Twisted Fate

By fuckoffxxcc

13.8K 358 26

Dev's heart sank as she watched the girl she liked, her eyes filled with a sense of finality. She knew that... More

Introduction of Characters
1
2
3
Cast 2
4
5
6
7
CHAPTER 7.5
8
9
10
11
12
13
14
15
16
17
18
19
20
21
Cast or Characters 3
23
24
25
26
27
28
29
30
31

22

206 8 0
By fuckoffxxcc

THIRD PERSON'S POV

Habang hinihintay ang tawag ni Zed kanya-kanyang pwesto sina Nea, Ella at Dev sa living room. Si Neanna at Ella ay naisipan nalang muna maglaro ng Elsword habang si Dev naman ay nagbabasa ng libro.

"NEA! alis ka jan! Shit naman oh" usal ni Ella na kanina pa naiiinis sa paaran ng paglaro ni Neanna.

"Ayoko nga, tsaka may item kaya dun" sabat naman ng isa.

"Tanga ka ba o sadyang di ka lang marunong magbasa, nakalagay na sa taas na boss dungeon na yun tapos pupunta ka pa dun. Tsk ang bobo mo talaga minsan" inis na saad nito.

"Kung bobo ako, mas ka. bleh" sabat ulit ni Nea sabay belat pa kay Ella, inis namang tumayo si Ella at lalapit na sana kay Neanna ng biglang lumabas ang mukha ni Zed sa screen ng TV.

"Nag-aaway na naman ba kayo?"agad na tanong nito ng mapansin ang inis na Ella na papalapit kay Neanna, napatigil ang tatlo sa ginagawa at humarap kay Zed.

"Lagi naman" sagot ni Dev bago inayos ang pagkaka-upo at tumingin ng seryoso kay Zed, agad namang umayos si Neanna at Ella ng makita ang seryosong mukha ni Dev.

"How's your investigation?" tanong agad ni Dev.

"Not good, yung mga lalaking pinatay mo ay walang phone na pwede namin itrace tapos yung sasakyan pa nila ay sumabog pagkaalis niyo sa lugar. Wala ring CCTV sa lugar." sagot nito.

"Sinabi rin ng bar na pinuntahan natin na palagi daw may nakikidnap sa kugar na yun nitong mga nakalipas na araw at yung mga pulis daw at nag-iimbestiga na rin" pagpapatuloy nito.

"Mukhang matatagalan ang paghahanap natin kug sino ang may pakana nito Dev, pinag-isipan nila ito ng mabuti" sabat naman ni Ella na kaharap na laptop.

"Ano na ang gagawin mo?" tanong ni Neanna na kinakalikot rin ang pc nito.

"Zed, I want you to -------------" seryosong saad ni Dev.

"Copy" sabat naman ng isa.

"Okay dism-"

"Wait! wag mo naman patayin agad ang tawag Dev, may sasabihin pa ako kay Ella eh" nakasimangot na saad ni Zed, tumaas naman ang kilay ni Dev bago tumango at binalik ang atensyon sa libro.

"Ano na namang chismis yan pare?" tanong ni Ella habang nakatutok parin ang mata sa laptop.

"Bumalik na daw si Prof. Del Monte mo" nakangising sagot nito, napatigil naman si Ella sa ginagawa niya bago mapatingin kay Zed.

"What! ang Del Monteng yun bumalik na!! Shit naman oh!" gulat na saad ni Ella, bakas rin sa mukha nito ang pagkairita at pagkabalisa, natawa naman si Zed at Neanna sa reaksyon niya habang si Dev naman ay napangiti lang.

"Paniguradong magiging kawawa ka na niyan ulit Ella, paborito ka pa naman ni Prof Del Monte" natatawang saad ni Neanna, nakatanggap naman ito ng sama ng tingin kay Ella.

"Neanna wag kang masyodong matuwa sa nangyayari kay Ella, baka karmahin ka niyan" usal naman bigla ni Dev na kinatindig ng balahibo ni Neanna.

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan Dev, nagkakatoo pa naman ang mga sinasabi mo" balisa naring saad ni Neanna kaya natawa na ng malakas sina Zed at Dev.

Tuwang-tuwa sina Dev at Zed sa nasasaksihan dahil parang mga baliw ngayon ang mga kabigan nila. Si Neanna ay nakaluhod at nagdarasal na sana di magkatotoo ang sinabi ni Dev dahil baka mapahiya lang siya sa crush niya pag nagkataon. Si Ella naman ay may kinakausap sa tatlong cellphone nito, sunod-sunod ang pagring ng tatlong cellphone nito at iba't ibang babae rin ang kausap nito sa bawat cellphone na hawak.

TIME SKIP~

Sa mga sumunod na araw ay nanatili si Dev sa sa bahay ng tatlo para iagpatuloy ang imbestigation. Pero sa ilang araw na dun ay kakaunting impormasyon lang ang nakakalap nila, di rin nila ma-contact si Ace na isa sa magaling nilang kasama sa agency.

Kinabukasan ay sabay na pumasok ang tatlo sa Academy. Gamit ang Cadillac Escalate SUV na nasa garahe nila ay pumasok na sila sa gate ng Academy. Late na silang nakarating sa Academy dahil masyadong mabagal kumilos si Ella at Neanna. Pagkababa nila ay agad silang tumakbo papasok.

"Neanna bilisan mo nga jan! baka pagalitan na naman tayo ni Prof Del Monte nito" usal na Ella na nagmamadaling tumakbo papunta sa una nilang klase.

"Ikaw lang nu! ikaw kaya paborito niyang student" sabat naman ni Neanna na pinipigilan matawa. Hindi nila kasama si Dev adahil magkaiba ang first subject nito sa kanila. Nang makarating sila sa harap ng room nila ay huminto silang dalawa para mahabol ang hininga nila.

"AyDelmontengpanis!" gulat na saad ni Ella ng bigla nanalng bumakas ang pinto at sumalubong sa kanila ang matalim na tingin sa kanila ng Professor nila.

"What did you say, Miss Bancs?" malamig na tanong ni Miss Anderson, naestatwa naman sina Ella at Neanna.

"And why are you so late? Our class just ended." sunod pa na tanong nito pero hanggang ngayon ay hindi parin makapagsalita si Ellla habang si Neanna naman ay nabalik na sa ulirat ng tignan rin siya ng malamig ni Miss Anderson.

"Sorry Miss Anderson, Ella overslept po kasi kaya kami na late" pagdadahilan ni Neanna pero nagulat naman si Ella sa narinig habang si yung Prof naman nila ay tinignan ng masama si Ella.

"Aba't!-" di na natapos ni Ella ang sasabihin niya ng bigla nalang siya piningot ni Miss Anderson sa tenga at hinila paalis ng room nila. Kita naman ni Neanna kung paano umangal ang kabigan at binigyan pa siya ng dirty finger habang kinakaladkad paalis ng Prof nila.

"Sorry Ella" bulong ni Neanna bago pumasok sa loob ng room nila.

Nang makapasok si Neanna sa loob ng room nila ay agad itong umupo sa upuan niya. Nilabas niya naman agad ang laptop nito ng makapwesto na siya sa upuan niya. Bago pa niya mabuksan ang laptop niya ay may humila sa manggas ng damit niya kaya napatingin siya sa salarin.

"Neanna" bati ng isang nakangiting dalaga kay Neanna, natulalal naman ang isa ng makita kung sino ito.

"Tanya!" gulat na saad ni Neanna dahilan para matawa ang dalaga.

"Sorry kung nagulat kita Neanna, may favor lang sana ako" paumanhin ng dalaga, umiling naman si Neanna.

"Okay, magugulatin lang talga ako. So ano ba yung favor mo?" tanong ni Nenna kay Tanya.

"Pwede mo bang itanong kay Rogue kung nagkita ba sila ni Cath, di na kasi ito nagrereply sakin eh. Nag-aalala lang ako" bakas sa mukha ng dalaga ang pag-aalala.

"Sure, kung gusto mo pwede kang sumama samin mamaya para marinig mo ang sagot ni Dev. Wag kang mag-alala kay Cath, ang tapang kaya ng babaeng iyon" nakangiting sagot ni Neanna na, napangiti rin si Tanya sa narinig.

"Salamat Neanna, see you nalang mamaya" saad ng dalaga bago kumaway paalis.

Naiwan naman si Neanna na nakatingin lang sa papaalis na pigura ng dalaga. Napa buntong hininga nalang si Neanna bago iabalik ang atensyo niya sa laptop niya.

TIMESKIP~

Pagkatapos ng klase nila ay agad na pumunta si Neanna sa cafeteria.

"NEANNA GRAY!!" sigaw ng isang tinig, tumigil naman si Neanna sa paglalakad at lumingon sa taong tumawag sa kanya.

"PASHNEA KANG BABAE KA!!" sigaw ulit ni Ella na tumatakbo ng papalapit kay Neanna.

"Shit!" tanging saad ni Neanna bago tumakbo palayo, hinabol naman siya ng isa.

Habolan lang ang ginawa ng dalawa hanggang sa makarating sila sa cafeteria, marami na rin ang napatingin sa kanila lalo pa nung nadapa si Neanna at madakip ni Ella pero naka iwas ito nung nagdive si Ella papunta sa kanya, kaya ending sa sahig nagdive si Ella.

"F*CK!" daing ni Ella sa sakit, si Neanna naman ay agad na tumayo sa pwesto niya at pumunta kay Dev na kanina pa sila di pinapansin.

"Devie! Tulungan mo ako" saad nito at niyugyog ang balikat ng isa.

"Tulungan mo si Ella" tanging sagot ni Dev sa isa.

"Ayaw ko nga, kitang hinahabol nga ako eh" maktol ng isa bago pumunta sa likod ni Dev para magtago.

"Kung ako sayo, tulungan mo na si Ella at baka ibulgar pa niya yung sekreto mo sa lahat ng tao dito sa cafeteria" usal ni Dev, nanigas naman si Neanna sa kinatatayuan niya.

"Freak" bulong ni Neanna bago dahan-dahang lumapit kay Ella na hanggang ngayon ay nakahiga sa sahig.

"Umm- Ella okay kalang?" tanong ni Neanna kahit obvious naman na di okay yung isa, hahawakan na niya sana si Ella para tulungan tumayo ng hawakan rin siya bigla ng isa.

"Ahh!!" tili ni Neanna, umangat ang ulo ni Ella bago bigyan ng masamang tingin si Neanna.

"May kasalanan ka sakin, pashnea ka. Alam mo bang binigyan ako ng punishment nang Warkang Del Monteng yun at hindi lang ito simpleng punishment. Ang punishment na binigay niya sakin ay gumawa daw ako ng essay na may 10,000 words, pinapalinis rin niya yung office niya at gagawin pa niya akong alalay." madiin na saad ni Ella at hinigpitan ang paghawak sa kamay ni Neanna bago tumayo.

"Sorry na po master!" saad ni Neanna at lumuhod pa sa harap ni Ella. v

Ang mga tao naman sa cafeteria ay na aaliw sa napapanuod, para lang sila nanunuod ng isang comedy drama dahil sa dalawa.

"Akala mo ba mapapatawad lang kita dahil lumuhod ka sa harap ko, hindi! Papahirapan din kita at wag na wag kang magkakamaling tumakas kung ayaw mong- sabihin ko sa lahat ang sekreto mo" madiing saad ni Ella at binulong ang huling sinabi, nanigas naman si Ella.

"Okay!! Tapos na ang drama mga chismosa, balik na kayo sa pagkain ulit" biglang sigaw ni Ella at nagawa pa niyang mag bow, natawa naman ang mga tao nakarinig.

"Halika na" usal ni Ella sabay hila kay Neanna na hanggang ngayon ay tulala parin.

Umupo naman silang dalawa sa kung saan nakapwesto si Dev.

"Wala bang hello jan parekoy?" nakangising tanong ni Ella ng maka-upo ito sa tabi ng isa.

"Hi" walang pakeng sagot ni Dev ng hindi tinitignan ang isa, napanguso naman si Ella.

"Ang mean mo naman" bulong ni Ella, magsasalita pa sana si Ella ng may dumating.

"Neanna" tawag ni Tanya ng makarating ito sa table ng tatlo, napatingin naman sakanya si Ella.

"Uhh-Fuck" daing ni Neanna ng bigla siyang sikuhin ni Ella.

"Tinatawag ka ni Estelle" bulong sa kanya ni Ella, napatingin naman si Neanna sa harap niya.

"Ay!! Sorry Tanya di kita napansin" agad na saad ni Neanna at tumayo para magbow pero nauntog ang ulo nito sa mesa.

"Pfft-bobo" natatawang saad ni Ella, nagpipigil naman si Tanya na matawa rin habang si Dev ay nakangiting napailing lang.

"Fuckk- ang sakit" daing ni Neanna habang hinihimas ang noo nito, lumapit naman si Tanya sa kanya para tignan ang nauntog na nuo ni Neanna at sabay silang umupo.

"Ba't kasi may payuko ka pang nalalaman?" nakangiting saad ni Tanya dahilan para humaba ang nguso ni Neanna.

"Sorry naman, ganyan lang talaga ako kapag natataranta" sagot ni Neanna.

"Ba't ka naman matataranta?" nagtatakang tanong ni Tanya.

"Basta" tanging sagot lang ni Neanna at patuloy na hinihimas ang noo.

"So ano pala ang maitutulong ni Neanna sayo Estelle?" tanong ni Ella, napatingin naman si Tanya sa kanya.

"Ang totoo niyan si Dev talaga ang pakay ko, nagpapatulong lang ako kay Neanna para maka-usap si Dev" sagot nito bago mapatingin kay Dev na nagbabasa parin ng libro.

"Ituloy mo lang yung sasabihin mo, nakikinig naman si Dev kahit na nagbabasa yan ng porn" walang prenong saad ni Ella, natawa naman si Neanna sa narinig habang si Tanya ay namula bago tignan ulit si Dev na di parin sila pinapansin.

"Umm- gusto ko sanang itanong kay Dev kung alam ba niya kung asan si Cath, ilang araw na kasi itong di bumabalik sa condo niya at di rin ito nagrereply sa mga message ko" nag-aalalang bulong ni Tanya na tanging grupo lang nina Dev ang makakarinig.

Nagkatinginan naman sina Ella at Neanna habang si Dev naman ay napatingin kay Tanya.

"I-" di na natapos ni Dev ang sasabihin niya ng may yumakap sa kanya sa likod.

"Devie!" masayang saad ni Rom na kakadating lang, makahulagang tinignan naman ni Dev sina Ella at Neanna na tumango lang bago ituon ang pansin niya ka Rom.

"Rom, anong ginagawa mo dito?" agad na tanong ni Dev sa isa.

"Namiss lang kita, kakauwi mo labg kasi nung nakaraan pero pagkalipas ng isang araw di ka na sumasama samin" maktol nito, natawa naman si Dev.

"Sorry busy lang talaga kami ngayon sa training namin" dahilan ni Dev.

Si Tanya naman ay nakatingin lang sa dalawa pero napunta di ang ang pansin nito ng lumapit sa kanya si Neanna.

"Wag kang mag-alala, hahanapin namin yung bestfriend mo" bulong nito kay Tanya, tumingin naman sakanya si Tanya bago ngumiti.

"Thanks Neanna" masayang saad ng dalaga bago halikan sa pisngi si Neanna at dali-daling umalis sa cafeteria.

"Ay wala na, na ulol na yung kaibigan natin Dev" natatawang saad ni Ella ng mapansin ang paninigas ulit ng katawan ng kaibigan nila.

Napatingin naman sina Roma at Dev kay Neanna bago matawa dahil sa pagmumukha ng isa.

Continue Reading

You'll Also Like

1.3M 68.5K 59
๐’๐œ๐ž๐ง๐ญ ๐จ๐Ÿ ๐‹๐จ๐ฏ๐žใ€ข๐๐ฒ ๐ฅ๐จ๐ฏ๐ž ๐ญ๐ก๐ž ๐ฌ๐ž๐ซ๐ข๐ž๐ฌ ใ€ˆ๐›๐จ๐จ๐ค 1ใ€‰ ๐‘ถ๐’‘๐’‘๐’๐’”๐’Š๐’•๐’†๐’” ๐’‚๐’“๐’† ๐’‡๐’‚๐’•๐’†๐’… ๐’•๐’ ๐’‚๐’•๐’•๐’“๐’‚๐’„๐’• โœฐ|| ๐‘บ๐’•๐’†๐’๐’๐’‚ ๐‘ด๏ฟฝ...
865K 72K 34
"Excuse me!! How dare you to talk to me like this?? Do you know who I am?" He roared at Vanika in loud voice pointing his index finger towards her. "...
296K 17.2K 18
"แ€˜แ€ฑแ€ธแ€แ€ผแ€ถแ€€แ€œแ€ฌแ€•แ€ผแ€ฑแ€ฌแ€แ€šแ€บ แ€„แ€œแ€ปแ€พแ€„แ€บแ€œแ€พแ€ฏแ€•แ€บแ€žแ€ฝแ€ฌแ€ธแ€œแ€ญแ€ฏแ€ทแ€แ€ฒแ€ท.... แ€™แ€Ÿแ€ฏแ€แ€บแ€›แ€•แ€ซแ€˜แ€ฐแ€ธแ€—แ€ปแ€ฌ...... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บ แ€”แ€พแ€œแ€ฏแ€ถแ€ธแ€žแ€ฌแ€ธแ€€ แ€žแ€ฐแ€ทแ€”แ€ฌแ€™แ€Šแ€บแ€œแ€ฑแ€ธแ€€แ€ผแ€ฝแ€ฑแ€€แ€ปแ€แ€ฌแ€•แ€ซ.... แ€€แ€ปแ€ฝแ€”แ€บแ€แ€ฑแ€ฌแ€บแ€›แ€„แ€บแ€แ€ฏแ€”แ€บแ€žแ€ถแ€แ€ฝแ€ฑแ€€...