the trees started to collapse. Most trees were uprooted and thrown everywhere. Mukhang galit ang ikalimang halimaw. Nasabi ko sa sarili.

Nakaharap kaming lima sa dakong Hilaga ng open field. Pigil ang paghinga at nag-aabang sa huling halimaw. Napaatras ang dalawa sa amin nang maramdamang tila mabagsik ang susunod na kalaban.

"Lightning!" Narinig kong sabi ni Tanya habang nakatingala.

Nang lingunin ko kung anong meron sa taas ay mabilis akong napaatras upang umilag sa pabagsak na atake. Enormous beam of dark lightning hit so fast at hindi yun namalayan ng dalawa naming kasama. Nakuryente ang mga ito at nawalan ng malay. Automatically they were out of the game. Their bodies disappeared. Marahil ay nasa tunay na mundo na sila.

Humihingal pa kami nang magkasunod na kidlat na naman na may halong umaapoy na magma ang bumagsak mula sa kalangitan. Naging alerto kami at inabangan ang biglaang pagbaba ng kalaban.

"Ice!" Sigaw ng lalaking may pulang buhok.

Napatingin ako sa taas pero wala doon ang tinutukoy nitong yelo. Mabilis kong tinuon ang atensyon ko sa paligid. Shit! Bulong ko sa hangin nang makita ang ilang libong spear of ice ang nakapalibot saamin habang patungo sa aming direksyon!

Tanya sprang upward para umiwas. Napasunod ako at ang isa paa. Mabilis ang mga naging pangyayari. The icy spears crushed each other as they collide at the centerpoint. Masyadong nakatuon ang atensyon namin sa mga yelo sa baba at hindi namin namalayan ang sumunod na atake.

Another set of enormous lightning beam came down so fast. Wala ni isa ang nakapansin saamin kaya tinamaan kami at sabay sabay napasigaw.

Nangangatog pa ang katawan ko nang bumagsak ako sa lupa. Damn. Nanghihina ang bawat kalamnan ko. Napakalakas ng atakeng 'yon!

Matagal bago ko nabawi ang aking lakas.

Nakadapa ako sa lupa gayundin ang dalawa pang natira. Nakita kong nakabangon na si Tanya at ang lalaking may pulang buhok ay tinukod ang braso para makabangon. Nagawa niyang bumangon pero agad din itong bumagsak at nawalan ng malay. Tanggal na siya sa laro.

Shit. Kailangan kong bumangon! Pinilit kong bumangon. May kirot sa aking mga binti at braso pero nagawa kong makabangon at makatayo bago ko naramdaman ang bahagyang pagyanig uli ng lupa.

Ilang ulit pang nangyari 'yon. Yumanig ng maraming beses ang lupa bago lumabas ang ikalimang halimaw na kanina ko pa hinihintay.

Huge, powerful three headed monster. The center head was in the shape of a lion, while the other two were in the shape of a dog and a wolf, respectively. It also had a dragon's tail and a thick mane of writhing snakes. Nanginig ang bawat kalamnan ko. Nakita ko na siya dati. I was ten back then. Nakakapangilabot ang itsura nito. Isang halimaw na kinatatakutan na dati pa ng aking angkan. Oh hell no!

"K-Kerberus!" Nasambit ko habang nakatitig sa halimaw na kumitil sa buong angkang pinanggalingan ko.

###

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 78.4K 71
GIFTED SERIES #4 Listen to me. Hurry. Seek help. The end is near. The Goddess is here. Genre: Fantasy Language: Tagalog / English Started: December 2...
171K 12.7K 46
Lavender is in love with Yuan, the perfect guy--kind, sweet, charming, and a musician like her. The problem? He's not real. He only exists in her dre...
21.2M 786K 78
She's not a gangster nor a mafia. Neither a lost princess nor a goddess. She's not a wizard or a guardian or other magical beings that exist in fanta...
179K 5.3K 49
When the real Airleya drowned, she gave her body to the woman from another world. To give her body to the woman who came from another world and to c...