The Psychiatrist's Insanity

By thatpaintedmind

790K 12.6K 5K

Warning: Mature Content Men from Hell Series No. 3 Dark Aris Vergara's story - Trigger Warning: mentions of s... More

Teaser
Kabanata I
Kabanata II
Kabanata III
Kabanata IV
Kabanata V
Kabanata VI
Kabanata VII
Kabanata VIII
Kabanata IX
Kabanata X
Kabanata XII

Kabanata XI

40.3K 756 243
By thatpaintedmind

PALAGI na lang talaga akong napapadasal kapag kasama ang lalakeng 'to. Pero ngayon, sa ibang dahilan.

Kanina pa ako nakakapit sa dulo ng aking damit habang pinapatakbo niya ang sasakyan. Tahimik lang akong nakayuko habang maya't-mayang napapakagat sa labi dala ng kaba.

Sampung minuto na siguro ang lumipas mula nang pinasakay niya ako sa kanyang sasakyan. Hindi ko alam kung saan kami patungo. Hanggang ngayon ay wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa.

Parang biglang nawala ang amats ko sa nangyaring kaganapan. In a state of shock pa rin ako sa biglaang panununtok niya. Hindi ko na nga nalaman kung anong nangyari sa lalake kanina pagkatapos niyang bumagsak, nahila na ako ng psychiatrist na 'to bago ko pa man makita ang kalagayan ng lalake.

Sana lang at hindi magsampa ng kaso ang taong 'yon. Mapapahamak ang doctor na 'to.

Napalunok ako bago pasimpleng sumulyap sa kanya. Tahimik lang naman siya habang nagmamaneho. He looks composed now, as opposed earlier.

Gayunpaman, hindi pa rin mawala-wala sa utak ko ang biglaang outburst niya kanina. Ngayon ay parang biglang bumaliktad ang tingin ko sa kanya. I just wasn't expecting that he's the type of man to be... violent.

"I'm sorry." Napakislot ako nang bigla siyang nagsalita.

Muli akong napasulyap sa kanya. Sumulyap din siya sa akin kaya kaagad kong binawi ang tingin.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam ang sasabihin.

"That guy... I know him." Aniya.

Nabuksan no'n ang kuryosidad ko. Gayunpaman ay nanatili akong tahimik, inaabangan ang susunod niyang sasabihin.

"He's a cousin of a certain friend of mine. I met him at a party once. He probably didn't recognize me, but I did." Bahagya siyang huminga nang malalim. "He already has a family of his own."

Tuluyan nang nawala ang amats ko sa rebelasyong iyon. Gulat akong napatingin sa kanya.

"Pamilyadong tao na ang lalakeng 'yon. I even met his wife once." Tuluyan nang bumagsak ang panga ko. Hindi ako makapaniwala.

Iyong lalakeng nanghila sa akin... may sariling pamilya na pala. Puta.

Sumulyap siya sa akin. "I don't want to stop you from doing whatever you want, but if your actions would ever put you at risk, then I won't think twice barging in if that means being able to protect you."

Hindi ako nakapagsalita. Tanga lang akong nakatingin sa kanya habang pilit nirerehistro sa utak ko ang lahat.

Sa huli ay mariin na lang akong napalunok. Umayos ako ng pagkakaupo habang nagsisimula na namang maglikot ang mga daliri ko.

Nakagat ko ang aking labi. Now I feel ashamed of everything I did. Masyado akong nagpapadalos-dalos. Mukha tuloy akong uto-utong babae, ang daling sumama kung kani-kanino.

God. My psychiatrist even drove all the way to my location just to save me from my stupidity. Nakakahiya. This is already beyond his duties and responsibilities as my psychiatrist slash therapist.

"We're here," nabalik ako sa katinuan nang hilahin niya ang handbrake ng kotse.

Napatingin ako sa paligid at nakitang nasa tapat na kami ng dorm ko.

"Dalawang minuto na lang magsasara na ang dorm niyo." Paalala niya. Napatingin naman ako ulit sa kanya.

If that's the case, then it's already 11:58PM, few minutes before our building closes! Shit!

Nagmamadali kong binuksan ang pinto. Nawala na sa utak ko ang magpaalam sa kanya dala ng pagkataranta. Masasaraduhan na ako!

"Wait..."

Akmang bababa na ako ng kotse nang bigla siya ulit magsalita. Doon ko lang naaalalang lingunin ang lalake.

Pagkalingon ko sa kanya ay sinalubong ako ng mga mata niyang seryosong nakatuon sa akin. In an instant, my heart started beating erratically.

Napalunok ako. "B-Bakit?" Hindi ko naiwasan ang mautal.

He slowly and deeply sighed. "I'll wait for you next week." Aniya.

Napatitig naman ako sa kanya. Next week?

Nang maintindihan ko ang kanyang pinapahayag ay biglang nag-init ang mukha ko.

I told him awhile ago that I'm planning to ghost him next week, which is our next therapy session. Kaya ngayon, he's telling me that he would wait for my arrival next week, for our next therapy session.

Napalunok ako. Pilit kong binalik ang tingin sa kanya. Pero parang mas nagwala ang puso ko nang makitang hanggang ngayon ay nakatitig pa rin siya sa akin.

Fuck those eyes...

"O-Okay..." Iyon na lang ang tanging nasagot ko bago tuluyan nang bumaba ng sasakyan.

Nagtuloy-tuloy na ako papasok ng gusali, hindi ko na nilingon ang kanyang sasakyan.

Nagtatalo ang utak ko. Kanina ay tuluyan nang bumaliktad ang tingin ko sa kanya, pero ngayon, parang bumalik na naman sa dati. His personality is very unpredictable.

Minsan ay para siyang hindi makapatay ng lamok. Pero kanina, hindi ko maipagkakailang bahagya akong natakot sa kanya.

Marahas akong umiling. Hindi ko na alam.

Naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko sa aking bulsa kaya kaagad ko iyong kinuha. It was a message from Steven, asking where I am.

Napamura ako. Oo nga pala, kasama ko sila. Nakalimutan ko 'yon.

Tinext ko na lamang siya na sumakit ang ulo ko kaya kinailangan ko nang umuwi.

Napahinga ako nang malalim. Nakapagsinungaling pa tuloy ako ng wala sa oras. All thanks to that psychiatrist of mine.







HINDI ko alam kung paano ako nakatulog kagabi. Basta't paghiga ko ng kama ay kusa na ring bumagsak ang sistema ko. Dala na rin siguro ng alak.

"Huy Fayven! Gising!"

Napaungol ako sa ingay na narinig. Wala sa sarili akong nag-iba ng posisyon para tumalikod sa kung saan man iyon nanggagaling. Ang aga-aga, ang ingay-ingay!

"Fayven! May naghahanap sa'yo!"

Tuluyan na akong nagising nang may humampas sa akin ng unan!

Napabangon ako para pukulan ng masamang tingin ang nanghampas sa akin. It was no other than Bridgette.

Imbis na matakot ay umikot lang ang mga mata niya sa akin.

"Kanina pa may nag-aantay sa'yo sa labas. Angelli raw ang pangalan." Aniya saka lumabas na ng kwarto.

Mang marinig 'yon ay mas malala pa sa nabuhusan ng malamig na tubig ang naging reaksyon ko. Sa isang iglap ay nagising ang diwa ko.

Si Angelli?! Nandito?! Ngayon?!

Maagap akong bumangon saka nanakbo palabas.

Ang nanlalaki kong mga mata ay mas lalo pang nanlaki nang makita ko nga siyang nakaupo sa sofa!

Bruhang 'to! "Anong ginagawa mo rito?!" Hindi ko makapaniwalang tanong.

Napasimangot lang siya sa akin. "Mag-ayos ka kaya muna? Pwede nang gawing pugad ng ibon ang buhok mo."

Nanatili akong nakatitig sa kanya, hindi makapaniwala. Pero nang mapagtanto kong ang iba naming dormmates ay narito rin pala at nag-aalmusal, kaagad akong napaayos ng tayo.

Napatikhim ako.

"Hintayin mo na lang ako rito." Huling sabi ko sa kanya bago kaagad na bumalik ng kwarto para kumuha ng tuwalya at ng damit.

Hindi kami pwedeng dito sa dorm mag-usap.

Mabilis akong naligo. Habang nagbibihis ay saka ko lang naisipang tignan ang oras. Ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makitang 1:27 na ng hapon!

Akala ko ay umaga pa lang! Ganoon ba talaga ako kabagsak kagabi? Pambihira!

Nagmadali na ako sa pagbibihis. Kumakalam na rin ang sikmura ko sa gutom.

Kinakalkal ko pa ang aking bag nang lumabas ako ng kwarto, sinisiguro kong dala ko ang lahat ng kailangan kong dalhin. Wallet. Phone. Susi.

"Tara na, nagugutom na ako." Reklamo ko sa kanya.

Sumama lang ang tingin niya sa akin. Panigurado ay nahihiya siyang ipakita sa akin ang kanyang inis dahil may iba kaming kasama.

Nauna na siyang lumabas ng dorm. Sumunod naman ako kaagad.

Akala ko ay tuloy-tuloy lang kaming maglalakad, pero bigla akong napaatras nang walang babala niya akong hinarap saka masamang pinukulan ng tingin.

"Tanghali na tulog ka pa?! Saan ka ba nagpupupunta tuwing gabi, ha?!"

Ito na nga. Dahil wala na kaming kasama ay malaya niya nang mailalabas ang kanyang dragon.

Napakamot ako sa braso.

"Acquaintance party kasi namin kagabi." Pagdadahilan ko. Wala namang kasinungalingan 'yon.

"At kailan ka pa dumalo ng party?" Taas-kilay niyang tanong. Of course, she knows me too much.

"Uhh, kagabi?" Pamimilosopo ko na lang dahilan para mas lalong sumama ang tingin niya sa akin. "Nahila lang ako ng mga kaibigan ko, okay? Wala naman dapat talaga akong balak pumunta kung hindi lang nila ako pinilit."

Dahil doon ay unti-unti naman nang kumalma ang kanyang mukha.

I sighed in relief. Mahirap pa naman pag nagagalit ang isang 'to. Mabuti na lang at mukhang pinaniniwalaan niya naman ako.

Well, aware din naman siya na hindi ako sinungaling.

"I'm glad na nakikipagkaibigan ka na. You're slowly learning to socialize."

Napakurap ako sa ka-seryosohan ng kanyang boses. Pati ang mukha niya ay walang halong pagbibiro. Halos kilabutan pa ako nang sinsero siyang ngumiti.

"Nang-aasar ka ba?" I asked cautiously.

Bumagsak naman ang ngiti niya. Abot-langit niya akong inirapan. "Seryoso ako! Noon naman, kahit kami ay hindi ka namin napipilit dumalo ng mga party. In fairness ngayon, nag-iimprove ka na. Bet mo na makipag-party party."

Ako naman ang napairap. She's not wrong though.

"Next time, nakikipag-momol ka na niyan." Habol pa niya.

Nahampas ko tuloy siya sa braso ng wala sa oras.

"Buang! Hindi pa ako ready sa mature roles."

Muling umikot ang mga mata niya. "Kaya nga momol momol muna, diba? Kumbaga sa pag-aartista, hindi ka naman agad sasabak sa pelikula, workshop workshop muna!"

"Oo na, oo na. Ang dami mong alam."

Hinila ko na siya para magpatuloy kami sa paglalakad. Parang demonyo lang siyang tumawa.

"Pero dapat siguraduhin mong pang Damon Salvatore ang leading man mo, ha! Bonus na rin kung may kapatid na Stefan Salvatore. Alam mo na, share share din pag may time."

"Demanding nito. Tingin mo talaga may mala-Damon Salvatore na papatol sakin?"

Nakalabas na kami ng gusali. Kaagad kong pinara ang taxi na padating.

"Oo naman! 'Yang beauty mong 'yan, mabenta ka sa mga foreigner at AFAM." Sagot niya.

Sinamaan ko lang siya ng tingin. Hindi na ako nakasagot dahil sumakay na kami ng taxi.

"May alam akong café. Do'n na lang tayo. Magugustuhan mo ro'n." Wika ko saka sinabi sa taxi driver ang location ng lugar.

"Talaga lang, ha." Aniya.

Hindi na ako sumagot. Tumanaw na lang ako sa bintana. Nagsisimula nang bagabagin ng mga tanong ang utak ko.

I know for sure Angelli didn't go here for nothing. Kung ano man ang sadya niya rito sa Baguio, sana ay hindi ako ang pinaka-dahilan no'n. I hate being the reason behind people's efforts. I don't deserve it.

Makalipas ang sampung minuto ay nakarating na rin kami. Kaagad na muna akong magbayad bago kami bumaba.

Bumungad sa aming harapan ang maliit na gusaling gawa sa pinagsamang wood and brick. Ang harapan no'n ay napupuno ng mga hanging vines na halos bumalot sa buong exterior ng gusali.

"Ay, gandara." Komento ni Angelli nang mapagmasdan ang lugar.

"Dito na lang tayo sa labas, mas presko." Suhestiyon ko.

Meron din kasing mga mesa sa gazebo dito sa labas. Kahit ang gazebo ay napapalibutan ng hanging vines. Magandang pagtambayan.

"Sige, ikaw na mag-order sa akin. Wait na lang kita rito."

Iyon ang ginawa namin. Ako na lang ang pumasok ng café para umorder.

The chimes rang as soon as I opened the door. Pumasok na ako at nagtungo sa counter. Mula rito ay namili na ako sa menu na nakapaskil sa taas, tutal ay meron pa namang nag-oorder sa harap ko.

Hindi 'to ang unang punta ko rito. I just figured this place out through Annika and Bridgette, sila ang nag-aya sa akin dito. So far ay nakatatlong balik na ako rito.

Gumilid na ang taong nasa harap ko para tumayo sa may claiming side kaya naman naglakad na ako palapit sa counter.

"Uhh, 1 blueberry cheesecake and 1 strawberry cheesecake. Then 1 mocha frappe and 1 macchiato, both large."

"Okay, ma'am. Repeat order lang po."

Inulit niya ang binanggit kong order. Kinumpirma ko naman 'yon habang kumukuha na ng pambayad sa aking wallet.

Abala pa ako sa pagbibilang ng bills nang biglang may naglapag ng 1,000 bill sa counter. Nangunot ang noo ko.

Napalingon ako sa pinanggalingan ng kamay na 'yon at ganoon na lang ang panlalaki ng mga mata ko nang makita kung sino iyon.

"Dr. Adelman!" Gulat kong bulalas.

He smiled. "It's on me." Aniya bago inabot ang pera sa cashier. Nataranta ako nang tanggapin iyon ng cashier.

"Sandali--"

"I insist." Hindi na ako nakaangal nang binaryahan na siya ng cashier.

Napakamot na lang ako sa braso. "Salamat."

"No worries," he smiled as he delved his hand into his pockets. Doon ko lang napansin ang kaswal niyang kasuotan. Ang tanging suot niya lang ay dark blue shirt at faded jeans. Mukhang wala siyang trabaho ngayong araw.

"Uhm, kanina ka pa ba rito?" Tanong ko.

"Nah, ako 'yong nakapila sa harap mo kanina."

Nanlaki ang mga mata ko.

"Oh! Hindi ko napansin. Pasensya na, Dr. Adelman."

Mahina siyang tumawa. "We're outside the clinic. You can call me Kier."

Hindi ko naman alam ang magiging reaksyon do'n. Though he looks genuine with the way he smiles, naiilang pa rin ako syempre. Pero mukhang madali lang mawawala ang pagkailang ko dahil sa magaang presensya niya.

"Okay..." Tumikhim ako. "...Kier."

His smile widened. "Better."

Tipid akong napangiti. Hindi talaga siya mahirap pakisamahan.

"Mukhang wala po kayong work ngayon, ah." Pansin ko.

"And it seems like wala kang therapy ngayon." Sagot niya kaya bahagya akong natawa. Sabado kasi, kadalasang araw ng therapy ko.

"Every other week ang therapy ko, depende kay..." Bahagyang nawala ang ngiti ko. Napatikhim ako. "Kay Dr. Vergara."

"Oh! Right." Nagliwanag ang mukha niya. "Oo nga pala. I heard he has a flight to Manhattan this Saturday morning for business purposes." Napapatangong aniya.

Nangunot naman ang noo ko. "May business siya?"

Napaharap siya sa akin ng may nagtatakang ekspresyon. "Oh, you didn't know?" Tanong niyang agad ko namang inilingan. "He owns several pharmaceutical companies."

Nanlaki ang mga mata ko ro'n. Pharmaceutical companies?

"Seryoso?" Hindi ko makapaniwalang tanong.

"Yup, along with various hospitals around the globe, including the Seeking Light Clinic I'm working in."

Umawang ang labi ko.

Dr. Vergara... owns that clinic?!

Imposible!

I mean, hindi naman sa imposible... hindi lang ako makapaniwala! How can he manage to be a psychiatrist and be an entrepreneur at the same time?

Naalala ko pa na minsan kong tinakot si Dr. Vergara na irereport ko siya sa may-ari ng clinic, tapos siya rin naman pala ang may-ari no'n?! Nakakahiya!

Biglang nag-ding ang counter bell sa claiming side iniindikang ready na ang isang order. They served 1 hot cup of coffee in a disposable paper cup. Kaagad nagtungo doon si Kier para kunin ang order niya.

Gosh, hindi pa ako sanay tawagin siya sa first name niya.

Hindi rin naman nagtagal ay hinain na rin nila ang isang tray ng order, iyon na 'yong sa amin ni Angelli.

Akmang kukunin ko na 'yon nang naunahan na ako ni Kier na buhatin 'yon.

"Hala, ako na! Kaya ko naman."

Sinubukan kong kunin mula sa kanya ang tray pero iniwas niya iyon sa akin. "No, I insist. Saan ang table mo?"

Napakamot na lang ako sa braso. May pagka-assertive pala ang isang 'to. "Sa labas, kasama ko pinsan ko."

"Nice," nauna na siyang naglakad kaya maagap akong napasunod sa kanya para buksan ang pinto. He even thanked me for that small gesture.

Iginiya ko siya papunta kay Angelli na kasalukuyang gumagamit ng cellphone. Pero nang maramdaman niya ang pagdating ko ay mabilis siyang napatingin sa akin.

"Ang bilis ah--" hindi niya na natuloy ang sasabihin nang ilapag ni Kier ang tray sa table namin. Kaagad natigilan si Angelli.

"Ah, Angelli, si Kier, or Dr. Adelman, nagtatrabaho siya sa clinic kung saan ako nagthe-therapy. And Kier, si Angelli, pinsan ko."

Kier initiated a handshake with Angelli. Kaagad naman iyong tinanggap ng huli.

"Ingat ka dyan, may rabies 'yan." Pagpapaalala ko kay Kier nang magtagpo ang mga kamay nila.

Natawa naman si Kier samantalang pinukulan ako ng masamang tingin ni Angelli.

"Mas mag-ingat ka dyan kay Fayven. Malala ang sakit niyan sa utak."

I bursted out laughing. She was referring to my mental disorders which I only took lightly. Si Kier naman ay hindi malaman kung tatawa ba o hindi. Mas natawa tuloy ako sa reaksyon niya.

"You can laugh. Ganyan lang talaga ang humor naming magpinsan." I assured him.

Napakamot lang siya sa batok habang nangingiti. "It feels illegal to laugh."

Oo nga pala, he's also a psychiatrist. Paniguradong weird sa kanya tumawa sa mga ganitong bagay.

"Mag-isa mo lang ba, doc? Sabay ka na sa amin." Pag-aaya sa kanya ni Angelli.

"Actually, bumili lang talaga ako ng kape. I still have to analyze some cases of mine."

"Ay, gano'n ba? Next time na lang?" Pagpupumilit pa ng gaga.

Palihim ko siyang pinanlakihan ng mga mata. Jusko, nakakahiya. Pinipilit niya pa talaga.

"Yea, sure." Walang alinlangan namang sagot ng lalake. "Alam naman ni Fayven kung saan ako hahanapin." Nakangiti pang sabi niya.

"Okay, asahan ko yan 'ha!" Nasasabik na wika ni Angelli.

Napapakamot na lang ako sa brasong humarap kay Kier. "Salamat nga ulit, ha? Di bale, sa susunod, ako naman ang manlilibre."

He just chuckled. "Wherever you're happy."

I smiled at him.

We finally bid our goodbyes for a minute. Hindi nagtagal ay umalis na rin siya.

Naupo na ako sa kaharap na upuan ni Angelli. Pero hindi pa man tuluyang sumasayad ang pwet ko sa upuan ay ginisa niya na ako.

"Iyon na ba 'yong main lead mo?!" Parang kinikiliti niyang tanong.

Napairap ako. "Sira, hindi."

"Wow, choosy ka pa ha? Pasadong-pasado na 'yon, mumsh! Panigurado siya na ang pinaka-daddy na nagtatrabaho sa clinic na pinupuntahan mo. Grab mo na 'yon!"

Hindi ako nakapagsalita. Not because I agree, but because I beg to differ.

Hindi siya ang pinaka-daddy. My psychiatrist is way--I refrained myself. No, don't say that!

"Let's go to the main point, Angelli." Seryoso akong tumingin sa kanya. "Anong ginagawa mo rito sa Baguio?"

That caught her off guard. Hindi niya inaasahang didiretsuhin ko siya kaagad.

Huminga siya nang malalim. Nang ma-compose niya ang sarili ay saka siya sumagot.

"Bihira kang sumagot sa mga messages ko. I had to make sure you're okay."

I was right. She's here to check me.

Napabuntong-hininga na lang ako.

"Hindi mo naman kailangang pumunta rito--"

"Kailangan, Fayven. Malay ko ba kung..." Hindi niya na tinuloy ang sasabihin.

Hindi niya rin naman na kailangan pang ituloy, nakuha ko na kaagad ang ibig niyang sabihin.

Napaiwas ako ng tingin.

"You attempted again, didn't you?" Diretso niyang tanong sa akin.

Napahugot ako ng malalim na hininga. "No." Pagsisinungaling ko saka diretsong tumingin sa kanya. "I didn't... I'm doing fine now, Angelli."

Hindi ko siya iniwasan ng tingin para mapatunayan ang kasinungalingang 'yon.

Tumitig din naman siya sa akin, sinusubukang ianalisa kung nagsasabi ako nang totoo.

"At isa pa, para ko na rin sila hinayaang manalo kapag pinatay ko ang sarili ko. Panigurado magdidiwang ang mga hudas nating kamag-anak, ayoko ngang maging dahilan ng pagsaya nila. If my existence means perish for them, then I'll live just so I could torment them for the rest of my life." Seryoso kong pahayag.

"Ay wow, ito na ba 'yong part na sasabihin mong 'matitikman niyo ang batas ng may api!'?"

Napairap ako. "Kung pwede lang, Angelli. Pero hindi 'to teleserye kung saan kaya kong humanap ng tutulong sa akin para maging milyonaryo ako at makahiganti sa mga taong nang-api sa akin. Ito ang realidad... kung saan ang tanging kayang gawin ng mga api ay ang mag move on kahit pa hindi nila nakuha ang sapat na hustisya para sa kanila."

Tinarak ko na ang straw sa aking baso para sumipsip do'n.

"Yeah, sad reality." Iyon na lang ang nakomento ni Angelli.

Iniba ko na lang ang topic. "Kamusta nga pala sa bahay?"

"Ayun, bulabug pa rin simula ng gabing sinugod natin ang bahay." Sagot niya saka humiwa sa kanyang cheesecake. "Hindi makapaniwala ang lahat nang magsalita ka, lalo na iyong mga bruha nating pinsan. They really thought you'd be silent forever. But personally, I'm proud you finally stood up for yourself... Though at first, na-shock din talaga ako."

Hindi ako nagsalita.

Hindi ko na alam ang sitwasyon sa bahay matapos ang pangyayaring 'yon. Hindi ko rin naman na gustong alamin.

"Buti sinupalpal mo sila, kung hindi ako talaga ang susupalpal sa kanila! Ginamit pa ang Bibliya sa kademonyohan nila. Lakas pa nilang maka-post ng Bible Verse palagi, mga kampon naman ni Satanas!"

Natawa ako. I know who exactly she's talking about. Si tita Rowene, nanay nila Hera and Vera, I don't even wanna call them ate anymore.

"Tignan mo 'to, tignan mo 'to," hinarap niya sa akin ang kanyang phone, pinapakita ang isang post ni tita Rowene mula sa FaceBook. "Philippians Chapter 3, Verse 20 daw. We are the citizens of heaven where the Lord Jesus Christ lives, and we are eagerly waiting for Him to return as our savior! Grabe, sure na sure talaga siya na may slot ang family niya sa heaven?!"

Natawa na lang ako sa reaksyon niya. Nanlalaki ang butas ng ilong niya sa galit.

"Ito pa, ito pa!" Nagscroll siya sa profile ni tiya Rowene para makita ang iba pang post nito. "According to Ephesians 4:29 daw, if you can't say anything nice, then just don't say anything at all daw! Pinost niya pagkatapos nung gabing pagsugod mo, parang pinapatamaan ka pa niya!"

Naiiling na lang ako. Anyway, I'm no longer surprised. Ganyang-ganyan naman ang pag-uugali nila. They don't practice what they preach.

"Grabe, nakaka-stress, mga hipokrito!" Napahilot siya sa magkabilang sentido. "Kapag talaga nakasalubong ko sila sa impyerno, pati si Satanas mahihiya sa mala-demonyo kong tawa!"

Natawa na lang ako ulit.

As opposed to my earlier reaction, I'm actually thankful that Angelli went here to check my condition. Nung una ay hindi pa maganda ang reaksyon ko sa pagpunta niya rito, pero ngayon, tuluyan nang bumaliktad ang nararamdaman ko tungkol do'n.

I'm happy that she went here. Somehow, unti-unti na ulit akong nakakatawa nang walang halong pagpepeke.







INABOT din ng ilang oras ang pag-uusap namin. Eventually, it had to come to an end. Balikan lang kasi si Angelli kaya hindi pwedeng abutin ng gabi ang pag-uusap namin. Pito hanggang walong oras din ang ibya-byahe niya pauwi.

It's already 4PM. Naglakad-lakad pa kami kanina sa Session Road, pero ngayon ay pabalik na sa dorm ko ang tinatahak naming daan. Hinatid niya pa talaga ako pabalik imbis na magtaxi na patungong bus station. Hindi talaga siya nagpaawat.

"Hay, kung pwede lang habaan pa ang oras." Wika niya nang matanaw na ang dorm namin.

"Kung gusto mo balik ka ulit next week." Suhestiyon ko.

Gulat naman siyang napalingon sa akin.

"Ay wow, kapit-bahay lang ba kita?" Sarkastiko niyang sabi dahilan para matawa ako.

"Kung gusto mo lang naman. Hindi ako namimilit."

"Tse. Buti sana kung hindi nakakangalay sa pwet umupo ng pitong oras sa bus!"

Narating na namin ang tapat ng dorm kaya tumigil na kami sa paglalakad. Dito na rin siya mag-aabang ng taxi.

"Oo na, sige na uwi na. Good luck sa 7 hours ulit na pag-upo."

Napairap siya. "Ikaw na nga pinuntahan--!"

Napatigil siya sa pagsasalita nang may taong biglang lumabas sa kotseng nakapark sa gilid namin. Masyado iyong malapit na napaatras pa kami nang bumukas ang pinto no'n para hindi kami tamaan.

Nangunot ang noo ni Angelli. Jusko, mukhang makikipag-away pa ang isang 'to!

Hihilahin ko na lang sana siya palayo sa pwesto namin nang masilayan ko ang mukha ng taong lumabas ng kotse. Awtomatikong lumuwa ang mga mata ko.

Sandali. Anong ginagawa niya rito?!

"Ms. Fayven."

Nilapitan niya kami, or more like... nilapitan niya ako.

Ang kaninang inis na ekspresyon ni Angelli ay nawala. Ngayon ay bagsak ang panga niyang nakatulala sa mukha ni Dr. Vergara.

Buti na lang at nakaharap sa akin ang huli kundi ay makikita niya ang lantarang pagkatulala ni Angelli sa kanya. Nakakahiya.

"Dr. Vergara." Napalunok ako, hindi makapaniwala sa biglang pagsulpot niya. "A-Anong ginagawa mo rito?"

"I just wanted to send you this."

Inabot niya ang isang paper bag.

Napakurap naman ako at napatitig sa puting paper bag na iyon.

"Ano 'to?" Inabot ko ang paper bag at sinilip ang loob. Nangunot ang noo ko nang makitang pagkain ang laman no'n.

"Food... to help you with your hangover."

Gulat akong napatingala sa kanya.

Bakit niya ako dinadalhan ng pagkain? Hindi naman ito kasama sa responsibilidad niya bilang psychiatrist ko.

"S-Salamat, sana hindi ka na nag-abala."

At teka... Hindi ba ay may flight siya sa Manhattan kaninang umaga?

"Bakit nandito ka pa?" Nagtataka kong tanong.

Nangunot naman ang kanyang noo. "Are you telling me to leave?"

Nanlaki ang mata ko at agad na umiling. Mali ang pagkakaintindi niya. "Hindi! Ang ibig kong sabihin... akala ko kasi..." Shit. Hindi ko pala pwedeng sabihin na akala ko ay may flight siya, paniguradong tatanungin niya kung saan ko nakuha ang impormasyong 'yon. Baka mamaya isipin niya pang pinagchichismisan namin siya ni Dr. Adelman--I mean ni Kier. "W-Wala. Sinadya mo pa talaga akong dalhan ng pagkain. Wala ka bang importaneng ginagawa?" Napalunok ako.

"Nothing really." Kaswal niyang sagot saka namulsa.

Sinungaling! He's a businessman handling numerous enterprises, paanong wala siyang importanteng ginagawa? Shouldn't he be handling those instead of wasting his time sending me food?

"Though I should probably go. It seems like you have company." Aniya saka sumulyap kay Angelli.

"Ah, oo, kasama ko pinsan ko."

Napatango siya. "I see," bumalik ang tingin niya sa akin. "I better keep going then. Drink the meds I included in the bag. It'll help."

Tumango na lang ako muli. "Salamat, Dr. Vergara."

He just nodded once before finally heading back inside his car. Pinanuod ko na lang ang pag-andar no'n, hinihintay hanggang sa tuluyan iyong lumayo nang lumayo.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos maintindihan kung bakit kailangan niya pang magpadala ng pagkain para sa hangover ko. Is he really this caring towards his patients?

"Tang ina!" Muntik na akong mawalan ng balanse nang bigla akong hampasin ni Angelli sa likod! "Iyon na ang main lead! Sure na! Pakshet, galing ba 'yong langit?! Paano mo 'yun nakilala?! Saan kayo unang nagkita?! At ano 'yang binigay niya--"

"Shut!" Tinaas ko ang hintuturo para patahimikin siya. Kaagad naman siyang natigilan. "Huwag mong gawan ng issue, psychiatrist ko 'yon."

Halos lumuwa ang mga mata niya sa gulat nang marinig ang sinabi ko. "Psychiatrist mo?!"

Napatakip ako sa magkabilang tenga sa lakas ng sigaw niya.

"Huwag ka ngang sumigaw!" Tumingin ako sa paligid. Buti na lang at walang gaanong tao. "Oo, psychiatrist ko siya, okay? Kaya please lang, spare him with your teleserye leading man fantasies."

"Ay beh! Malabo! Na-eexcite ako sa plot na 'yan! The psychiatrist and his broken client." Bumungisngis siya.

Napaikot na lang ang mga mata ko. Malala na ang babaeng 'to.

"Malapit nang mag ala singko. Gusto mo bang umabot ng hating gabi sa daan?" Paglilihis ko na lang ng usapan para matigil na siya.

Kaagad namang nanlaki ang mata niya sa realisasyong 'yon. "Ay shit oo nga! Muntik ko nang makalimutan!" Napatampal siya sa noo. "Sige pala mauna na ako." Mabilis niya akong bineso.

"Mag-iingat ka ha?" Utos ko.

"Mag-ingat sila sa akin." Ngumiti siya saka kaagad pinara ang papalapit na taxi.

Nang huminto iyon sa tapat namin ay kaagad niyang binuksan ang pinto. Akala ko ay magtutuloy na siya papasok pero nilingon niya pa ako saka pinaningkitan ng mata. "Hindi pa rin kita tatantanan."

Napaikot na lang ang mga mata ko.

May pangarap kasi maging direktor ang isang 'to, kaya ganito na lang siguro ang kasabikan niya sa paggawa ng teleserye. Pati ako ay ginawa pang character.

"Bye bye! Huwag ka munang magpakamatay!" Sigaw niya matapos ibaba ang bintana ng taxi. Nagsimula nang umandar ang sinasakyan niya kaya kinawayan ko na lang siya kahit gusto ko na siyang supalpalin. "Bago ka magpakamatay, subukan mo munang magpalaway!"

Halos takpan ko ang mukha ko sa hiya nang isigaw niya 'yon kahit unti-unti nang lumalayo ang sinasakyan niya. Napaka-gaga talaga!















Continue Reading

You'll Also Like

851K 23.6K 39
Bratty and spoiled, Crystal Angeline Perez is used to getting whatever she wants with a snap of her fingers. But when the ever-possessive Jacob Muril...