The CEO's Temporary Bride

By AnjSmykynyze

280K 11.3K 1.7K

When Tamara Jacinto was dared to comment on one of the posts of one of her father's Facebook friends, she has... More

Chapter 1 : The Perfect Dare
Chapter 2: Wrong Turn
Chapter 3: She's Crushed
Chapter 4 - Securing Permit
Chapter 5 - First Day
Chapter 6 - Gift Giving Spree
Chapter 7 - Making Amendments
Chapter 8 - Erochlophobia
Chapter 9 - Rules of Engagement
Chapter 10 - The Unfolding
Chapter 11 - Dark and Twisty
Chapter 12 - Officially His
Chapter 13 - Say You Won't Let Go
Chapter 14 - Supply and Demand
Chapter 15 - What are the Odds?
Chapter 16 - Put on a Happy Face
Chapter 17 - One Sunny Day
Chapter 18 - History Repeats Itself
Chapter 19 - Hot Stuff
Chapter 20 - Butterfly Kisses
Chapter 21- A Needed Distraction
Chapter 22 - Dark Desires
Chapter 23 - University Ball
Chapter 24 - The Payment
Chapter 25 - Drown the Lie
Chapter 26 - Pop the Question
Chapter 28 - Sealed Fate
Chapter 29 - The Hard Bargain
Chapter 30 - Do I?
Chapter 31 - Losing Something That Can't Be Replaced
Chapter 32 - Unlucky Fate
Chapter 33 - Ready? Game!
Chapter 34 - Breathe. Aim. Fire!
Chapter 35 - His Bed Warmer
Chapter 36 - Her Vow
Chapter 37 - His Hatred
Chapter 38 - Broken Inside
Chapter 39 - Holding On
Chapter 40 - London Lovelorn
***
Chapter 41 - Clashes and Concealment
Chapter 42: Office Politics
Chapter 43: Schemes and Suspicion
CHAPTER 44: Secrets and Consequences
Chapter 45: Unwarranted Suspicions

Chapter 27 - The Time Has Come

7.4K 300 88
By AnjSmykynyze



Hindi pa rin mawala ang ngiti ni Tamara kahit nakahiga na siya sa kanyang kama. Parang pirated CD na pabalik-balik na naiisip ni Tamara ang ginawang surpresang proposal ni Evo. Kahit alam niyang pawang pag-papanggap lang ito, hindi pa rin nawawala sa isip niya na gumawa pa rin ng effort si Evo upang maging romantic ito.

'Kung sana totoo ang lahat," bumuntong hininga si Tamara saka bumiling sa kanyang kanan upang tignan ang kanyang cellphone na nakapatong sa kanyang side table.

'Natulog na kaya siya? Naiisip din kaya niya ang tagpo kanina? 'Yung kanta niya, tagos sa puso. Balewala lang ba talaga sa kanya 'yun?' sunod-sunod na tanong niya sa kanyang isip.

Muling gumalaw si Tamara saka tumutok sa kisame.

'Baliw ka na talaga, Tamara. Sabi ko sa'yo, kumapit ka,' pinangaralan niya ang kanyang sarili.

'Pero sino ba naman ang hindi mahuhulog sa isang Evo McTavish?' pangatwiran niya.

Muling bumuntong hininga si Tamara nang maalala ang saad sa kanya ng lola ni Evo. Nasa Pilipinas si Shawn at nakita na siya ng mga tauhan ni Evo. Nangako siya kay Ellena na kung sakaling mahulog ang loob ni Evo sa kanya ay hindi niya ito tatanggihan at agad na pakakasalan. Ngunit paano kung siya ang unang mahulog? Paano kung nahulog na siya ngayon?

'Kapit lang, Tamara,' malungkot niyang paalala sa sarili.

______________________

'Did she mean what she told her friends?' tanong ni Evo sa isip habang nagsalin ng alak sa kopeta.

Hindi siya makatulog kaya nagpasya siyang mag-isang uminom sa bar ng kanyang mansyon.

'Did she really think that I am hot?' napangiti si Evo nang maalala ang mga sinabi ni Tamara nang tanungin ito tungkol sa kanya.

Did she turned him on? Definitely! It was so hot when Tamara talked about him pero mas gusto niyang makita mismo ang reaksyon ni Tamara habang hinahayaan niyang pagnasahan nito ang katawan niya. He can't wait to awaken the desire within her.

'Malapit na, Tamara,' nakangiting naisip ni Evo habang ininum ang alak sa kopeta, 'soon, you will be begging for me to take you to my bed.'

Napansin niyang umilaw ang kanyang cellphone pagkababa niya ng kopeta. Tumatawag ang inbestigador na siyang inatasan niyang hanapin si Shawn kaya mabilis niya itong sinagot.

"Hello?" ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kanyang puso.

"Mr. McTavish, tungkol po ito kay Miss Samuels," agad na sagot nang imbestigador.

_______________________

"Natagpuan na namin ang lugar kung saan nagtatago si Miss Shawn Marie Samuels," balita ng imbestigador kay Ellena.

"Alam na bai to ni Evo?" tanong ng matanda.

"Pursigidong nagtatrabaho ang binayarang imbestigador ni Mr. McTavish, hindi malayong nalaman na rin nila ang kinaroroonan ni Miss Samuels," sagot ng imbestigador.

"Ano pa ang nalalaman niyo tungkol sa kanya?" tanong ni Ellena habang umaasang may nakuhang impormasyon ang imbestigador na maaari niyang gamitin upang mapigilan ang pagbalikan nina Evo at Shawn.

"Nakitira po siya sa bahay ng isang pulis," malimit na sagot ng imbestigador saka dinagdag ang pangalan ng pulis, "Sarhento Vyn Valderama."

"Ano ang kaugnayan ni Shawn sa kanya?" tanong ng matanda.

"Aalamin ko pa lang ang tungkol diyan," sagot ng imbestigador.

"Salamat," sagot ni Ellena saka nagpatuloy, "alamin mo rin kung narating na ba kay Evo ang impormasyon tungkol kay Shawn.

"Masusunod po," saad ng imbestigador saka nagpaalam.

Nag-alalang bumuntong hinga si Ellena saka hinarap si Chad, "kailangang maunahan natin si Evo. Masyado nang inapakan ng babaeng 'yun ang dignidad ng nieto ko. We have to do something para hindi sila magkabalikan."

"Ano po ang balak niyo?" tanong ni Chad.

"Tawagan mo si Evo at ipaalam mo sa kanya ang tungkol sa nalaman mo sa London," utos ni Ellena saka nagpatuloy, "pumayag na si Tamara sa pakiusap ko pero hindi niya maipapangakong mapapaibig niya si Evo. Kailangang gumawa tayo ng paraan upang mas mapalapit ang loob ni Evo kay Tamara."

_________________________

"Tamara has distracted me too much that I almost forgot about Shawn," sa isip ni Evo habang nagmamaneho.

Tumawag ang imbestigador na binayaran niya upang hanapin si Shawn. Sinabi ng imbestigador na alam n anito ang bahay na tinitirhan ni Shawn. Matapos sabihin ng imbestigador ang address ay agad siyang umalis upang tunguhin ito.

Pumarada siya malapit sa sinasabing apartment ng imbestigador. Dahil lagpas hating-gabi na, tahimik na ang paligid at madilim na ang loob ng bahay.

"I guess she is already asleep," naisip ni Evo saka pinaandar ang sasakyan.

"Babalik na lang ako bukas," saad ni Evo sa sarili.

______________________________

Nakangiting nakatitig si Tamara sa kesame ng kanyang silid. Hindi siya makatulog dahil palagi niyang naiisip ang mga nangyari kanina sa KTV bar. Hindi niya makakalimutan ang madamdamding pagkanta ni Evo bago siya niyaya nitong magpakasal.

'Alam kong hindi totoo ang lahat pero hindi naman masama kung hahayaan ko ang sarili na maging masaya kahit ngayong gabi lang,' sa isip ni Tamara.

Niyakap niya ang kanyang unan saka pumikit. Hinayaan niya ang sarili na mangarap. Mangarap na sana lahat ay totoo. Ini-imagine ni Tamara ang magiging kasal ni Evo nang tumunog ang kanyang cellphone.

Isang mensahe mula kay Ellena ang natanggap niya.

Dito kayo sa mansyon ko maghahapunan bukas. Pag-uusapan natin ang tungkol sa engagement party. Kailangang maisagawa na natin ito sa madaling panahon.

Napangiti si Tamara sa nabasang mensahe. Dahil alam niyang tutulongan siya ni Ellena, nabuhay ang kanyang kumpyansang magkakatotoo ang mga imahinasyon niya na pagiging kasintahan ni Evo.

'Kapit ka lang, Tamara,' paalala naman niya sa sarili dahil hangga't hindi pa nasasabi ni Evo sa kanya na mahal siya nito, walang kasigurohan ang lahat.

Bumangon si Tamara saka binuksan ang recorded video na pinasa sa kanya ni Reem. Ito ang video nila nila nang magpropose si Evo sa kanya. Tutok niyang pinanood si Evo.

'He was very sincere. Parang totoo ang lahat na sinasabi niya,' buntong hiningang naisip ni Tamara.

'Hahayaan ko na lang ba ang sarili ko na umasa?' tanong ni Tamara pero agad niya rin itong sinagot, 'Pero masaya akong umaasa.'

Pabagsak na humiga ulit si Tamra saka naisip, 'Bahala na nga! Ganito naman talaga ang tunag na pag-ibig. Nagmamahal ka ng walang kapalit. Si Evo na ata ang first one-sided love ko.'

____________________________

Nagmadaling pumasok si Evo sa banyo ng kanyang silid upang makapagshower. Nakatulog siya habang iniisip kung paano niya haharapin si Shawn. Dahil dito, late na siya nang gumising.

Narinig niyang tumunog ang kanyang cellphone pagkalabas niya ng banyo kaya agad niyang kinuha ito. Nakita niyang si Chad ang tumawag kaya agad niya itong sinagot.

"This is about Shawn" panimula ni Chad.

"I know. I know. I already got her address," agad na sagot ni Evo.

"Nagpunta si Shawn sa building ng kompanya niyo sa London. May mga tao siyang kinausap," pagsisiwalat ni Chad.

"What?" nagugulohang nagtanong si Evo.

"Inalam ni Shawn ang nakaraan," saad ni Chad saka agad na dinagdag, "alam na niya ang nangyari noong na-aksidente siya."

Parang binuhusan ng malamig na tubig si Evo.

It was his stag party. Dahil sa party pill na pinainum sa kanya ng kanyang kaibigan, nawala siya sa sarili kaya nakipagsex siya sa stripteaser na binayaran ng mga kabarkada niya. Wala siyang maalala sa nangyari kaya nagulat siya nang magising siya at nalaman niyang ginawa niya 'yun sa harap ng mga bisita pero ang masaklap, nakita rin ito ni Shawn.

Knowing that Shawn saw him doing nonsense is bad enough, but learning that Shawn met an accident after witnessing what he had done is the worse.

Pero dahil sa aksidente, nagkaroon si Evo ng ikalawang pagkakataon. Minabuti nilang huwag nang ipaalala kay Shawn ang nangyari bago siya ma-aksidente upang maipagpatuloy nila ang kanilang relasyon. It was going smooth and finally, ikakasal na sana sila kung hindi lang dahil sa komento ni Tamara sa kanyang post sa social media.

"I will explain to her," saad ni Evo, "mahal ako ni Shawn kaya pakikinggan niya ako."

"Paano si Tamara? Paano ang engagement niyo?" tanong ni Chad.

Sandaling natahimik si Evo. May parte sa kanya ang nalungkot dahil dumating na ang panahon para iwanan na niya si Tamara. Pero si Tamara ang dahilan kung bakit umalis si Shawn.

"Tamara knew her place," mabigat niyang saad saka nagpatuloy, "just let me handle everything."

Tinapos niya ang tawag ni Chad at nang maibaba na niya ang kanyang cellphone ay nakita niya ang mensahe ng kanyang lola. Niyaya siya nitong maghapunan sa mansyon upang mapag-usapan ang tungkol sa engagement party.

Bumuntong hininga si Evo saka naisip na, 'ngayong gabi ko sasabihin sa kanila na hindi na matutuloy ang kasal.'

__________________________

Kabado niyang kinatok ang pinto ng apartment. Inaasahan niyang pagtatabuyan siya ni Shawn pero handa siyang tanggapin ang lahat na masasakit na salita ni Shawn basta't bumalik lang sa kanya ang babaeng tanging minahal niya.

Bumuks ang pinto at agad niyang nakita si Shawn. Halata sa mukha ni Shawn na hindi nito inasahan ang pagdating niya at agad ding sinarado ng dalaga ang pinto.

"Shawn, we have to talk," sumandal si Evo sa pinto habang muling kumatok.

"You don't have to explain, Evo. We have nothing to talk about," sagot sa kanya ni Shawn.

"Baby, please," pagmamakaawa ni Evo, "you can punish me, do anything you want. Just don't leave me."

"Evo, stop it! I – I don't love you anymore," narinig niya ang nanginginig na boses ni Shawn na halatang umiiyak ito.

Nadurog ang kanyang puso sa narinig niya mula kay Shawn pero ramdam niyang mahal pa rin siya ng dalaga kaya muli siyang nagsalita, "Baby, you only said that because you were hurt."

"For god's sake, Evo. Didn't you hear me? I don't love you. Hindi kita mahal!" bulyaw ni Shawn mula sa kabilang parte ng pinto.

"She does not want to talk to you. You better leave," narinig niyang saad ng lalaking paparating.

"You?" gulat na hinarap ni Evo ang lalaking nagsalita.

Naalala niya ang lalaking ito. This was the photographer who came to their wedding day. Siya pala ang tumulong kay Shawn upang tumakas sa venue ng kasal. Napakuyom siya saka lalapitan sana ang lalaki nang biglang humarang si Shawn at sinabing, "Leave, Evo."

"What's this? You eloped with a photographer?" galit ang nangingibabaw sa boses ni Evo.

"Yes!" Shawn proudly answered and even added, "at siya ang tunay kong mahal."

"Pinagpalit mo ako sa isang photographer?" parang sasabog ang puso ni Evo sag alit, "ini-insulto mo ba ang pagkalalaki ko?"

"Hoy, pare! Huwag mo akong minamaliit! Baka hini mo kakayanin ang isa pang rebelasyon," banta ng photographer sa kanya.

"What the fvck! Anong rebelasyong sinasabi niya?" galit na tinitigan ni Evo si Shawn.

Natataranta si Shawn dahil hindi niya alam kung ano ang pinagsasabi ni Dee-Lan, ang photographer na kinakasama niya, kaya ang tanging nasambit niya ay, "umalis ka na, Evo. Hayaan mo na lang akong maging masaya."

"He can't make you happy, Shawn!" saad ni Evo, "you only met him for a few months, but I have been your lover for more than four years now."

"Buntis si Shawn at ako ang ama ng dinadala niya!" Dee-Lan dropped the bomb that made Evo's jaw drop, "oh ano? Hindi ka pa rin ba aalis?"

"Dee-Lan, please," pinigilan ni Shawn si Dee-Lan dahil tinangka nitong lumapit kay Evo.

"You allowed yourself to be touched by another man?" hindi makapaniwalang saad ni Evo.

"I-I am s-sorry," naiyak si Shawn.

"Isa na kaming pamilya," saad ni Dee-Lan, "kaya huwag mo na kaming gulohin."

Wala sa sariling naglakad palayo si Evo habang wala namang bahid na pagsising sinundan ng tingin ni Shawn si Evo. Gusto niyang maawa sa binata pero mas masaya siya na sa wakas ay nasabi na niya ang totoong nararamdaman. Hindi niya mahal si Evo at kahit anong pilit niyang sabihin na nararapat siyang maging asawa ni Evo, hindi pa rin niya nararamdaman ang saya sa piling ni Evo katulad nang nararamdaman niyang saya kasama si Dee-Lan.

_______________________

'Fvck!' napasuntok si Evo sa manibela ng kanyang sasakyan at hindi napigilan ang kanyang paghagulhol.

He made mistakes but those mistakes were not of his doing. He lost Shawn because of the people around him.

"If it is not because of you, Shawn would not have run-away," galit na saad ni Evo habang naalala si Tamara, "she would not have fallen with that photographer. We would have been a happy couple by now."

His heart turned cold as he thought, 'prepare to receive my wrath, Tamara. Your worst nightmare will start tonight.'

Continue Reading

You'll Also Like

15.1K 746 53
Sa buhay may mga tao kang makikilala. Na magpapadama sayo ng tunay na pagmamahal. Yung pagmamahal na kayang manatili sa puso mo. Nariyan man siya s...
185K 3.8K 107
đŸ”¥Highest rank achieved #1 in ROMANCE Category:ROMCOM The courting continues.. Mas Masugid na manliligaw Mas Maganda Mas nakakahumaling Mas malupit...
754K 3.5K 5
Book 2 of That Night with Mr. Heartthrob
3M 77.4K 18
OLD SUMMER TRILOGY #2 Being the niece of the volleyball team's coach, Alia is hired to design the uniforms of the players. Seven, who has had a crush...