After the Sorrow 2 ✓

By ChenlyYen

2.1K 65 5

Book 2 of Tears of Sorrow Dalawang tao na pinaglalaruan ng tadhana. Ang matinding pagsubok ay nalagpasan dahi... More

IMPORTANT NOTICE
Simula
Kabanata 1
Kabanata 2
Kabanata 3
Kabanata 4
Kabanata 5
Kabanata 6
Kabanata 7
Kabanata 8
Kabanata 9
Kabanata 10
Kabanata 11
Kabanata 12
Kabanata 13
Kabanata 14
Kabanata 15
Kabanata 16
Kabanata 17
Kabanata 18
Kabanata 19
Kabanata 20
Kabanata 21
Kabanata 22
Kabanata 23
Kabanata 24
Kabanata 25 - The Wedding Day (Part 1)
Kabanata 26 - The Wedding Day (Part 2)
Kabanata 27 - Reception
Kabanata 28 - Honeymooners
Kabanata 29
Kabanata 30
Kabanata 31
Kabanata 32
Kabanata 33
Kabanata 34
Kabanata 35 - Warning
Kabanata 36
Kabanata 37
Kabanata 38
Kabanata 39
Kabanata 41
Kabanata 42
Kabanata 43
Kabanata 44
Kabanata 45
Kabanata 46
Kabanata 47
Kabanata 48
Kabanata 49
Kabanata 50
Kabanata 51
Wakas
ATS

Kabanata 40

38 1 0
By ChenlyYen

Gail's Point of View

DUMILAT ako nang maramdaman kong may nanonood sa akin.

Napabangon ako kaagad nang makita ko si Jetty na nakatayo sa harap ng mesa. Tumayo ako at dali-dali siyang niyakap ng mahigpit.

Isang linggo siyang hindi umuwi at isang linggo akong naghihintay sa kaniya rito sa sofa. Araw-araw akong gumawa ng cake na may nakasulat sa ibabaw ng ‘Hi, Daddy’. Ibang cake at ibang flavor. Isang linggong naghihintay rito sa sala ng buong magdamag. Isang linggong naghihintay kung kailan uuwi ang Jetty ko. Isang linggong tahimik na umiiyak dito sa tahimik at madilim na sala. Isang linggong nangungulila sa asawa ko. My Jetty.

Pero ngayong umaga ay nandito siya. Sobrang saya ko dahil umuwi na siya. Pinunasan ko ang aking mga luha.

“I missed you so much, Jetty. Saan ka nagpunta? Saan ka galing? Ba't hindi ka umuwi? Nakakain ka ba ng maayos? Nakatulog ka ba ng maayos? May maayos ka bang natutulugan?” sunod-sunod kong tanong.

He doesn't hugged me back. Ayos lang. Ang importante ay umuwi na siya. Ang importante ay nandito na siya.

“Ano ito?” tanong niya bigla.

Kumalas ako sa pagkakayakap sa kaniya. “Ang alin?”

Itinuro niya ang cake. “That.”

Ngumiti ako at kinuha ang cake. Inilapit ko sa kaniya. “Read it, Jetty.” nakangiti kong sabi.

Kumunot ang kaniyang noo. “Hi, Daddy?”

“Yes.” Kinuha ko ang kaniyang isang kamay at inihawak sa tiyan ko. “Baby ko, nandito na si Daddy. Umuwi na si Daddy. Do you feel his warmth palm?” nakangiti kong sabi.

“W-What‘s the meaning of this?” nagtataka niyang tanong.

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti ng malapad. “Finally, Jetty, I'm pregnant. Magiging magulang na tayo. Magiging Daddy ka na.” masaya kong sagot.

Sumulyap siya sa cake na hawak ko at sa aking tiyan. Nakangiti ko siyang tiningnan. Magiging buo na kami. Magiging isang pamilya na kami.

Tumawa siya nang sarkastiko. “Buntis ka?”

Without minding the way he laughed, I happily nodded.

Tumitig siya sa akin ng seryoso. “Sa akin ba iyan?”

Unti-unting nawala ang ngiti sa aking labi. “Huh?”

Anong ibig niyang sabihin sa kaniyang tanong?

“Sa akin ba iyan? Ako ba ang ama ng batang dinadala mo?”

Tumulo ng sunod-sunod ang mga luha ko. “Pinagduduhan mo ako? Pinagdududahan mo ang batang nasa sinapupunan ko ngayon?” hindi makapaniwala kong tanong.

How could he. How dare he. Pinagdududahan niya ang batang hindi pa nga nabuo? Pinagdududahan niya ang batang dugo't laman niya? Pinagdududahan niya ako? Anong akala niya sa akin? Kung kani-kanino na lang nagpapatira? Anong akala niya sa akin, malandi?

“Look. Tuwing gabi kang aalis noon. Tuwing gabi kang aalis papunta riyan sa Mavy-Mavy mo. Tuwing gabi kang umalis noon. Pinapatulog mo lang ako. Akala mo ay hindi ko alam na tahimik kang lalabas sa kuwarto natin at tahimik na aalis? Akala mo kung hindi kita nakita na umalis? Matinong asawa ba ang tawag do'n, Chamika Gail? Matinong asawa ba ang maitatawag ko sa iyo na papatulugin lamang ako tapos aalis ng gabi upang pumunta sa bahay ng ibang lalaki? Akala mo hindi ko alam? Tuwing aalis ka ay sinusundan kita. Kitang-kita ko kung paano ka dali-daling pumasok sa bahay niya. May minamadali lang, Chamika Gail? Huh? Who knows kung ano ang ginawa niyong dalawa sa loob ng bahay niya.”

Pagkatapos niyang magsalita ay kaagad kong sinampal sa kaniyang mukha ang cake na hawak ko. His face are now covered with cake.

“How could you! Paano mo nagawang pagdududahan ako?! Paano mo nagawang pag-isipan ako ng masama?! Paano mo nagawang sabihan ako ng ganiyan, Jetty?!” umiiyak kong sigaw.

Nanginginig ang katawan ko sa galit. Sobra. Gusto ko siyang saktan. Gusto ko siyang sampal-sampalin nang paulit-ulit hanggang sa mamanhid na ang kamay ko. Paano niya ito nasabi sa akin? Madumi ba akong babae sa kaniya?

Hindi ko inaakalang sa pagpunta ko sa bahay ni Mavy ay pinag-iisipan na pala ako ng masama ng asawa ko. Hindi ko inakalang ang intensyon kong tulungan ang taong may malaking tulong na naibigay sa akin ay iba na pala ang ibig sabihin sa kaniya. Hindi ko inakalang ang ginawa kong pagtulong sa kaibigan kong halos magpakamatay na sa sakit nitong nararamdaman ay hindi na pala maganda sa kaniya.

At hindi ko lubos maisip na ang lalaking minahal ko mula noon hanggang ngayon ay pinag-iisipan ako ng hindi maganda.

Ngumiti ako ng mapait. “After all this time ay matagal mo na pala akong pinagdududahan. After all this time ay maduming babae pala ang tingin mo sa akin. Very heartwarming. Nakakaantig sa puso ang mga sinabi mo, Jetty. Ramdam na ramdam ng puso ko ang lahat ng mga salitang binitawan mo.” mahinahon kong sabi.

Pinapahid niya ang cake na naroon sa kaniyang mukha. Kulang pa iyan. Kulang na kulang pa iyan. Kulang pa iyan sa lahat ng mga nagawa niya sa akin. Kulang pa iyan sa lahat ng masasakit na ibinato niya sa akin.

Pinunasan ko ang aking mga luha. Lahat ng mga inaasahan namin ni Audrey na magiging reaksyon niya kung malaman na niyang sa wakas ay buntis na ako ay hindi nangyari. Iba ang kaniyang reaksyon. Iba sa inaasahan ko. Akala ko magiging masaya siya dahil buntis na ako pero pinagdududahan niya ako. He's not happy. I know.

“Pagdududahan mo ako hangga't gusto mo. Madumi akong babae kung iyan ang ipinupunto mo dahil palaging aalis tuwing gabi upang pumunta sa bahay ng ibang lalaki. Pagsabihan mo ako ng ganiyan. Pagsabihan mo ako ng kung ano-ano. Iyan ka eh. Pagod na pagod ka sa kakaintindi sa akin, ‘di ba? Nakakapagod ako, ‘di ba?" lumunok ako ng mariin.

Sobrang sakit sa lalamunan kung pipigilan mo ang iyong sarili na hindi mapahagulgol. Ang sakit sa puso. I've been waiting for him the whole week. Day and night of waiting for him to come home. There's always hope in my heart while looking on our pictures that he will come home. Pero ngayong umuwi na siya ay hinihiling ko na sana hindi na lang siya umuwi pa. Sana roon na siya manatili kung saan man siya naroon sa isang linggo.

Hindi siya nakatingin sa akin. Ang kaniyang mukha ay nakabaling sa ibang direksyon. Ano? Nahihiya siya sa akin? Nahihiya siya dahil nagkaroon siya ng maduming asawa? Nandidiri siya sa akin kaya hindi niya magawang tapunan ako ng tingin?

“I don't force you to father my child. Kung ayaw mong angkinin ang dinadala ko ngayon ay ayos lang. Hindi kita pinipilit. Mabubuhay ko ang batang ito na wala ka. Mabubuhay ko kahit wala siyang ama.”

Dinaanan ko siya. Huminto ako sa paglakad nang makalampas na ako sa kaniya.

“May God will forgive you for doubting your wife's faith on you and purity. And may this angel inside my womb could forgive you for doubting that this child is not your own flesh.” huli kong sinambit at lumabas ng bahay.

Tumakbo ako palabas ng gate habang umiiyak. Hindi ko makakalimutan ang kaniyang sinabi. Hindi ko makakalimutan ang uri ng kaniyang tingin na ibinigay sa akin habang sinasambit ang mga salitang iyon.

Ang sakit. Pinagdududahan ako ng asawa ko. Pinagdududahan ako ng Jetty ko. 

Lakad-takbo akong lumabas ng division. I have nowhere to go. Hindi ako puwedeng bumalik ngayon sa bahay dahil ayoko munang makita ang kaniyang pagmumukha. At mas lalong ayokong umuwi sa mga magulang ko dahil ayokong malaman nilang nag-aaway kami ni Jetty.

Wala sa sariling naglakad ako rito sa gilid ng kalsada. Patuloy sa pamamalisbis ang aking mga luha sa pisngi ko. Hindi ko matanggap-tanggap na pinag-iisipan niya ako ng madumi dahil kailanman ay hindi ko ginawa ang lahat ng hindi magandang iniisip niya sa akin.

Tumabi ako sa pinakagilid nang makita kong may puting kotse ang umatras. Yumuko ako at pinunasan ang aking mga luha.

“Gail?!”

Umangat ang aking tingin at hinahap ang pinanggalingan ng boses. Dumako ang paningin ko sa lalaking nakadukwang sa bintana ng puting kotse na umatras kanina.

“Sabing ikaw iyan eh! Hindi talaga ako magkakamali! Sa tindig pa lang at kahit nakatalikod ka ay alams na!”

“Rickey?”

Malapad siyang ngumiti. “The one and only!” Nagpatuloy siya sa pagpapaatras ng kaniyang kotse at huminto sa harap ko. “Ba't naglalakad ka lang? Nasaan ang asawa mo? May pupuntahan ka ba? Hatid na kita." Binuksan niya ang pinto.

“Wala akong pupuntahan. Naglakad-lakad lang ako. Nagpapahangin.”

“Ang init-init ng panahon tapos nagpapahangin ka? Iba ka rin, Gail. Sakay na.”

Sumakay ako. “Kumusta na nga pala si Mavy?” Ikinabit ko ang seatbelt sa akin.

“Ayos na.” pinaandar niya ang sasakyan. “Sayang, ‘no?”

Nilingon ko siya. “Anong sayang?”

“Kape na sana. Hays.”

Napangiti ako sa kaniyang isinagot. Gago talaga ang Rickey na ito kahit kailan.

“Why did you cry?”

Umiwas ako ng tingin.

“No'ng papaatras ako ay nakita kita sa side mirror na pahid nang pahid sa pisngi. Namamaga rin iyang mga mata mo. Bakit? Nag-aaway ba kayo?”

“Wala. May pinanood lang ako kanina na nakakaiyak. Ganito siguro kapag buntis, nagiging emosyonal.”

“Buntis ka?”

Nilingon ko siya at nginitian. “Yeah. Kaya huwag kang magsasalita ng hindi maganda ha. Huwag ka ng magmura sa harap ko dahil baka marinig ng baby ko.”

Ngumiti siya. “Wow. Ako dapat ang paglihian mo ha para naman maipalaganap ko itong kaguwapohan na mayroon ang isang ako." Nilingon niya ako at kinindatan. “Wait lang.” pinahinto niya ang sasakyan.

May inabot siya sa likuran at ipinakita sa akin ang unan.

“Anong gagawin mo sa unan? Matutulog ka?”

Inilagay niya sa hita ko ang unan. “Diyan natin ilalagay. In case mabangga tayo kaya dapat protektado si baby.”

Nakangiti kong inayos ang unan sa aking hita. Mabuti pa ang ibang tao ay nag-aalala sa anak ko pero ang sarili kong asawa at ama nitong dinadala ko ay pinagdududahan pa ako.

“May plano kang ibangga ang sasakyan?" tanong ko.

“Never. Mahal ko itong si Pia.”

“Pia?”

Pinaandar niyang muli ang kotse. “My car. My baby. My Pia.”

“Pati kotse ay pinangalanan. Siya nga pala, Rickey, may pupuntahan ka ba ngayon?”

“Wala. Inutusan akong bumili ng kape ni Maverick pero wala akong planong bumili. Bahala iyon. Gusto mo bang maglibang? Gusto mo bang pumasok sa mall?”

“Wala akong dalang pera. Gusto kong sumakay lang dito sa kotse mo papunta sa walang patutunguhan. Ayos lang ba?”

“Oo naman. Ako muna ang tsuper mo ngayon. At susuyurin natin ang buong syudad.” masigla niyang tugon.

“Salamat, Rickey.”

“Don't mention it.”

Ngumiti ako at tumingin sa labas. Nanunubig na naman ang mga mata ko at naninikip na naman ang aking puso nang maalala ko ang kanina. Hinawakan ko ang aking tiyan. Baby, huwag mong pansinin ang sinabi ng Daddy, huh? He did not mean it. Don't stop growing in Mommy's tummy. We love you. I love you.

Pinunasan ko kaagad ang sunod-sunod na mga luhang tumulo. Hindi ko masisisi si Jetty na pagdududahan ako dahil kasalanan ko rin naman. Aalis ng gabi na hindi nagpapaalam sa kaniya. Perhaps, that's what every husband think when their wife always go at night.

Pero wala naman kaming ginagawang masama ni Mavy. Hindi ako nagpapaalam sa kaniya kasi kung magpapaalam ako ay alam kong hindi niya ako papayagan.

My friend needs me. I can't abandon him because I have a debt that I will forever pay. Ang utang na hindi mababayaran ng pera. He helped me before and I must help him in return. He saved me from pain and heartbreaks, and I must save him as well from depression. Mavy got depressed. He almost killed himself. Kaya noong nalaman kong naaksidente siya ay gustong-gusto ko siyang puntahan upang alamin ang kaniyang kalagayan. Pero hindi ko naman inakala na naging masama at madumi na pala ako sa mga mata ni Jetty.

Biglang huminto ang sasakyan sa isang lugar na napapalibutan ng mga puno. Narito pa rin kami sa kalsada. Pinatuyo ko muna ang aking mga luha at nilingon si Rickey.

“Ba't tayo huminto?” tanong ko.

“Ito lang ang tanging alam kong lugar na tahimik. You can scream all you want and no one can hear you. Pretend that you're alone. That I am not here. Pipikit lang ako rito.” itinaas niya ang kaniyang hawak na headphone. “Habang suot-suot ito. I will stay with you today, until you'll be okay.” He smiled and wear the headphone.

Sunod-sunod na tumulong muli ang mga luha ko. Si Mavy ang palaging nasa tabi ko noon at si Rickey naman ngayon. Role na ba ng magpinsan na ito na sasamahan at dadamayan ako sa sakit at kalungkutan na natamo ko sa nag-iisang lalaki?

Yumuko ako at umiyak nang umiyak. At this point, I hate him, yet my heart still wants him.

Nang mahismasan ako ay binuksan ko ang bintana upang lumanghap ng sariwang hangin. Hindi na ako iiyak. Last na ito. Hindi na ako iiyak sa sakit.  These tears of sorrow should be ended. I am pregnant and I don't want to jeopardize my baby. Kung ayaw niya sa bata ay bahala siya. Sino lang sa amin ang walang anak.

When my breathing become normal, I turned to Rickey. His eyes are still close and I could hear the sound coming from the headphone. Ang lakas. Baka masira ang tainga ng lalaking ito.

“Rickey." Sinundot ko ang kaniyang braso.

Dumilat siya at tumingin sa akin. Tinanggal niya ang headphone. “Aalis na ba tayo o rito muna?" he asked actively like nothing happened. Like he didn't know that I was crying.

“Baka may lakad ka ngayon?”

Binuksan niya ang pinto. “Nakalimutan mo na ata, babe, na palagi akong free. Perks of being tambay.” he went outside.

Bigla niyang binuksan ang likuran. Lumingon ako. Ngayon ko lang nakita na mahihigaan pala ang likod ng kaniyang sasakyan. Kaya pala may unan. Umupo siya at may kinuha sa plastik. Inilabas niya ang mga chichirya.

“Lumipat ka rito ng upo."

Humawak ako sa front at driver's seats, at dahan-dahan na lumipat sa likod.

“Hindi ka nga pala puwedeng kumain ng hindi masustansiya kasi buntis ka na. Ano ba ang ipapakain ko sa iyo.” Hinalungkat niya ang isang itim na bag. “Hmmm...”

“Ba't may mga pagkain kang dala? Tapos unan? Tapos itong comforter na inuupuan natin?”

“Outgoing ako. I love to travel alone. At antukin din. Kung maabutan ako ng antok habang nagbabiyahe ay hihinto ako at matulog muna rito, since adjustable naman itong kotse. Palagi rin akong nagugutom kaya may mga pagkain akong dala. Ta-da!” inilabas niya ang isang box ng Oreo. “Sabi na nga bang nandito lang ito. Ito ang kainin mo, buntis.” nakangiti niyang inabot sa akin ang box.

Tinanggap ko. “Salamat." Binuksan ko ang box at kumuha ng isang Oreo.

Binuksan niya ang plastik ng chichirya. “Anong gender, Gail? Babae ba o lalaki?”

“8 weeks pa lang ito at hindi pa fully develop." Sumubo ako. “Pababalikin ako ng doktor kapag 16-21 weeks na ang pagbubuntis ko para ultrasound kung gusto kong malaman ang gender.” Tumingin ako sa mahabang kalsada.

Para lang kaming nagpi-picnic sa kaniyang kotse.

“How does it feel that there's a life living in your womb?”

Ngumiti ako. “Cloud Nine."

“Ang tamis ng ngiti natin. Kapag talaga hindi ako gawing ninong ay talagang gigerahin ko ang bahay niyo.”

Napatawa ako. “Hindi pa nga lumabas tapos ninong-ninong ka na riyan.”

“Naninigurado lang. Kagaya na lang noong ikinasal kayo!” he rolled his eyes and that made me laugh.

Rickey and I stayed in his car while talking about life. His greatest dream that is so hard to achieve. About his girls. The failure that pushed him to stay what he is now. The challenges he been through alone. I admit that I learned a lessons about his life story.

Nang mag-alas-sais na, hindi man lang namin namalayan ang oras, ay umalis kami. Kumain muna kami sa isang karinderya. Hindi pala mapili si Rickey. He said that he's not rich nor average neither poor. He's living in between these three. I don't know what he meant.

Nakauwi ako sa bahay na gabi na. Hula ko ay alas-otso na ngayon. Pagpasok ko ay nakita ko siyang nakaupo sa upuan dito sa sala. Hindi ko siya pinansin at dumeretso sa hagdan. Hindi naman ako galit sa kaniya. Nasasaktan lang ako sa mga sinasabi niya sa akin.

“Saan ka galing?"

Huminto ako sa isang baitang ng hagdan at nilingon siya nang bahagya. Nakita ko siya sa aking gilid ng mata na nakatayo na siya habang nakaharap sa banda ko.

“Galing sa lalaki ko.” Lumakad akong muli.

“Chamika Gail!” dumagundong ang kaniyang boses sa buong bahay.

Hindi ko pinansin ang kaniyang sigaw. Nagpatuloy ako sa paglakad. What now?

“Maaga kang umalis tapos gabi ka ng umuwi! Buntis ka, ‘di ba? Saan ka kumain?! Nagpalipas ka? You left your money and your phone!” sigaw niya na siyang nagpahinto sa akin sa paglakad.

Humarap ako sa kaniyang puwesto. “Why did you asked? Do you care?" malamig kong tanong.

“Of course! I am your husband and the father of the child you bear!”

Napatawa ako. “Alam mo ba iyang sinasabi mo, Jett? Narinig mo ba iyang sarili mo, huh? Asawa? May asawa ba na sasaktan ang kaniyang asawa? At ama ng batang ipinagbubuntis ko ngayon?” Tumawa ako nang malakas. “You doubted this child, remember? Stop acting like you care. Narinig na ng anak ko kung ano ang pinagsasabi ng ama niya. Goodnight.” I turned my back and went into our room.

Naroon pa rin ang sakit ng kaniyang ibinato sa akin kanina. Nakatatak pa rin sa utak ko kung paano niya ako tanungin na sa kaniya ba itong batang dinadala ko. May iba pa ba? May iba pa bang lalaki ang nakagalaw sa akin bukod sa kaniya?

I'm still hurting and I don't have plans to fix the things between us, for now.

Continue Reading

You'll Also Like

4.4K 134 55
Evren Morales, isang mabuting anak, kasintahan at kaibigan. Nagsikap siya upang mai-ahon sa hirap ang ina, ngunit pinagbintangan siya sa isang kasal...
60.7K 1.6K 14
INIS. Yan ang una kong naramdaman noong una ko s'yang nakilala. He's so full of himself! Arrogant and conceited. That's what I thought first about hi...
92.7K 2.7K 29
MATURE CONTENT | R18 | COMPLETED Jazon ang Margaux. Two beautiful souls who have been victimized by love. Jazon being lost and broken by his ex-gir...
13.5K 120 8
Farm men series 3 (R-18) I am the daughter they wish for, and he was the son they raised just to have me. We don't have the same surname neither the...