Darcy, The Breaker of Chains:...

By piedraijada

1.1K 175 5

TIS #2 TRIGGER WARNING : Obsessive-Compulsive. Psychotic Thriller. Have you ever experienced incarceration... More

DONT SKIP!
HEY.
SNEAK PEEK
PHASE 02
PHASE 03
PHASE 04
PHASE 05
PHASE 06
PHASE 07
PHASE 08
PHASE 09
PHASE 10
PHASE 11
PHASE 12
PHASE 13
PHASE 14
PHASE 15
PHASE 16
PHASE 17
PHASE 18
PHASE 19
PHASE 20
PHASE 21
PHASE 22
PHASE 23
PHASE 24
PHASE 25
PHASE 26
PHASE 27

PHASE 01

65 11 0
By piedraijada


"Yan, sige lang, tawag lang ng uwak. Ano, kaya pa?"

"Damn, Mickey! Nahihilo ako!"

Lalo siyang lumapit sa'kin upang hawakan ako ng maayos. Halos magkanda-ugaga na kaming dalawa dito habang patuloy kong naririnig ang sunud-sunod niyang malulutong na mura para sa'kin.

Hindi ko na yata mabilang ang mga mura at reklamo niya. Kanina niya pa sinasabing iiwan na niya 'ko, pero wala siyang choice kun'di tulungan ako—lagi.

"Ano ka ba naman? Hindi naman ako plunger pero wag mo naman ipasok ang ulo ko sa kubeta!" nanghihinang reklamo ko habang ramdam ang pasimpleng himas niya sa aking likod at ulo dahil sa hilong nararamdaman.

Pinilit kong magmulat ng maayos. At sa tuwing gumagalaw lang ako ng kaunti, nawawala ang balanse ko at pakiramdam ko'y lumalala ang ikot ng paningin ko. Isang shot lang naman nung isang alak na 'di ko kilala ang nainom ko, grabe na kaagad ang naging epekto sa'kin. Ni hindi ko man lang inalam kung anong klaseng alak ang ipinainom nila at parang mga pamankin yata ni Lucifer ang mga kasama namin ni Mickey kanina.

"Ano bang inaarte mo? May pagsuka ka pa. Naku, Celestina, ha. Baka mamaya masukahan mo na naman ang baby ko! Talagang iiwan kita sa kalsada kang gaga ka!" mas pinag-aalala niya pa ang kotse niya ngayon.

As if naman na magagawa niya sa'kin 'yon.

Gusto kong umirap pero hindi ko ginawa, baka lalo na naman magunaw ang mundo 'ko.

Nahihilo ay napabuntonghininga na lamang ako ng malalim.

Hindi ko rin naman siya masisisi dahil nadala na siya sa'kin noon at hindi ko naman din sinasadyang masukahan ko ang kotse niya dahil sa lakas din aircon at pabango niya nung panahong lasing na lasing ako nang maihinatid niya 'ko.

"Kaya nga ngayon, inilalabas ko na. Hawakan mo naman kasi ako ng maayos. Mukha ba 'kong pambarado sa inidoro!? Ayusin mo naman kasi ang paghawak mo! Diring-diri? Kapag ikaw tinutulungan 'ko—"

"Tumahimik ka na lang." putol niya sa'kin.

Napaungol ako sa inis.

Bumuntonghininga siya ng malalim. She's like, she's gonna throw up too.

"Kadiri ka naman, sis. Para kang kumain ng cereal, 'e. Nag-dinner ka ba sa inyo bago tayo lumarga dito?" nandidiring tanong niya, sa nahihilong pakiramdam ay nagawa ko pang mapairap nang mahimigan ang pandidiring buntonghininga niya.

"Ang ganda-ganda mong babae. Bilisan mo ng dugyot ka."

"Teka, patapos na..."

Huminga na lang ako ng malalim at saglit na namahinga sa panghahalukay ng sikmura ko.

"Sabi ko naman kasi sayo na hinay-hinayin mo sa pamumulutan. Kaya lalo kang nalalasing, e." pamustra pa niya. "Dead starving yern?"

Hawak pa rin niya ang buhok ko habang nakaluhod ako sa kubeta sa pangatlong cubicle na pinasukan ko.

Nasa likod ko siya. Nanatiling nakaalalay sa akin. Sabi ko sa kanya na iihi lang ako, pero anong nangyari? Nasuka lang naman ako! Hindi ko naman alam na bigla siyang susunod sa akin, medyo napatagal yata ako. Ang saglit ko na pamamalaam ay mukhang napatagal at nainip na siguro, kaya hindi siya nakatiis na sundan niya na agad ako dito. Hindi ko naman kasi alam kung bakit sa tuwing nakakakita ako ng kubeta, kahit hindi naman ako naiihi, nakakaramdam agad ako.

At kahit hindi naman ako nakakaramdam ng pagsuka, nasusuka naman agad ako.

Mabuti na rin nga na nandito siya at pakiramdam ko'y mamamatay na yata talaga ako kapag walang makakatulong sa akin.

"Mickey, my hair! Damn it!" muntik ko na masukahan ang buhok ko!

Argh! Tang inang hilo 'to!

"Sorry naman! Sorry ha!" sarkastikong paumanhin naman agad ni Mickey, at kahit nakatalikod ako, alam ko namang iniirap-irapan at minumura na ako nito.

Geez. Pakiramdam ko pati bituka ko ay masusuka ko na sa dami ng alak na nainom ko.

"Mickey, can you set me up, please?" pasuyo ko sa kanya, habang tinataas ang kaliwang kamay ko sa kanya para alalayan niya ako.

"Tsk."

Walang sabi-sabi na tinulungan naman niya ako at inalalayan.

"Nauudlot ang mga boys 'ko sayo. Ang tagal mo, hay!" reklamo pa niya.

"Argh... thank you, Mickey..." wala sa sarili kong sambit dahil nanlalabo na ang paningin ko at papikit-pikit na rin ako.

Lalong umiikot ang paningin ko nang maitayo niya ako at napatingala sa kawalan.

"Punyeta ka, Celestina. Kunin ko lang ang toothpaste sa bag ko at imumog mo sa bunganga mo, okay!?" malakas na bulong niya sa akin.

Agad naman ako tumango nang dumiretso muna kami sa sink. Hindi ko na hinintay na alalayan niya pa ako para maghilamos at maghugas ng kamay habang abala siya sa pagkalkal sa bag niya.

"Kailangan mong magmumog 'te, para 'di ka maamoy kinabukasan ng magulang mo!" aniya pa sa akin saka inabot ang toothpaste.

Wala sa sariling napapatawa ako.

"Seriously, Mickey..." habang tinititigan ang inabot niyang toothpaste na 'Happy' ang tatak na naka-sachet.

Tang ina.

Kinagat ko ang labi para pigilan ang matawa. At baka kapag tumawa ako ay sumabog din ang pagsuka ko kaya wag na lang.

Girl scout talaga, laging handa.

"Kumpleto ba dala mo? Baka pati toothbrush Mickey may dala ka?"

Namumungay ang aking matang nilingon siya, tinaasan niya ako ng kilay habang abala siya sa pagre-retouch sa mukha. Pinakyuhan pa niya ako dahil sa naging reaksyon ko.

"Anong tingin yan, aber? Tinging may lait!" singhal niya sa akin, kinagat ko ang pang-ibabang labi ko at huminga ng malalim. "T'saka, wag kang choosy! Gamitin mo na lang yang daliri mo, ikuskos mo sa ngipin at ngala-ngala mo!"

Ewan ko ba, naiinis siya sakin. Samantalang ako, nalalasing na ay bumababaw bigla ang kaligayahan ko kahit na sa maliliit na bagay lang.

I heavily sighed. Baliw na ba 'ko?

Nangingisi't naiiling na pinisil ko ang toothpaste na inabot niya at naglagay ng tama sa hintuturo ko. Agad ko naman isinubo at tumungo, binuksan ang gripo upang magmumog, mabawasan man lang ang hilo at mahimasmasan. Kaso nagagaraan ako sa lasa ng toothpaste, mas lalo pa yata akong nasusuka!

Ack! So, gross! I feel like I'm going to throw up again!

Ramdam ko pa rin ang paghalukay sa sikmura ko. Pakiramdam ko may lalabas pa at nanlalaway pa rin ang bagang ko.

Pero tiniis ko. Takot na lang rin na baka maamoy ako ng magulang ko sa pag-uwi ko. Magtaka pa sila kung sakaling ipalusot ko pa na may pabango talagang amoy Tequila at Jack Daniels.

"Iba ka talaga, Mickey. Kumpleto lagi ang dala." ani ko at ibinalik sa kanya ang toothpaste pagkatapos 'ko.

Napapangusong tumaas ang kilay niya na para bang proud pa siyang masabihan ng ganon. Kita ko pa ang pag-spray pa niya sa akin ng pabango, para lang talaga hindi ako amoy na amoy ng alak pag-uwi ko.

Kahit naman ganito ang asta niya, alam ko talagang may pagka-care siya.

"Syempre, 'no. Kailangan laging handa. Pati nga razor may dala ako, e." pambibida pa niya.

Napakunot ako. "Razor?"

"Yea, alam mo na..." makahulugan pa siyang napangisi sa akin.

Natitigilan na lalong napakunot ako. Bakit naman siya magdadala ng razor?

Napairap siya sa akin. "Alam mo 'yun? Baka mamaya may maturn-off na guy sa'kin, sakaling makipag sex ako—"

"Mickey!

Pumalatak siya ng tawa sa reaksyon ko na ikinailing ko na lang sa kanya.

"Wag kang mag-alala, wala akong balak ngayon. Ni wala nga akong nakalaplapan kanina, e!" aniya'y na parang nagrereklamo pa.

"Pasensya naman kung ganon." sarkastikong wika ko.

Napabuntonghininga naman ako ng malalim. Napakalamog niya talaga magsalita! Her mouth had no filter. Lantaran talaga kung magsalita, mabulgar. At kung pagkukumparahin talaga kaming dalawa, inaamin 'kong mas liberated at mas marami talaga siyang experience kaysa sa'kin.

Siya din naman ang dahilan kung bakit nakahiligan ko na madalas ang pumarty. But I'm enjoying it anyway. Kahit naman mahilig akong pumarty, ni hindi ko naman pinapabayaan ang acads ko. Mas malala nga lang si Mickey. Kung kaklase niya lang ako ay baka matulungan ko pa sya, pero hindi e, magkaiba kami ng course kaya hindi ko magagawang isingit siya sa mga abalahin ko sa mga ginagawa ko.

At ang tangi ko na lang magagawa kundi ay sermon o i-remind na lang siya sa mga dapat niyang gawin.

Nakaka-enjoy talaga ang pumarty. Hindi ko inaasahan na kahit anong gulo ay ganito pala kasaya ang loob nito.

Mga bagay na hindi ko madalas ginagawa noon, ay ginagawa ko na ngayon. Pakiramdam ko nagagawa ko ang lahat ng bagay na gusto ko. Pakiramdam ko, ang laya-laya ko sa lahat ng bagay. Walang pakiramdam na pamimigil. Ang saya-saya ko.

"T'saka nagsasabi lang ako ng totoo, no! Palibhasa, 'di ka relate!" aniya pa niya sa'kin.

"Wag mo sabihin pati panty may dala ka?" natatawang tanong ko pa sa kanya.

"At bakit hindi? Isa yan sa pinaka importanteng bagay na hindi ko dapat makakalimutan kapag umaalis ako! Kaya ikaw, in case, dapat ganun din!" pinayuhan pa ako ng gaga.

Sus. Dibale na lang, 'no. Hindi ko naman kasi... gawain ang mga gawain niya.

"Ibang klase ka talaga..."

"Halika na nga, ihahatid na kita."

"Uuwi na tayo?"

Tinaasan niya ako ng kilay at saglit na pumaywang pa sa harapan ko. "Aba, aba, wag mong sabihing gusto mo pa? Ano? Tapang-tapangan, girl?"

"Uuwi na nga, hehe..."

Tumango siya, sumang-ayon na rin. Akala ko magpapapilit pa ito, e. Knowing her, sinusulit niya talaga ang oras kung sakaling makakita at makakakilala siya ng mga bago pang mga darating... alam niyo na... boys, ganon.

"Good. Wag mong pilitin kung hindi kaya. Para madala mo pa rin ang sarili mo pag-uwi. Last time muntik ka ng mabalian, remember? Nag-alala ako, pero hanga ako sa pagiging akyat-bahay mo sis, talagang kahit lasing nagiging ninja ka talaga pauwi sa inyo e, 'no?" natatawang sermon niya pa sa akin.

Tama siya. It's either ninja, o para akong isang sundalong tuod kapag nakakauwi sa amin. Dahil hindi ko kailangan ipahalata na lagi akong lasing na umuuwi sa bahay!

"Ganun talaga kapag may strict na parents. Palibhasa, 'di ka rin relate!"

Kasi sa side ng family niya, maluwag sa kanya. Bihira nga lang siya hindi payagan sa lahat ng gusto at mga gimik niya, e. Hindi ko tuloy... maiwasang minsan mainggit sa kanya. Nagagawa niya lahat ng bagay na gusto niya.

Kung may isang bagay akong mas kinaiinggitan kay Mickey, yun ay ang pagiging maluwag ng magulang sa kanya. They let her do what she wants. At kung ano ang mga nakapagpapasaya sa kanya—suportado siya sa lahat ng bagay. And I can say, Mickey's parents are very cool.

"Ikaw na! Ikaw na talaga ang good girl sa'ting dalawa!"

I slightly chuckled. Nagtawanan kaming dalawa. Nagpaakbay ako sa kanya kasi parang umeekis na ang lakad 'ko.

Napapapikit na napapaungot lang ako habang akay niya akong maglakad palabas ng restroom, agad na sumalubong sa amin ang usok, nakakaindayog na tugtog, unti-unting pagpuno na mga nagsasayawang mga tao, mga nagme-make out na sa gilid at iba pa.

"Makukurot ko na yang kiki mo. Sinabi nang umayos ka! Kailangan natin magpaalam ng maayos sa mga kasamahan natin kanina!" nanggigigil na utas niya dahil sa pag-eekis ng binti ko sa bawat hakbang ko.

Napanguso ako.

Umungol ako sa pangingirot pa rin ng sentido ko. "Kukunin mo lang naman ang number nila, Mickey, eh... umuwi na tayo..." hindi na makapaghintay na sambit ko sa kanya.

Tumungo ako at tiningnan ang braso para sipatin kung anong oras na, muntik ko naman masampal ang sarili at mahinang napamura nang matandaan kong hindi ko nga pala suot ang aking relo. At isa pa, lobat na rin ang phone ko kaya uwing-uwi na ako! Baka mamaya, kanina pa ako tinatawagan at hinahanap nina Mama at Papa! Lagot na naman ako 'pag nagkataon.

Sa lalong naaamoy kong naghahalong alak at vape, malilikot na ilaw, pakiramdam ko lalong lumalala ang pagkahilo at pagkabuwal ko.

"Mickey," tawag ko ulit.

"Wait lang kasi—oh! Ayan na malapit na tayo. Umayos ka ha? Wala akong jowa, kaya kailangan ko ulit ngayon magkajowa."

"Is that compulsory?" tanong ko pa na para bang nire-relate ko pa sa school ang sinasabi ko. Argh! "Mickey naman! Halos linggo-linggo, iba-iba na nagiging jowa mo! Mamahagi ka naman!"

"Ulol! Wag nga ako! Ikaw pa nga itong may ayaw 'pag inirereto, e!" inirapan niya ako, agad naman siya bumawi nang reaksyon nang mapatingin siya sa bandang likod ko. "Ayan na tayo. Let's bid a goodbye and be nice to them, okay?" aniya'y pinisil-pisil pa niya ang baywang ko habang papalapit kami sa isang pahabang mesa.

Natawa ako ng malakas at muntik ko na siyang maitulak!

"Mickey! Alam mo namang malakas ang kiliti ko d'yan!" natatawa kong sigaw sa kanya habang wala sa sariling 'di pa rin natitigil at hindi mapigilang pagtawa ko.

Hindi ko alam. Oo, lasing nga ako. Pero... may kaunti pa namang huwisyo kahit papano. Pero kahit lasing, masaya at masarap naman sa pakiramdam. Pakiramdam ko kasi lumulutang ako.

"Putang ina ka, wag mo'ko papahiyang bruha ka," bulong pa niya.

"Hey, Mickey!" dinig ko pang tinig ng isang lalaki.

"Oh, hi, Daniel!" tugon naman ni Mickey. Animo'y naging pusa ang boses nito.

Ramdam ko ang paglapit ng isang lalaki sa amin. Ito yung mga nakasamahan namin kanina, mga kaibigan ni Mickey. Kumpara sa'kin, hindi ko hilig maki-kaibigan ng marami, pero pagdating sa kanya, halos yata kalahati ng tao sa bar ay kakilala at kaibigan niya.

Nasa may pahaba na sofa kaming mesa. Nakatingala sa amin ang mga nakasamahan namin, at halos ay mukhang dumami ang mga grupo ng mga kalalakihan. Kung kanina they were five of them, ngayon naman ay may dumagdag na tatlo. Mga bagong mukha at hindi pamilyar sa akin.

"Ano? Shot pa tayo," ramdam ko ang paglingon nung Daniel sa akin, ngumisi siya. "Mukhang lasing na itong kaibigan mo, ah?"

"Uh, yea. Sorry, hindi na rin kami magtatagal, magpapaalam na kami, Daniel." mahinhin na tugon muli ni Mickey.

Si Mickey ba talaga itong naririnig ko?

Bakit parang ang Mickey na naririnig ko ay laking simbahan?

Ang boses niya kasi parang nasa simbahan, napakahinhin at malumanay. Akala mo'y hindi marunog gumawa ng kabalastugan. Si Mickey na naririnig ko ay parang puro dasal lang ang alam.

E napakalandi ng babaeng 'yan!

"Oh, really? Sayang naman! Kadarating lang ng iba pang mga tropa ko, 'e," he paused for a while. "Ipapakilala ko pa sana kayo. Pero mukhang nagmamadali kayo," mahihimigan ang dismayadong boses nung Daniel sa amin. "Oh, come on, Celestina. Seriously?" aniya'y napatingin sa akin si Daniel na parang sa'kin pa nakasalalay ang sagot, para makumbinsi itong kaibigan kong huwag muna kaming umuwi.

Sus, mukhang gusto lang maka-score, 'e.

Isa pa naman 'tong malanding lalaking 'to! Mukhang type niya rin ang malanding kaibigan ko!

Bagay na bagay nga talaga sila, parehas silang malalandi!

I heard Mickey cleared her throat. "I'm sorry talaga, Daniel. Hindi na talaga kakayanin ng kaibigan ko, 'e. Maybe next time? Nagmamadali na kasi kami talaga. I don't need to get drunk rin dahil ako pa ang magda-drive to get home..."

Napakamapagpanggap talaga.

Mickey, utang na loob, baguhin mo na ang boses mo. Nawawala ang amats 'ko.

"Sayang, ang aga pa naman," aniya'y kita ko pa ang pagsilip nang lalaki sa relong pambising.

Daniel is tall. Gwapo naman siya kung tingnan. Sya yung tipikal na college boy na mapapahagip talaga ang maraming kababaihan, kinatitilian, kinalalawayan, kapag sa tuwing dadaan siya ng hallway bago mag-start ang klase. Talagang kahit ma-edad na at bakla, hindi pinapalampas na hagudin ang kanyang kabuuan lalung-lalo na sa parteng gitna ng kanyang katawan na para bang naroon ang kasagutan sa dalawang bagay na tumatanong sa isip mo, na palaging bukambibig din sa akin ni Mickey kapag siya ay madalas na nakakasalubong namin.

Ang tanong na nagsisimula sa letter D, na nagtatapos sa letter S. At nagsisimula sa letter J, na nagtatapos rin sa letter S.

Pero para sa'kin, hindi siya yung lalaking mga tipo 'ko. Mukha kasi siyang playboy, at halata namang wala pang sineseryosong ibang babae dahil madalas, iba-ibang babae namamataan 'kong kasama niya. At kahit na gano'n, alam ko na ang isang tulad niya ay isa rin sa malaking tipo ni Mickey.

Si Mickey na mahilig sa gago. Palibhasa kasi, gaga din siya.

And I can say that Mickey is the girl version of Daniel. Adventurious at madaling lang sa kanila magpapalit-palit ng boyfriend/girlfriend. Kaya kung magiging sila man, tingin ko ay challenging iyon.

Hindi rin marunong magseryoso. Bagay naman sila. Pero kung sakaling magiging sila nga, parang hindi ko rin kaya... hindi ko kaya na baka masaktan at maging isa sa mga biktima rin ang kaibigan ko sa isang lalaking tulad n'ya.

Kaya malaki talaga ang pagkakaiba naming dalawa. Ang gusto ko kasi sa lalaki, mukhang seryoso. Sino bang hindi? Yung hindi mapaglaro at syempre masarap magmahal at ikaw ang lang tanging gustong babae para sa buhay niya. Yun bang... pangmatagalan na. Sa edad ko na kasing ito, para kasing nawawalan na ako ng gana sa mga kalalakihan, hindi na mabilis kiligin at higit sa lahat, wala talagang nagtatagal at nakakatiis sa akin sa panliligaw dahil focus muna ako sa pag-aaral.

Hindi ako katulad ni Mickey na parang isang Globe Prepaid na go lang ng go.

Gusto lagi mag-explore at palaging may thrill. Mabuti pa nga ay hanggang ngayon ay nagkakasundo pa rin kami Mickey kahit na malaki ang pagkakaiba naming dalawa.

"Ahm, maaga pa kasi ang pasok namin bukas, Daniel. Hindi kami pwedeng ma-late," dinig ko pang sambit ni Mickey. Para bang naging pabulong na ito at pakiramdam ko'y ayaw niyang iparinig sa akin dahil nasa harapan ako.

"Really?"

"Yea..."

"Good girl, huh?" ramdam ko ang ngisi sa amin ni Daniel.

"Pfft!" napasapo ako sa bibig ko sa kanina ko pang pamimigil ng pagtawa ko.

Seriously, hindi ko talaga maatim na pakinggan ang dalawang 'to. Lalo na ang pagbabalat kayo ng kaibigan ko! My goodness! Bakit naging mahinhin 'tong babaeng 'to!? Seriously? Ayaw niyang ma-late!? Sinabi niya talaga 'yon? E, siya pa nga madalas magsulsol sa akin na mag-cut na lang ng class para mag-mall o magpunta pa kung saan!

At si Mickey rin na yung tipong, walang pakialam at hindi natatakot ma-late!

Kaya ano itong pinagsasabi ng babaeng 'to?

"Okay lang ba 'tong kaibigan mo?" nangingiting napapakunot sa akin yung Daniel.

"U-Uh, pasensya ka na sa kanya." inakbayan kaagad ako ni Mickey at ramdam ko ang pamimisil niya sa balikat ko senyales na umayos ako. "Lasing na talaga, e." rinig ko ang pekeng tawa niya. "Uh, sige na, mauna na kami, Daniel. See you next time-"

"Wait!"

Pigil niya na nagpalingon sa akin nang aamba na kaming tumalikod.

"Since uuwi na rin naman kayo. Shot muna kayo kahit isa lang," aya pa niya.

"But..."

Napakamot ito sa kanyang batok habang tinitingnan ang pag-aalinlangan ng kaibigan ko.

Ano, Daniel? First time matanggihan?

I couldn't help but smirked. Nabawasan yata ang angas mo?

"Seriously, girls. Isang shot lang naman, and that's it, pwede na kayong umuwi." he said as he boyishly smiled at us.

Pa-cool talaga! Ewan ko ba, kahit pogi naman siya, naiinis ako sa asta niya! Hindi lang sa kanya, pati na rin sa ibang mga lalaking kasamahan niya!

Sumenyas siya sa amin. Nagpadala naman ako kasi akay-akay ako ni Mickey. Sandaling sinalinan ni Daniel ang dalawang baso namin bago niya inabot kay Mickey.

"Fine. Just one drink." suko ni Mickey nang sabay-sabay pang magsigawan ng 'shot' ang kalalakihang kaibigan ni Daniel.

"Just one drink, Tin. Kaya mo pa naman, 'di ba?" aniya'y lingon sa akin ni Mickey. "Kaya mo pa? Pwede namang ako na lang ang uminom nito kung hindi mo talaga kaya?" paninigurado niya.

Parang asong tatango-tango naman ako at kinuha ang inabot niyang baso na may lamang tequila para sa'kin.

"Kaya ko pa naman..."

Suminghap ako ng malalim.

"Come on, girls! Shot! Shot! Shot!" sa pangunguna pa nung Daniel.

Ang sarap upakan ang mayabang niyang pagmumukha lalo na't hindi nakatakas sa paningin ko ang senyas niyang nagmamayabang sa mga kaibigan niyang lalaki.

Nagbago na ang isip ko, ayoko siya para sa kaibigan ko. Gusto ko, matino ang para sa kaibigan ko para magtino na rin siya.

Nilingon ko ang katabi ko, kita ko ang sunud-sunod na paglagok ni Mickey sa basong iniinom niya. Agad na napuno ng palakpakan, tawanan, at hiyawan nilang lahat para sa amin. Napapangiwi naman ako dahil puno ang pagkakasalin ng alak na nilagay ni Daniel kanina.

"Nice one, Mickey!"

Matunog na napabuntonghininga si Mickey habang nakangiti siyang dinapuan ng tingin si Daniel at mga kaibigan niya bago siya makalingon sa'kin. Kita ko ang pagngisi niya.

"Go, Celestina! Last shot, uuwi na tayo at ihahatid na kita sa bahay niyo!" ang pagsulsol niya naman sa akin.

Nakapa demonyita talaga nito kaya nadedemonyo rin ako, e.

"Celestina para sa pag-uwi sa bahay niya!" natatawang ulit na sigaw nila dahil sa narinig nila kay Mickey.

Naiiling na kumibit-balikat na lamang ako habang isa-isa ko silang tinitingnan habang hinihintay nila ang pag-inom ko. Tipid na lamang ako napangiti. Napapalunok naman na agad kong nilaklak ang baso nang diretso. Kumunot ang aking noo habang ninanamnam ang pag-inom ko.

Tang ina, mukhang tamang-tama na yata talaga ako.

"Bye boys! See you next time!" paalam ni Mickey at namalayan ko na lang na higit-higit na niya ako paalis ng bar. "Tara na sis. Uuwi na us!"

"Mickey..." mahinang anas ko. Ramdam ko na rin ang pangingimay at pamamanhid ng mukha ko sa tama ng alak na nainom ko.

Ibang klase. Mas malakas talaga ang tolerance ni Mickey sa alak kumpara sa akin. Kailanman, hindi ko talaga siya masasabayan sa pag-inom ng alak, dahil inaamin ko, ako talaga ang mas nauunang matumba. Ni hindi ko nga nakita ang babaeng 'to kung sumuka.

"Mickey..." tawag ko pa ulit sa kanya habang abala pa rin siyang higit-higit ako.

Para naman akong lantang gulay na nagpapadala lang sa kanya. Masyadong magulo ang nadadaanan namin, maingay pa rin kaya mukhang hindi pa rin niya ako naririnig. Medyo nababangga na rin ako sa mga nakakasalubong namin na tao.

Ilang ulit ako napapalunok ng malalim. Para akong nakalutang habang napapasabay sa mabilis na pagmartsa niya. Napapapikit ako ng mariin, at unting-unti na naman naglalaway ang bagang ko, lasa ko pa rin ang tapang nang lasa ng alak na nainom 'ko.

Naghalu-halo na sa lalamunan ko dahil sa halu-halong lasa ng alak na nainom ko mula kanina pa. Ramdam ko pa rin ang huling lasang gumuguhit nito sa lalamunan ko kada lumulunok ako.

Parang hinahalukay na naman ang sikmura ko.

Bumuntonghininga ako ng malalim. Pinagpapawisan na rin ako ng malamig. Nasa crowded pa rin kami ng mga tao at mukhang malayo na kami sa banyo. Pero wala pa sa kalahating part ang exit na paglalabasan namin. Hindi na rin ako mapakali. Sa paghihigit sa akin ni Mickey ay mas lalo akong nahihilo. Hindi ko tuloy maiwasang mapasapo agad sa tiyan ko.

Please, not now, Celestina! Malapit na tayo sa exit! Dun tayo sa labas magtatawag ng uwak, hindi dito mismo sa loob! Utang na loob!

Sa naaamoy kong usok, alak, sigaw ng mga tao, ang tugtog, ang malikot na party lights at ang sikmura ko...

Damn it! Nasusuka na naman ako!

"Bilisan mo, sis! Nababanas na ako! May naaamoy akong putok kanina pa putang ina--" reklamo pa niya.

Nasipat ko pa siyang napapasapo sa kanyang ilong habang napapangiwing sumusulyap sa'kin, senyas na bilisan ko kahit na hawak naman niya ako.

"W-Wait lang, Mickey—" bago pa siya makalingon sa akin, sa hindi inaasahan at kasamaang palad ay bigla akong humandusay sa sahig.

"Oh, my god! Celestina!" dinig kong tawag niya.

Namumungay ang matang napamulat ako.

At sa pagmulat ko, isang mata ang nabungaran ko... at ganun na lang ang gulat ko na hindi pala ako napahandusay sa sahig. Kundi sa bisig ng isang lalaki, at ako pa ang naka top sa kanya, at siya pa ang nasa bottom ko!

My goodness gracious!

Celestina, what did you do!?

Nanlalabo ang aking tingin, hindi ko maaninagan masyado ang kanyang mukha dahil sa dilim. Hindi sapat ang malikot na ilaw para maaninagan ko siya. Tanging mata at labi niya lang ang nakikita ko sa tuwinang nadadaplisan siya ng malikot na ilaw. Hindi mismo ang kabuuan ng mukha niya.

I heard him heavily sighed as he licked his lower lip. "Miss—"

"I... I'm sorry—" napapikit ako ng mariin.

Sana kinain na lang ako ng lupa.

Sana bangungot na lang ito.

Sana hindi ito totoo.

"Oh, Jesus Christ, Celestina! Bakit mo siya sinukahan!?" agad na dalo sa akin ni Mickey.

Fuck!

Hindi ko na talaga napigilan ang nararamdaman ko! Nanghihina na ako.

"Geez! Ito na nga bang sinasabi ko sa babaeng 'to!" ramdam ko ang pagtapik ng isang kamay sa pisngi ko. "Hey, hey, sis, wake up!"

Ramdam ko ang paghigit ni Mickey sa akin. Pakiramdam ko ay lumulutang ako. Pakiramdam ko nawalan rin ako ng utak. Hinang-hina na ako. Namimigat na rin ang talukap ko at anytime ay mapapatulog na ako.

At sa pangalawang pagkakataon, hindi na natiis ay napasuka muli ako dahilan na agad nang pagtungo ko! Agad ko na naman narinig ang tili ni Mickey kung saan. Ramdam ko ang dalawang brasong pumulupot sa baywang ko na nagmumula sa likod ko para lang hindi ako tuluyang matumba. Wala sa sariling napapakunot ako dahil sa isang matigas na bagay na nararamdaman ko mula sa pang-upo ko, napatuwad ako. Para bang may dagling kumuryente na dumaloy sa bawat himaymay ng katawan ko nang maramdaman ko iyon.

"Seriously, sis!?" ramdam kong yugyog pa ni Mickey sa akin at ungol sa inis.

Shit. Nawala naman sa isip ko ang pakiramdam na iyon dahil sa boses ni Mickey.

Nakapikit lamang ako at hindi ko na alam kung sino o ano ang dinadantayan ko habang nakatayo na ako.

"Nah, Mickey. It was just a burped!" napapasinok na sambit ko, nakapikit habang nanghihinang umayos ng tayo at dumantay muli kung saan.

"Burped!? Burped-burped-in mo mukha mo!" naiinis na sambit pa niya ngunit 'di naman kalakasan iyon, sapat na marinig ko lang mula sa tapat ng mukha ko. "Oh, my God, Mickey! What did you do!—Hey, I'm really sorry... my friend is really wasted..." rining kong natatarantang sambit niya, hindi ko rin nasundan ang sunod ng mga sinasabi niya.

"Mickey..." napaungol ako.

Pakiramdam ko nanlilisik na naman ang matang ipinupukol niya sa akin. Alam ko na. Dahil lagi siyang kawawa at pinauulanan ako ng reklamo sa tuwing nalalasing ako. Para bang may trauma na siya sa akin sa tuwing malalasing ako. She said that I'm out of control. Tama naman siya. Hindi ko talaga mapigil-pigilan.

"Shit! I... I'm so, so, sorry, Kuya! Okay ka lang?"

Dinig ko pang paumanhin niya sa hindi ko malaman ang dahilan.

"It's okay. Hindi ako dapat ang tanungin mo, kundi 'yang kasama mo. You should take her home. She's so drunk." ani ng isang baritono't parang dagat sa lalim ng kaniyang boses.

"But how 'bout your shirt?" alanganing sambit ni Mickey. "I'm sorry po talaga. Maybe, I can buy you a new clothes na lang! Mahihintay mo ba ako, babalik po ako para—"

I overheard a man chuckling. "No need, it's fine... uhm, I have an extra shirt, but it was in my car and I would've had a hard time getting back. I guess I'll just do a live band while I'm topless?" he chuckled again.

"H-Huh?" nauutal na tinig na narinig ko mula kay Mickey.

I heard him chuckled again. "Miss, my performance is about to begin. Hindi ko na magagawang bumalik at matatagalan lang ako kung magpiprisinta kang ibili pa ako ng damit. It's okay, I can handle this." aniya'y parang hindi pa siya nagalit.

Kahit nakapikit ako, ramdam ko at rinig ko ang kagandahan ng boses ng isang lalaki. And the way he chuckled... it was like, so husky... so sexy. Para bang may kung anong kumikiliti mula sa kaibuturan ko sa paraan ng malalim at namamaos na tawa na 'yon. It's like the Hollywood stars I always watch in romantic movies, which are always perfect, like hot and playboy characters, that even if you don't have a crush on, you'll just be thrilled because of a scene you watch—and what are you thinking, Celestina!? Seriously? I can't help that my lips formed an 'o' because of what was heard.

Topless, huh?

Who is this man?

At gustuhin ko mang imulat ang mata ko ay hindi ko na magawa pa. Para bang nalagyan nang glue ang talukap ng mata ko para hindi ko na maimulat pa.

Ramdam ko rin ang init sa balat ng katawan ko at hindi ko alam kung ano 'yon.

"Celestina, please, for the love of god, get your shit together!" nagmamakaawang sambit ni Mickey.

At gustuhin ko mang magsalita ay hindi ko na rin magawa. Wala akong magawa kundi ay mapaungol muli at lalong napadantay sa matigas at mainit na bagay na pinagsasandalan ko. Ramdam ko rin ang tibok ng puso sa likod ko.

Crazy, confused—I suddenly mentally chuckled in not knowing the reason.

Pakiramdam ko ay may mainit rin na hangin na kanina pang pumapaypay mula sa batok ko. Hindi rin naman ako hinihingal, at kalmado rin ako, pero bakit parang pakiramdam ko, dinig ko ang lakas ng kalabog mula sa likod ko at ang pusong nanunuot sa tainga ko?

"Can I... Can I get it on some napkins, please?" si Mickey.

"That was so thorough..." the last I mumbled.

Sapay tapik ko sa isang matigas na bagay na dinadantayan ko at hindi ko na alam ang sumunod na nangyari. 

P I E D R A I J A D A 

Continue Reading

You'll Also Like

26.7M 1M 72
He's a 29-year-old mayor of the town and she's a 19-year-old orphaned student. Jackson became Frantiska's legal guardian before anything else. Their...
478K 23K 59
Renesmee Venice Esquivel was the only girl in the Last Section who overcame a harrowing and dark past. She was bruised, hurt, and full of scars in he...
15.1M 585K 48
(Game Series # 5) Lyana Isobel Laurel never wanted complication. She never dreamed of marrying into a wealthy family-a family that's way out of her l...
46.1M 1.4M 55
Blake Vitale was a mess. Alam niyang para siyang bomba na malapit nang sumabog. He can even hear the ticking of the clock in his head, the time bomb...