A Vidente

By Whroxie

345K 18.8K 2.1K

Beatrix is a seer, a descendant of Genoveva-The most powerful witch of Elysian. Her capacity to glimpse into... More

Teaser
Chapter 1
Chapter 2
Chapter 3
Chapter 4
Chpater 6
Chapter 7
Chapter 8
Chapter 9
Chapter 10
Chapter 11
Chapter 12
Chapter 13
Chapter 14
Chapter 15
Chapter 16
Chapter 17
Chapter 18
Chapter 19
Chapter 20
Chapter 21
Chapter 22
Chapter 23
Chapter 24
Chapter 25
Chapter 26
Chapter 27
Chapter 28
Chapter 29
Chapter 30
Chapter 31
Chapter 32
Chapter 33
Chapter 34
Chapter 35
Chapter 36
Chapter 37
Chapter 38

Chapter 5

9.8K 459 34
By Whroxie

PAGPASOK palang nila ng classroom ay sunod-sunod na tanong na mula kay Nancy, Stella at Jazzy ang bumungad kay Beatrix hanggang sa buong maghapon ay wala itong tigil sa pagbulalas ng pagkamangha at paghanga na rin sa kanila dahil sa nalamang relasyon  nila kay Romulus at Fhergus. Hindi talaga nauubusan ng itatanong. Tumatahimik lang kapag may professor. Ito na nga ba ang sinasabi niya. Kaya ayaw niyang malaman ng mga ito ang tungkol kay Romulus dahil tiyak na agaw pansin iyon. Umupo itong tatlo sa harapan nila ni Luna, iniharap ang mga upuan sa kanila para makipag-tsimisan. 

"Anyway, alam mo bang tumawag ang caretaker ng bahay. May mga lalaki raw na nagpunta sa bahay at pinalitan ang pintong nasira ng mga beau niyo," ani Nancy.

"Oh, that's good. Pasensiya na sa nangyari sa pinto."

"That's okay. Talaga sigurong luma na kaya nasira ng ganoon. But anyway…di ba si Romulus Saldivar, ikakasal na dapat siya sa Fiancée niya…Twilight ang pangalan, right? What happened?" Nagkatinginan si Luna at Beatrix. Si Luna ay kinagat ang pang-ibabang labi para pigilan ang tawa. Kung alam lang ng mga itong si Luna ang babaeng iyon. At ngayon siya nagpapasalamat na mas pinili ni Luna na manatili sa dati nitong mukha dahil kung hindi mas nasa mahirap silang sitwasyon ngayon. 

"Ahm…hindi natuloy, yung babae kasi, may mahal na iba." 

"Ow!" Sabay-sabay na inilagay ng mga babae ang kamay sa bibig. Ang OA naman ng mga reaksiyon.

"You mean, 'yong girl ang nakipaghiwalay. So what's that? You are a rebound? Pumayag ka?" Nagkibit na lang si Beatrix para hindi na humaba pa ang usapan. Nakakapagod sumagot.

"But he looks in love naman sa 'yo." Muli lang siyang nagkibit. Laking pasalamat niya nang dumating ang professor nila sa huling subject kaya naman bumalik na ang tatlo sa kanya-kanya nitong upuan.

When the professor started to discuss, everyone listened. Nag-note siya ng mahahalagang pinag-usapan. Nang matapos ang klase ay agad niyang inayos ang kanyang gamit. Nagmadali siya sa pagtayo. Pupunta kasi siya ngayon sa Baguio para dalawin ang kanyang mga magulang. Dalawang linggo rin siyang hindi nakadalaw sa kanyang magulang. Ihahatid siya ni Faro. Si Romulus naman balik Manila ngayon. 

"Sunduin ka ni Fhergus?" tanong ni Beatrix kay Luna na nag-aayos ng gamit. 

"Yes." Inilagay niya ang libro sa armchair ni Luna. Dalhin mo na 'to kunin ko na lang sa bahay mo." 

Sumimangot ito. "Ikaw talaga. Pulos fashion bag kasi dinadala mo tapos ako ang pinapahirapan mo sa pagbitbit ng gamit mo. Makukuba ako sa 'yo, eh." 

Tumawa si Beatrix. Dumukwang at hinalikan si Luna sa pisngi. "I love you, bff!" Sumimangot itong lalo pero ang porma ng labi ay nagpipigil ng ngiti.  

"Oh, my god!" Napabaling si Luna at Beatrix sa pinto dahil sa tili ni Nancy at mga kaibigan nito. 

"Beatrix! Oh, my god! Oh, my god! Someone is fetching you." She retrieved the bag off the chair, slung it over her shoulder, and walked to the door, perplexed. She came to a halt on the threshold, her eyes widening upon seeing Romulus outside their classroom, holding a bunch of red roses. For a little period, she was astonished and unable to react.

"Ro-Romulus?" Mabilis niyang nilapitan ang katipan nang makabawi, hinablot ang braso nito at hinilang palayo sa building. Nilinga ni Beatrix ang building at nang makitang malayo na ay saka niya ito hinarap.

"What are you doing here?" kastigo niya.

"Sinusundo kita. Gusto kong sumama sa pagdalaw sa parents mo." 

"Romulus, we've talked about this. Sana nagkita na lang tayo sa sasakyan." 

"Pero ipinakilala mo na ako sa classmates mo. Ikinahihiya mo pa rin ako?" His voice was tinged with disappointment.

"Of course not. Kaso nga lang kilala ka ng mga tao." 

"Hindi. You are not proud of me. Saka ano naman kung kilala ako ng mga tao? Ano, habang buhay mo na lang akong itatago?" Napahawak si Beatrix sa sariling noo. This is serious. Mukhang nagtatampo na talaga si Romulus.  Nagbaba ito ng tingin sa hawak na bulaklak at kapagkuwa’y mahina nitong hinampas sa isang palad nang ilang ulit. 

"Saan ba basurahan dito?" Nilinga nito ang paligid.

Parang bata talaga. Kinuha niya ang bulaklak mula rito.  "Okay na. Puwede mo na akong sunduin kung kailan mo gusto." Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi ni Romulus. Ito ang gusto niya sa lalaking ito. Madalas mabilis magtampo pero ang bilis din suyuin. Hindi nga niya sinusuyo, eh, pero nakakalma pa rin. 

Ipinantay ni Romulus ang mukha sa kanya. "Kung talagang hindi mo na ako ikinahihiya kiss mo nga ako." 

"Romulus! We're in school. Gusto mo mai-expel ako?" 

Malakas itong humalahak na tumuwid ng tayo. Natigil lang ito sa pagtawa nang lumagpas ang tingin sa kanya. Nakangiti itong kumaway kaya naman napalingon siya sa kanyang likuran. Nanglaki ang mata ni Beatrix nang makita ang kahabaan ng pasilyo ng building na puno ng estudyante. Maging ang second at third floor ay may mga estudyante at nakamiron sa kanila. Noon lang niya napagtanto na nasa gitna sila ng field. 

"Shit! Nakakahiya!" Hinawakan ni Romulus  ang kamay ni Beatrix. Pinagkawing ang kanilang mga daliri saka siya hinila pabalik sa building kung saan naroon si Luna, kasama ng mga estudyante.

"Ang drama niyong dalawa," ani Luna saka nagpatiuna na sa paglalakad. 

"Hi, Romulus!" bati nina Nancy sa lalaki. 

"Hey," balik na bati naman ni Romulus sa tatlo. Hinila na niya agad si Romulus at sumunod kay Luna. Baka kung anu-ano pang itanong nina Nancy. Lahat ng estudyante na nadaanan nila ay nakatingin sa kanila. Nasa mga mukha ang inggit at paghanga. Ganito rin ang mga ito noong naging sila ni Kajick. Palibhasa heartthrob kuno.

Speaking of Kajick. Hindi niya inaasahang makikita ito sa kanilang department. Malayo rito ang building nito sa kanila. Sa pagkailang dahil sa pagtitig nito, lalo na nang bumaba ang tingin sa magkahawak na kamay nila ni Romulus. Hinila niya ang kamay mula sa pagkakahawak ni Romulus pero hindi iyon pinahintulutan ni Romulus. Mahigpit nitong hinawakan ang kamay niya. Nagyuko na lang siya ng ulo hanggang sa marating nila ang sasakyan. 

"Ihatid mo na si Luna, Faro," utos ni Romulus sa kaibigan nila na naghihintay sa kanila sa sasakyan.

"Hindi ako sasama sa Baguio?" 

"Bakit ka sasama?" Agad na nagsalubong ang mga kilay ni Romulus. 

"Pinapasama ako ni tita Florina. Saka ipinagluto ako niyon ng adobong tupa." 

"Nandito ako kaya ako sasama sa girlfriend ko, Faro. Ihatid mo si Luna. Saka wala si Fhergus. Malalaro mo si Javiah nang walang nanininghal sa 'yo. Ayaw mo 'yon?" His voice is a bit annoying yet convincing.

Malapad namang napangiti si Faro nang mapagtantong wala si Fhergus ngayon. "Okay. Let's go, panget." Mabilis na umikot si Faro sa kabilang bahagi ng sasakyan para pagbuksan si Luna. Siya naman ay pinagbuksan naman ni Romulus.

"Anyway, akala ko ba luluwas ka ngayon?" tanong niya kay Romulus nang makasakay ito ng sasakyan. Binuhay nito ang makina. 

"Gusto kong sumama sa 'yo. Gusto ko rin dalawin ang magulang mo." Minaniobra ni Romulus ang sasakyan palabas ng parking lot. 

"Na-miss ko rin ang adobong tupa ng mommy mo." Paborito nga rin iyon ni Romulus. Naging paborito nito nang matikman ang luto ng kanyang mommy. Ipinagbalot niya ito minsan. Masarap kasi talang magluto ng adobong tupa ang mommy niya. 

"Ex mo 'yon 'di ba?" Mula sa kalsada ay bumaling si Beatrix kay Romulus. Bahagya siyang nilinga nito. 

"Iyong lalaki sa building. Siya 'yon. Ano ang ginagawa niyon sa archeology department? Master degree for business ang kinukuha niya di ba?" Tumaas ang kilay ni Beatrix sa pagtataka kung bakit nito iyon alam. 

"How did you know about that?" Pinaningkit niya ang kanyang mga mata. 

"Stalker ka na rin?" 

"Fuck! No way!" 

"Eh, paano mong nalaman?" 

"Wala. Na-curious lang–" 

"Kaya pinaimbestigahan mo ganoon ba?" Hinaplos ni Romulus ang likod ng ulo. 

"Hindi naman iyon pagpapa-imbestiga," he reasoned out. Napailing na lang si Beatrix.

Madilim na nilang narating ang bahay nila sa Baguio. Pinagmasdan niya ang kanilang bahay. Higit itong maliit kumpara sa dati nilang bahay sa Erimia village, sa village kung saan pulos Paganus ang nakatira. Bungalow type. May iisang banyo lang at apat na katamtamang laki na silid na inuukupa ng mag-asawang Mang Bart at Manang Perla, si Mang Bart ang kanilang driver at si Manang Perla ay kasambahay nila dati pa na sumama rin sa kanyang magulang sa paglipat. Ang isang silid naman ay gamit ng kanyang kapatid ang naroon. Ang isa ay para sa kanya na nagagamit lang sa tuwing dadalaw siya rito. The entire house and surrounding were protected with incantation for her parents' safety.

Nilinga niya si Romulus at may pagtataka na pinanood ito habang kinukuha  ang bulaklak mula sa likod ng sasakyan. Nakangiting naglakad si Romulus palapit sa kanya dala ang isang bouquet ng tulips na may samo't saring kulay. 

"Para kanino 'yan?" Hindi na nasagot pa ni Romulus ang tanong ni Beatrix nang lumabas ang kanyang mommy mula sa bahay. 

"Beatrix, nandito ka na pala."

Gumuhit ang ngiti sa labi ni Beatrix. Tumakbo siya palapit sa ina at mahigpit itong niyakap. 

"Mom, I missed you." 

"Hay! Mabuti at naisipan mo akong dalawin."  

"Sorry, mom. Medyo busy sa school kaya ngayon lang ako nakadalaw. Kumusta po kayo…" Bumitaw siya mula sa pagkakayakap sa ina. "Si Dad." 

"Nasa supermarket ang daddy mo pero pauwi na iyon." Lumagpas ang tingin ng kanyang mommy sa kanya.

"Good evening, mommy." Napakunot-noo si Beatrix sa pagtawag ni Romulus ng mommy sa kanyang ina, lalo na nang abutin nito ang kamay at magmano. Hindi ito niyon ginagawa, ang pagmamano. 

"For you po." Inabot nito ang tulips sa kanyang mommy. And he never used 'po.'

"Sana po magustuhan niyo."

Tipid na ngumiti ang kanyang mommy. "Salamat. Nasaan nga pala si Faro?" 

"Hindi na po sumama. Hinatid si Luna." 

"Ganoon ba? Sayang naman. Ipinagluto ko pa naman siya ng adobong tupa." 

"Ako po paborito ko po 'yon," pasok ni Romulus sa usapan.

"Oo nga, eh. Laging nagpapaluto sa akin si Beatrix sa tuwing dadalaw rito para sa 'yo." 

"Mom!" awat niya sa ina. 

Ngingisi-ngisi naman si Romulus na tumingin sa kanya. "So, you've requested it for me. Taliwas sa sinabi mong tira-tira lang 'yon?"

"Tse!" Humalakhak si Romulus. Arg! Ewan niya ba pero ayaw niyang isipin nito na may mga ginagawa siyang bagay para rito. Pakiramdam niya ay lumalalim ang koneksyon nila kapag ganoon at kapag natapos ang relasyon nila ay mag-iiwan iyon ng malaking sugat sa kanya. 

Ang kanyang mommy ay napapangiti naman habang nakamasid sa kanila. Halos magkapanabay silang bumaling sa dumating na sasakyan. Ang kanyang daddy. Nang maiparada nito at makababa ng sasakyan ay napangiti si Beatrix nang makitang may dala itong bulaklak. Sinalubong niya ito at humalik sa pisngi. 

"Saan 'yan galing? Ganda, ah?" tukoy nito sa bulaklak na hawak ng kanyang ina. Humalik ito sa esposo at kinuha mula rito ang sunflower.

"Para sa akin ba 'to? Napakaganda!"

"Pero mas maganda 'yang hawak mo. Sino ang nagbigay niyan?" 

"Si Romulus…para sa akin higit na maganda ang anumang bagay basta galing sa 'yo." Nakikita niya ang kilig sa mata ng kanyang mga magulang. Nakakatuwa na ganito pa rin ka-sweet ang kanyang mga magulang. Ganitong klaseng relasyon din ang nais niya. Iyong hindi nauubos ang pagmamahal sa isa't isa. Walang ibang maganda para sa kanyang ama kundi ang kanyang ina. Walang katapusan ang pagmamahal ng mga ito sa isa't isa at ganoon ang gusto niya. Ayaw niyang titingin sa iba ang kanyang mahal o kahit ang magnasa sa iba. 

"Romulus," bati ng kanyang ama kay Romulus.

"Dad." Mabilis nitong kinuha ang kamay ng ama at nagmano. Mommy, dad? Ano'ng nangyayari dito kay Romulus. Sir at ma'am ang ginagamit nito para i-address ang mga magulang niya.

"Halina kayo sa loob. Maghahanda na ako ng hapunan," pagyaya ng kanyang mama at nagpatiuna na itong pumasok. Sumunod ang kanyang ama. Ikinawit niya ang braso sa baywang ni Romulus nang akbayan siya nito at sabay na tinungo ang pinto. 

"Mommy and dad? Ano 'yon? May pamano ka pa, ah?" 

"Sinasanay ko lang ang sarili ko. Ganoon mo na ring tawagin sina mom." Nagkibit lang si Beatrix. Tinulungan na ni Beatrix ang kanyang ina at si Manang Perla sa paghahanda ng mesa habang si Romulus at ang kanyang ama ay naiwan sa sala.

"Kumusta ka naman, Beatrix?" tanong ng kanyang ina habang inilalagay ang ulam sa mesa. Inilapag ni Beatrix ang huling baso sa mesa bago sinagot ang tanong ng ina.

"I'm okay, mom. Nag-e-excel ako sa school." 

"That's great." 

"How about your ability? Is it getting stronger?" 

"Katulad pa rin po ng dati. I still can foree events. Baka iyon lang po ang ability ko. What do you think, mom?" 

Tipid na ngumiti ang ina at ibinalik ang atensyon sa ginagawa. Ang mga plato naman ang isa-isang inayos sa mesa.

"'Yan lang…huwag ka nang maghangad pa ng mas malakas na kapangyarihan, Beatrix. Makuntento ka sa biyaya sa 'yo." Nang mailapag ang huling plato sa kabisera ng mesa ay humarap ito sa kanya. 

"Promise me that you will not use witchcraft to get more power. Makuntento ka sa bagay na meron ka. And please, gamitin mo lang ang kakayanan mo sa mabuti. Limit. Baka ikapahamak mo na naman 'yan." 

"Opo, mom." Nahihimigan niya ang pangamba sa boses ng kanyang ina. Hindi lang sa boses kundi sa mga mata nito. 

"Tawagin mo na ang daddy mo at si Romulus." Agad naman siyang tumalima. Pinuntahan niya ang dalawa sa sala. 

"The dinner is ready," anunsyo niya. Unang tumayo si Romulus, ipinaikot ang braso sa kanyang baywang. 

"I asked Romulus what was your plan. May balak ba kayong magpakasal?" Napangiwi si Beatrix sa narinig sa ama. Tumayo ito at naglakad patungo sa dining habang sinundan naman nila. 

"Wala pa po sa plano. Nag-aaral pa ako." Pinaghila siya ni Romulus ng upuan. Naupo siya roon matapos umusal ng pasasalamat. Naupo naman si Romulus sa kanyang tabi habang ang kanyang papa ay sa kabisera at ang kanyang mama ay sa kanyang tapat. Naupo na rin si Manang Pera at Mang Bart sa bahagi kung saan nakaupo ang kanyang ina.

"But you are living together." 

"It's part of relationships, dad. Living together under the same roof is a significant factor in making decisions for their future. Whether they get married or separate." 

Nailing ang kanyang ama. "Ano'ng klaseng pananaw 'yan, Beatrix?" Nakikita niya ang disappointment sa mukha ng ama. 

"Dad, according to one philosopher, every romantic relationship has at least three kinds of intimacy, sometimes four: emotional, physical, volitional and spiritual. These are the factors we are considering before deciding whether or not to settle down. Huwag kang magmadali. Saka bata ka pa para magkaapo." 

"Mabuti pa kumain ka na muna, Andreas," awat ng kanyang ina sa esposo. Inabot nito ang kutsara at sumandok ng adodong tupa at inilagay sa plato ng asawa. Matapos nito ay siya naman ang nagsandok at nilagyan ang plato ni Romulus. 

"I missed eating adobong tupa," Romulus said, stabbing a chunk of meat with his fork. Napansin ni Beatrix ang pagtitig ng kanyang mama kay Romulus habang may ngiti sa labi kaya napatingin siya kay Romulus. Ngayon niya lang ito napagtanto at tingin niya iyon ang nakikita ng kanyang ina. Tiyak na nakikita nito ang kuya niya kay Romulus. Adobong tupa is her brother's favorite. Noon ay nakagawian na nila ang pag-uulam ng adobo tuwing biyernes. Parang festive day nila iyon. Pero hindi niya gaanong paborito iyon. Ang kanyang kuya lang talaga ang mag paborito niyon kaya nang magsimulang magtrabaho ang kapatid niya ay nagluluto na lang ang kanyang mama sa kapag umuuwi ang kapatid niya. Si Romulus ay parang ang kuya niya kung kumain. Magana. Ganyan na ganyan tumusok ng karne sa unang pagkain. Nang matikman ni Romulus ang adobong tupa na luto ng kanyang mama ay naging paborito na nito iyon kaya madalas siyang magpaluto sa kanyang mama para kay Romulus. Sinasabi niya kay Romulus na tira lang iyon.

"Marami pa 'yan. Kumain ka lang," himok ng kanyang mama. Mukhang effective ang pagsisipsip ng loko, ah. Eh, hindi ito gaanong gusto ng kanyang mama. Natatakot kasi ang kanyang mama sa dalang panganib ng mga Lycan sa kanila kaya nga bibihira rin niyang isama si Romulus sa bahay nila.

"Dito na kayo matulog, ah?" Hindi makapaniwalang napatitig si Beatrix sa kanyang mama. Nagtatanong kung tama ba ang narinig. 'Kayo' means sila at hindi lang siya.

"Kami po? Not only me?" 

"Gabi na. Malayo pa ang bahay niyo at masyadong gagabihin si Romulus kung uuwi pa siya." Wow! Eh, dati naman hindi ito nag-alok. Kinakailangan pang umuwi ni Romulus at siya lang ang maiiwan. Kahit si Romulus base sa ekspresyon nito ay hindi mapaniwalaan ang sinabi ng kanyang ina.

"Sige po! Gusto ko po 'yan!" si Romulus na malapad na ngumiti. 

"Doon na si Romulus sa silid ng kuya mo." 

Natigil si Romulus sa muling pagsubo at tumingin kay Beatrix. Bahagya nitong inilapit ang sarili sa kanya. "We're living together tapos maghihiwalay tayo ng kuwarto rito?" 

"Nagrereklamo ka, Romulus?" Agad na umayos ng upo si Romulus dahil sa tanong ng kanyang ama. 

"Wala po, dad." Ngising aso ang gumitaw sa labi nito. Napatawa naman si Beatrix. Nang matapos kumain ay agad na nagpresinta si Romulus na ito na ang maghuhugas. 

"Naku! Ako na lang niyan, Romulus," si manang Perla. 

"Ako na po, manang Perla. Mabuti pa po magpahinga na kayo." Ano kaya ang nangyayari sa lalaking ito? Magalang. Sweet. Ngayon masipag. Masipag naman talaga si Romulus sa kusina pero sa pagluluto lang at hindi siya pagliligpit.

"Manang Perla, hayaan mo na po siya. Kami na lang po maghuhugas," segunda niya para pumayag na si manang Perla.

"Sigurado kayo?" 

"Opo. Sige na po magpahinga na kayo." 

"Oh, siya sige. Kayo ang bahala." Bagamat pumayag ay tila diskumpiyado itong magagawa nila nang maayos ang paghuhugas dahil ang titig nito sa pinagkainan ay hindi maalis. Ganito talaga itong si manang Perla kahit noon pa man. Matagal na ito sa kanila. At kapag siya ang pinaghugas ng kanyang ina ay muli rin nitong susuriin iyon kung maayos niyang nahugasan. 

"Aayusin po namin," nangingiti niyang paninigurado. 

"Magpahinga na po kayo para may oras naman kayo ni mang Bart makapag lambingan." Marahang natawa ang babae saka nagpaalam. Sinimulan nilang ligpitin ni Romulus ang mga plato at dinala sa kusina. Sinimulan nila iyong hugasan. Siya ang naghugas ng baso at kutsara habang si Romulus naman sa plato.

"Ano ang ginagawa mo? You are acting weird." 

"Am I acting weird? Sa paanong paraan?" 

"Ang galang mo. May pabulaklak ka pa. May pagmano. Sa mahigit dalawang taon nating relasyon you've never did that…insecure ka kay Faro 'no?" 

"Of course not." Sinilip niya ang mukha ni Romulus na nakatutok sa hinuhugasang plato.  Gumalaw ang mata nito para tingnan siya. 

"Oo na!" pag-amin nitong bigla. 

"Hindi puwedeng ako ang boyfriend mo tapos iba ang gusto ng parents mo. I will do everything to make myself their favorite." 

Napatawa si Beatrix. "Para kang sira. Mahirap i-please ang parents ko." Sa loob ng mahigit dalawang taon ng kanilang relasyon alam niyang may doubt pa rin ang parents niya. Alam niyang kung ang mga ito ang masusunod hindi nito gugustusin na makipag relasyon siya kay Romulus. Pero nang sabihin niyang masaya naman siya kay Romulus ay sinuportahan na lang siya. Pinapakitunguhan naman si Romulus nang maayos. Tinatanggap naman sa bahay nila. Medyo nagulat nga siya kanina ng buksan ng kanyang ama ang usapin tungkol sa pagli-live in nila na para bang pinapahiwatig ang paglagay sa tahimik. Pumayag pa dito si Romulus matulog na hindi naman ng mga ito pinahintulutan noon. May pagbabago talaga.

"Nakikita kong mahal na ako ng parents mo. Hindi lang showy, parang ikaw." Nakakunot-noo niya itong tiningala. Bigla naman siya nitong ginawaran ng halik sa labi kaya napatawa na lang siya.

Matapos maghugas ay naglinis na siya ng katawan at si Romulus. Naupo sila sa terasa   at doon nagkuwentuhan kasama ang magulang. Nang dalawin ng antok ay nagyaya ng matulog ang kanyang magulang at para siyang batang sinabihang matulog na rin. At dahil medyo inaantok na rin siya nagpasya na silang matulog ni Romulus. 

"Hindi talaga ako puwede riyan?" tanong ni Romulus habang hinahalikan siya sa labi. 

"Hindi puwede."  Bahagya siyang umungol nang isandal siya nito sa nakasarang pinto ng kanyang silid. Nakapaikot naman ang kanyang mga braso sa leeg ni Romulus habang tinutugon ang halik nito. Ang kamay nitong nasa kanyang baywang ay dahan-dahang tumaas patungo sa kanyang dibdib pero bago niyon marating ay…

"Matulog na kayo. Gabi na!" Mabilis niyang naitulak si Romulus nang marinig ang malagong na boses ng kanyang ama. Nasa kanilang likuran ito. Itinikom niya ang kanyang bibig at itinakip ang kamay roon. 

"Goodnight, dad." Itinulak niya si Romulus patungo sa silid nito na nasa dulo. Nasa gitna naman ang silid ng kanilang  magulang. 

"Goodnight, dad," ani Romulus na tinungo ang silid. Binuksan nito iyon pero hindi agad pumasok. Bumaling pa ito sa kanya at nag flying kiss. Bumungisngis si Beatrix at nang hindi nakatingin ang kanyang ama ay nag-flying kiss din siya rito. Tuluyang pumasok ang kanyang ama sa silid nito. They are staring at one other for quite some time, trying to figure out what they should do next. Nang hindi makatiis ay sabay silang humakbang pasugod. Nang magtagpo ay agad na naglapat ang kanilang mga labi sa isang mainit na halik. Nakaramdam siya ng init sa katawan dahil sa napakasarap na halik. Bigla  namang bumukas muli ang pinto ng silid ng kanyang magulang kaya wala silang nagawa kundi tapusin ang halik. Sabay silang bumaling sa pinto kung saan sila mismo nakatayo, sa tapat nito. Ang kanyang ama ang naroon at salubong ang mga kilay. 

"Nagpapaalam lang, dad," pagrarason niya at awkward na ngumiti sa ama.

"Sa abroad ba ang punta?" 

Bumungisngis si Beatrix. "Dad, naman." 

"Pumasok ka na. Matulog na." 

"Opo." Muling nagkatinginan si Romulus at Beatrix bago tuluyang tinungo ang sariling mga silid. Nang makahiga ay tumunog naman ang kanyang phone na nasa ibabaw ng night table. Binuksan niya ang text message mula kay Romulus. Pagkabasa palang ay agad na siyang napatawa. 

(I'll sneak into your room, later. Patulugin ko lang parents mo.) 

Continue Reading

You'll Also Like

788K 13.5K 18
A collection of one-shots by MsButterfly
3.9M 8.4K 6
He calls her princess since time she can no longer remember. She almost believed she was his Princess. Pero nakababatang kapatid lang pala ang turing...
7.9K 291 8
ALLISON FREDRIK SELLOZZO @El Camarico
5.1M 78.8K 51
(PUBLISHED BY LIB) He's My Secret Agent Brother and Soon To Be Husband (Two books), now a published book under LIB creatives. Php 110. Available at a...